SlideShare a Scribd company logo
Florante at Laura
Ang Florante at Laura ni
Francisco Balagtas (na
kilala din bilang
Fransisco Baltazar) ay
isang obra-maestra sa
panitikang Pilipino.
Daglat lamang ang
katawagang Florante at
Laura sapagkat
binigyan ito ng aktuwal
at buong pamagat na:
"Pinagdaanang búhay ni Florante at ni
isáng matuwaín sa bersong
Tagálog.“
Isa itong mahabang tulang
itinuturing na pinakamahalaga sa lahat
ng mga korido (corridos) sa Pilipinas
noong ika-19 dantaon, ayon kay Fray
Toribio Minguella, isang paring
Rekolekto at pilologo.
Tauhan
Florante-Anak ni Duke Briseo at Princesa
Floresca at siyang pangunahing tauhan sa
tula. Iniibig niya si Laura
Laura-Ang anak na babae ni Haring Linseo
ng Albanya; iniibig ni Florante.
Aladin-Anak ni Sultan Ali-Adab ng
Persya, isang moro na nagligtas at tumulong
kay Florante.
Flerida-Ang kasintahan ni Aladin na inagaw
ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab.
Haring Linseo-Siya ang hari ng Albanya, ama ni
Laura.
Sultan Ali-Adab-Ang sultan ng Persya, ama ni
Aladin.
Prinsesa Floresca-Ina ni Florante, prinsesa ng
Krotona.
Duke Briseo-Ang mabuting ama ni Florante.
Tagapayo ng haring Linceo.
Adolfo-Ang kalaban ni Florante, tinawag na
mapagbalat-kayo; malaki ang galit kay Florante.
Konde Sileno-Ang ama ni Adolfo.
Menalipo-Ang pinsan ni Florante na nagligtas sa
kanya noong siya ay sanggol pa lamang mula sa
isang ibong arkon.
Menandro-Isang matalik na kaibigan ni Florante,
pamangkin ni Antenor; nagligtas kay Florante
mula kay Adolfo.
Antenor-Ang guro ni Florante sa
Atenas.
Emir-Isang moro/muslim na hindi
nagtagumpay sa pagpaslang kay
Laura
Heneral Osmalik-Isang heneral ng
Persya na lumaban sa Crotona.
Heneral Miramulen-Heneral ng
osmalik.
Heneral Abu Bakr-Heneral ng
Persya, nagbantay kay Flerida.
Aralin 1:Kay Celia
Kapag naaalaala ng makata ang
nakaraan, iisang babae ang binabalikan
niya sa gunita, si Celia lamang. Matamis
ang kanilang pag-iibigan at masaya sila
habang namamasyal sa Ilog Beata at
Hilom. Ngunt ngayo’y di mapigilan ng
makata ang pagluha kapag naiisip na
baka naagaw na ng iba ang pag-ibig ni
Celia. Dahil sa kalungkutan, natutong
magsulat ng tula ang makata.
Inihahandog niya ang tulang ito kay
Celia, na ang sagisag ay M.A.R.(Maria
Asuncion Rivera)
Aralin 2-Sa Babasa Nito
Nagpapasalamat ang makata sa mga
babasa ng kanyang awit. Ang kanyang akda
ay parang bubot na prutas sa unang tingin
ngunit masarap kapag ninamnam. Hinihiling
ng makata na huwag babaguhin ang kanyang
berso at pakasuriin muna ito bago pintasan.
Kung may bahaging di
malinawan, iminumungkahi niyang tumingin
lamang ang mambabasa sa ibaba ng pahina
at may paliwanag doon. Ipinakiusap din niya
na huwag babaguhina ng mga salita sapagkat
sa halip na mapabuti ay baka sumama pa ang
akda.
Aralin 3-Sa Mapanglaw na Gubat
Nagsisimula ang awit sa isang
madilim at mapanglaw na gubat na di
halos mapasok ng sikat ng araw.
Madawag ang gubat at maraming
puno ng higera at sipres. Maraming
hayop dito, tulad ng ahas, basilisko,
hyena, tigre at leon. Sa isang punong
higera sa gitna ng gubat, naktali ang
paa, kamay at leeg ng isang
guwapong binata, na may makinis na
balat at kulay gintong buhok. Sayang
walang mga nimpa sa gubat na
makapagliligtas sa binata.
Aralin 4:Taksil na Bayan Taksil na
Kasintahan
Umiiyak ang binatang nakagapos.
Sinabi niyang naghahari ang kasamaan
sa kahariang Albanya. Bawal magsabi ng
totoo, may parusa itong kamatayan.
Kagagawan ni Konde Adolfo ang
lahat, sapagkat ibig nitong mapasakanya
ang kapangyarihan ni Haring Linseo at
ang kayamanan ni Duke Briseo na ama
ng nakagapos.
Aralin 5: Halina, Aking Laura
Ibig ng binatang nakagapos na
muling ipakita ni Laura ang dating pag-
aalaala sa kanya. Ngunit natatakot ang
lalaki na baka naagaw na ni Adolfo so
Laura. Kaya’t nasabi niyang
pasasalamatan pa niya si Adolfo
pahirapan man siya nang husto, huwag
lamang agawin si Laura. Lumuha ng
lumuha ang lalaki hanggang sa siya’y
mapayukayok.
Aralin 6: Sawing Kapalaran
Nakikiusap ang binatang nakagapos
na ibagsak ng kalangitan ang poot nito at
parusahan ang masasama. Alam niyang
lahat ng nangyayari ay sa ikabubuti ng lahat
kaya’t nakahanda siyang magdusa. Ang
tanging hiling niya ay sana, maalaala siya ng
minamahal na si Laura. Kung naiisip niyang
iniiyakan ni Laura ang kanyang
pagkamatay, para na rin siyang nagkaroon
ng buhay na walang hanggan. Ngunit ang
labis na ipinaghihirap ng kanyang loob ay
ang hinalang baka naagaw na ng kanyang
karibal na si Adolfo ang pagmamahal ni
Laura.
Aralin 7: Mga Hinaing ng Lalaking
Nakagapos
Larawan ng kalungkutan at
pagseselos ang binatang nakagapos.
Isinigaw niya sa buong kagubatan ang
kanyang sama ng loob dahil tila nalimot na
siya ni Laura, ngayon pa namang kailangan
niya ito. Noon, kapag patungo sa digmaan,
ang binata ay pinababaunan ni Laura ng
luha at ng bandanang may letrang L at
mahahalagang bato. Pagkagaling sa
labanan, munting galos ng binata ay
huhugasan agad ni Laura ng luha. At kung
nalulungkot ang binata pinipilit siyang
aliwin ni Laura.
Aralin 8: Duke Briseo—Mapagkandiling
Ama
Nang huminto sa paghihimutok
ang gerero, nagulat pa ito sa sumalit na
buntung hininga ng lalaking nakagapos.
Moo’y ginugunita ng nakagapos ang
amang mapagmahal na ipinapatay ni
Adolfo. Pinaghiwa-hiwalay ang
ulo, katawan at mga kamay ng kanyang
ama at walang nakapangahas na ito’y
ilibing. Ngunit hanggang sa huling
sandali, tanging kapakanan ng kaisa-
isang anak ang nasa isip ng ama.
Aralin 9: Huling Paalam ni Florante
Nagkataong dumating sa gubat
ang isang mandirigma o gerero na sa
pananamit ay masasabing isang Morong
taga-Persiya. Naupo ito sa lilim ng isang
puno at lumuluhang naghimutok.
Nagbanta siya na sino mang umagaw sa
pagmamahal ng babae ay papatayin
niya, maliban sa kanyang ama.
Naihimutok ng gererong Moro na
sadyang napakalaki ng kapangyarihan
ng pag-ibig. Kahit mag-aama’y nag-
aaway nang dahil sa pag-ibig.
Naalaala rin ng gerero ang
sariling ama na kaiba sa ama ng lalaking
nakagapos ay di nagpakita ng
pagmamahal sa anak minsan man. Ang
lalong masakit, ang kanyang ama pa
ang umagaw sa babaing kanyang
pinakamamahal. Maagang naulila sa ina
ang gerero kaya’t di siya nakatikim ng
pagmamahal ng magulang. Naputol ang
iniisip ng gerero nang marinig sa
nakagapos na malibing man ito ay
patuloy pa ring mamahalin si Laura.
Aralin 10: Sa Kuko ng mga Leon
Dalawang leon ang papalapit sa
nakagapos ngunit parang naaawang
napahinto ang mga ito sa harap ng
lalaki. Sa harap ng nagbabantang
kamatayan sa pangil ng mga
leon, nagpaalam ang binata sa bayang
Albanya na pinaghandugan ng kanyang
paglilingkod at kay Laura. Sinabi ng
binata na ang lalong ipinaghihirap ng
kanyang loob ay ang pangyayaring
haharapin niya ang kamatayan nang di
angkin ang pag-ibig ni Laura.
Hindi na natiis ng gerero ang naririnig na
daing. Kaya’t hinanap niya ang
pinanggagalingan ng tinig. Pinagputol-
putol ng gerero ang mga dawag
hanggang marating ang kinaroroonan ng
nakagapos. Anyong sisilain na ng
dalawang leon ang binata na sa tindi ng
hirap ay nawalan ng malay. Pinagtataga
ng gerero ang dalawang leon hanggang
sa mapatay. Pagkatapos kinalagan nito
at kinalong ang binata.
Aralin 11: Ang moro at ang Kristiyano
Nang matauhan ang binata, si Laura
agad ang unang hinanap. Nagulat pa ito
nang mamalayang nasa kandungan
siya, hindi ni Laura, kundi ng isang Moro.
Ipinaliwanag ng gerero na di niya natiis na
di tulungan ang binata, sapagkat magkaiba
man sila ng pananampalataya, nakaukit din
sakanyang puso ang pagtulong sa
kapwa, gaya ng iniuutos ng Langit ng mga
Kristiyano. Sa halip na
magpasalamat, isinagot ng binata na higit
pang ibig niyang mamatay sa laki ng hirap
na dinaranas. Sa narinig na ito, napasigaw
ang gerero.
Walang kibuan ang dalawa
hanggang sa lumubog ang araw. Dinala
ng gerero ang binata sa isang isang
malapad at malinis na bato. Dito pinakain
ng Moro ang binata na di nagtagal ay
nakatulog sa kanyang kandungan.
Magdamag na binantayan ng gerero ang
binata, na tuwing magigising ay
naghihimutok. Nang magising
kinaumagahan, nakapagpanibagong
lakas na ang binata. Itinanong ng Moro
ang dahilan ng paghihirap ng loob nito.
Aralin 12: Ang Laki sa Layaw
Isinalaysay ng binata ang kanyang
buhay. Siya’y si Florante, nag-iisang anak ni
Duke Briseo ng Albanya, at ni Prinsesa
Floresca ng Krotona. Sa Albanya siya lumaki
at nagkaisip. Ang kanyang ama’y tanungan o
sanggunian ni Haring Linseo at tumatayong
pangalawang puno sa kaharian. Isang
