3. 1. PASALAYSAY
Tinatawag ding paturol. Ito ay pangungusap
na nagsasalaysay at nagtatapos sa isang
tuldok (.). Ito ay nagsasalaysay ng isang
katotohanan o pangyayari.
4. HALIMBAWA
a) Si Jose Rizal ay kinikilalang bayani ng
ating lahi.
b) Magkikita-kita ang aming pamilya sa
pagdating ni Rene.
c) Madalas ang ulan sa aming lugar.
d) Kami ay pumapasyal sa plasa tuwing
sabado.
5. 2. PATANONG
Ito ay pangungusap na nagtatanong at nagtatapos
ito sa tandang pananong (?). Ang pangungusap
na patanong ay nagpapahayag ng pagtatanong o
pag-uusisa.
6. HALIMBAWA
a) Tutuloy ba kayo kina Tesa at Lito
pagdating sa New York?
b) Sasama na ba ang mga bata sa
pamamasyal?
c) Sino ang magahahatid ng sulat na
ito?
d) Paano mo nasasabi na galit ang asawa
mo?
e) Ikaw ba ay marunong kumanta?
7. 3. PAUTOS
Ito ay nagpapahayag ng pag-uutos o nakikiusap.
Minsan may kasamang mga salitang paki o kung
maaari ang pangungusap. Parehong nagtatapos
sa tuldok at pakiusap (.).
8. HALIMBAWA
a) Sagutin mo agad ang liham ni Joy.
b) Kung maaari, ihatid mo rin ang
gamot sa ospital.
c) Puntahan mo kaagad ang punong
Guro.
d) Kunin mo ang mga halaman sa
hardin at dalhin mo sa ating silid
aralan.
9. 4. PADAMDAM
Ito ay pangungusap na nagsasaad ng matinding
damdamin at nagtatapos ito sa tandang
padamdam (!). Ito ay nagpapakilala ng isang
matinding damdamin ng pagkabigla, pagkainis o
pagkagalit, atbp.
10. HALIMBAWA
a) Naku! Binasag mo pala, ang
mamahaling plorera.
b) Kay ganda ng Bansang Pilipinas!
c) Yehey! Nanalo kami sa paligsahan.
d) Magaling! Nasagot mo ang kay
hiraphirap na mga tanong.