SlideShare a Scribd company logo
1 of 6
Masusing Banghay Aralin sa
Araling Panlipunan 8
Grade Level 8
Learning Area Araling Panlipunan 8
Quarter: 1 /Week 1 /Aralin 1
I. LAYUNIN
A. Pamantayang
Pangnilalaman
Naipapamalas ang mga pag-unawa sa interaksyon ng tao sa
kaniyang kapaligiran na nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga
sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng mga pamanang
humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon.
B. Pamantayan sa Pagganap Nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa
pangangalaga at preserbasyon ng mga pamana ng mga
sinaunang kabihasnan sa daigdig para sa kasalukuyan at sa
susunod na henerasyon.
C. Pamantayan sa Pagkatuto Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig (AP8HSK-Id-
4)/(MELC1)
D. Mga Layunin  Natatalakay ang kahulugan ng Heograpiya at dahilan
kung bakit ito mahalaga sa pag-aaral ng kasaysayan
 Nailalahad ang mga saklaw ng pag-aaral ng
Heograpiya.
 Natatalakay ang limang tema ng Heograpiya.
 Nakapagbibigay ng halimbawa ng aplikasyon sa bawat
tema ng heograpiya.
II. NILALAMAN Aralin 1: Katuturan at Limang Tema ng Heograpiya
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Teacher’s Guide Pages
2. Textbook Pages
3. Additional materials
from Learning
Resources (DepEd
Commons)
Araling Panlipunan 8
4. Internet Source: DepEd
TV
Grade 8 AP Q1 Ep 1
B. Iba pang kagamitang
panturo
PowerPoint, pictures, and short video clips
IV. PAMAMARAAN
A. Review (Balik-aral sa
Nakaraang Aralin at/ o
Pagsisimula ng Bagong
Aralin
Bago tayo tumungo sa ating paksa, halina’t balikan muna natin
ang inyong natutunan patungkol sa Heograpiya ng Asya noong
kayo ay nasa Ikapitong baitang pa.
Natatandaan mopa ba kung ilan ang Rehiyon ng Asya?
Sagot: Anim (6) Bahagi
Ito ay binubuo ng:
1. Hilagang Asya
2. Gitnang Asya
3. Kanlurang Asya
4. Timog Asya
5. Timog-Silangang Asya
6. Silangang Asya
Kung natukoy mo nang tama ang limang rehiyon, mahusay!
Tunay ngang nananatili ang inyong natutunan.
Patunay lang yan na handang-handa na kayo sa ating unang
paksa ngayong araw.
B. Establishing a purpose for
the lesson (Paghahabi sa
Layunin ng Aralin)
Subukan naman natin kung may nalalaman na kayo sa ating
bagong paksa.
1. Ano ang pinakamalaking continent sa daigdig? ASYA
2. Ano ang pinakamalaking karagatan sa buong mundo?
PACIFIC OCEAN
3. Ano ang natatanging planeta sa solar system ang may
kakayahang suportahan ang buhay?DAIGDIG
4. Ano ang tawag sa anyong lupa na karaniwang matarik
ang gilid o “slope” at may tuktok o “summit”?
BUNDOK
5. Ano ang tawag sa klima na may tag-init at tag-ulan?
TROPIKAL
Kung nakakuha ng mababang iskor, huwag mag-alala. Narito
ako upang kayo ay gabayan sa talakayang ito.
C. Presenting
examples/instances of the
lesson (Pag-uugnay ng
mga halimbawa sa bagong
aralin)
Ano nga ba ang kahulugan ng Heograpiya o Geography?
Ang katagang “heograpiya” ay hango sa mga salitang griyego
na geographia.
Ang “geo: ay nangangahulugang “lupa, mundo, daigdig sa
madaling salita planetang earth”
Samantala, ang “graphia, graphein o graphos” naman
nangangahulugang “pagususulat o paglalarawan.
Samakatuwid, ang heograpiya ay nangangahulugang pagsusulat
ukol sa lupa o paglalarawan sa daigdig.
Ito ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng katangiang
pisikal ng daigdig.
D. Discussing new concepts
(Pagtatalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1)
Saklaw nito ang pag-aaral sa katangiang pisikal ng daigdig gaya
ng:
1. Anyong lupa at anyong tubig
2. Mga likas na yaman
3. Klima at panahon
4. Flora o (Plant Life)
5. Fauna (Animal Life) at
6. Distribusyon at Interaksyon ng lahat ng mga tao at
organism sa kapaligiran
Bakit nga ba kailangang pag-aralan ang heograpiya sa