matapang na pinuno at mapagmahal na ama si
Duke Briseo.
May ilang mahalagang pangyayari
noong bata pa si Florante. Nang sanggol pa’y
muntik na siyang madagit ng isang buwitre
ngunit nailigtas siya ng pinsang si Menalipo.
Isang araw, isang ibong arkon ang biglang
pumasok sa salas at dinagit ang kanyang
dyamanteng kupido sa dibdib. Nang siya’y
siyam na taon na, pinalili[pas niya ang
maghapon sa pamamasyal sa burol. Bata pa’y
natuto na siyang mamana ng mga ibon at iba
pang hayop. Naging mapagmahal siya sa
kalikasan.
Lumaki sa galak si Florante. Ngunit ngayon niya
naisip na di dapat palakhin sa layaw ang bata
sapagkat sa mundong ito’y higit ang hirap
kaysa sarap. Ang batang nasanay sa ginhawa
ay maramdamin at di makatatagal sa hirap.
Alam ito ni Duke Briseo. Kaya’t tiniis
nito ang luha ng asawa at masakit man sa loob
na mawalay sa anak, ipinadla siya ng ama sa
Atenas upang doon mag-aral.
Aralin 13: Balatkayo sa Atenas
Labing-isang taong gulang si
Florante nang ipadala sa Atenas upang
mag-aral. Ang naging guro niya rito ay
si Antenor. Isa sa mga estudyante rito
ay ang kababayang si Adolfo, na nang
una ay nadama na si Florante na tila
pakunwari lamang ang kabaitan ni
Adolfo. Anim na taon sa Atenas si
Florante. Sa loob ng panahong
ito, natuto siya ng
pilosopiya, astrolohiya at matematikaA
Aralin 14: Mag-ingat Ka,
Florante
Nanguna si Florante sa
katalinuhan at dinaig niya maging si
Adolfo. Napabalita ang una sa buong
Atenas. Dito na lumabas ang tunay na
pagkatao ni Adolfo. Sa isang dulang
ginampanan nina kapwa ni Florante,
pinagtangkaan nitong patayin ang huli.
Salamat at nailigtas siya ng kaibigang
si Menandro. Kinabukasan din, umuwi
sa Albanya si Adolfo.
Aralin15: Pagsubok sa Dulo ng
Espada
Naiwan sa Atenas si Florante
at nagtagal doon nang isang taon
pa. isang araw, tumanggap ng liham
si Florante mula sa ama. Sinasabi sa
sulat na namatay ang kanyang ina.
Nawalan ng malay si Florante sa
tindi ng kalungkutan. Hindi
nakabawas sa kanyang kalungkutan
ang tapat na pakikiramay ng guro at
mga kamag-aral.
Di nagtagal nakarating sa Albanya ang
magkaibigan. Pagkakita sa ama, napaluha si
Florante nang muling manariwa ang sakit ng loob
sa pagkamatay ng ina. Noon dumating ang sugo ni
Haring Linseo, dala ang sulat ng Hari ng Krotona
na humihingi ng tulong sapagkat nilusob ang
Krotona ni Heneral Osmalik ng Persiya. Pangalawa
ito ng bantog na si Prinsipe Aladin na
hinahangaan ni Florante at ayon sa balita’y kilabot
sa buong mundo. Sa narinig, napangiti ang Moro at
nagsabing bihirang magkatotoo ang mga balita at
karaniwang may dagdag na.
Nagtungo sa palasyo ng Albanya ang mag-
ama. Doon masakit man sa loob, pumayag din ang
ama ni Florante nang ito’y hirangin ng hari na
heneral ng hukbo.
Aralin 16: Pag-ibig, Panghawi ng Ulap
Nakilala ni Florante ang anak ng
hari na si Laura, isang dalagangkaagaw
ni Venus sa kagandahan, isang
kagandahang mahirap isiping
makapagtataksil.
Sa harap ng kagandahan ni
Laura, laging nagkakamali ng sasabihin
si Florante sapagkat natatakot siyang
baka di maging marapat sa dalaga.
Aralin 17: Tagumpay sa binyag ng Dugo
Dahil sa luhang pabaon ni Laura, natiis ni
Florante ang kalungkutang bunga ng pagkawalay sa
minamahal. Pagdating sa digmaan, naabutan ng hukbo
nina Florante na halos mawasak na ang kaaway ang
kuta ng Krotona. Ngunit magiting na nagtanggol si
Florante at ang kanyang mga kawal hanggang sa
hamunin ni Osmalik si Florante na silang dalawa ang
magharap. Limang oras silang naglaban hanggang sa
mapatay ni Florante si Osmalik. Ipinagbunyi ng taong-
bayan si Florante lalo nang malamang ito’y apo ng hari
ng Krotona. Ngunit nahaluan ng lungkot ang kanilang
kagalakan nang magkita ang maglolo. Muling nanariwa
ang kirot ng pagkamatay ng ina ni Florante. Dito naisip
ni Florante na walang lubos na ligaya sa mundo.
Pagkaraan ng limang buwan sa Krotona, nagpilit
nang bumalik sa Albanya si Florante upang makita si
Laura. Ngunit nang malapit na at natatanaw na ang
moog ng Albanya, biglang kinutuban si Florante.
Hindi nagkamali ang kutob ni Florante.
Nakawagayway sa Albanya ang bandilang Moro.
Pinatigil muna ni Florante ang kanyang hukbo sa
paanan ng bundok. Mula roon natanaw nilang tila
pupugutan ng ulo ang isang babae. Dali-daling
lumusob sina Florante at ginapi ang mga Moro.
Naligtas ang babae na walng iba kundi si Laura.
Papupugutan ng ulo ang dalaga sapagkat
tinanggihan nito ang pag-ibig ng emir at ito’y
sinampal pa. noon binigkas ni Laura ang “sintang
Florante.”
Pinawalan ni Florante ang hari, ang
kaniyang ama at ang iba pang bilanggong
kinabibilangan ni Adolfo. Lalong nainggit si Adolfo
kay Florante hindi lamang dahil sa papuring
tinanggap kundi dahil nakamit pa niya ang pag-ibig
ni Laura. Dahil dito, muling nagbalak si Adolfo na
ipahamak si Florante.
Aralin 18: Nasilo sa Patibong
Pagkalipas ng ilang buwan, lumusob ang
hukbo ng Turkiya sa pamumuno ni Miramolin.
Ngunit tinalo si Florante si Miramolin. Naging
sunod-sunod ang tagumpay ni Florante hanggang
sa umabot sa 17 ang mga haring nagsigalang sa
kanya.
Isang araw, nasa Etolya si Florante at ang
kanyang hukbo nang dumating ang sulat ng hari
na nagpapauwi sa kanya. Iniwan niya ang hukbo
kay Menandro. Ngunit pagdating sa Albanya,
nilusob siya ng 30,000 sandatahan at noon di’y
ibinilanggo. Noon niya nalamang ipinapatay ni
Adolfo si Haring Linseo at ang kanyang amang si
Duke Briseo. Si Laura nama’y nakatakdang ikasal
kay Adolfo. Labingwalong araw na ipiniit si
Florante. Pagkaraan, itinali siya sa gubat na
kinatagpuan sa kanya ng gererong Moro.
Aralin 19: Lason sa Pag-ibig
Nang matapos magsalaysay si
Florante, nagpakilala ang Moro. Siya si Aladin
mula sa Persiya na anak ni Sultan Ali-Adab.
Sinabi ni Aladin na yamang kapwa sila sawi ni
Florante, mamuhay na silang magkasama sa
gubat. Noon isinalaysay ni Aladin ang kanyang
pinagdaanang buhay. Ikinuwento niya ang
pakana ng sarili niyang ama upang maagaw sa
kanya si Flerida. Ipinapakulong siya nito sa
bintang na iniwan niya ang hukbo sa Albanya
kahit wala pang utos ng sultan. At nang mabawi
ni Florante ang Albanya, hinatulang pugutan ng
ulosi Aladin. Pinatawad siya sa kondisyong aalis
siya sa Persiya noon din. Bagama’t nakaligtas sa
kamatayan, higit pang ibig ni Aladin na mamatay
kaysa maagaw ng iba ang pagmamahal ni Flerida.
Aralin 20: Kamatayan o Pag-ibig
Natigil sa pag-uusap ang dalawa nang
marinig ang dalawang babaing nag-uusap. Ayon sa
isa, nang malaman niyang papupugutan ng ulo ang
kanyang minamahal, nagmakaawa siya sa sultan.
Pumayag ang sultan na patawarin ang nobyo ng
babae, kung papayag itong pakasal sa sultan.
Walang nagawa ang babae kundi ang sumang-ayon.
Ngunit nakaalis ang kanyang nobyo nang di sila
nagkausap. Nang gayak na ang kanilang kasal
tumakas ang babae na nakadamit-gerero. Ilang
taon siyang naglagalag sa mga bundok at gubat
hanggang sa mailigtas niya ang kausap.
Noon biglang sumulpot sina Florante at
Aladin. Sa di inaasahang pagtatagpong iyon, di
masusukat ang kaligayahan ng apat na tauhan.
Aralin 21: Itinali ang mga Buhol
Si Laura naman ang nagsalaysay.
Ayon sa kanya, napapaniwala ni Adolfo
na gugutumin ng hari ang taong-bayan
kaya’t nagkagulo ang mga ito. Kasunod
ng pagkakagulo, ipinapatay ni Adolfo
ang hari at ang matatapat na alagad
nito. Inagaw ni Adolfo ang pagkahari at
pinilit si Laurang pakasal sa kanya. Hindi
nagpapahalata ng tunay na
niloloob, pumayag si Laura ngunit
humingi ng limang buwang palugit
upang magkapanahong mapauwi si
Florante.
Sa kasamaang-palad, nahulog si
Florante sa pakana ni Adolfo at
naipatapon. Handa nang
magpakamatay si Laura nang
dumating si Menandro na siyang
nakatanggap ng sulat ni Laura kay
Florante. Tumakas si Adolfo,
tangay si Laura na pinagtangkaang
abusuhin sa gubat na iyon. Siya
namang pagdating ni Flerida.
Pinana nito si Adolfo na namatay
noon din.
Masayang Wakas
Matapos ang pagkukuwento ni
Laura, dumating si Menandro na may kasamang
hukbo. Laking tuwa nito nang makita ang
kaibigang si Florante. Ipinagbunyi ng hukbo ang
bagong hari na si Florante. Ipinagsama nina
Florante sa Albanya sina Aladin at Flerida na
kapwa pumayag na maging Kristiyano. Nakasal
sina Florante at Laura at sina Aladin at Flerida.
Umuwi sa Persiya sina Aladin at Flerida nang
mamatay si Sultan Ali-Adab. Nagpasalamat sa
Diyos ang mga mamamayang nasisiyahan sa
pamumuno nina Florante at Laura.
Nagwakas ang awit sa hiling ng makata
sa kanyang Musa na dalhin kay Celia ang
kanyang “Ay!...Ay!”

