SlideShare a Scribd company logo
1 of 28
Ahas
Kahulugan: Isang tao na hindi mapagkakatiwalaan at taksil
Halimbawa: Hindi ko inakala na si Belinda ay ahas pala sa likod ng kanyang
ngiti.
Alilang-kanin
Kahulugan: Taong nagtatrabaho na walang sweldo, nakikisama at nakikikain
lamang
Halimbawa: Si Anton ay alilang-kanin lamang sa bahay ng kanyang tiyuhin
habang nag-aaral sa Maynila.
Alog na ang baba
Kahulugan: May edad na; matanda
Halimbawa: Si Lolo Lito ay alog na ang baba, ngunit patuloy pa rin sa
pagtrabaho.
Alsa balutan
Kahulugan: Tumakas; umalis nang walang paalam
Halimbawa: Bigla na lang nag-alsa balutan si Juan dahil sa hindi niya matanggap
na pagkatalo.
Amoy pinipig
Kahulugan: Mabango at malinis; nagkakamalay na
Halimbawa: Si Jane ay amoy pinipig pa, pero marami na siyang alam sa buhay.
Amoy tsiko
Kahulugan: Lasing o mabaho ng alak
Halimbawa: Dumating si Alvin na amoy tsiko, inuman na naman siguro.
Anak-dalita
Kahulugan: Taong mahirap o walang yaman
Halimbawa: Kahit na anak-dalita siya, pinatunayan ni Jake na kaya niyang
maabot ang kanyang mga pangarap.
Anak-pawis
Kahulugan: Manggagawa o maralitang tao
Halimbawa: Bilang anak-pawis, ipinaglalaban ni Ronald ang karapatan ng mga
manggagawa.
Anghel ng tahanan
Kahulugan: Batang mabait at mapagmahal
Halimbawa: Si Mikaela ay itinuturing na anghel ng tahanan dahil sa kanyang
kabutihan.
Asal hayop
Kahulugan: Walang modo o masamang ugali
Halimbawa: Hindi ako makapaniwala na magiging asal hayop si Ruel sa harap
ng maraming tao.
Bahag ang buntot
Kahulugan: Duwag o hindi makipaglaban
Halimbawa: Huwag mong subukan si Carlo, dahil bahag ang buntot niyan.
Bakas ng kahapon
Kahulugan: Mga alaala o pangyayari mula sa nakaraan
Halimbawa: Ang ating pagsasama noon ay bakas ng kahapon na hindi ko
malilimutan.
Balat kalabaw
Kahulugan: Di madaling maramdaman ang hiya, matibay ang pakiramdam
Halimbawa: Kahit ilang beses na siyang napagsabihan, hindi pa rin siya
nahihiya; talagang balat kalabaw si Marta.
Balat-sibuyas
Kahulugan: Madaling masaktan ang damdamin, sobrang sensitibo
Halimbawa: Mag-ingat sa pagsasalita kapag nasa harap mo si Angge, balat-
sibuyas kasi siya at baka masaktan mo ang kanyang damdamin.
Balik-harap
Kahulugan: Magalang sa harap ngunit traidor sa likod
Halimbawa: Hindi mapagkakatiwalaan ang mga taong balik-harap dahil maganda
lang ang pakikitungo nila sa iyong harapan.
Balitang kutsero
Kahulugan: Hindi totoo o di mapagkakatiwalaang balita
Halimbawa: Wala akong tiwala sa mga balitang kutsero na kumakalat kay Aries.
Bantay-salakay
Kahulugan: Hindi mapagkakatiwalaan, magulo
Halimbawa: Ingat ka sa pagsasama kay Ka Doray dahil kilalang bantay-salakay
ang kanyang apo.
Basa ang papel
Kahulugan: Nahuli na, alam na ang sikreto
Halimbawa: Alam na ng lahat ang ginawa ni Roy, basa na ang papel niya, pero
ayaw pa rin niyang umamin.
Basag-ulo
Kahulugan: Gulo o away Halimbawa: Iwasan mo ang mga grupong mahilig sa
basag-ulo, mas mabuting maghanap ng mapayapang barkada.
Bilang na ang araw
Kahulugan: Malapit na ang katapusan
Halimbawa: Bilang na ang araw ng kanyang kaligayahan dahil malapit na siyang
matuklasan.
Buhok anghel
Kahulugan: Maganda at kaakit-akit na buhok
Halimbawa: Pansinin mo si Dinah, talagang buhok anghel ang kanyang buhok,
ang ganda tingnan.
Bukal sa loob
Kahulugan: Mula sa puso, walang pag-aalinlangan
Halimbawa: Handa akong tumulong sa iyo dahil bukal sa loob ko ang pagtulong
sa kapwa.
Bukang liwayway
Kahulugan: Paparating na ang umaga
Halimbawa: Umaga na nang ako’y makauwi, bukang liwayway na nga.
Bukas ang isip
Kahulugan: Handang tanggapin ang ibang opinyon
Halimbawa: Saludo ako kay Diego dahil bukas ang isip niya pagdating sa mga
usaping panlipunan.
Bukas na kaban
Kahulugan: Matulungin, handang magbigay
Halimbawa: Si Aling Maria ay kilala bilang bukas na kaban dahil sa kanyang
pagtulong sa mga nangangailangan.
Bulaklak ng dila
Kahulugan: Pagpapalaki sa katotohanan
Halimbawa: Huwag masyadong paniwalaan ang mga reporter na mahilig sa
bulaklak ng dila.
Bulaklak ng lipunan
Kahulugan: Respetadong babae sa komunidad
Halimbawa: Si Agnes ay kinikilala bilang bulaklak ng lipunan dahil sa kanyang
impluwensya at kabutihan.
Bulang-gugo
Kahulugan: Galante, laging handang magbigay o gumasta
Halimbawa: Masaya talaga kapag kasama mo ang isang bulang-gugo dahil hindi
ka mauubusan ng kasiyahan.
Bumangga sa pader
Kahulugan: Lumalaban sa taong mayaman o makapangyarihan
Halimbawa: Mahirap talagang bumangga sa pader, lalo na kung ikaw ay isang
ordinaryong tao lamang.
Bungang-araw
Kahulugan: Isang sakit sa balat na makati
Halimbawa: Tuwing tag-init ay pinapawisan at nagkakaroon ng bungang-araw
ang aking anak.
Bungang-tulog
Kahulugan: Panaginip, Pangarap
Halimbawa: Akala ko’y nanalo na ako ng 10 milyon sa lotto, bungang-tulog lang
pala!
Buntong hininga
Kahulugan: Malalim na paghinga na nagpapahiwatig ng damdamin tulad ng
pagkadismaya, pagkapagod, o ginhawa
Halimbawa: Pagkatapos ng mahabang araw sa trabaho, buntong hininga ang
ginawa ni Ana habang inaayos ang kanyang gamit.
Busilak ang puso
Kahulugan: Maganda at malinis na kalooban
Halimbawa: Ang mga batang may busilak na puso ay handang tumulong sa mga
nangangailangan.
Butas ang bulsa
Kahulugan: Wala o kulang ang pera
Halimbawa: Ayaw niyang sumama sa gala dahil butas ang bulsa niya ngayon.
Buto’t balat
Kahulugan: Napakakapayatan
Halimbawa: Ilang linggo nang buto’t balat si Tom dahil sa mabagal na
metabolism.
Buwaya sa katihan
Kahulugan: Mapagsamantala, nagpapautang na may malaking tubo
Halimbawa: Dapat mag-ingat sa mga buwaya sa katihan para hindi tayo mabaon
sa utang.
Daga sa dibdib
Kahulugan: Pagkatakot o kaba
Halimbawa: Ang daga sa dibdib niya ay nagsimula nang kumalma nang makita
niya ang kanyang pamilya.
Dalawa ang bibig
Kahulugan: Madaldal, maraming sinasabi
Halimbawa: Hindi maubos ang kwento ni Lisa dahil dalawa ang bibig niya.
Dalawa ang mukha
Kahulugan: Hindi tapat, balimbing
Halimbawa: Hindi mo alam kung saan ka lulugar dahil dalawa ang mukha ng
kasamahan mo.
Dapit-hapon
Kahulugan: Papalubog na ang araw, hapon na
Halimbawa: Dapit-hapon na nang dumating si Danny mula sa kanyang biyahe.
Di mahapayang gatang
Kahulugan: Mayabang, maangas
Halimbawa: Ayaw niyang makisama sa mga di mahapayang gatang dahil hindi
niya gusto ang kanilang ugali.
1. Di makabasag-pinggan
Kahulugan: Mahiyain, mahinhin
Halimbawa: Si Marielle ay di makabasag-pinggan kaya madalas siyang
mapagkamalang suplada.
2. Di malaglagang karayom
Kahulugan: Napakaraming tao, siksikan
Halimbawa: Di malaglagang karayom sa mall dahil sa weekend sale na
nagaganap.
3. Galit sa pera
Kahulugan: Madaling gumasta, walang kontrol sa paggastos
Halimbawa: Kinailangan niyang magtipid dahil galit sa pera ang kanyang asawa.
4. Ginintuang tinig
Kahulugan: Magandang boses, mahusay na mang-aawit
Halimbawa: Nanalo sa singing contest si Leah dahil sa kanyang ginintuang tinig.
Guhit ng tadhana
Kahulugan: Itinakda o inilaang kapalaran
Halimbawa: Sinasabi nila na ang pagtatagpo nina Juan at Maria ay guhit ng
tadhana.
Halang ang bituka
Kahulugan: Mapanganib, walang awa, handang pumatay
Halimbawa: Hindi na siya tumuloy sa kanyang plano dahil nalaman niyang
halang ang bituka ng kalaban niya.
Halang ang kaluluwa
Kahulugan: Masamang tao
Halimbawa: Titiyakin kong mabubulok ka sa kulungan dahil halang ang kaluluwa
mo!
Haligi ng tahanan
Kahulugan: Ama o Tatay
Halimbawa: Responsable at mapagmahal ang aming haligi ng tahanan.
Hampas ng langit
Kahulugan: Ngitngit ng Diyos
Halimbawa: Hindi ka makakatakas sa hampas ng langit.
5. Hampas-lupa
Kahulugan: Lagalag, busabos, mahirap
Halimbawa: Hindi ako makakapayag na sa hampas-lupang iyan ka lamang
mapupunta.
6. Hawak sa leeg
Kahulugan: Sunud-sunuran
Halimbawa: Si Ramil ay hawak sa leeg ng kanyang asawa.
7. Hinahabol ng karayom
Kahulugan: May sira ang damit
Halimbawa: Hindi man lang napansin ni Minda na hinahabol ng karayom ang
asawa niyang si Berto.
8. Hindi madapuan ng langaw
Kahulugan: Sobrang pinoprotektahan
Halimbawa: Hindi madapuan ng langaw ang batang si Baste.
9. Ibaon sa hukay
Kahulugan: Kalimutan
Halimbawa: Ibaon mo na lang sa hukay ang pangako niyang babalik siya.
Ibong mandaragit
Kahulugan: Mananakop
Halimbawa: Ang dating ibong mandaragit na Estados Unidos ang isa sa may
pinakamalaking naitulong sa mga nasalanta ng lindol sa Nepal.
Ikrus sa noo
Kahulugan: Tandaan
Halimbawa: Kaya dapat lang na ikrus sa noo ang lahat ng sinasabi ng iyong
Lola.
Ilaw ng tahanan
Kahulugan: Ina o Nanay
Halimbawa: Mahal na mahal ko ang aming ilaw ng tahanan.
10. Isang bulate na lang ang hindi pumipirma
Kahulugan: Malapit nang mamatay
Halimbawa: Sinabi ng doktor na isang bulate na lang ang hindi pumipirma kay
Marlou kaya nag-iyakan na ang pamilya nito.
Isang kahig, isang tuka
Kahulugan: Nabubuhay sa hirap
Halimbawa: Dati kaming isang kahig, isang tuka.
Isulat sa tubig
Kahulugan: Kalimutan
Halimbawa: Isulat mo na lang sa tubig ang mga pinag-usapan natin.
Itaga sa bato
Kahulugan: Tandaan
Halimbawa: Itaga mo sa bato, hindi na ako magpapakita sa’yo kahit kailan!
Itim na tupa
Kahulugan: Masamang anak
Halimbawa: Itim na tupa kung ituring ng mga kapitbahay ang pangalawang anak
ni Silvia.
Kabiyak ng dibdib
Kahulugan: Asawa
Halimbawa: Si Alyana ang kabiyak ng dibdib ni Cardo.
Kakaning-itik