kasaysayan ng daigdig?
1. Mas mauunawaan natin ang kuwento ng mga lugar at
bansa kung aalamin muna natin ang heograpiya nito.
2. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng heograpiya,
mauunawaan natin ang uri ng pamumuhay at kultura ng
mga tao.
3. Ang heograpiya ay may impluwensiya rin sa mga
kabihasnan o sibilisasyon ng mga bansa.
Ilan lamang iyan sa maraming kaugnayan ng heograpiya sa
kasaysayan.
Pagtataya:
Dugtungan ang pahayag.
1. Ang Heograpiya ay ang pag-aaral ng katangiang pisikal
ng .
(Hayop, Daigdig, Halaman, Bato)
2. Ang salitang “geo” ay nangangahulugang
.
(Klima, Hayop, Bato, Lupa)
E. Continuation of the
discussion of new concepts
(Pagtatalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2)
Noong taong 1984 binanghay ng limang magkakapareha ng na
temang heograpikal na pinangunahan ng National Council for
Geographic Education (NCGE) at ng Association of American
Geographers (AAG).
Layunin nito na gawing mas madali at simple ang pag-aaral ng
heograpiya bilang isang pagkontrol ng agham panlipunan. Dahil
sa mga temang ito, mas madaling maintindihan ng tao ang
mundo na kaniyang tinitirhan.
Ito ang Limang Tema ng Heograpiya: (Isa-isahin natin)
1. Lokasyon
2. Lugar
3. Rehiyon
4. Interaksyon ng tao at kapaligiran
5. Paggalaw
Sinasagot nito ang tanong na SAAN?
1. Lokasyong Absolute – SAAN eksaktong matatagpuan?
Halimbawa: ang Singapore = 1-degree North Latitude at 103
degrees East Longitude.
2. Relatibong Lokasyon – SAAN malapit?
a. Lokasyong Bisinal- ang lahat ng malalapit na lugar o bansa.
b. Lokasyong Insular – ang lahat ng malapit sa anyong tubig
mga landmarks o
kilalang lugar o tourist spots.
Sinasagot nito ang tanong na:
Ano ang mayroon diyan?
Paraan ng paglalarawan ng lugar:
1. Katangiang Pisikal
2. Katangiang Pantao
Halimbawa #1: Ang klima ng Pilipinas ay Tropikal, ang Baguio
ay nakararanas ng malamig na klima dahil sa mataas na altitude
o taas nito mula sa sea level. (Vertical Climate)
Halimbawa #2: Hinduismo ang pangunahing Relihiyon ng
bansang India at tinuturing na pinakamatandang relihiyon sa
buong mundo.
Halimbawa #3: Portuguese ang opisyal na wikang ginagamit ng
bansang Brazil
Sinasagot nito ang tanong na: Ano ang pagkakatulad ng lugar?
Halimbawa #1: Ang Tibet ay nakilala bilang rehiyon sa China
kung saan maraming lugar ang matatagpuan sa ibabaw ng
malawak na talampas kaya nakabuo sila ng katangi-tanging
kultura.
Halimbawa #2: Dahil sa pagkakatulad ng kultura ng mga bansa
sa silangang asya nakilala ang rehiyon bilang Sinosphere, o mga
bansa na naimpluwensiyahan ng kulturang tsino.
Halimbawa #3: Ang Pilipinas ay kasapi sa ASEAN o
Association of SouthEast Asian Nation na may layuning
itaguyod ang paglago ng ekonomiya, kaunlarang panlipunan,
pagsulong ng kultura at pagpapalaganap ng kapayapaan sa
rehiyon.
Ito ang pagdedepende ng tao sa kanyang kapaligiran.
Sinasagot nito ang tanong na: Anong uri ng pamumuhay
mayroon sa isang lugar? At Paano nakikiayon ang mga tao sa
mga pagbabago sa kanyang kapaligiran?
Halimbawa #1: Hindi maitatanggi na ang lahat ng kailangan
natin ay galing sa kapaligiran. Ang pangingisda ay aktibong
kabuhayan ng mga Pilipino dahil napalilibutan ng malalaking
katubigan ang bansa.
Halimbawa #2: Ang pakikiayon ng tao sa kanyang kapaligiran
ay makikita naman sa kanyang nakasayanan tulad ng klase ng
damit o pananamit na kanyang sinusuot. (Kasuotan sa iba’t-
ibang bansa)
Halimbawa #3: Pagbabago ng tao sa kanyang paligid ay
makikita sa kagustuhang makipagsabayan sa nagbabagong
kapaligiran tulad ng pagtatayo ng mga estruktura gaya ng
subdivision na dating mga sakahan, ito ay upang tugunan ang
kakulangan sa tirahan ng lumalaking populasyon ng tao.
