SlideShare a Scribd company logo
I Lived in a Haunted House
When I was a child, our family lived in a two-
story wood house which was built in the early
’50s. According to my parents, the lot where our
house stood was once a cemetery.
When we were children, we often found bones
in the open drain. Naturally, we wondered where
those bones came from. There were also coins
that we used to pick up from the ground.
But that’s not even what I want to share with
readers: this story is about the house being
haunted.
Sisters and Stories of Ghosts
My two elder sisters called our home –
a haunted house. They told me about ghosts they
saw and weird sounds they heard at night when
everybody else was enjoying a good night’s
sleep.
I didn’t know anything about what they
were saying and I didn’t believe in ghosts when
I was a kid. The stories they told me sounded
creepy and made up at best.
I thought they were just trying to scare me so I
would not join their young girls’ fantasies. They
often had secrets that they didn’t like to share
with me.
At night, when the lights were off, I could see
them both covering their heads while I stared at
the faded light from our glass windows. I didn’t
feel anything nor did I hear anything. I
thought they were only imagining things,
perhaps.
One morning when I went into the kitchen, I
found my two sisters whispering to each other
again. When they heard my footsteps they
both turned to look at me. They looked weird
and I smiled. Perhaps it was one of their many
tricks again not to include me in their
conversation.
My eldest sister looked at me then said, “You
did it again.”
I was surprised because I knew I did nothing
wrong. “What’s wrong with you? You always
want to blame me.” I said as I sat on the chair
next to the dining table.
My sister’s eyes went big and she said, “I
always tell you to open your books and
notebooks slowly without sound.”
I smiled. “So, you are making up stories again to
scare me,” I complained.
My other sister looked at me with a serious face.
“You don’t believe us because when you sleep,
you sleep like a log,” she said angrily.
Am I Dreaming?
I turned my back and went back to our room.
Perhaps it’s better to sleep again I told myself,
and I lay down on the matted floor. I covered my
head and tried to go back to sleep.
It was still early because my sisters often woke
up at 4 in the morning to prepare our breakfast.
Just when I was feeling drowsy, I heard
something. It was soft at first then it became
louder. Someone was leafing over the pages of
my book on the table. I wanted to look,
but I couldn’t because I was trembling with fear.
After a few minutes another sound followed,
like someone mopping the floor. I thought I was
dreaming or it was my mother cleaning the floor
early, but that was impossible because she was
still sleeping. When I slowly peeked, nobody
was in the room. I wanted to shout, but I
couldn’t utter a word because of fright, but I was
able to cover my head.
The sound finally stopped when I heard the door
open and my mother came to wake me up for
breakfast.
When I told my sisters what I’d heard they were
very happy. “At last you know how we feel,” my
sisters said.
I still remember that after what happened I
experienced more creepy things like the door of
the other rooms opening then closing.
Sometimes we heard footsteps coming up the
stairs but nobody was really there. However, my
sisters treated me kindly this time because we
shared the creepy moments together.
Stranger Still…
There was one time when the keys I put on the
bench went missing and we could not find them.
The next day, my mother found them in the
kitchen. They say that there were spirits of the
dead roaming around the house.
My eldest sister experienced the worst because
she even saw things like dilated eyes in the
glass window and twice she saw our dead
neighbor standing by our gate.
I still can’t forget our house which was sold in
1972. The new owner made some renovations
and we haven’t heard any news about the weird
sounds.
To date, I still can’t explain what these creepy
things were about. Are there real
Mitolohiya I – Ang Alamat ng Pagkawala ng
mga Sirena
Makapangyarihan ang diyos ng karagatan na si
Neptuno.
Kaya niyang pakalmahin ang alon ng dagat kung
kanyang nanaisin at sinusunod din siya ng
karamihan sa mga isda at nilalang ng karagatan.
Sakop ng kanyang kaharian at kapangyarihan
ang sinumang naninirahan dito — mga isda,
balyena, pating, lumba-lumba, alimango, dikya,
sireno at sirena at iba pang hindi na
mapangalanang lamang-dagat sa dami ng uri.