Kahulugan: Walang gaanong halaga, hindi maipagpaparangalan
Halimbawa: Palibhasa’t matanda na kaya kakaning-itik na lang para sa mga
anak ang kanilang ina.
Kalapating mababa ang lipad
Kahulugan: Babaeng nagbibili ng aliw
Halimbawa: Nabalitaan ko na marami daw kalapating mababa ang lipad sa
Pampanga?
Kamay na bakal
Kahulugan: Mahigpit na pamamalakad; malupit
Halimbawa: Totoo ba na may kamay na bakal daw si Pangulong Duterte?
Kape at gatas
Kahulugan: Maitim at maputi
Halimbawa: Madaling malaman kung sino sa kambal sina Melai at Melanie dahil
sa kulay nilang kape at gatas.
Kapit tuko
Kahulugan: Mahigpit ang hawak
Halimbawa: Kung kapit tuko sa iyo ang iyong nobya, malamang ay natatakot iyan
na maagaw ka ng iba.
Kaututang dila
Kahulugan: Katsismisan
Halimbawa: Tuwing umaga ay kaututang dila ni Linda si Cely.
Kidlat sa bilis
Kahulugan: Napakabilis
Halimbawa: Kidlat sa bilis nang ikalat ni Amber ang balitang hiwalay na sina
Dong at Yan.
Kilos pagong
Kahulugan: Mabagal kumilos
Halimbawa: Ayaw isama ni Carding si Harmon dahil kilos pagong daw kasi ito.
Kumukulo ang dugo
Kahulugan: Naiinis, nasusuklam
Halimbawa: Kumukulo ang dugo ko sa tuwing nakikita kita.
Kumukulo ang sikmura
Kahulugan: Nagugutom
Halimbawa: Kumukulo ang sikmura ko kanina pa.
Kusang palo
Kahulugan: Sariling sipag
Halimbawa: Kung ako sa’yo ay magkukusang palo ako at hindi aasa sa iba.
Kutsarang ginto sa bibig
Kahulugan: Lumaki sa yaman
Halimbawa: Kung ako ang ay lumaking may kutsarang ginto sa bibig, hindi ko na
sana kaylangang magtrabaho.
Lahing kuwago
Kahulugan: Sa umaga natutulog
Halimbawa: Si Cindy ay may lahing kuwago.
Lakad pagong
Kahulugan: Sobrang bagal na pag-usad tao man o sasakyan
Halimbawa: Araw-araw na iniinda ni Selya ang lakad pagong na trapiko sa
EDSA.
Laman ng lansangan
Kahulugan: Taong madalas sa kalye at walang ibang ginagawa
Halimbawa: Kung di magbabago si Berting, lagi na lang siyang magiging laman
ng lansangan.
Lamog ang katawan
Kahulugan: Napakapagod na katawan
Halimbawa: Pagkatapos ng marathong siya’y sinalihan, lamog ang katawan ni
Rico.
Lantang gulay
Kahulugan: Lubos na pagod at pagkapagod
Halimbawa: Sa ilang oras na pagsasayaw, lantang gulay ang pakiramdam ni
Mina.
Lawit ang dila
Kahulugan: Labis na pagkapagod
Halimbawa: Lawit ang dila ni Jonas matapos na maghakot ng kahoy sa buong
araw.
Laylay ang balikat
Kahulugan: Lubhang nabigo o naudlot ang pangarap
Halimbawa: Laylay ang balikat ni Noel nang mabigo sa kanyang job interview.
Luha ng buwaya
Kahulugan: Hindi tunay na pagdadalamhati o pagluluksa
Halimbawa: Luha ng buwaya lang ang pinakita niya nang mawala ang kanyang
kalaban sa pulitika.
Lumagay sa tahimik
Kahulugan: Nag-asawa
Halimbawa: Si Jenny at Mike ay nagpasya na lumagay sa tahimik.
Lumaki ang ulo
Kahulugan: Lumaki ang tiwala sa sarili dahil sa tagumpay
Halimbawa: Lumaki ang ulo niya matapos manalo sa singing contest.
Lumang tugtugin
Kahulugan: Di na bago o di na epektibo ang kwento o balita
Halimbawa: Lumang tugtugin na ang estilo mo ng panliligaw, wala nang epekto
sa akin.
Lumuha man ng bato
Kahulugan: Hindi makakakuha ng tawad
Halimbawa: Lumuha man ng bato si Anna, hindi na siya matatanggap ng
kanyang kaibigan.
Maaliwalas ang mukha
Kahulugan: Masigla, masayahin, at palangiti
Halimbawa: Laging maaliwalas ang mukha ni Leah, kahit may problema sa
trabaho.
Maamong kordero
Kahulugan: Taong mabait at mapagkumbaba
Halimbawa: Sa kabila ng kanyang yaman, maamong kordero pa rin ang ugali ni
Victor.
Maanghang ang dila
Kahulugan: Walang pakundangan o bastos magsalita
Halimbawa: Maraming nasasaktan sa salita dahil maanghang ang dila ni
Terence.
Mababa ang loob
Kahulugan: Mapagkawanggawa at maawain
Halimbawa: Sa pagtulong sa mga nangangailangan, kilala si Liza na mababa
ang loob.
Mababaw ang luha
Kahulugan: Madaling maantig at maramdamin
Halimbawa: Mababaw ang luha ni Rose, umiiyak agad siya sa tuwing manonood
ng drama sa telebisyon.
Mabigat ang dugo
Kahulugan: Hindi masyadong nakakasundo o masayahin
Halimbawa: Kailangan mo pang kilalanin si Jerome nang husto bago mo
malaman na mabigat ang dugo niya.
Mabigat ang kamay
Kahulugan: Hindi masipag o tamad sa trabaho
Halimbawa: Si Nonoy ay mabigat ang kamay, kaya madalas siyang
napapagalitan ng kanyang guro.
Mabigat ang loob
Kahulugan: Hindi gaanong kasiyahan o pakikisama sa isang tao
Halimbawa: Mabigat ang loob ko kay Shiela dahil sa kanyang pakikipagplastikan.
Mabilis ang kamay
Kahulugan: Mahilig kumupit o mandukot ng gamit
Halimbawa: Ingat ka sa palengke, maraming mabilis ang kamay na maaaring
kumuha ng iyong gamit.
Madilim ang mukha
Kahulugan: Malungkot, may problema
Halimbawa: Bumagsak siya sa exam kaya madilim ang mukha niya ngayong
araw.
Magaan ang dugo
Kahulugan: Madali pakisamahan
Halimbawa: Bihira lang siyang makakita ng kaaway dahil magaan ang dugo niya.
Magaan ang kamay
Kahulugan: Madalas gumamit ng pisikal na lakas
Halimbawa: Pinagalitan siya ng kanyang ina dahil magaan ang kamay sa kapatid
niyang bata.
Magaling ang kamay
Kahulugan: Talentado sa pagguhit o pagpipinta
Halimbawa: Noong art exhibit, maraming pumuri sa kanya dahil magaling ang
kamay niya.
Magdilang-anghel
Kahulugan: Sana matupad
Halimbawa: Sinabi ng kanyang kaibigan na magiging masaya siya sa buhay, at
sumagot siya ng “magdilang-anghel ka sana!”
Maghalo ang balat sa tinalupan
Kahulugan: Magkagulo, mag-away
Halimbawa: Kung hindi pa sila pipigilan, baka maghalo ang balat sa tinalupan sa
pagtatalo nila.
Magkataling-puso
Kahulugan: Magkasintahan o mag-asawa
Halimbawa: Tumagal ng sampung taon bago naging magkataling-puso sina
Mario at Liza.
Maglaro ng apoy
Kahulugan: Lumandi o lumabag sa pangakong pagmamahal
Halimbawa: Nahuli siyang naglalaro ng apoy kaya naghiwalay sila ng kanyang
asawa.
Maglubid ng buhangin
Kahulugan: Magbigay ng maling impormasyon
Halimbawa: Alam niyang maglubid ng buhangin ang kanyang kaibigan, kaya
hindi siya naniniwala sa lahat ng sinasabi nito.
Mahaba ang buntot
Kahulugan: Pasaway, hindi disiplinado
Halimbawa: Lagi siyang napapagalitan sa paaralan dahil mahaba ang buntot
niya.
Mahabang dulang
Kahulugan: Kasal
Halimbawa: Handa na silang humarap sa mahabang dulang upang maging mag-
asawa.
Mahangin
Kahulugan: Palalo, mayabang
Halimbawa: Hindi siya gusto ng kanyang mga kasama dahil mahangin siya.
Mahangin ang ulo
Kahulugan: Palalo, mayabang
Halimbawa: Marami ang ayaw sa kanya dahil mahangin ang ulo niya.
Mahapdi ang bituka
Kahulugan: Gutom
Halimbawa: Hindi siya kumain sa buong araw kaya mahapdi ang bituka niya.
Mahina ang loob
Kahulugan: Takot, walang tiyaga
Halimbawa: Nais niyang sumali sa contest pero mahina ang loob niya kaya hindi
niya itinuloy.
Mainit ang ulo
Kahulugan: Madaling magalit, masungit
Halimbawa: Hindi pa nakakapag-kape si Kuya kaya mainit ang ulo niya ngayon.
Maitim ang budhi
Kahulugan: Mapanlinlang, masamang intensyon
Halimbawa: Pinagkatiwalaan siya ng pera ngunit maitim ang budhi niya kaya
kinurakot niya ito.
Maitim ang dugo
Kahulugan: Mapang-api, masama ang ugali
Halimbawa: Iilan lang ang tumatanggap sa kanya dahil maitim ang dugo niya.
Makalaglag-matsing
Kahulugan: Nakakapukaw ng atensyon, seductive
Halimbawa: Nang matanaw niya si Maria, napatigil siya sa paglalakad dahil
makalaglag-matsing ang kanyang kagandahan.
Makapal ang bulsa
Kahulugan: May kaya sa buhay, mayaman
Halimbawa: Hindi siya nag-aalala sa gastusin dahil makapal ang bulsa ng
kanyang pamilya.
Makapal ang mukha
Kahulugan: Walang hiya, kapalmuks
Halimbawa: Kahit alam niyang mali siya, makapal pa rin ang mukha niyang
hingin ang pasensya ng iba.
Makapal ang palad
Kahulugan: Sipag, masikap
Halimbawa: Dahil makapal ang palad niya, malayo ang mararating niya sa
buhay.
Makati ang dila
Kahulugan: Madaldal, mausisa
Halimbawa: Hindi mapakali si Lita dahil makati ang dila niya at gusto niyang
malaman ang balita.
Makati ang paa
Kahulugan: Mahilig sa paglalakbay, gala
Halimbawa: Si Kevin ay makati ang paa, kaya’t madalas siyang mag-ikot sa iba’t
ibang lugar.
Makitid ang isip
Kahulugan: Mahirap intindihin, limitado ang kaalaman
Halimbawa: Mahirap makipag-usap kay Jericho dahil makitid ang isip niya at
hindi niya nauunawaan ang mga bagay-bagay.
Makuskos-balungos
Kahulugan: Malungkot, hindi madaling pasiyahin
Halimbawa: Ang pinakaayaw niya ay ang makadaupang-palad ng taong
makuskos-balungos.
Malakas ang loob
Kahulugan: Matapang, determinado
Halimbawa: Dahil malakas ang loob niya, naipasa niya ang board exam sa
unang pagkakataon.
Malaking isda
Kahulugan: Maykaya, mayaman
Halimbawa: Swerte si Tina, nakapag-asawa siya ng malaking isda.
Malamig ang ulo
Kahulugan: Maganda ang disposisyon, kalmado
Halimbawa: Maayos ang usapan dahil malamig ang ulo ni Direk kanina.
Malapad ang papel
Kahulugan: Maraming koneksyon, may impluwensiya
Halimbawa: Hindi nagtagal sa trabaho si Gerry dahil malapad ang papel niya sa
kompanya.
Malawak ang isip
Kahulugan: Madaling makaintindi, matalino
Halimbawa: Hindi nag-aaksaya ng oras si Liza sa pag-aaral dahil malawak ang
isip niya.
Malikot ang kamay
Kahulugan: Magnanakaw, kumukuha ng hindi kanya
Halimbawa: Hindi na pinapapasok sa tindahan si Greg dahil malikot ang kamay
niya.
Manipis ang mukha
Kahulugan: Mahiyain, sensitibo
Halimbawa: Hindi makatingin ng diretso si Gelo dahil manipis ang mukha niya.
Mapait na lunukin
Kahulugan: Nakakahiya, masakit na karanasan