Sinasagot nito ang tanong na: Paano nauugnay ang mga lugar sa
isa’t-isa at sa mundo?
Halimbawa #1: Paglalakbay gamit ang mga makabagong
imbensyon gaya ng eroplano, barko, tren, at mga sasakyan.
Dahil sa mga ito ay naging pamilyar din tayo sa mga produkto
galing sa ibang bansa, dahil na rin sa patuloy na pag angkat at
pagtangkilik natin sa mga banyagang produkto gamit ang mga
transportasyong nabanggit.
Halimbawa #2: Ang paglaganap ng internet, gadget at paggamit
ng tinawag na Socmed o Social Media ay naging posible ang
paglaganap ng impormasyon, balita, ideya at kahit maling
impormasyon o Fake news mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Halimbawa #3: Ang mabilis na paglaganap ng sakit gaya ng
Covid-19 na noong una ay itinuturing lamang na epidemya, o
nagaganap sa iisang lugar o rehiyon, at ngayon ay isa ng
pandemya na ang ibig sabihin ay kalat na ito sa buong mundo.
Kaya naman lagi tayong pinapaalalahan na magsuot ng
facemask o faceshield kung lalabas ng bahay, ugaliing
maghugas ng kamay o gumamit ng hand sanitizer sa tuwing
may nahawakang mga bagay galing sa labas at pagpapanatili ng
social or physical distancing.
F. Developing mastery
(Paglinang sa kabihasnan)
Panuto: Sumulat ng dalawang pangungusap na sumasagot sa
mga hinihingi sa ibaba:
1. Sa anong tema ng ating pinag-aralan ang dahilan ng
paglaganap ng sakit na Covid-19 sa buong mundo?
Ipaliwanag.
2. Mag-isip ng isang pangyayari sa ibang bansa o lugar na
nakarating sa Pilipinas. Anong tema ang saklaw ng
pangyayaring ito? Paano ito nakarating ng mabilis?
Ipaliwanag.
G. Finding practical
applications of concepts
and skills in daily living
(Paglalapat ng aralin sa
pang araw-araw na
buhay)
Panuto: Sumulat ng isang maikling kuwento na posibleng
naganap o nagaganap sa iyo ng personal na tumatalakay ng mga
tema sa araling ito. Maaring isalarawan ang sarili o pamilya sa
bawat tema. Simulan ito sa pagpapakilala sa sarili.
H. Making generalizations
and abstractions about the
lesson (Paglalahat ng
aralin)
Gawain: Dugtung-Salita
Panuto: Dugtungan ng mga salita ayon sa iyong pagkaintindi sa
aralin. Isulat ito sa inyong papel.
1. Natutuhan ko sa aralin na ang heograpiya ay
2. Mailalarawan ko ang mundo bilang
3. Ang pagkakaroon ng sapat na anyong lupa at tubig ay
patunay na ang daigdig at
I. Evaluating learning
(Pagtataya ng Aralin)
Sagutin ang mga sumusunod:
1. Ano ang tawag sa siyentipikong pag-aaral ng
katangiang pisikal ng daigdig?
a. Ekonomiks
b. Heograpiya*
c. Kasaysayan
d. Antropolohiya
2. Aling tema ng heograpiya ang tumutukoy sa paglipat ng
tao patungo sa ibang lugar?
a. Lugar
b. Rehiyon
c. Lokasyon
d. Paggalaw*
3. Aling pahayag ang nasa tema ng Rehiyon?
a. Ang klima ng Pilipinas ay tropical
b. Islam ang opisyal na relihiyon ng Saudi Arabia
c. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa timog na bahagi
ng Taiwan
d. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast
Asian Nations*
4. Aling pahayag ang nasa tema ng Lugar?
a. Ang Germany ay miyembro ng European Union
b. Ang Singapore ay sikat na bansang dinarayo ng
mga turista.
c. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ay
mga Kristiyano. *
d. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng
Karagatang Pasipiko
5. “Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa
pagpunta ng tao sa mga bansang may magagandang
pasyalan.” Sa anong tema ng heograpiya maiuuri ang
pahayag?
a. Rehiyon
b. Paggalaw*
c. Lokasyon
d. Interaksiyon ng tao at kapaligiran
J. Additional activities for
application or remediation
(Karagdagang Gawain
para sa takdang aralin/o
remediation)
Panuto: Gumawa ng isang slogan tungkol sa mga maari mong
magawa upang mapangalagaan ang iyong wika at kapaligiran.
Gawin ito sa isang malinis na bond paper.

