SlideShare a Scribd company logo
IDYOMA, talinghaga,tayutay sa kom Fil.
Ano ang paraan ng komunikasyon ng mga Filipino? Ito ang isa sa maraming tanong na sinasagotng Pahiwatig:
Kagawiang Pangkomunikasyon ng Filipino (2002) niMelba Padilla Maggay. Hitik umano sa pahiwatig atligoyang
pakikipag-usap ng mga Filipino,dahil nagmumula sila sa kulturang maymataas na uri ng pagbabahaginan ng
kahulugan,kompara sa mga taga-Kanluran na itinuturing na maymababang konteksto ng kulturang mababa rin ang
antas ng pagbabahaginan ng kahulugan.Bukod dito’y ginagamitng mga Filipino ang konsepto ng
pakikipagkapuwa—na pagturing sa kausap bilang bahagi ng sarili—na mauugatsa kulturang mataas ang
pagpapahalaga sa ugnayan ng pamayanan.
Habang lumalayo ang agwatng pagsasamahan ng mga Filipino,ani Maggay, lalong tumataas ang antas ng di-
pagkatiyak sa pakikipag-ugnayan sa isa’tisa.Halimbawa,gagamitang mga Filipino ng mga tayutay (figure of
speech),bulaklak ng dila (idyoma),at talinghaga (metapora) kung ang kausap ayitinuturing na “ibang tao” (i.e., hindi
kaibigan,kaanak,o kakilala).Itinuturing na maligoyang gayong paraan ng komunikasyon,samantalang
nagtatangkang ihayag ang “panlabas” na anyo ng pakikipag-ugnayat pakikibagay.Pormal ang tono ng pakikipag-
usap,at nakatuon sa pagpapakilala.
Ngunitmay kakayahan din ang mga Filipino na magsabi nang tahas,kung ang kausap ay kapalagayang -loob.Ang
“kapalagayang-loob” dito ay maaaring kaanak,kaibigan,o kasamang matagal nang kakilala atmatalik sa loob ng
isang tao.Idinagdag ni Maggay na mahilig umano ang mga Filipino sa malapitang pag-uugnayan,na humihipo at
dumadama sa mga tao atbagay-bagay. Kung pagbabatayan naman ang tahas atmagagaspang na banatng mga
komentarista sa radyo,diyaryo, at telebisyon sa ilang personalidad o politiko,ang gayong paraan ng komunikasyon
ay maaaring pagbubukod mismo ng mga taong nanunuligsa sa mga taong tinutuligsa.Ang ugnayan ay maaaring
nagiging “kami” laban sa “kayo,” na hindi lamang umaangatsa personalismo,gaya ng isinaad ni Maggay, bagkus
kaugnay ng papel ng kapangyarihan atimpluwensiya mula sa dalawang panig.
Mahabang disertasyon naman kung pag-aaralan ang paraan ng komunikasyon ng mga blogistang Pinoy
sa cyberspace.Ang mga blogistang Pinoyay maaaring isaalang-alang pa rin ang dating anyo ng komunikasyon ng
mga Filipino,at ang pagtuturingan ng mga nag-uusap ayhindi bilang magkakabukod na entidad bagkus matatalik sa
kalooban o sirkulo ng blogista.Nalilikha ang pambihirang espasyo sa pagitan ng blogista sa kapuwa blogista o
mambabasa,atsumisilang ang isang uri ng diskursong matalik sa sirkulo nila.Halimbawa,ano ba ang pakialam ng
mambabasa kung nakabuntis ang isang blogista o kaya’y nagkahiwalayang dalawang blogistang dating
magkasintahan? Makapapasok lamang sa ugnayan ang mambabasa kung ang pagturing ng mga blogista sa
kanilang mambabasa aypara na ring kalahok sa mga pangyayari, at ang gayong pangyayari ay likha ng konsepto
ukol sa “pamayanan” ng mga Filipinong blogista.Sa ilang Filipino,ang pagsulatng blog ay pagsangkotna rin sa
madlang mambabasa sa anumang nagaganap sa buhayng blogista,kaya ang mambabasa ay hindi basta “ibang
tao” bagkus “kapuwa tao” na marapatmakaalam,makaugnay,at makatuwang sa lahatng bagay.
Mahalaga ang kapuwa-sa-kapuwang komunikasyon ng mga Filipino.Kung babalikan ang mga pag-aaral ni Iñigo Ed.
Regalado hinggil sa “talinghaga,” “kawikaan,” at“tayutay,” mababatid na kumukuha ang mga Filipino noong
sinaunang panahon ng mga salitang buhatatkaugnaysa kaligiran,at ang mga ito ang kinakasangkapan sa
paghahambing,pagtatambis,pagtutulad,atpanghalili sa mga katangian ng tao na pinatutungkulan,ngunitayaw
tahasang saktan dahil sa kung ano-anong dahilan.Malimitgamitin noon ang pisikal na anyo ng hayop, isda,ibon,
insekto,halaman,atbagay upang itumbas sa ugali atasal ng tao.Halimbawa nito ang “tagong-bayawak” na
tumutukoy sa “madaling makita”;“buhay-pusa” na mahaba ang buhay;at “paang-pato” na katumbas ng “tamad.”
Kung minsan,ginagamitang isang bahagi ng katawan upang maging metonimiya s a ugali,pananaw,atasal ng isang
tao. Maihahalimbawa rito ang “taingang-kawali” na ibig sabihin ay“nagbibingi-bingihan”;“mainitang mata” na
katumbas ng “buwisit” o “malas” na miron sa sugalan;at“marumi ang noo” na katumbas ng “taong maykapintasan.”
Heto ang ilan pang tayutay at idyomang tinipon ni Regalado,ang mga kawikaang maaaring nakaiwanan na ng
panahon,ngunitmaaaring balikan ng mga Filipino upang ipagunita sa susunod na henerasyon:
Talinghagang tinumbasan ng mga katangian ng hayop, ibon, isda, kulisap, at halaman
Asong-pungge — susunod-sunod sa dalaga
Balat-kalabaw — Matibay ang hiya; walanghiya
Balat-sibuyas — maramdamin;madaling umiyak
Basang-sisiw — api-apihan;kalagayang sahol sa hirap
Buhay-alamang — laging nasusuong sa panganib;hikahos
Buhay-pusa — mahaba ang buhay;laging nakaliligtas sa panganib
Bulang-gugo — bukás ang palad sa paggasta
Buwayang-lubog — taksil sa kapuwa;hindi mabuti ang gawa
Dagang-bahay— taksil sa kasambahay
Kakaning-itik —api-apihan
Kutong-lupa — bulakbol;walang hanapbuhay
Lakad-kuhol — mabagal utusan;patumpik-tumpik kapag inutusan
Ligong-uwak — hindi naghihilod o gumagamitng bimpo kapag naliligo;ulo lamang ang binabasa.
Maryakapra (marya-kapra) — babaing masagwa o baduymagbihis
Mataas ang lipad — hambog
Matang-manok — Malabo ang paningin kung gabi;Di-makakita kung gabi
May sa-palos— Hindi mahuli.Mahirap salakabin.Madulas sa lahatng bagay.
Nagmumurang kamatis — nagdadalaga
Nagmumurang kamyas — bagong naniningalang-pugad;bagong nanliligaw.
Paang-pato — tamad;makupad;babagal-bagal kung lumakad
Pagpaging alimasag — walang laman
Puting-tainga — maramot
Putok sa buho — Walang tiyak na ama nang isilang
Salimpusa (saling-pusa) — hindi kabilang sa anumang panig;
Sangkahig,sangtuka — Ginagasta ang siyang kinikita.
Tagong-bayawak — madaling makita sa pangungubli
Tawang-aso — tawang nakatutuya
Talinghagang tinumbasan ng mga bahagi ng katawano kaya’y kilos ng tao
Bukás ang palad — magaang magbitiw ng salapi;galante;hindi maramot
Kadaupang-palad— kaibigang matalik
Kumindatsa dilim — nabigo;nilubugan ng pag-asa
Lawitang pusod — balasubas
Ligaw-tingin — torpe; hindi makapagsalita sa nais ligawan
Mababang-luha — iyakin; bawat kalungkutan ay iniiyak
Mabigat ang dugo — kinaiinisan
Magaan ang bibig – palabati;magiliw makipagkapuwa
Magaan ang kamay — magandang magbuwana mano,kung sa negosyo o sugal;mapagbuhatng kamay, o madaling
manampal o manakit
Mahaba ang paa — nananaon sa oras ng pagkain ang pagdating o pagdalaw
Mahabang-dila — palasumbungin
Mahabang-kuko— palaumit
Mahigan ang kaluluwa — matinding galit
Mainit ang mata — malas sa panonood;nagdadala ng kamalasan kapag nagmiron sa sugalan
Manipis ang balát— mapaghinanakit;madaling masaktan kapag sinabihan
Marumi ang noo — taong may kapintasan
May balahibo ang dila — sinungaling
May bálatsa batok — malas
May bituin sa palad — masuwerte sa lahatng bagay, lalo sa negosyo;mapapalarin
May kuko sa batok — masamang tao;di-mapagkakatiwalaan
May kurus ang dila — nagkakatotoo ang bawat sabihin
May nunal sa paa — Layás; mahilig maglagalag
May tala sa noo — babaeng ligawin o malimitsuyuin ng mga lalaki
May-sungay — lalaking di-pinagtatapatan ng asawa;lalaking kinakaliwa o pinagtataksilan ng asawa
Nakadikitng laway — tanggalin;madaling tanggalin
Namuti ang mata — Nabigo sa paghihintay;hindi dumating ang hinihintay
Namuti ang talampakan — kumarimotdahil naduwag;tumakbo palayo dahil sa natakoto naduwag.
Nasa dulo ng dila — hindi masabi-sabi;hindi matandaan,bagama’talam na alam
Naulingan ang kamay— nagnakaw;kumupit ng salapi
Puting tainga — maramot
Sa pitong kuba — paulit-ulit
Tabla ang mukha — walang kahihiyan
Taingang-kawali — nagbibingi-bingihan;kunwari’yhindi nakarinig.
Walang butas ang buto — malakas
Walang sikmura — hindi marunong mahiya
Masasabing mahiligin ang mga Filipino,lalo ang mga sinaunang Tagalog noon,sa paglikha ng mga “taguring ambil”
na naghuhudyatng kaugalian,kung lilimiin ang pag-aaral ni Regalado.Ang “ambíl” ay tumutukoy sa salita,parirala,o
pahayag na may katumbas na pakahulugang hindi tuwirang nagsasaad ng orihinal na tinutukoyna ugali o asal o
katangian ng tao. Sa Ingles,tinatawag itong personipikasyon atmalimitkasangkapanin sa matalinghagang
pamamahayag sa tula.Halimbawa,maaaring wala nang nakaaalam ngayon na ang orihinal na sal itang “ganid” ay
tumutukoy sa malaking asong ginagamitsa pamamaril o pangangaso.Ang “ganid” ngayon ay hindi ikinakabitsa
German Shepherd o iba pang aso,bagkus sa taong “sakim” o taong nais lamang kumabig nang kumabig ngunit
ayaw maglabas kahitisang kusing.Isa pang halimbawa ang “ampalaya” na ginagamitna ambil sa mga tao na
“napakahirap hingan ng kahitano,lalo na kung salapi.” Bagaman naglaho na ang ganitong taguri,higitna kilala ang
ampalaya ngayon bilang pangontra sa diabetes atalta-presyon.May ibang salita namang nagbabalik ngayon,at
kabilang dito ang “limatik” na isang uri ng lintang maliitngunitmasidhing manipsip ng dugo.Iniaambil ang salitang ito
sa mga tao na mahilig kumabitsa ibang tao upang manghuthotng salapi hanggang wakas;o kaya’y sa mga
propitaryong “walang habas magpatubo.” Nagbabalik din ang “hunyango” na isang uri ng hayop na may pakpak,
sinlaki ng karaniwang kuliglig,na nakikikulaysa bawatmakapitan.Panukoyito ngayon sa mga tao na taksil kung
hindi man mapagbalatkayo.Usong-uso rin ang “balimbing” na isang uri ng punongkahoyna ang bunga ay may
limang mukha o panig.Tumutukoyito sa taong kung sino ang kaharap ay siyang mabuti,at idinagdag dito ang isa
pang kahulugang tumutukoysa politikong palipat-lipatng partido.
Marami pang dapat pag-aralan ang bagong henerasyon ng mga Filipino hinggil sa paraan ng komunikasyon nito.At
upang magawa ito’ykinakailangang magbalik sa nakaraan,halungkatin ang mga antigong dokumento ataklat, itala
ang mga kuwento ng matatanda,at sipatin sa iba’tibang anggulo ang mga wika,kaisipan,atpanitikan.Maaaring
maging makulaydin ang gagawin nating mga ngangayuning idyoma,talinghaga,attayutay kung maláy tayo sa mga
aral ng nakaraan na pawang makatutulong sa pagbubuo ng masigla,maunlad, at abanseng panitikang Fillipino—na
maipagmamalaki ng sinumang Filipino saanmang panig ng mundo.
Tula,Wika at nasyonalismo
Wika ang isa sa mga paksang pinagbuhusan ng pansin ng mga makatang Tagalog noong bungad ng siglo 20.Ito ay
dahil tanging Ingles atEspanyol lamang ang mgaopisyal na wika sa Filipinas,na isang paraan ng pagsasabing “mga
wikang pambansa,” na pawang ginagamitupang paikutin ang pamahalaan,edukasyon,negosyo,hukuman,militar,
simbahan,atiba pang kaugnay na sangay,kahit matiwalag ang mga karaniwang mamamayan sa kani-kanilang sarili.
Hindi rin totoo na pinangibabawan ng Tagalog ang mga taal na wika sa Filipinas upang pagkaraan aypatayin. Ang
totoo, Tagalog ang lantarang lumaban sa kapuwa Ingles atEspanyol—na mga wika ng kolonisasyon—atnaging
halimbawa ng iba pang taal na wika sa Filipinas hinggil sa produksiyon ng panitikan at iba pang lathalain.
Nililingon ng mga makatang Tagalog ang kanilang pakikihamok sa ginawang halimbawa ng wika,diwain,bisyon,
anyo, at kabaguhan ng ginawa ni Francisco Balagtas na ibang-iba ang testura ng wika kung ihahambing sa iba pa
niyang kapanahon.Bukod kay Balagtas,kinikilala rin nila ang mga ambag na akda ng gaya nina Andres Bonifacio,
Marcelo H. Del Pilar, Emilio Jacinto at iba pang kababayan. Halos lahatyata ng makata ay tumula ukol sa
kanilang wika o kaya’y kay Balagtas,at marahil maykaugnayan ito sa iba’t ibang samahang pampanitikan,gaya
ng Aklatang Bayan at Ilaw at Panitik. Sa mga nobelang Tagalog,maibibilang sa pangunang hanayang Banaag at
Sikat(1906) ni Lope K. Santos na naglantad ng Thomasite na nagtuturo sa mga Tagalog atkung paano ibig palitan
ng Ingles ang Espanyol bilang wika ng hukuman.Gumamitdin ng mga tauhan si Santos upang lokohin ang usapan
sa Ingles,na ngayon ay tatawaging “Taglish.” Ang ganitong taktika ni Santos ay mababasa rin sa kaniyang tulang
gaya ng “Let us go, Teacher” na tungkol sa personang estudyanteng tinuturuan ng gurong Amerikano na pangitang
itsura,ngunitmakikilala pagkaraan ang Filipina na maganda na yayaing magtanan sa pamamagitan ng balu-baluktot
na Ingles.
Sa tulang “Ang Wikang Tagalog” ni Ruperto S. Cristobal na nalathala noong 2 Abril 1919 sa Ang Mithi, inilahad ng
persona ang pangyayaring “parang sinusubok kung aling wika” ng sandaigdigan ang “lalong matamis” at
“napakainam.” Nagmayabang ang Kastila,sumunod ang Ingles,humiritang Pranses,atnakisali pa ang Intsik (Tsino)
kung aling wika ang dapatmangibabaw sa Dulong Silangang Asya sa kabuuan,at sa Filipinas sa partikular.Sa
ikatlong saknong,inilarawan ang Maynila bilang lunan ng mga wikang dayuhan na ibig akitin ang mga walang kibong
mamamayan:
Dito sa Maynilang pook na tagpuan ng lahat ng bayan
mga wikang ito’y siyang laging bigkas ng mga dayuhan,
ibig na akitin ng buong paggiliw
itong walang kibong mamamayan natin;
ang unang tinungo’yang lalong malaking bahayng kalakal
na may akala pang ipasok na pati ng mga dayuhan,
pinapamayani ang kanilang diwa sa lahatng bagay
hanggang mapilitang pati kabataa’ymangagsipag-aral
pagka’tsiyang tanging kinakailangan
sa maraming yari ditong pagawaan;
nguni’tngayon pa ma’y di rin nalilimotang lalong mainam
na wikang Tagalog na sa ganda’tganda’ydi na uunahan.
Ang kakatwa’y kahitanong pang-aakitng mga banyagang wika ay hindi pa rin malimotang Tagalog.Inilahad sa
sumunod na saknong kung bakitmatamis ang Tagalog na puno ng pag-ibig atpangarap na pawang ipinamamana ng
mga magulang sa kanilang mga anak.Sa pangwakas ng saknong,isasaad naman kung bakitnabigo ang
pagpapalago ng wikang dayuhan:
Hindi nanagumpayang pagpapalago ng wikang dayuhan
ang lahat ng wikang dayo sa bayan ko’y hindi kailangan
dito’y may wika ring kabigha-bighani,
dito’y may diwa ring pagkatangi-tangi...
Kaya’t nang tangkaing ang wikang Tagalog ay ipagbaunan
sa hukay ng limot,ay nangagsibangon tanang kabataan,
pinigil ang mga masasamang nais atdi-wastong pakay
at pinanatiling maglaro sa dila ang wika ng bayan
hanggang kilalanin itong wika natin
na wikang dalisayatlubhang butihin,
kaya ngayon dito’y maraming totoo ang nag-aawita’t
pinupunong lagi ang himpapawirin ng kaligayahan.
Sa naturang saknong,ang wikang Tagalog ay hindi lamang nais patayin bagkus ipagbaunan pa sa limot,at ginagawa
ito lalo na ng mga tagapamansag ng Ingles atEspanyol.Ngunithindi pumayag ang mga kabataan,atsumalungatat
lumaban sa nais o patakaran ng mga wikang dayuhan.
Noong 6 Enero 1923,nalathala sa Taliba ang tulang pinamagatang “Imperyalismo” niJose Corazon de Jesus. May
epigrape ang tula hinggil sa ulatna maraming pahayagan sa Estados Unidos ang nagsasabing hindi dapatpalayain
ang mga Filipino dahil hindi pa edukado atwalang katiyakan ang independensiya hangga’thindi marunong umingles
ang lahat ng Filipino.Heto ang ilang saknong ng tula,at ispesimen kung ano-anong deskriminasyon atpang-aaglahi
ang ginawa noon sa mga Filipino upang kaligtaan ang sariling wika:
Ingles naman ngayon itong salitaan,
lalo pang lumayo yaong Kasarinlan;
matuto ng Ingles itong Kapuluan,
mawalan ng Wikang katutubo’tmahal;
mag-Amerikano sa kaugalian,
mag-Amerikano pati kabastusan,
mag-Amerikano gayong hindi naman,
isang utos itong napakahalimaw!
Piliting ang bayan, nang upang lumaya’y
papagsalitain ng di niya wika:
Imulatang mata sa kilos masagwa,
edukasyon tayong parang gagong bata.
Ito’y gawa lamang noong mga bansa
na lubhang salbahe,makamkam,masiba!
Walang katuwiran ang may ganyang diwang
ululin ang bayan sa pangakong pawa.
At hindi ba Ingles itong aming bayan?
Tingnan at kay buti na naming magnakaw,
tingnan at kay buting umestapa diyan,
tingnan at kay galing sa panunulisan.
Noong araw baga,kami’y mayro’n niyan,
noong araw baga’y may sistemang ganyan?
Iya’y edukasyong aming natutuhan
sa iingles-ingles na dito’ydumatal!
Maraming hinaing ang persona ng tula.Ngunitnahuhulaan na niya noon pa man na kaya ipinatutupad ng Amerika
ang gayong patakaran sa Filipinas ayupang panatilihin ang imperyalistang interes nito sa larangan ng kalakalan.
Iniugnay ng persona ang usapin ng wika sa pagsakop sa kamalayan ng mga mamamayan.Magwawakas ang tula sa
pagsasabing walang katwiran ang Amerika na sakupin ang Filipinas,atumaasa ang Filipinas na hindi bansang sakim
ang Amerika. Ngunitkabulaanan ito,dahil ang Amerika ay nananatiling sakim atpatuloy nitong igigiitang
pamamayani ng Ingles sa buong kapuluan.
Wala akong nabasang tula sa Ilokano,Bisaya,Bikol,Kapampangan,atiba pang taal na wika sa Filipinas na may
lakas ng loob na pumaksa sa imperyalismo attuligsain ang patakarang panaigin ang banyagang wikang Ingles sa
Filipinas bago pa man lumitaw ang tula ni De Jesus.Ang ginawa ni De Jesus aynakayayanig sa mambabasa,at
gumigising sa taumbayan na tuklasin muli nila ang kanilang “Inang Wika.” Noong 29 Marso 1921,inilathala ang
tulang “Inang Wika” ni De Jesus.Pumapaksa iyon sa isang inang naghahanap sa nawawalang anak,atang inang ito
ay hindi tumugon sa Espanyol atIngles na pawang nakasalubong patungong gubatbagkus tumugon lamang sa
kaniyang anak na Tagalog. Sa naturang tula,maláy na maláy ang makata sa halaga ng wika na maiuugnaykahitsa
pagkamamamayan,atang pagkamamamayang iyon ay lumalampas sa legalidad atumaabotsa lahi atpersonal na
ugnayan.
Marami pang maihahalimbawa na tula at ibang akda na pumapaksa sa wikang Tagalog,atang wikang ito ay ilalaban
nang patayan ng mga manunulatna Tagalog kahitsa harap ng Ingles,Espanyol,at Nihonggo.Magiging halimbawa
noon ang Tagalog sa iba pang wika,dahil pambihira ang sigasig ng mga manunulatna itampok itong maging
pambansang wika,maydigmaan man o pananakop,atang paligid ay nababalotng lagim,ligalig,attagsalat.Isang
masaklap na parikala sa panahong ito na pinararatangan ang Tagalog na pinangingibabawan ang iba pang taal na
wika sa Filipinas,atnagpapasimuno ng termino atdiwaing “Tagalogization,” Tagalogism,” at“Tagalism” na pawang
ibig pausuhin nina Aurelio Agcaoili, Ricardo Nolasco, at Jose Dacudao. Ang Tagalog na magiging batayan ng
pambansang wikang Filipino ayhindi na masisilayan pa ng mga manunulatna Tagalog na isa-isang namatayat
nilimotng panahon.Gayunman,naniniwala akong mananatili ang kanilang pambihirang pamana para sa bagong
henerasyon ng mga Filipino ipilitmang ibaon sila sa limot,at limutin ng sambayanang Filipino.
Pornograpiya,kahalayan at panitikan
Iginagalang ko si Sen. Manny Villar bilang patron ng sining,ngunitsa pagkakataong ito ay nagdududa ako kung ano
talaga ang pagpapahalaga niya sa sining atpanitikan.Sa kaniyang Panukalang Batas bilang 2464,ang
pornograpiya at kahalayan ay ituturing na kasong kriminal atmay katumbas na mabigatna parusa sa sinumang
mapapatunayang nagkasala.
Mahaba ang pamagatng kaniyang panukala:“An Act prohibiting and penalizing the production, printing,publication,
importation,sale,distribution and exhibition ofobscene and pornographic materials and the exhibition of live sexual
acts, amending for the purpose Article 201 of the Revised Penal Code,as amended.” Sa unang malas aywaring
nakabubuti ito sa pagpapanatili ng moralidad sa lipunan.Ngunitkapag inusisa na ang mga salita atpakahulugang
isinaad sa panukalang batas,manggagalaiti ang sinumang nagmamahal sa sining dahil binubura ng panukala ang
hanggahang nagbubukod sa “pornograpiya” at“sining.”
Maganda ang layon ng panukala:ang “pahalagahan ang dangal ng bawattao at pangalagaan ang integridad atang
katauhang moral,espiritwal,atpanlipunan ng mamamayan,lalo na ang kabataan at kababaihan” laban sa mga
epekto ng obsenidad atpornograpiya.Ito ang patakaran ng estado,at upang maisagawa ito ay kinakailangan
umanong maghasik ang pamahalaan ng walang humpayna kampanya laban sa kahalayan at pornograpiya,at
tiyakin na ang mga institusyong pang-edukasyon ay sumusunod sa atas na ito ng konstitusyon.
Mga pakahulugan
Ang paglinang sa kabutihang asal atpansariling disiplina aydapatsuriin nang maigi sa panukalang batas ni Sen.
Villar. At maaaring magsimula sa pag-uriratsa mga pakahulugan.Heto ang sipi sa panukalang batas:
(a) “Obscene” refers to anything that is indecentor offensive or contrary to good customs or religious beliefs,
principles or doctrines,or tends to corruptor deprave the human mind,or is calculated to excite impure thoughts or
arouse prurientinterest,or violates the proprieties oflanguage and human behavior,regardless ofthe motive of the
producer,printer, publisher,writer,importer,seller,distributor or exhibitor such as,but not limited to:
(1) showing,depicting or describing sexual acts;
(2) showing,depicting or describing human sexual organs or the female breasts;
(3) showing,depicting or describing completelynude human bodies;
(4) describing erotic reactions,feelings or experiences on sexual acts;or
(5) performing live sexual acts of whatever form.
Sa Filipino,ang “obscene” ay maitutumbas sa “mahalay.” Sa pakahulugan ni Villar,ang mahalayay maaaring
malaswa o nakasasakito salungatsa mabubuting kaugalian o paniniwalang relihiyoso,prinsipyo o doktrina, at siyang
bumubulok sa isip ng tao.Ang “mahalay” ay nagpapasiklab ng maruruming pag-iisip,na mahihinuhang ang ibig
sabihin ay“kalibugan.” Ngunitkung ano ang hanggahan ng kabutihang-asal ayisang palaisipan.Ang pagpapasulak
ng libog ay sasaklaw din sa anumang motibo ng prodyuser hanggang manunulathanggang tagapagtanghal.
Sa ganitong pakahulugan,kahitang mga seryosong panitikero atartista ay masasabit.Mangunguna na marahil sa
listahan si Pambansang Alagad ng Sining F. Sionil Jose, na ang ilang nobela’ynabubudbudran ng makukulayna
kandian,laplapan,atbosohan.Manganganib din ang mga teatro,na dapat ituring ang kanilang mga manonood na
parang batang walang sapatna kapasiyahan atdapatpangalagaan ang moralidad.Delikado kahitang mga
independiyenteng pelikula,na nagtatanghal ng mga erotikong obrang lumilihis sa kumbensiyon atnangingibabaw na
pananaw.Pinakikitid ng “mahalay” ang dating pakahulugan nito,atinilalatag ang konsepto ng itim atputi na parang
nasa panahong midyibal.
Nakatatakotkahit ang mga pakahulugan sa “pornograpiya,” “mas s media,” “materials,” “sex,” at “sexual act.” Heto
ang sipi:
(b) “Pornographic or pornography” refers to objects or subjects offilm,television shows,photography,illustrations,
music,games,paintings,drawings,illustrations,advertisements,writings, literature or narratives,contained in any
format, whether audio or visual, still or moving pictures,in all forms of film,print, electronic,outdoor or broadcast
mass media,or whatever future technologies to be developed,which are calculated to excite, stimulate or arouse
impure thoughts and prurientinterest,regardless ofthe motive of the author thereof.
(c) “Mass media” refers to film,print, broadcast,electronic and outdoor media including,butnot limited to, internet,
newspapers,tabloids,magazines,newsletters,books,comic books,billboards,calendars,posters,optical discs,
magnetic media,future technologies,and the like.
(d) “Materials” refers to all movies,films,television shows,photographs,music,games,paintings,drawings,