Halimbawa: Mapait na lunukin ang nangyari sa kanilang pamilya noong
nakaraang taon.
Mapurol ang utak
Kahulugan: Mahina ang kaisipan, hindi matalino
Halimbawa: Kung hindi ka mag-aaral nang mabuti, baka mapurol ang utak mo.
Maputi ang tainga
Kahulugan: Kuripot, hindi madaling magbigay
Halimbawa: Hindi madali hingan ng pabor si Juan dahil maputi ang tainga niya.
Masama ang loob
Kahulugan: May sama ng loob, nagdaramdam
Halimbawa: Hindi nagparamdam si Tina ng ilang araw dahil masama ang loob
niya sa akin.
Masama ang panahon
Kahulugan: May malakas na bagyo o ulan
Halimbawa: Kailangang ihanda ang mga gamit dahil masama ang panahon
ngayong gabi.
Matalas ang dila
Kahulugan: Masakit magsalita, mapanlait
Halimbawa: Hindi makasundo ng mga kaibigan si Ria dahil matalas ang dila niya.
Matalas ang mata
Kahulugan: Madaling makapansin ng detalye
Halimbawa: Hindi makalusot ang mali sa report dahil matalas ang mata ni Ma’am
Lourdes.
Matalas ang tainga
Kahulugan: Mabilis makarinig, may matalim na pandinig
Halimbawa: Hindi makalusot ang bulong ng mga bata dahil matalas ang tainga ni
Lola.
Matalas ang ulo
Kahulugan: Matalino, matatalas ang kaisipan
Halimbawa: Top 1 sa klase si Rina dahil matalas ang ulo niya.
Matamis ang dila
Kahulugan: Mahusay magsalita, mapang-akit
Halimbawa: Madaling makakuha ng loob ng mga tao si Raffy dahil matamis ang
dila niya.
Matandang kalabaw
Kahulugan: Taong may edad na, matanda na
Halimbawa: Kahit matandang kalabaw na si Lolo, aktibo pa rin siya sa
komunidad.
Matigas ang buto
Kahulugan: Malakas, mabagsik
Halimbawa: Si John ay payat pero matigas ang buto, hindi mo aakalain na
malakas siya.
Matigas ang katawan
Kahulugan: Tamad, hindi masipag
Halimbawa: Wala siyang maasahang trabaho dahil matigas ang katawan niya.
Matigas ang leeg
Kahulugan: Mapagmataas, ayaw makinig sa iba
Halimbawa: Maraming kaaway si Mike dahil matigas ang leeg niya.
Matigas ang ulo
Kahulugan: Hindi sumusunod sa payo o utos
Halimbawa: Lagi siyang napapagalitan ng kanyang mga magulang dahil matigas
ang ulo niya.
May ipot sa ulo
Kahulugan: May asawang taksil, niloko ng kapartner
Halimbawa: Nakakaawa si Josie, may ipot sa ulo dahil niloko siya ng asawa niya.
May krus ang dila
Kahulugan: Marunong manghula, may kakayahang makapredict
Halimbawa: Nang magsabi si Aling Nena na mabibigyan ng promosyon si Lani,
natupad ito kaya’t sinasabing may krus ang dila niya.
May magandang hinaharap
Kahulugan: Positibo ang kinabukasan ng isang tao
Halimbawa: Dahil sa kanyang sipag at tiyaga, tiyak na may magandang
hinaharap si Mario.
May sinasabi
Kahulugan: Nakakamangha, mayaman sa talento o talino
Halimbawa: Sa galing niyang magpinta, talagang may sinasabi si Juan sa
larangan ng sining.
Nag-aapoy sa init
Kahulugan: Lubhang mataas ang lagnat ng isang tao
Halimbawa: Ayaw magpahinga ni Anna kahit nag-aapoy sa init ang katawan
niya.
Nagbabatak ng buto
Kahulugan: Sobrang pagpupursige sa trabaho
Halimbawa: Araw-araw nagbabatak ng buto si Alvin para mabigyan ng
magandang buhay ang pamilya niya.
Nagbibilang ng poste
Kahulugan: Naghahanap ng oportunidad sa trabaho
Halimbawa: Pagkatapos mawalan ng trabaho, nagbibilang ng poste si Roberto
para makahanap ng bagong hanapbuhay.
Nagbukas ng dibdib
Kahulugan: Nag-alok ng kasal sa minamahal
Halimbawa: Pagkatapos ng ilang taon ng pagliligawan, nagbukas na ng dibdib si
Renato kay Rebecca.
Nagmumurang kamatis
Kahulugan: Matandang tao na nag-aayos o nagbibihis na parang bata
Halimbawa: Sa edad na 60, nagmumurang kamatis pa rin si Aling Linda sa
kanyang kasuotan.
Nagpupusa
Kahulugan: Nagsasalita ng mga tsismis tungkol sa iba
Halimbawa: Hindi maiwasan ni Marites ang magpupusa tungkol sa buhay ng
kanyang mga kapitbahay.
Nagsaulian ng kandila
Kahulugan: Nagkaroon ng alitan o hindi pagkakasundo sa pagitan ng
magkakaibigan
Halimbawa: Nagsaulian ng kandila sina Liza at Tina dahil sa hindi
pagkakaunawaan.
Nagsusunog ng kilay
Kahulugan: Masugid sa pag-aaral
Halimbawa: Nagsusunog ng kilay si Paul para sa nalalapit na pagsusulit.
Nakahiga sa salapi
Kahulugan: Lubos na kayamanan
Halimbawa: Dahil sa mga negosyo ng kanyang pamilya, nakahiga sa salapi si
Dona Maria.
Nakapinid ang tainga
Kahulugan: Hindi nakikinig sa sinasabi ng iba
Halimbawa: Kapag pinapagalitan, laging nakapinid ang tainga ni Jericho.
Namamangka sa dalawang ilog
Kahulugan: Taong may dalawang relasyon
Halimbawa: Nabalitaan ko na namamangka sa dalawang ilog si Henry; may
asawa na, may nobya pa.
Namuti ang mata
Kahulugan: Napakahaba ng panahon ng paghihintay
Halimbawa: Namuti na ang mata ni Aling Nena sa paghihintay sa pag-uwi ng
kanyang anak mula sa ibang bansa.
Naniningalang-pugad
Kahulugan: Nangliligaw o nanunuyo sa isang tao
Halimbawa: Si Jake ay naniningalang-pugad kay Sarah kaya madalas siyang
magbigay ng bulaklak at regalo sa kanya.
Natuka ng ahas
Kahulugan: Nawalan ng kakayahang magsalita sa gulat o kaba
Halimbawa: Nang makita ni Karen ang kanyang idolo, natuka siya ng ahas at
hindi na siya nakapagsalita.
Ningas-kugon
Kahulugan: Mabilis magsimula pero madali ring sumuko
Halimbawa: Maraming proyekto si Juan pero dahil ningas-kugon siya, wala ni isa
ang natapos niya.
Pag-iisang dibdib
Kahulugan: Pag-aasawa o pagkakasal
Halimbawa: Sa susunod na buwan, magkakaroon ng pag-iisang dibdib sina Ana
at Mark.
Pagkagat ng dilim
Kahulugan: Takipsilim o paglubog ng araw
Halimbawa: Nagtatakbuhan ang mga bata pauwi sa kanilang mga bahay
pagkagat ng dilim.
Pagputi ng uwak
Kahulugan: Hindi mangyayari o hindi kapani-paniwala
Halimbawa: Pagputi ng uwak bago pa ako magturok ng droga sa katawan ko.
Panakip butas
Kahulugan: Isang taong ginagamit upang punan ang kulang o kawalan ng iba
Halimbawa: Hindi na nagtagal ang relasyon ni Jane at Ruel dahil nalaman ni
Jane na panakip butas lang pala siya.
Panis ang laway
Kahulugan: Hindi makapagsalita o walang masabi
Halimbawa: Nang tanungin ko siya tungkol sa kanyang palagay sa pulitika,
napapanis ang laway niya at hindi makapagsalita.
Pantay ang mga paa
Kahulugan: Pumanaw na o namatay
Halimbawa: Pantay na ang mga paa ni Lolo Pedro kaya nalulungkot ang buong
pamilya.
Parang aso’t pusa
Kahulugan: Madalas mag-away o magtalo
Halimbawa: Parang aso’t pusa ang magkapatid na sina Mona at Rona dahil sa
kanilang pagkakaiba ng pananaw.
Parang kiti-kiti
Kahulugan: Hindi mapakali o palaging malikot
Halimbawa: Parang kiti-kiti si Timmy; hindi siya mapakali sa kanyang upuan at
laging lumilipat-lipat ng pwesto.
Parehong kaliwa ang paa
Kahulugan: Mahirap sumayaw
Halimbawa: Hindi ko talaga kayang sumali sa sayaw dahil parehong kaliwa ang
paa ko.
Patabaing baboy
Kahulugan: Tamad na tao
Halimbawa: Ayaw kong maging katrabaho si Edgar dahil isa siyang patabaing
baboy.
Patay-gutom
Kahulugan: Sobrang matakaw
Halimbawa: Natawa ang lahat nang sabihan si Liza na patay-gutom sa kanyang
pagkain.
Pinagbubuhatan ng kamay
Kahulugan: Sinasaktan o pinapalo
Halimbawa: Nalungkot ako nang malaman kong pinagbubuhatan ng kamay ni
Pedro ang kanyang asawa.
Pulot-gata
Kahulugan: Pagtatalik pagkatapos ng kasal
Halimbawa: Tinanong ni Ina kung saan gaganapin ang pulot-gata ng bagong
kasal.
Pusong mamon
Kahulugan: Madaling masaktan
Halimbawa: Madali umiyak si Maria dahil pusong mamon siya.
Pusong-bakal
Kahulugan: Walang awa o patawad
Halimbawa: Hindi niya pinatawad ang kaibigan niya dahil pusong-bakal siya.
Putok sa buho
Kahulugan: Anak na hindi sa kasal
Halimbawa: Hindi maiwasang pag-usapan ng mga kapitbahay ang putok sa buho
ni Aling Nena.
Saling-pusa
Kahulugan: Kasali na pansamantala
Halimbawa: Hindi pa siya qualified na sumali sa grupo, kaya saling-pusa muna
siya.
Samaing palad
Kahulugan: Taong palaging malas
Halimbawa: Lagi na lang siyang nakakaranas ng kamalasan, kaya inaakala ng
iba na siya ay samaing palad.
Sampay-bakod
Kahulugan: Hindi totoo ang sinasabi
Halimbawa: Ingat ka sa pagsasalita kay Lily, sampay-bakod ang ugali niya.
Sampid-bakod
Kahulugan: Nakikisama o nakikihalubilo
Halimbawa: Si Ben ay sampid-bakod sa mga kaibigan niyang mayayaman.
Sanga-sangang dila
Kahulugan: Taong sinungaling
Halimbawa: Hindi mo dapat paniwalaan si Mark, sanga-sangang dila iyan.
Sariling pugad
Kahulugan: Tahanan ng isang tao
Halimbawa: Umuwi ka na sa sariling pugad mo at wag nang makialam sa buhay
ng iba.
Sariwa sa alaala
Kahulugan: Hindi malilimutang karanasan
Halimbawa: Sariwa pa sa aking alaala ang araw na nagkita kami ni James sa
Paris.
Sira ang tuktok
Kahulugan: Hindi matino ang pag-iisip
Halimbawa: Lagi na lang siyang nagsasabi ng kalokohan dahil sira ang tuktok
niya.
Sukat ang bulsa
Kahulugan: Marunong humawak ng pera
Halimbawa: Maayos ang negosyo ni Tony dahil sukat ang bulsa niya sa
paghawak ng salapi.
Sukat ang bulsa
Kahulugan: Marunong humawak ng pera
Halimbawa: Maayos ang negosyo ni Tony dahil sukat ang bulsa niya sa
paghawak ng salapi.
Takaw-tulog
Kahulugan: Mahilig matulog
Halimbawa: Kahirapan ang kinabukasang sasapitin ng taong takaw-tulog.
Talusaling
Kahulugan: Madaling masaktan
Halimbawa: Mag-ingat sa pagsasalita tungkol kay Lara, talusaling siya.
Talusira
Kahulugan: Madaling magbago
Halimbawa: Mahirap intindihin si Rina, talusira kasi ang kanyang mga desisyon.
Tatlo ang mata
Kahulugan: Mapansin ang mali ng iba
Halimbawa: Ingat ka sa pagsasalita kay Anna, tatlo ang mata niyan at baka
makita ang mali mo.