Kaisa-isang anak ni Neptuno si Ariela — isa
itong sirena.
Payapa, marilag at mayaman pa noon ang
karagatan sa pangangalaga ni Neptuno.
Kulay asul ang malinis na tubig, malayang
lumalangoy sa ibabaw nito ang laksa-laksang uri
ng lamang-dagat, ang mga corals sa ilalim nito
na nagsisilbing tahanan ng mga maliliit na isda
ay kay gaganda, ang mga halamang dagat na
kanilang pagkain ay tila hindi nauubos sa
sobrang sagana.
Sa maiksing salita, ang karagatan ay makulay at
maganda.
Bagama’t limitado lamang ang dami at uri ng
mga isda na nahuhuli ng mga mangingisda noon,
hindi naman sila umuuwing walang bitbit o huli
para sa pamilya, mayroon pa ngang natitira
upang may maitinda para sa pamilihang bayan.
Ngunit ang tao ay sadyang mapaghangad ng
sobra sa kanyang pangangailangan.
Si Greko ang lider ng grupong namamalakaya sa
dagat pasipiko ay niyakag ang kanyang mga
kasamahang mangingisda sa lugar kung saan
mas maraming uri ng isda ang mahuhuli.
“Magtungo tayo sa banda roon, napakakaunti
ng isdang ating nahuhuli rito. Masyadong
mababa ang presyo ng ating itinintidang isda
marahil nagsasawa na ang mga mamimili sa
paulit-ulit na isdang ating inaalok sa
kanila.” pagyakag at mahabang paliwanag ni
Greko sa mga kasama. Ang tinutukoy na lugar ni
Greko ay ang Isla Orakulo – lugar kung saan
hitik sa napakaraming uri at bilang ng isda ang
makikita.
“Ngunit hindi ba’t ipinagbabawal sa atin ang
magtungo roon? Magagalit ang diyos ng
karagatan na si Neptuno ‘pag ginawa natin
yaon…” alinlangang sagot ng kasamang
mangingisda ni Greko na si Milan.
“Kung gusto ninyong magkaroon ng
karagdagang kita para sa inyong pamilya
sasama kayo sa akin! At ‘wag kayong
maniniwala na mayroong diyosang dagat, hindi
totoo si Neptuno!Hindi totoong may diyos ang
dagat!” pagmamatigas ni Greko.
“Sino sa inyo ang nais na sumama sa akin
upang mangisda sa Orakulo?“
Agad na nagtaas ng kamay ang walo sa siyam na
mangingisda. Samantalang si Milan ay
alanganin kung sasang-ayon o hindi, sa bandang
huli’y nagpasya na rin siyang hindi sumamang
magtungo sa Orakulo.
Gamit ang kani-kanilang mga bangka ay
nagtungo ang walong mangingisda sa isla ng
Orakulo. Maliban kay Milan na nakuntento na
lamang sa kanyang nahuling isda at umuwi na
lamang sa Bayan ng Maui.
Dis-oras ng gabi ng makarating ang grupo ni
Greko sa Isla Orakulo.
Hindi nga nagkamali si Greko sa kanyang
hinala. Napakarami ngang uri ng lamang-dagat
at kanilang natagpuan sa Isla Orakulo! Kanya-
kanyang hagis ng lambat ang mangingisda —
walang hindi natutuwa sa dami ng isdang
kanilang nahuhuli. Walang hindi nasisiyahan sa
posibleng napakaraming perang kanilang
kikitain.
Halos lumubog na ang mga bangka ng grupo ni
Greko sa sobrang dami ng lamang-dagat na
kanilang huli. Hindi maipaliwanag ang labis na
kasiyahan na nadarama ng mga mangingisda.
Hindi pa sila nakararating sa dalampasigan ay
alam na nilang pagkakaguluhan sila ng mga
negosyanteng namamakyaw ng mga huling isda.
“Sabi sa inyo e!Sa dami at espesyal na isdang
nahuli natin sigurado malaki ang kikitain natin
ngayong araw na ito!” pagmamalaki ni Greko
sa kanyang grupo.
“Oo nga, oo nga! Whoo!” pagsang-ayon ng
lahat habang sila’y malakas na pumapalakpak.
Saglit lang ay agad nang naibenta ang mga
huling lamang-dagat ng grupo ni Greko. Kumita
sila ng higit sa triple kumpara sa dati nilang
kinikita. Malaki-laking halagang maiuuwi para
sa pamilya. Bagama’t si Milan ay nakararamdam
ng kaunting inggit dahil sa malaking kinikita ng
kanyang mga kasama hindi naman siya
nagpatalo sa inggit na ito. Nagpatuloy lang siya
sa nakagawiang pangingisda — sapat na para sa
kanya ang may maiuwing pagkain para sa
pamilya at sapat na para sa kanya ang perang
magtutustos para sa pangangailangan ng
pamilya.
Samantala, maraming gabi ring nagpapakasasa
ang grupo ni Greko sa pangingisda sa Isla
Orakulo. Nangingisda sila ng labis-labis sa
kanilang pangangailangan at sa katunayan,
gumamit pa sila ng mas malaking bangka upang
mas marami silang mahuling mga isda at iba
pang lamang-dagat. Kalaunan, hindi na lang
grupo nina Greko ang nangingisda sa Isla
Orakulo kundi marami na ring ibang grupo pa
ng mga mangingisda ang nagtutungo rito na
nagresulta sa pagkasaid at pagkaubos ng mga
lamang-dagat sa lugar na iyon.
Hindi nagtagal, ang pang-aabuso at kaganapang
ito ay nakarating sa kaalaman ni Neptuno — ang
kalabisang ginagawa ng mga mangingisda, ang
pagkasaid ng mga isda roon na kahit hindi pa
lubos ang laki’y hinuhuli na at ang pagkawasak
ng koral sa Isla Orakulo at kalapit na mga isla
nito.
Nagalit ang diyos ng karagatan na si Neptuno.
At dahil sa pagkayamot na ito ay inutusan
