narito ang kasaysayan ng pag-unlad ng wikang pambansa, sang-ayon na din sa mga saligang batas na umiiral.
Ang sanggunian nito ay : "Komunikasyong Epekyibo sa Wikang Epektibo" nina Bernales, R.A., et al. 2015
narito ang kasaysayan ng pag-unlad ng wikang pambansa, sang-ayon na din sa mga saligang batas na umiiral.
Ang sanggunian nito ay : "Komunikasyong Epekyibo sa Wikang Epektibo" nina Bernales, R.A., et al. 2015
BALBAL SA KADALANAN: Isang pagtuklas sa sosyo-heograpikal na Wika ng mga Bata...SheenaTolentino1
Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnayan na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ang wika ng mga batang kalye ay tulad ng paru-parong palipad-lipad, palipat-lipat at dapo nang dapo kung saan-saan na nagiging dahilan ng paglago ng halamang kanyang dinadapuan ---- ang pamumukadkad ng bulaklak. Sa pagpapalipat-lipat nito, lumalawak ang kaisipan sa pakikipagtalastasan.
Ganito namin ihambing ang wika ng mga batang kalye sa mga paru-paro dahil sa “humapon” ito kung saan-saan na katulad rin ng wika na madadagdagan ang iyong kaalaman sa pakikipagtalastasan.
Ang pananaliksik na ito ay bunga ng isang maingat at maayos na pag-aaral at pagsisiyasat tungkol sa isang paksa. Bunga ito ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pagtuklas ng ilang mahahalagang bagay na nais mabatid. Layunin ng pag-aaral na ito na malaman at kumalap ng mas maraming datos at impormasyon tungkol sa wika ng mga batang kalye. Nais naming saliksikin at tuklasin ang paraan ng kanilang pakikipagtalastasan gamit ang kanilang wikang nakasanayan. Ito ang magiging lunsaran upang maipakita ang matibay na hiblang nakaangkla sa wikang sinasalita ng mga batang kalye.
MORPOLOHIYA NG WIKANG AYANGAN: ISANG PAGAARALAJHSSR Journal
ABSTRAK: Ang pag-aaral na ito ay naglalayong mailahad ang palabuuan na sumasaklawsa anyongmorpema
ng wikang Ayangan ng Mayoyao, Ifugao. Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng deskriptibongkwalitatibong
disenyo ng pananaliksik kayat ito ay gumamit ng di-binalangkas na pakikipanayamsamgatagatugon na tagalower bahelna ng nasabing lugar. Natuklasan sa pag-aaral na mayroong morpemangsalitang-ugat, morpemang
panlapi, at malimit na morpemang ponema ang wikang Ayangan. May mga salitang- ugat sa wikang Ayangan
na ang salin sa wikang Filipino ay hindi nag-anyong salitang-ugat. May mga salitarinna ang bilang ng pantig ng
salitang-ugat sa wikang Ayangan ay hindi pareho sa bilang ng pantig ng salitang- ugat sa wikang Filipino at ito
ay bise bersa. May mga panlapi sa wikang Ayangan na tinumbasan ngmgapanlapi sa wikang Filipino. Ang mga
panlapi na ginamit sa paglalapi sa mga salitang-ugat para magingmakauri at makangalan na mga salita sa
wikang Ayangan ay pareho na ginamit sa paglalapi sa mga salitang- ugat sa wikang Filipino bilang tumbas ng
mga salita sa wikang Ayangan. Ang paglalaping ginawa sa makauri at makangalan sa wikang Ayangan ay
pareho sa wikang Filipino. Natuklasan din na ang panlaping [in] at [um]ay nagkakaiba ng pusisyon sa mga salita
sa hanay ng makadiwa. Natuklasan din sa pag-aaral na ito na walangsalita sa wikang Ayangan ang may
laguhang paglalapi. Natuklasan din na ang indigenous accent symbol ( ' ) aykumakatawan bilang [ko] at ang
ponemang /m/ naman ay kumakatawan bilang [mo] sa morpemang ponemangwikang Ayangan.
Susing-salita: palabuuan, morpema, wikang Ayangan, lower bahelna, wikang Filipino
Depicts some of pastries bake either at home or in a baking class. This presentation serve as a guidelines on how one should bake pastry (w/ ingredients).
Isang proyekto sa Araling Panlipunan na nagpapakita ng iba't ibang kaaya-ayang tanawin sa Pilipinas na dinadayo ng mga turista. Mayroong mga halimbawa sa Luzon, Vizayas at Mindanao.
This depicts the second part of Dante's Divine Comedy, following the Inferno and preceding Paradiso. The poem was written in the early 14th century. It is an allegory telling of the climb of Dante up the Mount of Purgatory, guided by the Roman poet Virgil, except for the last four cantos at which point Beatrice takes over as Dante's guide.
