Ang tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin, binubuo ng saknong at taludtod na maaaring may sukat at tugma. Ang sukat ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod, na may iba't ibang uri tulad ng wawaluhin, lalabindalawahin, at iba pa. Ang tugma ay ang pagkakapareho ng tunog ng huling pantig ng taludtod na nagbibigay ng himig at indayog sa tula.