niyang magbantay ng karagatan ang anak na si
Ariela kasama ang ilan pang sirena at mga
sireno. Pinakalat ni Neptuno ang mga bantay ng
karagatan at pinalakas ang hampas ng alon sa
dagat upang mahirapang makapangisda ang
lahat ng mangingisda.
“Magsikalat at magbantay kayo!” utos ni Ariela
sa kapwa niya sirena at sireno. “Wag niyong
hayaan ang mga tao na maubos ang mga
kasamahan natin.”
Hindi naging madali para sa mangingisda ng
Bayan ng Maui ang pangingisda. Malakas at
mataas ang alon kahit walang bagyo na kahit sa
dati nilang lugar na pinangingisdaan ay wala na
ring isdang mahuli. Naging mailap sa tao ang
anumang uri ng lamang-dagat. At sa halip na
humingi ng kapatawaran sa diyos ng karagatan
ay naging marahas pa sila. Gumagamit na sila ng
dinamita.
“Huwag kayong gumamit niyan!Mas maraming
mapapahamak sa gagawin niyong iyan! Mas
makabubuti para sa atin na humingi ng
kapatawaran sa diyos ng dagat na si
Neptuno!” pagpigil ni Milan kina Greko.
Ngunit walang narinig ang grupo ng
mangingisda na pinangungunahan ni Greko.
Muli silang nakakahuli ng isda bagama’t mas
lalo lang nitong pinaigting ang galit ni Neptuno!
Sa pagkagalit na ito ni Neptuno’y naging
mabangis ang marami sa mga hayop na
naninirahan sa katubigan kabilang na rito ang
mga piranha, barracuda, igat, buwaya, pating at
iba pa. Lumalaban na sila sa mga tao.
Lalong lumalakas ang hampas ng mga alon na
minsa’y nagiging dahilan ng tsunami sa
maraming lugar. Namuhay sa pinakamalalim na
pusod ng dagat ang maraming uri ng lamang-
dagat upang hindi na sila mahuli ng mga
mangingisda.
Isang gabing pagbabakasakali na may
mahuhuling maraming isda, ‘di sinasadyang
nasilo ni Greko ang sirenang anak ni Neptuno na
si Ariela — saka pa lamang siya nakumbinsi na
totoo ngang may sirena at totoo nga si Neptuno!
Nakarating kay Neptuno ang balitang nabihag
ng isang mangingisda ang sirenang anak at dahil
dito’y nagpadala siya ng mensahe kay Greko na
gagawin niya ang lahat mapakawalan lang ang
bihag na si Ariela.
“Sabihin mo kay Neptuno, hayaan kaming
makapangisda sa kahit saang lugar namin
naisin, kahit anong uri ng lamang-dagat na
aming gustuhin at kahit anong dami ng bilang
na aming huhulihin! ‘Pag pinabayaan niya
kaming maghari dito sa dagat pakakawalan ko
ang anak niyang si Ariela!” kausap ni Greko
ang isang lumba-lumba na magdadala ng
mensahe sa diyos ng karagatan.
Labag man sa kalooban ni Neptuno. At kahit
batid niyang mapapariwara at masasalaula ang
kalikasan at karagatan sa kamay ng mga tao
kung sakaling siya’y pumayag sa kagustuhan ni
Greko wala siyang magagawa. Mahal niya si
Ariela at kailangang makalaya ang kaisa-isa
niyang anak.
Ang diyos ay diyos at si Neptuno ay isang diyos
na may isang salita na ‘di tulad ng tao. Ang
kanyang salita ay batas, ang kanyang salita ay
katumbas ng kanyang dangal.
Kaakibat ng mabigat na desisyon na gagawin ni
Neptuno ay ang pagbitaw sa responsibilidad na
mapangalagaan niya ang kayamanan ng
karagatan. Mahalaga ang karagatan ngunit
mahalaga rin para sa kanya ang anak na si
Ariela. Kung susuwayin niya ang kanyang
sariling salita at paninidigan ay wala na rin
siyang pinagkaiba sa mga tao na hindi
tumutupad sa kanyang pangako at gagawin ang
lahat para lamang sa makasariling ambisyon.
Sa paglaya ni Ariela sa kamay ni Greko ay
nagpasyang manirahan sa pinakamalalim na
bahagi ng dagat si Neptuno at ang kanyang anak
na si Ariela kasama ng iba pang mga sireno at
sirena — tagong lugar kung saan hindi kayang
abutin, marating at sisirin ng mga tao at ng
anumang uri ng sasakyang pangdagat.
Ilang panahon pa ang lumipas magmula nang
hayaan ni Neptuno ang karagatan sa kamay ng
mga tao, ang karagatan ay nag-umpisa nang
maging maitim at marumi.
Dahan-dahang kumakaunti ang bilang ng
yamang-dagat at mga lamang-dagat.
Nasisira na ang mga koral na tahanan ng
napakaraming mga isda.
Naubos at tuluyang nawala ang maraming uri ng
isda dahil sa labis-labis na panghuhuli.
Kabilang na rin ang mga tulad ng dolphin,
balyena at pating sa hinuhuli at kinakatay ng
mga mangingisda.
Naging mailap at lalong bumangis ang
maraming hayop sa dagat. Natuto silang
lumaban sa mga tao dahil sa panganib na
kanilang kinakaharap.
Dahil sa kalabisan ng tao at kagustuhang
magkamal ng maraming pera — ang nakagisnan
nating kariktan ng karagatan ay unti-unti nang
nawawala. Hindi na rin natin alintana ang
kapabayaang ginagawa ng mga tao sa dagat at
tuluyan na ngang hindi ito nabantayan at
naalagaan.
At tuluyan na ring naglaho at hindi na
nagpakita sa lahi ng mga tao sina Neptuno –
ang diyos ng karagatan, si Ariela at iba pang
mga sirena at sireno ng dagat.
- wakas -