More Related Content

What's hot

Talambuhay ni Francisco Balagtas
Talambuhay ni Francisco BalagtasTalambuhay ni Francisco Balagtas
Talambuhay ni Francisco Balagtas
SCPS
 
Sarsuwela
SarsuwelaSarsuwela
Sarsuwela
Ansabi
 
[FILIPINO 8] - Kaugnayang Lohikal
[FILIPINO 8] - Kaugnayang Lohikal[FILIPINO 8] - Kaugnayang Lohikal
[FILIPINO 8] - Kaugnayang Lohikal
John Elmos Seastres
 
Florante at Laura Aralin 17-21
Florante at Laura Aralin 17-21Florante at Laura Aralin 17-21
Florante at Laura Aralin 17-21Love Bordamonte
 
Grade 8. mga popular na babasahin
Grade 8. mga popular na babasahinGrade 8. mga popular na babasahin
Grade 8. mga popular na babasahin
Apple Yvette Reyes II
 
Filipino 9 Etimolohiya
Filipino 9 EtimolohiyaFilipino 9 Etimolohiya
Filipino 9 Etimolohiya
Juan Miguel Palero
 
Francisco Balagtas at Florante at Laura
Francisco Balagtas at Florante at LauraFrancisco Balagtas at Florante at Laura
Francisco Balagtas at Florante at Laura
janaicapagal
 
Dalawang ama-tunay-na-magkaiba (1)
Dalawang ama-tunay-na-magkaiba (1)Dalawang ama-tunay-na-magkaiba (1)
Dalawang ama-tunay-na-magkaiba (1)Mary Rose Ablog
 
Denonatibo2 at kononatibo2
Denonatibo2 at kononatibo2Denonatibo2 at kononatibo2
Denonatibo2 at kononatibo2
yette0102
 
Filipino 9 Elemento ng Elehiya
Filipino 9 Elemento ng ElehiyaFilipino 9 Elemento ng Elehiya
Filipino 9 Elemento ng Elehiya
Juan Miguel Palero
 
Florante at laura powerpoint
Florante at laura powerpointFlorante at laura powerpoint
Florante at laura powerpointjergenfabian
 
