SlideShare a Scribd company logo
Mga 
Halimbawa ng 
Mga uri ng 
Maikling 
Kwento 
Ipinasa ni:Theresa Lorque 
7- ST MATTHEW 
Ipinasa kay:Jubilee Sayin 
-Kwento ng kababalaghan
Napagkamalaang Kaibigan 
Kwento ng Pakikipagsapalaran 
Ang pakikipagsapalaran ni Hipon 
Kwento ng Pag-ibig 
Kwento ng kababalaghan 
Napagkamalaang Kaibigan
Introduction: 
Ang kwentong ito ay nangyari sa isa sa nakasama namin sa retreat nung college kami. 
Hindi ko mismo nasaksihan ang pangyayari ngunit ang mismong nakaranas ang 
nagbahagi sakin ng kwentong ito. 
Body: 
Pitong taon na ang nakalilipas ng mag-retreat kami sa isang sikat na "retreat house" 
dito sa Luzon. Kung hindi ako nagkakamali ay tatlong araw ang ginugul namin sa lugar 
na iyon. 
Ang aming unang araw ay puno ng kulitan at asaran, sa madaling salita normal ang 
mga naging pangyayari. Ngunit nung ikalawang araw na namin sa lugar na iyon ay may 
biglang kakaibang nangyari. Habang abala kami sa pagpapa-"picture, picture" biglang 
may narinig kaming sigaw sa loob ng "girls' dorm". Medyo nagkaroon ng kaunting 
pagpapanic ngunit makalipas ang ilang minuto ay napakalma na ang aming 
kasamahang sumigaw at nagsimula ilahad ang mga naging pangyayari... 
Tatlo daw sila bumalik sa dorm upang kumuha ng gamit at magbanyo. Ang unang 
babae ay pumasok sa banyo, tpos ang dalawang natira ay naiwan sa kwarto. Medyo 
matagal ang pagbabanyo ng isa nilang kasamahan kaya naisip ng kasamahan namin 
na humiga muna sa kama at makipagkwentuhan sa kasama niya. Salita siya ng salita 
sa katabi niyang kama ngunit napansin niya hindi ito sumasagot. Nang lingunin niya 
ang kasama niya laking hilakbot ang nadama niya ng makita niya na isang matandang 
babaeng nakaitim ang nakatitig sa kanya na nakahiga din sa katabi niyang kama, galit 
na galit ang mga mata nito. Ang inakala niyang kaibigan na kinukwentuhan niya ay isa 
pa lang kaluluwang gala sa dormitoryo ng mga babae. 
Kwento ng Pakikipagsapalaran
Ang pakikipagsapalaran ni Hipon 
Isang umaga, kasabay ng pagbago ng ihip ng hangin ay ang biglang pagkabulabog ng 
mga lamang dagat. 
“Anong nangyayari? Bakit nagkakagulo ang mga lamang-dagat?” tanong ni hipon 
“Nagbabago ang agos ng dagat, patungo na ito sa gawing kanluran?” 
“Ha? Bakit ganun? Baka maligaw ang mga isda, paano na ang mga isda” 
“Wag kang mag-alala, minsan sa isang taon ay umiiba ng direksyon ang agos ng dagat, 
nakasanayan na ito ng mga isda.Panahon na para tumawid patungo sa malaking dagat” 
“Kung ganun, paano ang mga maliliit na isda, paano sila sasabay sa agos ng tubig, 
mabubuhay ba sila?” pagkabahala ni hipon 
“Tungaw! May mga magulang silang aalalay sa kanila. Yun ang ginagawa nila ngayon. 
Kaya nga sabay-sabay silang lumalangoy patungo sa direksyong iyon” 
“Sandali, kung nagbabago ang agos ng dagat, ibig sabihin ba ay magbabago rin ang 
mga kilos nila?” 
“Ha?” 
“Kasi, napag-aralan ko na ang kalikasan ay may direktang relasyon sa lamang-dagat, 
kung magbabago ang kalikasan ay maaapektuhan ang mga isda?”
“Hmmm, Oo, may pagbabago, pero hindi laging masama dahil sa panahong ito rin 
magdadagsaan ang mga plankton, maraming makakain ang mga isda.” 
“Pero hindi lang pagkain ang dapat na iniisip natin. Ang pagbabago sa kalikasan ay 
maaaring makapagdulot ng pagbabago sa ugali, kailangan nating bantayan ito dahil 
may dagling pagbabago na makapagdudulot ng stress, halimbawa, ang pamayanan ng 
mga isda na biglang narelocate ay kinakailangang sundan at siguraduhing manatili sa 
dating ayos. Ang paglipat na ito ay magdudulot ng kaguluhan.” 
“Ganun ba yun?” 
“Oo, napag-aralan ko yan, gusto mo tulungan ko kayo sa pagsasaayos ng pamayanan 
ng lamang-dagat” 
“Talaga, may alam ka ba sa pamayanang lamang-dagat?” 
“Oo naman, lumaki rin ako sa dagat, hindi nga lang sa dagat na sinlalim nito, nagising 
kasi ako, narito na ako” 
“Ah, baka tinangay ka rin ng dagat?”
“Siguro nga” 
<!–[if !supportLineBreakNewLine]–> 
<!–[endif]–> 
Ipinakilala si Hipon sa pinuno ng mga lamang-dagat at dagli nitong nakuha ang loob ni 
Lapu-lapu. Ang haring isda. Pinagkatiwalaan ng mga isda si Hipon upang tulungang 
mapanatili ang kaayusan sa paglalakbay na ito kasabay ng alon. 
“Siguro ay kailangan nating magkaroon ng programa para ipaliwanag sa mga isda ang 
direksyon ng ating paglalakbay.” Sabi ni tilapia 
“Ay sige, pero kuhain natin si dalag, siya na lang ang magpapaliwanag.” sabi ni hipon 
Huh? Bakit si dalag, 
E kasi mas sanay syang magsalita? 
Napakamot sa ulo si tilapia 
“e anong gagawin mo?” tanong niya kay hipon 
Tagabasa na lang ako ng program, hindi kasi ako sanay sa ganyan
At naghost nga si dalag. Dahil nga dalag siya, marami sa mga isda ang nainggit. Nagalit 
ang balyena at sumugod kay hipon. 
