5. Marami tayong mga sikat na pintor at iskultor na
tanyag hindi lamang sa ating bansa gayundin sa
iba’t ibang bahagi ng mundo. Ang mga ito ay ilan
lamang sa nagbigay karangalan sa ating bansa na
tunay na di dapat kalimutan dahil sila ang
nagpakita kung gaano kaganda ang ating bansang
sinilangan
6.
7. Ang paglilimbag ng likhang-sining ay maaring gamitin
sa pagbabahagi ng imahe, disenyo ng mga kagamitan
(halimbawa sa brand ng negosyo), paggawa ng
ilustrasyon sa parehas na mga libro at iba pa. Ang
pangunahing layunin nito ay para mapabilis ang paglikha
na maaring magamit sa negosyo o pagbabahagi ng
importanteng impormasyon tulad ng mga nasa dyaryo at
magasin at iba pa.
16. Bago makagawa o makalikha ng musika ang isang
kompositor, kailangan niyang pag-isipan ang anyo ng
kaniyang musika. Higit na magiging maganda at maayos
ang isang awitin kung ito ay mapagpaplanuang mabuti.
Ang form o anyo ay tumutuon sa disenyo at estruktura ng
musika.ito ay may kaugnayan sa hugis, estruktura ng
organisasyon at pagkakaugnay-ugnay ng mga elemento ng
sining.
17. Maraming uri ng anyo sa musika na
maaaring gawing basehan sa paglikha ng
isang awit o musika. May mga simpleng
anyo ng musika tulad ng unitary. Ito ay
isang maikling awit na kadalasan ay may
apat na linya lamang at mayroong iisang
ideyang musikal.
38. Ang mga katutubong sayaw ay kadalasang sinasayaw
tuwing may mga pagdiriwang o selebrasyon gaya ng
pistahan o festival sa iba’t ibang lugar ng ating bansa.
Ito ay sinasayaw din upang ipagdiwang ang iba pang
aspeto ng pamumuhay gaya ng pagpapasalamat para sa
mabuting kalusugan, masaganang ani, at marami pang
iba. Sa pamamagitan din ng mga sayaw na ito,
naipakikita ang pag-iisip, paniniwala, at kaugalian ng
mga tao sa iba’t ibang lugar.
52. Ang caffeine ay isang karaniwang substansya na kadalasang
sangkap ng iniinom na kape. Ayon sa mga dalubhasa ang
konsumo ng kape ay dapat sapat o tama at ito ay dalawa
hanggang apat na regular na sukat ng tasa upang hindi
makaapekto sa kalusugan ng isang tao. Samantala, maituturing
na malakas sa konsumo nito kung ito ay aabot sa apat na tasa
pataas, at ito ay nagdudulot ng hindi kanais-nais na mga
sintomas. Nasubukan mo na bang uminom ng kape? Kung oo,
marahil ikaw ay makaka ugnay sa tulang isinulat ni Chel Lee.
Basahin Mabuti ang tula.