More Related Content

Viewers also liked

1.Создать интернет магазин-легко! Мозгель Станислав
1.Создать интернет магазин-легко! Мозгель Станислав1.Создать интернет магазин-легко! Мозгель Станислав
1.Создать интернет магазин-легко! Мозгель Станислав
directline-sib
 

Viewers also liked (10)

APRESENTAÇÃO PROFIT NEMAWASHI 2017 - whats 11 99547 4688
APRESENTAÇÃO PROFIT NEMAWASHI 2017 - whats 11 99547 4688APRESENTAÇÃO PROFIT NEMAWASHI 2017 - whats 11 99547 4688
APRESENTAÇÃO PROFIT NEMAWASHI 2017 - whats 11 99547 4688
 
APRESENTAÇÃO PROFIT NEMAWASHI 2017
APRESENTAÇÃO PROFIT NEMAWASHI 2017APRESENTAÇÃO PROFIT NEMAWASHI 2017
APRESENTAÇÃO PROFIT NEMAWASHI 2017
 
Primer informe de gobierno Gloria Rendón García, presidente municipal de Pina...
Primer informe de gobierno Gloria Rendón García, presidente municipal de Pina...Primer informe de gobierno Gloria Rendón García, presidente municipal de Pina...
Primer informe de gobierno Gloria Rendón García, presidente municipal de Pina...
 
Cuadro de doble entrada
Cuadro de doble entradaCuadro de doble entrada
Cuadro de doble entrada
 
1.Создать интернет магазин-легко! Мозгель Станислав
1.Создать интернет магазин-легко! Мозгель Станислав1.Создать интернет магазин-легко! Мозгель Станислав
1.Создать интернет магазин-легко! Мозгель Станислав
 
Ang mitolohiya ng taga-Rome
Ang mitolohiya ng taga-RomeAng mitolohiya ng taga-Rome
Ang mitolohiya ng taga-Rome
 
1er informe jalpan de serra administración 2015 2018
1er informe jalpan de serra administración 2015   20181er informe jalpan de serra administración 2015   2018
1er informe jalpan de serra administración 2015 2018
 
Alamat ng Alon sa Dagat
Alamat ng Alon sa DagatAlamat ng Alon sa Dagat
Alamat ng Alon sa Dagat
 
Ang alamat ng libro
Ang alamat ng libroAng alamat ng libro
Ang alamat ng libro
 
Adobe Experience Manager - Replication deep dive
Adobe Experience Manager - Replication deep diveAdobe Experience Manager - Replication deep dive
Adobe Experience Manager - Replication deep dive
 

Similar to Mitolohiya

Mga halimbawa ng mga uri ng maikling kwento
Mga halimbawa ng mga uri ng maikling kwentoMga halimbawa ng mga uri ng maikling kwento
Mga halimbawa ng mga uri ng maikling kwento
Theresa Lorque
 
Alamat ng janitor fish
Alamat ng janitor fishAlamat ng janitor fish
Alamat ng janitor fish
Aica Catene
 