illustrations,advertisements,writings,literature or narratives, whether produced in the Philippines or abroad.
(e) “Sex” refers to the area of human behavior concerning sexual activity, sexual desires and instinct,and their
expressions.
(g) “Sexual act” refers to having sex or the act of satisfying one’s sexual instinct.
Sa naturang pakahulugan,kahitang matataas na uri ng panitikan ay kasama.Gayundin ang matitinong potograpiya,
pintura,musika,pelikula,atmakabagong teknolohiya.Napakalawak ng “impure thoughts” (maruming isip) at“prurient
interests” (kalandian o kalibugan) atkapag inilapatang mga konseptong ito sa panitikan ay dapathusgahan ang
akda batay sa husayng imahinasyon athindi sa kung ano-anong taguri.Maiisip tuloy na kinokontrol ng pamahalaan
kung paano dapatmag-isip atmagpasiya ang mga mamamayang ipinapalagayna pawang gago at bobo na hindi
kayang unawain ang nagbabagong daigdig.Ang pakahulugan ng “mabuti” ay nakasalalaylamang sa kamayng
pamahalaan,o sa galamaynitong relihiyoso.Mapanganib ang nasabing pakahulugan dahil ang pagpapasiya kung
ano ang “pornograpiya” ay mahihinuhang nakabataysa halagahang moral ng mga relihiyon,kahitang mismong mga
relihiyong ito ang nagpapakalatdin ng mga dogmatiko,basura’tkolonyal na paniniwalang pikit-matang sinusunod ng
kani-kanilang mananampalataya.
Mapanganib ang pagtatanghal ng mga pelikulang maykaugnayan sa sexat paghuhubad.Lalo na ang pagsusulat,
pagbubuo,paglilimbag,atpagpapalaganap ng mga ito sa mass media o kaya’y sa tanghalan.Nakikini-kinita kong
kahit ang mga blog at websayt ay delikado rito,dahil mapipilitan ang pamahalaan na gumanap bilang Dakilang Kuya
na magmamanman sa bawatkilos ng mga mamamayan,atitatakda ang “mabuti” at ang “masama” alinsunod sa nais
nitong palaganapin nang mapanatiliang panlipunang kaayusan.
Mga Parusa
Mabigat ang mga parusa,at kabilang dito ang sumusunod:
Una, ang pagkakakulong nang anim hanggang labindalawang taon,at multang mulang 500 milyong piso hanggang 1
milyong piso sa sinumang lumilikha,naglilimbag,nagtatanghal,nagbebenta,atnapapakalatng pornograpikong
materyales.
Ikalawa,pagkakakulong nang tatlo hanggang anim na taon atmultang mulang 200 libong piso hanggang 500 libong
piso sa sinumang magpapalabas ng mga “pornograpikong pelikula” s a loob man o labas ng Filipinas,o sa mga
publikong tanghalang,gaya sa restoran o klub, o kaya’y sa bahay na ang mga nanonood ay hindi lamang ang mga
residente roon.
Ikatlo, pagkakakulong nang tatlo hanggang anim na taon atpagmumulta ng 200 hanggang 500 libong piso sa
sinumang magsusulatng mahalayo pornograpikong akda mapa-elektroniko man o mapalimbag sa papel.
Ikapat, pagkakakulong nang isang taon hanggang tatlong taon atpagmumulta ng 100 hanggang 300 libong piso sa
sinumang magtatanghal o gaganap nang malaswa o pornograpiko sa anumang anyo ng mass media.
Nagtataka lang ako kung bakit walang umaangal sa panukalang batas na ito ni Sen. Villar. Nananahimik ako dahil
iniisip ko noon na may mga tao na mag-iingayhinggil dito.Ngunitdahil wala namang pumipiyok,nais ko nang
pumalag.Dapatibasura na ang Panukalang Batas bilang 2464.Ang nasabing panukala aymapanlahat,at
napakakitid ng pananaw hinggil sa sining atpagtatanghal.Sinumang sumulato nagpakana nito ay dapat ibitin nang
patiwarik,nang umagos atlumabas ang lahatng kaniyang dugo sa ilong,mata,tainga, at bibig na maituturing na
isang uri ng pornograpikong tagpo sa sinumang ang pamantayan ay “Matapat, Mabuti, Maganda.”
Salawikain tinipon ni Ingo Ed Regalado
isa sa mga iniidolo kong manunulatsi Iñigo Ed. Regalado, dahil hindi lamang siya primera klaseng makata bagkus
mahusayding sanaysayista,nobelista,kuwentista,kritiko,at peryodista.Naging guro at puno sa kagawarang Filipino
si Regalado sa Universityof the East, Far Eastern University, at Centro Escolar Universitynoong tanyag siyang
manunulat,atmalimitimbitahan sa mga kumperensiyang pampanitikang itinaguyod ng mga Ingleserong manunulat
ng Unibersidad ng Pilipinas noong dekada 30.
Ngunitwala akong naririnig ngayong pagpapahalaga mula sa mga naturang unibersidad sa manunulatna nagbuhos
ng buhay para sa panitikang Filipino.Kaya noong 17 Nobyembre 2000,lumiham ako kay Esther M. Pacheco,ang
direktor noon sa Ateneo de Manila University Press,upang maipasa sa Aklatan ng Ateneo de Manila ang kahon-
kahong antigong dokumento,aklat,plake,retrato, at iba pang rekwerdo ni Regalado na inihabilin sa akin ng apo niya.
Matatagpuan ngayon sa Ateneo ang memorabilya ni Regalado,atnawa’y pangalagaan iyon ng naturang aklatan.
Sa ibang pagkakataon ko na tatalakayin nang malalim ang kadakilaan ni Regalado bilang manunulat,athayaan
muna ninyo akong ibahagi ang hinggil sa mga salawikaing inipon niya nang matagal.
Kung hahalungkatin ninyo ang mga antigong papeles ni Regalado,masusungpungan ninyo ang walong pahinang
sulat-kamayna nagtataglayng mga salawikain.Malinis atmasinop ang dikit-dikitna titik na parang mula sa sulatng
isang dalaginding ang sulatni Regalado.Nakaipon si Regalado ng 239 salawikain,atang mga salawikaing ito an g
pinagkakakitaan ng ilang pabliser o manunulatsa kasalukuyan na halos kinopya lamang ang tinipon ni Regalado.
Ang totoo’y marami pang salawikain atbugtong ang naipon ni Regalado,ngunithindi pa ganap na natitipon ang lahat
dahil ang ibang kinalathalaan nito’ymahirap nang matagpuan sa mga aklatan.May mga kolum si Regalado noon sa
mga babasahing gaya ng Ang Mithi, Pagkakaisa,Watawat,Kapangyarihan ng Bayan,Liwayway, at Ilang-ilang,at
marahil bilang editor aynaipapasok niya ang mga kuntil-butil na dapatpahalagahan,gaya nga ng salawikain,
retorika, talasalitaan,atpaggamitng salita.
Estetika ng Salawikain
Kung ang “bugtong,” ani Virgilio S. Almario, ay may iisang sagot,kabaligtaran naman ang “salawikain” dahil ang
sagoto pahiwatig nito ay maaaring magsanga-sanga,athindi matutuklasan sa iisang antas lamang.Halimbawa’y
ang kasabihang,“Ang taong walang kibô’y/nasa loob ang kulô” ay hindi lamang maikakabitsa taong “mahiyain
ngunitmaingaykapag nalasing.” Maaaring tumukoydin iyon sa mga tao na walang imik ngunitmatalino,sa mga tao
na mapagkumbaba ngunitpambihira ang alab,yaman,at talento. Idaragdag ko sa winika ni Almario na habang
humahaba o lumalalim ang pahiwatig ng salawikain,lalong rumirikitito pagsapitsa mambabasa dahil ang
pagpapaliwanag ayhindi magiging de-kahon gaya ng aasahan sa isang bugtong.Bukod sa nabanggit,ang
salawikain ayisa ring tula, dahil binubuo ito ng sukatat tugma sa ilang pagkakataon,gaya ng “May tainga ang lup à,/
may pakpak ang balità” (na pipituhin ang pantig bawattaludtod at may pandulong tugmang tudlikan) atnaglalaman
ng pambihirang talinghagang matalik sa puso ng taumbayan.
Ang halina ng salawikain ay nasa masining na pagkasangkapan ng mga hulagway(i.e., imahen) sa paligid atsiyang
batid ng taumbayan. Iniuugnay ang nasabing hulagwaysa isang diwain,atang kombinasyon ng mga diwain,sa
pamamagitan man ng paghahambing,pagtatambis,atpagtitimbang,aynagbubunga ng isa pang bukod na diwaing
ikagigitla ng makaririnig.Sa unang malas aypayak ang ipinahihiwatig ng salawikain.Ngunitkung nanamnamin iyon
ay mababatid ang lalim ng kaisipang dapatpagbulayan ng sinumang tao na pinatatamaan.
Papel ng Bayan
Nabubuo ang salawikain sa isip ng madla na pinagbubuklod ng iisang diskurso,ngunitang isang bihasang makata
ang posibleng nagsakataga ng niloloob ng nasabing madla.Habang tumatagal,pinayayaman ng madla ang
pakahulugan atpahiwatig ng salawikain;isinasalin nang pabigkas mula sa isang salinlahi tungo sa bagong salinlahi,
kaya ang salawikain ayhindi na lamang pag-aari ng isang tao bagkus ng sambayanan.Sa paglipas ng panahon,
nakakargahan ng iba’tibang pahiwatig ang salawikain alinsunod sa paggamito pagsagap dito ng taumbayang
nagkakaroon ng iba’tibang karanasan atkabatiran.Halimbawa,ang kasabihang “Ano mang talas ng tabak,/ mapurol
kung nakasakbat,” ay hindi na lamang patungkol sa patalim o talentong inililihim ng tao.Maaaring ipakahulugan din
ito ng kasalukuyang henerasyon sa uten,na gaano man kahaba at katigas,kapag hindi ginamitsa tumpak na
pakikipagkarat,ay manlalambotatmawawalan ng saysay.O kaya’y sa selfon o kompiyuter, na gaano man kaganda
o kahusay,kapag hindi ginamitay mawawalan ng kahulugan.
Itinuturing na sambayanan ang may-ari ng mga salawikain.Gayunman,dapatpa ring kilalanin ang gaya ni Regalado
(at mababanggitdin ang isa pang paborito kong siDamiana Eugenio) na walang sawa sa pagtitipon nito upang
maiugitsa kamalayan ng sambayanan ang mga hiyas ng diwang dapattandaan ng sinumang kabataan.Heto ang
ilang natipong salawikain ni Iñigo Ed.Regalado,na isinaayos ko ang taludturan upang madaling maunawaan,atsa
aking palagayay walang kamatayan:
1. Ang matibayna kalooban
ang lahat ay nagagampanan.
2. Kapag ang tao’y matipid,
maraming maililigpit.
3. Hulí man daw at magaling
ay naihahabol din.
4. Kung tunay nga ang tubó,
matamis hanggang dúlo.
5. Sa maliitna dampa
nagmumula ang dakila.
6. Kapag may isinuksok
ay may madudukot.
7. Walang binhing masama
sa [may] mabuting lupa.
8. Di man magmamana ng ari,
ay magmamana ng ugali.
9. May tainga ang lupa,
may pakpak ang balita.
10. Wika, at batong ihagis,
di na muling magbabalik.
11. Kung pinukol ka ng bato,
gantihin mo ng puto.
12. Ang taong mapagbulaan
ay hinlog ng magnanakaw.
13. Walang matibayna baging
sa mabuting maglambitin.
14. Pag ang punla ay hangin,
bagyo ang aanihin.
15. Walang mataas na bakod
sa taong natatakot.
16. Ang maikli ay dugtungan,
ang mahaba ay bawasan.
17. Pag ikaw ay nagparaan,
pararaanin ka naman.
18. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan,
hindi makararating sa paroroonan.
19. Kapag tinawag na utang,
sapilitang babayaran.
20. Malakas ang bulong kaysa hiyaw.
21. Kung saan ang gasgas,
naroon ang landas.
22. Putik din lamang atputik,
tapatin na ang malapit.
23. Ang taong walang kibo
ay nasa loob ang kulo.
24. Sa taong may hiya,
ang salita ay sumpa.
25. Kahoy mang babad sa tubig,
kapag nadarang sa init,
pilitna magdirikit.
26. Ang mahuli sa daungan
ang daratna’y baling sagwan.
27. Sa kinanti-kanti ng munting palakol
ay makabubuwal ng malaking kahoy.
28. Ang ulang atik-atik
madaling makaputik.
29. Pag maaga ang lusong,
maaga [rin]ang ahon.
30. Ang tao pag naumpog,
marapatnang yumukod.
31. Matisod na na sa bato
huwag lamang sa damo.
32. Biro-biro kung sanlan,
totohanan ang tamaan.
33. Sa lakad ng panahon,
lahatay sumusulong.
34. Ano mang talas ng tabak,
mapurol kung nakasakbat.
35. Ang hinahon ay malakas
nang higitpa sa dahas.
36. Sa payo ng nagigipit
hindi ka dapatmanalig.
Pagpapahalaga
Nagbabago ang estetikang silbi ng mga salawikain,atngayon, ginagamitna lamang ang mga ito para paminsang-
minsang ipaskel sa pisara o bilbord bilang paalaala sa mga taong matitigas ang ulo.Sa kabila ng lahat, dapatpa ring
tandaan na ang mga salawikain ayhindi lamang ginagamitpara isaulo o isapuso,bagkus upang pagbuklurin ang
buong bayan o lipi.Ang mga salawikain ayisang uri ng listahan ng etika,at ang etikang iyon, na kapag susundin ng
mga tao, ay makapagsasaayos ng ugnayan ng mga tao, malulutas ang mga sukal ng loob o isip,at mapananatili ang
panatag na pag-iral ng lipunan.Nagwawakas ang lahatsa kasunduang panlipunan,athigitsa lahat, tumataas ang uri
ng komunikasyon ng bayang hitik sa kahanga-hangang bisa ng ligoyat paghihiwatigan.
Pananliksik, at panrehiyong sentro ng wikang Filipino
Maitutumbas sa nakasisindak na nilalang ang salitang “saliksik” [research] dahil hindi ito
maihuhugis sa guniguni nang napakadali, at maraming pagdulog ang maisasagawa
upang maunawaan ito alinsunod sa pangangailangan at hinihingi ng panahon. Nag-
iiwan ng pangamba sa mananaliksik ang anyo ng saliksik hindi lamang dahil
masalimuot ang daan tungo rito, bagkus kinakailangan ng mananaliksik ang sapat na
karanasan, karunungan, lakas, at pasensiya upang matuklas at maunawaan ang
hinahanap. Para mapawi ang pangamba sa pananaliksik, kinakailangang alamin kung
anong uri ng hayop ito, wika nga. Kinakailangang matutuhan ninuman ang paraan kung
paano mag-isip at kung paano tatanawin ang kaligiran kung hindi man daigdig, nang sa
gayon ay mabatid kung paano makapaghahawan ng landas at makapaglalagay ng
muhon para pagsumundan ng mga darating pang mananaliksik.
Isang katangian ng saliksik ang pagdaan sa proseso, at maaaring simulan sa
pagtatanong at pag-uusisa. Ngunit ano ang itatanong, lalo kung may kaugnayan sa
wika at panitikang Filipino? Makabubuting simulan ang pambungad na pagbabasa
hinggil sa mga akda ng isang manunulat, halimbawa, at mula rito ay matatantiya kung
dapat ipagpatuloy ang pananaliksik. Kinakailangang pag-isipan ang tanong—na batay
sa umiiral na datos—at kung paano ito isasakataga, nang sa gayon ay maitakda ang
saklaw at lalim ng saliksik, at haba ng panahong ilalaan doon. Sa pagbuo ng tanong,
kinakailangan ng mananaliksik na timbangin ang pagiging patas [obhetibo] at ang
pagtanaw sa kung saang panig [subhetibo], ayon sa kayang mailahad ng datos. Dapat
ding magpasiya siya kung kalitatibo (mapaglarawan) o kantitatibo (mapagbilang) ang
pag-aaral, bagaman sa ilang pagkakataon ay pinagsasanib ang dalawa nang
matimbang ang isang anyo kaysa isa pa. Hahaba pa ang pagsisiyasat kung idurugtong
dito ang papel ng Panrehiyong Sentro ng Wikang Filipino—na mahalagang sangay ng
Komisyon sa Wikang Filipino—upang matupad ang itinatadhana ng Saligang Batas
1987 na gawing makatotohanan ang Filipino bilang wikang pambansa at Batas
Republika 7104 na lumilikha sa KWF para sa gayong layunin.
Dapat taglayin ng mananaliksik ang iba pang katangian, gaya ng kasanayan sa
pagtatala o pagsusulat at matalas na pang-unawa sa bagay na binabása o
pangyayaring pinag-aaralan. Ang ganitong mga katangian ay hindi likás, bagkus napag-
aaralan sa paglipas ng panahon, hanggang ang mananaliksik ay makadiskarte
alinsunod sa pangangailangan ng saliksik. Yamang kalitatibo ang karaniwang uri ng
pananaliksik na ginagamit sa panitikan, kinakailangang lisâin ang listahan ng mga
literatura. Makabubuti kung gayon na sa talaksan ng mga aklat ay makabuo ng mga
haliging pagsisimulan, at maaaring ito’y aklat hinggil sa kasaysayang pampanitikan,
antolohiya ng tula o katha, mga teorya o pagdulog sa pagbasa, salungatang kritika ng
mga dalubhasa, at katalogo ng mga pangalan at akda sa isang larang. Sa panig ng
mga wika, ginagamit ang paraang kantitatibo, halimbawa na ang pag-eeksperimento sa
isang buong klase na binubuo ng 50 katao, na bibigyan ng kaalaman at kasanayan
upang pagkaraan ng takdang panahon ay tasahin ang resulta ng kanilang mga
pagsusulit batay sa kanilang dinaanang leksiyon. Sa ganitong kalagayan, makabubuting
mag-aral ang mananaliksik hinggil sa estadistika, paglikom ng datos sa paraang patas
at walang manipulasyon, pagtitiyak na ang kinuhang bilang ng kalahok ay
representante sa buong populasyon, at iba pa. Higit sa lahat, kinakailangan ang
konsultant sa interpretasyon ng resulta ng pananaliksik nang sa gayon ay magabayan
ang mananaliksik sa kaniyang ginagawa.
Mangangapa ang sinuman sa pagtatanong kung hindi niya alam ang teritoryo na
kaniyang hinahanap. Sa panig ng panitikan, kinakailangang balikan ang mahabang
kasaysayan ng panitikang palimbag, halimbawa sa Tagalog o Iluko, at mula rito ay
maaaring pag-aralan ang kasaysayan ng katutubong panitikan sa isang takdang
panahon, na lumikha ng angking kumbensiyon at pamantayan, at nakapag-ambag sa
pagpapalago ng wika, guniguni, at pagkatha, na hindi maitutulad noong panahong nasa
dahon, buho, palayok, at batuhan ang mga titik at larawang nagtatala ng kasaysayan.
May mga deskriptibong pag-aaral naman, halimbawa sa mga epikong bayan, na
inuugat ang mga dalumat at pananaw sa daigdig ng mga tauhan, at pinag-aaralan kung
paanong ang mga penomenon o pangyayari ay humuhubog sa katauhan ng persona at
sa kaniyang pagpapasiya. Hinuhugot din sa mga epikong bayan ang mga arketipong
hulagway, halimbawa, na ang “bayani,” “asawa,” “anak,” “bayan,” “tubig,” “lupa,”
“hangin,” “simoy,” “bathala,” “gamot,” at “kamatayan,” at sa pamamagitan nito’y
naipapaliwanag ang mga sagisag at pahiwatig na pawang nabuo ng lipi na may
kolektibong kubling-malay, kung hihiramin ang dila ni Carl Jung. Sa pag-aaral ng
arketipo’y hindi kinakailangang limitado sa sinabi lamang ni Sir James Frazer, bagkus
magagamit kahit ang mga akda nina Isabelo de los Reyes, Honorio Lopez, at E.
Arsenio Manuel, at ang pagdalumat ng gaya nina Ernesto Cubar, Reynaldo Ileto, at
Florentino Hornedo. Samantala, ang pag-aaral sa panig ng wika ay nakasalalay sa mga
pagbabalik sa mga limbag na panitikan, diksiyonaryo, tesawro, sanaysay, kasaysayan,
at iba pa. Ang paglago ng korpus ng wika ay maisasailalim sa pag-aaral na purong
lingguwistika (papaloob), o kaya’y sosyolingguwistika (papalabas).
Ang mahirap sa panitikan ay hindi maitutumbas ito nang isa-sa-isa sa mga pangyayari
sa kasaysayan, dahil may bukod itong kasaysayan sa kanonigong kasaysayan ng
bansa. Bagaman ang panitikan ay posibleng maapektuhan ng ilang matingkad na
pangyayari sa lipunan, gaya ng digmaan, salot, kalamidad, at tagsalat, at mula rito’y
gagamit ng mga hulagway o tauhang nagmula sa naturang pangyayari ang
mangangatha o makata, ang panitikan ay hindi direktang salamin ng realidad. Dahil
kung gayon, inuulit lamang nito na parang sirang plaka ang realidad at hindi na
pinanghihimasukan pa ng guniguni. Lumilikha ng sariling realidad ang panitikan; at ang
pagtatakda ng panahon ng pagkauso ng isang estilo o paksa o teorya ay hindi
maikakahon sa isang takdang panahon; at mahirap masukat kung gaano kadominante
ito maliban kung maisasagawa ang malawakang imbentaryo ng panitikang nailimbag sa
nasabing panahon. Maaaring magpabalik-balik ang uso o estilo alinsunod sa nais ng
mangangatha o makata, at sa hinihingi ng madlang mambabasa. Ang maisasaad
lamang ay ang paglitaw ng ilang matingkad na akdang maaaring sumasalungat sa
kumbensiyon, at nagtatakda ng muhon ng pagbabago, at ito ang pagsisimulan ng
modernisasyon na pinalalawig ng mahuhusay na manunulat.
Habang pinag-aaralan ang peryodisasyon ng panitikan, mapapansin na lumilikha ang
mga teoriko ng mga haka-haka, pagdulog, at teorya kung paano babasahin ang gayong
panitikan. Ang peryodisasyon ay posibleng kumiling sa kanonigong kasaysayan ng
lipunan na bukod sa kasaysayang pampanitikan; o kaya’y bumatay sa binuong
kasaysayang pampanitikang tumanyag ang mga manunulat o akda sa isang takdang
panahon. Makabubuting maláy ang mananaliksik hinggil sa ganitong pangyayari, at
nang sa gayon ay magawa niya ang nararapat para makamit ang layunin ng
pananaliksik.
Mahaba ang panahon ng pananaliksik na iniuukol sa pag-alam ng kasaysayan ng
panitikan sa lokal o pambansang antas, at karaniwang nagpapasiya na lamang huminto
ang mananaliksik kapag napiga na niya ang halos lahat ng posibleng literatura na
maaaring balikan, at mistulang kumbensiyon na lamang ang natitira. Ang pag-aaral ng
panitikan ay hindi kronika ng mga pangyayari; bagkus pag-aaral sa mga importanteng
sibol na lumikha ng kilapsaw na pagkaraan ay naging daluyong sa pana-panahon at
siyang magtatakda ng pagkabukod ng isang anyo ng panitikan sa iba pang anyo ng
panitikan. Sa madali’t salita, lumilikha ang teoriko ng isang lente, at ang lenteng ito ay
hindi pangwakas, dahil maaaring lumabo o mabasag o baguhin o ipawalang-bisa, at
palitan ng higit na modernong lente ng pag-arok at pagpapaliwanag ng panitikan. Dapat
banggitin na sa pag-aaral ng kasaysayan ng panitikan ay hindi nangangahulugan ng
paglikha ng teorya o pagdulog ang laging pangwakas na resulta. Pinag-aaralan ang
kasaysayan ng panitikan, at ang peryodisasyon nito, para mailugar nang tumpak ang
mga akdang pampanitikan at hindi basta mabansagan o matatakan ng mga taguring
inangkat sa kung saang lugar.
Panitikang palimbag
Kapag sinabing panitikang palimbag, tinutukoy dito ang lahat ng posibleng teksto na
matatagpuan sa loob at labas ng aklatan, at dito maaaring magsimula. Makagagamit ng
mga elektronikong aklatan, ngunit ang pinakamahalaga ay matukoy ang lahat ng
publiko at pribadong aklatan at puntahan iyon at doon magsaliksik. Kaya maisasaalang-
alang sa puntong ito ang mga pangunahin at sekundaryong sanggunian, at sa
panitikan, ang pangunahing sanggunian ay ang orihinal na teksto at ang awtor (kung
buháy pa siya) na maaaring pagbunsuran ng multi-disiplinaryong pag-aaral kung
ituturing na ang panitikan ay kaugnay ng lipunan kahit pa sabihing may sariling realidad
ang panitikan na bukod sa realidad ng lipunan. Mahirap pag-aralan ang isang kalipunan
ng mga tula ng isang makatang Tagalog, halimbawa, at upang magkaroon ng idea kung
ano ang testura niyon ay kinakailangang balikan ang ilang opinyon ng mga kritiko at
istoryador na sumuri sa mga tulang naroroon, at pag-aralan ang konteksto ng mga
dalumat [konsepto] na inilahok ng makata sa kaniyang tula.
Masasabing limitado pa ang pag-aaral sa panitikang Filipinas, partikular sa tula at
katha, kung isasaalang-alang ang mga kasaysayang pampanitikang sinulat halimbawa
nina Lope K. Santos, Julian Cruz Balmaseda, Iñigo Ed. Regalado, Clodualdo del
Mundo, Teodoro A. Agoncillo, Ildefonso I. Santos, Bienvenido Lumbera, Resil Mojares,
Virgilio S. Almario, Damiana I. Eugenio, Gemino H. Abad, Soledad S. Reyes, Isagani R.
Cruz, Andres Cristobal Cruz, Rolando B. Tolentino, at Galileo S. Zafra. Sa pag-aaral ng
panitikan at wikang Tagalog, magiging bunsuran ang mga sinaunang tula, gaya ng
salawikain at bugtong, at maaaring idugtong sa pagbabalik sa mga sinaunang alamat at
mito na nakapahiyas sa mga epikong bayang pahimig na isinasalaysay ng isang
makata. Kailangang pag-aralan din ang mga sinaunang salin sa Tagalog, ang mga
katon (na panimulang pagsasabatas ng ortograpiyang Tagalog batay sa panuto ng
Espanyol), at ang mga sinaunang diksiyonaryo at tesawrong nalathala na pawang may
mga lahok na patungkol sa tula at katha. Maibibilang dito angVocabulario de la lengua
Tagala (1860) nina Jose de Noceda at Pedro Sanlucar. Pagsapit ng siglo 20, hindi
matatakasan ang paglaganap ng Ingles, ang paghina ng Espanyol, at ang paglakas ng
Tagalog bago sumapit ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Lumalago o nabubura ang
wika habang lumalaon, at mababatid ito sa mga publikasyong nalalathala sa pana-
panahon.
Ang ganap na paglisa sa mga panitikan, halimbawa sa Tagalog, ay makatutulong sa
pagbuo ng isang teorya ng pagbasa. Halimbawa, nabuo lamang ni Almario ang
konsepto ng “balagtasismo” at “modernismo” matapos pag-aralan ang mga bokabularyo
at diksiyonaryong gawa ng mga Espanyol, at ang antolohiya at indibidwal na koleksiyon
ng mga tula ng mga makatang Tagalog bago at pagsapit ng siglo 20. Sa panig naman
ni Zeus Salazar, nabuo niya ang teorya ng Pantayong Pananaw matapos pag-aralan
ang iba’t ibang daloy ng kasaysayan sa loob at labas ng Filipinas, at tuklasin sa
pambihirang interpresyon ang kasaysayan alinsunod sa punto de bista ng Filipino. Sa
pananaw nina Anselm L. Strauss at Juliet M. Corbin, ito ang grounded theory, ang
teoryang nakatindig sa pundasyon ng datos at impormasyon. Sa kasalukuyang
