SlideShare a Scribd company logo
Ang Mapagbigay na Punong Kahoy ni Shel Silverstein
Noon, may isang punong kahoy…
na nagmahal sa isang batang paslit.
Araw-araw, dumarating ang bata
para pumulot ng mga dahon
at gumawa ng korona at magkunwarina hari ng kagubatan.
Inaakyat niya  ang puno
at nagpaduyan-duyan  sa kanyang mga sanga
[object Object],[object Object]
Naglalaro sila ng taguan.
At kung siya’y napapagod, nagpapahinga siya  sa lilim ng puno
Lubusang minahal ng bata ang punong kahoy…
At ang puno’y  naging masaya.
Lumipas ang panahon
at ang bata’y lumaki.
At ang puno’y madalas  na naiwang  mag-isa.
 
[object Object],[object Object]
“ Halika, bata, akyatin mo ako at magpaduyan- duyan sa aking mga sanga…”
“ at pitasin ang aking mga prutas, at maglaro sa lilim ko, at masiyahan.”
“ Matanda na ako para makipaglaro.”
“ Gusto kong magpakasaya.Kailangan ko ng mga kagamitan. Kailangan ko ng pera. ”
[object Object]
[object Object],[object Object]
Pinitas ng bata ang lahat ng mga prutas at dinala sa malayo.
At ang puno ay nasiyahan.
Ngunit matagal na nawala ang bata. At ang puno ay nalungkot.
Ngunit isang araw,  nagbalik ang bata at ang puno’y muling nasiyahan.
“ Halika, bata. Akyatin mo    ako at magpaduyan-duyan sa aking mga sanga.”
“ Wala akong panahon para umakyat ng puno.”
“ Gusto kong makapag-asawa.  Gusto kong magkapamilya.”
“ Kailangan ko ng bahay. Maari  mo ba akong tulungan?”
“ Wala akong bahay,”  sabi ng punong kahoy. “Ang gubat ang aking bahay.”
“ Kung gusto mo, putulin mo ang aking mga sanga upang makapagtayo ng bahay, at ikaw ay liligaya.”
At gayon nga ang ginawa ng bata.
Muling lumayo ang bata at nagpatayo ng bahay.  At ang puno ay nasiyahan.
Matagal na nawala ang bata.
Sa kanyang pagbalik, lubos na nasiyahan ang puno.
“ Halika, bata. Tayo na at maglaro.”
“ Matanda na ako at lubhang nalulungkot para makipaglaro.”
“ Nais ko magkaroon ng bangka para lumayo.”
“ Maari mo ba akong tulungan?”
“ Putulin mo ang aking katawan at gawing bangka.”
“ Ikaw ay makakapaglayag…at ikaw ay liligaya.”
Kaya’t pinutol ng bata ang puno…
gumawa siya ng bangka  at naglayag.
Ang puno ay nasiyahan…
ngunit hindi nang lubusan.
Pagkalipas ng matagal na panahon, muling nagbalik  ang bata.
“ Pasensya na, bata. Wala na akong maibibigay sa iyo.”
“ Ubos na ang mga prutas ko.”
“ Mahina na ang mga ipin ko para sa mga prutas.”
“ Wala na akong mga sanga.”
“ Hindi na ako bata para dumuyan.”
“ Wala na akong katawan.”
“ Hindi ko na kayang umakyat ng puno. Matanda na ako.”
“ Pasensya na. Sana mayroon pa akong maibibigay sa inyo pero wala nang natira.”
“ Ako’y isang matandang tuod lamang. Pasensya na…”
“ Wala na akong kinakailangan ngayon,” sabi ng bata, “ang nais ko lang ay isang tahimik na lugar upang magpahinga.”
“ Kung gayon, ang matandang tuod ay magandang upuan at pahingahan.”
“ Halika, bata, at umupo.  Umupo ka at magpahinga.”
At gayon nga ang ginawa ng bata.
At ang puno ay nasiyahan.
Wakas.

