SlideShare a Scribd company logo
Kay Estrella Zeehandelaar
Salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo
Japara, Mayo 25, 1899
Ibig na ibig kong makakilala ng isang “babaeng modern,” iyong babaeng
alaya, nakapagmamalaki’t makaakit ng aking loob! Iyong masaya, may tiwala
sa sarili, masigla’t maagap na hinaharap ang buhay, puno ng tuwa at sigasig,
pinagsisikapan hindi lamang ang sariling kapakanan kundi maging ang
kabutihan ng buong sangkatauhan.
Buong kasabikan kong sinasalubong ang pagdating ng bagong panahon;
totoong sa puso’t isip ko’y hindi ako nabibilang sa daigdig ng mga Indian,
kundi sa piling ng aking mga putting kapatid na babae na tumatanaw sa
malayong Kanluran.
Kung pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan, wala akong ibig
gawin kundi ang ipagkaloob ang sarili sa mga nagtatrabaho’t nagsisikap na
bagong kababaihan ng Europe; subali’t nakatali ako sa mga lumang tradisyong
hindi maaaring suwayain. Balang araw maaring lumuwag ang tali at kami’y
pawalan, ngunit lubhang malayo pa ang panahong iyon. Alam ko, maaaring
dumating iyon, ngunit baka pagkatapos p ng tatlo o apat na henerasyon. Alam
mo ba kung paano mahalin ang bago at batang panahong ito nang buong
puso’t kaluluwa kahit nakatali sa lahat ng batas, kaugalian at kumbensyon ng
sariling bayan? Tuwirang sumasalungat sa kaunlarang hinahangad ko para sa
aking mga kababayan ang lahat ng mga institusyon namin. Wala akong iniisip
gabi’t araw kundi ang makagawa ng parang malabanan ang mga lumang
tradisyon namin. Alam kong para sa aking sarili’y magagawa kong iwasan o
putulin ang mga ito, kaya lamang ay may mga buklod na matibay pa sa
alinmang lumang tradisyon na pumipigil sa akin; at ito ang pagmamahal na
inuukol ko sa mga pinagkakautangan ko ng buhay, mga taong nararapat kong
pasalamatan sa lahat ng bagay. May karapatan ba akong wasakin ang puso ng
mga taong walang naibigay sa akin kundi pagmamahal at kabutihan, mga
taong nag-alaga sa akin nang buong pagsuyo?
Ngunit hindi lamang ang tinig nito ang umaabot sa akin; ang malayo,
marikit at bagong-silang na Europe ay nagtutulak sa aking maghangad ng
pagbabago sa kasalukuyang kalagayan. Kahit noong musmos pa ako’y may
pang-akit na sa aking pandinig ang salitang “emansipasyon”; may isang
naiibang kabuluhan ito, isang kahulugang hindi maabot ng aking pag-unawa.
Gumigising ito sa akin para hangarin ang pagsasarili at kalayaan – isang
paghahangad na makatayong mag-isa. Ang puso ko’y sinusugatan ng ga
kondisyong nakapaligid sa akin at sa iba, buong lungkot na pinag-aalab ang
mithiin kong magising ang aking bayan.
Patuloy na lumapit ang mga tinig na galing sa malalayong lupaim, umaabot
sa akin, at sa kasiyahan ng ilang nagmamahal sa akin at sa kalungkutan ng
iba, dala nito ang binhing sumupling sa aking puso, nag-ugat, sumibol
hanggang sa lumakas at sumigla.
Ngayo’y kailangang sabihin ko ang ilang bagay ukol sa sarili upang
magkakilala tayo.
Panganay ako sa tatlong babaing anak ng Regent ng Japar. Ako’y may anim
na kapatid na lalaki at babae. Ang lolo kong si Pangeran Ario Tjondronegoro ng
Demak ay isang kilalang lider ng kilusang progresibo noong kapanahunan
niya. Siya rin ang kauna-unahang regent ng gitnang Java na nagbukas ng
pinto para sa mga panauhin mula sa ibayong dagat – ang sibilasyong
Kanluran. Lahat ng mga anak niya’y may edukasyong European, at halos lahat
ng iyon (na ang ilan ay patay na ngayon) at umiibig o umibig sa kaunlaranf
minana sa kanilang ama; at nagdulot naman ito sa mga anak nila ng uri ng
pagpapalaking nagisnan nila mismo. Karamihan sa mga pinsan ko’t
nakatatandang kapatid na lalaki ay nag-aral sa Hoogere-Burger School, ang
pinakamattas na institusyon ng karunungang matatagpuan dito sa India. Ang
bunso sa tatlong nakatatandang kapatid kong lalaki’y tatlong taon na ngayong
nag-aaral sa Netherlands, at naglilingkod din naman doon bilang sundalo ang
dalawa pa. Samantala, kaming mga babae’y bahagya nang magkaroon ng