More Related Content

Similar to Katuturan at Limang Tema ng Heograpiya.docx

Banghay aralin sa araling panlipunan 8
Banghay aralin sa araling panlipunan 8 Banghay aralin sa araling panlipunan 8
Banghay aralin sa araling panlipunan 8 Crystal Mae Salazar
 
AP 5 QUARTER 1 WEEK 1.pptx
AP 5 QUARTER 1 WEEK 1.pptxAP 5 QUARTER 1 WEEK 1.pptx
AP 5 QUARTER 1 WEEK 1.pptxnanz18
 
IM AP8Q1W1D1.pptx
IM AP8Q1W1D1.pptxIM AP8Q1W1D1.pptx
IM AP8Q1W1D1.pptxMack943419
 
KATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA
KATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYAKATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA
KATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYAPreSison
 
ARALING-PANLIPUNAN-6_Q1_W1DLL (1).docx
ARALING-PANLIPUNAN-6_Q1_W1DLL (1).docxARALING-PANLIPUNAN-6_Q1_W1DLL (1).docx
ARALING-PANLIPUNAN-6_Q1_W1DLL (1).docxELVINAPEREZ1
 
436766166-AP-7-DLL-1st-Quarter-Week-6.docx
436766166-AP-7-DLL-1st-Quarter-Week-6.docx436766166-AP-7-DLL-1st-Quarter-Week-6.docx
436766166-AP-7-DLL-1st-Quarter-Week-6.docxPantzPastor
 
AP4_q1_mod5_HeograpiyangTaglayBiyayangTunay-v2.pdf
AP4_q1_mod5_HeograpiyangTaglayBiyayangTunay-v2.pdfAP4_q1_mod5_HeograpiyangTaglayBiyayangTunay-v2.pdf
AP4_q1_mod5_HeograpiyangTaglayBiyayangTunay-v2.pdfAngelika B.
 
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8PreSison
 
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8Precious Sison-Cerdoncillo
 
DLL araling panlipunan 8, quarter 2 with
DLL araling panlipunan 8, quarter 2 withDLL araling panlipunan 8, quarter 2 with
DLL araling panlipunan 8, quarter 2 withMiAmor71
 
AP 8 Q1 W1.docx
AP 8 Q1 W1.docxAP 8 Q1 W1.docx
AP 8 Q1 W1.docxYnnejGem
 
ARALING PANLIPUNAN 6_Quarter 1_W1 DLL.docx
ARALING PANLIPUNAN 6_Quarter 1_W1 DLL.docxARALING PANLIPUNAN 6_Quarter 1_W1 DLL.docx
ARALING PANLIPUNAN 6_Quarter 1_W1 DLL.docxVandolphMallillin2
 
Banghay aralin sa araling panlipunan 8
Banghay aralin sa araling panlipunan 8Banghay aralin sa araling panlipunan 8
Banghay aralin sa araling panlipunan 8Crystal Mae Salazar
 
Araling Panlipunan 8 - Unit Plan I
Araling Panlipunan 8 - Unit Plan IAraling Panlipunan 8 - Unit Plan I
Araling Panlipunan 8 - Unit Plan IMavict De Leon
 

Similar to Katuturan at Limang Tema ng Heograpiya.docx (20)

week 2.docx
week 2.docxweek 2.docx
week 2.docx
 
Banghay aralin sa araling panlipunan 8
Banghay aralin sa araling panlipunan 8 Banghay aralin sa araling panlipunan 8
Banghay aralin sa araling panlipunan 8
 
AP 5 QUARTER 1 WEEK 1.pptx
AP 5 QUARTER 1 WEEK 1.pptxAP 5 QUARTER 1 WEEK 1.pptx
AP 5 QUARTER 1 WEEK 1.pptx
 
KATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA
KATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYAKATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA
KATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA
 
