Pagsasatao sa Buhay ni Dr. Jose Rizal
                                  Ginawa ni Gng. Luz N. Pingol

                     Adios, Patria adorada, region del sol querida,
                     Perla del mar de oriente, nuestra perdida Eden!

       Ako si Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo. Ikapito sa labing-isang magkakapatid.
Ang aking ama na si Don Jose ay isang huwarang ama. Siya’y isang masipag na magsasaka,
bihirang magsalita ngunit mas maraming nagagawa.

      Ang aking Ina ay isang Donya Teodora ay katangi-tangi, maalam sa panitikan at mahusay
magEspanyol at Latin kaysa sa akin. Tinutuan niya akong magdasal, sumulat at bumasa.

       Binahagi niya sa akin ang kwento ng Gamu-gamo. “Minsan daw mayroon isang batang
gamu-gamo na naakit sa liwanag ng apoy. Maski anong paalala ng kanyang Ina na ‘wag siyang
lumapit sa apoy, ay lapit pa rin siya ng lapit. Gustong-gustong niya ang liwanag ng apoy. Kaya
sinuway niya ang bilin ng kanyang Ina. Lumipad siya ng lumipad palibot sa apoy. Hanggang sa
magliyab ang pakpak niya at tuluyan siyang namatay.” “Pepe anak, naiintindihan mo ba ang
kwento ng gamu-gamo? Dapat ay lumayo siya sa apoy nang hindi nagbuwis ang kanyang buhay.

       Sa edad na walo nasulat ko ang tulang, “Sa Aking Kababata.” Ito’y tungkol sa
pagmamahal sa sariling wika at naging tanyag ang kasabihang, “Ang hindi magmahal sa sariling
wika ay mahigit pa sa mabaho at malansang isda.” Pinadala ako ng aking Ama sa isang pormal
na pag-aaral sa Laguna sa edad na siyam. Bago palang ako noon ay tinanong na ako ng aking
maestro sabi niya sa akin, “ Jose, marunong ka bang mag-Espanyol?” Sagot ko, Un poco,
Senyor!” ibig sabihin ay “Konti lang po Senyor!” “Marunong ka din bang mag-Latin?” ang
sumunod niyang tanong at sinagot ko din, “Un poco Senyor! Bumanghalit ng tawa ang aking
mga kaklase at nagalit siya at pinatahimik niya ang mga ito, “Silencio! Impertinente! Indios!”
Parang hindi nagustuhan ng aking maestro ang aking sagot. Pinabukas niya ang aking mga
palad, kanyang hinawakan at pinagpapalo ng patpat sabay sabi, “ Kaya siguro walang laman
yang utak mo’y kundi puro un poco ngayon makakalimutan mo na ang un poco!” Walang akong
nagawa kundi ang umiyak at tanggapin ang kirot at sakit sa aking mga palad. Ayaw ko ng
gayong paraan ng pagtuturo at ito’y binanggit ko “Noli Me Tangere,” na tinutukoy sa hinding
magandang epekto ng ganong paraan sa asal at isipan ng mga bata. Impossible na makapag-isip
nang maayos sa harap ng patpat at latigo ay matatakot kahit ang isang batang matalino.

        Sa kasong rebelyon at sedisyon, isang Kastilang opisyal ang aking pinili na maging
tagapagtanggol sa aking paglilitis. Unang pagkikita pa lang namin ay hindi naging maganda ang
aming talakayan. “Wala kang utang na loob sa Espanya! Espanya ang pinagkaka-utangan mo
lahat pati ng iyong edukasyon!”. Sinagot ko siya nang mahinahon, “Tama ka, marami akong
natutunan sa kanyang Unibersidad na pinatataktakbo ng kanyang mga Prayle. Natutunan ko na
hindi lahat ng tao ay pantay-pantay. Isa akong Optalmologo Senyor. Maliwanag pa sa sikat ng
araw ang aking mga nakikita. Ang pakiramdam ko’y ikinulong, pinatay, hinukay sa libingan,
itinapon. Ganyan ang ginawa sa karangalan at kasaysayan ng aking mga kalahi. Wala akong
pinagsisihan sa aking pinaglalaban. Ang hangad ko lang ay isang mapayapang pagbabago sa
pamamagitan ng edukasyon at gawaing sibiko, mabigyan ng kalayaan, ibalik ang dangal at
maibalik ang dangal ng mga Pilipino!