pagkatataong makapag-aral dahil na rin sa kahigpitan ng aming mga lumang
tradisyon at kumbensiyon. Labag sa aming kaugalang pag-aralin ang mga
babae, lalo’t kailangang lumabas ng bahay araw-araw para pumasok sa
eskuwela. Ipinagbabawal ng aming kaugalian na lumabas man lamang ng
bahay ang babae. Hindi kami pinapayagang pumunta saan man, liban lamang
kung sa paaralan, at ang tanging lugar ng pagtuturong maipagmamalaki ng
siyudad namin na bukas sa mga babae ay ang libreng grammar school ng mga
European.
Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taong gulang, ako ay itinali sa
bahay – kinailangang “ikahon” ako. Ikinulong ako at pinagbawalang makipag-
ugnayan sa mundong nasa labas ng bahay, ang undong hindi ko na makikita
marahil liban kung kasama ko na ang mapapangasawang estranghero, isang
di kilalang lalaking pinili ng mga magulang ko, ang lalaking ipinagkasundo sa
akin nang d ko namamalayan. Noong bandang huli, nalaman kong tinangka ng
mga kaibigan kong European na mabago ang pasyang ito ng mga magulang ko
para sa akin, isang musmos npa na nagmamahal sa buhay, subalit wala silang
magawa. Hindi nahikayat ang mga magulang ko; nakulong ako nang tuluyan.
Apat na mahahabang taon ang tinagal ko sa pagitan ng makakapal na pader,
at hindi ko nasilayan minsan man ang mundong nasa labas.
Hindi ko alam kung paano ko pinalipas ang mga oras. Ang tanging
kaligayahang naiwan sa aki’y ang pagbabasa ng mga librong Dutch at ang
pakikipagsulatan sa mga kaibigang Dutch na hindi naman ipinagbawal. Ito –
ito lamang ang nag-iisang liwanag na nagpakulay sa hungkag at kainip-inip na
panahong iyon, na kung inalis pa sa akin ay lalo nang naging kaawa-awa ang
kalagayan ko. Lalo sigurong nawalan ng kabuluhan ang buhay ko’t kaluluwa.
Subalit dumating ang kaibigan ko’t tagapagligtas – ang Diwa ng Panahon;
umalingawngaw sa lahat ng dako ang mga yabag niya. Nayanig sa paglapit
niya ang palalo’t matatag na balangkas ng mga lumang tradisyon. Nabuksan
ang mga pintong mahigpit na nakasara, kusa ang iba, ang iba nama’y pilit at
bahagya lamang ngunit bumukas pa rin at pinapasok ang mga di-
inanyayahang panauhin.
Sa wakas, nakita kong muli ang mundo sa labas nang ako’y maglabing-
anim na taon. Salamat sa Diyos! Malalabasan ko ang aking kulungan nang
malaya at hindi nakatali sa isang kung sinong bridegroom. At mabilis pang
sumunod ang mga pangyayaring nagpabalik sa aming mga babae ng mga
nawala naming kalayaan.
Nang sumunod na taon, sa oras ng pagtatalaga sa poder ng bata pang
Prinsesa (bilang Reyna Wilhemina ng Netherlands), “opisyal” na inihandog sa
amin ng mga magulang namin ang aming kalayaan. Sa kauna-unahang
pagkakataon sa aming buhay, pinayagan kaming umalis sa bayan namin at
pumunta sa siyudad na pinagdarausan ng pagdiriwang para sa okasyong iyon.
Anong dakilang tagumpay iyon! Ang maipakita ng mga kabataang babaeng
tulad namin ang sarili sa labas, na imposibleng mangyari noon. Nasindak ang
“mundo”; naging usap-usapan ang “krimeng” iyon na dito’y wala pang
nakagagawa. Nagsaya ang aming mga kaibigang European, at para naman sa
amin, walang reynang yayaman pa sa amin. Subalit hindi pa ako nasisiyahan.
Lagi, ibig kong makarating sa malayo, mas malayo. Wala akong hangaring
makipamista, o malibang. Hindi iyon ang dahilan ng paghahangad kong
magkaroon ng kalayaan. Ibig kong malaya upang makatayo nang mag-isa,
mag-aral, hindi para pag-asawahin nang sapilitan.
Ngunit dapat tayong mag-asawa, dapat, dapat. Ang hindi pag-aasawa ang
pinakamalaking kasalanang magagawa ng isang babaeng Muslim; ito ang
pinakamalaking kahihiyang maipagkakaloob ng isang katutubong babae sa
kanyang pamilya.
At ang pag-aasawa para sa amin – mababaw pa ngang ekspresyon ang
sabihing miserable. At paano nga ba hindi magkakaganoon, kung tila ginawa
lamang para sa lalaki ang mga batas, kung pabor para sa lalaki at hindi para
sa babae ang batas at kumbensyon; kung ang lahat ng kaluwaga’y para sa
kanya lamang?

