ANG TEKSTONG
DESKRIPTIV AT
INFORMATIV
Malikhaing Pagsulat
Ang Tekstong Informativ
◦ Tinatawag na tekstong impormatib ang mga babasahin at
akdang nagbibigay ng impormasyon, kaalaman, at
paliwanag tungkol sa isang tao, bagay, lugar, hayop, o
pangyayari. Karaniwang sinasagot nito ang tanong na ‘ano,’
‘sino,’ at kung minsan ay ‘paano.’ Pawang impormasyon at
katotohanan lamang ang taglay ng tekstong impormatibo
at hindi naglalaman ng anumang opinyon o saloobin.
Ang Tekstong Informativ
◦ Karaniwang makikita o mababasa ang mga tekstong
impormatibo sa mga babasahing tulad ng teksbuk o
batayang aklat, magasin, pahina ng balita sa mga
pahayagan, encyclopedia, almanac, maging mga sanaysay.
◦ Kapag nakababasa ng isang tekstong impormatibo,
mayroon laging nadaragdag na kaalaman sa isang
mambabasa.
Ang Tekstong Informativ
◦ Halimbawa ng Tekstong Impormatibo
❖ Si Emilio Aguinaldo ang unang pangulo ng republika ng Pilipinas.
❖Isang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan si Virgilio S. Almario.
❖Nilagpasan ng ADMU Lady Eagles ang tatlong do-or-die matches
bago nila nakaharap ang DLSU Lady Spikers sa championship.
❖Si Elha Nimfa ang itinanghal na ikalawang The Voice Kids grand
champion.
Ang Tekstong Informativ
◦ Halimbawa ng Tekstong Impormatibo
❖ Sa Lunes ay gagawin ang isang malawakang transport strike bilang pagtutol sa
modernisasayon ng mga jeep.
❖Ang tugmang de gulong ay ang mga akdang nababasa sa mga pampublikong
sasakyan tulad ng jeep, bus, at tricycle.
❖Sekreto raw ni Marie sa kaniyang matataas na grades ang madalas na pagbabasa.
❖Ang kape ay nagtataglay ng caffeine na maaaring makapagpabilis ng tibok ng puso
ng tao.
❖Paborito tuwing Pasko ang bibingka at puto-bumbong.
Ang Tekstong Deskriptiv
◦Sinasabing ang teksto ay deskriptibo kung ito ay uri ng
tekstong naglalarawan. Naglalaman ito ng
impormasyong ginagamitan ng mga salitang pantukoy
sa katangian ng isang tao, bagay, hayop, lugar, o
pangyayari. Mayaman sa mga salitang pang-uri o pang-
abay ang mga tekstong deskriptibo. Nakatutulong kasi
ito sa malinaw na pagtukoy sa mga katangian.
Ang Tekstong Deskriptiv
◦Isang mabisang paraan ng paggamit ng mga
tekstong deskriptibo ay ang pagtaya sa impresyon
ng isang tao o nadarama nito. Maaari din namang
pairalin ang pang-amoy, panlasa, pandinig,
pansalat, o maging ang kabuuang karanasan ng
isang tao sa isang pangyayari. Karaniwan ding
tumutugon ito sa tanong na ‘ano.’
Ang Tekstong Deskriptiv
◦ Halimbawa ng Tekstong Deskriptibo
❑Matamis ang malaking manggang dala ni Julie mula sa malayong lalawigan
ng Cebu.
❑Magaling umawit ang batang si Lyca kaya naman siya ang nanalo sa
malaking patimpalak.
❑Iginagalang ng mga mag-aaral si Gng. Santos dahil magiliw itong guro at
mataas magbigay ng marka.
❑Magaspang ang papel de liha na nahawakan kong laman ng kahong iyon.
❑Sadyang napakalawak ng hardin nina Alice at napakaraming ring makukulay
na bulaklak.
Ang Tekstong Deskriptiv
❑Iniiwasan si Jessa ng kaniyang mga kalaro dahil maraming kuto ang
bata.