ANG ALAMAT NG BAHAGHARI.docx
ANG ALAMAT NG BAHAGHARI.docxANG ALAMAT NG BAHAGHARI.docx
ANG ALAMAT NG BAHAGHARI.docx
XiaVU
 
de guzman
de guzmande guzman
de guzman
alonhhhjkfhfg
 

Similar to Mitolohiya (20)

Maliit at Maitim na Isda
Maliit at Maitim na IsdaMaliit at Maitim na Isda
Maliit at Maitim na Isda
 
Iba't ibang Uri ng Alamat
Iba't ibang Uri ng AlamatIba't ibang Uri ng Alamat
Iba't ibang Uri ng Alamat
 
Karagatan at duplo
Karagatan at duploKaragatan at duplo
Karagatan at duplo
 
Bachelor of science in secondary education major in filipino ii
Bachelor of science in secondary education major in filipino iiBachelor of science in secondary education major in filipino ii
Bachelor of science in secondary education major in filipino ii
 
Kinagisnang balon
Kinagisnang balonKinagisnang balon
Kinagisnang balon
 
Mga halimbawa ng mga uri ng maikling kwento
Mga halimbawa ng mga uri ng maikling kwentoMga halimbawa ng mga uri ng maikling kwento
Mga halimbawa ng mga uri ng maikling kwento
 
Mga Lathalain sa Paglalakbay
Mga Lathalain sa PaglalakbayMga Lathalain sa Paglalakbay
Mga Lathalain sa Paglalakbay
 
Alamat ng janitor fish
Alamat ng janitor fishAlamat ng janitor fish
Alamat ng janitor fish
 
mga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipinomga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipino
 
Ang Batang May Maraming Bahay.pdf
Ang Batang May Maraming Bahay.pdfAng Batang May Maraming Bahay.pdf
Ang Batang May Maraming Bahay.pdf
 
Grade 8 St. Veronica Group 2 Mga Panitikang Pinoy
Grade 8 St. Veronica Group 2 Mga Panitikang PinoyGrade 8 St. Veronica Group 2 Mga Panitikang Pinoy
Grade 8 St. Veronica Group 2 Mga Panitikang Pinoy
 
ANGKAHONNILOLAWEB.pptx
ANGKAHONNILOLAWEB.pptxANGKAHONNILOLAWEB.pptx
ANGKAHONNILOLAWEB.pptx
 
Filipino 10 ARALIN- 2.5 - GRAMATIKA-TULA
Filipino 10 ARALIN- 2.5 - GRAMATIKA-TULAFilipino 10 ARALIN- 2.5 - GRAMATIKA-TULA
Filipino 10 ARALIN- 2.5 - GRAMATIKA-TULA
 
Filipino project
Filipino projectFilipino project
Filipino project
 
ANG ALAMAT NG BAHAGHARI.docx
ANG ALAMAT NG BAHAGHARI.docxANG ALAMAT NG BAHAGHARI.docx
ANG ALAMAT NG BAHAGHARI.docx
 
Ang parabula ng banga
Ang parabula ng bangaAng parabula ng banga
Ang parabula ng banga
 
Alamat ng isla ng pitong makasalanan
Alamat ng isla ng pitong makasalananAlamat ng isla ng pitong makasalanan
Alamat ng isla ng pitong makasalanan
 
de guzman
de guzmande guzman
de guzman
 
Fil8 Q1 Week 5- PAG-UNAWA SA BINASA.pptx
Fil8 Q1 Week 5- PAG-UNAWA SA BINASA.pptxFil8 Q1 Week 5- PAG-UNAWA SA BINASA.pptx
Fil8 Q1 Week 5- PAG-UNAWA SA BINASA.pptx
 
Rehiyon 9 Kanlurang Mindanaw o Tinatawag na Zamboanga Peninsula
Rehiyon 9 Kanlurang Mindanaw o Tinatawag na Zamboanga PeninsulaRehiyon 9 Kanlurang Mindanaw o Tinatawag na Zamboanga Peninsula
Rehiyon 9 Kanlurang Mindanaw o Tinatawag na Zamboanga Peninsula
 