More Related Content

What's hot

tanka at haiku Tula sa Japan
tanka at haiku Tula sa Japantanka at haiku Tula sa Japan
tanka at haiku Tula sa Japan
ArleneZonio1
 
Naging Sultan Si Pilandok/ Kuwentong-Bayan
Naging Sultan Si Pilandok/ Kuwentong-BayanNaging Sultan Si Pilandok/ Kuwentong-Bayan
Naging Sultan Si Pilandok/ Kuwentong-Bayan
MenchieEspinosa4
 
NIYEBENG ITIM.pptx
NIYEBENG ITIM.pptxNIYEBENG ITIM.pptx
NIYEBENG ITIM.pptx
jerebelle dulla
 
India
IndiaIndia
Ekonomiks produksyon
Ekonomiks produksyonEkonomiks produksyon
Ekonomiks produksyon
Eemlliuq Agalalan
 
Institusyong Pinansyal: BANGKO
Institusyong Pinansyal: BANGKOInstitusyong Pinansyal: BANGKO
Institusyong Pinansyal: BANGKO
Clengz Angel Tabernilla-Rosas
 
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipino
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipinoAng kababaihan ng taiwan, grade 9 filipino
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipino
Jenita Guinoo
 
Filipino group 1-gawain-4
Filipino group 1-gawain-4Filipino group 1-gawain-4
Filipino group 1-gawain-4
Eemlliuq Agalalan
 
Filipino 9 Parabula
Filipino 9 ParabulaFilipino 9 Parabula
Filipino 9 Parabula
Juan Miguel Palero
 
Kay Estella Zeehandelaar
Kay Estella ZeehandelaarKay Estella Zeehandelaar
Kay Estella Zeehandelaar
Joemel Rabago
 
Denotatibo at konotatibong pagpapakahulugan ng mga salita
Denotatibo at konotatibong pagpapakahulugan ng mga salitaDenotatibo at konotatibong pagpapakahulugan ng mga salita
Denotatibo at konotatibong pagpapakahulugan ng mga salita
OliverSasutana
 
Elehiya sa kamatayan ni kuya
Elehiya sa kamatayan ni kuyaElehiya sa kamatayan ni kuya
Elehiya sa kamatayan ni kuyaPRINTDESK by Dan
 
Sitti nurhaliza ginintuang tinig at puso ng asya
Sitti nurhaliza ginintuang tinig at puso ng asyaSitti nurhaliza ginintuang tinig at puso ng asya
Sitti nurhaliza ginintuang tinig at puso ng asya
PRINTDESK by Dan
 
Ang mahiwagang tandang fil 7
Ang mahiwagang tandang fil  7Ang mahiwagang tandang fil  7
Ang mahiwagang tandang fil 7
MARIA KATRINA MACAPAZ
 
Pagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdaminPagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdamin
LABNIG NATIONAL HIGH SCHOOL
 
