SlideShare a Scribd company logo
1 of 23
Ikaapat na Kuwarter-Modyul 12:
Pagsasaayos ng Dokumentasyon
at Pagbuo ng Pinal na Draft
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Senior High School
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Kuwarter – Modyul 12: Pagsasaayos ng
Dokumentasyon at Pagbuo ng
Pinal na Daft
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman. Kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na nagamit sa aklat na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsusumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Alain Del B. Pascua
Mga Bumubuo ng Modyul para mga Mag-aaral
Manunulat: Dexie P. Dilag, Maricar C. Ranara,
Bonifacio N. Gegato Jr, Marben A. Oco
Tagasuri ng Nilalaman: Johanna Vanessa C. Obedencio
Tagasuri ng Lengguwahe: Mary Ann A. Maglangit, Russel Kerr E. Galarroza
Tagabalibasa: Louella Jean B. Mariano
Tagasuri : Leonor C. Reyes,MAEDFIL
Mga Tagaguhit: Perlito L. Lomongo
Naglayout: Jupiter B. Acosta
Mga Tagapamahala:
Pangulo: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Pangalawang Pangulo:Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Assistant Regional Director
Jonathan S. dela Peña, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent
Rowena H. Para-on, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Kasapi:Neil A. Improgo, PhD,EPS-LRMS; Bienvenido U. Tagolimot, Jr.,PhD, EPS-
ADM; Erlinda G. Dael, PhD, CID Chief; Sally S. Aguilar, PhD, EPS Filipino; Celieto B.
Magsayo, LRMS Manager; Loucile L. Paclar, Librarian II;
Kim Eric G. Lubguban, PDO II
Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Misamis Oriental
Office Address: Don Apolinar Velez Street, Cagayan de Oro City, 9000
Telephone Nos: (088) 881-3094 | Text: 0917-8992245
E-mail Address: misamis.oriental@deped.gov.ph
Ikaapat na Kuwarter - Modyul
12 Pagsasaayos ng
Dokumentasyon at Pagbuo ng
Pinal na Draft
Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga
edukador mula sa mga pampublikong paaralan. Hinihikayat namin ang
mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng
kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa
action@deped.gov.ph
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.
Sa tulong ng agham at teknolohiya, malayo na ang narating ng ating
kabihasnan. Maraming makabagong kagamitang nabuo na nagpapadali ng
mga gawain. Hindi naging mahirap ang pakikipagkomunikasyon sapagkat
maraming maaaring gamitin gaano man kalayo ang kinaroroonan sa tulong
ng makabagong teknolohiya. Nariyan ang internet, fax, cellphone, telepono,
liham at iba pa. Maraming nakapagtatrabaho sa ibang bansa, nakahihiling,
nakapagtatanong, nakapag-aanyaya at iba pang bagay na may kaugnayan
dito dahil lamang sa tulong ng iba’t ibang teknolohiya.
Sinasabing mabisang kasangkapan ang tamang pagtugon sa proseso
upang mas mapadali ang minimithing tatapusing gawain.
Maaaplay sa modyul na ito ang mga makaraang paksa na naitalakay
upang mabuo ang pananaliksik na gagawin.
Sa modyul na ito ay sinasanay ka na maging lohikal at kritikal sa
pagsusuri ng iba’t ibang anyo ng teksto sa pamamagitan ng mga simpleng
aralin at gawain na maghahanda sa iyo sa pagbuo ng makabuluhang
pananaliksik. Ang modyul na ito ay hinati sa iilang mga bahagi na may
magkatimbang na halaga sa pagkatuto.
Ito ay hinati sa mga sumusunod na bahagi:
Alamin – Sa bahaging ito inilalahad ang mga Kasanayang
Pampagkatuto na sisikapin nating matamo sa buong semestre.
Subukin – Dito susubukin ang lawak ng iyong kasalukuyang
kaalaman tungkol sa paksa.
Yugto ng Pagkatuto – Sa bahaging ito, matututunan mo ang araling
itinakda na hinati sa iilang mga bahagi gaya ng balikan, tuklasin, suriin,
pagyamanin, isaisip at isagawa.
Tayahin – Malalaman mo sa bahaging ito kung sadya bang
naunawaan mo ang bagong araling napag-aralan sa pamamagitan ng
pagtataya ng natamong kaalaman.
Karagdagang Gawain – Upang mas mapalawak at mapalawig pa ang
iyong kaalaman sa araling ito, isa pang gawain ang iyong kailangang
tapusin sa bahaging ito.
Lahat ng iyong mga kasagutan sa mga gawain ay isusulat mo sa
kalakip na Activity Sheets. Maaari kang gumamit ng dagdag na papel bilang
burador bago mo pinal na isulat sa Activity Sheets.
Ayon kay Aristotle, “Ang ugat ng karunungan ay mapait, subalit ang
bunga ay matamis” kaya, hinihikayat kita na pag-igihan ang makabagong
paraan ng pagbahagi ng karunungan. Maaaring may mga pagkakataon na
ikaw ay malulumbay o mawawalan ng dahilan upang matuto ngunit
pakatandaan na ang iyong pagsisikap ay tiyak na magbubunga ng
kasaganahan.
Halina’t matuto!
Mga May-akda
1
ALAMIN
Ilalahad ng modyul na ito ang kabuuan ng isinagawa mong pananaliksik
batay sa tamang pormat, metodo mga pamamaraan at dokumentayon. Sa
bahaging ito magbibigay ang guro ng pinal na pagmamarka sa sulating
pananaliksik kung nasunod ang mga bahaging hinihingi ng pananaliksik.
Makikita rin sa modyul na ito ang yugto ng pagkatuto na
balikan, tuklasin, suriin, pagyamanin, isaisip, isagawa at tayahin. Sa
simula at wakas ng modyul, may mga pagtataya na naglalayong subukin
ang iyong kaalaman bago matapos ang aralin upang mapaunlad ang iyong
kasanayan sa pangkabatiran (cognitive), pandamdamin (affective), at
saykomotor (psychomotor).
Sa pagtatapos ng talakayan na ito, inaasahang makakamit ang
sumusunod na Kasanayang Pampagkatuto:
1. Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang
pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng
pananaliksik. (F11PU – IVef – 91)
1.1 Natutukoy ang layunin, metodo at paraan sa pagsasaayos ng
pinal na dokumentasyon
1.2 Nagagamit ang estilong APA Format sa
pagdudukumentasyon at sa pagbuo ng pinal na draft
2. Nakabubuo ng isang maikling pananaliksik na napapanahon ang
paksa (F11EP – IVij – 38)
2.1 Nakasusunod sa pamantayan ng pagsulat ng masinop
na pananaliksik.
2
SUBUKIN
PANIMULANG PAGTATAYA
Bago natin simulan ang ating talakayan, magkakaroon muna tayo ng
pagrerepaso kung mayroon ba tayong ideya sa paksa. Hanapin ang sagot
mula sa loob ng parihaba. Maaaring ulitin ang iyong sagot.
Taon Signal na Kataga
Talang Parentetikal et al.
Dokumentasyon
A. Basahin ang mga sumusunod na pahayag at ibigay ang
hinihinging tamang sagot.
____________ 1. Makikita ito sa loob ng pagtalakay ng pananaliksik.
____________ 2. Ito ay makikita sa unahan ng impormasyon.
____________ 3. Ito ay in-text na dokumentasyon na ginagamitan ng
ampersand (&).
____________ 4. Ito ay makikita sa hulihan ng impormasyon.
____________ 5. Ito ay in-text na dokumentasyon na hindi ginagamitan ng
ampersand (&).
____________ 6. Ito ay nilalagay pagkatapos ng apelyido ng awtor.
____________ 7. Ito ang tanging paraan na pwedeng itala ang hanguan na
walang awtor.
____________ 8. Ano ang isusulat kung mahigit sa dalawa ang awtor?
____________ 9. Ito ay pangangalap at pagsasaayos ng mga materyal.
____________10. Ito ay nagbibigay ng kredibilidad sa mga datos o
impormasyon na nakalap.
B. Oo at Hindi. Suriin ang mga impormasyon at tukuyin kung ito ay
halimbawa o bahagi ng Signal na Kataga o Talang Parentetikal. Isulat ang
Oo kung ito ay halimbawa o bahagi habang Hindi naman kung ito ay hindi
halimbawa o bahagi.
Signal na Kataga
11. para kay
12. 2009
13. Bernales
Talang parentetikal
14. (Bernales, et al., 2009)
15. Bernales (et al., 2009)
3
BALIKAN
Balikan natin ang nakaraang aralin. Punan ang talahanayan sa ibaba batay
sa hinihingi nito.
Paksa Hanguang Hanguang Paraan ng
Primarya Sekundaryo Pangangalap
(Survey,
Panayam,
Imersiyon)
1. Depresyon sa Biktima ng
mga Kabataan Depresyon,
Balita, Website Panayam
DSWD, DOH
2. Sanhi ng
Broken Family
3. Epekto ng
Online Game sa
Pag-aaral
4. Impluwensiya
ng KDrama
5. COVID 19
TUKLASIN
Paramihan ng mga Salita. Punan ang graphic organizer sa ibaba.
Magbigay ng mga bagong salitang mabubuo mula sa salitang
DOKUMENTASYON
DOKUMENTASYON
4
SURIIN
ARALIN 1 - PAGSASAAYOS NG DOKUMENTASYON
Sa pangkalahatang terminolohiya, ang dokumentasyon ay pangangalap at
pagsasaayos ng mga materyal tulad ng mga teksto, bidyu, aklat, magasin at iba
pang ginamit sa isang akademikong sulatin (Bernardino, et al., 2016).
Ayon sa AMA Online Education (2020), mahalaga ang pagsasagawa ng
dokumentasyon at may ilan itong tungkuling ginagampanan sa isang pananaliksik:
• Ito ay nagbibigay ng kredibilidad sa mga datos o impormasyon
na nakalap ng mananaliksik;
• Ito ang nagbibigay ng kapani-paniwalang impresyon sa isang pananaliksik lalo
kung binabanggit dito ang mga awtor na pinaghanguan ng mga
datos,
• Ito ay ang nagsisilbing ebidensya o patunay na balido ang mga nailatag na
impormasyon sa isang pananaliksik
• Nakatutulong ang dokumentasyon upang makita ang partikular na sanggunian
upang maiwan ang plagiarism o plahiyo.
In-text Citation
Ang in-text na dokumentasyon ay makikita sa loob ng pagtalakay ng
pananaliksik. Sa pagkakataong gumamit ang mananaliksik ng ideyang hinango sa
iba, kailangang malaman ng mga mambabasa kung saan nagsimula ang ideyang
hiniram at saan nagtapos. Samakatuwid, kailangang ipakilala ng mananaliksik
ang pinaghanguan ng datos sa pamamagitan ng pagbibigay ng apelyido at taon ng
pagkalimbag ng aklat na pinaghanguan sa dalawang pamamaraan, ang parentikal
na pamamaraan at ang paggamit ng kataga bilang signal (Bernales, et al., 2012).
Uri ng In-text na Dokumentasyon sa paraang APA
1. Signal na kataga. Ginagamitan ito ng mga signal tulad ng Ayon
kay/kina/sa, Batay kay/kina/sa, Binigyang diin ni/nina/sa at iba pa. Ang signal
na kataga ay nasa unahan ng ideya makikita at tanging ang taon ng
pagkakalimbag ang nakapaloob sa panaklong. Kung dalawa ang awtor, dapat
gamitin ang at at hindi ampersand (&) bilang panghiwalay sa dalawang awtor.
Madalas na gamitin ito maliban na lamang sa mga hanguang walang mga awtor.
Halimbawa:
Binigyang diin ni Santos (2008) na ang wika ay isang behikulo upang
magkaunawaan ang…
5
2. Talang Parentetikal- Ang talang parentetikal ay sa katapusan ng ideya
makikita at parehong nakapaloob sa panaklong ang apelyido ng awtor at ang taon
ng pagkaalimbag ng aklat. Kung dalawa ang awtor, gamitin ang ampersand (&)
bilang panghiwalay sa dalawang awtor. Maaaring gamitin ang talang parentetikal
sa iba’t ibang hanguan subalit tanging sa parentetikal na pamamaraan lamang
pwedeng maitala ang mga hanguang walang awtor, gaya ng website o aklat na
walang awtor.
Halimbawa:
Ang wika ay isang pangunahing behikulo upang magkaunawaan ang… (Santos,
2008).
Maraming pamamaraan ang in-text na dokumentsayon, at ilan dito ay
nakadepende sa uri ng hanguan ng ideya. May mga pangkalahatang pormat sa