panahon, maaaring balikan ang mga konsepto at konklusyon ni Almario kung ang pag-
uuri niya ay dapat ngang tanggapin o palawigin pa; o kung makabubuting lumikha ng
isa pang teorya na batay sa ugat ni Balagtas kung hindi man mga epikong bayan.
Maaari namang kilatisin ang mga akda ni Salazar gaya ng pagkilatis na ginawa ni
Ramon Guillermo hinggil sa paggamit ng wika at katutubong dalumat, at pag-iwas sa
napakahigpit na kahingian ng pampolitikang linya.
Kaugnay ng paglusog ng pagpapalathala noong bungad ng siglo 20 ang pagdami ng
mga imprenta at publikasyon, at nakatulong ito nang malaki sa paglalabas ng mga
diyaryo, magasin, at iba pang maninipis na lathalain—may bahid mang relihiyoso o
komersiyal—na pawang nilahukan din ng mga tula, kuwento, nobela, dula, sanaysay, at
salin. (Sa Bulakan pa lamang, kung hindi ako nagkakamali’y may mga sinaunang
imprenta rito na nagsara na at ngayon ay nasa indibidwal na koleksiyon ng ilang
pamilya ang mga lumang teksto at libro na puwedeng hanapin at siyasatin.
Maimumungkahing trabaho ng PSWF ang pagbabalik sa mga nagsarang imprenta, at
hanapin ang mga sinaunang koleksiyong itinatago ng matatandang pamilya.) Sa mga
magasin, ang mga paningit na artikulo ay karaniwang dagli o pasingaw, at sa ilang
pagkakataon ay tula o epigrapeng salin mula sa mga akdang banyaga, gaya ng
matutunghayan sa Liwayway, Mabuhay Extra, at Sampaguita. Kung isasaalang-alang
ang pagbubukas ng Kanal Suez, papansinin ni Almario na nakapag-ambag din ang
gayong pangyayari sa malayang kalakalan at mabilis na paglalayag patungo at pabalik
sa Ewropa para lalong sumigla ang panloob na paglalathala sa Filipinas.
Dahil sa dami ng mga lathalain, lumitaw ang isyu ng estandarisasyon ng mga ispeling,
bantas, paggigitling, pag-uulit ng salita, pagtitipil, kambal-patinig, tumbasan,
pagpapakahulugan, palaugnayan, at iba pa na kung susumahin ay mauuwi sa
ortograpiya at retorika sa Tagalog. (Malaki ang papel ng mga organisasyong
pampanitikan o pangwika, gaya ng Aklatang Bayan, Ilaw at Panitik, at Panitikan, at ang
mga samahang ito ang magbabakbakan kung sino ang dapat tanghaling awtoridad.)
Ang usapin ng kasinupan sa ispeling at gamit ng salita ang pupuwingin ni Dionisio San
Agustin para baguhin ang namamayaning kalakaran o komersiyalismo sa mga lathalain.
Si San Agustin ang dating pangulo ng Aklatang Bayan, at isinaad ang kaniyang banat
sa introduksiyon sa saling nobela ni Gerardo Chanco, at siyang tinalakay din nang
pana-panahon sa kani-kaniyang kolum nina Lope K. Santos, Iñigo Ed. Regalado,
Severino Reyes, Jose Corazon de Jesus, Florentino T. Collantes, at Amado V.
Hernandez. Ang mga editor ng isang lathalain ay karaniwang may estilo ng pagsulat at
ispeling, at maaaring taliwas sa ipinalalaganap ng mga dalubwikang gaya nina
Balmaseda, Regalado at Santos. Ang tatlong batikang manunulat ay magtatakda ng
muhon sa ortograpiya sa Tagalog nang mahirang silang mamuno sa Surian ng Wikang
Pambansa (SWP) na higit na kilala ngayon bilang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).
Pambansang patakaran sa panitikan at wika
Binanggit ko ang mga pangyayaring ito dahil kaugnay ang mga ito ng pagsilang ng
SWP na isinabatas noong 1937 ngunit naging epektibo lamang noong 1939. Alinsunod
sa Batas Komonwelt Blg. 184 na magpapatibay ng isang pambansang wikang batay sa
umiiral sa isa sa mga wika ng Filipinas, binuo ang SWP na pinamumunuan ni Jaime C.
de Veyra. Ipinroklama ang “pambansang wika” batay sa Tagalog sa bisa ng Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134 noong 1937. Naging makapangyarihan pa ang SWP nang
pagtibayin ang Batas Komonwelt Blg. 333, na inemyendahan ang Batas Komonwelt
184, dahil sa sumusunod: una, lahat ng pasiya ng SWP na pagtitibayin ng Pangulo ng
Filipinas “ay magiging pamantayang pampanitikan sa lahat ng opisyal na publikasyon at
teksto sa mga paaralan”; at ikalawa, ang SWP ay “may kapangyarihang ituwid, o
baguhin ang lingguwistikong anyo at pahayag sa alinmang teksbuk na nasusulat sa
pambansang wika na layong pagtibayin bilang opisyal na teksto sa mga paaralan,”
alinsunod sa pagsang-ayon ng Pangulo.
Kung papansinin ay sadyang mabigat ang tungkulin ng SWP na maging taliba ng wika.
Magpupulong ang mga manunulat, editor, at edukador noon pa mang 1937, at isa si
Regalado na masisipag na kritikong maglalabas ng listahan ng mga salitang ginagamit
sa panunuring pampanitikan. Magiging haligi sa mga gawain nito ang paglalathala ng A
Tagalog-English Vocabulary at Ang Balarila ng Wikang Pambansa noong 1940.
Masusundan pa ito ng pagbubuo ng ortograpiyang Tagalog [i.e., Filipino] na babaguhin
nang pitong ulit: 1938, 1946, 1960, 1976, 1987, 2001, at 2009. Problematiko noon kahit
ang pag-aaral ng ortograpiya sa Tagalog dahil ang mismong wika ng pag-aaral ay nasa
Espanyol kung hindi man Ingles. Halimbawa nito ang Las Particularidades de la
Pronunciacion Tagala y su signalizacion Ortografica (1938) ni Jose R.A.
Reyes;Preliminary Studies on the Lexicography of the Philippine
Languages(1938;1940), nina Jaime C. de Veyra, Cecilio Lopez, at Felix S. Salas
Rodriguez, atbp.; at Tagalog Phonetics and Ortography (1940) nina Trinidad Tarrosa
Subido at Virginia Gamboa-Mendoza.
Hindi purong lingguwistika nag-ugat ang SWP. Pundasyon noon ng SWP ang mga
panitikan, partikular ang panitikang Tagalog, kaya masigla ang paglalabas noon ng
mga aklat, polyeto, chapbook, at iba pang lathalain para maitanghal ang kasaysayang
pampanitikan, tula, nobela, dula, sanaysay, at panunuring pampanitikan mulang 1937
hanggang dekada 1970. Ilan sa mababanggit ang maituturing nang klasiko, gaya
ng Ang Maikling Kathang Tagalog (1938) ni Fausto J. Galauran; Ang Panulaang
Tagalog (1937;1947) at Ang Pagkaunlad ng Nobelang Tagalog (1938) ni Iñigo Ed.
Regalado; Ang Dulang Tagalog (1938) ni Severino Reyes (alyas Lola Basyang); Ang
Tatlong Panahon ng Tulang Tagalog(1938;1947) ni Julian Cruz Balmaseda; Duplo’t
Balagtasan (1948) ni Teodoro E. Gener; Ang Pelikulang Tagalog (1938) ni Teodoro
Virrey; Ang Dulang Pilipino(1947) ni Julian Cruz Balmaseda, Ang Kundiman ng
Himagsikan (1940) ni Antonio J. Molina, at iba pa. Nang mahirang si Ponciano BP.
Pineda bilang direktor ng SWP noong 1970, at pagkaraan ng Linangan ng mga Wika sa
Pilipinas (LWP) noong 1987, bago naging Punong Komisyoner nang taong din iyon,
itinuring niya na “mahalaga ang papel ng panitikan at pagsasaling-wika” para yumabong
ang Filipino at nang makabuo “ng mga bagong salita at kahulugan, parirala at
eksperesyon.”
Mapapansin na kahit sa dating balangkas ng organisasyon ng LWP ay bumubuo sa
isang dibisyon ang Pagsasalin at Panitikan, na pawang bukod sa Pananaliksik at
Pagpapaunlad, Leksikograpiya, Preserbasyon at Promosyon, at Pangasiwaan.
Gayunman ang Panitikan ay unti-unting mabubura kahit sa balangkas, at nang maging
KWF ang LWP, ang Panitikan ay isinama sa Ibang mga wika (ewfemismo sa mga
panrehiyong wika), kaya naging Dibisyon ng Ibang mga Wika at Panitikan.
Nagsimulang humina ang poder ng panitikan sa KWF nang manungkulang Punong
Komisyoner si Nita Buenaobra noong 1999-2006, at nabigong mapunan ang mga
bakanteng posisyon, bukod sa walang malinaw na programa hinggil sa panitikan.
Noong 2006-2008, nang manungkulan si Punong Komisyoner Ricardo Nolasco sa
KWF, isinagawa ang plano ng reorganisasyon batay sa hinihingi ng Kagawaran ng
Badyet at Pangasiwaan. Tinanggal ni Punong Komisyoner Nolasco ang panitikan, at
pinanatili lamang angPagsasaling-wika. Lumitaw na naging makiling ang KWF sa
lingguwistika, at dumupok ang pundasyon nito sa pagkawala ng panitikan. Ang
panitikan ang sinisikap ngayong ibalik sa administrasyon ni Jose Laderas Santos,
bagaman wala pang malinaw na resolusyong inilalabas ang Lupon ng mga Komisyoner.
Makabubuting malaman ng PSWF kahit ang kasalukuyang balangkas ng KWF upang
maikawing ito sa hakbanging pananaliksik na may kaugnayan sa wika at panitikan.
Pananaliksik ang gulugod ng KWF, kung babalikan ang Batas Republika 7104, at kung
gayon nga, ang pananaliksik ay dapat tumagos sa lahat ng sangay ng KWF sa mga
rehiyon. Ang wika ay magiging limitado ang saklaw kung labis na espesyalisado ang
pagdulog—na ikayayamot ng madla—at naipagkakait ang mapambuklod na diwain ng
panitikan. Sa pag-aaral ng panitikan at pagsasalin, ang pag-aaral ng wika ay
lumalawak, at naiuugnay sa iba pang disiplina. Napag-aaralan din ang wika hindi
lamang sa simpleng hinihingi ng gramatika, retorika, at palaugnayan, bagkus maging sa
iba’t ibang uri ng pagsusulat na maikakabit sa panitikan.
Mga Nabuong Saliksik
Kinakailangang gampanan ng KWF ang tungkulin nitong magsagawa ng mga
pananaliksik, dahil ang mga ito ang gagamitin ng tanggapan ng Pangulo ng Filipinas o
ng kapuwa Mataas at Mababang Kapulungan sa pagbuo ng mga pambansang
patakaran at batas hinggil sa wika. Tanging KWF lamang, sa lahat ng ahensiya o
komisyon, ang may mandato hinggil sa pagpapalaganap, pagpapanatili, at
pagpapaunlad ng wikang Filipino at iba pang wikang panrehiyon. Kung walang
pananaliksik, hindi makalilikha ng matitibay na rekomendasyon ang KWF sa Pangulo, at
kahit sa mga ahensiyang gaya ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), Komisyon sa
Mas Mataas na Edukasyon (CHED), at Pambansang Komisyon para sa Kultura at Mga
Sining (NCCA). Nang buuin ang SWP noong 1937, walang inatupag ang mga kasapi
nito kundi magsagawa ng mga pagdinig, sarbey, konsultasyon, at pag-aaral kung aling
wika ang karapat-dapat maging batayan ng wikang pambansa. Nang manungkulan si
Ponciano BP. Pineda bilang direktor ng SWP at LWP noong 1970-1999, ipinagpatuloy
niya ang pagsasagawa ng mga pambansang sarbey at saliksik pangwika. Ang resulta
ng mga saliksik ay ginawang batayan sa rekomendasyon sa Pangulo, at ginawang
patakarang pambansa, gaya ng Patakarang Bilingguwal sa edukasyon, alinsunod sa
itinatadhana ng Saligang Batas 1973 at 1987.
Sa 71 taon ng pag-iral ng KWF, nakapagsagawa ito ng mga pag-aaral sa wika at
panitikan at iba pang larang, at pawang isinaaklat. Kabilang sa mga bokabularyo nitong
nalathala ang Akean (Aklanon), Bikol, Cuyunon, Hiligaynon, Ibanag, Ilokano,
Kapampangan, Magindanawon, Maranaw, Tausug, Waray, at Yakan. Bukod pa rito
ang mga diksiyonaryong binuo sa mga wikang gaya ng Chavacano, Filipino, Ibanag,
Ingles, Kapampangan, Magindanawon, at Samar (Leyte), at sa mga larang na gaya ng
batas, hanapbuhay, kalusugan at medisina, kasarian, komunikasyong pangmadla,
militar, at iba pa. Kung hindi man bilingguwal ay trilingguwal ang diksiyonaryo. May
diksiyonaryo nang natapos sa Pangasinan ngunit hindi pa inilalathala. Lumikha rin ang
KWF ng mga manwal, gaya sa Korespondensiya Opisyal, Pagsasalin, at Pormularyong
Pambatas, na maaaring paunlarin pa ngayon at sa darating na panahon. Bagaman
mapupuwing ang pag-edit ng diksiyonaryo, bokabularyo, at tumbasan, makatutulong pa
rin ang mga ito sa pangkalahatan sa pagtatala ng mga salita.
Pakikinabangan din ng DepEd at CHED ang mga antolohiya ng KWF, dahil
sumasaklaw iyon sa mga epiko, kuwento, alamat, tula, at dula. Kabilang dito ang mga
alamat ng Bagobo, Manobo, Molbog, Palawan, at Tarlakenyo; ang mga awiting-bayan
ng Panay at Pangasinan; ang mga modernong literatura ng Hiligaynon at Sugbuanon;
at ang mga antolohiya ng tula at sanaysay mula sa Timpalak sa Tula at Sanaysay na
Talaang Ginto. Sa ngayon ay inihahanda na ang paglalabas ng mga alamat at
kuwentong Meranaw, na nasa orihinal na wikang Meranaw at tinumbasan ng
modernong salin sa Filipino. Ang mga nasabing koleksiyon ay mayamang malig ng pag-
aaral, at kung gagamitin lamang ng bawat PSWF ay maaaring mapaunlad pa ang
paraan ng pananaliksik, ang pagdulog sa muling pagsasalaysay, at ang pagsasaayos
ng mga ilalahok sa antolohiya, at iba pa.
Mapapansin sa mga gawaing ito na ang tungkulin ng KWF hinggil sa pananaliksik ay
hindi lamang para makabuo ng patakarang pangwika. Sangkot din ang KWF
sa aktibong produksiyon, pagsasalin, at pagpapalaganap ng panitikang mula sa rehiyon
at sa tulong ng PSWF, at ang mga panitikang ito na iniangat sa antas na pambansa ay
hinubad ang dating katauhang panrehiyon para matanggap ng buong Filipinas. Kung
isasaalang-alang ang penomena na hatid ng komputer, internet, at networking, halos
walang hanggahan na ang magtatakda sa kayang ihatid ng wika at panitikang Filipino.
Sa mga pook na gaya ng WordPress, ang Tagalog at Filipino ay halos walang ikinatangi
sa isa’t isa, maliban sa pangyayaring mas marami ang mga blogistang nasa Tagalog
imbes na sa Filipino. Sa ibang social networking site, gaya ng Facebook, Filipino ang
taguri sa wika bagaman may tumatawag pa ring Tagalog ito. Upang ganap na mapag-
aralan ang wikang Filipino sa internet, isang pag-aaral ng mga kabataang eksperto sa
komputer sa UP-Diliman ang lumikha ng Web Crawler para suyurin ang buong
cyberspace sa mga salitang Filipino at Tagalog sa loob ng limang taon, at siyang
makatutulong sa pagpaplanong pangwika ng kasalukuyang administrasyon.
Sa panig ng PSWF ng Bulakan, makabuting isaalang-alang ang mga pag-aaral na ito.
Maaaring lumahok ang PSWF sa mga proyektong pagsasalin, at ang pagsasalin ay
mulang mga klasikong banyagang akda tungo sa Filipino. Ngunit bago gawin ito ay
kailangang balikan ang mga dating salin, nang maiwasan ang repetisyon at
pagsasayang ng pondo. Sa mga eksperto sa komputer ay puwedeng mag-
eksperimento ng mga programa para sa pagsasalin at pagbubuo ng database ng mga
akdang sinulat ng mga Bulakenyo at hinggil sa Bulakan. Malawak ang posibilidad, at
kinakailangan lamang na hanapin ang mga puwang na dapat pag-aralan.
Paraan ng pagdulog
May apat na paraan na maaaring gawin ang PSWF, halimbawa sa Bulakan, hinggil sa
mga puwedeng maging tunguhin ng pananaliksik nito. Una, pagtuonan ang Bulakan
bilang pook na pagdudukalan ng mga saliksik at maaaring magsimula sa bukal ng
impormasyong taglay ng Bulacan State University. Ikalawa, pag-aralan ang mga
panitikang isinulat hinggil sa Bulakan, at pawang isinulat ng mga taal na Bulakenyo, ng
mga dayong residente at iba pang tao. At ikatlo, pag-aralan ang natatanging anyo ng
wika (at diyalekto kung mayroon man) ng buong Bulakan, at itambis o ihambing ito sa
iba pang anyo ng Tagalog na lumalaganap sa mga lalawigang Bataan, Batangas,
Laguna, Metro Manila, Nueva Ecija, Palawan, Quezon, at Rizal. Sa kabilang dako, ang
pag-aaral ng Tagalog ay maaaring iugnay sa lumalaganap na Filipino—na nahahaluan
ng Ilokano, Kapampangan, Pangasinan, Zambal, at iba pang wika— at dapat alamin
kung ano ang linyang humahati sa dalawa kung mayroon man sa konteksto ng Bulakan.
At ikaapat, magsikap na maging imbakan ng datos hinggil sa panitikan at wikang
Tagalog.
Mahalaga ang mga nalathalang panitikan hinggil sa Bulakan, at maihahalimbawa ang
mayamang paggamit ng alusyon dito ni Florentino T. Collantes sa kaniyang mga
nobelang gaya ng Barasoain: Baras ng Suwail (1929) at Ang Lumang Simbahan (1928),
at mala-epikong Ang Tulisan (1936). Mapag-aaralan din ang mga arketipong ginamit ni
Jose Rey Munsayac, halimbawa sa kaniyang nobelang Ang Aso, Ang Pulgas, Ang
Bonsai, at ang Kolorum (2000); at sa mga tula nina Teo T. Antonio, Lamberto E.
Antonio, Rogelio G. Mangahas, Ariel Dim. Borlongan, at higit sa lahat, Rio Alma na
gumamit ng mayamang malig ng Bulakan upang itanghal sa pambansa at
pandaigdigang panulaan at nagpayaman sa wikang Filipino sa kabuuan. Kahit ang mga
akda ni Francisco Balagtas, na taal sa Bulakan, ay mapag-aaralan sa pamamagitan ng
makabagong programang pangkomputer, alinsunod sa testura ng Tagalog nito.
Hindi ko sinasabing sa panitikan lamang mahuhugot ang pag-aaral ng wika ng Tagalog-
Bulakan. Bawat lárang sa Bulakan ay bukál ng kaalaman, at maibibilang dito ang mga
termino sa pagsasaka, pag-aalahas, pamimista, paglalala, pagbuburo, pagmimina,
pangingisda, pagluluto, paghahabi at pagdidisenyo ng damit. Ang kinakailangan lamang
ay balikan ang mga ito, at itala ng mga mananaliksik. Sa pagtatanong sa mga
impormante, kinakailangang maturuan ang mga estudyante kung paano pumukol ng
tanong, nang hindi nawawala ang pagiging obhetibo sa paksa. Kinakailangang mapag-
aralan nang maigi ang pagtiyak sa katumpakan ng mga impormasyong nagmumula sa
mga impormanteng galing sa ibaba, at taliwas sa awtoridad na nagmumula lamang sa
mga edukado’t maykayang uri. Malaki ang maitutulong sa pag-aaral ng lokal na
kasaysayan, gaya ng pinauuso ni Jaime Veneracion, na sumulat ng kasaysayan ng
Bulakan sa pamamagitan ng pagkasangkapan sa datos mula sa iba’t ibang larang, at
hindi lamang bumatay sa mga tala ng frayleng Espanyol.
Dahil limitado sa pondo ang PSWF, maaaring ipokus nito ang lakas sa dalawa o tatlong
programa lamang, na maaaring kaugnay ng panitikan, leksikograpiya, lingguwistika, at
pagsasalin. Halimbawa, puwedeng magtuon sa deskriptibong pananaliksik sa mga
nobela ni Bienvenido A. Ramos, at maaari siyang dalawin sa Santo Cristo at doon siya
kapanayamin. Sa pag-aaral kay Ramos, maaaring biyakin ang pag-aaral sa pagiging
nobelista at kuwentista niya, sa isang panig; at sa pagiging makata, sa kabilang panig.
Ang pag-aaral ay maaaring magtuon sa pagiging kawani niya sa Liwayway magasin,
hanggang sa pagiging editor nito sa mahabang panahon noong dekada 1980. Magiging
madali ang pag-aaral kung susuriin ang kumbensiyon ng mga nobela at kuwentong
nalathala sa Liwayway—na ngayon ay nakaimbak sa UP Main Library at donasyon ni
Liwayway A. Arceo—at kung paano naglalaro sa parametro nito si Ramos. Maaaring
mapansin ang paulit-ulit na hulagway sa kaniyang mga tauhan, ang dahas at ang sex,
ang puri at paghihiganti, at ang pagbawi ng dangal. Mapapansin din ang haba ng
kaniyang akda ay umaayon sa kayang ibigay ng publikasyon; at ang akda ay maaaring
humaba lalo kung iyon ay ituturing na pantimpalak na gaya ng isinasagawa noon
ng Sagisag, Talaang Ginto, at Palanca Memorial Awards for Literature. Sa kabilang
dako, ang kantitatibong pag-aaral ay maaaring lumitaw sa paggamit ng
programang Simple Concordance at Web crawler at mula rito ay masasala ang mga
importanteng salitang lumitaw sa kaniyang mga akda.
Maraming mahuhusay na Bulakenyong manunulat, kaya upang magamit nang mahusay
ang yaman ay kinakailangang bumuo ng listahan ng priyoridad. Maaaring magsimula sa
krokis ng mga pangalan, nang mabatid ang lakas at impluwensiya ng mga makata,
nobelista at kuwentista. Sa paggawa ng krokis ay puwedeng lumitaw ang mga
nakakaligtaang manunulat, o ang mga di-kanonigong manunulat, at maaaring sumulat
ng mga pag-aaral hinggil sa kanila. Mula sa simpleng deskriptibong pananaliksik ay
maaaring kumiling sa pagtuklas ng mga di-gaanong kilalang manunulat na nagtataglay
ng pambihirang galing at imahinasyon. Isang magandang halimbawa ang ginawang
pag-aaral ni Delfin Tolentino na sumulat ng disertasyon sa buhay at akda ni Benigno
Ramos, at naglinaw sa ambag nito sa larangan ng panulaang Tagalog. Makabubuting
maipakilala muli ang mga sinaunang akda sa panibagong lente ng pagsusuri; at sa
paggamit ng naiibang teorya o pagdulog ay masisiyasat nang maigi ang kasiningan ng
kalipunan ng tula o katha. Upang magawa ito, kinakailangang sumangguni sa mga
umiiral na kasaysayang pampanitikan, at pag-aralang maigi ang mga puwang, singit, at
lilignan nito, at mula roon ay makabubunsod sa iba pang pag-aaral na maaaring
malikhaing rekonstruksiyon ng guniguni ng manunulat.
Kinakailangan kung gayon na maturuan ang mga estudyanteng kawani ng PSWF, kung
mayroon man, kung paano maghahanap ng aspili sa tumpok ng mga dayami. Dahil
mahirap ito, kinakailangang matuto ang mga estudyanteng magbasa nang may pag-
unawa, tuklasin ang anumang pangangailangan, at maglagom ng mga akda sa
pinakamaikli ngunit pinakamahusay na paraan. Hindi makatutulong kung gagawa
ng shortcut ang isang kawani. Maimumungkahing basahin talaga ang mga aklat, dahil
kung hindi’y paano malalaman, halimbawa, ang testura ng Tagalog ng nobela at katha
ni Valeriano Hernandez Peña kung ang babasahin lamang ay ang munting lagom na
kinuha mula sa isang websayt o blog? Makabubuting mabatid ang mga tumpak na
prinsipyo sa mabilis at epektibong pagbabasa, nang sa gayon ay hindi lamang lumalim
ang bokabularyo ng mananaliksik bagkus lumawak din ang kaniyang pananaw at
imahinasyon hinggil sa buhay. Kulang na kulang sa mga propesyonal na tagalagom
[professional synthesizer] ang Filipinas, lalo pagdating sa panitikang Tagalog o Filipino,
at maaaring makatulong ang PSWF sa paghubog ng mga kabataang handa sa gayong
trabaho.
Isang malaking problemang kinakaharap ngayon ng mga mananaliksik ang tungkol sa
pagsasakatuparan ng pag-aaring intelektuwal. Hindi na basta-basta
makapagpapaseroks ang isang estudyante nang hindi nagbabayad ng butaw
saFilcols (Filipinas Copyright Licensing Society) para sa reprograpikong karapatan sa
isang sipi. Sa mga tekstong hindi na sakop ng karapatang-intelektuwal, dahil sa
maaaring paso na ang pag-aari sa isang akda pagkaraan ng pagkamatay ng manunulat
at haba ng panahon ng pagkakalimbag, makabubuting ma-scan o maiseroks ang mga
ito nang maging tumpak kapag sinipi na. Maraming pagkakamali ang nagaganap sa
pagsipi nang pasulat, at sa mga ordinaryong estudyante ay lumulusot ang mga
tipograpikong mali. Kaya kahit ang simpleng pagseseroks at pagtatala sa mga ito ay
dapat itinuturo nang tumpak.
Tunguhin sa hinaharap
Panimulang pagdulog pa lamang sa pananaliksik ang binanggit ko rito at siyang
kaugnay ng pagpapaunlad ng PSWF-Bulakan. Kung seseryohin ng KWF ang balak
nitong desentralisasyon ng mga tungkulin nito tungo sa PSWF, ang PSWF ay dapat
maihanda tungo sa pagkakaroon ng sariling mga kawaning may taglay na kasanayan at
kaalaman hinggil sa iba’t ibang uri ng pananaliksik. Ngunit masaklap mang aminin, may
pagkukulang ang KWF para sa pagbubuo ng patakaran tungo sa pagpapalakas ng
PSWF. Ang PSWF ay kontrolado ng isang tao mula sa KWF; at hindi ko alam kung
bakit hangga ngayon ay umiiral ang ganitong kalakaran kahit na paulit-ulit kong
puwingin sa mga pulong ng Komisyoner.
Maaaring mahirap makapagrekomenda sa pambansang antas ang PSWF, ngunit kung
makagagawa ito ng pangmatagalang pananaliksik na may datíng at makatutulong sa
pagbabalangkas ng mga panukalang patakarang maisusumite sa Pangulo ng Filipinas,
ay mabuti. Makatutulong ang mahigpit na koordinasyon sa iba pang akademikong
institusyon sa loob ng Bulakan, ang paghingi ng tulong-pananalapi sa pamahalaang
panlalawigan at pambayan, at ang paglapit sa mga pambansang ahensiya sa gaya ng
NCCA, DepEd, at CHED. Samantala, bago tumanaw sa malayo ay makabubuting
tingnan ang PSWF alinsunod sa partikular na bisyon nito at kaugnay ng bisyon ng
KWF. Paano gagawing makatotohanan ang itinatadhana ng Saligang Batas 1987?
Paano makagagawa ng panuhay na batas hinggil dito? Mga simpleng tanong ito na
masasagot lamang kung magsisimulang magsaliksik ang gaya ng PSWF alinsunod sa
hinihingi ng panahon.
[Binasa ni KWF Direktor Heneral Roberto T. Añonuevo sa Bulacan State University,
bilang bahagi ng patuluyang seminar ng Panrehiyong Sentro ng Wikang Filipino-BSU
para sa mga estudyante at guro sa Filipino.]

