TULA NG PILIPINAS_Elehiya Para kay Ram [Autosaved].pptxMayumi64
Ito ay powerpoint presentation ng isang tula na may pamagat na "Elehiya Para Kay Ram" na nagmula sa ating bansang Pilipinas. Bawat sangnong ay may nakaanglang mga katanungan upang madaling maunawaan ng mga mambabasa ang kaisipang nakapaloob sa bawa saknong ng tula.
TULA NG PILIPINAS_Elehiya Para kay Ram [Autosaved].pptxMayumi64
Ito ay powerpoint presentation ng isang tula na may pamagat na "Elehiya Para Kay Ram" na nagmula sa ating bansang Pilipinas. Bawat sangnong ay may nakaanglang mga katanungan upang madaling maunawaan ng mga mambabasa ang kaisipang nakapaloob sa bawa saknong ng tula.
Ang sanaysay ay isang sulating kadalasang naglalaman ng punto de vista (pananaw) ng may katha. Ang sanaysay ay maaaring magkaroon ng elemento ng pagpuna, opinyon, impormasyon, obserbasyon, kuro-kuro, pang-araw-araw na pangyayari at pagmumuni-muni ng isang tao.
Pinag-usapan sa bahaging ito kung paano ipakikita ang maayos na balangkas ng isang sanaysay.
Ang sanaysay ay isang sulating kadalasang naglalaman ng punto de vista (pananaw) ng may katha. Ang sanaysay ay maaaring magkaroon ng elemento ng pagpuna, opinyon, impormasyon, obserbasyon, kuro-kuro, pang-araw-araw na pangyayari at pagmumuni-muni ng isang tao.
Pinag-usapan sa bahaging ito kung paano ipakikita ang maayos na balangkas ng isang sanaysay.
magagamit ng mga mag-aaral mula junior-senior o maaring maging lunsaran ng mga mag-aaral sa kolehiyo upang lubos na maunawaan ang mga aralin na may kaugnayan dito.
2. Ano ang maikling kuwento?
Ito ay isang akdang pampanitikan sa tuluyan na
sa pamamagitan ng mga pangungusap at talata’y
binubuo ng may-akda upang sa kanyang
kapangyarihan at kakayahan bilang isang alagad
ng panitikan, mailahad niya ang isang pangyayari
sa buhay ng pangunahing tauhan, makapagkintal
ng isang bisa sa puso at diwa ng mga
mambabasa.
Ito ay likha ng bungang-isip na hango sa isang
bahagi ng buhay na
4. • Tagpuan –
Tumutukoy ito sa pook at panahong
pinangyarihan ng mga tagpo sa akda,
naglalarawan ito ng ginagalawan o kapaligiran
ng mga tauhan. Inilalarawan ito nang buong
linaw, pati na ang kaugalian ng mga nasa
kapaligiran ay masisinag sa mabisang
pamamaraan.
5. 2. Tauhan –
Kaunti lamang ang mga tauhan ng
maikling katha bagama’t laging may
pangunahing tauhan.
Ang pangunahing tauahan at ang
iba pang tauhan ay inilalarawan nang
di-tuwiran.
6. 3. Banghay –
Tumutukoy ito sa pagkakasunud-sunod ng
mga pangyayari. Dapat itong maging maayos
at magkakaugnay upang maging matatag at
kapani-paniwala. Gaano man kapayak o karaniwan
ang mga pangyayari, ang pagiging kawili-wili nito
ay nakasalalay sa makatwirang pagkakasunud-
sunod na “magpapadulas sa daloy ng salaysay.
8. 1. Panimula
Sa bahaging ito paaasahin ng may-akda
ang mga mambabasa sa isang kawili-wili at
kapana-panabik na akda. Humigit-kumulang,
ang mga sumusunod ay nakapaloob sa mga
unang talata ng akda:
9. A. pagpapakilala sa mga tauhan –
maipabatid ang kanilang pagkatao
ng pangunahing tauhan; ma-
pangibabaw ang katangian ng
pangunahing tau- han upang
magkagiliw agad sa kanya ang mga
mambabasa
10. B. pagpapahiwatig ng suliraning
kakahaharapin ng mga tauhan –
kailangang palitawin ang suliranin ng
pangunahing tauhan upang maitanim
sa isipan ng mga mambabasa na sa
kanya iinog ang mga susu- nod pang
pangyayari
11. C. pagkakintal sa isipan ng mga
mambabasa ng dam- daming
palilitawin sa kuwento – ang lahat ng
mga pangyayari at tauhan sa akda
ay kailangang isang damdamin
lamang ang antigin sa mga
mambabasa
12. D. paglalarawan ng tagpuan – sa di-tuwirang
pama- maraan, magagawa ng may-akdang
madama ng mga mambabasa ang
kapaligirang gagalawan ng mga tauhan
lalo ng ng pangunahing tauhan sa
ak- da; mahalaga ito upang madaling
matiyak ng mga mambabasa ang
suliraning kahaharapin ng pangu- nahing
tauhan at ang damdaming nasang maantig
sa mambabasa
13. 2. Tunggalian
Ito ang nagbibigay-daan sa
madudulang tagpo upang lalong
maging kawili-wili at ka- pana-
panabik ang mga pangyayari
kaya’t si- nasabing ito ang
sanliga ng akda. Ito ay
nagdudulot ng pananabik at
kasiyahan sa mga mambabasa sa
dakong huli.
14. 3. Kasukdulan
Dito nagwawakas ang
tunggalian. Pinaka- masidhing
pananabik ang madarama ng mga
mambabasa sa bahaging ito
sapagkat dito pagpapasyahan ang
kapalaran ng pangunahing tauhan
o ng bayani sa kuwento.
15. 4. Wakas
Bagama’t ang isang maikling kuwento ay
maaari nang magwakas sa kasukdulan, may
mga pagkakataong kailangan pa rin ang isang
katuusan upang ipahayag ang mga pangyaya-
ri pagkatapos ng kasukdulan. Maaari ritong
ipaloob ang paliwanag o pahiwatig sa tiyak na
sinapit ng pangunahing tauhan sa halip na
ipaubaya na lamang sa mga mambabasa.
17. 1. Kuwento ng Pag-ibig
2. Kuwento ng Maromansang Pakikipagsapalaran
3. Kuwento ng Madulang pangyayari
4. Kuwento ng katatawanan
5. Kuwento ng Katatakutan
6. Kuwento ng Tauhan
7. Kuwentong Makabanghay
8. Kuwento ng Katutubong Kulay/Kapaligiran