Jeremiah 29:11
For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.
1. Ikaw Lang, Sapat Na
Ni: Michelle G. Muñoz
Maraming Salamat iyong pagpalo
Upang sa pagkakamali ko’y matuto
Hindi mo ako iniwan ni pinabayaan
Sa panahong ako’y walang makapitan
Sa lahat ng aking pinili
Sa iyo ako hindi nagkamali
Pangako mo’y di napapako
Salita mo’y tapat at totoo.
Marami man akong ‘di maunawaan
Sa iyong piling ako’y may kapayapaan
Panatag ang aking kalooban
Hindi ako mag-iisa kailanman.
Madapa man ako ng paulit-ulit
At muling makadama ng sakit
Batid kong ang plano mo’y mas higit
Sa sayo o Diyos mananatiling nakakapit.
Ikaw lang, sapat na.