More Related Content

What's hot

Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7
Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7
Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7
Rich Elle
 
Elehiya sa kamatayan ni kuya
Elehiya sa kamatayan ni kuyaElehiya sa kamatayan ni kuya
Elehiya sa kamatayan ni kuya
PRINTDESK by Dan
 

What's hot (20)

Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7
Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7
Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7
 
Bahagi ng pahayagan
Bahagi ng pahayaganBahagi ng pahayagan
Bahagi ng pahayagan
 
Pagsunod-sunod ng pangyayari
Pagsunod-sunod ng pangyayariPagsunod-sunod ng pangyayari
Pagsunod-sunod ng pangyayari
 
The Sweetest Fruit (A short children story)
The Sweetest Fruit (A short children story)The Sweetest Fruit (A short children story)
The Sweetest Fruit (A short children story)
 
The Giving Tree
The Giving TreeThe Giving Tree
The Giving Tree
 
Elehiya sa kamatayan ni kuya
Elehiya sa kamatayan ni kuyaElehiya sa kamatayan ni kuya
Elehiya sa kamatayan ni kuya
 
Tanka at Haiku
Tanka at HaikuTanka at Haiku
Tanka at Haiku
 
Pang abay vi
Pang abay viPang abay vi
Pang abay vi
 
Maikling kwento (2).pdf
Maikling kwento (2).pdfMaikling kwento (2).pdf
Maikling kwento (2).pdf
 
Ang Tigre
Ang  TigreAng  Tigre
Ang Tigre
 
The Flood - A Story for Children
The Flood - A Story for ChildrenThe Flood - A Story for Children
The Flood - A Story for Children
 
Esp 4 yiii a8
Esp 4 yiii a8Esp 4 yiii a8
Esp 4 yiii a8
 
Bahagi ng Pahayagan
Bahagi ng PahayaganBahagi ng Pahayagan
Bahagi ng Pahayagan
 
Manok at uwak
Manok at uwakManok at uwak
Manok at uwak
 
Ang guryon (1)
Ang guryon (1)Ang guryon (1)
Ang guryon (1)
 
Mga sagot-sa-kayarian-ng-pang-uri 11
Mga sagot-sa-kayarian-ng-pang-uri 11Mga sagot-sa-kayarian-ng-pang-uri 11
Mga sagot-sa-kayarian-ng-pang-uri 11
 
The Lion and The Mouse story
The Lion and The Mouse storyThe Lion and The Mouse story
The Lion and The Mouse story
 
Kahahalagan ng yamang mineral
Kahahalagan ng yamang mineralKahahalagan ng yamang mineral
Kahahalagan ng yamang mineral
 
PANGATNIG
PANGATNIGPANGATNIG
PANGATNIG
 
Editorial cartooning
Editorial cartooningEditorial cartooning
Editorial cartooning
 

Viewers also liked (12)

Ang Munting Ibon
Ang Munting IbonAng Munting Ibon
Ang Munting Ibon
 
Filipino 9 Ang Tagahuli ng Ibon sa Impiyerno
Filipino 9 Ang Tagahuli ng Ibon sa ImpiyernoFilipino 9 Ang Tagahuli ng Ibon sa Impiyerno
Filipino 9 Ang Tagahuli ng Ibon sa Impiyerno
 
Ang kwento ng pagong at pusa
Ang kwento ng pagong at pusaAng kwento ng pagong at pusa
Ang kwento ng pagong at pusa
 
Filipino 9 Ang Puting Tigre
Filipino 9 Ang Puting TigreFilipino 9 Ang Puting Tigre
Filipino 9 Ang Puting Tigre
 
Isang Matandang Kuba Sa Gabi Ng Canao
Isang Matandang Kuba Sa Gabi Ng CanaoIsang Matandang Kuba Sa Gabi Ng Canao
Isang Matandang Kuba Sa Gabi Ng Canao
 
Si PAGONG (PABULA)
Si PAGONG (PABULA)Si PAGONG (PABULA)
Si PAGONG (PABULA)
 
friction ppt
friction pptfriction ppt
friction ppt
 
Primary and Secondary Sources
Primary and Secondary SourcesPrimary and Secondary Sources
Primary and Secondary Sources
 
Ang Matsing at Pagong
Ang Matsing at PagongAng Matsing at Pagong
Ang Matsing at Pagong
 
Friction
FrictionFriction
Friction
 
Maikling Kwento
Maikling KwentoMaikling Kwento
Maikling Kwento
 
Friction
FrictionFriction
Friction
 

Ang Mapagbigay Na Punong Kahoy