Mitolohiya

  • 1. I Lived in a Haunted House When I was a child, our family lived in a two- story wood house which was built in the early ’50s. According to my parents, the lot where our house stood was once a cemetery. When we were children, we often found bones in the open drain. Naturally, we wondered where those bones came from. There were also coins that we used to pick up from the ground. But that’s not even what I want to share with readers: this story is about the house being haunted. Sisters and Stories of Ghosts My two elder sisters called our home – a haunted house. They told me about ghosts they saw and weird sounds they heard at night when everybody else was enjoying a good night’s sleep. I didn’t know anything about what they were saying and I didn’t believe in ghosts when I was a kid. The stories they told me sounded creepy and made up at best. I thought they were just trying to scare me so I would not join their young girls’ fantasies. They often had secrets that they didn’t like to share with me. At night, when the lights were off, I could see them both covering their heads while I stared at the faded light from our glass windows. I didn’t feel anything nor did I hear anything. I thought they were only imagining things, perhaps. One morning when I went into the kitchen, I found my two sisters whispering to each other again. When they heard my footsteps they both turned to look at me. They looked weird and I smiled. Perhaps it was one of their many tricks again not to include me in their conversation. My eldest sister looked at me then said, “You did it again.” I was surprised because I knew I did nothing wrong. “What’s wrong with you? You always want to blame me.” I said as I sat on the chair next to the dining table. My sister’s eyes went big and she said, “I always tell you to open your books and notebooks slowly without sound.” I smiled. “So, you are making up stories again to scare me,” I complained. My other sister looked at me with a serious face. “You don’t believe us because when you sleep, you sleep like a log,” she said angrily. Am I Dreaming? I turned my back and went back to our room. Perhaps it’s better to sleep again I told myself, and I lay down on the matted floor. I covered my head and tried to go back to sleep. It was still early because my sisters often woke up at 4 in the morning to prepare our breakfast. Just when I was feeling drowsy, I heard something. It was soft at first then it became louder. Someone was leafing over the pages of my book on the table. I wanted to look, but I couldn’t because I was trembling with fear. After a few minutes another sound followed, like someone mopping the floor. I thought I was dreaming or it was my mother cleaning the floor early, but that was impossible because she was still sleeping. When I slowly peeked, nobody was in the room. I wanted to shout, but I couldn’t utter a word because of fright, but I was able to cover my head. The sound finally stopped when I heard the door open and my mother came to wake me up for breakfast. When I told my sisters what I’d heard they were very happy. “At last you know how we feel,” my sisters said. I still remember that after what happened I experienced more creepy things like the door of the other rooms opening then closing. Sometimes we heard footsteps coming up the stairs but nobody was really there. However, my sisters treated me kindly this time because we shared the creepy moments together. Stranger Still… There was one time when the keys I put on the bench went missing and we could not find them. The next day, my mother found them in the kitchen. They say that there were spirits of the dead roaming around the house. My eldest sister experienced the worst because she even saw things like dilated eyes in the glass window and twice she saw our dead neighbor standing by our gate. I still can’t forget our house which was sold in 1972. The new owner made some renovations and we haven’t heard any news about the weird sounds. To date, I still can’t explain what these creepy things were about. Are there real