pagtatala ng in-text tulad ng mga sumusunod:
A. Isang awtor
Ayon kay Halliday (1973), may gamit na instrumental ang wika. Tumutulong ito
sa mga tao upang maisagawa ang mga bagay na gusto niyang gawin.
May gamit na instrumental ang wika. Tumutulong ito sa mga tao upang
maisagawa ang mga bagay na gusto niyang gawin (Halliday, 1973).
B. Dalawang awtor
Batay sa pag-aaral na ginawa nina Carpenter at Readman (2006), ang pisikal na
kapansanan tulad ng kapansanan sa mga paa, pagkabulag, pagkapipi at iba pa
y isang malaking hadlang sa mga aktibidades sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng mga ito.
Ang pisikal na kapansanan tulad ng kapansanan sa mga paa, pagkabulag,
pagkapipi at iba pa y isang malaking hadlang sa mga aktibidades sa pang-araw-
araw na pamumuhay ng mga ito (Carpenter & Readman, 2006).
C. Tatlo hanggang limang awtor
Sa pananaliksik nina Oller, et al. (2007) ay nagmungkahi na ang mga bilinguwal
na mga mag-aaral ay maaaring magkaroon ng maliit na leksyon sa bokabularyo
kumpara sa mga hindi bilingguwal na siyang dapat mas pagtutuunan sa
pagtuturo ng bokabularyo.
Iminumungkahi na ang mga bilinguwal na mga mag-aaral ay maaaring
magkaroon ng maliit na leksyon sa bokabularyo kumpara sa mga hindi
bilingguwal na siyang dapat mas pagtutuunan sa pagtuturo ng bokabularyo
(Oller, et al., 2007).
6
D. Grupo o Institusyon
Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (2009), ang muling pagrebisa ng Ortograpiya
ay ibinunsod ng di-ganap na pagtupad sa Kautusang Pangkagawaran ng 1987.
Ang muling pagrebisa ng Ortograpiya ay ibinunsod ng di-ganap na pagtupad sa
Kautusang Pangkagawaran ng 1987 (Komisyon sa Wikang Filipino, 2009).
E. Walang awtor
Sa pangkalahatan, sa bawat stick ng sigarilyo na nauubos ng mga naninigarilyo
ay labindalawang minuto ang nababawas sa buhay ng mga ito (A Fistful of
Risks, 1996, pp. 82).
F. Di-direktang hanguan
Binigyang diin ni Gleason (1995, sa Bernales, 2009) na ang wika ay isang
masistemang balangkas na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong nasa iisang komunidad.
Ang wika ay isang masistemang balangkas na pinili at isinaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit ng mga taong nasa iisang komunidad (Gleason, 1995,
sa Bernales, 2009).
G. Website na walang awtor o hanguang elektroniko
Ang AIDS ay isang seryosong karamdaman at isang nakamamatay na sakit. Sa
mahigit na 20 taon na nakalipas, ang mga manggagamot sa Estados Unidos ang
unang nakakilala ng naturang sakit at kinakitaan ng unang kaso lalo na sa San
Francisco. Sa kasalukuyan, mayroong naitala na 42 milyong kaso ng sakit na
HIV AIDS sa buong mundo at mahigit na tatlong milyon ang namamatay sa
ganitong sakit sa bawat taon (http://www.kidshealth.org).
Basahin ang mga sumusunod na pahayag at ibigay ang hinihinging tamang
sagot.
____________ 1. Makikita ito sa loob ng pagtalakay ng pananaliksik.
____________ 2. Ito ay makikita sa unahan ng impormasyon.
____________ 3. Ito ay in-text na dokumentasyon na ginagamitan ng
ampersand (&).
____________ 4. Ito ay makikita sa hulihan ng impormasyon.
____________ 5. Ito ay in-text na dokumentasyon na hindi ginagamitan ng
ampersand (&).
____________ 6. Ito ay nilalagay pagkatapos ng apelyido ng awtor.
____________ 7. Ito ang tanging paraan na pwedeng itala ang hanguan na
walang awtor.
7
____________ 8. Ano ang isusulat kung mahigit sa dalawa ang awtor?
____________ 9. Ito ay pangangalap at pagsasaayos ng mga materyal.
____________10. Ito ay nagbibigay ng kredibilidad sa mga datos o
impormasyon na nakalap.
Para sa dagdag na impormasyon hinggil sa paksa maaaring bisitahin ang kasunod
na link https://www.slideshare.net/MNOlaguer24/paggamit-ng-iba-t-ibang-
sistema-ng-dokumentasyon
Ngayong alam mo na ang pagsasaayos ng iyong mga datos at tala ay maari mo ng
balikan muli ang iyong burador upang maisulat ang pinal na sipi ng iyong
pananaliksik. Para maisagawa ito nang maayos basahin at suriin muna ang
kasunod na aralin.
ARALIN 2 - PAGBUO NG PINAL NA DRAFT
Sadyang napakahalaga sa isang sulating pananaliksik ang nilalaman o ang
ideyang pinaabot niyon sa mambabasa. Ngunit kasinghalaga niyon ang matuto at
masanay ang mananaliksik sa wasto at mabisang presentasyon nito - ang wastong
pormat, margin, indensiyon, at iba pa. Bahagi ito ng disiplina ng isang
mananaliksik. Sinasalamin kasi nito ang kanyang kultura sa pananaliksik at
sinop sa paggawa.
Isa sa pinakamainam na gagawin sa pagsulat ng teksto ay ang pagpuna sa
kakulangan at kahinaan ng isinulat. Sa bahaging ito nagaganap ang pag-eedit at
pagrerebisa ng draft o burador batay sa wastong gramatika, bokabularyo at
pagkakasunod- sunod ng mga ideya o lohika ( Bernales, et al., 2009). Maaaring
ang pagbabago sa isinulat ay ang nilalaman o istruktura ng papel (Magracia, et al.,
2008).
Paraan upang madaling mabago, mapaunlad ang pinal na draft sa papel
pananaliksik
▪
Ang tuntunin sa gramatika sa paggamit ng malaking titik ay kailangang
istriktong masunod sa pagsulat ng pamanahong papel tulad ng sa simula ng
mga pangungusap, pangngalang pantangi, mga dinaglat na titulo, mga titulong
pantawag tulad Mang, Aling, Padre at iba pa. Ang tanging ekspresyon sa mga
tuntuning ito ay pamagat bilang at pamagat ng bawat kabanata sa katawan ng
pamanahong-papel na isinusulat ng buo sa malalaking titik (all caps)
▪
Basahing mabuti ang papel pananaliksik.
▪
Mainam na iprint ang papel upang mas maging madali ang pag-edit ng papel
pananaliksik
▪
Tingnan din ang bahaging layout ukol sa ayos ng pahina, laki ng font na gagamitin,
spacing, ilustrasyon kung mayroon at iba pa
8
Organisasyon ng Papel
Matapos mong isaayos at suriin ang mga nakalap mong tala, ang susunod
mo namang gagawin ay kung paano mo i-o-organisa ang mga kaisipang ito upang
maisulong mo ang tesis ng iyongsulating pananaliksik. sa pag-oorganisa ng papel,
isinasaalang-alang ang tesis at ang mga datos o impormasyong nasuri.
Mahalaga ang organisayon ng papel sa pagsulat ng pananaliksik sapagkat
ito ang susi upangmadaling maunawaan ang iyong papel, kaya nararapat lamang
na humanap ng paraan upangmahusay na mapagtagni-tagni ang mga talang
nakalap.Maaari mong gamitin ang alinman sa sumusunod na mga prinsipyo sa
pag-oorganisa ng papel:
▪
Kronolohikal– Ginagamit ang prinsipyong ito kung ang datos o impormasyon ay
ayon sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Kung ang iyong paksa ay
naglalahad ng proseso o pangyayari o maging kasaysayan
Halimbawa: Ang political dynasty sa Pilipinas
Ang ebolusyon ng telepono
▪
Heyograpikal o batay sa espasyo–Ginagamit ito kung ipakikita at ipaliliwanag
anglokasyon, lugar, o iba pang paggamit ng espasyo
Halimbawa: Ang mga Internet café sa paligid ng mga paaralan at Pamantasan
Ang sistema ng edukasyon sa kabihasnan
▪
Komparatibo – Ginagamit kapag nais ipaliwanag o ipakita ang pagkakatulad at/o
angpagkakaiba ng dalawang bagay, tao, prinsipyo o kaisipan.
Halimbawa: Ang paggamit ng e-book at ng tradisyonal na aklat
Ang mano-manong pagbilang ng boto at PCOS machine
▪
Sanhi/Bunga - Ginagamit kung nais bigyang-diin ang sanhi at bunga ng isang
paksang sinisiyasat.
Halimbawa: Ang kahihinatnan ng mga mag-aaral na nalululong sa Computer
Games Ang dahilan ng maagang pag-aasawa
▪
Pagsusuri – Ang prinsipyong ito ay ginagamit kung nais ipakita ang paghihimay-himay
ng isang buong kaisipan.
Halimbawa: Ang katotohanan sa likod ng modus na “tanim/laglag – bala”
Ang mga nabanggit ay isa ilan lamang sa mga prinsipyong ginagamit sa
organisasyon ng papel. Maaaring gumamit ng higit sa isang prinsipyo upang ma-
debelop ang iyong papel.
9
Piliin ang tamang pagkakasulat ng dokumentasyon. Titik lamang ang isulat.
1. a. Ang parentikal na pamamaraan at ang paggamit ng kataga
bilang signal (Bernales, et al., 2012).
b. Ang parentikal na pamamaraan at ang paggamit ng kataga
bilang signal (Bernales, et al., (2012).
2. a. Ayon kay (Klazema, 2020), Ang pamanahong-papel na nasa
kwantiteytib na pananaliksik ay isang emperikal.
b. Ayon kay Klazema (2020), Ang pamanahong-papel na nasa
kwantiteytib na pananaliksik ay isang emperikal.
3. a. Ayon sa (CHED, 2020), wala munang tatanggapin na iskolar sa
taong-aralan na ito.
b. Ayon sa CHED (2020), wala munang tatanggapin na iskolar sa taong-
aralan na ito.
4. a. Ang paggamit ng ideya at/o salita na hindi nagbibigay ng
karampatang pagkilala ay isang seryosong krimen na tinatawag na
plagyarismo (Phurr at Busemi, 2005).
b. Ang paggamit ng ideya at/o salita na hindi nagbibigay ng
karampatang pagkilala ay isang seryosong krimen na tinatawag na
plagyarismo (Phurr & Busemi, 2005).
5. a. Walang rehiyonal na mga patimpalak Deped, 2020.
b. Walang rehiyonal na mga patimpalak (Deped, 2020).
6. a. Huwag magnakaw ng mga salita; sipiin ang mga ito at bigyan ng
karampatang pagkilala (Atienza, et al., 1996, sa Bernales et al., 2008).
b. Ayon kina Atienza et al. (1996) sa Bernales et al., (2008) huwag
magnakaw ng mga salita; sipiin ang mga ito at bigyan ng karampatang
pagkilala
7. a. Ayon kina Bernales, et al. (2000), ang sumusumod ay mga
katangian ng isang mabuting mananaliksik: masipag, matiyaga,
maingat, sistematiko at kritikal/mapanuri.
b. Ayon kina, ang sumusumod ay mga katangian ng isang mabuting
mananaliksik: masipag, matiyaga, maingat, sistematiko at
kritikal/mapanuri Bernales, et al. (2000).
8. a. Ang pananaliksik ayon kay O’Hare at Funk (2000) ay isang
pangangalap ng impormasyon galling sa iba’t ibang hanguan sa
pamamaraang impormatibo obhetibo.
b. Ang pananaliksik ay isang pangangalap ng impormasyon galling sa
iba’t ibang hanguan sa pamamaraang impormatibo obhetibo (O’Hare at
Funk, 2000).
10
PAGYAMANIN
I. Sipiin ang mga sumusunod na pangungusap at lagyan ang bawat isa ng
wastong dokumentasyon. Gamitin ang dalawang uri ng in-text na dokumentasyon
sa paraang APA. Dawalang (2) puntos bawat bilang.
1. Gabay sa Ortograpiyang Filipino, 2007
Ang Batas Komonwelt Blg. 579 na pinagtibay ng Kongreso ay nagpapahayag na
ang Wikang Pambansang Pilipino ay isa na sa mga wikang opisyal ng Pilipinas.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
2. Mula sa Komisyon sa Pagsulat sa Pilipinas, 2003
Ang suporta ng gobyerno at pribadong sektor sa komisyon ay napakalaking
tulong lalo na sa larangan ng pagsulat.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
3. Mula kay Cooney, 2008
Sa kabila ng kahinaan ng tula, mababanaag pa rin ang kalakasan ng proyekto sa
mga huling bahagi ng suri. Dito natanto na maaari pa lang makaapekto ang isang
reyalisasyon sa isang kritik na isinagawa sa mga buhay ng mga mambabasa nito.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