More Related Content

What's hot

Hele ng ina sa kanyang panganay
Hele ng ina sa kanyang panganayHele ng ina sa kanyang panganay
Hele ng ina sa kanyang panganaySean Davis
 
Simbolismo.pptx
Simbolismo.pptxSimbolismo.pptx
Simbolismo.pptxRioGDavid
 
ANG MATANDA AT ANG DAGAT PP.pptx
ANG MATANDA AT ANG DAGAT PP.pptxANG MATANDA AT ANG DAGAT PP.pptx
ANG MATANDA AT ANG DAGAT PP.pptxChrisAncero
 
Mga Katangian na Dapat Taglayin ng Isang Aktibong.pptx
Mga Katangian na Dapat Taglayin ng Isang Aktibong.pptxMga Katangian na Dapat Taglayin ng Isang Aktibong.pptx
Mga Katangian na Dapat Taglayin ng Isang Aktibong.pptxPearlAngelineCortez
 
Aralin 1.1: Cupid at Psyche
Aralin 1.1: Cupid at PsycheAralin 1.1: Cupid at Psyche
Aralin 1.1: Cupid at PsycheJenita Guinoo
 
El Fili Kabanata 7 si simoun
El Fili Kabanata 7 si simounEl Fili Kabanata 7 si simoun
El Fili Kabanata 7 si simounHularjervis
 
Epekto ng aktibong pakikilahok ng mamamayan sa mga gawaing pansibiko sa kabu...
Epekto ng aktibong  pakikilahok ng mamamayan sa mga gawaing pansibiko sa kabu...Epekto ng aktibong  pakikilahok ng mamamayan sa mga gawaing pansibiko sa kabu...
Epekto ng aktibong pakikilahok ng mamamayan sa mga gawaing pansibiko sa kabu...RonelynnSalpid
 
PANDIWA: Kaganapan at Pokus
PANDIWA: Kaganapan at PokusPANDIWA: Kaganapan at Pokus
PANDIWA: Kaganapan at PokusMerland Mabait
 
Filipino Grade 10 module unit 3
Filipino Grade 10 module unit 3Filipino Grade 10 module unit 3
Filipino Grade 10 module unit 3Reynan Bolisay
 
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3jessacada
 
Sektor ng pananalapi
Sektor ng pananalapiSektor ng pananalapi
Sektor ng pananalapiAlda Nabor
 
Sektor ng paglilingkod
Sektor ng paglilingkodSektor ng paglilingkod
Sektor ng paglilingkodGesa Tuzon
 

What's hot (20)

Hele ng ina sa kanyang panganay
Hele ng ina sa kanyang panganayHele ng ina sa kanyang panganay
Hele ng ina sa kanyang panganay
 
Paglahok sa civil society
Paglahok sa civil societyPaglahok sa civil society
Paglahok sa civil society
 
EDUKASYON SA PILIPINAS.pptx
EDUKASYON SA PILIPINAS.pptxEDUKASYON SA PILIPINAS.pptx
EDUKASYON SA PILIPINAS.pptx
 
Simbolismo.pptx
Simbolismo.pptxSimbolismo.pptx
Simbolismo.pptx
 
ANG MATANDA AT ANG DAGAT PP.pptx
ANG MATANDA AT ANG DAGAT PP.pptxANG MATANDA AT ANG DAGAT PP.pptx
ANG MATANDA AT ANG DAGAT PP.pptx
 
Mga Katangian na Dapat Taglayin ng Isang Aktibong.pptx
Mga Katangian na Dapat Taglayin ng Isang Aktibong.pptxMga Katangian na Dapat Taglayin ng Isang Aktibong.pptx
Mga Katangian na Dapat Taglayin ng Isang Aktibong.pptx
 
Aralin 1.1: Cupid at Psyche
Aralin 1.1: Cupid at PsycheAralin 1.1: Cupid at Psyche
Aralin 1.1: Cupid at Psyche
 
Math salary scheme (1)
Math salary scheme (1)Math salary scheme (1)
Math salary scheme (1)
 
El Fili Kabanata 7 si simoun
El Fili Kabanata 7 si simounEl Fili Kabanata 7 si simoun
El Fili Kabanata 7 si simoun
 
Filipino
FilipinoFilipino
Filipino
 
Epekto ng aktibong pakikilahok ng mamamayan sa mga gawaing pansibiko sa kabu...
Epekto ng aktibong  pakikilahok ng mamamayan sa mga gawaing pansibiko sa kabu...Epekto ng aktibong  pakikilahok ng mamamayan sa mga gawaing pansibiko sa kabu...
Epekto ng aktibong pakikilahok ng mamamayan sa mga gawaing pansibiko sa kabu...
 