  • 2. Mitolohiya I – Ang Alamat ng Pagkawala ng mga Sirena Makapangyarihan ang diyos ng karagatan na si Neptuno. Kaya niyang pakalmahin ang alon ng dagat kung kanyang nanaisin at sinusunod din siya ng karamihan sa mga isda at nilalang ng karagatan. Sakop ng kanyang kaharian at kapangyarihan ang sinumang naninirahan dito — mga isda, balyena, pating, lumba-lumba, alimango, dikya, sireno at sirena at iba pang hindi na mapangalanang lamang-dagat sa dami ng uri. Kaisa-isang anak ni Neptuno si Ariela — isa itong sirena. Payapa, marilag at mayaman pa noon ang karagatan sa pangangalaga ni Neptuno. Kulay asul ang malinis na tubig, malayang lumalangoy sa ibabaw nito ang laksa-laksang uri ng lamang-dagat, ang mga corals sa ilalim nito na nagsisilbing tahanan ng mga maliliit na isda ay kay gaganda, ang mga halamang dagat na kanilang pagkain ay tila hindi nauubos sa sobrang sagana. Sa maiksing salita, ang karagatan ay makulay at maganda. Bagama’t limitado lamang ang dami at uri ng mga isda na nahuhuli ng mga mangingisda noon, hindi naman sila umuuwing walang bitbit o huli para sa pamilya, mayroon pa ngang natitira upang may maitinda para sa pamilihang bayan. Ngunit ang tao ay sadyang mapaghangad ng sobra sa kanyang pangangailangan. Si Greko ang lider ng grupong namamalakaya sa dagat pasipiko ay niyakag ang kanyang mga kasamahang mangingisda sa lugar kung saan mas maraming uri ng isda ang mahuhuli. “Magtungo tayo sa banda roon, napakakaunti ng isdang ating nahuhuli rito. Masyadong mababa ang presyo ng ating itinintidang isda marahil nagsasawa na ang mga mamimili sa paulit-ulit na isdang ating inaalok sa kanila.” pagyakag at mahabang paliwanag ni Greko sa mga kasama. Ang tinutukoy na lugar ni Greko ay ang Isla Orakulo – lugar kung saan hitik sa napakaraming uri at bilang ng isda ang makikita. “Ngunit hindi ba’t ipinagbabawal sa atin ang magtungo roon? Magagalit ang diyos ng karagatan na si Neptuno ‘pag ginawa natin yaon…” alinlangang sagot ng kasamang mangingisda ni Greko na si Milan. “Kung gusto ninyong magkaroon ng karagdagang kita para sa inyong pamilya sasama kayo sa akin! At ‘wag kayong maniniwala na mayroong diyosang dagat, hindi totoo si Neptuno!Hindi totoong may diyos ang dagat!” pagmamatigas ni Greko. “Sino sa inyo ang nais na sumama sa akin upang mangisda sa Orakulo?“ Agad na nagtaas ng kamay ang walo sa siyam na mangingisda. Samantalang si Milan ay alanganin kung sasang-ayon o hindi, sa bandang huli’y nagpasya na rin siyang hindi sumamang magtungo sa Orakulo. Gamit ang kani-kanilang mga bangka ay nagtungo ang walong mangingisda sa isla ng Orakulo. Maliban kay Milan na nakuntento na lamang sa kanyang nahuling isda at umuwi na lamang sa Bayan ng Maui. Dis-oras ng gabi ng makarating ang grupo ni Greko sa Isla Orakulo. Hindi nga nagkamali si Greko sa kanyang hinala. Napakarami ngang uri ng lamang-dagat at kanilang natagpuan sa Isla Orakulo! Kanya- kanyang hagis ng lambat ang mangingisda — walang hindi natutuwa sa dami ng isdang kanilang nahuhuli. Walang hindi nasisiyahan sa posibleng napakaraming perang kanilang kikitain. Halos lumubog na ang mga bangka ng grupo ni Greko sa sobrang dami ng lamang-dagat na kanilang huli. Hindi maipaliwanag ang labis na kasiyahan na nadarama ng mga mangingisda. Hindi pa sila nakararating sa dalampasigan ay alam na nilang pagkakaguluhan sila ng mga negosyanteng namamakyaw ng mga huling isda. “Sabi sa inyo e!Sa dami at espesyal na isdang nahuli natin sigurado malaki ang kikitain natin ngayong araw na ito!” pagmamalaki ni Greko sa kanyang grupo. “Oo nga, oo nga! Whoo!” pagsang-ayon ng lahat habang sila’y malakas na pumapalakpak. Saglit lang ay agad nang naibenta ang mga huling lamang-dagat ng grupo ni Greko. Kumita sila ng higit sa triple kumpara sa dati nilang kinikita. Malaki-laking halagang maiuuwi para sa pamilya. Bagama’t si Milan ay nakararamdam ng kaunting inggit dahil sa malaking kinikita ng kanyang mga kasama hindi naman siya nagpatalo sa inggit na ito. Nagpatuloy lang siya sa nakagawiang pangingisda — sapat na para sa kanya ang may maiuwing pagkain para sa pamilya at sapat na para sa kanya ang perang magtutustos para sa pangangailangan ng pamilya. Samantala, maraming gabi ring nagpapakasasa ang grupo ni Greko sa pangingisda sa Isla Orakulo. Nangingisda sila ng labis-labis sa kanilang pangangailangan at sa katunayan, gumamit pa sila ng mas malaking bangka upang mas marami silang mahuling mga isda at iba pang lamang-dagat. Kalaunan, hindi na lang