Bakit si dalag ang host, ang gulo tuloy ng paliwanag. Hindi ko maintindihan. 
Natakot si hipon 
Ah, e kasi, nagprisinta siya. Ayoko nga kay dalag kaso sabi niya alam daw niya ang kiliti 
ng mga isda. 
“Sa susunod, ako ang kausapin mo,” utos ni balyena kay hipon 
“marami akong kakilala na mas magaling sa kanya. Alam mo naman, puro na lang laro 
at kasiyahan ang alam ni dalag. Aba, baka tamarin ang mga isdang nasasakupan ko at 
maging komplasant sila.” dugtong pa nya. 
“Naku, hayaan mo, di na mauulit yan. Ayoko ko talaga sa kanya.” wika ni hipon para 
mahimasmasan si balyena. 
Naisip ni hipon na pasayahin ulit ang mga isda.Sa ganitong paraan ay nakukuha niya 
ang pansin ng mga lamang-dagat. Kaya nagpatawag siya ng party. Sinabi niyang hindi 
naman sa lahat ng panahon ay kailangang nakatuon sa gawain. Kailangang ipahinga 
rin ang katawan at magrelax paminsan-minsan. Sanay na sanay sa ganitong gawain
ang mga hipon. Ang totoo pa nga, maraming magkaibigan ang nauwi sa pag-iibigan 
kahit hindi dapat (cue music intro : against all odds). Anuman ang ibinunga nito, hindi na 
masyadong pinag-uusapan dahil nga abala naman sila sa paglangoy at pagtawid 
patungo sa bago nilang pamayanan. 
Madalas siyang Makita sa kanyang mga kaibigan. Patambay-tambay sa iba’t-ibang 
grupo ng mga lamang-dagat. Palukso-lukso at palangoy-langoy. Ang kanyang 
antenna ay tila pansagap ng lahat ng balita. Sa dami ng balitang nasagap niya, tila 
transmitter ng smart ang kanyang antenna. Kayang-kayang lumikha ng tsumani sa 
lakas ng wave! 
Along the way, napag-alaman ni hipon na hindi lang pagkakaibigan ang ibinunga 
ng kanyang palatuntunan… may mga alitang namuo, kinabahan si hipon subalit sa halip 
na ayusin ang problema ay nakisawsaw pa sya. Tsk. Tsk. Tsk. Naghugas-kamay este 
basa na nga pala siya, nagmalinis ang hipon (hmmm may malinis bang malansa?) 
kunwa’y wala siyang alam sa nangyayari at sinubukang ayusin ang namuuong alitan. 
Yun nga lang, dahil nadadala siya ng emosyon ay hindi niya napapansing lalo niyang 
napapalaki ang problema. 
Magandang araw sa’yo! Pwede ka bang maging kaibigan? Bati ni bangus 
Oo naman, tuwang-tuwang wika ni hipon
Ang totoo ay ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigang seahorse. Dugtong ni 
bangus 
Seahorse? Hindi ako seahorse. Isa akong hipon! 
Huh! E sabi ni starfish seahorse ka daw 
Si starfish? E kaibigan ko yun ah, bakit niya sinabi yun, mukha ba akong 
seahorse? 
Dahil dito ay naging magkaaway na mortal ang starfish at ang hipon. 
Habang tumatagal ay marami na ang naiinis kay hipon. Nakalimutan na nitong 
gampanan ang ipinagkatiwalang trabaho – ang bumuo ng mahuhusay na programa 
para sa lamang-dagat. Matagal bago siya nakaisip ng proteksyon para sa mga lamang-dagat. 
Kailangan kasi nila ng proteksyon dahil mapanganib ang pagtawid patungo sa 
malaking dagat. Wala ring malinaw na patakaran kung paano itutuwid nag mga 
pagkakamali. Walang malinaw na rules and regulations. Lahat pwedeng makipag-usap 
sa lahat. Walang protocol kaya nga may mga nawawalang maliliit na isda dahil sakaling 
makipag-usap sa gahiganteng isda ay kinakain sila nito! Nyay katakot! Hindi rin 
magkaintindihan kung sakaling may kautusang ilalabas, kung hindi kasi late ang 
paglabas ng mensahe ay mali ang mga salitang ginagamit.
Nawalan ng saysay ang tiwalang ipinagkaloob kay hipon. 
Minsan, naisip ni hipon na gumawa ulit ng masayang programa, naisip nilang 
ipagdiwang ang kahalagahan ng kanilang pagiging lamang-dagat! May mga tumugon 
subalit mayroon ding hindi na nakibahagi. 
Naisip din niyang imbitahan ang mga lamang-dagat na mamasyal. 
Ganito na ata mag-isip ang hipon. Ang lumikha ng gawaing pansamantala. 
Sa kaabalahan niya sa pakikipagkwentuhan, hindi niya napansin ang malubak na 
daan kung kaya’t natapilok ang hipon at napahagis sa isang rumaragasang tubig. 
Sumabit ang kanyang katawan sa mga koral samantalang hindi niya nakayanan ang 
lakas ng tubig kaya tinangay ang kanyang ulo. 
Habang tinatangay ng malakas na tubig ang kanyang ulo, agad nagbalik-alaala 
ang masasaya at malulungkot na pangyayari sa kanyang buhay sa piling ng mga 
lamang-dagat. Natulala ang lahat ng nakakita, napanganga at lumabo ang dagat (kasi 
nga ay puro bula dahil lahat ay napanganga… imaginin mo) 
Natagpuan na lamang ng kanyang mga kasamahan ang ulo niyang sumalpok sa 
burak. Hinila nila agad ang ulo at tinangkang ibalik kay hipon subalit nagdalawang-isip 
sila. Ano nga naman ang pinagkaiba nun, may ulo man siya o wala!
——— 
“hindi masamang umatras sa gitna ng digmaan, panoorin mo silang magsalpukan, 
pagkatapos ay lihim kang pumusta sa lyamado, hindi ka na nadamay.. kumita ka pa!” – janitor 
fish
Mga halimbawa ng mga uri ng maikling kwento