Kay estella-zeehandelaar
Kay estella-zeehandelaarKay estella-zeehandelaar
Kay estella-zeehandelaar
michael saudan
 
Tanka at Haiku
Tanka at HaikuTanka at Haiku
Tanka at Haiku
Andrew Valentino
 
Modyul 14 Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Modyul 14  Personal na Pahayag ng Misyon sa BuhayModyul 14  Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Modyul 14 Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Justice Emilio Angeles Gancayco Memorial High School SHS
 
Niyebeng itim
Niyebeng itimNiyebeng itim
Niyebeng itim
PRINTDESK by Dan
 
What's hot (20)

tanka at haiku Tula sa Japan
tanka at haiku Tula sa Japantanka at haiku Tula sa Japan
tanka at haiku Tula sa Japan
 
Naging Sultan Si Pilandok/ Kuwentong-Bayan
Naging Sultan Si Pilandok/ Kuwentong-BayanNaging Sultan Si Pilandok/ Kuwentong-Bayan
Naging Sultan Si Pilandok/ Kuwentong-Bayan
 
NIYEBENG ITIM.pptx
NIYEBENG ITIM.pptxNIYEBENG ITIM.pptx
NIYEBENG ITIM.pptx
 
India
IndiaIndia
India
 
SA PULA, SA PUTI
SA PULA, SA PUTISA PULA, SA PUTI
SA PULA, SA PUTI
 
Ekonomiks produksyon
Ekonomiks produksyonEkonomiks produksyon
Ekonomiks produksyon
 
Institusyong Pinansyal: BANGKO
Institusyong Pinansyal: BANGKOInstitusyong Pinansyal: BANGKO
Institusyong Pinansyal: BANGKO
 
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipino
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipinoAng kababaihan ng taiwan, grade 9 filipino
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipino
 
Filipino group 1-gawain-4
Filipino group 1-gawain-4Filipino group 1-gawain-4
Filipino group 1-gawain-4
 
Filipino 9 Parabula
Filipino 9 ParabulaFilipino 9 Parabula
Filipino 9 Parabula
 
Kay Estella Zeehandelaar
Kay Estella ZeehandelaarKay Estella Zeehandelaar
Kay Estella Zeehandelaar
 
Denotatibo at konotatibong pagpapakahulugan ng mga salita
Denotatibo at konotatibong pagpapakahulugan ng mga salitaDenotatibo at konotatibong pagpapakahulugan ng mga salita
Denotatibo at konotatibong pagpapakahulugan ng mga salita
 
Elehiya sa kamatayan ni kuya
Elehiya sa kamatayan ni kuyaElehiya sa kamatayan ni kuya
Elehiya sa kamatayan ni kuya
 
Sitti nurhaliza ginintuang tinig at puso ng asya
Sitti nurhaliza ginintuang tinig at puso ng asyaSitti nurhaliza ginintuang tinig at puso ng asya
Sitti nurhaliza ginintuang tinig at puso ng asya
 
Ang mahiwagang tandang fil 7
Ang mahiwagang tandang fil  7Ang mahiwagang tandang fil  7
Ang mahiwagang tandang fil 7
 
Pagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdaminPagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdamin
 
Kay estella-zeehandelaar
Kay estella-zeehandelaarKay estella-zeehandelaar
Kay estella-zeehandelaar
 
Tanka at Haiku
Tanka at HaikuTanka at Haiku
Tanka at Haiku
 
Modyul 14 Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Modyul 14  Personal na Pahayag ng Misyon sa BuhayModyul 14  Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Modyul 14 Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
 
Niyebeng itim
Niyebeng itimNiyebeng itim
Niyebeng itim
 
Similar to Kay Estrella Zeehandelaar

Kay-Estella-Zeehandelar.pptx
Kay-Estella-Zeehandelar.pptxKay-Estella-Zeehandelar.pptx
Kay-Estella-Zeehandelar.pptx
janeclairemillan
 
Worksheet 2 Sanaysay
Worksheet 2 SanaysayWorksheet 2 Sanaysay
Worksheet 2 Sanaysay
Arlyn Duque
 