        Mga kababayan haharapin ko na ang aking kamatayan, sana’y maalala niyo ang aking
katalinohan, katapangan, ang mapayapang paraan ng aking pakikipaglaban at ang mga
sakripisyong aking nagawa para sa Inang bayan ay patuloy niyong ibahagi sa mga kabataan.
Tandaan niyo ang wagas na pagmamahal sa ating sariling wika at Inang kalikasan dahil ito’y
talagang kailangan.
Dr. Jose Rizal

Dr. Jose Rizal

  • 1.
    Pagsasatao sa Buhayni Dr. Jose Rizal Ginawa ni Gng. Luz N. Pingol Adios, Patria adorada, region del sol querida, Perla del mar de oriente, nuestra perdida Eden! Ako si Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo. Ikapito sa labing-isang magkakapatid. Ang aking ama na si Don Jose ay isang huwarang ama. Siya’y isang masipag na magsasaka, bihirang magsalita ngunit mas maraming nagagawa. Ang aking Ina ay isang Donya Teodora ay katangi-tangi, maalam sa panitikan at mahusay magEspanyol at Latin kaysa sa akin. Tinutuan niya akong magdasal, sumulat at bumasa. Binahagi niya sa akin ang kwento ng Gamu-gamo. “Minsan daw mayroon isang batang gamu-gamo na naakit sa liwanag ng apoy. Maski anong paalala ng kanyang Ina na ‘wag siyang lumapit sa apoy, ay lapit pa rin siya ng lapit. Gustong-gustong niya ang liwanag ng apoy. Kaya sinuway niya ang bilin ng kanyang Ina. Lumipad siya ng lumipad palibot sa apoy. Hanggang sa magliyab ang pakpak niya at tuluyan siyang namatay.” “Pepe anak, naiintindihan mo ba ang kwento ng gamu-gamo? Dapat ay lumayo siya sa apoy nang hindi nagbuwis ang kanyang buhay. Sa edad na walo nasulat ko ang tulang, “Sa Aking Kababata.” Ito’y tungkol sa pagmamahal sa sariling wika at naging tanyag ang kasabihang, “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay mahigit pa sa mabaho at malansang isda.” Pinadala ako ng aking Ama sa isang pormal na pag-aaral sa Laguna sa edad na siyam. Bago palang ako noon ay tinanong na ako ng aking maestro sabi niya sa akin, “ Jose, marunong ka bang mag-Espanyol?” Sagot ko, Un poco, Senyor!” ibig sabihin ay “Konti lang po Senyor!” “Marunong ka din bang mag-Latin?” ang sumunod niyang tanong at sinagot ko din, “Un poco Senyor! Bumanghalit ng tawa ang aking mga kaklase at nagalit siya at pinatahimik niya ang mga ito, “Silencio! Impertinente! Indios!” Parang hindi nagustuhan ng aking maestro ang aking sagot. Pinabukas niya ang aking mga palad, kanyang hinawakan at pinagpapalo ng patpat sabay sabi, “ Kaya siguro walang laman yang utak mo’y kundi puro un poco ngayon makakalimutan mo na ang un poco!” Walang akong nagawa kundi ang umiyak at tanggapin ang kirot at sakit sa aking mga palad. Ayaw ko ng gayong paraan ng pagtuturo at ito’y binanggit ko “Noli Me Tangere,” na tinutukoy sa hinding magandang epekto ng ganong paraan sa asal at isipan ng mga bata. Impossible na makapag-isip nang maayos sa harap ng patpat at latigo ay matatakot kahit ang isang batang matalino. Sa kasong rebelyon at sedisyon, isang Kastilang opisyal ang aking pinili na maging tagapagtanggol sa aking paglilitis. Unang pagkikita pa lang namin ay hindi naging maganda ang aming talakayan. “Wala kang utang na loob sa Espanya! Espanya ang pinagkaka-utangan mo lahat pati ng iyong edukasyon!”. Sinagot ko siya nang mahinahon, “Tama ka, marami akong natutunan sa kanyang Unibersidad na pinatataktakbo ng kanyang mga Prayle. Natutunan ko na hindi lahat ng tao ay pantay-pantay. Isa akong Optalmologo Senyor. Maliwanag pa sa sikat ng araw ang aking mga nakikita. Ang pakiramdam ko’y ikinulong, pinatay, hinukay sa libingan, itinapon. Ganyan ang ginawa sa karangalan at kasaysayan ng aking mga kalahi. Wala akong pinagsisihan sa aking pinaglalaban. Ang hangad ko lang ay isang mapayapang pagbabago sa pamamagitan ng edukasyon at gawaing sibiko, mabigyan ng kalayaan, ibalik ang dangal at maibalik ang dangal ng mga Pilipino! Mga kababayan haharapin ko na ang aking kamatayan, sana’y maalala niyo ang aking katalinohan, katapangan, ang mapayapang paraan ng aking pakikipaglaban at ang mga sakripisyong aking nagawa para sa Inang bayan ay patuloy niyong ibahagi sa mga kabataan. Tandaan niyo ang wagas na pagmamahal sa ating sariling wika at Inang kalikasan dahil ito’y talagang kailangan.