More Related Content

What's hot

Maikling kwento
Maikling kwentoMaikling kwento
Maikling kwento
Mark Anthony Mandariaga
 
Panlaping Makadiwa sa Pandiwa
Panlaping Makadiwa sa PandiwaPanlaping Makadiwa sa Pandiwa
Panlaping Makadiwa sa Pandiwa
MAILYNVIODOR1
 
Awit
AwitAwit
Awit
sadyou99
 
Tula Handout
Tula HandoutTula Handout
Tula Handout
Allan Ortiz
 
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
GinalynMedes1
 
mga gamit ng ng at nang at iba pa
mga gamit ng ng at nang at iba pamga gamit ng ng at nang at iba pa
mga gamit ng ng at nang at iba pa
art bermoy
 
Diskurso
DiskursoDiskurso
URI NG AWITING-BAYAN
URI NG AWITING-BAYANURI NG AWITING-BAYAN
URI NG AWITING-BAYAN
AsmaiUso
 
Filipino 9 Sanaysay
Filipino 9 SanaysayFilipino 9 Sanaysay
Filipino 9 Sanaysay
Juan Miguel Palero
 
Pagrerebyu o pagsusuri ng pelikula
Pagrerebyu o pagsusuri ng pelikulaPagrerebyu o pagsusuri ng pelikula
Pagrerebyu o pagsusuri ng pelikula
Reina Antonette
 
Tula
TulaTula
Sanaysay
SanaysaySanaysay
Sanaysay
Yam Jin Joo
 
Uri ng tula o tulang tagalog
Uri ng tula o tulang tagalogUri ng tula o tulang tagalog
Uri ng tula o tulang tagalogEumar Jane Yapac
 
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasa
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasaMaikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasa
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasaNeri Zara
 
Sanaysay ppt
Sanaysay pptSanaysay ppt
Sanaysay ppt
Genevieve Lusterio
 
Maikling Kwento
Maikling KwentoMaikling Kwento
Maikling Kwento
John Estera
 
Filipino 8 Matalinghagang Pahayag
Filipino 8 Matalinghagang PahayagFilipino 8 Matalinghagang Pahayag
Filipino 8 Matalinghagang Pahayag
Juan Miguel Palero
 