4. Mula sa akdang Webster’s New Biblical Dictionary, 1998
Inilarawan si William James bilang “American psychologist and philosopher”.
Ang paglalarawang ito ay napakalaking tulong upang tuluyang umangat ang
karera niy.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
11
5. Mula sa website ng Social Security Administration ng Gobyerno, 2010
“Kapag nahuli na umaabuso sa katungkulan ang isa ng empleyado ay
papatawan siya nang nauukol na kaparusahan upang di pamarisan ng iba.”
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
6. Sinabi ng McCullough sa Truman’s Campaign, 2009
“No President in history had ever gone so far in quest of support from the people,
or with less cause for the effort, to judge by informed opinion.”
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
7. Mula sa akda nina Cassambre at Alcantara, 200 sa Santos, 2006
Walang makabuluhang kaibahan ang pag-unawa ng mga nakinig ng mensahe sa
wikang Filipino at sa mga nakinig ng mensahe sa Ingles.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
8. Mula sa akdang Kapag Pumula ang Tubig, 2001
Nagaganap ang red tide kapag biglaan at mabilisan ang pagdami o pagkapal ng
bilang ng pagkaliliit na mga dinoflagellate.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
9. Mula sa akda nina Bernales, Gabuya, Gonzales, Ledesma at Tuazon, 2001
May boom ngayon sa real estate bunga ng pagdami ng nag-i-invest dito.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
10. Mula sa akda nina Atienza, et al., 1996, sa Bernales, et al., 2010
Ang hindi pagkilala sa pinagmulan ng mga hiram na salita/ideya ay isang uri ng
pagnanakaw ng intelektuwal na pag-aari ng iba sa larangan ng pananaliksik,
pamamahayag at literatura na tinatawag na plagyarismo.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
12
ISAISIP
Ang lahat na hindi atin ay huwag nating angkinin. Malaking bagay ang datos
na nakalap dahil dito nakasalalay ang kredibilidad ng tekstong gagawin. Ngunit ang
hindi pagkilala sa may-ari ng impomasyon ay maituturing na isang krimen.
Sa mundo ng pagsusulat, maraming kailangang isaalang-alang lalong lalo
na ang ating kredibilidad. Maaaring lahat ng mga pinaghirapan ay mawawalan ng
saysay.
Hindi lamang layunin sa pagsulat ng teksto ang matapos, layunin din nito
ang maiwasto ang pagkakamali. Bilang mag-aaral kapag gagawa tayo ng proyekto
lalo na kapag ito ay sulatin, nakakalimutan natin maglaan ng panahon para ito ay
basahin at iwasto. Ipapasa nalang natin ito kahit maraming mali. Isang
pangangailangan ang pagkakaroon ng panahon upang makita ang kakulangan
nang sa gayon ay hangga’t maaari ay error-free ang gagawing sulatin.
Bilang paglalahat,
1. Ano ang magiging epekto kung hindi bibigyan ng pagkilala ang mga
impormasyon na nakuha ng manunulat?
2. Mayroon bang perpekto na sulatin?
ISAGAWA
Ibabalik sa iyo ang burador na una mong ginawa, iwawasto mo ito ayon sa mga
pagbabago na ginawa ng guro. Isasaayos mo rin ang dokumentasyon. Pagkatapos,
balik ito sa guro kasama ang unang burador na ginawa
Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos
Kohirens. Kakayahang maipakita ang ugnayan ng mga ideya.
1 2 3 4 5 6
6- Lahat ng mga ideya ay magkakaugnay sa isa’t isa.
5- Halos lahat ng mga ideya ay magkakaugnay sa isa’t-isa.
4- Maraming mga ideya ang magkakaugnay sa isa’t isa.
3- Maraming ideya ang hindi magkakaugnay sa isa’t isa.
2- Iilan lang ang mga ideya na magkaugnay sa isa’t isa.
1- Walang magkakaugnay na mga ideya.
13
Kaisahan. Malinaw na magkaugnay sa isa’t isa ang ideya.
1 2 3 4 5 6
6- Lahat ng mga ideya ay may kaisahan.
5- Halos lahat ng ideya ay may kisahan.
4-Maraming ideya ang may kaisahan.
3-Maraming ideya ang walang kaisahan.
2- Iilan lang ang ideya ang may kaisahan.
1- Walang kaisahan ang mga ideya.
Empasis. Naka-highlight o nabigyang-diin ang mahahalagang punto.
1 2 3 4 5 6
6- Nabigyang-diin ang lahat ng punto.
5-Nabigyang-diin ang halos lahat na punto.
4-Nabigyang-diin ang maraming punto.
3- Maraming hindi nabigyang-diin na mga punto.
2-Iilan lang ang nabigyang-diin na mga punto.
1-Walang nabigyang-diin na mga punto.
Kasapatan. Sapat ang materyal- halimbawa, detalye, paliwanag at mga
ebidensya/datos.
1 2 3 4 5 6
6-Sapat ang materyal.
5-Halos sapat ang materyal.
4-Maraming sapat ang materyal.
3- Maraming hindi sapat na materyal.
2- Iilan lang ang materyal.
1- walang materyal
Kasanayan sa Pangungusap. Wastong gamit ng balarila gaya ng bantas, baybay
at maging pormat na ibinigay ng guro at aspekto ng pandiwa.
1 2 3 4 5 6
6- Wasto ang lahat ang pagkagamit ng balarila.
5-Halos wasto lahat ang pagkagamit ng balarila.
4-Maraming wasto na pagkagamit ng balarila
3-Maraming hindi wasto na pagkagamit ng balarila
2-Iilan lang ang wasto na pagkagamit ng balarila.
1-Walang wasto na pagkagamit ng
balarila Puntos ___________________
14
Natapos mo na ang asignaturang ito, ang mga impormasyon at
kaalamang naunawaan sa loob ng labindalawang (12) modyul ay
maisakatuparan at maililipat na sa pinal na sulating pananaliksik
na iyong ipapasa sa guro. Maraming salamat sa pagpupursige na
tapusin ang bawat modyul, at sa iyong pagtitiyaga sa pagbabasa at
pagsusuri sa mga tekstong naging bahagi ng ating talakayan.
Ipinamalas mo ang iyong kasipagan at kagalingan. Tunay na ikaw
ay isang responsableng mananaliksik. Ipagpatuloy ang mabuting
bagay na nasimulan.
BINABATI KITA!!!
TAYAHIN
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Bago natin tapusin ang ating talakayan, magkakaroon muna tayo ng
pagrerepaso kung nadagdagan ba ang ating kaalaman tungkol sa paksa. Hanapin
sa loob ng parihaba ang sagot. Maaaring ulitin ang iyong sagot.
Taon Signal na Kataga
Talang Parentetikal et al.
Dokumentasyon
A. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag at ibigay ang
hinihinging tamang sagot sa bawat pahayag.
____________1. Makikita ito sa loob ng pagtalakay ng pananaliksik.
____________ 2. Ito ay makikita sa unahan ng impormasyon.
____________ 3. Ito ay in-text na dokumentasyon na ginagamitan ng ampersand (&).
____________ 4. Ito ay makikita sa hulihan ng impormasyon.
____________ 5. Ito ay in-text na dokumentasyon na hindi ginagamitan ng
ampersand (&).
____________ 6. Ito ay nilalagay pagkatapos ng apelyido ng awtor.
____________ 7. Ito ang tanging paraan na pwedeng itala ang hanguan na walang
awtor.
____________ 8. Ano ang isusulat kung mahigit sa dalawa ang awtor?
____________ 9. Ito ay pangangalap at pagsasaayos ng mga materyal.
____________ 10. Ito ay nagbibigay kredibilidad sa mga datos o impormasyon na
nakalap.
15
B. Oo at Hindi. Isagot ang Oo kung ito ay Signal na kataga o Talang
Parentetikal at Hindi kung hindi naman.
Signal na kataga
11. para kay
12. 2009
13. Bernales
Talang parentetikal
14. (Bernales, et al., 2009)
15. Bernales (et al., 2009)
KARAGDAGANG GAWAIN
Repleksiyon: Isulat sa Activity Sheet ang iyong sagot.
1. Isang halimbawa ba ng pagnanakaw ang hindi pagkilala sa pinagmulan
impormasyon? Bakit?
2. Paano nakakaapekto ang pagsasaayos ng dokumentasyon sa pagbuo ng pinal
na burador?
Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos
Kaisahan ng mga ideya
1 2 3 4 5
5- Lahat ng mga ideya ay may kaisahan.
4-Halos lahat ng ideya ay may kisahan.
3-Maraming ideya ang may kaisahan.
2-Iilan lang ang ideya ang may kaisahan.
1-Walang kaisahan ang mga ideya.
Kasapatan ng mga impormasyon
1 2 3 4 5
5-Sapat ang materyal.
4-Halos sapat ang materyal.
3-Maraming sapat ang materyal.
2- Iilan lang ang materyal.
1- walang materyal
Kaugnayan ng mga ideya sa isa’t isa
1 2 3 4 5
5-Lahat ng mga ideya ay magkakaugnay sa
isa’t isa.
4-Halos lahat ng mga ideya ay
magkakaugnay sa isa’t-isa.
16
3-Maraming mga ideya ang magkakaugnay
sa isa’t isa.
2-Iilan lang ang mga ideya na magkaugnay
sa isa’t isa.
1-Walang magkakaugnay na mga ideya.
Puntos: _________
Hindi ibig sabihin na tapos na ang taong-panuruan ay tapos narin
ang iyong pagkatuto. Ang karunungan ay hindi nagsisimula at hindi
natatapos sa silid-aralan. Hangga’t may karunungan kang nakukuha,
patuloy ang iyong pagkatuto. Ang mundo ang ating pinakamalaking silid-
aralan at sa loob ng mundong ito, minu-minuto, oras-oras, araw-araw
patuloy tayong natututo.
Maraming Salamat!
17
SUSI NG PAGWAWASTO
.15 HIndi
.14 Oo
.13 Hindi
.12 Hindi
.11 Oo
.10 Dokumentasyon
.9 Dokumentasyon
.8 et .al
.7 Talang Parentitikal
.6 Taon
.5 Signal na Kataga
.4 Talang Parentitikal
.3 Talang Parentitikal
.2 Signal na Kataga
.1 Dokumentasyon
na Pagtataya
Panimulang Pagtataya/ Pangwakas
.8 a
.7 a
.6 a
.5 b
.4 b
.3 b
.2 b
.1 a
Gawain 1
.10 Dokumentasyon
.9 Dokumentasyon
.8 et al.
.7 Talang Parentitikal
.6 Taon
.5 Signal na Kataga
.4 Talang Parentitikal
.3 Talang Parentitikal
.2 Signal na Kataga
.1 Dokumentasyon
SURIIN -Aralin 1
18
TALASANGGUNIAN
A. AKLAT
Altes, J. A.et al. Kognitibong Pagbasa at Lohikal na Pagsulat Tungo sa
Akademikong Pananaliksik. Davao City: Blue Patriarch Publishing House, 2015
Bandril, L. T. et al Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik. Quezon City: Vibal Group, 2016
Bernales, R. A. et al. Pagbasa, Pagsulat at Introduksyon sa Pananaliksik: Batayan
at Sanayang-aklat sa Filipino 2. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.,
2012
Bernales, R. A. Pagbasa, Pagsulat, Pananaliksik: Batayan at Sanayang- Aklat sa
Filipino 2, Antas- Tersyarya. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc., 2009
Bernales, R. A. Retorika: Ang Sining ng Pagpapahayag. Malabon City:Mutya
Publishing House, Inc., 2009
Bernardino, E. C. et al. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto sa
Pananaliksik. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc., 2016
Garcia, T. P. et al Mabisang Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Malabon
City: Mutya Publishing House, Inc., 2008.
B. WEBSITE
https://modules.arvicbabol.com/files/FILI112/Lesson%2020%20Pagsulat%20ng%20Dokumentasyon
Pagsulat%20ng%20Pananaliksik%20(IMRD).pdf
https://www.academia.edu/31675570/PAGSASAAYOS_NG_DOKUMENTASYON_at_BULLET_
WASTONG_PAGGAMIT_NG_MGA_MATERYAL_NA_PAGKUKUNAN_NG_DATOS?auto=do
wnload (
https://modules.arvicbabol.com/files/FILI112/Lesson%2021%20Pagsulat%20ng%20Pinal%20na%20
Draft.pdf
https://www.academia.edu/31675570/PAGSASAAYOS_NG_DOKUMENTASYON_at_BULLET_WASTO
NG_PAGGAMIT_NG_MGA_MATERYAL_NA_PAGKUKUNAN_NG_DATOS
https://www.academia.edu/36097970/ARALIN_5_Pagsulat_ng_Pinal_na_Pananaliksik_Ang_mga_N
akalap_na_Tala
19
For inquires or feedback, please write or call:
Department of Education – (Bureau/Office)
(Office Address)
Telefax:
Email Address