More Related Content

What's hot

Panulaang filipino: Panahon ng Amerikano
Panulaang filipino: Panahon ng AmerikanoPanulaang filipino: Panahon ng Amerikano
Panulaang filipino: Panahon ng Amerikano
isabel guape
 
Iba't ibang uri ng mga Tayutay
Iba't ibang uri ng  mga TayutayIba't ibang uri ng  mga Tayutay
Iba't ibang uri ng mga Tayutay
MELECIO JR FAMPULME
 
Banghay ng maikling kuwento
Banghay ng maikling kuwentoBanghay ng maikling kuwento
Banghay ng maikling kuwento
girlie surabasquez
 
Tunggalian
TunggalianTunggalian
Tunggalian
michael saudan
 
Hudyat sa pagkasunod sunod ng mga pangayayari grade7
Hudyat sa pagkasunod sunod ng mga pangayayari grade7Hudyat sa pagkasunod sunod ng mga pangayayari grade7
Hudyat sa pagkasunod sunod ng mga pangayayari grade7
Wimabelle Banawa
 
Pagbabagong Morpoponemiko
Pagbabagong MorpoponemikoPagbabagong Morpoponemiko
Pagbabagong Morpoponemiko
Levin Jasper Agustin
 
Idyoma
IdyomaIdyoma
Filipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
Filipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o DamdaminFilipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
Filipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
Juan Miguel Palero
 
Uri Ng Dulang Pangtanghalan
Uri Ng Dulang PangtanghalanUri Ng Dulang Pangtanghalan
Uri Ng Dulang Pangtanghalan
Marcelino Christian Santos
 
MGA URI NG TULA
MGA URI NG TULA MGA URI NG TULA
MGA URI NG TULA
Louis Kenneth Cabo
 
Pang ugnay
Pang ugnayPang ugnay
Pang ugnay
rednightena_0517
 
Noli Me Tangere (Kabanata 1-7)
Noli Me Tangere (Kabanata 1-7)Noli Me Tangere (Kabanata 1-7)
Noli Me Tangere (Kabanata 1-7)
SCPS
 
Pagsasaling wika
Pagsasaling wikaPagsasaling wika
Pagsasaling wika
Audrey Jana
 
Mga Halimbawa ng Tayutay
Mga Halimbawa ng TayutayMga Halimbawa ng Tayutay
Mga Halimbawa ng Tayutay
JustinJiYeon
 
Malikhaing Pagsulat: Tula
Malikhaing Pagsulat: TulaMalikhaing Pagsulat: Tula
Malikhaing Pagsulat: Tula
Andrea Tiangco
 
MORPOLOHIYA
MORPOLOHIYAMORPOLOHIYA
MORPOLOHIYA
clauds0809
 
Filipino: Pagsasalaysay
Filipino: PagsasalaysayFilipino: Pagsasalaysay
Filipino: Pagsasalaysay
Korinna Pumar
 

What's hot (20)

Panulaang filipino: Panahon ng Amerikano
Panulaang filipino: Panahon ng AmerikanoPanulaang filipino: Panahon ng Amerikano
Panulaang filipino: Panahon ng Amerikano
 
Iba't ibang uri ng mga Tayutay
Iba't ibang uri ng  mga TayutayIba't ibang uri ng  mga Tayutay
Iba't ibang uri ng mga Tayutay
 
Banghay ng maikling kuwento
Banghay ng maikling kuwentoBanghay ng maikling kuwento
Banghay ng maikling kuwento
 
Tunggalian
TunggalianTunggalian
Tunggalian
 
Hudyat sa pagkasunod sunod ng mga pangayayari grade7
Hudyat sa pagkasunod sunod ng mga pangayayari grade7Hudyat sa pagkasunod sunod ng mga pangayayari grade7
Hudyat sa pagkasunod sunod ng mga pangayayari grade7
 
Pagbabagong Morpoponemiko
Pagbabagong MorpoponemikoPagbabagong Morpoponemiko
Pagbabagong Morpoponemiko
 
Idyoma
IdyomaIdyoma
Idyoma
 
Filipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
Filipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o DamdaminFilipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
Filipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
 
Morpolohiya
MorpolohiyaMorpolohiya
Morpolohiya
 
Uri Ng Dulang Pangtanghalan
Uri Ng Dulang PangtanghalanUri Ng Dulang Pangtanghalan
Uri Ng Dulang Pangtanghalan
 
MGA URI NG TULA
MGA URI NG TULA MGA URI NG TULA
MGA URI NG TULA
 
Pang ugnay
Pang ugnayPang ugnay
Pang ugnay
 
Noli Me Tangere (Kabanata 1-7)
Noli Me Tangere (Kabanata 1-7)Noli Me Tangere (Kabanata 1-7)
Noli Me Tangere (Kabanata 1-7)
 
Pagsasaling wika
Pagsasaling wikaPagsasaling wika
Pagsasaling wika
 
Alamat ni tungkung
Alamat ni tungkungAlamat ni tungkung
Alamat ni tungkung
 
Matalinghagang salita
Matalinghagang salitaMatalinghagang salita
Matalinghagang salita
 
Mga Halimbawa ng Tayutay
Mga Halimbawa ng TayutayMga Halimbawa ng Tayutay
Mga Halimbawa ng Tayutay
 
Malikhaing Pagsulat: Tula
Malikhaing Pagsulat: TulaMalikhaing Pagsulat: Tula
Malikhaing Pagsulat: Tula
 