PANDIWA: Kaganapan at Pokus
PANDIWA: Kaganapan at PokusPANDIWA: Kaganapan at Pokus
PANDIWA: Kaganapan at Pokus
 
Mito at gamit ng pandiwa
Mito at gamit ng pandiwaMito at gamit ng pandiwa
Mito at gamit ng pandiwa
 
El fili 7 & 8
El fili 7 & 8El fili 7 & 8
El fili 7 & 8
 
Filipino Grade 10 module unit 3
Filipino Grade 10 module unit 3Filipino Grade 10 module unit 3
Filipino Grade 10 module unit 3
 
Modyul 16 isyung moral tungkol sa paggawa at paggamit ng kapangyarihan
Modyul 16 isyung moral tungkol sa paggawa at paggamit ng kapangyarihanModyul 16 isyung moral tungkol sa paggawa at paggamit ng kapangyarihan
Modyul 16 isyung moral tungkol sa paggawa at paggamit ng kapangyarihan
 
Alegorya ng yungib
Alegorya ng yungibAlegorya ng yungib
Alegorya ng yungib
 
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
 
Sektor ng pananalapi
Sektor ng pananalapiSektor ng pananalapi
Sektor ng pananalapi
 
Sektor ng paglilingkod
Sektor ng paglilingkodSektor ng paglilingkod
Sektor ng paglilingkod
 

Similar to mga halimbawa ng sawikain para sa lahat ng antas

Diane ver power point
Diane ver power pointDiane ver power point
Diane ver power pointdianvher
 
Diane ver power point
Diane ver power pointDiane ver power point
Diane ver power pointleameorqueza
 
Iba't Ibang Uri ng Tayutay at Idyoma.pptx
Iba't Ibang Uri ng Tayutay at Idyoma.pptxIba't Ibang Uri ng Tayutay at Idyoma.pptx
Iba't Ibang Uri ng Tayutay at Idyoma.pptxsharmmeng
 
dokumen.tips_idyoma-dalumat55845adf5320f.ppt
dokumen.tips_idyoma-dalumat55845adf5320f.pptdokumen.tips_idyoma-dalumat55845adf5320f.ppt
dokumen.tips_idyoma-dalumat55845adf5320f.pptlaxajoshua51
 
MGA SAWIKAIN AT SALAWIKAIN
MGA SAWIKAIN AT SALAWIKAINMGA SAWIKAIN AT SALAWIKAIN
MGA SAWIKAIN AT SALAWIKAINicgamatero
 
Anyo Ng Pakikipagtalastasan
Anyo Ng PakikipagtalastasanAnyo Ng Pakikipagtalastasan
Anyo Ng PakikipagtalastasanKyla De Chavez
 

Similar to mga halimbawa ng sawikain para sa lahat ng antas (13)

Diane ver power point
Diane ver power pointDiane ver power point
Diane ver power point
 
Diane ver power point
Diane ver power pointDiane ver power point
Diane ver power point
 
Iba't Ibang Uri ng Tayutay at Idyoma.pptx
Iba't Ibang Uri ng Tayutay at Idyoma.pptxIba't Ibang Uri ng Tayutay at Idyoma.pptx
Iba't Ibang Uri ng Tayutay at Idyoma.pptx
 
Idyoma
IdyomaIdyoma
Idyoma
 
dokumen.tips_idyoma-dalumat55845adf5320f.ppt
dokumen.tips_idyoma-dalumat55845adf5320f.pptdokumen.tips_idyoma-dalumat55845adf5320f.ppt
dokumen.tips_idyoma-dalumat55845adf5320f.ppt
 
MGA SAWIKAIN AT SALAWIKAIN
MGA SAWIKAIN AT SALAWIKAINMGA SAWIKAIN AT SALAWIKAIN
MGA SAWIKAIN AT SALAWIKAIN
 
FIL10.M3-4. W3-4.pdf
FIL10.M3-4. W3-4.pdfFIL10.M3-4. W3-4.pdf
FIL10.M3-4. W3-4.pdf
 
MODYUL 4.pptx
MODYUL 4.pptxMODYUL 4.pptx
MODYUL 4.pptx
 
Mga Tayutay
Mga TayutayMga Tayutay
Mga Tayutay
 
Linggo 6 Grade 7.pptx
Linggo 6 Grade 7.pptxLinggo 6 Grade 7.pptx
Linggo 6 Grade 7.pptx
 
grade 9 module 4.pptx
grade 9 module 4.pptxgrade 9 module 4.pptx
grade 9 module 4.pptx
 
FILIPINO 8.pptx
FILIPINO 8.pptxFILIPINO 8.pptx
FILIPINO 8.pptx
 
Anyo Ng Pakikipagtalastasan
Anyo Ng PakikipagtalastasanAnyo Ng Pakikipagtalastasan
Anyo Ng Pakikipagtalastasan
 

Recently uploaded

AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptxAP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptxvh27pvs4b5
 
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfAizaStamaria3
 
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxCor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxLlemorSoledSeyer1
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxANNALYNBALMES2
 
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4MarieClaireRanesesYa
 
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptx
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptxKulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptx
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptxCristyJoySalarda
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxVillasoClarisse
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdfAizaStamaria3
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values edFatimaCayusa2
 
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-diannesofocado8
 
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfCamiling Catholic School
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanPaul649054
 
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. pptLumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. pptSJCOJohnMichaelDiez
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfdiannesofocado8
 
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptxAP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptxDonnaMaeSuplagio
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdfAizaStamaria3
 
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptxFATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptxMartin M Flynn
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfdiannesofocado8
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxSundieGraceBataan
 
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismDLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismMyrrhBalanayFlorida
 

Recently uploaded (20)

AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptxAP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
 
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxCor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
 
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptx
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptxKulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptx
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptx
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
 
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
 
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. pptLumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptxAP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
 
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptxFATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
 
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismDLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
 