IM AP8Q1W1D1.pptx
IM AP8Q1W1D1.pptxIM AP8Q1W1D1.pptx
IM AP8Q1W1D1.pptx
 
ANG KLIMA AT MGA KONTINENTE
ANG KLIMA AT  MGA KONTINENTEANG KLIMA AT  MGA KONTINENTE
ANG KLIMA AT MGA KONTINENTE
 
KATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA
KATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYAKATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA
KATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA
 
AP WEEK 1.docx
AP WEEK 1.docxAP WEEK 1.docx
AP WEEK 1.docx
 
ARALING-PANLIPUNAN-6_Q1_W1DLL (1).docx
ARALING-PANLIPUNAN-6_Q1_W1DLL (1).docxARALING-PANLIPUNAN-6_Q1_W1DLL (1).docx
ARALING-PANLIPUNAN-6_Q1_W1DLL (1).docx
 
436766166-AP-7-DLL-1st-Quarter-Week-6.docx
436766166-AP-7-DLL-1st-Quarter-Week-6.docx436766166-AP-7-DLL-1st-Quarter-Week-6.docx
436766166-AP-7-DLL-1st-Quarter-Week-6.docx
 
AP4_q1_mod5_HeograpiyangTaglayBiyayangTunay-v2.pdf
AP4_q1_mod5_HeograpiyangTaglayBiyayangTunay-v2.pdfAP4_q1_mod5_HeograpiyangTaglayBiyayangTunay-v2.pdf
AP4_q1_mod5_HeograpiyangTaglayBiyayangTunay-v2.pdf
 
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
 
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
 
INSET G2AP
INSET G2APINSET G2AP
INSET G2AP
 
Ubd ap (1)
Ubd ap (1)Ubd ap (1)
Ubd ap (1)
 
DLL araling panlipunan 8, quarter 2 with
DLL araling panlipunan 8, quarter 2 withDLL araling panlipunan 8, quarter 2 with
DLL araling panlipunan 8, quarter 2 with
 
AP 8 Q1 W1.docx
AP 8 Q1 W1.docxAP 8 Q1 W1.docx
AP 8 Q1 W1.docx
 
ARALING PANLIPUNAN 6_Quarter 1_W1 DLL.docx
ARALING PANLIPUNAN 6_Quarter 1_W1 DLL.docxARALING PANLIPUNAN 6_Quarter 1_W1 DLL.docx
ARALING PANLIPUNAN 6_Quarter 1_W1 DLL.docx
 
Banghay aralin sa araling panlipunan 8
Banghay aralin sa araling panlipunan 8Banghay aralin sa araling panlipunan 8
Banghay aralin sa araling panlipunan 8
 
Araling Panlipunan 8 - Unit Plan I
Araling Panlipunan 8 - Unit Plan IAraling Panlipunan 8 - Unit Plan I
Araling Panlipunan 8 - Unit Plan I
 

Recently uploaded

Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterssuser181c5c
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pmarryrosegardose
 
FILILIPINO-PPT PAGPAPANTIG NG MAHAHABANG SALITADAY1.pptx
FILILIPINO-PPT PAGPAPANTIG NG MAHAHABANG SALITADAY1.pptxFILILIPINO-PPT PAGPAPANTIG NG MAHAHABANG SALITADAY1.pptx
FILILIPINO-PPT PAGPAPANTIG NG MAHAHABANG SALITADAY1.pptxellamaycatipun17
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxElmaPBasilio
 
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxAP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxRanjellAllainBayonaT
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxarleenrodelas1
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...AnjillyAIbrahim
 
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxBANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxtambanillodaniel3
 
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumDLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumVALERIEYDIZON
 
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaranGrade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaranNecelynMontolo
 
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...FairyLouMejia1
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancykatpantan
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdfreboy_arroyo
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYANaennylMTanuban
 
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptxQuarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptxcherrypastoral
 
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxBaitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxGerlynSojon
 
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...mtmedel20in0037
 
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptxGrade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptxGeizukiTaro
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxLucy Datuin
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxjobellejulianosalang
 

Recently uploaded (20)

Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
 
FILILIPINO-PPT PAGPAPANTIG NG MAHAHABANG SALITADAY1.pptx
FILILIPINO-PPT PAGPAPANTIG NG MAHAHABANG SALITADAY1.pptxFILILIPINO-PPT PAGPAPANTIG NG MAHAHABANG SALITADAY1.pptx
FILILIPINO-PPT PAGPAPANTIG NG MAHAHABANG SALITADAY1.pptx
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
 
