Ang maikling kuwento ay isang anyo ng tuluyang panitikan na may tiyak na banghay na binubuo ng simula, suliranin, papataas na aksyon, kasukdulan, pababang aksyon, at wakas. Ang bawat bahagi ay mahalaga sa pagsasalaysay at nagbibigay-diin sa mga tauhan at ang kanilang reaksyon sa suliranin. Ang wakas ng kuwento ay maaaring magtapos sa iba't ibang paraan, mula sa masaya hanggang sa malungkot o open-ended.