MORPOLOHIYA
MORPOLOHIYAMORPOLOHIYA
MORPOLOHIYA
 
Filipino: Pagsasalaysay
Filipino: PagsasalaysayFilipino: Pagsasalaysay
Filipino: Pagsasalaysay
 

Viewers also liked

Group iv Sanhi at bunga
Group iv Sanhi at bungaGroup iv Sanhi at bunga
Group iv Sanhi at bungajergenfabian
 
Sanhi at bunga
Sanhi at bungaSanhi at bunga
Sanhi at bunga
pink_angels08
 
Idyoma
IdyomaIdyoma
Idyoma
SCPS
 
PAGSUSUNOD-SUNOD (Sekwensyal, Kronolohikal, Prosidyural)
PAGSUSUNOD-SUNOD (Sekwensyal, Kronolohikal, Prosidyural)PAGSUSUNOD-SUNOD (Sekwensyal, Kronolohikal, Prosidyural)
PAGSUSUNOD-SUNOD (Sekwensyal, Kronolohikal, Prosidyural)
Jonah Salcedo
 
Sanhi at Bunga
Sanhi at BungaSanhi at Bunga
Sanhi at Bunga
Saturnino Guardiario
 
Filipino 2 Paghahambing at Pagkokontrast, Problema at solusyon & Sanhi at Bunga
Filipino 2 Paghahambing at Pagkokontrast, Problema at solusyon & Sanhi at BungaFilipino 2 Paghahambing at Pagkokontrast, Problema at solusyon & Sanhi at Bunga
Filipino 2 Paghahambing at Pagkokontrast, Problema at solusyon & Sanhi at BungaJean Marie
 
Idiom Powerpoint
Idiom PowerpointIdiom Powerpoint
Idiom Powerpoint
katymarie412
 
Ugnayang sanhi at bunga
Ugnayang sanhi at bungaUgnayang sanhi at bunga
Ugnayang sanhi at bungaJanette Diego
 

Viewers also liked (9)

Group iv Sanhi at bunga
Group iv Sanhi at bungaGroup iv Sanhi at bunga
Group iv Sanhi at bunga
 
Sanhi at bunga
Sanhi at bungaSanhi at bunga
Sanhi at bunga
 
Idyoma
IdyomaIdyoma
Idyoma
 
Idyoma
IdyomaIdyoma
Idyoma
 
PAGSUSUNOD-SUNOD (Sekwensyal, Kronolohikal, Prosidyural)
PAGSUSUNOD-SUNOD (Sekwensyal, Kronolohikal, Prosidyural)PAGSUSUNOD-SUNOD (Sekwensyal, Kronolohikal, Prosidyural)
PAGSUSUNOD-SUNOD (Sekwensyal, Kronolohikal, Prosidyural)
 
Sanhi at Bunga
Sanhi at BungaSanhi at Bunga
Sanhi at Bunga
 
Filipino 2 Paghahambing at Pagkokontrast, Problema at solusyon & Sanhi at Bunga
Filipino 2 Paghahambing at Pagkokontrast, Problema at solusyon & Sanhi at BungaFilipino 2 Paghahambing at Pagkokontrast, Problema at solusyon & Sanhi at Bunga
Filipino 2 Paghahambing at Pagkokontrast, Problema at solusyon & Sanhi at Bunga
 
Idiom Powerpoint
Idiom PowerpointIdiom Powerpoint
Idiom Powerpoint
 
Ugnayang sanhi at bunga
Ugnayang sanhi at bungaUgnayang sanhi at bunga
Ugnayang sanhi at bunga
 

Similar to Idyoma

Mga karunungang bayan
Mga karunungang bayanMga karunungang bayan
Mga karunungang bayan
Jenita Guinoo
 
Aralin_1_Karunungang_Bayan.pptx
Aralin_1_Karunungang_Bayan.pptxAralin_1_Karunungang_Bayan.pptx
Aralin_1_Karunungang_Bayan.pptx
LeahMaePanahon1
 
1.karunungang bayan
1.karunungang bayan1.karunungang bayan
1.karunungang bayan
ElmerTaripe
 
baraytingwika-180926023656 (1).pdf
baraytingwika-180926023656 (1).pdfbaraytingwika-180926023656 (1).pdf
baraytingwika-180926023656 (1).pdf
CbaJrmsuKatipunan
 
Barayti ng wika
Barayti ng wikaBarayti ng wika
Barayti ng wika
REGie3
 
Grade 8 Filipino- Week 1 Karunungang Bayan
Grade 8 Filipino- Week 1 Karunungang BayanGrade 8 Filipino- Week 1 Karunungang Bayan
Grade 8 Filipino- Week 1 Karunungang Bayan
Malorie Arenas
 
BARAYTI NG WIKA.pptx
BARAYTI NG WIKA.pptxBARAYTI NG WIKA.pptx
BARAYTI NG WIKA.pptx
CbaJrmsuKatipunan
 
baraytingwika-180926023656.pptxkuqgdiqgiwdk
baraytingwika-180926023656.pptxkuqgdiqgiwdkbaraytingwika-180926023656.pptxkuqgdiqgiwdk
baraytingwika-180926023656.pptxkuqgdiqgiwdk
ronaldfrancisviray2
 
FILIPINO 8.pptx
FILIPINO 8.pptxFILIPINO 8.pptx
FILIPINO 8.pptx
RamiscalMaChristinaM
 
baraytingwika-180926023656-converted.pptx
baraytingwika-180926023656-converted.pptxbaraytingwika-180926023656-converted.pptx
baraytingwika-180926023656-converted.pptx
SherwinAlmojera1
 
baraytingwika.pptx
baraytingwika.pptxbaraytingwika.pptx
baraytingwika.pptx
LeahMaePanahon1
 
1 Covar, P. R. (1993). Kaalamang Bayang Dalumat ng Pagkataong Pilipino.pdf
1 Covar, P. R. (1993). Kaalamang Bayang Dalumat ng Pagkataong Pilipino.pdf1 Covar, P. R. (1993). Kaalamang Bayang Dalumat ng Pagkataong Pilipino.pdf
1 Covar, P. R. (1993). Kaalamang Bayang Dalumat ng Pagkataong Pilipino.pdf
DaveZ4
 
Mga karunungang bayan at kantahing bayan
Mga karunungang bayan at kantahing bayanMga karunungang bayan at kantahing bayan
Mga karunungang bayan at kantahing bayan
Charissa Longkiao
 
Kabanata 3-varayti-ng-wika
Kabanata 3-varayti-ng-wikaKabanata 3-varayti-ng-wika
Kabanata 3-varayti-ng-wika
RemzKian
 
Grade 8 Karunungang Bayan.ppt
Grade 8 Karunungang Bayan.pptGrade 8 Karunungang Bayan.ppt
Grade 8 Karunungang Bayan.ppt
marryrosegardose
 
1st- Aralin 1.pptx
1st- Aralin 1.pptx1st- Aralin 1.pptx
1st- Aralin 1.pptx
Maveh de Mesa
 
Panitikan Panahon bago dumating ang kastila
Panitikan Panahon bago dumating ang kastilaPanitikan Panahon bago dumating ang kastila
Panitikan Panahon bago dumating ang kastila
JenielynGaralda
 
Barayti ng wika
Barayti ng wikaBarayti ng wika
Barayti ng wika
belengonzales2
 
Barayti ng wika
Barayti ng wikaBarayti ng wika
Barayti ng wika
belengonzales2
 

Similar to Idyoma (20)

Mga karunungang bayan
Mga karunungang bayanMga karunungang bayan
Mga karunungang bayan
 
Aralin_1_Karunungang_Bayan.pptx
Aralin_1_Karunungang_Bayan.pptxAralin_1_Karunungang_Bayan.pptx
Aralin_1_Karunungang_Bayan.pptx
 
1.karunungang bayan
1.karunungang bayan1.karunungang bayan
1.karunungang bayan
 
baraytingwika-180926023656 (1).pdf
baraytingwika-180926023656 (1).pdfbaraytingwika-180926023656 (1).pdf
baraytingwika-180926023656 (1).pdf
 
Barayti ng wika
Barayti ng wikaBarayti ng wika
Barayti ng wika
 
Grade 8 Filipino- Week 1 Karunungang Bayan
Grade 8 Filipino- Week 1 Karunungang BayanGrade 8 Filipino- Week 1 Karunungang Bayan
Grade 8 Filipino- Week 1 Karunungang Bayan
 
BARAYTI NG WIKA.pptx
BARAYTI NG WIKA.pptxBARAYTI NG WIKA.pptx
BARAYTI NG WIKA.pptx
 
baraytingwika-180926023656.pptxkuqgdiqgiwdk
baraytingwika-180926023656.pptxkuqgdiqgiwdkbaraytingwika-180926023656.pptxkuqgdiqgiwdk
baraytingwika-180926023656.pptxkuqgdiqgiwdk
 
FILIPINO 8.pptx
FILIPINO 8.pptxFILIPINO 8.pptx
FILIPINO 8.pptx
 
baraytingwika-180926023656-converted.pptx
baraytingwika-180926023656-converted.pptxbaraytingwika-180926023656-converted.pptx
baraytingwika-180926023656-converted.pptx
 
barayti-ng-wika.pptx
barayti-ng-wika.pptxbarayti-ng-wika.pptx
barayti-ng-wika.pptx
 
baraytingwika.pptx
baraytingwika.pptxbaraytingwika.pptx
baraytingwika.pptx
 
1 Covar, P. R. (1993). Kaalamang Bayang Dalumat ng Pagkataong Pilipino.pdf
1 Covar, P. R. (1993). Kaalamang Bayang Dalumat ng Pagkataong Pilipino.pdf1 Covar, P. R. (1993). Kaalamang Bayang Dalumat ng Pagkataong Pilipino.pdf
1 Covar, P. R. (1993). Kaalamang Bayang Dalumat ng Pagkataong Pilipino.pdf
 
Mga karunungang bayan at kantahing bayan
Mga karunungang bayan at kantahing bayanMga karunungang bayan at kantahing bayan
Mga karunungang bayan at kantahing bayan
 
Kabanata 3-varayti-ng-wika
Kabanata 3-varayti-ng-wikaKabanata 3-varayti-ng-wika
Kabanata 3-varayti-ng-wika
 
Grade 8 Karunungang Bayan.ppt
Grade 8 Karunungang Bayan.pptGrade 8 Karunungang Bayan.ppt
Grade 8 Karunungang Bayan.ppt
 
1st- Aralin 1.pptx
1st- Aralin 1.pptx1st- Aralin 1.pptx
1st- Aralin 1.pptx
 
Panitikan Panahon bago dumating ang kastila
Panitikan Panahon bago dumating ang kastilaPanitikan Panahon bago dumating ang kastila
Panitikan Panahon bago dumating ang kastila
 