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
faithdenys
 
Pagsulat ng Maikling Kuwento
Pagsulat ng Maikling KuwentoPagsulat ng Maikling Kuwento
Pagsulat ng Maikling Kuwento
Merland Mabait
 

What's hot (20)

Maikling kwento
Maikling kwentoMaikling kwento
Maikling kwento
 
Panlaping Makadiwa sa Pandiwa
Panlaping Makadiwa sa PandiwaPanlaping Makadiwa sa Pandiwa
Panlaping Makadiwa sa Pandiwa
 
Awit
AwitAwit
Awit
 
Tula Handout
Tula HandoutTula Handout
Tula Handout
 
Idyoma
IdyomaIdyoma
Idyoma
 
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
 
mga gamit ng ng at nang at iba pa
mga gamit ng ng at nang at iba pamga gamit ng ng at nang at iba pa
mga gamit ng ng at nang at iba pa
 
Diskurso
DiskursoDiskurso
Diskurso
 
URI NG AWITING-BAYAN
URI NG AWITING-BAYANURI NG AWITING-BAYAN
URI NG AWITING-BAYAN
 
Filipino 9 Sanaysay
Filipino 9 SanaysayFilipino 9 Sanaysay
Filipino 9 Sanaysay
 
Pagrerebyu o pagsusuri ng pelikula
Pagrerebyu o pagsusuri ng pelikulaPagrerebyu o pagsusuri ng pelikula
Pagrerebyu o pagsusuri ng pelikula
 
Tula
TulaTula
Tula
 
Sanaysay
SanaysaySanaysay
Sanaysay
 
Uri ng tula o tulang tagalog
Uri ng tula o tulang tagalogUri ng tula o tulang tagalog
Uri ng tula o tulang tagalog
 
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasa
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasaMaikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasa
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasa
 
Sanaysay ppt
Sanaysay pptSanaysay ppt
Sanaysay ppt
 
Maikling Kwento
Maikling KwentoMaikling Kwento
Maikling Kwento
 
Filipino 8 Matalinghagang Pahayag
Filipino 8 Matalinghagang PahayagFilipino 8 Matalinghagang Pahayag
Filipino 8 Matalinghagang Pahayag
 
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
 
Pagsulat ng Maikling Kuwento
Pagsulat ng Maikling KuwentoPagsulat ng Maikling Kuwento
Pagsulat ng Maikling Kuwento
 

Viewers also liked

HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTOHALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
asa net
 
Maikling Kwento
Maikling KwentoMaikling Kwento
Maikling Kwentorosemelyn
 
Ang magkaibigan
Ang magkaibiganAng magkaibigan
Ang magkaibigan
Suarez Geryll
 
Manok at uwak
Manok at uwakManok at uwak
Manok at uwak
Jelor Mendoza
 
Mga uri ng maikling
Mga uri ng maiklingMga uri ng maikling
Mga uri ng maikling
iaintcarlo
 
Kuwentong Pambata
Kuwentong PambataKuwentong Pambata
Kuwentong Pambata
genbautista
 
Mga Uri ng Paningin sa Maikling Kwento
Mga Uri ng Paningin sa Maikling KwentoMga Uri ng Paningin sa Maikling Kwento
Mga Uri ng Paningin sa Maikling Kwento
Manuel Daria
 
HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA
asa net
 
Regalo sa Guro (Maikling Kuwento)
Regalo sa Guro (Maikling Kuwento)Regalo sa Guro (Maikling Kuwento)
Regalo sa Guro (Maikling Kuwento)arseljohn120
 
Maikling Kwento
Maikling KwentoMaikling Kwento
Maikling Kwento
Mirasol Rocha
 
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoPagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Denni Domingo
 
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysayTula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
Mariel Flores
 
Uri ng Maikling Kwento
Uri ng Maikling KwentoUri ng Maikling Kwento
Uri ng Maikling Kwento
Cacai Gariando
 
Uri ng panitikan
Uri ng panitikanUri ng panitikan
Uri ng panitikanSCPS
 
Walang Panginoon ni Deogracias Rosario
Walang Panginoon ni Deogracias RosarioWalang Panginoon ni Deogracias Rosario
Walang Panginoon ni Deogracias RosarioFloredith Ann Tan
 
Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento
Ang Kasaysayan ng Maikling KuwentoAng Kasaysayan ng Maikling Kuwento
Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento
Sandy Suante
 
Parts of news papers and its meaning
Parts of news papers and its meaningParts of news papers and its meaning
Parts of news papers and its meaningEmilyn Mapalo
 
Ang maikling kwento ng dalawang anghel
Ang maikling kwento ng dalawang anghelAng maikling kwento ng dalawang anghel
Ang maikling kwento ng dalawang anghel
Maria Romina Angustia
 

Viewers also liked (20)

HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTOHALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
 