PANANAW-NG-MAY-AKDA-TUNGKOL-SA-PAKSA-BATAY-SA.pptx
PANANAW-NG-MAY-AKDA-TUNGKOL-SA-PAKSA-BATAY-SA.pptxPANANAW-NG-MAY-AKDA-TUNGKOL-SA-PAKSA-BATAY-SA.pptx
PANANAW-NG-MAY-AKDA-TUNGKOL-SA-PAKSA-BATAY-SA.pptx
JohnQuidulit2
 
Mahahalagang bahagi sa liham
Mahahalagang bahagi sa lihamMahahalagang bahagi sa liham
Mahahalagang bahagi sa liham
Jeremiah Castro
 
Ang Pagtutuli
Ang PagtutuliAng Pagtutuli
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismoModyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
dionesioable
 
Kalayaan sa rehas na bakal 2
Kalayaan sa rehas na bakal 2Kalayaan sa rehas na bakal 2
Kalayaan sa rehas na bakal 2
aguilarliezelann
 
Andres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentationAndres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentation
Marti Tan
 
Aralin 2.5.pptx
Aralin 2.5.pptxAralin 2.5.pptx
Aralin 2.5.pptx
donna123374
 
Dr. Jose Rizal
Dr. Jose RizalDr. Jose Rizal
Dr. Jose Rizal
LUZ PINGOL
 
Nelson mandela
Nelson mandelaNelson mandela
Nelson mandela
Pusa Cath
 
Phil. literature-prose and drama
Phil. literature-prose and dramaPhil. literature-prose and drama
Phil. literature-prose and dramaNelsie Grace Pineda
 
Florante at laura
Florante at lauraFlorante at laura
Florante at laura
Noemi Dela Cruz
 
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang LupaPagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang LupaRodel Moreno
 
Mga tula at kuwento ng puso at damdamin
Mga tula at kuwento ng puso at damdaminMga tula at kuwento ng puso at damdamin
Mga tula at kuwento ng puso at damdamin
Paul Pruel
 
Tula Aralin 2.5 FIL 10
Tula Aralin 2.5 FIL 10Tula Aralin 2.5 FIL 10
Tula Aralin 2.5 FIL 10
sarahruiz28
 
Similar to Kay Estrella Zeehandelaar (20)

Filipino ix
Filipino ixFilipino ix
Filipino ix
 
Kay-Estella-Zeehandelar.pptx
Kay-Estella-Zeehandelar.pptxKay-Estella-Zeehandelar.pptx
Kay-Estella-Zeehandelar.pptx
 
project in AP
project in APproject in AP
project in AP
 
Worksheet 2 Sanaysay
Worksheet 2 SanaysayWorksheet 2 Sanaysay
Worksheet 2 Sanaysay
 
PANANAW-NG-MAY-AKDA-TUNGKOL-SA-PAKSA-BATAY-SA.pptx
PANANAW-NG-MAY-AKDA-TUNGKOL-SA-PAKSA-BATAY-SA.pptxPANANAW-NG-MAY-AKDA-TUNGKOL-SA-PAKSA-BATAY-SA.pptx
PANANAW-NG-MAY-AKDA-TUNGKOL-SA-PAKSA-BATAY-SA.pptx
 
Mahahalagang bahagi sa liham
Mahahalagang bahagi sa lihamMahahalagang bahagi sa liham
Mahahalagang bahagi sa liham
 
Ang Pagtutuli
Ang PagtutuliAng Pagtutuli
Ang Pagtutuli
 
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismoModyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
 
Kalayaan sa rehas na bakal 2
Kalayaan sa rehas na bakal 2Kalayaan sa rehas na bakal 2
Kalayaan sa rehas na bakal 2
 
Andres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentationAndres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentation
 
Suring Pampanitikan
Suring PampanitikanSuring Pampanitikan
Suring Pampanitikan
 
Aralin 2.5.pptx
Aralin 2.5.pptxAralin 2.5.pptx
Aralin 2.5.pptx
 
Dr. Jose Rizal
Dr. Jose RizalDr. Jose Rizal
Dr. Jose Rizal
 
Nelson mandela
Nelson mandelaNelson mandela
Nelson mandela
 
Phil. literature-prose and drama
Phil. literature-prose and dramaPhil. literature-prose and drama
Phil. literature-prose and drama
 
Kwento
KwentoKwento
Kwento
 
Florante at laura
Florante at lauraFlorante at laura
Florante at laura
 
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang LupaPagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
 