Barayti ng wika
Barayti ng wikaBarayti ng wika
Barayti ng wika
 
Barayti ng wika
Barayti ng wikaBarayti ng wika
Barayti ng wika
 

Idyoma

  • 1. IDYOMA, talinghaga,tayutay sa kom Fil. Ano ang paraan ng komunikasyon ng mga Filipino? Ito ang isa sa maraming tanong na sinasagotng Pahiwatig: Kagawiang Pangkomunikasyon ng Filipino (2002) niMelba Padilla Maggay. Hitik umano sa pahiwatig atligoyang pakikipag-usap ng mga Filipino,dahil nagmumula sila sa kulturang maymataas na uri ng pagbabahaginan ng kahulugan,kompara sa mga taga-Kanluran na itinuturing na maymababang konteksto ng kulturang mababa rin ang antas ng pagbabahaginan ng kahulugan.Bukod dito’y ginagamitng mga Filipino ang konsepto ng pakikipagkapuwa—na pagturing sa kausap bilang bahagi ng sarili—na mauugatsa kulturang mataas ang pagpapahalaga sa ugnayan ng pamayanan. Habang lumalayo ang agwatng pagsasamahan ng mga Filipino,ani Maggay, lalong tumataas ang antas ng di- pagkatiyak sa pakikipag-ugnayan sa isa’tisa.Halimbawa,gagamitang mga Filipino ng mga tayutay (figure of speech),bulaklak ng dila (idyoma),at talinghaga (metapora) kung ang kausap ayitinuturing na “ibang tao” (i.e., hindi kaibigan,kaanak,o kakilala).Itinuturing na maligoyang gayong paraan ng komunikasyon,samantalang nagtatangkang ihayag ang “panlabas” na anyo ng pakikipag-ugnayat pakikibagay.Pormal ang tono ng pakikipag- usap,at nakatuon sa pagpapakilala. Ngunitmay kakayahan din ang mga Filipino na magsabi nang tahas,kung ang kausap ay kapalagayang -loob.Ang “kapalagayang-loob” dito ay maaaring kaanak,kaibigan,o kasamang matagal nang kakilala atmatalik sa loob ng isang tao.Idinagdag ni Maggay na mahilig umano ang mga Filipino sa malapitang pag-uugnayan,na humihipo at dumadama sa mga tao atbagay-bagay. Kung pagbabatayan naman ang tahas atmagagaspang na banatng mga komentarista sa radyo,diyaryo, at telebisyon sa ilang personalidad o politiko,ang gayong paraan ng komunikasyon ay maaaring pagbubukod mismo ng mga taong nanunuligsa sa mga taong tinutuligsa.Ang ugnayan ay maaaring nagiging “kami” laban sa “kayo,” na hindi lamang umaangatsa personalismo,gaya ng isinaad ni Maggay, bagkus kaugnay ng papel ng kapangyarihan atimpluwensiya mula sa dalawang panig. Mahabang disertasyon naman kung pag-aaralan ang paraan ng komunikasyon ng mga blogistang Pinoy sa cyberspace.Ang mga blogistang Pinoyay maaaring isaalang-alang pa rin ang dating anyo ng komunikasyon ng mga Filipino,at ang pagtuturingan ng mga nag-uusap ayhindi bilang magkakabukod na entidad bagkus matatalik sa kalooban o sirkulo ng blogista.Nalilikha ang pambihirang espasyo sa pagitan ng blogista sa kapuwa blogista o mambabasa,atsumisilang ang isang uri ng diskursong matalik sa sirkulo nila.Halimbawa,ano ba ang pakialam ng mambabasa kung nakabuntis ang isang blogista o kaya’y nagkahiwalayang dalawang blogistang dating magkasintahan? Makapapasok lamang sa ugnayan ang mambabasa kung ang pagturing ng mga blogista sa kanilang mambabasa aypara na ring kalahok sa mga pangyayari, at ang gayong pangyayari ay likha ng konsepto ukol sa “pamayanan” ng mga Filipinong blogista.Sa ilang Filipino,ang pagsulatng blog ay pagsangkotna rin sa madlang mambabasa sa anumang nagaganap sa buhayng blogista,kaya ang mambabasa ay hindi basta “ibang tao” bagkus “kapuwa tao” na marapatmakaalam,makaugnay,at makatuwang sa lahatng bagay. Mahalaga ang kapuwa-sa-kapuwang komunikasyon ng mga Filipino.Kung babalikan ang mga pag-aaral ni Iñigo Ed. Regalado hinggil sa “talinghaga,” “kawikaan,” at“tayutay,” mababatid na kumukuha ang mga Filipino noong sinaunang panahon ng mga salitang buhatatkaugnaysa kaligiran,at ang mga ito ang kinakasangkapan sa paghahambing,pagtatambis,pagtutulad,atpanghalili sa mga katangian ng tao na pinatutungkulan,ngunitayaw tahasang saktan dahil sa kung ano-anong dahilan.Malimitgamitin noon ang pisikal na anyo ng hayop, isda,ibon, insekto,halaman,atbagay upang itumbas sa ugali atasal ng tao.Halimbawa nito ang “tagong-bayawak” na tumutukoy sa “madaling makita”;“buhay-pusa” na mahaba ang buhay;at “paang-pato” na katumbas ng “tamad.” Kung minsan,ginagamitang isang bahagi ng katawan upang maging metonimiya s a ugali,pananaw,atasal ng isang tao. Maihahalimbawa rito ang “taingang-kawali” na ibig sabihin ay“nagbibingi-bingihan”;“mainitang mata” na katumbas ng “buwisit” o “malas” na miron sa sugalan;at“marumi ang noo” na katumbas ng “taong maykapintasan.” Heto ang ilan pang tayutay at idyomang tinipon ni Regalado,ang mga kawikaang maaaring nakaiwanan na ng panahon,ngunitmaaaring balikan ng mga Filipino upang ipagunita sa susunod na henerasyon: Talinghagang tinumbasan ng mga katangian ng hayop, ibon, isda, kulisap, at halaman Asong-pungge — susunod-sunod sa dalaga
  • 2. Balat-kalabaw — Matibay ang hiya; walanghiya Balat-sibuyas — maramdamin;madaling umiyak Basang-sisiw — api-apihan;kalagayang sahol sa hirap Buhay-alamang — laging nasusuong sa panganib;hikahos Buhay-pusa — mahaba ang buhay;laging nakaliligtas sa panganib Bulang-gugo — bukás ang palad sa paggasta Buwayang-lubog — taksil sa kapuwa;hindi mabuti ang gawa Dagang-bahay— taksil sa kasambahay Kakaning-itik —api-apihan Kutong-lupa — bulakbol;walang hanapbuhay Lakad-kuhol — mabagal utusan;patumpik-tumpik kapag inutusan Ligong-uwak — hindi naghihilod o gumagamitng bimpo kapag naliligo;ulo lamang ang binabasa. Maryakapra (marya-kapra) — babaing masagwa o baduymagbihis Mataas ang lipad — hambog Matang-manok — Malabo ang paningin kung gabi;Di-makakita kung gabi May sa-palos— Hindi mahuli.Mahirap salakabin.Madulas sa lahatng bagay. Nagmumurang kamatis — nagdadalaga Nagmumurang kamyas — bagong naniningalang-pugad;bagong nanliligaw. Paang-pato — tamad;makupad;babagal-bagal kung lumakad Pagpaging alimasag — walang laman Puting-tainga — maramot Putok sa buho — Walang tiyak na ama nang isilang Salimpusa (saling-pusa) — hindi kabilang sa anumang panig; Sangkahig,sangtuka — Ginagasta ang siyang kinikita. Tagong-bayawak — madaling makita sa pangungubli Tawang-aso — tawang nakatutuya Talinghagang tinumbasan ng mga bahagi ng katawano kaya’y kilos ng tao Bukás ang palad — magaang magbitiw ng salapi;galante;hindi maramot Kadaupang-palad— kaibigang matalik Kumindatsa dilim — nabigo;nilubugan ng pag-asa Lawitang pusod — balasubas Ligaw-tingin — torpe; hindi makapagsalita sa nais ligawan Mababang-luha — iyakin; bawat kalungkutan ay iniiyak Mabigat ang dugo — kinaiinisan Magaan ang bibig – palabati;magiliw makipagkapuwa Magaan ang kamay — magandang magbuwana mano,kung sa negosyo o sugal;mapagbuhatng kamay, o madaling manampal o manakit Mahaba ang paa — nananaon sa oras ng pagkain ang pagdating o pagdalaw Mahabang-dila — palasumbungin Mahabang-kuko— palaumit Mahigan ang kaluluwa — matinding galit Mainit ang mata — malas sa panonood;nagdadala ng kamalasan kapag nagmiron sa sugalan Manipis ang balát— mapaghinanakit;madaling masaktan kapag sinabihan Marumi ang noo — taong may kapintasan May balahibo ang dila — sinungaling May bálatsa batok — malas May bituin sa palad — masuwerte sa lahatng bagay, lalo sa negosyo;mapapalarin May kuko sa batok — masamang tao;di-mapagkakatiwalaan
  • 3. May kurus ang dila — nagkakatotoo ang bawat sabihin May nunal sa paa — Layás; mahilig maglagalag May tala sa noo — babaeng ligawin o malimitsuyuin ng mga lalaki May-sungay — lalaking di-pinagtatapatan ng asawa;lalaking kinakaliwa o pinagtataksilan ng asawa Nakadikitng laway — tanggalin;madaling tanggalin Namuti ang mata — Nabigo sa paghihintay;hindi dumating ang hinihintay Namuti ang talampakan — kumarimotdahil naduwag;tumakbo palayo dahil sa natakoto naduwag. Nasa dulo ng dila — hindi masabi-sabi;hindi matandaan,bagama’talam na alam Naulingan ang kamay— nagnakaw;kumupit ng salapi Puting tainga — maramot Sa pitong kuba — paulit-ulit Tabla ang mukha — walang kahihiyan Taingang-kawali — nagbibingi-bingihan;kunwari’yhindi nakarinig. Walang butas ang buto — malakas Walang sikmura — hindi marunong mahiya Masasabing mahiligin ang mga Filipino,lalo ang mga sinaunang Tagalog noon,sa paglikha ng mga “taguring ambil” na naghuhudyatng kaugalian,kung lilimiin ang pag-aaral ni Regalado.Ang “ambíl” ay tumutukoy sa salita,parirala,o pahayag na may katumbas na pakahulugang hindi tuwirang nagsasaad ng orihinal na tinutukoyna ugali o asal o katangian ng tao. Sa Ingles,tinatawag itong personipikasyon atmalimitkasangkapanin sa matalinghagang pamamahayag sa tula.Halimbawa,maaaring wala nang nakaaalam ngayon na ang orihinal na sal itang “ganid” ay tumutukoy sa malaking asong ginagamitsa pamamaril o pangangaso.Ang “ganid” ngayon ay hindi ikinakabitsa German Shepherd o iba pang aso,bagkus sa taong “sakim” o taong nais lamang kumabig nang kumabig ngunit ayaw maglabas kahitisang kusing.Isa pang halimbawa ang “ampalaya” na ginagamitna ambil sa mga tao na “napakahirap hingan ng kahitano,lalo na kung salapi.” Bagaman naglaho na ang ganitong taguri,higitna kilala ang ampalaya ngayon bilang pangontra sa diabetes atalta-presyon.May ibang salita namang nagbabalik ngayon,at kabilang dito ang “limatik” na isang uri ng lintang maliitngunitmasidhing manipsip ng dugo.Iniaambil ang salitang ito sa mga tao na mahilig kumabitsa ibang tao upang manghuthotng salapi hanggang wakas;o kaya’y sa mga propitaryong “walang habas magpatubo.” Nagbabalik din ang “hunyango” na isang uri ng hayop na may pakpak, sinlaki ng karaniwang kuliglig,na nakikikulaysa bawatmakapitan.Panukoyito ngayon sa mga tao na taksil kung hindi man mapagbalatkayo.Usong-uso rin ang “balimbing” na isang uri ng punongkahoyna ang bunga ay may limang mukha o panig.Tumutukoyito sa taong kung sino ang kaharap ay siyang mabuti,at idinagdag dito ang isa pang kahulugang tumutukoysa politikong palipat-lipatng partido. Marami pang dapat pag-aralan ang bagong henerasyon ng mga Filipino hinggil sa paraan ng komunikasyon nito.At upang magawa ito’ykinakailangang magbalik sa nakaraan,halungkatin ang mga antigong dokumento ataklat, itala ang mga kuwento ng matatanda,at sipatin sa iba’tibang anggulo ang mga wika,kaisipan,atpanitikan.Maaaring maging makulaydin ang gagawin nating mga ngangayuning idyoma,talinghaga,attayutay kung maláy tayo sa mga aral ng nakaraan na pawang makatutulong sa pagbubuo ng masigla,maunlad, at abanseng panitikang Fillipino—na maipagmamalaki ng sinumang Filipino saanmang panig ng mundo.
  • 4. Tula,Wika at nasyonalismo Wika ang isa sa mga paksang pinagbuhusan ng pansin ng mga makatang Tagalog noong bungad ng siglo 20.Ito ay dahil tanging Ingles atEspanyol lamang ang mgaopisyal na wika sa Filipinas,na isang paraan ng pagsasabing “mga wikang pambansa,” na pawang ginagamitupang paikutin ang pamahalaan,edukasyon,negosyo,hukuman,militar, simbahan,atiba pang kaugnay na sangay,kahit matiwalag ang mga karaniwang mamamayan sa kani-kanilang sarili. Hindi rin totoo na pinangibabawan ng Tagalog ang mga taal na wika sa Filipinas upang pagkaraan aypatayin. Ang totoo, Tagalog ang lantarang lumaban sa kapuwa Ingles atEspanyol—na mga wika ng kolonisasyon—atnaging halimbawa ng iba pang taal na wika sa Filipinas hinggil sa produksiyon ng panitikan at iba pang lathalain. Nililingon ng mga makatang Tagalog ang kanilang pakikihamok sa ginawang halimbawa ng wika,diwain,bisyon, anyo, at kabaguhan ng ginawa ni Francisco Balagtas na ibang-iba ang testura ng wika kung ihahambing sa iba pa niyang kapanahon.Bukod kay Balagtas,kinikilala rin nila ang mga ambag na akda ng gaya nina Andres Bonifacio, Marcelo H. Del Pilar, Emilio Jacinto at iba pang kababayan. Halos lahatyata ng makata ay tumula ukol sa kanilang wika o kaya’y kay Balagtas,at marahil maykaugnayan ito sa iba’t ibang samahang pampanitikan,gaya ng Aklatang Bayan at Ilaw at Panitik. Sa mga nobelang Tagalog,maibibilang sa pangunang hanayang Banaag at Sikat(1906) ni Lope K. Santos na naglantad ng Thomasite na nagtuturo sa mga Tagalog atkung paano ibig palitan ng Ingles ang Espanyol bilang wika ng hukuman.Gumamitdin ng mga tauhan si Santos upang lokohin ang usapan sa Ingles,na ngayon ay tatawaging “Taglish.” Ang ganitong taktika ni Santos ay mababasa rin sa kaniyang tulang gaya ng “Let us go, Teacher” na tungkol sa personang estudyanteng tinuturuan ng gurong Amerikano na pangitang itsura,ngunitmakikilala pagkaraan ang Filipina na maganda na yayaing magtanan sa pamamagitan ng balu-baluktot na Ingles. Sa tulang “Ang Wikang Tagalog” ni Ruperto S. Cristobal na nalathala noong 2 Abril 1919 sa Ang Mithi, inilahad ng persona ang pangyayaring “parang sinusubok kung aling wika” ng sandaigdigan ang “lalong matamis” at “napakainam.” Nagmayabang ang Kastila,sumunod ang Ingles,humiritang Pranses,atnakisali pa ang Intsik (Tsino) kung aling wika ang dapatmangibabaw sa Dulong Silangang Asya sa kabuuan,at sa Filipinas sa partikular.Sa ikatlong saknong,inilarawan ang Maynila bilang lunan ng mga wikang dayuhan na ibig akitin ang mga walang kibong mamamayan: Dito sa Maynilang pook na tagpuan ng lahat ng bayan mga wikang ito’y siyang laging bigkas ng mga dayuhan, ibig na akitin ng buong paggiliw itong walang kibong mamamayan natin; ang unang tinungo’yang lalong malaking bahayng kalakal na may akala pang ipasok na pati ng mga dayuhan, pinapamayani ang kanilang diwa sa lahatng bagay hanggang mapilitang pati kabataa’ymangagsipag-aral pagka’tsiyang tanging kinakailangan sa maraming yari ditong pagawaan; nguni’tngayon pa ma’y di rin nalilimotang lalong mainam na wikang Tagalog na sa ganda’tganda’ydi na uunahan. Ang kakatwa’y kahitanong pang-aakitng mga banyagang wika ay hindi pa rin malimotang Tagalog.Inilahad sa sumunod na saknong kung bakitmatamis ang Tagalog na puno ng pag-ibig atpangarap na pawang ipinamamana ng mga magulang sa kanilang mga anak.Sa pangwakas ng saknong,isasaad naman kung bakitnabigo ang pagpapalago ng wikang dayuhan: Hindi nanagumpayang pagpapalago ng wikang dayuhan ang lahat ng wikang dayo sa bayan ko’y hindi kailangan dito’y may wika ring kabigha-bighani,
  • 5. dito’y may diwa ring pagkatangi-tangi... Kaya’t nang tangkaing ang wikang Tagalog ay ipagbaunan sa hukay ng limot,ay nangagsibangon tanang kabataan, pinigil ang mga masasamang nais atdi-wastong pakay at pinanatiling maglaro sa dila ang wika ng bayan hanggang kilalanin itong wika natin na wikang dalisayatlubhang butihin, kaya ngayon dito’y maraming totoo ang nag-aawita’t pinupunong lagi ang himpapawirin ng kaligayahan. Sa naturang saknong,ang wikang Tagalog ay hindi lamang nais patayin bagkus ipagbaunan pa sa limot,at ginagawa ito lalo na ng mga tagapamansag ng Ingles atEspanyol.Ngunithindi pumayag ang mga kabataan,atsumalungatat lumaban sa nais o patakaran ng mga wikang dayuhan. Noong 6 Enero 1923,nalathala sa Taliba ang tulang pinamagatang “Imperyalismo” niJose Corazon de Jesus. May epigrape ang tula hinggil sa ulatna maraming pahayagan sa Estados Unidos ang nagsasabing hindi dapatpalayain ang mga Filipino dahil hindi pa edukado atwalang katiyakan ang independensiya hangga’thindi marunong umingles ang lahat ng Filipino.Heto ang ilang saknong ng tula,at ispesimen kung ano-anong deskriminasyon atpang-aaglahi ang ginawa noon sa mga Filipino upang kaligtaan ang sariling wika: Ingles naman ngayon itong salitaan, lalo pang lumayo yaong Kasarinlan; matuto ng Ingles itong Kapuluan, mawalan ng Wikang katutubo’tmahal; mag-Amerikano sa kaugalian, mag-Amerikano pati kabastusan, mag-Amerikano gayong hindi naman, isang utos itong napakahalimaw! Piliting ang bayan, nang upang lumaya’y papagsalitain ng di niya wika: Imulatang mata sa kilos masagwa, edukasyon tayong parang gagong bata. Ito’y gawa lamang noong mga bansa na lubhang salbahe,makamkam,masiba! Walang katuwiran ang may ganyang diwang ululin ang bayan sa pangakong pawa. At hindi ba Ingles itong aming bayan? Tingnan at kay buti na naming magnakaw, tingnan at kay buting umestapa diyan, tingnan at kay galing sa panunulisan. Noong araw baga,kami’y mayro’n niyan, noong araw baga’y may sistemang ganyan? Iya’y edukasyong aming natutuhan sa iingles-ingles na dito’ydumatal! Maraming hinaing ang persona ng tula.Ngunitnahuhulaan na niya noon pa man na kaya ipinatutupad ng Amerika ang gayong patakaran sa Filipinas ayupang panatilihin ang imperyalistang interes nito sa larangan ng kalakalan. Iniugnay ng persona ang usapin ng wika sa pagsakop sa kamalayan ng mga mamamayan.Magwawakas ang tula sa pagsasabing walang katwiran ang Amerika na sakupin ang Filipinas,atumaasa ang Filipinas na hindi bansang sakim ang Amerika. Ngunitkabulaanan ito,dahil ang Amerika ay nananatiling sakim atpatuloy nitong igigiitang pamamayani ng Ingles sa buong kapuluan.
  • 6. Wala akong nabasang tula sa Ilokano,Bisaya,Bikol,Kapampangan,atiba pang taal na wika sa Filipinas na may lakas ng loob na pumaksa sa imperyalismo attuligsain ang patakarang panaigin ang banyagang wikang Ingles sa Filipinas bago pa man lumitaw ang tula ni De Jesus.Ang ginawa ni De Jesus aynakayayanig sa mambabasa,at gumigising sa taumbayan na tuklasin muli nila ang kanilang “Inang Wika.” Noong 29 Marso 1921,inilathala ang tulang “Inang Wika” ni De Jesus.Pumapaksa iyon sa isang inang naghahanap sa nawawalang anak,atang inang ito ay hindi tumugon sa Espanyol atIngles na pawang nakasalubong patungong gubatbagkus tumugon lamang sa kaniyang anak na Tagalog. Sa naturang tula,maláy na maláy ang makata sa halaga ng wika na maiuugnaykahitsa pagkamamamayan,atang pagkamamamayang iyon ay lumalampas sa legalidad atumaabotsa lahi atpersonal na ugnayan. Marami pang maihahalimbawa na tula at ibang akda na pumapaksa sa wikang Tagalog,atang wikang ito ay ilalaban nang patayan ng mga manunulatna Tagalog kahitsa harap ng Ingles,Espanyol,at Nihonggo.Magiging halimbawa noon ang Tagalog sa iba pang wika,dahil pambihira ang sigasig ng mga manunulatna itampok itong maging pambansang wika,maydigmaan man o pananakop,atang paligid ay nababalotng lagim,ligalig,attagsalat.Isang masaklap na parikala sa panahong ito na pinararatangan ang Tagalog na pinangingibabawan ang iba pang taal na wika sa Filipinas,atnagpapasimuno ng termino atdiwaing “Tagalogization,” Tagalogism,” at“Tagalism” na pawang ibig pausuhin nina Aurelio Agcaoili, Ricardo Nolasco, at Jose Dacudao. Ang Tagalog na magiging batayan ng pambansang wikang Filipino ayhindi na masisilayan pa ng mga manunulatna Tagalog na isa-isang namatayat nilimotng panahon.Gayunman,naniniwala akong mananatili ang kanilang pambihirang pamana para sa bagong henerasyon ng mga Filipino ipilitmang ibaon sila sa limot,at limutin ng sambayanang Filipino.
  • 7. Pornograpiya,kahalayan at panitikan Iginagalang ko si Sen. Manny Villar bilang patron ng sining,ngunitsa pagkakataong ito ay nagdududa ako kung ano talaga ang pagpapahalaga niya sa sining atpanitikan.Sa kaniyang Panukalang Batas bilang 2464,ang pornograpiya at kahalayan ay ituturing na kasong kriminal atmay katumbas na mabigatna parusa sa sinumang mapapatunayang nagkasala. Mahaba ang pamagatng kaniyang panukala:“An Act prohibiting and penalizing the production, printing,publication, importation,sale,distribution and exhibition ofobscene and pornographic materials and the exhibition of live sexual acts, amending for the purpose Article 201 of the Revised Penal Code,as amended.” Sa unang malas aywaring nakabubuti ito sa pagpapanatili ng moralidad sa lipunan.Ngunitkapag inusisa na ang mga salita atpakahulugang isinaad sa panukalang batas,manggagalaiti ang sinumang nagmamahal sa sining dahil binubura ng panukala ang hanggahang nagbubukod sa “pornograpiya” at“sining.” Maganda ang layon ng panukala:ang “pahalagahan ang dangal ng bawattao at pangalagaan ang integridad atang katauhang moral,espiritwal,atpanlipunan ng mamamayan,lalo na ang kabataan at kababaihan” laban sa mga epekto ng obsenidad atpornograpiya.Ito ang patakaran ng estado,at upang maisagawa ito ay kinakailangan umanong maghasik ang pamahalaan ng walang humpayna kampanya laban sa kahalayan at pornograpiya,at tiyakin na ang mga institusyong pang-edukasyon ay sumusunod sa atas na ito ng konstitusyon. Mga pakahulugan Ang paglinang sa kabutihang asal atpansariling disiplina aydapatsuriin nang maigi sa panukalang batas ni Sen. Villar. At maaaring magsimula sa pag-uriratsa mga pakahulugan.Heto ang sipi sa panukalang batas: (a) “Obscene” refers to anything that is indecentor offensive or contrary to good customs or religious beliefs, principles or doctrines,or tends to corruptor deprave the human mind,or is calculated to excite impure thoughts or arouse prurientinterest,or violates the proprieties oflanguage and human behavior,regardless ofthe motive of the producer,printer, publisher,writer,importer,seller,distributor or exhibitor such as,but not limited to: (1) showing,depicting or describing sexual acts; (2) showing,depicting or describing human sexual organs or the female breasts; (3) showing,depicting or describing completelynude human bodies; (4) describing erotic reactions,feelings or experiences on sexual acts;or (5) performing live sexual acts of whatever form. Sa Filipino,ang “obscene” ay maitutumbas sa “mahalay.” Sa pakahulugan ni Villar,ang mahalayay maaaring malaswa o nakasasakito salungatsa mabubuting kaugalian o paniniwalang relihiyoso,prinsipyo o doktrina, at siyang bumubulok sa isip ng tao.Ang “mahalay” ay nagpapasiklab ng maruruming pag-iisip,na mahihinuhang ang ibig sabihin ay“kalibugan.” Ngunitkung ano ang hanggahan ng kabutihang-asal ayisang palaisipan.Ang pagpapasulak ng libog ay sasaklaw din sa anumang motibo ng prodyuser hanggang manunulathanggang tagapagtanghal. Sa ganitong pakahulugan,kahitang mga seryosong panitikero atartista ay masasabit.Mangunguna na marahil sa listahan si Pambansang Alagad ng Sining F. Sionil Jose, na ang ilang nobela’ynabubudbudran ng makukulayna kandian,laplapan,atbosohan.Manganganib din ang mga teatro,na dapat ituring ang kanilang mga manonood na parang batang walang sapatna kapasiyahan atdapatpangalagaan ang moralidad.Delikado kahitang mga independiyenteng pelikula,na nagtatanghal ng mga erotikong obrang lumilihis sa kumbensiyon atnangingibabaw na pananaw.Pinakikitid ng “mahalay” ang dating pakahulugan nito,atinilalatag ang konsepto ng itim atputi na parang nasa panahong midyibal. Nakatatakotkahit ang mga pakahulugan sa “pornograpiya,” “mas s media,” “materials,” “sex,” at “sexual act.” Heto ang sipi: (b) “Pornographic or pornography” refers to objects or subjects offilm,television shows,photography,illustrations, music,games,paintings,drawings,illustrations,advertisements,writings, literature or narratives,contained in any format, whether audio or visual, still or moving pictures,in all forms of film,print, electronic,outdoor or broadcast mass media,or whatever future technologies to be developed,which are calculated to excite, stimulate or arouse impure thoughts and prurientinterest,regardless ofthe motive of the author thereof.