Maikling Kwento
Maikling KwentoMaikling Kwento
Maikling Kwento
 
Ang magkaibigan
Ang magkaibiganAng magkaibigan
Ang magkaibigan
 
Manok at uwak
Manok at uwakManok at uwak
Manok at uwak
 
Mga uri ng maikling
Mga uri ng maiklingMga uri ng maikling
Mga uri ng maikling
 
Kuwentong Pambata
Kuwentong PambataKuwentong Pambata
Kuwentong Pambata
 
Mga Uri ng Paningin sa Maikling Kwento
Mga Uri ng Paningin sa Maikling KwentoMga Uri ng Paningin sa Maikling Kwento
Mga Uri ng Paningin sa Maikling Kwento
 
HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA
 
Regalo sa Guro (Maikling Kuwento)
Regalo sa Guro (Maikling Kuwento)Regalo sa Guro (Maikling Kuwento)
Regalo sa Guro (Maikling Kuwento)
 
Maikling Kwento
Maikling KwentoMaikling Kwento
Maikling Kwento
 
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoPagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
 
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysayTula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
 
Uri ng Maikling Kwento
Uri ng Maikling KwentoUri ng Maikling Kwento
Uri ng Maikling Kwento
 
Uri ng panitikan
Uri ng panitikanUri ng panitikan
Uri ng panitikan
 
Kwento ni mabuti
Kwento ni mabutiKwento ni mabuti
Kwento ni mabuti
 
Walang Panginoon ni Deogracias Rosario
Walang Panginoon ni Deogracias RosarioWalang Panginoon ni Deogracias Rosario
Walang Panginoon ni Deogracias Rosario
 
Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento
Ang Kasaysayan ng Maikling KuwentoAng Kasaysayan ng Maikling Kuwento
Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento
 
Ang Alamat Ng Buko
Ang Alamat Ng BukoAng Alamat Ng Buko
Ang Alamat Ng Buko
 
Parts of news papers and its meaning
Parts of news papers and its meaningParts of news papers and its meaning
Parts of news papers and its meaning
 
Ang maikling kwento ng dalawang anghel
Ang maikling kwento ng dalawang anghelAng maikling kwento ng dalawang anghel
Ang maikling kwento ng dalawang anghel
 

Similar to Mga halimbawa ng mga uri ng maikling kwento

Maliit at Maitim na Isda
Maliit at Maitim na IsdaMaliit at Maitim na Isda
Maliit at Maitim na Isda
KokoStevan
 
Bisa ng panitikan, Mitolohiya ng Pilipinas
Bisa ng panitikan, Mitolohiya ng PilipinasBisa ng panitikan, Mitolohiya ng Pilipinas
Bisa ng panitikan, Mitolohiya ng Pilipinas
Sa May Balete University
 
KUNEHO.pptx
KUNEHO.pptxKUNEHO.pptx
KUNEHO.pptx
russelsilvestre1
 
Ang kwento ng pagong at pusa
Ang kwento ng pagong at pusaAng kwento ng pagong at pusa
Ang kwento ng pagong at pusajennytuazon01630
 
mga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipinomga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipino
solivioronalyn
 
Alamat ng janitor fish
Alamat ng janitor fishAlamat ng janitor fish
Alamat ng janitor fishAica Catene
 
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
Jenita Guinoo
 
Lost in Translation
Lost in Translation Lost in Translation
Lost in Translation
Christine Barrozo
 
Es p 4
Es p 4Es p 4
Fil9-Q3_Parabula.pptx
Fil9-Q3_Parabula.pptxFil9-Q3_Parabula.pptx
Fil9-Q3_Parabula.pptx
ItsLIANEandLUKE
 
Ang alamat ng tansan
Ang alamat ng tansanAng alamat ng tansan
Ang alamat ng tansan
Blitzkrie Jeric
 
kwentong bayan-alamat-mito-elemento week 5.ppt
kwentong bayan-alamat-mito-elemento week 5.pptkwentong bayan-alamat-mito-elemento week 5.ppt
kwentong bayan-alamat-mito-elemento week 5.ppt
reychelgamboa2
 
Mitolohiya
MitolohiyaMitolohiya
Mitolohiya
Racid Reyes
 
Akademiko
AkademikoAkademiko
Akademiko
StemGeneroso
 
Sa tamang panahon, for slide share
Sa tamang panahon, for slide shareSa tamang panahon, for slide share
Sa tamang panahon, for slide share
Jenita Guinoo
 
AWITING BAYAN.pptx
AWITING BAYAN.pptxAWITING BAYAN.pptx
AWITING BAYAN.pptx
EDNACONEJOS
 
Filipino8
Filipino8Filipino8
Filipino8
marryrosegardose
 
Ang Paglalakbay ni Bibeng Pabebe (Modernong Pabula)
Ang Paglalakbay ni Bibeng Pabebe (Modernong Pabula)Ang Paglalakbay ni Bibeng Pabebe (Modernong Pabula)
Ang Paglalakbay ni Bibeng Pabebe (Modernong Pabula)
Cj Punsalang
 