Mga tula at kuwento ng puso at damdamin
Mga tula at kuwento ng puso at damdaminMga tula at kuwento ng puso at damdamin
Mga tula at kuwento ng puso at damdamin
 
Tula Aralin 2.5 FIL 10
Tula Aralin 2.5 FIL 10Tula Aralin 2.5 FIL 10
Tula Aralin 2.5 FIL 10
 
More from yaminohime

Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 3 - Storage
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 3 - StorageUnderstanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 3 - Storage
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 3 - Storage
yaminohime
 
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 15 - Comput...
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 15 - Comput...Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 15 - Comput...
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 15 - Comput...
yaminohime
 
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 13 - Progra...
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 13 - Progra...Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 13 - Progra...
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 13 - Progra...
yaminohime
 
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 12 - Inform...
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 12 - Inform...Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 12 - Inform...
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 12 - Inform...
yaminohime
 
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 11 - E-Comm...
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 11 - E-Comm...Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 11 - E-Comm...
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 11 - E-Comm...
yaminohime
 
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 10 - Multim...
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 10 - Multim...Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 10 - Multim...
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 10 - Multim...
yaminohime
 
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 9 - Network...
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 9 - Network...Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 9 - Network...
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 9 - Network...
yaminohime
 
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 8 - The Int...
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 8 - The Int...Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 8 - The Int...
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 8 - The Int...
yaminohime
 
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 7 - Compute...
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 7 - Compute...Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 7 - Compute...
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 7 - Compute...
yaminohime
 
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 6 - Applica...
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 6 - Applica...Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 6 - Applica...
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 6 - Applica...
yaminohime
 
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 5 - System ...
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 5 - System ...Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 5 - System ...
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 5 - System ...
yaminohime
 
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 2 - The Sys...
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 2 - The Sys...Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 2 - The Sys...
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 2 - The Sys...
yaminohime
 
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 1 - Introdu...
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 1 - Introdu...Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 1 - Introdu...
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 1 - Introdu...
yaminohime
 
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 4 - Input a...
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 4 - Input a...Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 4 - Input a...
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 4 - Input a...
yaminohime
 
The Road Not Taken by Robert Frost
The Road Not Taken by Robert FrostThe Road Not Taken by Robert Frost
The Road Not Taken by Robert Frost
yaminohime
 
Sa Aking mga Kabata ni Jose Rizal
Sa Aking mga Kabata ni Jose RizalSa Aking mga Kabata ni Jose Rizal
Sa Aking mga Kabata ni Jose Rizal
yaminohime
 
Plop! Click! ni Dobu Kacchiri
Plop! Click! ni Dobu KacchiriPlop! Click! ni Dobu Kacchiri
Plop! Click! ni Dobu Kacchiri
yaminohime
 
Isangdaang Damit ni Fanny Garcia
Isangdaang Damit ni Fanny GarciaIsangdaang Damit ni Fanny Garcia
Isangdaang Damit ni Fanny Garcia
yaminohime
 
Ang Kwento ni Mabuti ni Genoveva Matute
Ang Kwento ni Mabuti ni Genoveva MatuteAng Kwento ni Mabuti ni Genoveva Matute
Ang Kwento ni Mabuti ni Genoveva Matute
yaminohime
 
More from yaminohime (19)