Apat na himagsik ni Francisco Balagtas
Apat na himagsik ni Francisco BalagtasApat na himagsik ni Francisco Balagtas
Apat na himagsik ni Francisco BalagtasLove Bordamonte
 
Sa Babasa Nito
Sa Babasa NitoSa Babasa Nito
Sa Babasa Nito
Reina Antonette
 
Florante at Laura
Florante at LauraFlorante at Laura
Florante at Laura
Chariza Lumain
 
Kaligirang kasaysayan ng florante at Laura
Kaligirang kasaysayan ng florante at LauraKaligirang kasaysayan ng florante at Laura
Kaligirang kasaysayan ng florante at Laura
Jean Demate
 
Talababa ng florante't Laura (Trisha Salanatin)
Talababa ng florante't Laura (Trisha Salanatin)Talababa ng florante't Laura (Trisha Salanatin)
Talababa ng florante't Laura (Trisha Salanatin)Trisha Salanatin
 
Tunggalian
TunggalianTunggalian
Tunggalian
michael saudan
 
Ang Epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig
Ang Epekto ng Unang Digmaang PandaigdigAng Epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig
Ang Epekto ng Unang Digmaang PandaigdigJeanlyn Arcan
 

What's hot (20)

Talambuhay ni Francisco Balagtas
Talambuhay ni Francisco BalagtasTalambuhay ni Francisco Balagtas
Talambuhay ni Francisco Balagtas
 
Kay sleya
Kay sleyaKay sleya
Kay sleya
 
Sarsuwela
SarsuwelaSarsuwela
Sarsuwela
 
[FILIPINO 8] - Kaugnayang Lohikal
[FILIPINO 8] - Kaugnayang Lohikal[FILIPINO 8] - Kaugnayang Lohikal
[FILIPINO 8] - Kaugnayang Lohikal
 
Florante at Laura Aralin 17-21
Florante at Laura Aralin 17-21Florante at Laura Aralin 17-21
Florante at Laura Aralin 17-21
 
Grade 8. mga popular na babasahin
Grade 8. mga popular na babasahinGrade 8. mga popular na babasahin
Grade 8. mga popular na babasahin
 
Ang ama
Ang amaAng ama
Ang ama
 
Filipino 9 Etimolohiya
Filipino 9 EtimolohiyaFilipino 9 Etimolohiya
Filipino 9 Etimolohiya
 
Francisco Balagtas at Florante at Laura
Francisco Balagtas at Florante at LauraFrancisco Balagtas at Florante at Laura
Francisco Balagtas at Florante at Laura
 
Dalawang ama-tunay-na-magkaiba (1)
Dalawang ama-tunay-na-magkaiba (1)Dalawang ama-tunay-na-magkaiba (1)
Dalawang ama-tunay-na-magkaiba (1)
 
Denonatibo2 at kononatibo2
Denonatibo2 at kononatibo2Denonatibo2 at kononatibo2
Denonatibo2 at kononatibo2
 
Filipino 9 Elemento ng Elehiya
Filipino 9 Elemento ng ElehiyaFilipino 9 Elemento ng Elehiya
Filipino 9 Elemento ng Elehiya
 
Florante at laura powerpoint
Florante at laura powerpointFlorante at laura powerpoint
Florante at laura powerpoint
 
Apat na himagsik ni Francisco Balagtas
Apat na himagsik ni Francisco BalagtasApat na himagsik ni Francisco Balagtas
Apat na himagsik ni Francisco Balagtas
 
Sa Babasa Nito
Sa Babasa NitoSa Babasa Nito
Sa Babasa Nito
 
Florante at Laura
Florante at LauraFlorante at Laura
Florante at Laura
 
Kaligirang kasaysayan ng florante at Laura
Kaligirang kasaysayan ng florante at LauraKaligirang kasaysayan ng florante at Laura
Kaligirang kasaysayan ng florante at Laura
 
Talababa ng florante't Laura (Trisha Salanatin)
Talababa ng florante't Laura (Trisha Salanatin)Talababa ng florante't Laura (Trisha Salanatin)
Talababa ng florante't Laura (Trisha Salanatin)
 
Tunggalian
TunggalianTunggalian
Tunggalian
 
Ang Epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig
Ang Epekto ng Unang Digmaang PandaigdigAng Epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig
Ang Epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig
 

Viewers also liked

Florante at laura
Florante at lauraFlorante at laura
Florante at laura
theniceguy17
 
Florante at Laura
Florante at LauraFlorante at Laura
Florante at Laura
Merland Mabait
 
FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64
FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64
FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64
asa net
 
florante at laura aralin 13-15
florante at laura aralin 13-15florante at laura aralin 13-15
florante at laura aralin 13-15
jennyleth
 
Florante at laura (Aralin 5-8)
Florante at laura (Aralin 5-8)Florante at laura (Aralin 5-8)
Florante at laura (Aralin 5-8)
Claudette08
 
Florante at Laura
Florante at LauraFlorante at Laura
Florante at Laura
Evelyn Manahan
 
Report florante at laura
Report florante at lauraReport florante at laura
Report florante at laura
isabel guape
 
Florante at Laura
Florante at LauraFlorante at Laura
Florante at Laurahighdrome
 
Florante at Laura (Aralin 17-22)
Florante at Laura (Aralin 17-22)Florante at Laura (Aralin 17-22)
Florante at Laura (Aralin 17-22)
SCPS
 
Florante at laura ppt_Mam Shie
Florante at laura ppt_Mam ShieFlorante at laura ppt_Mam Shie
Florante at laura ppt_Mam Shie
Shirley Veniegas
 
Mga Mahahalagang Tauhan sa Florante at Laura
Mga Mahahalagang  Tauhan sa Florante at LauraMga Mahahalagang  Tauhan sa Florante at Laura
Mga Mahahalagang Tauhan sa Florante at Laura
SCPS
 
4th peridical exam in fil. 8
4th peridical exam in fil. 84th peridical exam in fil. 8
4th peridical exam in fil. 8Ethiel Baltero
 
Kaligiran at tauhan ng f l
Kaligiran at tauhan ng f lKaligiran at tauhan ng f l
Kaligiran at tauhan ng f lMary Rose Ablog
 
Florante at Laura (Aralin 7 -10)
Florante at Laura (Aralin 7 -10)Florante at Laura (Aralin 7 -10)
Florante at Laura (Aralin 7 -10)
SCPS
 
Florante at Laura (Aralin 14-16)
Florante at Laura (Aralin 14-16)Florante at Laura (Aralin 14-16)
Florante at Laura (Aralin 14-16)
SCPS
 
Florante at Laura (Kabanata 11-13)
Florante at Laura (Kabanata 11-13)Florante at Laura (Kabanata 11-13)
Florante at Laura (Kabanata 11-13)
SCPS
 

Viewers also liked (19)

Florante at laura
Florante at lauraFlorante at laura
Florante at laura
 
Florante at Laura
Florante at LauraFlorante at Laura
Florante at Laura
 
FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64
FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64
FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64
 
Florante at laura
Florante at lauraFlorante at laura
Florante at laura
 
florante at laura aralin 13-15
florante at laura aralin 13-15florante at laura aralin 13-15
florante at laura aralin 13-15
 
Florante at laura (Aralin 5-8)
Florante at laura (Aralin 5-8)Florante at laura (Aralin 5-8)
Florante at laura (Aralin 5-8)
 
Florante at Laura
Florante at LauraFlorante at Laura
Florante at Laura
 
Report florante at laura
Report florante at lauraReport florante at laura
Report florante at laura
 
Florante at Laura
Florante at LauraFlorante at Laura
Florante at Laura
 
Florante at Laura (Aralin 17-22)
Florante at Laura (Aralin 17-22)Florante at Laura (Aralin 17-22)
Florante at Laura (Aralin 17-22)
 
Florante at laura ppt_Mam Shie
Florante at laura ppt_Mam ShieFlorante at laura ppt_Mam Shie
Florante at laura ppt_Mam Shie
 