❑Mabula ang nabiling sabon ni nanay kumpara sa mamamahaling
brand na binibili niya noon.
❑Si Aling Susan ay ang matabang babae sa may kanto na laging naka-
daster at nakasimangot.
❑Paborito ko ang kantang ‘Ako ay Pinoy’ dahil maganda ang
pagkakasulat sa liriko ng kanta.
❑Paskong-pasko na sa bahay ng mga Alonzo dahil sa makukulay na
palamuting nakasabit sa kanilang malaking gate.
MAIKLING
KWENTO
Ang Maikling Kwento
◦ Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na may layuning
magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan.
Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
◦ Ito rin ay isang uri ng panitikan na bunga ng isang maikling guni-guni
ng may-akda. Ito ay maaring likhang-isip lamang o batay sa sariling
karanasan na nag-iiwan ng isang kakintalan sa isipan ng bumabasa o
nakikinig. Ito ay maikli lamang at matatapos basahin sa isang upuan
lamang. Iilan lamang ang mga tauhan. Ang mga kawal ng pangyayari
ay maingat na inihanay batay sa pagkasunod-sunod nito.
Ang Maikling Kwento
◦ Edgar Allan Poe – tinaguriang ama ng
maikling kwento sa buong mundo. Ayon
sa kanya, ang maikling kwento ay isang
akdang pampanitikan,likha ng guniguni at
bungang isip o hangosa isang tunay na
pangyayari sa buhay.
◦
Ang Maikling Kwento
◦ Deogracias A. Rosario – Ama ng maikling kwento
sa Pilipinas.
◦ Magasing Amarant at Forget me not –
sinasabing unang sumibol ang isang sangay ng
salaysay.
Ang Maikling Kwento
◦ Ang isang maikling kwento ay mga kwento na mamaari mong tapusin
sa isang upuan lamang ng pagbabasa o kaya'y ang mga kwento na
hindi inaabot ng araw para matapos.
◦ Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa
rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento
lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng
pangunahing tauhan. Si Deogracias A. Rosario ang tinuturing na
"Ama ng Maikling Kuwento".
BAHAGI NG MAKLING
KWENTO
Ang Maikling Kwento at mga Bahagi Nito
◦ Ang maikling kwento ay may tatlong bahagi. Ito ay ang Simula, Gitna
at Wakas.
◦ 1. Simula
Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga
tauhan nalalaman kung sinu-sino ang magsisiganap sa kwento at
kung ano ang papel na gaganapan ng bawat isa. Maaaring bida,
kontrabida o suportang tauhan.
Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o
mga insidente kasama na dito ang panahon kung kailan naganap
ang kwento. At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan
ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.
Ang Maikling Kwento at mga Bahagi Nito
◦ 2. Gitna
Ang gitna ay binubuo ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at
kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng
panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa
suliranin.
Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng
pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban
sa mga suliraning kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o
sa kalikasan. Samantalang ang kasukdulan ang pinakamadulang
bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang
katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
Ang Maikling Kwento at mga Bahagi Nito
◦ 3. Wakas
Ang wakas ay binubuo ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang
bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento
mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan, at ang katapusan ang
bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kwento. Maaring
masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
Gayunpaman, may mga kwento na hindi laging winawakasan sa
pamamagitan ng dalawang huling nabanggit na mga sangkap. Kung
minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas ng kwento
para hayaan ang mambabasa na humatol o magpasya kung ano sa
palagay nito ang maaring kahinatnan ng kwento.
ELEMENTO NG
MAIKLING KWENTO
Ang Maikling Kwento at mga Elemento nito
◦ Mayroong labing-isang elemento ang
maikling kwento. Ito ay ang mga
sumusunod:
◦ 1. Panimula - Dito nakasalalay ang
kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin
kadalasang pinapakilala ang iba sa mga
tauhan ng kwento.
◦ 2. Saglit na Kasiglahan - Naglalahad ng
panandaliang pagtatagpo ng mga
tauhang masasangkot sa suliranin.