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxAP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
 
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxBANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
 
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumDLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
 
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaranGrade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
 
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptxQuarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
 
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxBaitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
 
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
 
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptxGrade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
 

Katuturan at Limang Tema ng Heograpiya.docx

  • 1. Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 8 Grade Level 8 Learning Area Araling Panlipunan 8 Quarter: 1 /Week 1 /Aralin 1 I. LAYUNIN A. Pamantayang Pangnilalaman Naipapamalas ang mga pag-unawa sa interaksyon ng tao sa kaniyang kapaligiran na nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng mga pamanang humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon. B. Pamantayan sa Pagganap Nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga at preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig para sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon. C. Pamantayan sa Pagkatuto Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig (AP8HSK-Id- 4)/(MELC1) D. Mga Layunin  Natatalakay ang kahulugan ng Heograpiya at dahilan kung bakit ito mahalaga sa pag-aaral ng kasaysayan  Nailalahad ang mga saklaw ng pag-aaral ng Heograpiya.  Natatalakay ang limang tema ng Heograpiya.  Nakapagbibigay ng halimbawa ng aplikasyon sa bawat tema ng heograpiya. II. NILALAMAN Aralin 1: Katuturan at Limang Tema ng Heograpiya III. KAGAMITANG PANTURO A. Sanggunian 1. Teacher’s Guide Pages 2. Textbook Pages 3. Additional materials from Learning Resources (DepEd Commons) Araling Panlipunan 8 4. Internet Source: DepEd TV Grade 8 AP Q1 Ep 1 B. Iba pang kagamitang panturo PowerPoint, pictures, and short video clips IV. PAMAMARAAN A. Review (Balik-aral sa Nakaraang Aralin at/ o Pagsisimula ng Bagong Aralin Bago tayo tumungo sa ating paksa, halina’t balikan muna natin ang inyong natutunan patungkol sa Heograpiya ng Asya noong kayo ay nasa Ikapitong baitang pa. Natatandaan mopa ba kung ilan ang Rehiyon ng Asya? Sagot: Anim (6) Bahagi Ito ay binubuo ng: 1. Hilagang Asya 2. Gitnang Asya 3. Kanlurang Asya 4. Timog Asya 5. Timog-Silangang Asya 6. Silangang Asya Kung natukoy mo nang tama ang limang rehiyon, mahusay! Tunay ngang nananatili ang inyong natutunan. Patunay lang yan na handang-handa na kayo sa ating unang paksa ngayong araw. B. Establishing a purpose for the lesson (Paghahabi sa Layunin ng Aralin) Subukan naman natin kung may nalalaman na kayo sa ating bagong paksa.
  • 2. 1. Ano ang pinakamalaking continent sa daigdig? ASYA 2. Ano ang pinakamalaking karagatan sa buong mundo? PACIFIC OCEAN 3. Ano ang natatanging planeta sa solar system ang may kakayahang suportahan ang buhay?DAIGDIG 4. Ano ang tawag sa anyong lupa na karaniwang matarik ang gilid o “slope” at may tuktok o “summit”? BUNDOK 5. Ano ang tawag sa klima na may tag-init at tag-ulan? TROPIKAL Kung nakakuha ng mababang iskor, huwag mag-alala. Narito ako upang kayo ay gabayan sa talakayang ito. C. Presenting examples/instances of the lesson (Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin) Ano nga ba ang kahulugan ng Heograpiya o Geography? Ang katagang “heograpiya” ay hango sa mga salitang griyego na geographia. Ang “geo: ay nangangahulugang “lupa, mundo, daigdig sa madaling salita planetang earth” Samantala, ang “graphia, graphein o graphos” naman nangangahulugang “pagususulat o paglalarawan. Samakatuwid, ang heograpiya ay nangangahulugang pagsusulat ukol sa lupa o paglalarawan sa daigdig. Ito ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig. D. Discussing new concepts (Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1) Saklaw nito ang pag-aaral sa katangiang pisikal ng daigdig gaya ng: 1. Anyong lupa at anyong tubig 2. Mga likas na yaman 3. Klima at panahon 4. Flora o (Plant Life) 5. Fauna (Animal Life) at 6. Distribusyon at Interaksyon ng lahat ng mga tao at organism sa kapaligiran Bakit nga ba kailangang pag-aralan ang heograpiya sa kasaysayan ng daigdig? 