Similar to Mga halimbawa ng mga uri ng maikling kwento (20)

Maliit at Maitim na Isda
Maliit at Maitim na IsdaMaliit at Maitim na Isda
Maliit at Maitim na Isda
 
Bisa ng panitikan, Mitolohiya ng Pilipinas
Bisa ng panitikan, Mitolohiya ng PilipinasBisa ng panitikan, Mitolohiya ng Pilipinas
Bisa ng panitikan, Mitolohiya ng Pilipinas
 
KUNEHO.pptx
KUNEHO.pptxKUNEHO.pptx
KUNEHO.pptx
 
Ang kwento ng pagong at pusa
Ang kwento ng pagong at pusaAng kwento ng pagong at pusa
Ang kwento ng pagong at pusa
 
mga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipinomga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipino
 
Alamat ng janitor fish
Alamat ng janitor fishAlamat ng janitor fish
Alamat ng janitor fish
 
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
 
Kinagisnang balon
Kinagisnang balonKinagisnang balon
Kinagisnang balon
 
Lost in Translation
Lost in Translation Lost in Translation
Lost in Translation
 
Es p 4
Es p 4Es p 4
Es p 4
 
Ang alamat ng tansan
Ang alamat ng tansanAng alamat ng tansan
Ang alamat ng tansan
 
Fil9-Q3_Parabula.pptx
Fil9-Q3_Parabula.pptxFil9-Q3_Parabula.pptx
Fil9-Q3_Parabula.pptx
 
Ang alamat ng tansan
Ang alamat ng tansanAng alamat ng tansan
Ang alamat ng tansan
 
kwentong bayan-alamat-mito-elemento week 5.ppt
kwentong bayan-alamat-mito-elemento week 5.pptkwentong bayan-alamat-mito-elemento week 5.ppt
kwentong bayan-alamat-mito-elemento week 5.ppt
 
Mitolohiya
MitolohiyaMitolohiya
Mitolohiya
 
Akademiko
AkademikoAkademiko
Akademiko
 
Sa tamang panahon, for slide share
Sa tamang panahon, for slide shareSa tamang panahon, for slide share
Sa tamang panahon, for slide share
 
AWITING BAYAN.pptx
AWITING BAYAN.pptxAWITING BAYAN.pptx
AWITING BAYAN.pptx
 
Filipino8
Filipino8Filipino8
Filipino8
 
Ang Paglalakbay ni Bibeng Pabebe (Modernong Pabula)
Ang Paglalakbay ni Bibeng Pabebe (Modernong Pabula)Ang Paglalakbay ni Bibeng Pabebe (Modernong Pabula)
Ang Paglalakbay ni Bibeng Pabebe (Modernong Pabula)
 