◦ 3. Suliranin - Ito ang problemang
haharapin o kinahaharap ng tauhan o
mga tauhan sa kwento.
◦ 4. Tunggalian - Ang tunggalian ay may
apat na uri:
➢Tao laban sa tao
➢Tao laban sa sarili
➢Tao laban sa lipunan
➢Tao laban sa kapaligiran o kalikasan
Ang Maikling Kwento at mga Elemento nito
◦ 5. Kasukdulan - Sa kasukdulan
nakakamtan ng pangunahing tauhan ang
katuparan o kasawian ng kanyang
ipinaglalaban.
◦ 6. Kakalasan - Ito ang tulay sa wakas ng
kwento.
◦ 7. Wakas - Ito ang resolusyon o ang
kahihinatnan ng kwento.
◦ 8. Tagpuan - Dito nakasaad ang lugar na
pinangyarihan ng mga aksyon o mga
insidente. Kasama din dito ang panahon
kung kailan naganap ang kwento.
◦ 9. Paksang Diwa - Ito ang pinaka-
kaluluwa ng maikling kwento.
◦ 10. Kaisipan - Ito naman ang mensahe
ng kwento.
◦ 11. Banghay - Ito ay ang mga
pangyayari sa kwento.
MGA URI NG
MAIKLING KWENTO
Ang Maikling Kwento
◦ 1. Kwento ng Tauhan - Inilalarawan dito ang mga pangyayaring
pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng
kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.
◦ 2. Kwento ng Katutubong Kulay - Binibigyang diin dito ang
kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng kanilang
pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing lugar.
◦ 3. Kwentong Bayan - Inilalahad dito ang mga kwentong pinag-
uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.
Ang Maikling Kwento
◦ 4. Kwento ng Kababalaghan - Dito pinag-uusapan ang mga salaysaying
hindi kapanipaniwala.
◦ 5. Kwento ng Katatakutan - Naglalaman naman ito ng mga pangyayaring
kasindak-sindak.
◦ 6. Kwento ng Madulang Pangyayari - Binibigyang diin ang kapanapanabik
at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa
tauhan.
◦ 7. Kwento ng Sikolohiko - Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang
isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan. Ipinadarama
dito sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang
pangyayari at kalagayan.
Ang Maikling Kwento
◦ 8. Kwento ng Pakikipagsapalaran - Nasa balangkas ng pangyayari
ang interes ng kwento ng pakikipagsapalaran.
◦ 9. Kwento ng Katatawanan - Ito ay nagbibigay-aliw at nagpapasaya
sa mambabasa.
◦ 10. Kwento ng Pag-ibig - Ito naman ay tungkol sa pag-iibigan ng
dalawang tao.
PROSESO NG PAGSULAT
NG MAIKLING KWENTO

Ang tekstong deskriptiv at informativ.pdf

  • 1.
  • 2.
    Ang Tekstong Informativ ◦Tinatawag na tekstong impormatib ang mga babasahin at akdang nagbibigay ng impormasyon, kaalaman, at paliwanag tungkol sa isang tao, bagay, lugar, hayop, o pangyayari. Karaniwang sinasagot nito ang tanong na ‘ano,’ ‘sino,’ at kung minsan ay ‘paano.’ Pawang impormasyon at katotohanan lamang ang taglay ng tekstong impormatibo at hindi naglalaman ng anumang opinyon o saloobin.
  • 3.
    Ang Tekstong Informativ ◦Karaniwang makikita o mababasa ang mga tekstong impormatibo sa mga babasahing tulad ng teksbuk o batayang aklat, magasin, pahina ng balita sa mga pahayagan, encyclopedia, almanac, maging mga sanaysay. ◦ Kapag nakababasa ng isang tekstong impormatibo, mayroon laging nadaragdag na kaalaman sa isang mambabasa.
  • 4.