1. Mas mauunawaan natin ang kuwento ng mga lugar at bansa kung aalamin muna natin ang heograpiya nito. 2. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng heograpiya, mauunawaan natin ang uri ng pamumuhay at kultura ng mga tao. 3. Ang heograpiya ay may impluwensiya rin sa mga kabihasnan o sibilisasyon ng mga bansa. Ilan lamang iyan sa maraming kaugnayan ng heograpiya sa kasaysayan. Pagtataya: Dugtungan ang pahayag. 1. Ang Heograpiya ay ang pag-aaral ng katangiang pisikal ng . (Hayop, Daigdig, Halaman, Bato) 2. Ang salitang “geo” ay nangangahulugang . (Klima, Hayop, Bato, Lupa) E. Continuation of the discussion of new concepts (Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2) Noong taong 1984 binanghay ng limang magkakapareha ng na temang heograpikal na pinangunahan ng National Council for Geographic Education (NCGE) at ng Association of American Geographers (AAG). Layunin nito na gawing mas madali at simple ang pag-aaral ng heograpiya bilang isang pagkontrol ng agham panlipunan. Dahil sa mga temang ito, mas madaling maintindihan ng tao ang mundo na kaniyang tinitirhan. Ito ang Limang Tema ng Heograpiya: (Isa-isahin natin) 1. Lokasyon
  • 3. 2. Lugar 3. Rehiyon 4. Interaksyon ng tao at kapaligiran 5. Paggalaw Sinasagot nito ang tanong na SAAN? 1. Lokasyong Absolute – SAAN eksaktong matatagpuan? Halimbawa: ang Singapore = 1-degree North Latitude at 103 degrees East Longitude. 2. Relatibong Lokasyon – SAAN malapit? a. Lokasyong Bisinal- ang lahat ng malalapit na lugar o bansa. b. Lokasyong Insular – ang lahat ng malapit sa anyong tubig
  • 4. mga landmarks o kilalang lugar o tourist spots. Sinasagot nito ang tanong na: Ano ang mayroon diyan? Paraan ng paglalarawan ng lugar: 1. Katangiang Pisikal 2. Katangiang Pantao Halimbawa #1: Ang klima ng Pilipinas ay Tropikal, ang Baguio ay nakararanas ng malamig na klima dahil sa mataas na altitude o taas nito mula sa sea level. (Vertical Climate) Halimbawa #2: Hinduismo ang pangunahing Relihiyon ng bansang India at tinuturing na pinakamatandang relihiyon sa buong mundo. Halimbawa #3: Portuguese ang opisyal na wikang ginagamit ng bansang Brazil Sinasagot nito ang tanong na: Ano ang pagkakatulad ng lugar? Halimbawa #1: Ang Tibet ay nakilala bilang rehiyon sa China kung saan maraming lugar ang matatagpuan sa ibabaw ng malawak na talampas kaya nakabuo sila ng katangi-tanging kultura. Halimbawa #2: Dahil sa pagkakatulad ng kultura ng mga bansa sa silangang asya nakilala ang rehiyon bilang Sinosphere, o mga bansa na naimpluwensiyahan ng kulturang tsino. Halimbawa #3: Ang Pilipinas ay kasapi sa ASEAN o Association of SouthEast Asian Nation na may layuning itaguyod ang paglago ng ekonomiya, kaunlarang panlipunan, pagsulong ng kultura at pagpapalaganap ng kapayapaan sa rehiyon. Ito ang pagdedepende ng tao sa kanyang kapaligiran. Sinasagot nito ang tanong na: Anong uri ng pamumuhay mayroon sa isang lugar? At Paano nakikiayon ang mga tao sa mga pagbabago sa kanyang kapaligiran? Halimbawa #1: Hindi maitatanggi na ang lahat ng kailangan natin ay galing sa kapaligiran. Ang pangingisda ay aktibong kabuhayan ng mga Pilipino dahil napalilibutan ng malalaking katubigan ang bansa. Halimbawa #2: Ang pakikiayon ng tao sa kanyang kapaligiran ay makikita naman sa kanyang nakasayanan tulad ng klase ng