More Related Content

What's hot

Pagsulat11_Editoryal
Pagsulat11_EditoryalPagsulat11_Editoryal
Pagsulat11_EditoryalTine Lachica
 
Pamatnubay at mga uri nito
Pamatnubay at mga uri nitoPamatnubay at mga uri nito
Pamatnubay at mga uri nitoKriza Erin Babor
 
Pagsulat ng editoryal airmayburverade
Pagsulat ng editoryal airmayburveradePagsulat ng editoryal airmayburverade
Pagsulat ng editoryal airmayburveradeYburNadenyawd
 
4. TEKSTONG PROSIDYURAL.pptx
4. TEKSTONG PROSIDYURAL.pptx4. TEKSTONG PROSIDYURAL.pptx
4. TEKSTONG PROSIDYURAL.pptxIreneLumigan
 
Unang araw balita, isports, editoryal, lathalain
Unang araw balita, isports, editoryal, lathalainUnang araw balita, isports, editoryal, lathalain
Unang araw balita, isports, editoryal, lathalainReggie Cruz
 
COHESIVE DEVICE REFERENCE_2019.pptx
COHESIVE DEVICE REFERENCE_2019.pptxCOHESIVE DEVICE REFERENCE_2019.pptx
COHESIVE DEVICE REFERENCE_2019.pptxjerebelle dulla
 
Elemento sa pagbasa
Elemento sa pagbasaElemento sa pagbasa
Elemento sa pagbasaNerz Baldres
 
Aralin 6 Pagsulat ng Editoryal
Aralin 6   Pagsulat ng Editoryal Aralin 6   Pagsulat ng Editoryal
Aralin 6 Pagsulat ng Editoryal Joseph Cemena
 
Banghay aralin sa filipino for demo
Banghay aralin sa filipino for demoBanghay aralin sa filipino for demo
Banghay aralin sa filipino for demoKennethjoyMagbanua
 
Cohesive Device o Kohesyong Gramatikal.pptx
Cohesive Device o Kohesyong Gramatikal.pptxCohesive Device o Kohesyong Gramatikal.pptx
Cohesive Device o Kohesyong Gramatikal.pptxangiegayomali1
 
Pagwawasto ng sipi at pag pagsasanay
Pagwawasto ng sipi at pag pagsasanayPagwawasto ng sipi at pag pagsasanay
Pagwawasto ng sipi at pag pagsasanayConchita Timkang
 
Pagsasanay sa pagwawasto ng sipi at pag uulo ng balita Milagros M. Saclauso
Pagsasanay sa pagwawasto ng sipi at pag uulo ng balita Milagros M. SaclausoPagsasanay sa pagwawasto ng sipi at pag uulo ng balita Milagros M. Saclauso
Pagsasanay sa pagwawasto ng sipi at pag uulo ng balita Milagros M. SaclausoMila Saclauso
 

What's hot (20)

Pagsulat11_Editoryal
Pagsulat11_EditoryalPagsulat11_Editoryal
Pagsulat11_Editoryal
 
Metakognitiv na
Metakognitiv naMetakognitiv na
Metakognitiv na
 
Balita
BalitaBalita
Balita
 
Pamatnubay at mga uri nito
Pamatnubay at mga uri nitoPamatnubay at mga uri nito
Pamatnubay at mga uri nito
 
Pagsulat ng editoryal airmayburverade
Pagsulat ng editoryal airmayburveradePagsulat ng editoryal airmayburverade
Pagsulat ng editoryal airmayburverade
 
Kasanayan sa pagbasa
Kasanayan sa pagbasaKasanayan sa pagbasa
Kasanayan sa pagbasa
 
TEKSTONG NARATIBO.pptx
TEKSTONG NARATIBO.pptxTEKSTONG NARATIBO.pptx
TEKSTONG NARATIBO.pptx
 
4. TEKSTONG PROSIDYURAL.pptx
4. TEKSTONG PROSIDYURAL.pptx4. TEKSTONG PROSIDYURAL.pptx
4. TEKSTONG PROSIDYURAL.pptx
 
Pagsasalita
PagsasalitaPagsasalita
Pagsasalita
 
Unang araw balita, isports, editoryal, lathalain
Unang araw balita, isports, editoryal, lathalainUnang araw balita, isports, editoryal, lathalain
Unang araw balita, isports, editoryal, lathalain
 
COHESIVE DEVICE REFERENCE_2019.pptx
COHESIVE DEVICE REFERENCE_2019.pptxCOHESIVE DEVICE REFERENCE_2019.pptx
COHESIVE DEVICE REFERENCE_2019.pptx
 
Elemento sa pagbasa
Elemento sa pagbasaElemento sa pagbasa
Elemento sa pagbasa
 
Pagsulat ng balita
Pagsulat ng balitaPagsulat ng balita
Pagsulat ng balita
 
Aralin 6 Pagsulat ng Editoryal
Aralin 6   Pagsulat ng Editoryal Aralin 6   Pagsulat ng Editoryal
Aralin 6 Pagsulat ng Editoryal
 
Ang nobela
Ang nobelaAng nobela
Ang nobela
 
Banghay aralin sa filipino for demo
Banghay aralin sa filipino for demoBanghay aralin sa filipino for demo
Banghay aralin sa filipino for demo
 
Cohesive Device o Kohesyong Gramatikal.pptx
Cohesive Device o Kohesyong Gramatikal.pptxCohesive Device o Kohesyong Gramatikal.pptx
Cohesive Device o Kohesyong Gramatikal.pptx
 
Pagwawasto ng sipi at pag pagsasanay
Pagwawasto ng sipi at pag pagsasanayPagwawasto ng sipi at pag pagsasanay
Pagwawasto ng sipi at pag pagsasanay
 
Pagsasanay sa pagwawasto ng sipi at pag uulo ng balita Milagros M. Saclauso
Pagsasanay sa pagwawasto ng sipi at pag uulo ng balita Milagros M. SaclausoPagsasanay sa pagwawasto ng sipi at pag uulo ng balita Milagros M. Saclauso
Pagsasanay sa pagwawasto ng sipi at pag uulo ng balita Milagros M. Saclauso
 
Sanaysay fil 10.pptx
Sanaysay fil 10.pptxSanaysay fil 10.pptx
Sanaysay fil 10.pptx
 

Similar to Pagbasa11_Q4_Mod12_Pagsasaayos-ng-Dokumentasyon.doc

pdfcoffee.com_pagbasa11-q3-mod10-pagbuo-ng-konseptong-papel-v3-pdf-free.pdf
pdfcoffee.com_pagbasa11-q3-mod10-pagbuo-ng-konseptong-papel-v3-pdf-free.pdfpdfcoffee.com_pagbasa11-q3-mod10-pagbuo-ng-konseptong-papel-v3-pdf-free.pdf
pdfcoffee.com_pagbasa11-q3-mod10-pagbuo-ng-konseptong-papel-v3-pdf-free.pdfMaui Taylor
 
PPIITTP_Q4_M1_Pagsusuri-ng-ilang-halimbawang-pananaliksik-sa-Filipino-batay-s...
PPIITTP_Q4_M1_Pagsusuri-ng-ilang-halimbawang-pananaliksik-sa-Filipino-batay-s...PPIITTP_Q4_M1_Pagsusuri-ng-ilang-halimbawang-pananaliksik-sa-Filipino-batay-s...
PPIITTP_Q4_M1_Pagsusuri-ng-ilang-halimbawang-pananaliksik-sa-Filipino-batay-s...ChristineJaneOrcullo
 
Proseso sa Pagsulat ng Pananaliksik
Proseso sa Pagsulat ng PananaliksikProseso sa Pagsulat ng Pananaliksik
Proseso sa Pagsulat ng PananaliksikKokoStevan
 
Pagbibigay Kahulugan sa mga Konseptong Kaugnay ng Pananaliksik
Pagbibigay Kahulugan sa mga Konseptong Kaugnay ng PananaliksikPagbibigay Kahulugan sa mga Konseptong Kaugnay ng Pananaliksik
Pagbibigay Kahulugan sa mga Konseptong Kaugnay ng PananaliksikKokoStevan
 
Q2. A11. PANANALIKSIK (MGA HAKBANG SA PAGBUO NG SULATING PANANALIKSIK.pptx
Q2. A11. PANANALIKSIK (MGA HAKBANG SA PAGBUO NG SULATING PANANALIKSIK.pptxQ2. A11. PANANALIKSIK (MGA HAKBANG SA PAGBUO NG SULATING PANANALIKSIK.pptx
Q2. A11. PANANALIKSIK (MGA HAKBANG SA PAGBUO NG SULATING PANANALIKSIK.pptxgwennesheenafayefuen1
 
MODYUL 1 G11.pptx........................................
MODYUL 1 G11.pptx........................................MODYUL 1 G11.pptx........................................
MODYUL 1 G11.pptx........................................ferdinandsanbuenaven
 
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't-ibang Teksto Tungo sa PananaliksikPagbasa at Pagsusuri ng Iba't-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't-ibang Teksto Tungo sa PananaliksikEVAFECAMPANADO
 
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdf
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdfFIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdf
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdfjhoncristiantolentin
 
Filipino11-PAPNITTSP-Week-3-LE-1-Aralin-5.docx
Filipino11-PAPNITTSP-Week-3-LE-1-Aralin-5.docxFilipino11-PAPNITTSP-Week-3-LE-1-Aralin-5.docx
Filipino11-PAPNITTSP-Week-3-LE-1-Aralin-5.docxgiogonzaga
 
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdfFIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdfCrisElcarte
 