Mga Mahahalagang Tauhan sa Florante at Laura
Mga Mahahalagang  Tauhan sa Florante at LauraMga Mahahalagang  Tauhan sa Florante at Laura
Mga Mahahalagang Tauhan sa Florante at Laura
 
4th peridical exam in fil. 8
4th peridical exam in fil. 84th peridical exam in fil. 8
4th peridical exam in fil. 8
 
Florante at laura pagsasanay
Florante at laura pagsasanayFlorante at laura pagsasanay
Florante at laura pagsasanay
 
Kaligiran at tauhan ng f l
Kaligiran at tauhan ng f lKaligiran at tauhan ng f l
Kaligiran at tauhan ng f l
 
Florante at Laura (Aralin 7 -10)
Florante at Laura (Aralin 7 -10)Florante at Laura (Aralin 7 -10)
Florante at Laura (Aralin 7 -10)
 
Florante at Laura (Aralin 14-16)
Florante at Laura (Aralin 14-16)Florante at Laura (Aralin 14-16)
Florante at Laura (Aralin 14-16)
 
Florante at Laura (Kabanata 11-13)
Florante at Laura (Kabanata 11-13)Florante at Laura (Kabanata 11-13)
Florante at Laura (Kabanata 11-13)
 
Hinagpis ni florante
Hinagpis ni floranteHinagpis ni florante
Hinagpis ni florante
 

Similar to Florante at laura powerpoint

Florante at laura
Florante at lauraFlorante at laura
Florante at lauraLykka Ramos
 
buodngbawatkabanatangtulafloranteatlaura.pptx
buodngbawatkabanatangtulafloranteatlaura.pptxbuodngbawatkabanatangtulafloranteatlaura.pptx
buodngbawatkabanatangtulafloranteatlaura.pptx
HelenLanzuelaManalot
 
BUOD NG BAWAT KABANATA NG TULA.pptx
BUOD NG BAWAT KABANATA NG TULA.pptxBUOD NG BAWAT KABANATA NG TULA.pptx
BUOD NG BAWAT KABANATA NG TULA.pptx
JeanMaureenRAtentar
 
Florante at Laura (Aralin 4-6)
Florante at Laura (Aralin 4-6)Florante at Laura (Aralin 4-6)
Florante at Laura (Aralin 4-6)
SCPS
 
Florante_at_Laura_Buod_ng_Bawat_Kabanata.docx
Florante_at_Laura_Buod_ng_Bawat_Kabanata.docxFlorante_at_Laura_Buod_ng_Bawat_Kabanata.docx
Florante_at_Laura_Buod_ng_Bawat_Kabanata.docx
johnajaneecube
 
Florante at Laura (Kabanata 4-6)-Monologo.pptx
Florante at Laura (Kabanata 4-6)-Monologo.pptxFlorante at Laura (Kabanata 4-6)-Monologo.pptx
Florante at Laura (Kabanata 4-6)-Monologo.pptx
LheddyAnnPermejo1
 
Q4 M1 Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura1.pptx
Q4 M1 Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura1.pptxQ4 M1 Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura1.pptx
Q4 M1 Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura1.pptx
NoryKrisLaigo
 
Aralin 8.pptx
Aralin 8.pptxAralin 8.pptx
Aralin 8.pptx
Aubrey40
 
Filipino project
Filipino projectFilipino project
Filipino project
PrincessFei Iris
 
Florante at Laura
Florante at LauraFlorante at Laura
Florante at Laura
marryrosegardose
 
Classroom observation PowerPoint about florante at laura.pptx
Classroom observation PowerPoint about florante at laura.pptxClassroom observation PowerPoint about florante at laura.pptx
Classroom observation PowerPoint about florante at laura.pptx
Lolita Gomez
 
Ang pagkamartir-WPS Office.docx
Ang pagkamartir-WPS Office.docxAng pagkamartir-WPS Office.docx
Ang pagkamartir-WPS Office.docx
JaimeFamulerasJr
 
Ang pagkamartir-WPS Office.docx
Ang pagkamartir-WPS Office.docxAng pagkamartir-WPS Office.docx
Ang pagkamartir-WPS Office.docx
JaimeFamulerasJr
 
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxKABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
RoseAnneOcampo1
 
Q4_COT1_FIL8_FLORANTE AT LAURA.pptx
Q4_COT1_FIL8_FLORANTE AT LAURA.pptxQ4_COT1_FIL8_FLORANTE AT LAURA.pptx
Q4_COT1_FIL8_FLORANTE AT LAURA.pptx
wilma334882
 
SI MANGITA AT LARINA G7.pptx
SI MANGITA AT LARINA G7.pptxSI MANGITA AT LARINA G7.pptx
SI MANGITA AT LARINA G7.pptx
RECELPILASPILAS1
 
ARALIN-4-FLORANTE-AT-LAURA.pptx
ARALIN-4-FLORANTE-AT-LAURA.pptxARALIN-4-FLORANTE-AT-LAURA.pptx
ARALIN-4-FLORANTE-AT-LAURA.pptx
JohnnyJrAbalos1
 
Florante At Laura.pptx
Florante At Laura.pptxFlorante At Laura.pptx
Florante At Laura.pptx
BaysonRon
 
FIL 6 Q1 W2-W3.pptx
FIL 6 Q1 W2-W3.pptxFIL 6 Q1 W2-W3.pptx
FIL 6 Q1 W2-W3.pptx
CatrinaTenorio
 

Similar to Florante at laura powerpoint (20)

Florante at laura
Florante at lauraFlorante at laura
Florante at laura
 
buodngbawatkabanatangtulafloranteatlaura.pptx
buodngbawatkabanatangtulafloranteatlaura.pptxbuodngbawatkabanatangtulafloranteatlaura.pptx
buodngbawatkabanatangtulafloranteatlaura.pptx
 
BUOD NG BAWAT KABANATA NG TULA.pptx
BUOD NG BAWAT KABANATA NG TULA.pptxBUOD NG BAWAT KABANATA NG TULA.pptx
BUOD NG BAWAT KABANATA NG TULA.pptx
 
Florante at Laura (Aralin 4-6)
Florante at Laura (Aralin 4-6)Florante at Laura (Aralin 4-6)
Florante at Laura (Aralin 4-6)
 
Florante_at_Laura_Buod_ng_Bawat_Kabanata.docx
Florante_at_Laura_Buod_ng_Bawat_Kabanata.docxFlorante_at_Laura_Buod_ng_Bawat_Kabanata.docx
Florante_at_Laura_Buod_ng_Bawat_Kabanata.docx
 
Florante at Laura (Kabanata 4-6)-Monologo.pptx
Florante at Laura (Kabanata 4-6)-Monologo.pptxFlorante at Laura (Kabanata 4-6)-Monologo.pptx
Florante at Laura (Kabanata 4-6)-Monologo.pptx
 
Q4 M1 Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura1.pptx
Q4 M1 Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura1.pptxQ4 M1 Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura1.pptx
Q4 M1 Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura1.pptx
 
Aralin 8.pptx
Aralin 8.pptxAralin 8.pptx
Aralin 8.pptx
 
Filipino project
Filipino projectFilipino project
Filipino project
 
3333
33333333
3333
 
Florante at Laura
Florante at LauraFlorante at Laura
Florante at Laura
 
Classroom observation PowerPoint about florante at laura.pptx
Classroom observation PowerPoint about florante at laura.pptxClassroom observation PowerPoint about florante at laura.pptx
Classroom observation PowerPoint about florante at laura.pptx
 
Ang pagkamartir-WPS Office.docx
Ang pagkamartir-WPS Office.docxAng pagkamartir-WPS Office.docx
Ang pagkamartir-WPS Office.docx
 
Ang pagkamartir-WPS Office.docx
Ang pagkamartir-WPS Office.docxAng pagkamartir-WPS Office.docx
Ang pagkamartir-WPS Office.docx
 
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxKABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
 
Q4_COT1_FIL8_FLORANTE AT LAURA.pptx
Q4_COT1_FIL8_FLORANTE AT LAURA.pptxQ4_COT1_FIL8_FLORANTE AT LAURA.pptx
Q4_COT1_FIL8_FLORANTE AT LAURA.pptx
 