mga halimbawa ng sawikain para sa lahat ng antas

  • 1. Ahas Kahulugan: Isang tao na hindi mapagkakatiwalaan at taksil Halimbawa: Hindi ko inakala na si Belinda ay ahas pala sa likod ng kanyang ngiti. Alilang-kanin Kahulugan: Taong nagtatrabaho na walang sweldo, nakikisama at nakikikain lamang Halimbawa: Si Anton ay alilang-kanin lamang sa bahay ng kanyang tiyuhin habang nag-aaral sa Maynila. Alog na ang baba Kahulugan: May edad na; matanda Halimbawa: Si Lolo Lito ay alog na ang baba, ngunit patuloy pa rin sa pagtrabaho. Alsa balutan Kahulugan: Tumakas; umalis nang walang paalam Halimbawa: Bigla na lang nag-alsa balutan si Juan dahil sa hindi niya matanggap na pagkatalo. Amoy pinipig Kahulugan: Mabango at malinis; nagkakamalay na Halimbawa: Si Jane ay amoy pinipig pa, pero marami na siyang alam sa buhay. Amoy tsiko Kahulugan: Lasing o mabaho ng alak Halimbawa: Dumating si Alvin na amoy tsiko, inuman na naman siguro. Anak-dalita Kahulugan: Taong mahirap o walang yaman Halimbawa: Kahit na anak-dalita siya, pinatunayan ni Jake na kaya niyang maabot ang kanyang mga pangarap.
  • 2. Anak-pawis Kahulugan: Manggagawa o maralitang tao Halimbawa: Bilang anak-pawis, ipinaglalaban ni Ronald ang karapatan ng mga manggagawa. Anghel ng tahanan Kahulugan: Batang mabait at mapagmahal Halimbawa: Si Mikaela ay itinuturing na anghel ng tahanan dahil sa kanyang kabutihan. Asal hayop Kahulugan: Walang modo o masamang ugali Halimbawa: Hindi ako makapaniwala na magiging asal hayop si Ruel sa harap ng maraming tao. Bahag ang buntot Kahulugan: Duwag o hindi makipaglaban Halimbawa: Huwag mong subukan si Carlo, dahil bahag ang buntot niyan. Bakas ng kahapon Kahulugan: Mga alaala o pangyayari mula sa nakaraan Halimbawa: Ang ating pagsasama noon ay bakas ng kahapon na hindi ko malilimutan. Balat kalabaw Kahulugan: Di madaling maramdaman ang hiya, matibay ang pakiramdam Halimbawa: Kahit ilang beses na siyang napagsabihan, hindi pa rin siya nahihiya; talagang balat kalabaw si Marta. Balat-sibuyas Kahulugan: Madaling masaktan ang damdamin, sobrang sensitibo Halimbawa: Mag-ingat sa pagsasalita kapag nasa harap mo si Angge, balat- sibuyas kasi siya at baka masaktan mo ang kanyang damdamin.
  • 3. Balik-harap Kahulugan: Magalang sa harap ngunit traidor sa likod Halimbawa: Hindi mapagkakatiwalaan ang mga taong balik-harap dahil maganda lang ang pakikitungo nila sa iyong harapan. Balitang kutsero Kahulugan: Hindi totoo o di mapagkakatiwalaang balita Halimbawa: Wala akong tiwala sa mga balitang kutsero na kumakalat kay Aries. Bantay-salakay Kahulugan: Hindi mapagkakatiwalaan, magulo Halimbawa: Ingat ka sa pagsasama kay Ka Doray dahil kilalang bantay-salakay ang kanyang apo. Basa ang papel Kahulugan: Nahuli na, alam na ang sikreto Halimbawa: Alam na ng lahat ang ginawa ni Roy, basa na ang papel niya, pero ayaw pa rin niyang umamin. Basag-ulo Kahulugan: Gulo o away Halimbawa: Iwasan mo ang mga grupong mahilig sa basag-ulo, mas mabuting maghanap ng mapayapang barkada. Bilang na ang araw Kahulugan: Malapit na ang katapusan Halimbawa: Bilang na ang araw ng kanyang kaligayahan dahil malapit na siyang matuklasan. Buhok anghel Kahulugan: Maganda at kaakit-akit na buhok Halimbawa: Pansinin mo si Dinah, talagang buhok anghel ang kanyang buhok, ang ganda tingnan.
  • 4. Bukal sa loob Kahulugan: Mula sa puso, walang pag-aalinlangan Halimbawa: Handa akong tumulong sa iyo dahil bukal sa loob ko ang pagtulong sa kapwa. Bukang liwayway Kahulugan: Paparating na ang umaga Halimbawa: Umaga na nang ako’y makauwi, bukang liwayway na nga. Bukas ang isip Kahulugan: Handang tanggapin ang ibang opinyon Halimbawa: Saludo ako kay Diego dahil bukas ang isip niya pagdating sa mga usaping panlipunan. Bukas na kaban Kahulugan: Matulungin, handang magbigay Halimbawa: Si Aling Maria ay kilala bilang bukas na kaban dahil sa kanyang pagtulong sa mga nangangailangan. Bulaklak ng dila Kahulugan: Pagpapalaki sa katotohanan Halimbawa: Huwag masyadong paniwalaan ang mga reporter na mahilig sa bulaklak ng dila. Bulaklak ng lipunan Kahulugan: Respetadong babae sa komunidad Halimbawa: Si Agnes ay kinikilala bilang bulaklak ng lipunan dahil sa kanyang impluwensya at kabutihan. Bulang-gugo Kahulugan: Galante, laging handang magbigay o gumasta Halimbawa: Masaya talaga kapag kasama mo ang isang bulang-gugo dahil hindi ka mauubusan ng kasiyahan.
  • 5. Bumangga sa pader Kahulugan: Lumalaban sa taong mayaman o makapangyarihan Halimbawa: Mahirap talagang bumangga sa pader, lalo na kung ikaw ay isang ordinaryong tao lamang. Bungang-araw Kahulugan: Isang sakit sa balat na makati Halimbawa: Tuwing tag-init ay pinapawisan at nagkakaroon ng bungang-araw ang aking anak. Bungang-tulog Kahulugan: Panaginip, Pangarap Halimbawa: Akala ko’y nanalo na ako ng 10 milyon sa lotto, bungang-tulog lang pala! Buntong hininga Kahulugan: Malalim na paghinga na nagpapahiwatig ng damdamin tulad ng pagkadismaya, pagkapagod, o ginhawa Halimbawa: Pagkatapos ng mahabang araw sa trabaho, buntong hininga ang ginawa ni Ana habang inaayos ang kanyang gamit. Busilak ang puso Kahulugan: Maganda at malinis na kalooban Halimbawa: Ang mga batang may busilak na puso ay handang tumulong sa mga nangangailangan. Butas ang bulsa Kahulugan: Wala o kulang ang pera Halimbawa: Ayaw niyang sumama sa gala dahil butas ang bulsa niya ngayon. Buto’t balat Kahulugan: Napakakapayatan Halimbawa: Ilang linggo nang buto’t balat si Tom dahil sa mabagal na metabolism.
  • 6. Buwaya sa katihan Kahulugan: Mapagsamantala, nagpapautang na may malaking tubo Halimbawa: Dapat mag-ingat sa mga buwaya sa katihan para hindi tayo mabaon sa utang. Daga sa dibdib Kahulugan: Pagkatakot o kaba Halimbawa: Ang daga sa dibdib niya ay nagsimula nang kumalma nang makita niya ang kanyang pamilya. Dalawa ang bibig Kahulugan: Madaldal, maraming sinasabi Halimbawa: Hindi maubos ang kwento ni Lisa dahil dalawa ang bibig niya. Dalawa ang mukha Kahulugan: Hindi tapat, balimbing Halimbawa: Hindi mo alam kung saan ka lulugar dahil dalawa ang mukha ng kasamahan mo. Dapit-hapon Kahulugan: Papalubog na ang araw, hapon na Halimbawa: Dapit-hapon na nang dumating si Danny mula sa kanyang biyahe. Di mahapayang gatang Kahulugan: Mayabang, maangas Halimbawa: Ayaw niyang makisama sa mga di mahapayang gatang dahil hindi niya gusto ang kanilang ugali. 1. Di makabasag-pinggan Kahulugan: Mahiyain, mahinhin Halimbawa: Si Marielle ay di makabasag-pinggan kaya madalas siyang mapagkamalang suplada.
  • 7. 2. Di malaglagang karayom Kahulugan: Napakaraming tao, siksikan Halimbawa: Di malaglagang karayom sa mall dahil sa weekend sale na nagaganap. 3. Galit sa pera Kahulugan: Madaling gumasta, walang kontrol sa paggastos Halimbawa: Kinailangan niyang magtipid dahil galit sa pera ang kanyang asawa. 4. Ginintuang tinig Kahulugan: Magandang boses, mahusay na mang-aawit Halimbawa: Nanalo sa singing contest si Leah dahil sa kanyang ginintuang tinig. Guhit ng tadhana Kahulugan: Itinakda o inilaang kapalaran Halimbawa: Sinasabi nila na ang pagtatagpo nina Juan at Maria ay guhit ng tadhana. Halang ang bituka Kahulugan: Mapanganib, walang awa, handang pumatay Halimbawa: Hindi na siya tumuloy sa kanyang plano dahil nalaman niyang halang ang bituka ng kalaban niya. Halang ang kaluluwa Kahulugan: Masamang tao Halimbawa: Titiyakin kong mabubulok ka sa kulungan dahil halang ang kaluluwa mo! Haligi ng tahanan Kahulugan: Ama o Tatay Halimbawa: Responsable at mapagmahal ang aming haligi ng tahanan. Hampas ng langit
  • 8. Kahulugan: Ngitngit ng Diyos Halimbawa: Hindi ka makakatakas sa hampas ng langit. 5. Hampas-lupa Kahulugan: Lagalag, busabos, mahirap Halimbawa: Hindi ako makakapayag na sa hampas-lupang iyan ka lamang mapupunta. 6. Hawak sa leeg Kahulugan: Sunud-sunuran Halimbawa: Si Ramil ay hawak sa leeg ng kanyang asawa. 7. Hinahabol ng karayom Kahulugan: May sira ang damit Halimbawa: Hindi man lang napansin ni Minda na hinahabol ng karayom ang asawa niyang si Berto. 8. Hindi madapuan ng langaw Kahulugan: Sobrang pinoprotektahan Halimbawa: Hindi madapuan ng langaw ang batang si Baste. 9. Ibaon sa hukay Kahulugan: Kalimutan Halimbawa: Ibaon mo na lang sa hukay ang pangako niyang babalik siya. Ibong mandaragit Kahulugan: Mananakop Halimbawa: Ang dating ibong mandaragit na Estados Unidos ang isa sa may pinakamalaking naitulong sa mga nasalanta ng lindol sa Nepal. Ikrus sa noo
  • 9. Kahulugan: Tandaan Halimbawa: Kaya dapat lang na ikrus sa noo ang lahat ng sinasabi ng iyong Lola. Ilaw ng tahanan Kahulugan: Ina o Nanay Halimbawa: Mahal na mahal ko ang aming ilaw ng tahanan. 10. Isang bulate na lang ang hindi pumipirma Kahulugan: Malapit nang mamatay Halimbawa: Sinabi ng doktor na isang bulate na lang ang hindi pumipirma kay Marlou kaya nag-iyakan na ang pamilya nito. Isang kahig, isang tuka Kahulugan: Nabubuhay sa hirap Halimbawa: Dati kaming isang kahig, isang tuka. Isulat sa tubig Kahulugan: Kalimutan Halimbawa: Isulat mo na lang sa tubig ang mga pinag-usapan natin. Itaga sa bato Kahulugan: Tandaan Halimbawa: Itaga mo sa bato, hindi na ako magpapakita sa’yo kahit kailan! Itim na tupa Kahulugan: Masamang anak Halimbawa: Itim na tupa kung ituring ng mga kapitbahay ang pangalawang anak ni Silvia. Kabiyak ng dibdib Kahulugan: Asawa Halimbawa: Si Alyana ang kabiyak ng dibdib ni Cardo.