7_Q2-Komunikasyon [Autosaved].pptx
7_Q2-Komunikasyon [Autosaved].pptx7_Q2-Komunikasyon [Autosaved].pptx
7_Q2-Komunikasyon [Autosaved].pptxSophiaAnnFerrer
 
Week-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdf
Week-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdfWeek-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdf
Week-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdfMARYANNLOPEZ16
 
KPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdf
KPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdfKPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdf
KPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdfJohnnyJrAbalos1
 
Mga Uri ng Teksto
Mga Uri ng TekstoMga Uri ng Teksto
Mga Uri ng TekstoKokoStevan
 
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.MerecidoKomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.MerecidoLizellRagasa
 
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdfFIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdfJrJr50
 
ESP-Q2_MODULE-9.pdf
ESP-Q2_MODULE-9.pdfESP-Q2_MODULE-9.pdf
ESP-Q2_MODULE-9.pdfnelietumpap1
 

Similar to Pagbasa11_Q4_Mod12_Pagsasaayos-ng-Dokumentasyon.doc (20)

pdfcoffee.com_pagbasa11-q3-mod10-pagbuo-ng-konseptong-papel-v3-pdf-free.pdf
pdfcoffee.com_pagbasa11-q3-mod10-pagbuo-ng-konseptong-papel-v3-pdf-free.pdfpdfcoffee.com_pagbasa11-q3-mod10-pagbuo-ng-konseptong-papel-v3-pdf-free.pdf
pdfcoffee.com_pagbasa11-q3-mod10-pagbuo-ng-konseptong-papel-v3-pdf-free.pdf
 
PPIITTP_Q4_M1_Pagsusuri-ng-ilang-halimbawang-pananaliksik-sa-Filipino-batay-s...
PPIITTP_Q4_M1_Pagsusuri-ng-ilang-halimbawang-pananaliksik-sa-Filipino-batay-s...PPIITTP_Q4_M1_Pagsusuri-ng-ilang-halimbawang-pananaliksik-sa-Filipino-batay-s...
PPIITTP_Q4_M1_Pagsusuri-ng-ilang-halimbawang-pananaliksik-sa-Filipino-batay-s...
 
Proseso sa Pagsulat ng Pananaliksik
Proseso sa Pagsulat ng PananaliksikProseso sa Pagsulat ng Pananaliksik
Proseso sa Pagsulat ng Pananaliksik
 
Pagbibigay Kahulugan sa mga Konseptong Kaugnay ng Pananaliksik
Pagbibigay Kahulugan sa mga Konseptong Kaugnay ng PananaliksikPagbibigay Kahulugan sa mga Konseptong Kaugnay ng Pananaliksik
Pagbibigay Kahulugan sa mga Konseptong Kaugnay ng Pananaliksik
 
Q2. A11. PANANALIKSIK (MGA HAKBANG SA PAGBUO NG SULATING PANANALIKSIK.pptx
Q2. A11. PANANALIKSIK (MGA HAKBANG SA PAGBUO NG SULATING PANANALIKSIK.pptxQ2. A11. PANANALIKSIK (MGA HAKBANG SA PAGBUO NG SULATING PANANALIKSIK.pptx
Q2. A11. PANANALIKSIK (MGA HAKBANG SA PAGBUO NG SULATING PANANALIKSIK.pptx
 
MODYUL 1 G11.pptx........................................
MODYUL 1 G11.pptx........................................MODYUL 1 G11.pptx........................................
MODYUL 1 G11.pptx........................................
 
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't-ibang Teksto Tungo sa PananaliksikPagbasa at Pagsusuri ng Iba't-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
 
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdf
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdfFIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdf
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdf
 
Filipino11-PAPNITTSP-Week-3-LE-1-Aralin-5.docx
Filipino11-PAPNITTSP-Week-3-LE-1-Aralin-5.docxFilipino11-PAPNITTSP-Week-3-LE-1-Aralin-5.docx
Filipino11-PAPNITTSP-Week-3-LE-1-Aralin-5.docx
 
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdfFIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
 
Aralin-4-5.pptx
Aralin-4-5.pptxAralin-4-5.pptx
Aralin-4-5.pptx
 
7_Q2-Komunikasyon [Autosaved].pptx
7_Q2-Komunikasyon [Autosaved].pptx7_Q2-Komunikasyon [Autosaved].pptx
7_Q2-Komunikasyon [Autosaved].pptx
 
Week-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdf
Week-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdfWeek-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdf
Week-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdf
 
KPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdf
KPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdfKPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdf
KPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdf
 
Mga Uri ng Teksto
Mga Uri ng TekstoMga Uri ng Teksto
Mga Uri ng Teksto
 
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.MerecidoKomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
 
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdfFIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
 
ESP-Q2_MODULE-9.pdf
ESP-Q2_MODULE-9.pdfESP-Q2_MODULE-9.pdf
ESP-Q2_MODULE-9.pdf
 
Research.pptx
Research.pptxResearch.pptx
Research.pptx
 
FILIPINO 8-Q1 MOD5.pptx
FILIPINO 8-Q1 MOD5.pptxFILIPINO 8-Q1 MOD5.pptx
FILIPINO 8-Q1 MOD5.pptx
 

More from JONALIZA BANDOL

QUANTITATIVE-AND-QUALITATIVE-METHOD.pdf
QUANTITATIVE-AND-QUALITATIVE-METHOD.pdfQUANTITATIVE-AND-QUALITATIVE-METHOD.pdf
QUANTITATIVE-AND-QUALITATIVE-METHOD.pdfJONALIZA BANDOL
 
RPMS-JERAMIE-LEGASPI.pptx
RPMS-JERAMIE-LEGASPI.pptxRPMS-JERAMIE-LEGASPI.pptx
RPMS-JERAMIE-LEGASPI.pptxJONALIZA BANDOL
 
TheWriting-ReadingConnection.pptx
TheWriting-ReadingConnection.pptxTheWriting-ReadingConnection.pptx
TheWriting-ReadingConnection.pptxJONALIZA BANDOL
 
EAPP-Q1-week-5-6-LAS.docx
EAPP-Q1-week-5-6-LAS.docxEAPP-Q1-week-5-6-LAS.docx
EAPP-Q1-week-5-6-LAS.docxJONALIZA BANDOL
 
RPMS-JERAMIE-LEGASPI.pptx
RPMS-JERAMIE-LEGASPI.pptxRPMS-JERAMIE-LEGASPI.pptx
RPMS-JERAMIE-LEGASPI.pptxJONALIZA BANDOL
 
AppendixE.1_MRF_T1-3-2021-2022_KAREN-GRACE-MARCOS.docx
AppendixE.1_MRF_T1-3-2021-2022_KAREN-GRACE-MARCOS.docxAppendixE.1_MRF_T1-3-2021-2022_KAREN-GRACE-MARCOS.docx
AppendixE.1_MRF_T1-3-2021-2022_KAREN-GRACE-MARCOS.docxJONALIZA BANDOL
 
White Orange Watercolor Brush Page Border (1).pdf
White Orange Watercolor Brush Page Border (1).pdfWhite Orange Watercolor Brush Page Border (1).pdf
White Orange Watercolor Brush Page Border (1).pdfJONALIZA BANDOL
 

More from JONALIZA BANDOL (12)

QUANTITATIVE-AND-QUALITATIVE-METHOD.pdf
QUANTITATIVE-AND-QUALITATIVE-METHOD.pdfQUANTITATIVE-AND-QUALITATIVE-METHOD.pdf
QUANTITATIVE-AND-QUALITATIVE-METHOD.pdf
 
RPMS-JERAMIE-LEGASPI.pptx
RPMS-JERAMIE-LEGASPI.pptxRPMS-JERAMIE-LEGASPI.pptx
RPMS-JERAMIE-LEGASPI.pptx
 
LAS_Q1_34_EAPP.pdf
LAS_Q1_34_EAPP.pdfLAS_Q1_34_EAPP.pdf
LAS_Q1_34_EAPP.pdf
 
TheWriting-ReadingConnection.pptx
TheWriting-ReadingConnection.pptxTheWriting-ReadingConnection.pptx
TheWriting-ReadingConnection.pptx
 
EAPP-Q1-week-5-6-LAS.docx
EAPP-Q1-week-5-6-LAS.docxEAPP-Q1-week-5-6-LAS.docx
EAPP-Q1-week-5-6-LAS.docx
 
Quiz No.2.docx
Quiz No.2.docxQuiz No.2.docx
Quiz No.2.docx
 
QUIZ No.5.docx
QUIZ No.5.docxQUIZ No.5.docx
QUIZ No.5.docx
 
Group-5-research.docx
Group-5-research.docxGroup-5-research.docx
Group-5-research.docx
 
RPMS-JERAMIE-LEGASPI.pptx
RPMS-JERAMIE-LEGASPI.pptxRPMS-JERAMIE-LEGASPI.pptx
RPMS-JERAMIE-LEGASPI.pptx
 
AppendixE.1_MRF_T1-3-2021-2022_KAREN-GRACE-MARCOS.docx
AppendixE.1_MRF_T1-3-2021-2022_KAREN-GRACE-MARCOS.docxAppendixE.1_MRF_T1-3-2021-2022_KAREN-GRACE-MARCOS.docx
AppendixE.1_MRF_T1-3-2021-2022_KAREN-GRACE-MARCOS.docx
 
White Orange Watercolor Brush Page Border (1).pdf
White Orange Watercolor Brush Page Border (1).pdfWhite Orange Watercolor Brush Page Border (1).pdf
White Orange Watercolor Brush Page Border (1).pdf
 
Eapp
Eapp Eapp
Eapp
 

Recently uploaded

FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxMimmeMCompra
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5TeacherTinCabanayan
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxdiannesofocado8
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxMarcChristianNicolas
 
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumDLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumVALERIEYDIZON
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxevafecampanado1
 
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxBook Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxdhanjurrannsibayan2
 
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxSaint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxMartin M Flynn
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADlykamaevargas77
 
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikanPagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikanJohairaAcot
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...john mark calimpusan
 
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptxBUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptxRochAsuncion
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterssuser181c5c
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxCarljeemilJomuad
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxrocinegallegocbam
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdfreboy_arroyo
 
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...SundieGraceBataan
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxarleenrodelas1
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxArielTupaz
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxMarwinElleLimbaga
 

Recently uploaded (20)

FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
 
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumDLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
 
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxBook Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
 
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxSaint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
 
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikanPagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
 
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptxBUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
 