  • 8. (c) “Mass media” refers to film,print, broadcast,electronic and outdoor media including,butnot limited to, internet, newspapers,tabloids,magazines,newsletters,books,comic books,billboards,calendars,posters,optical discs, magnetic media,future technologies,and the like. (d) “Materials” refers to all movies,films,television shows,photographs,music,games,paintings,drawings, illustrations,advertisements,writings,literature or narratives, whether produced in the Philippines or abroad. (e) “Sex” refers to the area of human behavior concerning sexual activity, sexual desires and instinct,and their expressions. (g) “Sexual act” refers to having sex or the act of satisfying one’s sexual instinct. Sa naturang pakahulugan,kahitang matataas na uri ng panitikan ay kasama.Gayundin ang matitinong potograpiya, pintura,musika,pelikula,atmakabagong teknolohiya.Napakalawak ng “impure thoughts” (maruming isip) at“prurient interests” (kalandian o kalibugan) atkapag inilapatang mga konseptong ito sa panitikan ay dapathusgahan ang akda batay sa husayng imahinasyon athindi sa kung ano-anong taguri.Maiisip tuloy na kinokontrol ng pamahalaan kung paano dapatmag-isip atmagpasiya ang mga mamamayang ipinapalagayna pawang gago at bobo na hindi kayang unawain ang nagbabagong daigdig.Ang pakahulugan ng “mabuti” ay nakasalalaylamang sa kamayng pamahalaan,o sa galamaynitong relihiyoso.Mapanganib ang nasabing pakahulugan dahil ang pagpapasiya kung ano ang “pornograpiya” ay mahihinuhang nakabataysa halagahang moral ng mga relihiyon,kahitang mismong mga relihiyong ito ang nagpapakalatdin ng mga dogmatiko,basura’tkolonyal na paniniwalang pikit-matang sinusunod ng kani-kanilang mananampalataya. Mapanganib ang pagtatanghal ng mga pelikulang maykaugnayan sa sexat paghuhubad.Lalo na ang pagsusulat, pagbubuo,paglilimbag,atpagpapalaganap ng mga ito sa mass media o kaya’y sa tanghalan.Nakikini-kinita kong kahit ang mga blog at websayt ay delikado rito,dahil mapipilitan ang pamahalaan na gumanap bilang Dakilang Kuya na magmamanman sa bawatkilos ng mga mamamayan,atitatakda ang “mabuti” at ang “masama” alinsunod sa nais nitong palaganapin nang mapanatiliang panlipunang kaayusan. Mga Parusa Mabigat ang mga parusa,at kabilang dito ang sumusunod: Una, ang pagkakakulong nang anim hanggang labindalawang taon,at multang mulang 500 milyong piso hanggang 1 milyong piso sa sinumang lumilikha,naglilimbag,nagtatanghal,nagbebenta,atnapapakalatng pornograpikong materyales. Ikalawa,pagkakakulong nang tatlo hanggang anim na taon atmultang mulang 200 libong piso hanggang 500 libong piso sa sinumang magpapalabas ng mga “pornograpikong pelikula” s a loob man o labas ng Filipinas,o sa mga publikong tanghalang,gaya sa restoran o klub, o kaya’y sa bahay na ang mga nanonood ay hindi lamang ang mga residente roon. Ikatlo, pagkakakulong nang tatlo hanggang anim na taon atpagmumulta ng 200 hanggang 500 libong piso sa sinumang magsusulatng mahalayo pornograpikong akda mapa-elektroniko man o mapalimbag sa papel. Ikapat, pagkakakulong nang isang taon hanggang tatlong taon atpagmumulta ng 100 hanggang 300 libong piso sa sinumang magtatanghal o gaganap nang malaswa o pornograpiko sa anumang anyo ng mass media. Nagtataka lang ako kung bakit walang umaangal sa panukalang batas na ito ni Sen. Villar. Nananahimik ako dahil iniisip ko noon na may mga tao na mag-iingayhinggil dito.Ngunitdahil wala namang pumipiyok,nais ko nang pumalag.Dapatibasura na ang Panukalang Batas bilang 2464.Ang nasabing panukala aymapanlahat,at napakakitid ng pananaw hinggil sa sining atpagtatanghal.Sinumang sumulato nagpakana nito ay dapat ibitin nang patiwarik,nang umagos atlumabas ang lahatng kaniyang dugo sa ilong,mata,tainga, at bibig na maituturing na isang uri ng pornograpikong tagpo sa sinumang ang pamantayan ay “Matapat, Mabuti, Maganda.”
  • 9. Salawikain tinipon ni Ingo Ed Regalado isa sa mga iniidolo kong manunulatsi Iñigo Ed. Regalado, dahil hindi lamang siya primera klaseng makata bagkus mahusayding sanaysayista,nobelista,kuwentista,kritiko,at peryodista.Naging guro at puno sa kagawarang Filipino si Regalado sa Universityof the East, Far Eastern University, at Centro Escolar Universitynoong tanyag siyang manunulat,atmalimitimbitahan sa mga kumperensiyang pampanitikang itinaguyod ng mga Ingleserong manunulat ng Unibersidad ng Pilipinas noong dekada 30. Ngunitwala akong naririnig ngayong pagpapahalaga mula sa mga naturang unibersidad sa manunulatna nagbuhos ng buhay para sa panitikang Filipino.Kaya noong 17 Nobyembre 2000,lumiham ako kay Esther M. Pacheco,ang direktor noon sa Ateneo de Manila University Press,upang maipasa sa Aklatan ng Ateneo de Manila ang kahon- kahong antigong dokumento,aklat,plake,retrato, at iba pang rekwerdo ni Regalado na inihabilin sa akin ng apo niya. Matatagpuan ngayon sa Ateneo ang memorabilya ni Regalado,atnawa’y pangalagaan iyon ng naturang aklatan. Sa ibang pagkakataon ko na tatalakayin nang malalim ang kadakilaan ni Regalado bilang manunulat,athayaan muna ninyo akong ibahagi ang hinggil sa mga salawikaing inipon niya nang matagal. Kung hahalungkatin ninyo ang mga antigong papeles ni Regalado,masusungpungan ninyo ang walong pahinang sulat-kamayna nagtataglayng mga salawikain.Malinis atmasinop ang dikit-dikitna titik na parang mula sa sulatng isang dalaginding ang sulatni Regalado.Nakaipon si Regalado ng 239 salawikain,atang mga salawikaing ito an g pinagkakakitaan ng ilang pabliser o manunulatsa kasalukuyan na halos kinopya lamang ang tinipon ni Regalado. Ang totoo’y marami pang salawikain atbugtong ang naipon ni Regalado,ngunithindi pa ganap na natitipon ang lahat dahil ang ibang kinalathalaan nito’ymahirap nang matagpuan sa mga aklatan.May mga kolum si Regalado noon sa mga babasahing gaya ng Ang Mithi, Pagkakaisa,Watawat,Kapangyarihan ng Bayan,Liwayway, at Ilang-ilang,at marahil bilang editor aynaipapasok niya ang mga kuntil-butil na dapatpahalagahan,gaya nga ng salawikain, retorika, talasalitaan,atpaggamitng salita. Estetika ng Salawikain Kung ang “bugtong,” ani Virgilio S. Almario, ay may iisang sagot,kabaligtaran naman ang “salawikain” dahil ang sagoto pahiwatig nito ay maaaring magsanga-sanga,athindi matutuklasan sa iisang antas lamang.Halimbawa’y ang kasabihang,“Ang taong walang kibô’y/nasa loob ang kulô” ay hindi lamang maikakabitsa taong “mahiyain ngunitmaingaykapag nalasing.” Maaaring tumukoydin iyon sa mga tao na walang imik ngunitmatalino,sa mga tao na mapagkumbaba ngunitpambihira ang alab,yaman,at talento. Idaragdag ko sa winika ni Almario na habang humahaba o lumalalim ang pahiwatig ng salawikain,lalong rumirikitito pagsapitsa mambabasa dahil ang pagpapaliwanag ayhindi magiging de-kahon gaya ng aasahan sa isang bugtong.Bukod sa nabanggit,ang salawikain ayisa ring tula, dahil binubuo ito ng sukatat tugma sa ilang pagkakataon,gaya ng “May tainga ang lup à,/ may pakpak ang balità” (na pipituhin ang pantig bawattaludtod at may pandulong tugmang tudlikan) atnaglalaman ng pambihirang talinghagang matalik sa puso ng taumbayan. Ang halina ng salawikain ay nasa masining na pagkasangkapan ng mga hulagway(i.e., imahen) sa paligid atsiyang batid ng taumbayan. Iniuugnay ang nasabing hulagwaysa isang diwain,atang kombinasyon ng mga diwain,sa pamamagitan man ng paghahambing,pagtatambis,atpagtitimbang,aynagbubunga ng isa pang bukod na diwaing ikagigitla ng makaririnig.Sa unang malas aypayak ang ipinahihiwatig ng salawikain.Ngunitkung nanamnamin iyon ay mababatid ang lalim ng kaisipang dapatpagbulayan ng sinumang tao na pinatatamaan. Papel ng Bayan Nabubuo ang salawikain sa isip ng madla na pinagbubuklod ng iisang diskurso,ngunitang isang bihasang makata ang posibleng nagsakataga ng niloloob ng nasabing madla.Habang tumatagal,pinayayaman ng madla ang pakahulugan atpahiwatig ng salawikain;isinasalin nang pabigkas mula sa isang salinlahi tungo sa bagong salinlahi, kaya ang salawikain ayhindi na lamang pag-aari ng isang tao bagkus ng sambayanan.Sa paglipas ng panahon, nakakargahan ng iba’tibang pahiwatig ang salawikain alinsunod sa paggamito pagsagap dito ng taumbayang nagkakaroon ng iba’tibang karanasan atkabatiran.Halimbawa,ang kasabihang “Ano mang talas ng tabak,/ mapurol kung nakasakbat,” ay hindi na lamang patungkol sa patalim o talentong inililihim ng tao.Maaaring ipakahulugan din ito ng kasalukuyang henerasyon sa uten,na gaano man kahaba at katigas,kapag hindi ginamitsa tumpak na
  • 10. pakikipagkarat,ay manlalambotatmawawalan ng saysay.O kaya’y sa selfon o kompiyuter, na gaano man kaganda o kahusay,kapag hindi ginamitay mawawalan ng kahulugan. Itinuturing na sambayanan ang may-ari ng mga salawikain.Gayunman,dapatpa ring kilalanin ang gaya ni Regalado (at mababanggitdin ang isa pang paborito kong siDamiana Eugenio) na walang sawa sa pagtitipon nito upang maiugitsa kamalayan ng sambayanan ang mga hiyas ng diwang dapattandaan ng sinumang kabataan.Heto ang ilang natipong salawikain ni Iñigo Ed.Regalado,na isinaayos ko ang taludturan upang madaling maunawaan,atsa aking palagayay walang kamatayan: 1. Ang matibayna kalooban ang lahat ay nagagampanan. 2. Kapag ang tao’y matipid, maraming maililigpit. 3. Hulí man daw at magaling ay naihahabol din. 4. Kung tunay nga ang tubó, matamis hanggang dúlo. 5. Sa maliitna dampa nagmumula ang dakila. 6. Kapag may isinuksok ay may madudukot. 7. Walang binhing masama sa [may] mabuting lupa. 8. Di man magmamana ng ari, ay magmamana ng ugali. 9. May tainga ang lupa, may pakpak ang balita. 10. Wika, at batong ihagis, di na muling magbabalik. 11. Kung pinukol ka ng bato, gantihin mo ng puto. 12. Ang taong mapagbulaan ay hinlog ng magnanakaw. 13. Walang matibayna baging sa mabuting maglambitin. 14. Pag ang punla ay hangin, bagyo ang aanihin. 15. Walang mataas na bakod sa taong natatakot. 16. Ang maikli ay dugtungan, ang mahaba ay bawasan. 17. Pag ikaw ay nagparaan, pararaanin ka naman. 18. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan. 19. Kapag tinawag na utang, sapilitang babayaran. 20. Malakas ang bulong kaysa hiyaw. 21. Kung saan ang gasgas, naroon ang landas.
  • 11. 22. Putik din lamang atputik, tapatin na ang malapit. 23. Ang taong walang kibo ay nasa loob ang kulo. 24. Sa taong may hiya, ang salita ay sumpa. 25. Kahoy mang babad sa tubig, kapag nadarang sa init, pilitna magdirikit. 26. Ang mahuli sa daungan ang daratna’y baling sagwan. 27. Sa kinanti-kanti ng munting palakol ay makabubuwal ng malaking kahoy. 28. Ang ulang atik-atik madaling makaputik. 29. Pag maaga ang lusong, maaga [rin]ang ahon. 30. Ang tao pag naumpog, marapatnang yumukod. 31. Matisod na na sa bato huwag lamang sa damo. 32. Biro-biro kung sanlan, totohanan ang tamaan. 33. Sa lakad ng panahon, lahatay sumusulong. 34. Ano mang talas ng tabak, mapurol kung nakasakbat. 35. Ang hinahon ay malakas nang higitpa sa dahas. 36. Sa payo ng nagigipit hindi ka dapatmanalig. Pagpapahalaga Nagbabago ang estetikang silbi ng mga salawikain,atngayon, ginagamitna lamang ang mga ito para paminsang- minsang ipaskel sa pisara o bilbord bilang paalaala sa mga taong matitigas ang ulo.Sa kabila ng lahat, dapatpa ring tandaan na ang mga salawikain ayhindi lamang ginagamitpara isaulo o isapuso,bagkus upang pagbuklurin ang buong bayan o lipi.Ang mga salawikain ayisang uri ng listahan ng etika,at ang etikang iyon, na kapag susundin ng mga tao, ay makapagsasaayos ng ugnayan ng mga tao, malulutas ang mga sukal ng loob o isip,at mapananatili ang panatag na pag-iral ng lipunan.Nagwawakas ang lahatsa kasunduang panlipunan,athigitsa lahat, tumataas ang uri ng komunikasyon ng bayang hitik sa kahanga-hangang bisa ng ligoyat paghihiwatigan.
  • 12. Pananliksik, at panrehiyong sentro ng wikang Filipino Maitutumbas sa nakasisindak na nilalang ang salitang “saliksik” [research] dahil hindi ito maihuhugis sa guniguni nang napakadali, at maraming pagdulog ang maisasagawa upang maunawaan ito alinsunod sa pangangailangan at hinihingi ng panahon. Nag- iiwan ng pangamba sa mananaliksik ang anyo ng saliksik hindi lamang dahil masalimuot ang daan tungo rito, bagkus kinakailangan ng mananaliksik ang sapat na karanasan, karunungan, lakas, at pasensiya upang matuklas at maunawaan ang hinahanap. Para mapawi ang pangamba sa pananaliksik, kinakailangang alamin kung anong uri ng hayop ito, wika nga. Kinakailangang matutuhan ninuman ang paraan kung paano mag-isip at kung paano tatanawin ang kaligiran kung hindi man daigdig, nang sa gayon ay mabatid kung paano makapaghahawan ng landas at makapaglalagay ng muhon para pagsumundan ng mga darating pang mananaliksik. Isang katangian ng saliksik ang pagdaan sa proseso, at maaaring simulan sa pagtatanong at pag-uusisa. Ngunit ano ang itatanong, lalo kung may kaugnayan sa wika at panitikang Filipino? Makabubuting simulan ang pambungad na pagbabasa hinggil sa mga akda ng isang manunulat, halimbawa, at mula rito ay matatantiya kung dapat ipagpatuloy ang pananaliksik. Kinakailangang pag-isipan ang tanong—na batay sa umiiral na datos—at kung paano ito isasakataga, nang sa gayon ay maitakda ang saklaw at lalim ng saliksik, at haba ng panahong ilalaan doon. Sa pagbuo ng tanong, kinakailangan ng mananaliksik na timbangin ang pagiging patas [obhetibo] at ang pagtanaw sa kung saang panig [subhetibo], ayon sa kayang mailahad ng datos. Dapat ding magpasiya siya kung kalitatibo (mapaglarawan) o kantitatibo (mapagbilang) ang pag-aaral, bagaman sa ilang pagkakataon ay pinagsasanib ang dalawa nang matimbang ang isang anyo kaysa isa pa. Hahaba pa ang pagsisiyasat kung idurugtong dito ang papel ng Panrehiyong Sentro ng Wikang Filipino—na mahalagang sangay ng Komisyon sa Wikang Filipino—upang matupad ang itinatadhana ng Saligang Batas 1987 na gawing makatotohanan ang Filipino bilang wikang pambansa at Batas Republika 7104 na lumilikha sa KWF para sa gayong layunin. Dapat taglayin ng mananaliksik ang iba pang katangian, gaya ng kasanayan sa pagtatala o pagsusulat at matalas na pang-unawa sa bagay na binabása o pangyayaring pinag-aaralan. Ang ganitong mga katangian ay hindi likás, bagkus napag- aaralan sa paglipas ng panahon, hanggang ang mananaliksik ay makadiskarte alinsunod sa pangangailangan ng saliksik. Yamang kalitatibo ang karaniwang uri ng pananaliksik na ginagamit sa panitikan, kinakailangang lisâin ang listahan ng mga literatura. Makabubuti kung gayon na sa talaksan ng mga aklat ay makabuo ng mga haliging pagsisimulan, at maaaring ito’y aklat hinggil sa kasaysayang pampanitikan, antolohiya ng tula o katha, mga teorya o pagdulog sa pagbasa, salungatang kritika ng mga dalubhasa, at katalogo ng mga pangalan at akda sa isang larang. Sa panig ng mga wika, ginagamit ang paraang kantitatibo, halimbawa na ang pag-eeksperimento sa isang buong klase na binubuo ng 50 katao, na bibigyan ng kaalaman at kasanayan upang pagkaraan ng takdang panahon ay tasahin ang resulta ng kanilang mga pagsusulit batay sa kanilang dinaanang leksiyon. Sa ganitong kalagayan, makabubuting mag-aral ang mananaliksik hinggil sa estadistika, paglikom ng datos sa paraang patas at walang manipulasyon, pagtitiyak na ang kinuhang bilang ng kalahok ay representante sa buong populasyon, at iba pa. Higit sa lahat, kinakailangan ang
  • 13. konsultant sa interpretasyon ng resulta ng pananaliksik nang sa gayon ay magabayan ang mananaliksik sa kaniyang ginagawa. Mangangapa ang sinuman sa pagtatanong kung hindi niya alam ang teritoryo na kaniyang hinahanap. Sa panig ng panitikan, kinakailangang balikan ang mahabang kasaysayan ng panitikang palimbag, halimbawa sa Tagalog o Iluko, at mula rito ay maaaring pag-aralan ang kasaysayan ng katutubong panitikan sa isang takdang panahon, na lumikha ng angking kumbensiyon at pamantayan, at nakapag-ambag sa pagpapalago ng wika, guniguni, at pagkatha, na hindi maitutulad noong panahong nasa dahon, buho, palayok, at batuhan ang mga titik at larawang nagtatala ng kasaysayan. May mga deskriptibong pag-aaral naman, halimbawa sa mga epikong bayan, na inuugat ang mga dalumat at pananaw sa daigdig ng mga tauhan, at pinag-aaralan kung paanong ang mga penomenon o pangyayari ay humuhubog sa katauhan ng persona at sa kaniyang pagpapasiya. Hinuhugot din sa mga epikong bayan ang mga arketipong hulagway, halimbawa, na ang “bayani,” “asawa,” “anak,” “bayan,” “tubig,” “lupa,” “hangin,” “simoy,” “bathala,” “gamot,” at “kamatayan,” at sa pamamagitan nito’y naipapaliwanag ang mga sagisag at pahiwatig na pawang nabuo ng lipi na may kolektibong kubling-malay, kung hihiramin ang dila ni Carl Jung. Sa pag-aaral ng arketipo’y hindi kinakailangang limitado sa sinabi lamang ni Sir James Frazer, bagkus magagamit kahit ang mga akda nina Isabelo de los Reyes, Honorio Lopez, at E. Arsenio Manuel, at ang pagdalumat ng gaya nina Ernesto Cubar, Reynaldo Ileto, at Florentino Hornedo. Samantala, ang pag-aaral sa panig ng wika ay nakasalalay sa mga pagbabalik sa mga limbag na panitikan, diksiyonaryo, tesawro, sanaysay, kasaysayan, at iba pa. Ang paglago ng korpus ng wika ay maisasailalim sa pag-aaral na purong lingguwistika (papaloob), o kaya’y sosyolingguwistika (papalabas). Ang mahirap sa panitikan ay hindi maitutumbas ito nang isa-sa-isa sa mga pangyayari sa kasaysayan, dahil may bukod itong kasaysayan sa kanonigong kasaysayan ng bansa. Bagaman ang panitikan ay posibleng maapektuhan ng ilang matingkad na pangyayari sa lipunan, gaya ng digmaan, salot, kalamidad, at tagsalat, at mula rito’y gagamit ng mga hulagway o tauhang nagmula sa naturang pangyayari ang mangangatha o makata, ang panitikan ay hindi direktang salamin ng realidad. Dahil kung gayon, inuulit lamang nito na parang sirang plaka ang realidad at hindi na pinanghihimasukan pa ng guniguni. Lumilikha ng sariling realidad ang panitikan; at ang pagtatakda ng panahon ng pagkauso ng isang estilo o paksa o teorya ay hindi maikakahon sa isang takdang panahon; at mahirap masukat kung gaano kadominante ito maliban kung maisasagawa ang malawakang imbentaryo ng panitikang nailimbag sa nasabing panahon. Maaaring magpabalik-balik ang uso o estilo alinsunod sa nais ng mangangatha o makata, at sa hinihingi ng madlang mambabasa. Ang maisasaad lamang ay ang paglitaw ng ilang matingkad na akdang maaaring sumasalungat sa kumbensiyon, at nagtatakda ng muhon ng pagbabago, at ito ang pagsisimulan ng modernisasyon na pinalalawig ng mahuhusay na manunulat. Habang pinag-aaralan ang peryodisasyon ng panitikan, mapapansin na lumilikha ang mga teoriko ng mga haka-haka, pagdulog, at teorya kung paano babasahin ang gayong panitikan. Ang peryodisasyon ay posibleng kumiling sa kanonigong kasaysayan ng lipunan na bukod sa kasaysayang pampanitikan; o kaya’y bumatay sa binuong kasaysayang pampanitikang tumanyag ang mga manunulat o akda sa isang takdang panahon. Makabubuting maláy ang mananaliksik hinggil sa ganitong pangyayari, at
  • 14. nang sa gayon ay magawa niya ang nararapat para makamit ang layunin ng pananaliksik. Mahaba ang panahon ng pananaliksik na iniuukol sa pag-alam ng kasaysayan ng panitikan sa lokal o pambansang antas, at karaniwang nagpapasiya na lamang huminto ang mananaliksik kapag napiga na niya ang halos lahat ng posibleng literatura na maaaring balikan, at mistulang kumbensiyon na lamang ang natitira. Ang pag-aaral ng panitikan ay hindi kronika ng mga pangyayari; bagkus pag-aaral sa mga importanteng sibol na lumikha ng kilapsaw na pagkaraan ay naging daluyong sa pana-panahon at siyang magtatakda ng pagkabukod ng isang anyo ng panitikan sa iba pang anyo ng panitikan. Sa madali’t salita, lumilikha ang teoriko ng isang lente, at ang lenteng ito ay hindi pangwakas, dahil maaaring lumabo o mabasag o baguhin o ipawalang-bisa, at palitan ng higit na modernong lente ng pag-arok at pagpapaliwanag ng panitikan. Dapat banggitin na sa pag-aaral ng kasaysayan ng panitikan ay hindi nangangahulugan ng paglikha ng teorya o pagdulog ang laging pangwakas na resulta. Pinag-aaralan ang kasaysayan ng panitikan, at ang peryodisasyon nito, para mailugar nang tumpak ang mga akdang pampanitikan at hindi basta mabansagan o matatakan ng mga taguring inangkat sa kung saang lugar. Panitikang palimbag Kapag sinabing panitikang palimbag, tinutukoy dito ang lahat ng posibleng teksto na matatagpuan sa loob at labas ng aklatan, at dito maaaring magsimula. Makagagamit ng mga elektronikong aklatan, ngunit ang pinakamahalaga ay matukoy ang lahat ng publiko at pribadong aklatan at puntahan iyon at doon magsaliksik. Kaya maisasaalang- alang sa puntong ito ang mga pangunahin at sekundaryong sanggunian, at sa panitikan, ang pangunahing sanggunian ay ang orihinal na teksto at ang awtor (kung buháy pa siya) na maaaring pagbunsuran ng multi-disiplinaryong pag-aaral kung ituturing na ang panitikan ay kaugnay ng lipunan kahit pa sabihing may sariling realidad ang panitikan na bukod sa realidad ng lipunan. Mahirap pag-aralan ang isang kalipunan ng mga tula ng isang makatang Tagalog, halimbawa, at upang magkaroon ng idea kung ano ang testura niyon ay kinakailangang balikan ang ilang opinyon ng mga kritiko at istoryador na sumuri sa mga tulang naroroon, at pag-aralan ang konteksto ng mga dalumat [konsepto] na inilahok ng makata sa kaniyang tula. Masasabing limitado pa ang pag-aaral sa panitikang Filipinas, partikular sa tula at katha, kung isasaalang-alang ang mga kasaysayang pampanitikang sinulat halimbawa nina Lope K. Santos, Julian Cruz Balmaseda, Iñigo Ed. Regalado, Clodualdo del Mundo, Teodoro A. Agoncillo, Ildefonso I. Santos, Bienvenido Lumbera, Resil Mojares, Virgilio S. Almario, Damiana I. Eugenio, Gemino H. Abad, Soledad S. Reyes, Isagani R. Cruz, Andres Cristobal Cruz, Rolando B. Tolentino, at Galileo S. Zafra. Sa pag-aaral ng panitikan at wikang Tagalog, magiging bunsuran ang mga sinaunang tula, gaya ng salawikain at bugtong, at maaaring idugtong sa pagbabalik sa mga sinaunang alamat at mito na nakapahiyas sa mga epikong bayang pahimig na isinasalaysay ng isang makata. Kailangang pag-aralan din ang mga sinaunang salin sa Tagalog, ang mga katon (na panimulang pagsasabatas ng ortograpiyang Tagalog batay sa panuto ng Espanyol), at ang mga sinaunang diksiyonaryo at tesawrong nalathala na pawang may mga lahok na patungkol sa tula at katha. Maibibilang dito angVocabulario de la lengua Tagala (1860) nina Jose de Noceda at Pedro Sanlucar. Pagsapit ng siglo 20, hindi matatakasan ang paglaganap ng Ingles, ang paghina ng Espanyol, at ang paglakas ng