SI MANGITA AT LARINA G7.pptx
SI MANGITA AT LARINA G7.pptxSI MANGITA AT LARINA G7.pptx
SI MANGITA AT LARINA G7.pptx
 
ARALIN-4-FLORANTE-AT-LAURA.pptx
ARALIN-4-FLORANTE-AT-LAURA.pptxARALIN-4-FLORANTE-AT-LAURA.pptx
ARALIN-4-FLORANTE-AT-LAURA.pptx
 
Florante At Laura.pptx
Florante At Laura.pptxFlorante At Laura.pptx
Florante At Laura.pptx
 
FIL 6 Q1 W2-W3.pptx
FIL 6 Q1 W2-W3.pptxFIL 6 Q1 W2-W3.pptx
FIL 6 Q1 W2-W3.pptx
 

More from jergenfabian

El filibusterismo report
El filibusterismo reportEl filibusterismo report
El filibusterismo reportjergenfabian
 
Higanteng Tambog, Pautos at Pakiusap
Higanteng Tambog, Pautos at PakiusapHiganteng Tambog, Pautos at Pakiusap
Higanteng Tambog, Pautos at Pakiusapjergenfabian
 
wika at pampanitikan
wika at pampanitikanwika at pampanitikan
wika at pampanitikanjergenfabian
 
Aspekto na pandiwa
Aspekto na pandiwaAspekto na pandiwa
Aspekto na pandiwajergenfabian
 
Group iv Sanhi at bunga
Group iv Sanhi at bungaGroup iv Sanhi at bunga
Group iv Sanhi at bungajergenfabian
 
Group3 report Panghalip na Panao
Group3 report Panghalip na PanaoGroup3 report Panghalip na Panao
Group3 report Panghalip na Panaojergenfabian
 

More from jergenfabian (6)

El filibusterismo report
El filibusterismo reportEl filibusterismo report
El filibusterismo report
 
Higanteng Tambog, Pautos at Pakiusap
Higanteng Tambog, Pautos at PakiusapHiganteng Tambog, Pautos at Pakiusap
Higanteng Tambog, Pautos at Pakiusap
 
wika at pampanitikan
wika at pampanitikanwika at pampanitikan
wika at pampanitikan
 
Aspekto na pandiwa
Aspekto na pandiwaAspekto na pandiwa
Aspekto na pandiwa
 
Group iv Sanhi at bunga
Group iv Sanhi at bungaGroup iv Sanhi at bunga
Group iv Sanhi at bunga
 
Group3 report Panghalip na Panao
Group3 report Panghalip na PanaoGroup3 report Panghalip na Panao
Group3 report Panghalip na Panao
 