Mga halimbawa ng mga uri ng maikling kwento

  • 1. Mga Halimbawa ng Mga uri ng Maikling Kwento Ipinasa ni:Theresa Lorque 7- ST MATTHEW Ipinasa kay:Jubilee Sayin -Kwento ng kababalaghan
  • 2. Napagkamalaang Kaibigan Kwento ng Pakikipagsapalaran Ang pakikipagsapalaran ni Hipon Kwento ng Pag-ibig Kwento ng kababalaghan Napagkamalaang Kaibigan
  • 3. Introduction: Ang kwentong ito ay nangyari sa isa sa nakasama namin sa retreat nung college kami. Hindi ko mismo nasaksihan ang pangyayari ngunit ang mismong nakaranas ang nagbahagi sakin ng kwentong ito. Body: Pitong taon na ang nakalilipas ng mag-retreat kami sa isang sikat na "retreat house" dito sa Luzon. Kung hindi ako nagkakamali ay tatlong araw ang ginugul namin sa lugar na iyon. Ang aming unang araw ay puno ng kulitan at asaran, sa madaling salita normal ang mga naging pangyayari. Ngunit nung ikalawang araw na namin sa lugar na iyon ay may biglang kakaibang nangyari. Habang abala kami sa pagpapa-"picture, picture" biglang may narinig kaming sigaw sa loob ng "girls' dorm". Medyo nagkaroon ng kaunting pagpapanic ngunit makalipas ang ilang minuto ay napakalma na ang aming kasamahang sumigaw at nagsimula ilahad ang mga naging pangyayari... Tatlo daw sila bumalik sa dorm upang kumuha ng gamit at magbanyo. Ang unang babae ay pumasok sa banyo, tpos ang dalawang natira ay naiwan sa kwarto. Medyo matagal ang pagbabanyo ng isa nilang kasamahan kaya naisip ng kasamahan namin na humiga muna sa kama at makipagkwentuhan sa kasama niya. Salita siya ng salita sa katabi niyang kama ngunit napansin niya hindi ito sumasagot. Nang lingunin niya ang kasama niya laking hilakbot ang nadama niya ng makita niya na isang matandang babaeng nakaitim ang nakatitig sa kanya na nakahiga din sa katabi niyang kama, galit na galit ang mga mata nito. Ang inakala niyang kaibigan na kinukwentuhan niya ay isa pa lang kaluluwang gala sa dormitoryo ng mga babae. Kwento ng Pakikipagsapalaran
  • 4. Ang pakikipagsapalaran ni Hipon Isang umaga, kasabay ng pagbago ng ihip ng hangin ay ang biglang pagkabulabog ng mga lamang dagat. “Anong nangyayari? Bakit nagkakagulo ang mga lamang-dagat?” tanong ni hipon “Nagbabago ang agos ng dagat, patungo na ito sa gawing kanluran?” “Ha? Bakit ganun? Baka maligaw ang mga isda, paano na ang mga isda” “Wag kang mag-alala, minsan sa isang taon ay umiiba ng direksyon ang agos ng dagat, nakasanayan na ito ng mga isda.Panahon na para tumawid patungo sa malaking dagat” “Kung ganun, paano ang mga maliliit na isda, paano sila sasabay sa agos ng tubig, mabubuhay ba sila?” pagkabahala ni hipon “Tungaw! May mga magulang silang aalalay sa kanila. Yun ang ginagawa nila ngayon. Kaya nga sabay-sabay silang lumalangoy patungo sa direksyong iyon” “Sandali, kung nagbabago ang agos ng dagat, ibig sabihin ba ay magbabago rin ang mga kilos nila?” “Ha?” “Kasi, napag-aralan ko na ang kalikasan ay may direktang relasyon sa lamang-dagat, kung magbabago ang kalikasan ay maaapektuhan ang mga isda?”
  • 5. “Hmmm, Oo, may pagbabago, pero hindi laging masama dahil sa panahong ito rin magdadagsaan ang mga plankton, maraming makakain ang mga isda.” “Pero hindi lang pagkain ang dapat na iniisip natin. Ang pagbabago sa kalikasan ay maaaring makapagdulot ng pagbabago sa ugali, kailangan nating bantayan ito dahil may dagling pagbabago na makapagdudulot ng stress, halimbawa, ang pamayanan ng mga isda na biglang narelocate ay kinakailangang sundan at siguraduhing manatili sa dating ayos. Ang paglipat na ito ay magdudulot ng kaguluhan.” “Ganun ba yun?” “Oo, napag-aralan ko yan, gusto mo tulungan ko kayo sa pagsasaayos ng pamayanan ng lamang-dagat” “Talaga, may alam ka ba sa pamayanang lamang-dagat?” “Oo naman, lumaki rin ako sa dagat, hindi nga lang sa dagat na sinlalim nito, nagising kasi ako, narito na ako” “Ah, baka tinangay ka rin ng dagat?”
  • 6. “Siguro nga” <!–[if !supportLineBreakNewLine]–> <!–[endif]–> Ipinakilala si Hipon sa pinuno ng mga lamang-dagat at dagli nitong nakuha ang loob ni Lapu-lapu. Ang haring isda. Pinagkatiwalaan ng mga isda si Hipon upang tulungang mapanatili ang kaayusan sa paglalakbay na ito kasabay ng alon. “Siguro ay kailangan nating magkaroon ng programa para ipaliwanag sa mga isda ang direksyon ng ating paglalakbay.” Sabi ni tilapia “Ay sige, pero kuhain natin si dalag, siya na lang ang magpapaliwanag.” sabi ni hipon Huh? Bakit si dalag, E kasi mas sanay syang magsalita? Napakamot sa ulo si tilapia “e anong gagawin mo?” tanong niya kay hipon Tagabasa na lang ako ng program, hindi kasi ako sanay sa ganyan