  • 3. grupo nina Greko ang nangingisda sa Isla Orakulo kundi marami na ring ibang grupo pa ng mga mangingisda ang nagtutungo rito na nagresulta sa pagkasaid at pagkaubos ng mga lamang-dagat sa lugar na iyon. Hindi nagtagal, ang pang-aabuso at kaganapang ito ay nakarating sa kaalaman ni Neptuno — ang kalabisang ginagawa ng mga mangingisda, ang pagkasaid ng mga isda roon na kahit hindi pa lubos ang laki’y hinuhuli na at ang pagkawasak ng koral sa Isla Orakulo at kalapit na mga isla nito. Nagalit ang diyos ng karagatan na si Neptuno. At dahil sa pagkayamot na ito ay inutusan niyang magbantay ng karagatan ang anak na si Ariela kasama ang ilan pang sirena at mga sireno. Pinakalat ni Neptuno ang mga bantay ng karagatan at pinalakas ang hampas ng alon sa dagat upang mahirapang makapangisda ang lahat ng mangingisda. “Magsikalat at magbantay kayo!” utos ni Ariela sa kapwa niya sirena at sireno. “Wag niyong hayaan ang mga tao na maubos ang mga kasamahan natin.” Hindi naging madali para sa mangingisda ng Bayan ng Maui ang pangingisda. Malakas at mataas ang alon kahit walang bagyo na kahit sa dati nilang lugar na pinangingisdaan ay wala na ring isdang mahuli. Naging mailap sa tao ang anumang uri ng lamang-dagat. At sa halip na humingi ng kapatawaran sa diyos ng karagatan ay naging marahas pa sila. Gumagamit na sila ng dinamita. “Huwag kayong gumamit niyan!Mas maraming mapapahamak sa gagawin niyong iyan! Mas makabubuti para sa atin na humingi ng kapatawaran sa diyos ng dagat na si Neptuno!” pagpigil ni Milan kina Greko. Ngunit walang narinig ang grupo ng mangingisda na pinangungunahan ni Greko. Muli silang nakakahuli ng isda bagama’t mas lalo lang nitong pinaigting ang galit ni Neptuno! Sa pagkagalit na ito ni Neptuno’y naging mabangis ang marami sa mga hayop na naninirahan sa katubigan kabilang na rito ang mga piranha, barracuda, igat, buwaya, pating at iba pa. Lumalaban na sila sa mga tao. Lalong lumalakas ang hampas ng mga alon na minsa’y nagiging dahilan ng tsunami sa maraming lugar. Namuhay sa pinakamalalim na pusod ng dagat ang maraming uri ng lamang- dagat upang hindi na sila mahuli ng mga mangingisda. Isang gabing pagbabakasakali na may mahuhuling maraming isda, ‘di sinasadyang nasilo ni Greko ang sirenang anak ni Neptuno na si Ariela — saka pa lamang siya nakumbinsi na totoo ngang may sirena at totoo nga si Neptuno! Nakarating kay Neptuno ang balitang nabihag ng isang mangingisda ang sirenang anak at dahil dito’y nagpadala siya ng mensahe kay Greko na gagawin niya ang lahat mapakawalan lang ang bihag na si Ariela. “Sabihin mo kay Neptuno, hayaan kaming makapangisda sa kahit saang lugar namin naisin, kahit anong uri ng lamang-dagat na aming gustuhin at kahit anong dami ng bilang na aming huhulihin! ‘Pag pinabayaan niya kaming maghari dito sa dagat pakakawalan ko ang anak niyang si Ariela!” kausap ni Greko ang isang lumba-lumba na magdadala ng mensahe sa diyos ng karagatan. Labag man sa kalooban ni Neptuno. At kahit batid niyang mapapariwara at masasalaula ang kalikasan at karagatan sa kamay ng mga tao kung sakaling siya’y pumayag sa kagustuhan ni Greko wala siyang magagawa. Mahal niya si Ariela at kailangang makalaya ang kaisa-isa niyang anak. Ang diyos ay diyos at si Neptuno ay isang diyos na may isang salita na ‘di tulad ng tao. Ang kanyang salita ay batas, ang kanyang salita ay katumbas ng kanyang dangal. Kaakibat ng mabigat na desisyon na gagawin ni Neptuno ay ang pagbitaw sa responsibilidad na mapangalagaan niya ang kayamanan ng karagatan. Mahalaga ang karagatan ngunit mahalaga rin para sa kanya ang anak na si Ariela. Kung susuwayin niya ang kanyang sariling salita at paninidigan ay wala na rin siyang pinagkaiba sa mga tao na hindi tumutupad sa kanyang pangako at gagawin ang lahat para lamang sa makasariling ambisyon. Sa paglaya ni Ariela sa kamay ni Greko ay nagpasyang manirahan sa pinakamalalim na bahagi ng dagat si Neptuno at ang kanyang anak na si Ariela kasama ng iba pang mga sireno at sirena — tagong lugar kung saan hindi kayang abutin, marating at sisirin ng mga tao at ng anumang uri ng sasakyang pangdagat. Ilang panahon pa ang lumipas magmula nang hayaan ni Neptuno ang karagatan sa kamay ng mga tao, ang karagatan ay nag-umpisa nang maging maitim at marumi. Dahan-dahang kumakaunti ang bilang ng yamang-dagat at mga lamang-dagat. Nasisira na ang mga koral na tahanan ng napakaraming mga isda. Naubos at tuluyang nawala ang maraming uri ng isda dahil sa labis-labis na panghuhuli.
  • 4. Kabilang na rin ang mga tulad ng dolphin, balyena at pating sa hinuhuli at kinakatay ng mga mangingisda. Naging mailap at lalong bumangis ang maraming hayop sa dagat. Natuto silang lumaban sa mga tao dahil sa panganib na kanilang kinakaharap. Dahil sa kalabisan ng tao at kagustuhang magkamal ng maraming pera — ang nakagisnan nating kariktan ng karagatan ay unti-unti nang nawawala. Hindi na rin natin alintana ang kapabayaang ginagawa ng mga tao sa dagat at tuluyan na ngang hindi ito nabantayan at naalagaan. At tuluyan na ring naglaho at hindi na nagpakita sa lahi ng mga tao sina Neptuno – ang diyos ng karagatan, si Ariela at iba pang mga sirena at sireno ng dagat. - wakas -