Florante at laura powerpoint

  • 1. Florante at Laura Ang Florante at Laura ni Francisco Balagtas (na kilala din bilang Fransisco Baltazar) ay isang obra-maestra sa panitikang Pilipino. Daglat lamang ang katawagang Florante at Laura sapagkat binigyan ito ng aktuwal at buong pamagat na:
  • 2. "Pinagdaanang búhay ni Florante at ni isáng matuwaín sa bersong Tagálog.“ Isa itong mahabang tulang itinuturing na pinakamahalaga sa lahat ng mga korido (corridos) sa Pilipinas noong ika-19 dantaon, ayon kay Fray Toribio Minguella, isang paring Rekolekto at pilologo.
  • 3. Tauhan Florante-Anak ni Duke Briseo at Princesa Floresca at siyang pangunahing tauhan sa tula. Iniibig niya si Laura Laura-Ang anak na babae ni Haring Linseo ng Albanya; iniibig ni Florante. Aladin-Anak ni Sultan Ali-Adab ng Persya, isang moro na nagligtas at tumulong kay Florante. Flerida-Ang kasintahan ni Aladin na inagaw ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab.
  • 4. Haring Linseo-Siya ang hari ng Albanya, ama ni Laura. Sultan Ali-Adab-Ang sultan ng Persya, ama ni Aladin. Prinsesa Floresca-Ina ni Florante, prinsesa ng Krotona. Duke Briseo-Ang mabuting ama ni Florante. Tagapayo ng haring Linceo. Adolfo-Ang kalaban ni Florante, tinawag na mapagbalat-kayo; malaki ang galit kay Florante. Konde Sileno-Ang ama ni Adolfo. Menalipo-Ang pinsan ni Florante na nagligtas sa kanya noong siya ay sanggol pa lamang mula sa isang ibong arkon. Menandro-Isang matalik na kaibigan ni Florante, pamangkin ni Antenor; nagligtas kay Florante mula kay Adolfo.
  • 5. Antenor-Ang guro ni Florante sa Atenas. Emir-Isang moro/muslim na hindi nagtagumpay sa pagpaslang kay Laura Heneral Osmalik-Isang heneral ng Persya na lumaban sa Crotona. Heneral Miramulen-Heneral ng osmalik. Heneral Abu Bakr-Heneral ng Persya, nagbantay kay Flerida.
  • 6. Aralin 1:Kay Celia Kapag naaalaala ng makata ang nakaraan, iisang babae ang binabalikan niya sa gunita, si Celia lamang. Matamis ang kanilang pag-iibigan at masaya sila habang namamasyal sa Ilog Beata at Hilom. Ngunt ngayo’y di mapigilan ng makata ang pagluha kapag naiisip na baka naagaw na ng iba ang pag-ibig ni Celia. Dahil sa kalungkutan, natutong magsulat ng tula ang makata. Inihahandog niya ang tulang ito kay Celia, na ang sagisag ay M.A.R.(Maria Asuncion Rivera)
  • 7. Aralin 2-Sa Babasa Nito Nagpapasalamat ang makata sa mga babasa ng kanyang awit. Ang kanyang akda ay parang bubot na prutas sa unang tingin ngunit masarap kapag ninamnam. Hinihiling ng makata na huwag babaguhin ang kanyang berso at pakasuriin muna ito bago pintasan. Kung may bahaging di malinawan, iminumungkahi niyang tumingin lamang ang mambabasa sa ibaba ng pahina at may paliwanag doon. Ipinakiusap din niya na huwag babaguhina ng mga salita sapagkat sa halip na mapabuti ay baka sumama pa ang akda.
  • 8. Aralin 3-Sa Mapanglaw na Gubat Nagsisimula ang awit sa isang madilim at mapanglaw na gubat na di halos mapasok ng sikat ng araw. Madawag ang gubat at maraming puno ng higera at sipres. Maraming hayop dito, tulad ng ahas, basilisko, hyena, tigre at leon. Sa isang punong higera sa gitna ng gubat, naktali ang paa, kamay at leeg ng isang guwapong binata, na may makinis na balat at kulay gintong buhok. Sayang walang mga nimpa sa gubat na makapagliligtas sa binata.
  • 9. Aralin 4:Taksil na Bayan Taksil na Kasintahan Umiiyak ang binatang nakagapos. Sinabi niyang naghahari ang kasamaan sa kahariang Albanya. Bawal magsabi ng totoo, may parusa itong kamatayan. Kagagawan ni Konde Adolfo ang lahat, sapagkat ibig nitong mapasakanya ang kapangyarihan ni Haring Linseo at ang kayamanan ni Duke Briseo na ama ng nakagapos.
  • 10. Aralin 5: Halina, Aking Laura Ibig ng binatang nakagapos na muling ipakita ni Laura ang dating pag- aalaala sa kanya. Ngunit natatakot ang lalaki na baka naagaw na ni Adolfo so Laura. Kaya’t nasabi niyang pasasalamatan pa niya si Adolfo pahirapan man siya nang husto, huwag lamang agawin si Laura. Lumuha ng lumuha ang lalaki hanggang sa siya’y mapayukayok.
  • 11. Aralin 6: Sawing Kapalaran Nakikiusap ang binatang nakagapos na ibagsak ng kalangitan ang poot nito at parusahan ang masasama. Alam niyang lahat ng nangyayari ay sa ikabubuti ng lahat kaya’t nakahanda siyang magdusa. Ang tanging hiling niya ay sana, maalaala siya ng minamahal na si Laura. Kung naiisip niyang iniiyakan ni Laura ang kanyang pagkamatay, para na rin siyang nagkaroon ng buhay na walang hanggan. Ngunit ang labis na ipinaghihirap ng kanyang loob ay ang hinalang baka naagaw na ng kanyang karibal na si Adolfo ang pagmamahal ni Laura.
  • 12. Aralin 7: Mga Hinaing ng Lalaking Nakagapos Larawan ng kalungkutan at pagseselos ang binatang nakagapos. Isinigaw niya sa buong kagubatan ang kanyang sama ng loob dahil tila nalimot na siya ni Laura, ngayon pa namang kailangan niya ito. Noon, kapag patungo sa digmaan, ang binata ay pinababaunan ni Laura ng luha at ng bandanang may letrang L at mahahalagang bato. Pagkagaling sa labanan, munting galos ng binata ay huhugasan agad ni Laura ng luha. At kung nalulungkot ang binata pinipilit siyang aliwin ni Laura.
  • 13. Aralin 8: Duke Briseo—Mapagkandiling Ama Nang huminto sa paghihimutok ang gerero, nagulat pa ito sa sumalit na buntung hininga ng lalaking nakagapos. Moo’y ginugunita ng nakagapos ang amang mapagmahal na ipinapatay ni Adolfo. Pinaghiwa-hiwalay ang ulo, katawan at mga kamay ng kanyang ama at walang nakapangahas na ito’y ilibing. Ngunit hanggang sa huling sandali, tanging kapakanan ng kaisa- isang anak ang nasa isip ng ama.
  • 14. Aralin 9: Huling Paalam ni Florante Nagkataong dumating sa gubat ang isang mandirigma o gerero na sa pananamit ay masasabing isang Morong taga-Persiya. Naupo ito sa lilim ng isang puno at lumuluhang naghimutok. Nagbanta siya na sino mang umagaw sa pagmamahal ng babae ay papatayin niya, maliban sa kanyang ama. Naihimutok ng gererong Moro na sadyang napakalaki ng kapangyarihan ng pag-ibig. Kahit mag-aama’y nag- aaway nang dahil sa pag-ibig.
  • 15.
  • 16. Naalaala rin ng gerero ang sariling ama na kaiba sa ama ng lalaking nakagapos ay di nagpakita ng pagmamahal sa anak minsan man. Ang lalong masakit, ang kanyang ama pa ang umagaw sa babaing kanyang pinakamamahal. Maagang naulila sa ina ang gerero kaya’t di siya nakatikim ng pagmamahal ng magulang. Naputol ang iniisip ng gerero nang marinig sa nakagapos na malibing man ito ay patuloy pa ring mamahalin si Laura.
  • 17. Aralin 10: Sa Kuko ng mga Leon Dalawang leon ang papalapit sa nakagapos ngunit parang naaawang napahinto ang mga ito sa harap ng lalaki. Sa harap ng nagbabantang kamatayan sa pangil ng mga leon, nagpaalam ang binata sa bayang Albanya na pinaghandugan ng kanyang paglilingkod at kay Laura. Sinabi ng binata na ang lalong ipinaghihirap ng kanyang loob ay ang pangyayaring haharapin niya ang kamatayan nang di angkin ang pag-ibig ni Laura.
  • 18. Hindi na natiis ng gerero ang naririnig na daing. Kaya’t hinanap niya ang pinanggagalingan ng tinig. Pinagputol- putol ng gerero ang mga dawag hanggang marating ang kinaroroonan ng nakagapos. Anyong sisilain na ng dalawang leon ang binata na sa tindi ng hirap ay nawalan ng malay. Pinagtataga ng gerero ang dalawang leon hanggang sa mapatay. Pagkatapos kinalagan nito at kinalong ang binata.
  • 19. Aralin 11: Ang moro at ang Kristiyano Nang matauhan ang binata, si Laura agad ang unang hinanap. Nagulat pa ito nang mamalayang nasa kandungan siya, hindi ni Laura, kundi ng isang Moro. Ipinaliwanag ng gerero na di niya natiis na di tulungan ang binata, sapagkat magkaiba man sila ng pananampalataya, nakaukit din sakanyang puso ang pagtulong sa kapwa, gaya ng iniuutos ng Langit ng mga Kristiyano. Sa halip na magpasalamat, isinagot ng binata na higit pang ibig niyang mamatay sa laki ng hirap na dinaranas. Sa narinig na ito, napasigaw ang gerero.
  • 20. Walang kibuan ang dalawa hanggang sa lumubog ang araw. Dinala ng gerero ang binata sa isang isang malapad at malinis na bato. Dito pinakain ng Moro ang binata na di nagtagal ay nakatulog sa kanyang kandungan. Magdamag na binantayan ng gerero ang binata, na tuwing magigising ay naghihimutok. Nang magising kinaumagahan, nakapagpanibagong lakas na ang binata. Itinanong ng Moro ang dahilan ng paghihirap ng loob nito.
  • 21. Aralin 12: Ang Laki sa Layaw Isinalaysay ng binata ang kanyang buhay. Siya’y si Florante, nag-iisang anak ni Duke Briseo ng Albanya, at ni Prinsesa Floresca ng Krotona. Sa Albanya siya lumaki at nagkaisip. Ang kanyang ama’y tanungan o sanggunian ni Haring Linseo at tumatayong pangalawang puno sa kaharian. Isang matapang na pinuno at mapagmahal na ama si Duke Briseo. May ilang mahalagang pangyayari noong bata pa si Florante. Nang sanggol pa’y muntik na siyang madagit ng isang buwitre ngunit nailigtas siya ng pinsang si Menalipo.