  • 7. At naghost nga si dalag. Dahil nga dalag siya, marami sa mga isda ang nainggit. Nagalit ang balyena at sumugod kay hipon. Bakit si dalag ang host, ang gulo tuloy ng paliwanag. Hindi ko maintindihan. Natakot si hipon Ah, e kasi, nagprisinta siya. Ayoko nga kay dalag kaso sabi niya alam daw niya ang kiliti ng mga isda. “Sa susunod, ako ang kausapin mo,” utos ni balyena kay hipon “marami akong kakilala na mas magaling sa kanya. Alam mo naman, puro na lang laro at kasiyahan ang alam ni dalag. Aba, baka tamarin ang mga isdang nasasakupan ko at maging komplasant sila.” dugtong pa nya. “Naku, hayaan mo, di na mauulit yan. Ayoko ko talaga sa kanya.” wika ni hipon para mahimasmasan si balyena. Naisip ni hipon na pasayahin ulit ang mga isda.Sa ganitong paraan ay nakukuha niya ang pansin ng mga lamang-dagat. Kaya nagpatawag siya ng party. Sinabi niyang hindi naman sa lahat ng panahon ay kailangang nakatuon sa gawain. Kailangang ipahinga rin ang katawan at magrelax paminsan-minsan. Sanay na sanay sa ganitong gawain
  • 8. ang mga hipon. Ang totoo pa nga, maraming magkaibigan ang nauwi sa pag-iibigan kahit hindi dapat (cue music intro : against all odds). Anuman ang ibinunga nito, hindi na masyadong pinag-uusapan dahil nga abala naman sila sa paglangoy at pagtawid patungo sa bago nilang pamayanan. Madalas siyang Makita sa kanyang mga kaibigan. Patambay-tambay sa iba’t-ibang grupo ng mga lamang-dagat. Palukso-lukso at palangoy-langoy. Ang kanyang antenna ay tila pansagap ng lahat ng balita. Sa dami ng balitang nasagap niya, tila transmitter ng smart ang kanyang antenna. Kayang-kayang lumikha ng tsumani sa lakas ng wave! Along the way, napag-alaman ni hipon na hindi lang pagkakaibigan ang ibinunga ng kanyang palatuntunan… may mga alitang namuo, kinabahan si hipon subalit sa halip na ayusin ang problema ay nakisawsaw pa sya. Tsk. Tsk. Tsk. Naghugas-kamay este basa na nga pala siya, nagmalinis ang hipon (hmmm may malinis bang malansa?) kunwa’y wala siyang alam sa nangyayari at sinubukang ayusin ang namuuong alitan. Yun nga lang, dahil nadadala siya ng emosyon ay hindi niya napapansing lalo niyang napapalaki ang problema. Magandang araw sa’yo! Pwede ka bang maging kaibigan? Bati ni bangus Oo naman, tuwang-tuwang wika ni hipon
  • 9. Ang totoo ay ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigang seahorse. Dugtong ni bangus Seahorse? Hindi ako seahorse. Isa akong hipon! Huh! E sabi ni starfish seahorse ka daw Si starfish? E kaibigan ko yun ah, bakit niya sinabi yun, mukha ba akong seahorse? Dahil dito ay naging magkaaway na mortal ang starfish at ang hipon. Habang tumatagal ay marami na ang naiinis kay hipon. Nakalimutan na nitong gampanan ang ipinagkatiwalang trabaho – ang bumuo ng mahuhusay na programa para sa lamang-dagat. Matagal bago siya nakaisip ng proteksyon para sa mga lamang-dagat. Kailangan kasi nila ng proteksyon dahil mapanganib ang pagtawid patungo sa malaking dagat. Wala ring malinaw na patakaran kung paano itutuwid nag mga pagkakamali. Walang malinaw na rules and regulations. Lahat pwedeng makipag-usap sa lahat. Walang protocol kaya nga may mga nawawalang maliliit na isda dahil sakaling makipag-usap sa gahiganteng isda ay kinakain sila nito! Nyay katakot! Hindi rin magkaintindihan kung sakaling may kautusang ilalabas, kung hindi kasi late ang paglabas ng mensahe ay mali ang mga salitang ginagamit.
  • 10. Nawalan ng saysay ang tiwalang ipinagkaloob kay hipon. Minsan, naisip ni hipon na gumawa ulit ng masayang programa, naisip nilang ipagdiwang ang kahalagahan ng kanilang pagiging lamang-dagat! May mga tumugon subalit mayroon ding hindi na nakibahagi. Naisip din niyang imbitahan ang mga lamang-dagat na mamasyal. Ganito na ata mag-isip ang hipon. Ang lumikha ng gawaing pansamantala. Sa kaabalahan niya sa pakikipagkwentuhan, hindi niya napansin ang malubak na daan kung kaya’t natapilok ang hipon at napahagis sa isang rumaragasang tubig. Sumabit ang kanyang katawan sa mga koral samantalang hindi niya nakayanan ang lakas ng tubig kaya tinangay ang kanyang ulo. Habang tinatangay ng malakas na tubig ang kanyang ulo, agad nagbalik-alaala ang masasaya at malulungkot na pangyayari sa kanyang buhay sa piling ng mga lamang-dagat. Natulala ang lahat ng nakakita, napanganga at lumabo ang dagat (kasi nga ay puro bula dahil lahat ay napanganga… imaginin mo) Natagpuan na lamang ng kanyang mga kasamahan ang ulo niyang sumalpok sa burak. Hinila nila agad ang ulo at tinangkang ibalik kay hipon subalit nagdalawang-isip sila. Ano nga naman ang pinagkaiba nun, may ulo man siya o wala!
  • 11. ——— “hindi masamang umatras sa gitna ng digmaan, panoorin mo silang magsalpukan, pagkatapos ay lihim kang pumusta sa lyamado, hindi ka na nadamay.. kumita ka pa!” – janitor fish