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
 

Pagbasa11_Q4_Mod12_Pagsasaayos-ng-Dokumentasyon.doc

  • 1. Ikaapat na Kuwarter-Modyul 12: Pagsasaayos ng Dokumentasyon at Pagbuo ng Pinal na Draft
  • 2. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Senior High School Alternative Delivery Mode Ikaapat na Kuwarter – Modyul 12: Pagsasaayos ng Dokumentasyon at Pagbuo ng Pinal na Daft Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman. Kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na nagamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsusumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Alain Del B. Pascua Mga Bumubuo ng Modyul para mga Mag-aaral Manunulat: Dexie P. Dilag, Maricar C. Ranara, Bonifacio N. Gegato Jr, Marben A. Oco Tagasuri ng Nilalaman: Johanna Vanessa C. Obedencio Tagasuri ng Lengguwahe: Mary Ann A. Maglangit, Russel Kerr E. Galarroza Tagabalibasa: Louella Jean B. Mariano Tagasuri : Leonor C. Reyes,MAEDFIL Mga Tagaguhit: Perlito L. Lomongo Naglayout: Jupiter B. Acosta Mga Tagapamahala: Pangulo: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III Regional Director Pangalawang Pangulo:Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V Assistant Regional Director Jonathan S. dela Peña, PhD, CESO V Schools Division Superintendent Rowena H. Para-on, PhD Assistant Schools Division Superintendent Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD Kasapi:Neil A. Improgo, PhD,EPS-LRMS; Bienvenido U. Tagolimot, Jr.,PhD, EPS- ADM; Erlinda G. Dael, PhD, CID Chief; Sally S. Aguilar, PhD, EPS Filipino; Celieto B. Magsayo, LRMS Manager; Loucile L. Paclar, Librarian II; Kim Eric G. Lubguban, PDO II Inilimbag sa Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Misamis Oriental Office Address: Don Apolinar Velez Street, Cagayan de Oro City, 9000 Telephone Nos: (088) 881-3094 | Text: 0917-8992245 E-mail Address: misamis.oriental@deped.gov.ph
  • 3. Ikaapat na Kuwarter - Modyul 12 Pagsasaayos ng Dokumentasyon at Pagbuo ng Pinal na Draft Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga pampublikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.
  • 4. Sa tulong ng agham at teknolohiya, malayo na ang narating ng ating kabihasnan. Maraming makabagong kagamitang nabuo na nagpapadali ng mga gawain. Hindi naging mahirap ang pakikipagkomunikasyon sapagkat maraming maaaring gamitin gaano man kalayo ang kinaroroonan sa tulong ng makabagong teknolohiya. Nariyan ang internet, fax, cellphone, telepono, liham at iba pa. Maraming nakapagtatrabaho sa ibang bansa, nakahihiling, nakapagtatanong, nakapag-aanyaya at iba pang bagay na may kaugnayan dito dahil lamang sa tulong ng iba’t ibang teknolohiya. Sinasabing mabisang kasangkapan ang tamang pagtugon sa proseso upang mas mapadali ang minimithing tatapusing gawain. Maaaplay sa modyul na ito ang mga makaraang paksa na naitalakay upang mabuo ang pananaliksik na gagawin. Sa modyul na ito ay sinasanay ka na maging lohikal at kritikal sa pagsusuri ng iba’t ibang anyo ng teksto sa pamamagitan ng mga simpleng aralin at gawain na maghahanda sa iyo sa pagbuo ng makabuluhang pananaliksik. Ang modyul na ito ay hinati sa iilang mga bahagi na may magkatimbang na halaga sa pagkatuto. Ito ay hinati sa mga sumusunod na bahagi: Alamin – Sa bahaging ito inilalahad ang mga Kasanayang Pampagkatuto na sisikapin nating matamo sa buong semestre. Subukin – Dito susubukin ang lawak ng iyong kasalukuyang kaalaman tungkol sa paksa. Yugto ng Pagkatuto – Sa bahaging ito, matututunan mo ang araling itinakda na hinati sa iilang mga bahagi gaya ng balikan, tuklasin, suriin, pagyamanin, isaisip at isagawa. Tayahin – Malalaman mo sa bahaging ito kung sadya bang naunawaan mo ang bagong araling napag-aralan sa pamamagitan ng pagtataya ng natamong kaalaman. Karagdagang Gawain – Upang mas mapalawak at mapalawig pa ang iyong kaalaman sa araling ito, isa pang gawain ang iyong kailangang tapusin sa bahaging ito. Lahat ng iyong mga kasagutan sa mga gawain ay isusulat mo sa kalakip na Activity Sheets. Maaari kang gumamit ng dagdag na papel bilang burador bago mo pinal na isulat sa Activity Sheets. Ayon kay Aristotle, “Ang ugat ng karunungan ay mapait, subalit ang bunga ay matamis” kaya, hinihikayat kita na pag-igihan ang makabagong paraan ng pagbahagi ng karunungan. Maaaring may mga pagkakataon na ikaw ay malulumbay o mawawalan ng dahilan upang matuto ngunit pakatandaan na ang iyong pagsisikap ay tiyak na magbubunga ng kasaganahan. Halina’t matuto! Mga May-akda 1
  • 5. ALAMIN Ilalahad ng modyul na ito ang kabuuan ng isinagawa mong pananaliksik batay sa tamang pormat, metodo mga pamamaraan at dokumentayon. Sa bahaging ito magbibigay ang guro ng pinal na pagmamarka sa sulating pananaliksik kung nasunod ang mga bahaging hinihingi ng pananaliksik. Makikita rin sa modyul na ito ang yugto ng pagkatuto na balikan, tuklasin, suriin, pagyamanin, isaisip, isagawa at tayahin. Sa simula at wakas ng modyul, may mga pagtataya na naglalayong subukin ang iyong kaalaman bago matapos ang aralin upang mapaunlad ang iyong kasanayan sa pangkabatiran (cognitive), pandamdamin (affective), at saykomotor (psychomotor). Sa pagtatapos ng talakayan na ito, inaasahang makakamit ang sumusunod na Kasanayang Pampagkatuto: 1. Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik. (F11PU – IVef – 91) 1.1 Natutukoy ang layunin, metodo at paraan sa pagsasaayos ng pinal na dokumentasyon 1.2 Nagagamit ang estilong APA Format sa pagdudukumentasyon at sa pagbuo ng pinal na draft 2. Nakabubuo ng isang maikling pananaliksik na napapanahon ang paksa (F11EP – IVij – 38) 2.1 Nakasusunod sa pamantayan ng pagsulat ng masinop na pananaliksik. 2
  • 6. SUBUKIN PANIMULANG PAGTATAYA Bago natin simulan ang ating talakayan, magkakaroon muna tayo ng pagrerepaso kung mayroon ba tayong ideya sa paksa. Hanapin ang sagot mula sa loob ng parihaba. Maaaring ulitin ang iyong sagot. Taon Signal na Kataga Talang Parentetikal et al. Dokumentasyon A. Basahin ang mga sumusunod na pahayag at ibigay ang hinihinging tamang sagot. ____________ 1. Makikita ito sa loob ng pagtalakay ng pananaliksik. ____________ 2. Ito ay makikita sa unahan ng impormasyon. ____________ 3. Ito ay in-text na dokumentasyon na ginagamitan ng ampersand (&). ____________ 4. Ito ay makikita sa hulihan ng impormasyon. ____________ 5. Ito ay in-text na dokumentasyon na hindi ginagamitan ng ampersand (&). ____________ 6. Ito ay nilalagay pagkatapos ng apelyido ng awtor. ____________ 7. Ito ang tanging paraan na pwedeng itala ang hanguan na walang awtor. ____________ 8. Ano ang isusulat kung mahigit sa dalawa ang awtor? ____________ 9. Ito ay pangangalap at pagsasaayos ng mga materyal. ____________10. Ito ay nagbibigay ng kredibilidad sa mga datos o impormasyon na nakalap. B. Oo at Hindi. Suriin ang mga impormasyon at tukuyin kung ito ay halimbawa o bahagi ng Signal na Kataga o Talang Parentetikal. Isulat ang Oo kung ito ay halimbawa o bahagi habang Hindi naman kung ito ay hindi halimbawa o bahagi. Signal na Kataga 11. para kay 12. 2009 13. Bernales Talang parentetikal 14. (Bernales, et al., 2009) 15. Bernales (et al., 2009) 3
  • 7. BALIKAN Balikan natin ang nakaraang aralin. Punan ang talahanayan sa ibaba batay sa hinihingi nito. Paksa Hanguang Hanguang Paraan ng Primarya Sekundaryo Pangangalap (Survey, Panayam, Imersiyon) 1. Depresyon sa Biktima ng mga Kabataan Depresyon, Balita, Website Panayam DSWD, DOH 2. Sanhi ng Broken Family 3. Epekto ng Online Game sa Pag-aaral 4. Impluwensiya ng KDrama 5. COVID 19 TUKLASIN Paramihan ng mga Salita. Punan ang graphic organizer sa ibaba. Magbigay ng mga bagong salitang mabubuo mula sa salitang DOKUMENTASYON DOKUMENTASYON 4
  • 8. SURIIN ARALIN 1 - PAGSASAAYOS NG DOKUMENTASYON Sa pangkalahatang terminolohiya, ang dokumentasyon ay pangangalap at pagsasaayos ng mga materyal tulad ng mga teksto, bidyu, aklat, magasin at iba pang ginamit sa isang akademikong sulatin (Bernardino, et al., 2016). Ayon sa AMA Online Education (2020), mahalaga ang pagsasagawa ng dokumentasyon at may ilan itong tungkuling ginagampanan sa isang pananaliksik: • Ito ay nagbibigay ng kredibilidad sa mga datos o impormasyon na nakalap ng mananaliksik; • Ito ang nagbibigay ng kapani-paniwalang impresyon sa isang pananaliksik lalo kung binabanggit dito ang mga awtor na pinaghanguan ng mga datos, • Ito ay ang nagsisilbing ebidensya o patunay na balido ang mga nailatag na impormasyon sa isang pananaliksik • Nakatutulong ang dokumentasyon upang makita ang partikular na sanggunian upang maiwan ang plagiarism o plahiyo. In-text Citation Ang in-text na dokumentasyon ay makikita sa loob ng pagtalakay ng pananaliksik. Sa pagkakataong gumamit ang mananaliksik ng ideyang hinango sa iba, kailangang malaman ng mga mambabasa kung saan nagsimula ang ideyang hiniram at saan nagtapos. Samakatuwid, kailangang ipakilala ng mananaliksik ang pinaghanguan ng datos sa pamamagitan ng pagbibigay ng apelyido at taon ng pagkalimbag ng aklat na pinaghanguan sa dalawang pamamaraan, ang parentikal na pamamaraan at ang paggamit ng kataga bilang signal (Bernales, et al., 2012). Uri ng In-text na Dokumentasyon sa paraang APA 1. Signal na kataga. Ginagamitan ito ng mga signal tulad ng Ayon kay/kina/sa, Batay kay/kina/sa, Binigyang diin ni/nina/sa at iba pa. Ang signal na kataga ay nasa unahan ng ideya makikita at tanging ang taon ng pagkakalimbag ang nakapaloob sa panaklong. Kung dalawa ang awtor, dapat gamitin ang at at hindi ampersand (&) bilang panghiwalay sa dalawang awtor. Madalas na gamitin ito maliban na lamang sa mga hanguang walang mga awtor. Halimbawa: Binigyang diin ni Santos (2008) na ang wika ay isang behikulo upang magkaunawaan ang… 5