  • 22. Isang araw, isang ibong arkon ang biglang pumasok sa salas at dinagit ang kanyang dyamanteng kupido sa dibdib. Nang siya’y siyam na taon na, pinalili[pas niya ang maghapon sa pamamasyal sa burol. Bata pa’y natuto na siyang mamana ng mga ibon at iba pang hayop. Naging mapagmahal siya sa kalikasan. Lumaki sa galak si Florante. Ngunit ngayon niya naisip na di dapat palakhin sa layaw ang bata sapagkat sa mundong ito’y higit ang hirap kaysa sarap. Ang batang nasanay sa ginhawa ay maramdamin at di makatatagal sa hirap. Alam ito ni Duke Briseo. Kaya’t tiniis nito ang luha ng asawa at masakit man sa loob na mawalay sa anak, ipinadla siya ng ama sa Atenas upang doon mag-aral.
  • 23. Aralin 13: Balatkayo sa Atenas Labing-isang taong gulang si Florante nang ipadala sa Atenas upang mag-aral. Ang naging guro niya rito ay si Antenor. Isa sa mga estudyante rito ay ang kababayang si Adolfo, na nang una ay nadama na si Florante na tila pakunwari lamang ang kabaitan ni Adolfo. Anim na taon sa Atenas si Florante. Sa loob ng panahong ito, natuto siya ng pilosopiya, astrolohiya at matematikaA
  • 24. Aralin 14: Mag-ingat Ka, Florante Nanguna si Florante sa katalinuhan at dinaig niya maging si Adolfo. Napabalita ang una sa buong Atenas. Dito na lumabas ang tunay na pagkatao ni Adolfo. Sa isang dulang ginampanan nina kapwa ni Florante, pinagtangkaan nitong patayin ang huli. Salamat at nailigtas siya ng kaibigang si Menandro. Kinabukasan din, umuwi sa Albanya si Adolfo.
  • 25. Aralin15: Pagsubok sa Dulo ng Espada Naiwan sa Atenas si Florante at nagtagal doon nang isang taon pa. isang araw, tumanggap ng liham si Florante mula sa ama. Sinasabi sa sulat na namatay ang kanyang ina. Nawalan ng malay si Florante sa tindi ng kalungkutan. Hindi nakabawas sa kanyang kalungkutan ang tapat na pakikiramay ng guro at mga kamag-aral.
  • 26. Di nagtagal nakarating sa Albanya ang magkaibigan. Pagkakita sa ama, napaluha si Florante nang muling manariwa ang sakit ng loob sa pagkamatay ng ina. Noon dumating ang sugo ni Haring Linseo, dala ang sulat ng Hari ng Krotona na humihingi ng tulong sapagkat nilusob ang Krotona ni Heneral Osmalik ng Persiya. Pangalawa ito ng bantog na si Prinsipe Aladin na hinahangaan ni Florante at ayon sa balita’y kilabot sa buong mundo. Sa narinig, napangiti ang Moro at nagsabing bihirang magkatotoo ang mga balita at karaniwang may dagdag na. Nagtungo sa palasyo ng Albanya ang mag- ama. Doon masakit man sa loob, pumayag din ang ama ni Florante nang ito’y hirangin ng hari na heneral ng hukbo.
  • 27. Aralin 16: Pag-ibig, Panghawi ng Ulap Nakilala ni Florante ang anak ng hari na si Laura, isang dalagangkaagaw ni Venus sa kagandahan, isang kagandahang mahirap isiping makapagtataksil. Sa harap ng kagandahan ni Laura, laging nagkakamali ng sasabihin si Florante sapagkat natatakot siyang baka di maging marapat sa dalaga.
  • 28. Aralin 17: Tagumpay sa binyag ng Dugo Dahil sa luhang pabaon ni Laura, natiis ni Florante ang kalungkutang bunga ng pagkawalay sa minamahal. Pagdating sa digmaan, naabutan ng hukbo nina Florante na halos mawasak na ang kaaway ang kuta ng Krotona. Ngunit magiting na nagtanggol si Florante at ang kanyang mga kawal hanggang sa hamunin ni Osmalik si Florante na silang dalawa ang magharap. Limang oras silang naglaban hanggang sa mapatay ni Florante si Osmalik. Ipinagbunyi ng taong- bayan si Florante lalo nang malamang ito’y apo ng hari ng Krotona. Ngunit nahaluan ng lungkot ang kanilang kagalakan nang magkita ang maglolo. Muling nanariwa ang kirot ng pagkamatay ng ina ni Florante. Dito naisip ni Florante na walang lubos na ligaya sa mundo. Pagkaraan ng limang buwan sa Krotona, nagpilit nang bumalik sa Albanya si Florante upang makita si Laura. Ngunit nang malapit na at natatanaw na ang moog ng Albanya, biglang kinutuban si Florante.
  • 29. Hindi nagkamali ang kutob ni Florante. Nakawagayway sa Albanya ang bandilang Moro. Pinatigil muna ni Florante ang kanyang hukbo sa paanan ng bundok. Mula roon natanaw nilang tila pupugutan ng ulo ang isang babae. Dali-daling lumusob sina Florante at ginapi ang mga Moro. Naligtas ang babae na walng iba kundi si Laura. Papupugutan ng ulo ang dalaga sapagkat tinanggihan nito ang pag-ibig ng emir at ito’y sinampal pa. noon binigkas ni Laura ang “sintang Florante.” Pinawalan ni Florante ang hari, ang kaniyang ama at ang iba pang bilanggong kinabibilangan ni Adolfo. Lalong nainggit si Adolfo kay Florante hindi lamang dahil sa papuring tinanggap kundi dahil nakamit pa niya ang pag-ibig ni Laura. Dahil dito, muling nagbalak si Adolfo na ipahamak si Florante.
  • 30. Aralin 18: Nasilo sa Patibong Pagkalipas ng ilang buwan, lumusob ang hukbo ng Turkiya sa pamumuno ni Miramolin. Ngunit tinalo si Florante si Miramolin. Naging sunod-sunod ang tagumpay ni Florante hanggang sa umabot sa 17 ang mga haring nagsigalang sa kanya. Isang araw, nasa Etolya si Florante at ang kanyang hukbo nang dumating ang sulat ng hari na nagpapauwi sa kanya. Iniwan niya ang hukbo kay Menandro. Ngunit pagdating sa Albanya, nilusob siya ng 30,000 sandatahan at noon di’y ibinilanggo. Noon niya nalamang ipinapatay ni Adolfo si Haring Linseo at ang kanyang amang si Duke Briseo. Si Laura nama’y nakatakdang ikasal kay Adolfo. Labingwalong araw na ipiniit si Florante. Pagkaraan, itinali siya sa gubat na kinatagpuan sa kanya ng gererong Moro.
  • 31. Aralin 19: Lason sa Pag-ibig Nang matapos magsalaysay si Florante, nagpakilala ang Moro. Siya si Aladin mula sa Persiya na anak ni Sultan Ali-Adab. Sinabi ni Aladin na yamang kapwa sila sawi ni Florante, mamuhay na silang magkasama sa gubat. Noon isinalaysay ni Aladin ang kanyang pinagdaanang buhay. Ikinuwento niya ang pakana ng sarili niyang ama upang maagaw sa kanya si Flerida. Ipinapakulong siya nito sa bintang na iniwan niya ang hukbo sa Albanya kahit wala pang utos ng sultan. At nang mabawi ni Florante ang Albanya, hinatulang pugutan ng ulosi Aladin. Pinatawad siya sa kondisyong aalis siya sa Persiya noon din. Bagama’t nakaligtas sa kamatayan, higit pang ibig ni Aladin na mamatay kaysa maagaw ng iba ang pagmamahal ni Flerida.
  • 32. Aralin 20: Kamatayan o Pag-ibig Natigil sa pag-uusap ang dalawa nang marinig ang dalawang babaing nag-uusap. Ayon sa isa, nang malaman niyang papupugutan ng ulo ang kanyang minamahal, nagmakaawa siya sa sultan. Pumayag ang sultan na patawarin ang nobyo ng babae, kung papayag itong pakasal sa sultan. Walang nagawa ang babae kundi ang sumang-ayon. Ngunit nakaalis ang kanyang nobyo nang di sila nagkausap. Nang gayak na ang kanilang kasal tumakas ang babae na nakadamit-gerero. Ilang taon siyang naglagalag sa mga bundok at gubat hanggang sa mailigtas niya ang kausap. Noon biglang sumulpot sina Florante at Aladin. Sa di inaasahang pagtatagpong iyon, di masusukat ang kaligayahan ng apat na tauhan.
  • 33. Aralin 21: Itinali ang mga Buhol Si Laura naman ang nagsalaysay. Ayon sa kanya, napapaniwala ni Adolfo na gugutumin ng hari ang taong-bayan kaya’t nagkagulo ang mga ito. Kasunod ng pagkakagulo, ipinapatay ni Adolfo ang hari at ang matatapat na alagad nito. Inagaw ni Adolfo ang pagkahari at pinilit si Laurang pakasal sa kanya. Hindi nagpapahalata ng tunay na niloloob, pumayag si Laura ngunit humingi ng limang buwang palugit upang magkapanahong mapauwi si Florante.
  • 34. Sa kasamaang-palad, nahulog si Florante sa pakana ni Adolfo at naipatapon. Handa nang magpakamatay si Laura nang dumating si Menandro na siyang nakatanggap ng sulat ni Laura kay Florante. Tumakas si Adolfo, tangay si Laura na pinagtangkaang abusuhin sa gubat na iyon. Siya namang pagdating ni Flerida. Pinana nito si Adolfo na namatay noon din.
  • 35. Masayang Wakas Matapos ang pagkukuwento ni Laura, dumating si Menandro na may kasamang hukbo. Laking tuwa nito nang makita ang kaibigang si Florante. Ipinagbunyi ng hukbo ang bagong hari na si Florante. Ipinagsama nina Florante sa Albanya sina Aladin at Flerida na kapwa pumayag na maging Kristiyano. Nakasal sina Florante at Laura at sina Aladin at Flerida. Umuwi sa Persiya sina Aladin at Flerida nang mamatay si Sultan Ali-Adab. Nagpasalamat sa Diyos ang mga mamamayang nasisiyahan sa pamumuno nina Florante at Laura. Nagwakas ang awit sa hiling ng makata sa kanyang Musa na dalhin kay Celia ang kanyang “Ay!...Ay!”