Modyul 1: Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, Multilingguwalismo at Poliglot
1. Modyul 1: Monolingguwalismo, Bilingguwalismo,
Multilingguwalismo at Poliglot
Layunin:
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. Matukoy ang pagkakatulad at pagkakaiba ng monolingguwal, bilingguwal, multilingguwal
at poliglot sa pamamagitan ng isang Venn Diagram.
2. Maipagkumapara ang monolingguwalismo, bilingguwalismo, multilingguwalismo, at
poliglot.
3. Maipaliwanag ang kahalagahan ng lingguwistika at ang konsepto nito.
Introduksyon
Ang wika ay may napakahalagang papel sa iba’t ibang bansa. Ito ang sumasalamin sa kultura,
paniniwala, karunungan at damdamin ng mga mamamayan sa isang bansa. Ang bawat bansa ay
may kanya-kanyang konseptong lingguwistikal. Lingguwistika ang katawagan sa pagaaral ng mga
eksperto sa wika. Sa modyul na ito ay matutunghayan at matatalakay ang monolingguwalismo,
bilingguwalismo, multilingguwalismo at poliglot.
Pagtatalakay
Ayon kay Mangahis et al (2005), ang wika ang midyum na ginagamit sa maayos na paghatid at
pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan. Retrieved from:
https://www.facebook.com/loslunaticosbravos/photos/pb.1744425182468521.-2207520000.1470777725./1776589165918789/?type=3&theater
Ang wika ay isang mahalagang instrumento sa isang komunikasyon. Ang wika ay kaparis ng
hininga ng kung mawawalan nito ang tao, nangangahulugang ito ay patay. Kaakibat nito ang mga
tunog na pinagsama-sama upang makabuo ng mga salitang nagkakaroon ng kahulugan sa mga
dayalektong sinasalita ng mga tao. Itoang tulay upang magkaroon ng tuwirang ugnayan ang mga
tao na nagiging paraan ng pagkakaintindihan ng isa’t isa.
2. MONOLINGGUWALISMO
Ayon kay Richards at Schmidt (2002), ang monolingguwal ay isang indibiduwal na may iisang
wika lamang ang nagagamit. Retrieved from: http://www.readingmatrix.com/articles/shen/article.pdf
Mula sa salitang ‘mono’ ay magkakaroon na ng pagkakakilanlan na ang monolingguwal ay ang
pagkakaroon ng iisang lingguwahe o wika. Sa isang bansa o nasyon, kung ito ay isang
monolingguwal bansa nangangahulugang iisang wika ang umiiral bilang wika ng komersiyo,
negosyo atpakikipagtalastasan sa pangaraw-araw na buhay ng mamamayan nito.Bukod rito,ang
gagamiting wikang panturo sa lahat ng asignatura o larangan ay iisang wika.
BILINGGUWALISMO
Ayon kay Weinrich (1935), ito ang katawagan sa paggamit ng dalawang wika ng magkasalitan at
ang taong gumagamit nito ay tinatawag na bilingguwal. Retrieved from:
https://prezi.com/yv3gewuukgqb/bilingguwalismo/
Ito ay nangangahulugang ang bilingguwalismo ay isang penomenang pangwika na ginagamit sa
sosyolinggwistiks. Dito pinapakita ang ugnayan ng tao sa lipunan sa pamamagitan ng
komunikasyon na ginagamitan ng dalawang wika.
Ayon kay Bloomfield (1935), ito ay tumutukoy sa pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba
ang dalawang ito ay kanyang katutubong wika. Retrieved from: https://prezi.com/yv3gewuukgqb/bi lingguwalismo/
Ito ay nangangahulugang malayang paggamit ng dalawang wika sa pagtuturo
at pakikipagtalastasan sa paraang ang hiram na wika ay nagiging sarili niyang wika sa pagdaan
ng panahon. Nangyayari ito, sa kadahilanan ng katagalan ng panahon na paggamit ng ibang wika
na hindi nakakaligtaan ang katutubong wika. Katulad sa Pilipinas na gumagamit ng wikang
Filipino bilang wikang pambansa at wikang Ingles namn bilang wikang global.
Kung minsan nagagamit ng bilingguwal ang dalawang wika na halos hindi na makikilala o
matutukoy kung alin sa dalawang ito ang unang wika at kung alin ang ikalawang wika.
MULTILINGGUWALISMO
Ayonkay Leman (2014), Ang mga tao ay maaaring matawag na multilingguwal kung maalam sila
sa pagsasalita ng dalawa o higit pang wika, anuman ang antas ng kakayahan.