  • 10. Kakaning-itik Kahulugan: Walang gaanong halaga, hindi maipagpaparangalan Halimbawa: Palibhasa’t matanda na kaya kakaning-itik na lang para sa mga anak ang kanilang ina. Kalapating mababa ang lipad Kahulugan: Babaeng nagbibili ng aliw Halimbawa: Nabalitaan ko na marami daw kalapating mababa ang lipad sa Pampanga? Kamay na bakal Kahulugan: Mahigpit na pamamalakad; malupit Halimbawa: Totoo ba na may kamay na bakal daw si Pangulong Duterte? Kape at gatas Kahulugan: Maitim at maputi Halimbawa: Madaling malaman kung sino sa kambal sina Melai at Melanie dahil sa kulay nilang kape at gatas. Kapit tuko Kahulugan: Mahigpit ang hawak Halimbawa: Kung kapit tuko sa iyo ang iyong nobya, malamang ay natatakot iyan na maagaw ka ng iba. Kaututang dila Kahulugan: Katsismisan Halimbawa: Tuwing umaga ay kaututang dila ni Linda si Cely. Kidlat sa bilis Kahulugan: Napakabilis Halimbawa: Kidlat sa bilis nang ikalat ni Amber ang balitang hiwalay na sina Dong at Yan.
  • 11. Kilos pagong Kahulugan: Mabagal kumilos Halimbawa: Ayaw isama ni Carding si Harmon dahil kilos pagong daw kasi ito. Kumukulo ang dugo Kahulugan: Naiinis, nasusuklam Halimbawa: Kumukulo ang dugo ko sa tuwing nakikita kita. Kumukulo ang sikmura Kahulugan: Nagugutom Halimbawa: Kumukulo ang sikmura ko kanina pa. Kusang palo Kahulugan: Sariling sipag Halimbawa: Kung ako sa’yo ay magkukusang palo ako at hindi aasa sa iba. Kutsarang ginto sa bibig Kahulugan: Lumaki sa yaman Halimbawa: Kung ako ang ay lumaking may kutsarang ginto sa bibig, hindi ko na sana kaylangang magtrabaho. Lahing kuwago Kahulugan: Sa umaga natutulog Halimbawa: Si Cindy ay may lahing kuwago. Lakad pagong Kahulugan: Sobrang bagal na pag-usad tao man o sasakyan Halimbawa: Araw-araw na iniinda ni Selya ang lakad pagong na trapiko sa EDSA. Laman ng lansangan
  • 12. Kahulugan: Taong madalas sa kalye at walang ibang ginagawa Halimbawa: Kung di magbabago si Berting, lagi na lang siyang magiging laman ng lansangan. Lamog ang katawan Kahulugan: Napakapagod na katawan Halimbawa: Pagkatapos ng marathong siya’y sinalihan, lamog ang katawan ni Rico. Lantang gulay Kahulugan: Lubos na pagod at pagkapagod Halimbawa: Sa ilang oras na pagsasayaw, lantang gulay ang pakiramdam ni Mina. Lawit ang dila Kahulugan: Labis na pagkapagod Halimbawa: Lawit ang dila ni Jonas matapos na maghakot ng kahoy sa buong araw. Laylay ang balikat Kahulugan: Lubhang nabigo o naudlot ang pangarap Halimbawa: Laylay ang balikat ni Noel nang mabigo sa kanyang job interview. Luha ng buwaya Kahulugan: Hindi tunay na pagdadalamhati o pagluluksa Halimbawa: Luha ng buwaya lang ang pinakita niya nang mawala ang kanyang kalaban sa pulitika. Lumagay sa tahimik Kahulugan: Nag-asawa Halimbawa: Si Jenny at Mike ay nagpasya na lumagay sa tahimik. Lumaki ang ulo
  • 13. Kahulugan: Lumaki ang tiwala sa sarili dahil sa tagumpay Halimbawa: Lumaki ang ulo niya matapos manalo sa singing contest. Lumang tugtugin Kahulugan: Di na bago o di na epektibo ang kwento o balita Halimbawa: Lumang tugtugin na ang estilo mo ng panliligaw, wala nang epekto sa akin. Lumuha man ng bato Kahulugan: Hindi makakakuha ng tawad Halimbawa: Lumuha man ng bato si Anna, hindi na siya matatanggap ng kanyang kaibigan. Maaliwalas ang mukha Kahulugan: Masigla, masayahin, at palangiti Halimbawa: Laging maaliwalas ang mukha ni Leah, kahit may problema sa trabaho. Maamong kordero Kahulugan: Taong mabait at mapagkumbaba Halimbawa: Sa kabila ng kanyang yaman, maamong kordero pa rin ang ugali ni Victor. Maanghang ang dila Kahulugan: Walang pakundangan o bastos magsalita Halimbawa: Maraming nasasaktan sa salita dahil maanghang ang dila ni Terence. Mababa ang loob Kahulugan: Mapagkawanggawa at maawain Halimbawa: Sa pagtulong sa mga nangangailangan, kilala si Liza na mababa ang loob. Mababaw ang luha
  • 14. Kahulugan: Madaling maantig at maramdamin Halimbawa: Mababaw ang luha ni Rose, umiiyak agad siya sa tuwing manonood ng drama sa telebisyon. Mabigat ang dugo Kahulugan: Hindi masyadong nakakasundo o masayahin Halimbawa: Kailangan mo pang kilalanin si Jerome nang husto bago mo malaman na mabigat ang dugo niya. Mabigat ang kamay Kahulugan: Hindi masipag o tamad sa trabaho Halimbawa: Si Nonoy ay mabigat ang kamay, kaya madalas siyang napapagalitan ng kanyang guro. Mabigat ang loob Kahulugan: Hindi gaanong kasiyahan o pakikisama sa isang tao Halimbawa: Mabigat ang loob ko kay Shiela dahil sa kanyang pakikipagplastikan. Mabilis ang kamay Kahulugan: Mahilig kumupit o mandukot ng gamit Halimbawa: Ingat ka sa palengke, maraming mabilis ang kamay na maaaring kumuha ng iyong gamit. Madilim ang mukha Kahulugan: Malungkot, may problema Halimbawa: Bumagsak siya sa exam kaya madilim ang mukha niya ngayong araw. Magaan ang dugo Kahulugan: Madali pakisamahan Halimbawa: Bihira lang siyang makakita ng kaaway dahil magaan ang dugo niya. Magaan ang kamay
  • 15. Kahulugan: Madalas gumamit ng pisikal na lakas Halimbawa: Pinagalitan siya ng kanyang ina dahil magaan ang kamay sa kapatid niyang bata. Magaling ang kamay Kahulugan: Talentado sa pagguhit o pagpipinta Halimbawa: Noong art exhibit, maraming pumuri sa kanya dahil magaling ang kamay niya. Magdilang-anghel Kahulugan: Sana matupad Halimbawa: Sinabi ng kanyang kaibigan na magiging masaya siya sa buhay, at sumagot siya ng “magdilang-anghel ka sana!” Maghalo ang balat sa tinalupan Kahulugan: Magkagulo, mag-away Halimbawa: Kung hindi pa sila pipigilan, baka maghalo ang balat sa tinalupan sa pagtatalo nila. Magkataling-puso Kahulugan: Magkasintahan o mag-asawa Halimbawa: Tumagal ng sampung taon bago naging magkataling-puso sina Mario at Liza. Maglaro ng apoy Kahulugan: Lumandi o lumabag sa pangakong pagmamahal Halimbawa: Nahuli siyang naglalaro ng apoy kaya naghiwalay sila ng kanyang asawa. Maglubid ng buhangin Kahulugan: Magbigay ng maling impormasyon Halimbawa: Alam niyang maglubid ng buhangin ang kanyang kaibigan, kaya hindi siya naniniwala sa lahat ng sinasabi nito.
  • 16. Mahaba ang buntot Kahulugan: Pasaway, hindi disiplinado Halimbawa: Lagi siyang napapagalitan sa paaralan dahil mahaba ang buntot niya. Mahabang dulang Kahulugan: Kasal Halimbawa: Handa na silang humarap sa mahabang dulang upang maging mag- asawa. Mahangin Kahulugan: Palalo, mayabang Halimbawa: Hindi siya gusto ng kanyang mga kasama dahil mahangin siya. Mahangin ang ulo Kahulugan: Palalo, mayabang Halimbawa: Marami ang ayaw sa kanya dahil mahangin ang ulo niya. Mahapdi ang bituka Kahulugan: Gutom Halimbawa: Hindi siya kumain sa buong araw kaya mahapdi ang bituka niya. Mahina ang loob Kahulugan: Takot, walang tiyaga Halimbawa: Nais niyang sumali sa contest pero mahina ang loob niya kaya hindi niya itinuloy. Mainit ang ulo Kahulugan: Madaling magalit, masungit Halimbawa: Hindi pa nakakapag-kape si Kuya kaya mainit ang ulo niya ngayon. Maitim ang budhi
  • 17. Kahulugan: Mapanlinlang, masamang intensyon Halimbawa: Pinagkatiwalaan siya ng pera ngunit maitim ang budhi niya kaya kinurakot niya ito. Maitim ang dugo Kahulugan: Mapang-api, masama ang ugali Halimbawa: Iilan lang ang tumatanggap sa kanya dahil maitim ang dugo niya. Makalaglag-matsing Kahulugan: Nakakapukaw ng atensyon, seductive Halimbawa: Nang matanaw niya si Maria, napatigil siya sa paglalakad dahil makalaglag-matsing ang kanyang kagandahan. Makapal ang bulsa Kahulugan: May kaya sa buhay, mayaman Halimbawa: Hindi siya nag-aalala sa gastusin dahil makapal ang bulsa ng kanyang pamilya. Makapal ang mukha Kahulugan: Walang hiya, kapalmuks Halimbawa: Kahit alam niyang mali siya, makapal pa rin ang mukha niyang hingin ang pasensya ng iba. Makapal ang palad Kahulugan: Sipag, masikap Halimbawa: Dahil makapal ang palad niya, malayo ang mararating niya sa buhay. Makati ang dila Kahulugan: Madaldal, mausisa Halimbawa: Hindi mapakali si Lita dahil makati ang dila niya at gusto niyang malaman ang balita. Makati ang paa
  • 18. Kahulugan: Mahilig sa paglalakbay, gala Halimbawa: Si Kevin ay makati ang paa, kaya’t madalas siyang mag-ikot sa iba’t ibang lugar. Makitid ang isip Kahulugan: Mahirap intindihin, limitado ang kaalaman Halimbawa: Mahirap makipag-usap kay Jericho dahil makitid ang isip niya at hindi niya nauunawaan ang mga bagay-bagay. Makuskos-balungos Kahulugan: Malungkot, hindi madaling pasiyahin Halimbawa: Ang pinakaayaw niya ay ang makadaupang-palad ng taong makuskos-balungos. Malakas ang loob Kahulugan: Matapang, determinado Halimbawa: Dahil malakas ang loob niya, naipasa niya ang board exam sa unang pagkakataon. Malaking isda Kahulugan: Maykaya, mayaman Halimbawa: Swerte si Tina, nakapag-asawa siya ng malaking isda. Malamig ang ulo Kahulugan: Maganda ang disposisyon, kalmado Halimbawa: Maayos ang usapan dahil malamig ang ulo ni Direk kanina. Malapad ang papel Kahulugan: Maraming koneksyon, may impluwensiya Halimbawa: Hindi nagtagal sa trabaho si Gerry dahil malapad ang papel niya sa kompanya. Malawak ang isip