  • 9. 2. Talang Parentetikal- Ang talang parentetikal ay sa katapusan ng ideya makikita at parehong nakapaloob sa panaklong ang apelyido ng awtor at ang taon ng pagkaalimbag ng aklat. Kung dalawa ang awtor, gamitin ang ampersand (&) bilang panghiwalay sa dalawang awtor. Maaaring gamitin ang talang parentetikal sa iba’t ibang hanguan subalit tanging sa parentetikal na pamamaraan lamang pwedeng maitala ang mga hanguang walang awtor, gaya ng website o aklat na walang awtor. Halimbawa: Ang wika ay isang pangunahing behikulo upang magkaunawaan ang… (Santos, 2008). Maraming pamamaraan ang in-text na dokumentsayon, at ilan dito ay nakadepende sa uri ng hanguan ng ideya. May mga pangkalahatang pormat sa pagtatala ng in-text tulad ng mga sumusunod: A. Isang awtor Ayon kay Halliday (1973), may gamit na instrumental ang wika. Tumutulong ito sa mga tao upang maisagawa ang mga bagay na gusto niyang gawin. May gamit na instrumental ang wika. Tumutulong ito sa mga tao upang maisagawa ang mga bagay na gusto niyang gawin (Halliday, 1973). B. Dalawang awtor Batay sa pag-aaral na ginawa nina Carpenter at Readman (2006), ang pisikal na kapansanan tulad ng kapansanan sa mga paa, pagkabulag, pagkapipi at iba pa y isang malaking hadlang sa mga aktibidades sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga ito. Ang pisikal na kapansanan tulad ng kapansanan sa mga paa, pagkabulag, pagkapipi at iba pa y isang malaking hadlang sa mga aktibidades sa pang-araw- araw na pamumuhay ng mga ito (Carpenter & Readman, 2006). C. Tatlo hanggang limang awtor Sa pananaliksik nina Oller, et al. (2007) ay nagmungkahi na ang mga bilinguwal na mga mag-aaral ay maaaring magkaroon ng maliit na leksyon sa bokabularyo kumpara sa mga hindi bilingguwal na siyang dapat mas pagtutuunan sa pagtuturo ng bokabularyo. Iminumungkahi na ang mga bilinguwal na mga mag-aaral ay maaaring magkaroon ng maliit na leksyon sa bokabularyo kumpara sa mga hindi bilingguwal na siyang dapat mas pagtutuunan sa pagtuturo ng bokabularyo (Oller, et al., 2007). 6
  • 10. D. Grupo o Institusyon Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (2009), ang muling pagrebisa ng Ortograpiya ay ibinunsod ng di-ganap na pagtupad sa Kautusang Pangkagawaran ng 1987. Ang muling pagrebisa ng Ortograpiya ay ibinunsod ng di-ganap na pagtupad sa Kautusang Pangkagawaran ng 1987 (Komisyon sa Wikang Filipino, 2009). E. Walang awtor Sa pangkalahatan, sa bawat stick ng sigarilyo na nauubos ng mga naninigarilyo ay labindalawang minuto ang nababawas sa buhay ng mga ito (A Fistful of Risks, 1996, pp. 82). F. Di-direktang hanguan Binigyang diin ni Gleason (1995, sa Bernales, 2009) na ang wika ay isang masistemang balangkas na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nasa iisang komunidad. Ang wika ay isang masistemang balangkas na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nasa iisang komunidad (Gleason, 1995, sa Bernales, 2009). G. Website na walang awtor o hanguang elektroniko Ang AIDS ay isang seryosong karamdaman at isang nakamamatay na sakit. Sa mahigit na 20 taon na nakalipas, ang mga manggagamot sa Estados Unidos ang unang nakakilala ng naturang sakit at kinakitaan ng unang kaso lalo na sa San Francisco. Sa kasalukuyan, mayroong naitala na 42 milyong kaso ng sakit na HIV AIDS sa buong mundo at mahigit na tatlong milyon ang namamatay sa ganitong sakit sa bawat taon (http://www.kidshealth.org). Basahin ang mga sumusunod na pahayag at ibigay ang hinihinging tamang sagot. ____________ 1. Makikita ito sa loob ng pagtalakay ng pananaliksik. ____________ 2. Ito ay makikita sa unahan ng impormasyon. ____________ 3. Ito ay in-text na dokumentasyon na ginagamitan ng ampersand (&). ____________ 4. Ito ay makikita sa hulihan ng impormasyon. ____________ 5. Ito ay in-text na dokumentasyon na hindi ginagamitan ng ampersand (&). ____________ 6. Ito ay nilalagay pagkatapos ng apelyido ng awtor. ____________ 7. Ito ang tanging paraan na pwedeng itala ang hanguan na walang awtor. 7
  • 11. ____________ 8. Ano ang isusulat kung mahigit sa dalawa ang awtor? ____________ 9. Ito ay pangangalap at pagsasaayos ng mga materyal. ____________10. Ito ay nagbibigay ng kredibilidad sa mga datos o impormasyon na nakalap. Para sa dagdag na impormasyon hinggil sa paksa maaaring bisitahin ang kasunod na link https://www.slideshare.net/MNOlaguer24/paggamit-ng-iba-t-ibang- sistema-ng-dokumentasyon Ngayong alam mo na ang pagsasaayos ng iyong mga datos at tala ay maari mo ng balikan muli ang iyong burador upang maisulat ang pinal na sipi ng iyong pananaliksik. Para maisagawa ito nang maayos basahin at suriin muna ang kasunod na aralin. ARALIN 2 - PAGBUO NG PINAL NA DRAFT Sadyang napakahalaga sa isang sulating pananaliksik ang nilalaman o ang ideyang pinaabot niyon sa mambabasa. Ngunit kasinghalaga niyon ang matuto at masanay ang mananaliksik sa wasto at mabisang presentasyon nito - ang wastong pormat, margin, indensiyon, at iba pa. Bahagi ito ng disiplina ng isang mananaliksik. Sinasalamin kasi nito ang kanyang kultura sa pananaliksik at sinop sa paggawa. Isa sa pinakamainam na gagawin sa pagsulat ng teksto ay ang pagpuna sa kakulangan at kahinaan ng isinulat. Sa bahaging ito nagaganap ang pag-eedit at pagrerebisa ng draft o burador batay sa wastong gramatika, bokabularyo at pagkakasunod- sunod ng mga ideya o lohika ( Bernales, et al., 2009). Maaaring ang pagbabago sa isinulat ay ang nilalaman o istruktura ng papel (Magracia, et al., 2008). Paraan upang madaling mabago, mapaunlad ang pinal na draft sa papel pananaliksik ▪ Ang tuntunin sa gramatika sa paggamit ng malaking titik ay kailangang istriktong masunod sa pagsulat ng pamanahong papel tulad ng sa simula ng mga pangungusap, pangngalang pantangi, mga dinaglat na titulo, mga titulong pantawag tulad Mang, Aling, Padre at iba pa. Ang tanging ekspresyon sa mga tuntuning ito ay pamagat bilang at pamagat ng bawat kabanata sa katawan ng pamanahong-papel na isinusulat ng buo sa malalaking titik (all caps) ▪ Basahing mabuti ang papel pananaliksik. ▪ Mainam na iprint ang papel upang mas maging madali ang pag-edit ng papel pananaliksik ▪ Tingnan din ang bahaging layout ukol sa ayos ng pahina, laki ng font na gagamitin, spacing, ilustrasyon kung mayroon at iba pa 8
  • 12. Organisasyon ng Papel Matapos mong isaayos at suriin ang mga nakalap mong tala, ang susunod mo namang gagawin ay kung paano mo i-o-organisa ang mga kaisipang ito upang maisulong mo ang tesis ng iyongsulating pananaliksik. sa pag-oorganisa ng papel, isinasaalang-alang ang tesis at ang mga datos o impormasyong nasuri. Mahalaga ang organisayon ng papel sa pagsulat ng pananaliksik sapagkat ito ang susi upangmadaling maunawaan ang iyong papel, kaya nararapat lamang na humanap ng paraan upangmahusay na mapagtagni-tagni ang mga talang nakalap.Maaari mong gamitin ang alinman sa sumusunod na mga prinsipyo sa pag-oorganisa ng papel: ▪ Kronolohikal– Ginagamit ang prinsipyong ito kung ang datos o impormasyon ay ayon sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Kung ang iyong paksa ay naglalahad ng proseso o pangyayari o maging kasaysayan Halimbawa: Ang political dynasty sa Pilipinas Ang ebolusyon ng telepono ▪ Heyograpikal o batay sa espasyo–Ginagamit ito kung ipakikita at ipaliliwanag anglokasyon, lugar, o iba pang paggamit ng espasyo Halimbawa: Ang mga Internet café sa paligid ng mga paaralan at Pamantasan Ang sistema ng edukasyon sa kabihasnan ▪ Komparatibo – Ginagamit kapag nais ipaliwanag o ipakita ang pagkakatulad at/o angpagkakaiba ng dalawang bagay, tao, prinsipyo o kaisipan. Halimbawa: Ang paggamit ng e-book at ng tradisyonal na aklat Ang mano-manong pagbilang ng boto at PCOS machine ▪ Sanhi/Bunga - Ginagamit kung nais bigyang-diin ang sanhi at bunga ng isang paksang sinisiyasat. Halimbawa: Ang kahihinatnan ng mga mag-aaral na nalululong sa Computer Games Ang dahilan ng maagang pag-aasawa ▪ Pagsusuri – Ang prinsipyong ito ay ginagamit kung nais ipakita ang paghihimay-himay ng isang buong kaisipan. Halimbawa: Ang katotohanan sa likod ng modus na “tanim/laglag – bala” Ang mga nabanggit ay isa ilan lamang sa mga prinsipyong ginagamit sa organisasyon ng papel. Maaaring gumamit ng higit sa isang prinsipyo upang ma- debelop ang iyong papel. 9
  • 13. Piliin ang tamang pagkakasulat ng dokumentasyon. Titik lamang ang isulat. 1. a. Ang parentikal na pamamaraan at ang paggamit ng kataga bilang signal (Bernales, et al., 2012). b. Ang parentikal na pamamaraan at ang paggamit ng kataga bilang signal (Bernales, et al., (2012). 2. a. Ayon kay (Klazema, 2020), Ang pamanahong-papel na nasa kwantiteytib na pananaliksik ay isang emperikal. b. Ayon kay Klazema (2020), Ang pamanahong-papel na nasa kwantiteytib na pananaliksik ay isang emperikal. 3. a. Ayon sa (CHED, 2020), wala munang tatanggapin na iskolar sa taong-aralan na ito. b. Ayon sa CHED (2020), wala munang tatanggapin na iskolar sa taong- aralan na ito. 4. a. Ang paggamit ng ideya at/o salita na hindi nagbibigay ng karampatang pagkilala ay isang seryosong krimen na tinatawag na plagyarismo (Phurr at Busemi, 2005). b. Ang paggamit ng ideya at/o salita na hindi nagbibigay ng karampatang pagkilala ay isang seryosong krimen na tinatawag na plagyarismo (Phurr & Busemi, 2005). 5. a. Walang rehiyonal na mga patimpalak Deped, 2020. b. Walang rehiyonal na mga patimpalak (Deped, 2020). 6. a. Huwag magnakaw ng mga salita; sipiin ang mga ito at bigyan ng karampatang pagkilala (Atienza, et al., 1996, sa Bernales et al., 2008). b. Ayon kina Atienza et al. (1996) sa Bernales et al., (2008) huwag magnakaw ng mga salita; sipiin ang mga ito at bigyan ng karampatang pagkilala 7. a. Ayon kina Bernales, et al. (2000), ang sumusumod ay mga katangian ng isang mabuting mananaliksik: masipag, matiyaga, maingat, sistematiko at kritikal/mapanuri. b. Ayon kina, ang sumusumod ay mga katangian ng isang mabuting mananaliksik: masipag, matiyaga, maingat, sistematiko at kritikal/mapanuri Bernales, et al. (2000). 8. a. Ang pananaliksik ayon kay O’Hare at Funk (2000) ay isang pangangalap ng impormasyon galling sa iba’t ibang hanguan sa pamamaraang impormatibo obhetibo. b. Ang pananaliksik ay isang pangangalap ng impormasyon galling sa iba’t ibang hanguan sa pamamaraang impormatibo obhetibo (O’Hare at Funk, 2000). 10
  • 14. PAGYAMANIN I. Sipiin ang mga sumusunod na pangungusap at lagyan ang bawat isa ng wastong dokumentasyon. Gamitin ang dalawang uri ng in-text na dokumentasyon sa paraang APA. Dawalang (2) puntos bawat bilang. 1. Gabay sa Ortograpiyang Filipino, 2007 Ang Batas Komonwelt Blg. 579 na pinagtibay ng Kongreso ay nagpapahayag na ang Wikang Pambansang Pilipino ay isa na sa mga wikang opisyal ng Pilipinas. _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ 2. Mula sa Komisyon sa Pagsulat sa Pilipinas, 2003 Ang suporta ng gobyerno at pribadong sektor sa komisyon ay napakalaking tulong lalo na sa larangan ng pagsulat. _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ 3. Mula kay Cooney, 2008 Sa kabila ng kahinaan ng tula, mababanaag pa rin ang kalakasan ng proyekto sa mga huling bahagi ng suri. Dito natanto na maaari pa lang makaapekto ang isang reyalisasyon sa isang kritik na isinagawa sa mga buhay ng mga mambabasa nito. _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ 4. Mula sa akdang Webster’s New Biblical Dictionary, 1998 Inilarawan si William James bilang “American psychologist and philosopher”. Ang paglalarawang ito ay napakalaking tulong upang tuluyang umangat ang karera niy. _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ 11