  • 5. damit o pananamit na kanyang sinusuot. (Kasuotan sa iba’t- ibang bansa) Halimbawa #3: Pagbabago ng tao sa kanyang paligid ay makikita sa kagustuhang makipagsabayan sa nagbabagong kapaligiran tulad ng pagtatayo ng mga estruktura gaya ng subdivision na dating mga sakahan, ito ay upang tugunan ang kakulangan sa tirahan ng lumalaking populasyon ng tao. Sinasagot nito ang tanong na: Paano nauugnay ang mga lugar sa isa’t-isa at sa mundo? Halimbawa #1: Paglalakbay gamit ang mga makabagong imbensyon gaya ng eroplano, barko, tren, at mga sasakyan. Dahil sa mga ito ay naging pamilyar din tayo sa mga produkto galing sa ibang bansa, dahil na rin sa patuloy na pag angkat at pagtangkilik natin sa mga banyagang produkto gamit ang mga transportasyong nabanggit. Halimbawa #2: Ang paglaganap ng internet, gadget at paggamit ng tinawag na Socmed o Social Media ay naging posible ang paglaganap ng impormasyon, balita, ideya at kahit maling impormasyon o Fake news mula sa iba’t-ibang panig ng mundo. Halimbawa #3: Ang mabilis na paglaganap ng sakit gaya ng Covid-19 na noong una ay itinuturing lamang na epidemya, o nagaganap sa iisang lugar o rehiyon, at ngayon ay isa ng pandemya na ang ibig sabihin ay kalat na ito sa buong mundo. Kaya naman lagi tayong pinapaalalahan na magsuot ng facemask o faceshield kung lalabas ng bahay, ugaliing maghugas ng kamay o gumamit ng hand sanitizer sa tuwing may nahawakang mga bagay galing sa labas at pagpapanatili ng social or physical distancing. F. Developing mastery (Paglinang sa kabihasnan) Panuto: Sumulat ng dalawang pangungusap na sumasagot sa mga hinihingi sa ibaba: 1. Sa anong tema ng ating pinag-aralan ang dahilan ng paglaganap ng sakit na Covid-19 sa buong mundo? Ipaliwanag. 2. Mag-isip ng isang pangyayari sa ibang bansa o lugar na nakarating sa Pilipinas. Anong tema ang saklaw ng pangyayaring ito? Paano ito nakarating ng mabilis? Ipaliwanag. G. Finding practical applications of concepts and skills in daily living (Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay) Panuto: Sumulat ng isang maikling kuwento na posibleng naganap o nagaganap sa iyo ng personal na tumatalakay ng mga tema sa araling ito. Maaring isalarawan ang sarili o pamilya sa bawat tema. Simulan ito sa pagpapakilala sa sarili. H. Making generalizations and abstractions about the lesson (Paglalahat ng aralin) Gawain: Dugtung-Salita Panuto: Dugtungan ng mga salita ayon sa iyong pagkaintindi sa aralin. Isulat ito sa inyong papel.
  • 6. 1. Natutuhan ko sa aralin na ang heograpiya ay 2. Mailalarawan ko ang mundo bilang 3. Ang pagkakaroon ng sapat na anyong lupa at tubig ay patunay na ang daigdig at I. Evaluating learning (Pagtataya ng Aralin) Sagutin ang mga sumusunod: 1. Ano ang tawag sa siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig? a. Ekonomiks b. Heograpiya* c. Kasaysayan d. Antropolohiya 2. Aling tema ng heograpiya ang tumutukoy sa paglipat ng tao patungo sa ibang lugar? a. Lugar b. Rehiyon c. Lokasyon d. Paggalaw* 3. Aling pahayag ang nasa tema ng Rehiyon? a. Ang klima ng Pilipinas ay tropical b. Islam ang opisyal na relihiyon ng Saudi Arabia c. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa timog na bahagi ng Taiwan d. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations* 4. Aling pahayag ang nasa tema ng Lugar? a. Ang Germany ay miyembro ng European Union b. Ang Singapore ay sikat na bansang dinarayo ng mga turista. c. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ay mga Kristiyano. * d. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Karagatang Pasipiko 5. “Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa pagpunta ng tao sa mga bansang may magagandang pasyalan.” Sa anong tema ng heograpiya maiuuri ang pahayag? a. Rehiyon b. Paggalaw* c. Lokasyon d. Interaksiyon ng tao at kapaligiran J. Additional activities for application or remediation (Karagdagang Gawain para sa takdang aralin/o remediation) Panuto: Gumawa ng isang slogan tungkol sa mga maari mong magawa upang mapangalagaan ang iyong wika at kapaligiran. Gawin ito sa isang malinis na bond paper.