  • 19. Kahulugan: Madaling makaintindi, matalino Halimbawa: Hindi nag-aaksaya ng oras si Liza sa pag-aaral dahil malawak ang isip niya. Malikot ang kamay Kahulugan: Magnanakaw, kumukuha ng hindi kanya Halimbawa: Hindi na pinapapasok sa tindahan si Greg dahil malikot ang kamay niya. Manipis ang mukha Kahulugan: Mahiyain, sensitibo Halimbawa: Hindi makatingin ng diretso si Gelo dahil manipis ang mukha niya. Mapait na lunukin Kahulugan: Nakakahiya, masakit na karanasan Halimbawa: Mapait na lunukin ang nangyari sa kanilang pamilya noong nakaraang taon. Mapurol ang utak Kahulugan: Mahina ang kaisipan, hindi matalino Halimbawa: Kung hindi ka mag-aaral nang mabuti, baka mapurol ang utak mo. Maputi ang tainga Kahulugan: Kuripot, hindi madaling magbigay Halimbawa: Hindi madali hingan ng pabor si Juan dahil maputi ang tainga niya. Masama ang loob Kahulugan: May sama ng loob, nagdaramdam Halimbawa: Hindi nagparamdam si Tina ng ilang araw dahil masama ang loob niya sa akin. Masama ang panahon
  • 20. Kahulugan: May malakas na bagyo o ulan Halimbawa: Kailangang ihanda ang mga gamit dahil masama ang panahon ngayong gabi. Matalas ang dila Kahulugan: Masakit magsalita, mapanlait Halimbawa: Hindi makasundo ng mga kaibigan si Ria dahil matalas ang dila niya. Matalas ang mata Kahulugan: Madaling makapansin ng detalye Halimbawa: Hindi makalusot ang mali sa report dahil matalas ang mata ni Ma’am Lourdes. Matalas ang tainga Kahulugan: Mabilis makarinig, may matalim na pandinig Halimbawa: Hindi makalusot ang bulong ng mga bata dahil matalas ang tainga ni Lola. Matalas ang ulo Kahulugan: Matalino, matatalas ang kaisipan Halimbawa: Top 1 sa klase si Rina dahil matalas ang ulo niya. Matamis ang dila Kahulugan: Mahusay magsalita, mapang-akit Halimbawa: Madaling makakuha ng loob ng mga tao si Raffy dahil matamis ang dila niya. Matandang kalabaw Kahulugan: Taong may edad na, matanda na Halimbawa: Kahit matandang kalabaw na si Lolo, aktibo pa rin siya sa komunidad. Matigas ang buto
  • 21. Kahulugan: Malakas, mabagsik Halimbawa: Si John ay payat pero matigas ang buto, hindi mo aakalain na malakas siya. Matigas ang katawan Kahulugan: Tamad, hindi masipag Halimbawa: Wala siyang maasahang trabaho dahil matigas ang katawan niya. Matigas ang leeg Kahulugan: Mapagmataas, ayaw makinig sa iba Halimbawa: Maraming kaaway si Mike dahil matigas ang leeg niya. Matigas ang ulo Kahulugan: Hindi sumusunod sa payo o utos Halimbawa: Lagi siyang napapagalitan ng kanyang mga magulang dahil matigas ang ulo niya. May ipot sa ulo Kahulugan: May asawang taksil, niloko ng kapartner Halimbawa: Nakakaawa si Josie, may ipot sa ulo dahil niloko siya ng asawa niya. May krus ang dila Kahulugan: Marunong manghula, may kakayahang makapredict Halimbawa: Nang magsabi si Aling Nena na mabibigyan ng promosyon si Lani, natupad ito kaya’t sinasabing may krus ang dila niya. May magandang hinaharap Kahulugan: Positibo ang kinabukasan ng isang tao Halimbawa: Dahil sa kanyang sipag at tiyaga, tiyak na may magandang hinaharap si Mario. May sinasabi
  • 22. Kahulugan: Nakakamangha, mayaman sa talento o talino Halimbawa: Sa galing niyang magpinta, talagang may sinasabi si Juan sa larangan ng sining. Nag-aapoy sa init Kahulugan: Lubhang mataas ang lagnat ng isang tao Halimbawa: Ayaw magpahinga ni Anna kahit nag-aapoy sa init ang katawan niya. Nagbabatak ng buto Kahulugan: Sobrang pagpupursige sa trabaho Halimbawa: Araw-araw nagbabatak ng buto si Alvin para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya niya. Nagbibilang ng poste Kahulugan: Naghahanap ng oportunidad sa trabaho Halimbawa: Pagkatapos mawalan ng trabaho, nagbibilang ng poste si Roberto para makahanap ng bagong hanapbuhay. Nagbukas ng dibdib Kahulugan: Nag-alok ng kasal sa minamahal Halimbawa: Pagkatapos ng ilang taon ng pagliligawan, nagbukas na ng dibdib si Renato kay Rebecca. Nagmumurang kamatis Kahulugan: Matandang tao na nag-aayos o nagbibihis na parang bata Halimbawa: Sa edad na 60, nagmumurang kamatis pa rin si Aling Linda sa kanyang kasuotan. Nagpupusa Kahulugan: Nagsasalita ng mga tsismis tungkol sa iba Halimbawa: Hindi maiwasan ni Marites ang magpupusa tungkol sa buhay ng kanyang mga kapitbahay.
  • 23. Nagsaulian ng kandila Kahulugan: Nagkaroon ng alitan o hindi pagkakasundo sa pagitan ng magkakaibigan Halimbawa: Nagsaulian ng kandila sina Liza at Tina dahil sa hindi pagkakaunawaan. Nagsusunog ng kilay Kahulugan: Masugid sa pag-aaral Halimbawa: Nagsusunog ng kilay si Paul para sa nalalapit na pagsusulit. Nakahiga sa salapi Kahulugan: Lubos na kayamanan Halimbawa: Dahil sa mga negosyo ng kanyang pamilya, nakahiga sa salapi si Dona Maria. Nakapinid ang tainga Kahulugan: Hindi nakikinig sa sinasabi ng iba Halimbawa: Kapag pinapagalitan, laging nakapinid ang tainga ni Jericho. Namamangka sa dalawang ilog Kahulugan: Taong may dalawang relasyon Halimbawa: Nabalitaan ko na namamangka sa dalawang ilog si Henry; may asawa na, may nobya pa. Namuti ang mata Kahulugan: Napakahaba ng panahon ng paghihintay Halimbawa: Namuti na ang mata ni Aling Nena sa paghihintay sa pag-uwi ng kanyang anak mula sa ibang bansa. Naniningalang-pugad Kahulugan: Nangliligaw o nanunuyo sa isang tao Halimbawa: Si Jake ay naniningalang-pugad kay Sarah kaya madalas siyang magbigay ng bulaklak at regalo sa kanya.
  • 24. Natuka ng ahas Kahulugan: Nawalan ng kakayahang magsalita sa gulat o kaba Halimbawa: Nang makita ni Karen ang kanyang idolo, natuka siya ng ahas at hindi na siya nakapagsalita. Ningas-kugon Kahulugan: Mabilis magsimula pero madali ring sumuko Halimbawa: Maraming proyekto si Juan pero dahil ningas-kugon siya, wala ni isa ang natapos niya. Pag-iisang dibdib Kahulugan: Pag-aasawa o pagkakasal Halimbawa: Sa susunod na buwan, magkakaroon ng pag-iisang dibdib sina Ana at Mark. Pagkagat ng dilim Kahulugan: Takipsilim o paglubog ng araw Halimbawa: Nagtatakbuhan ang mga bata pauwi sa kanilang mga bahay pagkagat ng dilim. Pagputi ng uwak Kahulugan: Hindi mangyayari o hindi kapani-paniwala Halimbawa: Pagputi ng uwak bago pa ako magturok ng droga sa katawan ko. Panakip butas Kahulugan: Isang taong ginagamit upang punan ang kulang o kawalan ng iba Halimbawa: Hindi na nagtagal ang relasyon ni Jane at Ruel dahil nalaman ni Jane na panakip butas lang pala siya. Panis ang laway Kahulugan: Hindi makapagsalita o walang masabi Halimbawa: Nang tanungin ko siya tungkol sa kanyang palagay sa pulitika, napapanis ang laway niya at hindi makapagsalita.
  • 25. Pantay ang mga paa Kahulugan: Pumanaw na o namatay Halimbawa: Pantay na ang mga paa ni Lolo Pedro kaya nalulungkot ang buong pamilya. Parang aso’t pusa Kahulugan: Madalas mag-away o magtalo Halimbawa: Parang aso’t pusa ang magkapatid na sina Mona at Rona dahil sa kanilang pagkakaiba ng pananaw. Parang kiti-kiti Kahulugan: Hindi mapakali o palaging malikot Halimbawa: Parang kiti-kiti si Timmy; hindi siya mapakali sa kanyang upuan at laging lumilipat-lipat ng pwesto. Parehong kaliwa ang paa Kahulugan: Mahirap sumayaw Halimbawa: Hindi ko talaga kayang sumali sa sayaw dahil parehong kaliwa ang paa ko. Patabaing baboy Kahulugan: Tamad na tao Halimbawa: Ayaw kong maging katrabaho si Edgar dahil isa siyang patabaing baboy. Patay-gutom Kahulugan: Sobrang matakaw Halimbawa: Natawa ang lahat nang sabihan si Liza na patay-gutom sa kanyang pagkain. Pinagbubuhatan ng kamay Kahulugan: Sinasaktan o pinapalo Halimbawa: Nalungkot ako nang malaman kong pinagbubuhatan ng kamay ni Pedro ang kanyang asawa.
  • 26. Pulot-gata Kahulugan: Pagtatalik pagkatapos ng kasal Halimbawa: Tinanong ni Ina kung saan gaganapin ang pulot-gata ng bagong kasal. Pusong mamon Kahulugan: Madaling masaktan Halimbawa: Madali umiyak si Maria dahil pusong mamon siya. Pusong-bakal Kahulugan: Walang awa o patawad Halimbawa: Hindi niya pinatawad ang kaibigan niya dahil pusong-bakal siya. Putok sa buho Kahulugan: Anak na hindi sa kasal Halimbawa: Hindi maiwasang pag-usapan ng mga kapitbahay ang putok sa buho ni Aling Nena. Saling-pusa Kahulugan: Kasali na pansamantala Halimbawa: Hindi pa siya qualified na sumali sa grupo, kaya saling-pusa muna siya. Samaing palad Kahulugan: Taong palaging malas Halimbawa: Lagi na lang siyang nakakaranas ng kamalasan, kaya inaakala ng iba na siya ay samaing palad. Sampay-bakod Kahulugan: Hindi totoo ang sinasabi Halimbawa: Ingat ka sa pagsasalita kay Lily, sampay-bakod ang ugali niya. Sampid-bakod
  • 27. Kahulugan: Nakikisama o nakikihalubilo Halimbawa: Si Ben ay sampid-bakod sa mga kaibigan niyang mayayaman. Sanga-sangang dila Kahulugan: Taong sinungaling Halimbawa: Hindi mo dapat paniwalaan si Mark, sanga-sangang dila iyan. Sariling pugad Kahulugan: Tahanan ng isang tao Halimbawa: Umuwi ka na sa sariling pugad mo at wag nang makialam sa buhay ng iba. Sariwa sa alaala Kahulugan: Hindi malilimutang karanasan Halimbawa: Sariwa pa sa aking alaala ang araw na nagkita kami ni James sa Paris. Sira ang tuktok Kahulugan: Hindi matino ang pag-iisip Halimbawa: Lagi na lang siyang nagsasabi ng kalokohan dahil sira ang tuktok niya. Sukat ang bulsa Kahulugan: Marunong humawak ng pera Halimbawa: Maayos ang negosyo ni Tony dahil sukat ang bulsa niya sa paghawak ng salapi. Sukat ang bulsa Kahulugan: Marunong humawak ng pera Halimbawa: Maayos ang negosyo ni Tony dahil sukat ang bulsa niya sa paghawak ng salapi. Takaw-tulog
  • 28. Kahulugan: Mahilig matulog Halimbawa: Kahirapan ang kinabukasang sasapitin ng taong takaw-tulog. Talusaling Kahulugan: Madaling masaktan Halimbawa: Mag-ingat sa pagsasalita tungkol kay Lara, talusaling siya. Talusira Kahulugan: Madaling magbago Halimbawa: Mahirap intindihin si Rina, talusira kasi ang kanyang mga desisyon. Tatlo ang mata Kahulugan: Mapansin ang mali ng iba Halimbawa: Ingat ka sa pagsasalita kay Anna, tatlo ang mata niyan at baka makita ang mali mo.