  • 15. 5. Mula sa website ng Social Security Administration ng Gobyerno, 2010 “Kapag nahuli na umaabuso sa katungkulan ang isa ng empleyado ay papatawan siya nang nauukol na kaparusahan upang di pamarisan ng iba.” _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ 6. Sinabi ng McCullough sa Truman’s Campaign, 2009 “No President in history had ever gone so far in quest of support from the people, or with less cause for the effort, to judge by informed opinion.” _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ 7. Mula sa akda nina Cassambre at Alcantara, 200 sa Santos, 2006 Walang makabuluhang kaibahan ang pag-unawa ng mga nakinig ng mensahe sa wikang Filipino at sa mga nakinig ng mensahe sa Ingles. _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ 8. Mula sa akdang Kapag Pumula ang Tubig, 2001 Nagaganap ang red tide kapag biglaan at mabilisan ang pagdami o pagkapal ng bilang ng pagkaliliit na mga dinoflagellate. _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ 9. Mula sa akda nina Bernales, Gabuya, Gonzales, Ledesma at Tuazon, 2001 May boom ngayon sa real estate bunga ng pagdami ng nag-i-invest dito. _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ 10. Mula sa akda nina Atienza, et al., 1996, sa Bernales, et al., 2010 Ang hindi pagkilala sa pinagmulan ng mga hiram na salita/ideya ay isang uri ng pagnanakaw ng intelektuwal na pag-aari ng iba sa larangan ng pananaliksik, pamamahayag at literatura na tinatawag na plagyarismo. _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ 12
  • 16. ISAISIP Ang lahat na hindi atin ay huwag nating angkinin. Malaking bagay ang datos na nakalap dahil dito nakasalalay ang kredibilidad ng tekstong gagawin. Ngunit ang hindi pagkilala sa may-ari ng impomasyon ay maituturing na isang krimen. Sa mundo ng pagsusulat, maraming kailangang isaalang-alang lalong lalo na ang ating kredibilidad. Maaaring lahat ng mga pinaghirapan ay mawawalan ng saysay. Hindi lamang layunin sa pagsulat ng teksto ang matapos, layunin din nito ang maiwasto ang pagkakamali. Bilang mag-aaral kapag gagawa tayo ng proyekto lalo na kapag ito ay sulatin, nakakalimutan natin maglaan ng panahon para ito ay basahin at iwasto. Ipapasa nalang natin ito kahit maraming mali. Isang pangangailangan ang pagkakaroon ng panahon upang makita ang kakulangan nang sa gayon ay hangga’t maaari ay error-free ang gagawing sulatin. Bilang paglalahat, 1. Ano ang magiging epekto kung hindi bibigyan ng pagkilala ang mga impormasyon na nakuha ng manunulat? 2. Mayroon bang perpekto na sulatin? ISAGAWA Ibabalik sa iyo ang burador na una mong ginawa, iwawasto mo ito ayon sa mga pagbabago na ginawa ng guro. Isasaayos mo rin ang dokumentasyon. Pagkatapos, balik ito sa guro kasama ang unang burador na ginawa Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos Kohirens. Kakayahang maipakita ang ugnayan ng mga ideya. 1 2 3 4 5 6 6- Lahat ng mga ideya ay magkakaugnay sa isa’t isa. 5- Halos lahat ng mga ideya ay magkakaugnay sa isa’t-isa. 4- Maraming mga ideya ang magkakaugnay sa isa’t isa. 3- Maraming ideya ang hindi magkakaugnay sa isa’t isa. 2- Iilan lang ang mga ideya na magkaugnay sa isa’t isa. 1- Walang magkakaugnay na mga ideya. 13
  • 17. Kaisahan. Malinaw na magkaugnay sa isa’t isa ang ideya. 1 2 3 4 5 6 6- Lahat ng mga ideya ay may kaisahan. 5- Halos lahat ng ideya ay may kisahan. 4-Maraming ideya ang may kaisahan. 3-Maraming ideya ang walang kaisahan. 2- Iilan lang ang ideya ang may kaisahan. 1- Walang kaisahan ang mga ideya. Empasis. Naka-highlight o nabigyang-diin ang mahahalagang punto. 1 2 3 4 5 6 6- Nabigyang-diin ang lahat ng punto. 5-Nabigyang-diin ang halos lahat na punto. 4-Nabigyang-diin ang maraming punto. 3- Maraming hindi nabigyang-diin na mga punto. 2-Iilan lang ang nabigyang-diin na mga punto. 1-Walang nabigyang-diin na mga punto. Kasapatan. Sapat ang materyal- halimbawa, detalye, paliwanag at mga ebidensya/datos. 1 2 3 4 5 6 6-Sapat ang materyal. 5-Halos sapat ang materyal. 4-Maraming sapat ang materyal. 3- Maraming hindi sapat na materyal. 2- Iilan lang ang materyal. 1- walang materyal Kasanayan sa Pangungusap. Wastong gamit ng balarila gaya ng bantas, baybay at maging pormat na ibinigay ng guro at aspekto ng pandiwa. 1 2 3 4 5 6 6- Wasto ang lahat ang pagkagamit ng balarila. 5-Halos wasto lahat ang pagkagamit ng balarila. 4-Maraming wasto na pagkagamit ng balarila 3-Maraming hindi wasto na pagkagamit ng balarila 2-Iilan lang ang wasto na pagkagamit ng balarila. 1-Walang wasto na pagkagamit ng balarila Puntos ___________________ 14
  • 18. Natapos mo na ang asignaturang ito, ang mga impormasyon at kaalamang naunawaan sa loob ng labindalawang (12) modyul ay maisakatuparan at maililipat na sa pinal na sulating pananaliksik na iyong ipapasa sa guro. Maraming salamat sa pagpupursige na tapusin ang bawat modyul, at sa iyong pagtitiyaga sa pagbabasa at pagsusuri sa mga tekstong naging bahagi ng ating talakayan. Ipinamalas mo ang iyong kasipagan at kagalingan. Tunay na ikaw ay isang responsableng mananaliksik. Ipagpatuloy ang mabuting bagay na nasimulan. BINABATI KITA!!! TAYAHIN PANGWAKAS NA PAGTATAYA Bago natin tapusin ang ating talakayan, magkakaroon muna tayo ng pagrerepaso kung nadagdagan ba ang ating kaalaman tungkol sa paksa. Hanapin sa loob ng parihaba ang sagot. Maaaring ulitin ang iyong sagot. Taon Signal na Kataga Talang Parentetikal et al. Dokumentasyon A. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag at ibigay ang hinihinging tamang sagot sa bawat pahayag. ____________1. Makikita ito sa loob ng pagtalakay ng pananaliksik. ____________ 2. Ito ay makikita sa unahan ng impormasyon. ____________ 3. Ito ay in-text na dokumentasyon na ginagamitan ng ampersand (&). ____________ 4. Ito ay makikita sa hulihan ng impormasyon. ____________ 5. Ito ay in-text na dokumentasyon na hindi ginagamitan ng ampersand (&). ____________ 6. Ito ay nilalagay pagkatapos ng apelyido ng awtor. ____________ 7. Ito ang tanging paraan na pwedeng itala ang hanguan na walang awtor. ____________ 8. Ano ang isusulat kung mahigit sa dalawa ang awtor? ____________ 9. Ito ay pangangalap at pagsasaayos ng mga materyal. ____________ 10. Ito ay nagbibigay kredibilidad sa mga datos o impormasyon na nakalap. 15
  • 19. B. Oo at Hindi. Isagot ang Oo kung ito ay Signal na kataga o Talang Parentetikal at Hindi kung hindi naman. Signal na kataga 11. para kay 12. 2009 13. Bernales Talang parentetikal 14. (Bernales, et al., 2009) 15. Bernales (et al., 2009) KARAGDAGANG GAWAIN Repleksiyon: Isulat sa Activity Sheet ang iyong sagot. 1. Isang halimbawa ba ng pagnanakaw ang hindi pagkilala sa pinagmulan impormasyon? Bakit? 2. Paano nakakaapekto ang pagsasaayos ng dokumentasyon sa pagbuo ng pinal na burador? Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos Kaisahan ng mga ideya 1 2 3 4 5 5- Lahat ng mga ideya ay may kaisahan. 4-Halos lahat ng ideya ay may kisahan. 3-Maraming ideya ang may kaisahan. 2-Iilan lang ang ideya ang may kaisahan. 1-Walang kaisahan ang mga ideya. Kasapatan ng mga impormasyon 1 2 3 4 5 5-Sapat ang materyal. 4-Halos sapat ang materyal. 3-Maraming sapat ang materyal. 2- Iilan lang ang materyal. 1- walang materyal Kaugnayan ng mga ideya sa isa’t isa 1 2 3 4 5 5-Lahat ng mga ideya ay magkakaugnay sa isa’t isa. 4-Halos lahat ng mga ideya ay magkakaugnay sa isa’t-isa. 16
  • 20. 3-Maraming mga ideya ang magkakaugnay sa isa’t isa. 2-Iilan lang ang mga ideya na magkaugnay sa isa’t isa. 1-Walang magkakaugnay na mga ideya. Puntos: _________ Hindi ibig sabihin na tapos na ang taong-panuruan ay tapos narin ang iyong pagkatuto. Ang karunungan ay hindi nagsisimula at hindi natatapos sa silid-aralan. Hangga’t may karunungan kang nakukuha, patuloy ang iyong pagkatuto. Ang mundo ang ating pinakamalaking silid- aralan at sa loob ng mundong ito, minu-minuto, oras-oras, araw-araw patuloy tayong natututo. Maraming Salamat! 17
  • 21. SUSI NG PAGWAWASTO .15 HIndi .14 Oo .13 Hindi .12 Hindi .11 Oo .10 Dokumentasyon .9 Dokumentasyon .8 et .al .7 Talang Parentitikal .6 Taon .5 Signal na Kataga .4 Talang Parentitikal .3 Talang Parentitikal .2 Signal na Kataga .1 Dokumentasyon na Pagtataya Panimulang Pagtataya/ Pangwakas .8 a .7 a .6 a .5 b .4 b .3 b .2 b .1 a Gawain 1 .10 Dokumentasyon .9 Dokumentasyon .8 et al. .7 Talang Parentitikal .6 Taon .5 Signal na Kataga .4 Talang Parentitikal .3 Talang Parentitikal .2 Signal na Kataga .1 Dokumentasyon SURIIN -Aralin 1 18
  • 22. TALASANGGUNIAN A. AKLAT Altes, J. A.et al. Kognitibong Pagbasa at Lohikal na Pagsulat Tungo sa Akademikong Pananaliksik. Davao City: Blue Patriarch Publishing House, 2015 Bandril, L. T. et al Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: Vibal Group, 2016 Bernales, R. A. et al. Pagbasa, Pagsulat at Introduksyon sa Pananaliksik: Batayan at Sanayang-aklat sa Filipino 2. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc., 2012 Bernales, R. A. Pagbasa, Pagsulat, Pananaliksik: Batayan at Sanayang- Aklat sa Filipino 2, Antas- Tersyarya. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc., 2009 Bernales, R. A. Retorika: Ang Sining ng Pagpapahayag. Malabon City:Mutya Publishing House, Inc., 2009 Bernardino, E. C. et al. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc., 2016 Garcia, T. P. et al Mabisang Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc., 2008. B. WEBSITE https://modules.arvicbabol.com/files/FILI112/Lesson%2020%20Pagsulat%20ng%20Dokumentasyon Pagsulat%20ng%20Pananaliksik%20(IMRD).pdf https://www.academia.edu/31675570/PAGSASAAYOS_NG_DOKUMENTASYON_at_BULLET_ WASTONG_PAGGAMIT_NG_MGA_MATERYAL_NA_PAGKUKUNAN_NG_DATOS?auto=do wnload ( https://modules.arvicbabol.com/files/FILI112/Lesson%2021%20Pagsulat%20ng%20Pinal%20na%20 Draft.pdf https://www.academia.edu/31675570/PAGSASAAYOS_NG_DOKUMENTASYON_at_BULLET_WASTO NG_PAGGAMIT_NG_MGA_MATERYAL_NA_PAGKUKUNAN_NG_DATOS https://www.academia.edu/36097970/ARALIN_5_Pagsulat_ng_Pinal_na_Pananaliksik_Ang_mga_N akalap_na_Tala 19
  • 23. For inquires or feedback, please write or call: Department of Education – (Bureau/Office) (Office Address) Telefax: Email Address