  • 1. Kay Estrella Zeehandelaar Salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo Japara, Mayo 25, 1899 Ibig na ibig kong makakilala ng isang “babaeng modern,” iyong babaeng alaya, nakapagmamalaki’t makaakit ng aking loob! Iyong masaya, may tiwala sa sarili, masigla’t maagap na hinaharap ang buhay, puno ng tuwa at sigasig, pinagsisikapan hindi lamang ang sariling kapakanan kundi maging ang kabutihan ng buong sangkatauhan. Buong kasabikan kong sinasalubong ang pagdating ng bagong panahon; totoong sa puso’t isip ko’y hindi ako nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa piling ng aking mga putting kapatid na babae na tumatanaw sa malayong Kanluran. Kung pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan, wala akong ibig gawin kundi ang ipagkaloob ang sarili sa mga nagtatrabaho’t nagsisikap na bagong kababaihan ng Europe; subali’t nakatali ako sa mga lumang tradisyong hindi maaaring suwayain. Balang araw maaring lumuwag ang tali at kami’y pawalan, ngunit lubhang malayo pa ang panahong iyon. Alam ko, maaaring dumating iyon, ngunit baka pagkatapos p ng tatlo o apat na henerasyon. Alam mo ba kung paano mahalin ang bago at batang panahong ito nang buong puso’t kaluluwa kahit nakatali sa lahat ng batas, kaugalian at kumbensyon ng sariling bayan? Tuwirang sumasalungat sa kaunlarang hinahangad ko para sa aking mga kababayan ang lahat ng mga institusyon namin. Wala akong iniisip gabi’t araw kundi ang makagawa ng parang malabanan ang mga lumang tradisyon namin. Alam kong para sa aking sarili’y magagawa kong iwasan o putulin ang mga ito, kaya lamang ay may mga buklod na matibay pa sa alinmang lumang tradisyon na pumipigil sa akin; at ito ang pagmamahal na inuukol ko sa mga pinagkakautangan ko ng buhay, mga taong nararapat kong pasalamatan sa lahat ng bagay. May karapatan ba akong wasakin ang puso ng mga taong walang naibigay sa akin kundi pagmamahal at kabutihan, mga taong nag-alaga sa akin nang buong pagsuyo? Ngunit hindi lamang ang tinig nito ang umaabot sa akin; ang malayo, marikit at bagong-silang na Europe ay nagtutulak sa aking maghangad ng pagbabago sa kasalukuyang kalagayan. Kahit noong musmos pa ako’y may pang-akit na sa aking pandinig ang salitang “emansipasyon”; may isang naiibang kabuluhan ito, isang kahulugang hindi maabot ng aking pag-unawa. Gumigising ito sa akin para hangarin ang pagsasarili at kalayaan – isang paghahangad na makatayong mag-isa. Ang puso ko’y sinusugatan ng ga
  • 2. kondisyong nakapaligid sa akin at sa iba, buong lungkot na pinag-aalab ang mithiin kong magising ang aking bayan. Patuloy na lumapit ang mga tinig na galing sa malalayong lupaim, umaabot sa akin, at sa kasiyahan ng ilang nagmamahal sa akin at sa kalungkutan ng iba, dala nito ang binhing sumupling sa aking puso, nag-ugat, sumibol hanggang sa lumakas at sumigla. Ngayo’y kailangang sabihin ko ang ilang bagay ukol sa sarili upang magkakilala tayo. Panganay ako sa tatlong babaing anak ng Regent ng Japar. Ako’y may anim na kapatid na lalaki at babae. Ang lolo kong si Pangeran Ario Tjondronegoro ng Demak ay isang kilalang lider ng kilusang progresibo noong kapanahunan niya. Siya rin ang kauna-unahang regent ng gitnang Java na nagbukas ng pinto para sa mga panauhin mula sa ibayong dagat – ang sibilasyong Kanluran. Lahat ng mga anak niya’y may edukasyong European, at halos lahat ng iyon (na ang ilan ay patay na ngayon) at umiibig o umibig sa kaunlaranf minana sa kanilang ama; at nagdulot naman ito sa mga anak nila ng uri ng pagpapalaking nagisnan nila mismo. Karamihan sa mga pinsan ko’t nakatatandang kapatid na lalaki ay nag-aral sa Hoogere-Burger School, ang pinakamattas na institusyon ng karunungang matatagpuan dito sa India. Ang bunso sa tatlong nakatatandang kapatid kong lalaki’y tatlong taon na ngayong nag-aaral sa Netherlands, at naglilingkod din naman doon bilang sundalo ang dalawa pa. Samantala, kaming mga babae’y bahagya nang magkaroon ng pagkatataong makapag-aral dahil na rin sa kahigpitan ng aming mga lumang tradisyon at kumbensiyon. Labag sa aming kaugalang pag-aralin ang mga babae, lalo’t kailangang lumabas ng bahay araw-araw para pumasok sa eskuwela. Ipinagbabawal ng aming kaugalian na lumabas man lamang ng bahay ang babae. Hindi kami pinapayagang pumunta saan man, liban lamang kung sa paaralan, at ang tanging lugar ng pagtuturong maipagmamalaki ng siyudad namin na bukas sa mga babae ay ang libreng grammar school ng mga European. Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taong gulang, ako ay itinali sa bahay – kinailangang “ikahon” ako. Ikinulong ako at pinagbawalang makipag- ugnayan sa mundong nasa labas ng bahay, ang undong hindi ko na makikita marahil liban kung kasama ko na ang mapapangasawang estranghero, isang di kilalang lalaking pinili ng mga magulang ko, ang lalaking ipinagkasundo sa akin nang d ko namamalayan. Noong bandang huli, nalaman kong tinangka ng mga kaibigan kong European na mabago ang pasyang ito ng mga magulang ko para sa akin, isang musmos npa na nagmamahal sa buhay, subalit wala silang magawa. Hindi nahikayat ang mga magulang ko; nakulong ako nang tuluyan.
  • 3. Apat na mahahabang taon ang tinagal ko sa pagitan ng makakapal na pader, at hindi ko nasilayan minsan man ang mundong nasa labas. Hindi ko alam kung paano ko pinalipas ang mga oras. Ang tanging kaligayahang naiwan sa aki’y ang pagbabasa ng mga librong Dutch at ang pakikipagsulatan sa mga kaibigang Dutch na hindi naman ipinagbawal. Ito – ito lamang ang nag-iisang liwanag na nagpakulay sa hungkag at kainip-inip na panahong iyon, na kung inalis pa sa akin ay lalo nang naging kaawa-awa ang kalagayan ko. Lalo sigurong nawalan ng kabuluhan ang buhay ko’t kaluluwa. Subalit dumating ang kaibigan ko’t tagapagligtas – ang Diwa ng Panahon; umalingawngaw sa lahat ng dako ang mga yabag niya. Nayanig sa paglapit niya ang palalo’t matatag na balangkas ng mga lumang tradisyon. Nabuksan ang mga pintong mahigpit na nakasara, kusa ang iba, ang iba nama’y pilit at bahagya lamang ngunit bumukas pa rin at pinapasok ang mga di- inanyayahang panauhin. Sa wakas, nakita kong muli ang mundo sa labas nang ako’y maglabing- anim na taon. Salamat sa Diyos! Malalabasan ko ang aking kulungan nang malaya at hindi nakatali sa isang kung sinong bridegroom. At mabilis pang sumunod ang mga pangyayaring nagpabalik sa aming mga babae ng mga nawala naming kalayaan. Nang sumunod na taon, sa oras ng pagtatalaga sa poder ng bata pang Prinsesa (bilang Reyna Wilhemina ng Netherlands), “opisyal” na inihandog sa amin ng mga magulang namin ang aming kalayaan. Sa kauna-unahang pagkakataon sa aming buhay, pinayagan kaming umalis sa bayan namin at pumunta sa siyudad na pinagdarausan ng pagdiriwang para sa okasyong iyon. Anong dakilang tagumpay iyon! Ang maipakita ng mga kabataang babaeng tulad namin ang sarili sa labas, na imposibleng mangyari noon. Nasindak ang “mundo”; naging usap-usapan ang “krimeng” iyon na dito’y wala pang nakagagawa. Nagsaya ang aming mga kaibigang European, at para naman sa amin, walang reynang yayaman pa sa amin. Subalit hindi pa ako nasisiyahan. Lagi, ibig kong makarating sa malayo, mas malayo. Wala akong hangaring makipamista, o malibang. Hindi iyon ang dahilan ng paghahangad kong magkaroon ng kalayaan. Ibig kong malaya upang makatayo nang mag-isa, mag-aral, hindi para pag-asawahin nang sapilitan. Ngunit dapat tayong mag-asawa, dapat, dapat. Ang hindi pag-aasawa ang pinakamalaking kasalanang magagawa ng isang babaeng Muslim; ito ang pinakamalaking kahihiyang maipagkakaloob ng isang katutubong babae sa kanyang pamilya. At ang pag-aasawa para sa amin – mababaw pa ngang ekspresyon ang sabihing miserable. At paano nga ba hindi magkakaganoon, kung tila ginawa lamang para sa lalaki ang mga batas, kung pabor para sa lalaki at hindi para
  • 4. sa babae ang batas at kumbensyon; kung ang lahat ng kaluwaga’y para sa kanya lamang?