Base rito, maaaring tawaging mulitilingguwal ang isang tao kung siya ay may kakayahang
makapagsalita ng dalawa o higit pang wika ng hindi sinusukat ang kanyang kasanayan at
kagalingan sa mga wikangito na kanyang sinasalita. Itoay tumutukoy hindi lamang sa kakayahan
ng isang indibiduwal na magsalita ng isang wika kung hindi sa kakayahanrin nitong makaunawa.
3. Ayon kay Stavenhagen (1990), iisang bansa lamang sa buong mundo ang monolingguwal at
laganap na ang bilingguwal at multilingguwal. Retrieved from: https://prezi.com/i8xksyb0sdru/multilingguwalismo/
Ang lahat ng bansa maliban sa isa ay kung hindi bilingguwal ay multilingguwal. Ito ay sa
kadahilanan ng kolonyalismo o hindi kaya naman sa impluwensiya ng dayuhan pagdating sa mga
kalakalan.
Itoay tumutukoy sa paggamit ng isang wikasa tiyakna lugar at panahon sa ibat-ibang wika.Isang
halimbawa na lamang nito ay ang iba’t ibang rehiyon at lalawigan sa Pilipinas, ang iba sa mga
Pilipino ay hindi nalilimitahan sa Ingles at Filipino lamang ang kanilang wika.
POLIGLOT
Ang poliglot ay kasingkahulugan ng multilingguwalismo sa ilang mga salik. Dahil sa
pagkakapareho ng dalawa ay nakakalikha itong kalituhan sa pagtingin ng isang indibiduwal. Ang
pagkakaiba nito sa multilingguwalismo ay ang dahilan ng isang indibiduwal sa pag-aaral ng mga
wika. Sinasangguni ito bilang isang katawagan sa taong natuto ng maraming wika bilang isang
‘avocation’.
Ayon kay Clyne (2014), kung ang isang indibiduwal ay bihasa sa paggamit ng iba’t ibang wika
maaari siyang ituring na isang poliglot.
GAWAIN
A. Pagkumparahin ang multilingguwalismo at poliglot. Punan ang ‘table’ sa ibaba upang
tukuyin ang pagkakaiba ng dalawa.
Multilingguwalismo Poliglot
4. B. Gumawa ng isang sanaysay na nagpapakita ng kahinaan at kalakasan ng
monolingguwalismo, bilingguwalismo, multilingguwalismo at poliglot.
C. Magsaliksik at lumika ng isang tsart na nagpapakita ng porsyento ng tao sa mundo na
monolingguwal, bilingguwal, multilingguwal at poliglot.
PAGLALAHAT
5. Sanggunian:
Grenfell, M. (1999) Modern Languages and Learning Strategies: In Theory and Practice.London:
RoutledgeFalmer.
Slimani, A. (2001) ‘Evaluation of Classroom Interaction’, in Christopher N. Candlin and Neil
Mercer (eds.) English Language Teaching in its Social Context: A Reader. London: Routledge.
Prowse, P. (2005). Success with extensive listening. Retrieved May 15, 2005, from
www.cambridge.org/elt/readers/prowse2.htm
Shen, Ming-yueh (2008 September) EFL LEARNERS’ RESPONSES TO EXTENSIVE READING:
SURVEY AND PEDAGOGICAL APPLICATIONS Retrieved from:
http://www.readingmatrix.com/articles/shen/article.pdf
Amparado, Rainier (2016 July 10,) Monolinguwalismo, Bilingguwalismo at Multilingguwalismo
Retrieved from: https://www.slideshare.net/RainierAmparado/monolinguwalismo-
bilingguwalismo-at-multilingguwalismo
Richard P. Moral Jr. at Leah Farfaran (2015) Ulat sa monolinggwalismo at bilinggwalismo
http://documents.tips/documents/ulat-sa-monolinggwalismo-multilinggwalismo-at-
bilinggwalismo.html
Tarvina, Erold (2013 October 05,) Bilingguwalismo at Multilingguwalismo Retrieved from:
https://www.scribd.com/document/330178625/Bilingguwalismo-at-Multilingguwalismo
Good Language Learning through Cyclesof Reflectionand Strategy Usage (2006) Retrieved from:
http://www.birmingham.ac.uk/Documents/college-
artslaw/cels/essays/secondlanguage/KunitakeSLAPG.pdf
Wikang Pambansa, Multilingguwalismo at Inang Wika (2014 September 09,) Retrieved from:
https://prezi.com/3whqdcogbuac/wikang-pambansa-multilinggwalismo-at-inang-wika-
mother-ton/
Ellis, Elizabeth (2013 August 21,) Defining and Investigating Multilingualism Retrieved from:
http://www.academia.edu/10752950/Defining_and_investigating_monolingualism
Afundar, Trishia (2016 June 18,) Bilingguwalismo Retrieved from:
https://prezi.com/yv3gewuukgqb/bilingguwalismo/