    Ang Tekstong Informativ ◦Halimbawa ng Tekstong Impormatibo ❖ Si Emilio Aguinaldo ang unang pangulo ng republika ng Pilipinas. ❖Isang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan si Virgilio S. Almario. ❖Nilagpasan ng ADMU Lady Eagles ang tatlong do-or-die matches bago nila nakaharap ang DLSU Lady Spikers sa championship. ❖Si Elha Nimfa ang itinanghal na ikalawang The Voice Kids grand champion.
  • 5.
    Ang Tekstong Informativ ◦Halimbawa ng Tekstong Impormatibo ❖ Sa Lunes ay gagawin ang isang malawakang transport strike bilang pagtutol sa modernisasayon ng mga jeep. ❖Ang tugmang de gulong ay ang mga akdang nababasa sa mga pampublikong sasakyan tulad ng jeep, bus, at tricycle. ❖Sekreto raw ni Marie sa kaniyang matataas na grades ang madalas na pagbabasa. ❖Ang kape ay nagtataglay ng caffeine na maaaring makapagpabilis ng tibok ng puso ng tao. ❖Paborito tuwing Pasko ang bibingka at puto-bumbong.
  • 6.
    Ang Tekstong Deskriptiv ◦Sinasabingang teksto ay deskriptibo kung ito ay uri ng tekstong naglalarawan. Naglalaman ito ng impormasyong ginagamitan ng mga salitang pantukoy sa katangian ng isang tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari. Mayaman sa mga salitang pang-uri o pang- abay ang mga tekstong deskriptibo. Nakatutulong kasi ito sa malinaw na pagtukoy sa mga katangian.
  • 7.
    Ang Tekstong Deskriptiv ◦Isangmabisang paraan ng paggamit ng mga tekstong deskriptibo ay ang pagtaya sa impresyon ng isang tao o nadarama nito. Maaari din namang pairalin ang pang-amoy, panlasa, pandinig, pansalat, o maging ang kabuuang karanasan ng isang tao sa isang pangyayari. Karaniwan ding tumutugon ito sa tanong na ‘ano.’
  • 8.
    Ang Tekstong Deskriptiv ◦Halimbawa ng Tekstong Deskriptibo ❑Matamis ang malaking manggang dala ni Julie mula sa malayong lalawigan ng Cebu. ❑Magaling umawit ang batang si Lyca kaya naman siya ang nanalo sa malaking patimpalak. ❑Iginagalang ng mga mag-aaral si Gng. Santos dahil magiliw itong guro at mataas magbigay ng marka. ❑Magaspang ang papel de liha na nahawakan kong laman ng kahong iyon. ❑Sadyang napakalawak ng hardin nina Alice at napakaraming ring makukulay na bulaklak.
  • 9.
    Ang Tekstong Deskriptiv ❑Iniiwasansi Jessa ng kaniyang mga kalaro dahil maraming kuto ang bata. ❑Mabula ang nabiling sabon ni nanay kumpara sa mamamahaling brand na binibili niya noon. ❑Si Aling Susan ay ang matabang babae sa may kanto na laging naka- daster at nakasimangot. ❑Paborito ko ang kantang ‘Ako ay Pinoy’ dahil maganda ang pagkakasulat sa liriko ng kanta. ❑Paskong-pasko na sa bahay ng mga Alonzo dahil sa makukulay na palamuting nakasabit sa kanilang malaking gate.
  • 10.
  • 11.
    Ang Maikling Kwento ◦Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa. ◦ Ito rin ay isang uri ng panitikan na bunga ng isang maikling guni-guni ng may-akda. Ito ay maaring likhang-isip lamang o batay sa sariling karanasan na nag-iiwan ng isang kakintalan sa isipan ng bumabasa o nakikinig. Ito ay maikli lamang at matatapos basahin sa isang upuan lamang. Iilan lamang ang mga tauhan. Ang mga kawal ng pangyayari ay maingat na inihanay batay sa pagkasunod-sunod nito.
  • 12.
    Ang Maikling Kwento ◦Edgar Allan Poe – tinaguriang ama ng maikling kwento sa buong mundo. Ayon sa kanya, ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikan,likha ng guniguni at bungang isip o hangosa isang tunay na pangyayari sa buhay. ◦
  • 13.
    Ang Maikling Kwento ◦Deogracias A. Rosario – Ama ng maikling kwento sa Pilipinas. ◦ Magasing Amarant at Forget me not – sinasabing unang sumibol ang isang sangay ng salaysay.
  • 14.
    Ang Maikling Kwento ◦Ang isang maikling kwento ay mga kwento na mamaari mong tapusin sa isang upuan lamang ng pagbabasa o kaya'y ang mga kwento na hindi inaabot ng araw para matapos. ◦ Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Deogracias A. Rosario ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento".
  • 15.
  • 16.
    Ang Maikling Kwentoat mga Bahagi Nito ◦ Ang maikling kwento ay may tatlong bahagi. Ito ay ang Simula, Gitna at Wakas. ◦ 1. Simula Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung sinu-sino ang magsisiganap sa kwento at kung ano ang papel na gaganapan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida o suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga insidente kasama na dito ang panahon kung kailan naganap ang kwento. At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.
  • 17.
    Ang Maikling Kwentoat mga Bahagi Nito ◦ 2. Gitna Ang gitna ay binubuo ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
  • 18.
    Ang Maikling Kwentoat mga Bahagi Nito ◦ 3. Wakas Ang wakas ay binubuo ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan, at ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo. Gayunpaman, may mga kwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas ng kwento para hayaan ang mambabasa na humatol o magpasya kung ano sa palagay nito ang maaring kahinatnan ng kwento.
  • 19.
  • 20.
    Ang Maikling Kwentoat mga Elemento nito ◦ Mayroong labing-isang elemento ang maikling kwento. Ito ay ang mga sumusunod: ◦ 1. Panimula - Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento. ◦ 2. Saglit na Kasiglahan - Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. ◦ 3. Suliranin - Ito ang problemang haharapin o kinahaharap ng tauhan o mga tauhan sa kwento. ◦ 4. Tunggalian - Ang tunggalian ay may apat na uri: ➢Tao laban sa tao ➢Tao laban sa sarili ➢Tao laban sa lipunan ➢Tao laban sa kapaligiran o kalikasan
  • 21.
    Ang Maikling Kwentoat mga Elemento nito ◦ 5. Kasukdulan - Sa kasukdulan nakakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban. ◦ 6. Kakalasan - Ito ang tulay sa wakas ng kwento. ◦ 7. Wakas - Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento. ◦ 8. Tagpuan - Dito nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga insidente. Kasama din dito ang panahon kung kailan naganap ang kwento. ◦ 9. Paksang Diwa - Ito ang pinaka- kaluluwa ng maikling kwento. ◦ 10. Kaisipan - Ito naman ang mensahe ng kwento. ◦ 11. Banghay - Ito ay ang mga pangyayari sa kwento.
  • 22.
  • 23.
    Ang Maikling Kwento ◦1. Kwento ng Tauhan - Inilalarawan dito ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa. ◦ 2. Kwento ng Katutubong Kulay - Binibigyang diin dito ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng kanilang pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing lugar. ◦ 3. Kwentong Bayan - Inilalahad dito ang mga kwentong pinag- uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.
  • 24.
    Ang Maikling Kwento ◦4. Kwento ng Kababalaghan - Dito pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala. ◦ 5. Kwento ng Katatakutan - Naglalaman naman ito ng mga pangyayaring kasindak-sindak. ◦ 6. Kwento ng Madulang Pangyayari - Binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan. ◦ 7. Kwento ng Sikolohiko - Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan. Ipinadarama dito sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan.
  • 25.
    Ang Maikling Kwento ◦8. Kwento ng Pakikipagsapalaran - Nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento ng pakikipagsapalaran. ◦ 9. Kwento ng Katatawanan - Ito ay nagbibigay-aliw at nagpapasaya sa mambabasa. ◦ 10. Kwento ng Pag-ibig - Ito naman ay tungkol sa pag-iibigan ng dalawang tao.
  • 26.
    PROSESO NG PAGSULAT NGMAIKLING KWENTO