  • 15. Tagalog bago sumapit ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Lumalago o nabubura ang wika habang lumalaon, at mababatid ito sa mga publikasyong nalalathala sa pana- panahon. Ang ganap na paglisa sa mga panitikan, halimbawa sa Tagalog, ay makatutulong sa pagbuo ng isang teorya ng pagbasa. Halimbawa, nabuo lamang ni Almario ang konsepto ng “balagtasismo” at “modernismo” matapos pag-aralan ang mga bokabularyo at diksiyonaryong gawa ng mga Espanyol, at ang antolohiya at indibidwal na koleksiyon ng mga tula ng mga makatang Tagalog bago at pagsapit ng siglo 20. Sa panig naman ni Zeus Salazar, nabuo niya ang teorya ng Pantayong Pananaw matapos pag-aralan ang iba’t ibang daloy ng kasaysayan sa loob at labas ng Filipinas, at tuklasin sa pambihirang interpresyon ang kasaysayan alinsunod sa punto de bista ng Filipino. Sa pananaw nina Anselm L. Strauss at Juliet M. Corbin, ito ang grounded theory, ang teoryang nakatindig sa pundasyon ng datos at impormasyon. Sa kasalukuyang panahon, maaaring balikan ang mga konsepto at konklusyon ni Almario kung ang pag- uuri niya ay dapat ngang tanggapin o palawigin pa; o kung makabubuting lumikha ng isa pang teorya na batay sa ugat ni Balagtas kung hindi man mga epikong bayan. Maaari namang kilatisin ang mga akda ni Salazar gaya ng pagkilatis na ginawa ni Ramon Guillermo hinggil sa paggamit ng wika at katutubong dalumat, at pag-iwas sa napakahigpit na kahingian ng pampolitikang linya. Kaugnay ng paglusog ng pagpapalathala noong bungad ng siglo 20 ang pagdami ng mga imprenta at publikasyon, at nakatulong ito nang malaki sa paglalabas ng mga diyaryo, magasin, at iba pang maninipis na lathalain—may bahid mang relihiyoso o komersiyal—na pawang nilahukan din ng mga tula, kuwento, nobela, dula, sanaysay, at salin. (Sa Bulakan pa lamang, kung hindi ako nagkakamali’y may mga sinaunang imprenta rito na nagsara na at ngayon ay nasa indibidwal na koleksiyon ng ilang pamilya ang mga lumang teksto at libro na puwedeng hanapin at siyasatin. Maimumungkahing trabaho ng PSWF ang pagbabalik sa mga nagsarang imprenta, at hanapin ang mga sinaunang koleksiyong itinatago ng matatandang pamilya.) Sa mga magasin, ang mga paningit na artikulo ay karaniwang dagli o pasingaw, at sa ilang pagkakataon ay tula o epigrapeng salin mula sa mga akdang banyaga, gaya ng matutunghayan sa Liwayway, Mabuhay Extra, at Sampaguita. Kung isasaalang-alang ang pagbubukas ng Kanal Suez, papansinin ni Almario na nakapag-ambag din ang gayong pangyayari sa malayang kalakalan at mabilis na paglalayag patungo at pabalik sa Ewropa para lalong sumigla ang panloob na paglalathala sa Filipinas. Dahil sa dami ng mga lathalain, lumitaw ang isyu ng estandarisasyon ng mga ispeling, bantas, paggigitling, pag-uulit ng salita, pagtitipil, kambal-patinig, tumbasan, pagpapakahulugan, palaugnayan, at iba pa na kung susumahin ay mauuwi sa ortograpiya at retorika sa Tagalog. (Malaki ang papel ng mga organisasyong pampanitikan o pangwika, gaya ng Aklatang Bayan, Ilaw at Panitik, at Panitikan, at ang mga samahang ito ang magbabakbakan kung sino ang dapat tanghaling awtoridad.) Ang usapin ng kasinupan sa ispeling at gamit ng salita ang pupuwingin ni Dionisio San Agustin para baguhin ang namamayaning kalakaran o komersiyalismo sa mga lathalain. Si San Agustin ang dating pangulo ng Aklatang Bayan, at isinaad ang kaniyang banat sa introduksiyon sa saling nobela ni Gerardo Chanco, at siyang tinalakay din nang pana-panahon sa kani-kaniyang kolum nina Lope K. Santos, Iñigo Ed. Regalado, Severino Reyes, Jose Corazon de Jesus, Florentino T. Collantes, at Amado V.
  • 16. Hernandez. Ang mga editor ng isang lathalain ay karaniwang may estilo ng pagsulat at ispeling, at maaaring taliwas sa ipinalalaganap ng mga dalubwikang gaya nina Balmaseda, Regalado at Santos. Ang tatlong batikang manunulat ay magtatakda ng muhon sa ortograpiya sa Tagalog nang mahirang silang mamuno sa Surian ng Wikang Pambansa (SWP) na higit na kilala ngayon bilang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Pambansang patakaran sa panitikan at wika Binanggit ko ang mga pangyayaring ito dahil kaugnay ang mga ito ng pagsilang ng SWP na isinabatas noong 1937 ngunit naging epektibo lamang noong 1939. Alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184 na magpapatibay ng isang pambansang wikang batay sa umiiral sa isa sa mga wika ng Filipinas, binuo ang SWP na pinamumunuan ni Jaime C. de Veyra. Ipinroklama ang “pambansang wika” batay sa Tagalog sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 noong 1937. Naging makapangyarihan pa ang SWP nang pagtibayin ang Batas Komonwelt Blg. 333, na inemyendahan ang Batas Komonwelt 184, dahil sa sumusunod: una, lahat ng pasiya ng SWP na pagtitibayin ng Pangulo ng Filipinas “ay magiging pamantayang pampanitikan sa lahat ng opisyal na publikasyon at teksto sa mga paaralan”; at ikalawa, ang SWP ay “may kapangyarihang ituwid, o baguhin ang lingguwistikong anyo at pahayag sa alinmang teksbuk na nasusulat sa pambansang wika na layong pagtibayin bilang opisyal na teksto sa mga paaralan,” alinsunod sa pagsang-ayon ng Pangulo. Kung papansinin ay sadyang mabigat ang tungkulin ng SWP na maging taliba ng wika. Magpupulong ang mga manunulat, editor, at edukador noon pa mang 1937, at isa si Regalado na masisipag na kritikong maglalabas ng listahan ng mga salitang ginagamit sa panunuring pampanitikan. Magiging haligi sa mga gawain nito ang paglalathala ng A Tagalog-English Vocabulary at Ang Balarila ng Wikang Pambansa noong 1940. Masusundan pa ito ng pagbubuo ng ortograpiyang Tagalog [i.e., Filipino] na babaguhin nang pitong ulit: 1938, 1946, 1960, 1976, 1987, 2001, at 2009. Problematiko noon kahit ang pag-aaral ng ortograpiya sa Tagalog dahil ang mismong wika ng pag-aaral ay nasa Espanyol kung hindi man Ingles. Halimbawa nito ang Las Particularidades de la Pronunciacion Tagala y su signalizacion Ortografica (1938) ni Jose R.A. Reyes;Preliminary Studies on the Lexicography of the Philippine Languages(1938;1940), nina Jaime C. de Veyra, Cecilio Lopez, at Felix S. Salas Rodriguez, atbp.; at Tagalog Phonetics and Ortography (1940) nina Trinidad Tarrosa Subido at Virginia Gamboa-Mendoza. Hindi purong lingguwistika nag-ugat ang SWP. Pundasyon noon ng SWP ang mga panitikan, partikular ang panitikang Tagalog, kaya masigla ang paglalabas noon ng mga aklat, polyeto, chapbook, at iba pang lathalain para maitanghal ang kasaysayang pampanitikan, tula, nobela, dula, sanaysay, at panunuring pampanitikan mulang 1937 hanggang dekada 1970. Ilan sa mababanggit ang maituturing nang klasiko, gaya ng Ang Maikling Kathang Tagalog (1938) ni Fausto J. Galauran; Ang Panulaang Tagalog (1937;1947) at Ang Pagkaunlad ng Nobelang Tagalog (1938) ni Iñigo Ed. Regalado; Ang Dulang Tagalog (1938) ni Severino Reyes (alyas Lola Basyang); Ang Tatlong Panahon ng Tulang Tagalog(1938;1947) ni Julian Cruz Balmaseda; Duplo’t Balagtasan (1948) ni Teodoro E. Gener; Ang Pelikulang Tagalog (1938) ni Teodoro Virrey; Ang Dulang Pilipino(1947) ni Julian Cruz Balmaseda, Ang Kundiman ng Himagsikan (1940) ni Antonio J. Molina, at iba pa. Nang mahirang si Ponciano BP. Pineda bilang direktor ng SWP noong 1970, at pagkaraan ng Linangan ng mga Wika sa
  • 17. Pilipinas (LWP) noong 1987, bago naging Punong Komisyoner nang taong din iyon, itinuring niya na “mahalaga ang papel ng panitikan at pagsasaling-wika” para yumabong ang Filipino at nang makabuo “ng mga bagong salita at kahulugan, parirala at eksperesyon.” Mapapansin na kahit sa dating balangkas ng organisasyon ng LWP ay bumubuo sa isang dibisyon ang Pagsasalin at Panitikan, na pawang bukod sa Pananaliksik at Pagpapaunlad, Leksikograpiya, Preserbasyon at Promosyon, at Pangasiwaan. Gayunman ang Panitikan ay unti-unting mabubura kahit sa balangkas, at nang maging KWF ang LWP, ang Panitikan ay isinama sa Ibang mga wika (ewfemismo sa mga panrehiyong wika), kaya naging Dibisyon ng Ibang mga Wika at Panitikan. Nagsimulang humina ang poder ng panitikan sa KWF nang manungkulang Punong Komisyoner si Nita Buenaobra noong 1999-2006, at nabigong mapunan ang mga bakanteng posisyon, bukod sa walang malinaw na programa hinggil sa panitikan. Noong 2006-2008, nang manungkulan si Punong Komisyoner Ricardo Nolasco sa KWF, isinagawa ang plano ng reorganisasyon batay sa hinihingi ng Kagawaran ng Badyet at Pangasiwaan. Tinanggal ni Punong Komisyoner Nolasco ang panitikan, at pinanatili lamang angPagsasaling-wika. Lumitaw na naging makiling ang KWF sa lingguwistika, at dumupok ang pundasyon nito sa pagkawala ng panitikan. Ang panitikan ang sinisikap ngayong ibalik sa administrasyon ni Jose Laderas Santos, bagaman wala pang malinaw na resolusyong inilalabas ang Lupon ng mga Komisyoner. Makabubuting malaman ng PSWF kahit ang kasalukuyang balangkas ng KWF upang maikawing ito sa hakbanging pananaliksik na may kaugnayan sa wika at panitikan. Pananaliksik ang gulugod ng KWF, kung babalikan ang Batas Republika 7104, at kung gayon nga, ang pananaliksik ay dapat tumagos sa lahat ng sangay ng KWF sa mga rehiyon. Ang wika ay magiging limitado ang saklaw kung labis na espesyalisado ang pagdulog—na ikayayamot ng madla—at naipagkakait ang mapambuklod na diwain ng panitikan. Sa pag-aaral ng panitikan at pagsasalin, ang pag-aaral ng wika ay lumalawak, at naiuugnay sa iba pang disiplina. Napag-aaralan din ang wika hindi lamang sa simpleng hinihingi ng gramatika, retorika, at palaugnayan, bagkus maging sa iba’t ibang uri ng pagsusulat na maikakabit sa panitikan. Mga Nabuong Saliksik Kinakailangang gampanan ng KWF ang tungkulin nitong magsagawa ng mga pananaliksik, dahil ang mga ito ang gagamitin ng tanggapan ng Pangulo ng Filipinas o ng kapuwa Mataas at Mababang Kapulungan sa pagbuo ng mga pambansang patakaran at batas hinggil sa wika. Tanging KWF lamang, sa lahat ng ahensiya o komisyon, ang may mandato hinggil sa pagpapalaganap, pagpapanatili, at pagpapaunlad ng wikang Filipino at iba pang wikang panrehiyon. Kung walang pananaliksik, hindi makalilikha ng matitibay na rekomendasyon ang KWF sa Pangulo, at kahit sa mga ahensiyang gaya ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon (CHED), at Pambansang Komisyon para sa Kultura at Mga Sining (NCCA). Nang buuin ang SWP noong 1937, walang inatupag ang mga kasapi nito kundi magsagawa ng mga pagdinig, sarbey, konsultasyon, at pag-aaral kung aling wika ang karapat-dapat maging batayan ng wikang pambansa. Nang manungkulan si Ponciano BP. Pineda bilang direktor ng SWP at LWP noong 1970-1999, ipinagpatuloy niya ang pagsasagawa ng mga pambansang sarbey at saliksik pangwika. Ang resulta ng mga saliksik ay ginawang batayan sa rekomendasyon sa Pangulo, at ginawang
  • 18. patakarang pambansa, gaya ng Patakarang Bilingguwal sa edukasyon, alinsunod sa itinatadhana ng Saligang Batas 1973 at 1987. Sa 71 taon ng pag-iral ng KWF, nakapagsagawa ito ng mga pag-aaral sa wika at panitikan at iba pang larang, at pawang isinaaklat. Kabilang sa mga bokabularyo nitong nalathala ang Akean (Aklanon), Bikol, Cuyunon, Hiligaynon, Ibanag, Ilokano, Kapampangan, Magindanawon, Maranaw, Tausug, Waray, at Yakan. Bukod pa rito ang mga diksiyonaryong binuo sa mga wikang gaya ng Chavacano, Filipino, Ibanag, Ingles, Kapampangan, Magindanawon, at Samar (Leyte), at sa mga larang na gaya ng batas, hanapbuhay, kalusugan at medisina, kasarian, komunikasyong pangmadla, militar, at iba pa. Kung hindi man bilingguwal ay trilingguwal ang diksiyonaryo. May diksiyonaryo nang natapos sa Pangasinan ngunit hindi pa inilalathala. Lumikha rin ang KWF ng mga manwal, gaya sa Korespondensiya Opisyal, Pagsasalin, at Pormularyong Pambatas, na maaaring paunlarin pa ngayon at sa darating na panahon. Bagaman mapupuwing ang pag-edit ng diksiyonaryo, bokabularyo, at tumbasan, makatutulong pa rin ang mga ito sa pangkalahatan sa pagtatala ng mga salita. Pakikinabangan din ng DepEd at CHED ang mga antolohiya ng KWF, dahil sumasaklaw iyon sa mga epiko, kuwento, alamat, tula, at dula. Kabilang dito ang mga alamat ng Bagobo, Manobo, Molbog, Palawan, at Tarlakenyo; ang mga awiting-bayan ng Panay at Pangasinan; ang mga modernong literatura ng Hiligaynon at Sugbuanon; at ang mga antolohiya ng tula at sanaysay mula sa Timpalak sa Tula at Sanaysay na Talaang Ginto. Sa ngayon ay inihahanda na ang paglalabas ng mga alamat at kuwentong Meranaw, na nasa orihinal na wikang Meranaw at tinumbasan ng modernong salin sa Filipino. Ang mga nasabing koleksiyon ay mayamang malig ng pag- aaral, at kung gagamitin lamang ng bawat PSWF ay maaaring mapaunlad pa ang paraan ng pananaliksik, ang pagdulog sa muling pagsasalaysay, at ang pagsasaayos ng mga ilalahok sa antolohiya, at iba pa. Mapapansin sa mga gawaing ito na ang tungkulin ng KWF hinggil sa pananaliksik ay hindi lamang para makabuo ng patakarang pangwika. Sangkot din ang KWF sa aktibong produksiyon, pagsasalin, at pagpapalaganap ng panitikang mula sa rehiyon at sa tulong ng PSWF, at ang mga panitikang ito na iniangat sa antas na pambansa ay hinubad ang dating katauhang panrehiyon para matanggap ng buong Filipinas. Kung isasaalang-alang ang penomena na hatid ng komputer, internet, at networking, halos walang hanggahan na ang magtatakda sa kayang ihatid ng wika at panitikang Filipino. Sa mga pook na gaya ng WordPress, ang Tagalog at Filipino ay halos walang ikinatangi sa isa’t isa, maliban sa pangyayaring mas marami ang mga blogistang nasa Tagalog imbes na sa Filipino. Sa ibang social networking site, gaya ng Facebook, Filipino ang taguri sa wika bagaman may tumatawag pa ring Tagalog ito. Upang ganap na mapag- aralan ang wikang Filipino sa internet, isang pag-aaral ng mga kabataang eksperto sa komputer sa UP-Diliman ang lumikha ng Web Crawler para suyurin ang buong cyberspace sa mga salitang Filipino at Tagalog sa loob ng limang taon, at siyang makatutulong sa pagpaplanong pangwika ng kasalukuyang administrasyon. Sa panig ng PSWF ng Bulakan, makabuting isaalang-alang ang mga pag-aaral na ito. Maaaring lumahok ang PSWF sa mga proyektong pagsasalin, at ang pagsasalin ay mulang mga klasikong banyagang akda tungo sa Filipino. Ngunit bago gawin ito ay kailangang balikan ang mga dating salin, nang maiwasan ang repetisyon at pagsasayang ng pondo. Sa mga eksperto sa komputer ay puwedeng mag-
  • 19. eksperimento ng mga programa para sa pagsasalin at pagbubuo ng database ng mga akdang sinulat ng mga Bulakenyo at hinggil sa Bulakan. Malawak ang posibilidad, at kinakailangan lamang na hanapin ang mga puwang na dapat pag-aralan. Paraan ng pagdulog May apat na paraan na maaaring gawin ang PSWF, halimbawa sa Bulakan, hinggil sa mga puwedeng maging tunguhin ng pananaliksik nito. Una, pagtuonan ang Bulakan bilang pook na pagdudukalan ng mga saliksik at maaaring magsimula sa bukal ng impormasyong taglay ng Bulacan State University. Ikalawa, pag-aralan ang mga panitikang isinulat hinggil sa Bulakan, at pawang isinulat ng mga taal na Bulakenyo, ng mga dayong residente at iba pang tao. At ikatlo, pag-aralan ang natatanging anyo ng wika (at diyalekto kung mayroon man) ng buong Bulakan, at itambis o ihambing ito sa iba pang anyo ng Tagalog na lumalaganap sa mga lalawigang Bataan, Batangas, Laguna, Metro Manila, Nueva Ecija, Palawan, Quezon, at Rizal. Sa kabilang dako, ang pag-aaral ng Tagalog ay maaaring iugnay sa lumalaganap na Filipino—na nahahaluan ng Ilokano, Kapampangan, Pangasinan, Zambal, at iba pang wika— at dapat alamin kung ano ang linyang humahati sa dalawa kung mayroon man sa konteksto ng Bulakan. At ikaapat, magsikap na maging imbakan ng datos hinggil sa panitikan at wikang Tagalog. Mahalaga ang mga nalathalang panitikan hinggil sa Bulakan, at maihahalimbawa ang mayamang paggamit ng alusyon dito ni Florentino T. Collantes sa kaniyang mga nobelang gaya ng Barasoain: Baras ng Suwail (1929) at Ang Lumang Simbahan (1928), at mala-epikong Ang Tulisan (1936). Mapag-aaralan din ang mga arketipong ginamit ni Jose Rey Munsayac, halimbawa sa kaniyang nobelang Ang Aso, Ang Pulgas, Ang Bonsai, at ang Kolorum (2000); at sa mga tula nina Teo T. Antonio, Lamberto E. Antonio, Rogelio G. Mangahas, Ariel Dim. Borlongan, at higit sa lahat, Rio Alma na gumamit ng mayamang malig ng Bulakan upang itanghal sa pambansa at pandaigdigang panulaan at nagpayaman sa wikang Filipino sa kabuuan. Kahit ang mga akda ni Francisco Balagtas, na taal sa Bulakan, ay mapag-aaralan sa pamamagitan ng makabagong programang pangkomputer, alinsunod sa testura ng Tagalog nito. Hindi ko sinasabing sa panitikan lamang mahuhugot ang pag-aaral ng wika ng Tagalog- Bulakan. Bawat lárang sa Bulakan ay bukál ng kaalaman, at maibibilang dito ang mga termino sa pagsasaka, pag-aalahas, pamimista, paglalala, pagbuburo, pagmimina, pangingisda, pagluluto, paghahabi at pagdidisenyo ng damit. Ang kinakailangan lamang ay balikan ang mga ito, at itala ng mga mananaliksik. Sa pagtatanong sa mga impormante, kinakailangang maturuan ang mga estudyante kung paano pumukol ng tanong, nang hindi nawawala ang pagiging obhetibo sa paksa. Kinakailangang mapag- aralan nang maigi ang pagtiyak sa katumpakan ng mga impormasyong nagmumula sa mga impormanteng galing sa ibaba, at taliwas sa awtoridad na nagmumula lamang sa mga edukado’t maykayang uri. Malaki ang maitutulong sa pag-aaral ng lokal na kasaysayan, gaya ng pinauuso ni Jaime Veneracion, na sumulat ng kasaysayan ng Bulakan sa pamamagitan ng pagkasangkapan sa datos mula sa iba’t ibang larang, at hindi lamang bumatay sa mga tala ng frayleng Espanyol. Dahil limitado sa pondo ang PSWF, maaaring ipokus nito ang lakas sa dalawa o tatlong programa lamang, na maaaring kaugnay ng panitikan, leksikograpiya, lingguwistika, at pagsasalin. Halimbawa, puwedeng magtuon sa deskriptibong pananaliksik sa mga nobela ni Bienvenido A. Ramos, at maaari siyang dalawin sa Santo Cristo at doon siya
  • 20. kapanayamin. Sa pag-aaral kay Ramos, maaaring biyakin ang pag-aaral sa pagiging nobelista at kuwentista niya, sa isang panig; at sa pagiging makata, sa kabilang panig. Ang pag-aaral ay maaaring magtuon sa pagiging kawani niya sa Liwayway magasin, hanggang sa pagiging editor nito sa mahabang panahon noong dekada 1980. Magiging madali ang pag-aaral kung susuriin ang kumbensiyon ng mga nobela at kuwentong nalathala sa Liwayway—na ngayon ay nakaimbak sa UP Main Library at donasyon ni Liwayway A. Arceo—at kung paano naglalaro sa parametro nito si Ramos. Maaaring mapansin ang paulit-ulit na hulagway sa kaniyang mga tauhan, ang dahas at ang sex, ang puri at paghihiganti, at ang pagbawi ng dangal. Mapapansin din ang haba ng kaniyang akda ay umaayon sa kayang ibigay ng publikasyon; at ang akda ay maaaring humaba lalo kung iyon ay ituturing na pantimpalak na gaya ng isinasagawa noon ng Sagisag, Talaang Ginto, at Palanca Memorial Awards for Literature. Sa kabilang dako, ang kantitatibong pag-aaral ay maaaring lumitaw sa paggamit ng programang Simple Concordance at Web crawler at mula rito ay masasala ang mga importanteng salitang lumitaw sa kaniyang mga akda. Maraming mahuhusay na Bulakenyong manunulat, kaya upang magamit nang mahusay ang yaman ay kinakailangang bumuo ng listahan ng priyoridad. Maaaring magsimula sa krokis ng mga pangalan, nang mabatid ang lakas at impluwensiya ng mga makata, nobelista at kuwentista. Sa paggawa ng krokis ay puwedeng lumitaw ang mga nakakaligtaang manunulat, o ang mga di-kanonigong manunulat, at maaaring sumulat ng mga pag-aaral hinggil sa kanila. Mula sa simpleng deskriptibong pananaliksik ay maaaring kumiling sa pagtuklas ng mga di-gaanong kilalang manunulat na nagtataglay ng pambihirang galing at imahinasyon. Isang magandang halimbawa ang ginawang pag-aaral ni Delfin Tolentino na sumulat ng disertasyon sa buhay at akda ni Benigno Ramos, at naglinaw sa ambag nito sa larangan ng panulaang Tagalog. Makabubuting maipakilala muli ang mga sinaunang akda sa panibagong lente ng pagsusuri; at sa paggamit ng naiibang teorya o pagdulog ay masisiyasat nang maigi ang kasiningan ng kalipunan ng tula o katha. Upang magawa ito, kinakailangang sumangguni sa mga umiiral na kasaysayang pampanitikan, at pag-aralang maigi ang mga puwang, singit, at lilignan nito, at mula roon ay makabubunsod sa iba pang pag-aaral na maaaring malikhaing rekonstruksiyon ng guniguni ng manunulat. Kinakailangan kung gayon na maturuan ang mga estudyanteng kawani ng PSWF, kung mayroon man, kung paano maghahanap ng aspili sa tumpok ng mga dayami. Dahil mahirap ito, kinakailangang matuto ang mga estudyanteng magbasa nang may pag- unawa, tuklasin ang anumang pangangailangan, at maglagom ng mga akda sa pinakamaikli ngunit pinakamahusay na paraan. Hindi makatutulong kung gagawa ng shortcut ang isang kawani. Maimumungkahing basahin talaga ang mga aklat, dahil kung hindi’y paano malalaman, halimbawa, ang testura ng Tagalog ng nobela at katha ni Valeriano Hernandez Peña kung ang babasahin lamang ay ang munting lagom na kinuha mula sa isang websayt o blog? Makabubuting mabatid ang mga tumpak na prinsipyo sa mabilis at epektibong pagbabasa, nang sa gayon ay hindi lamang lumalim ang bokabularyo ng mananaliksik bagkus lumawak din ang kaniyang pananaw at imahinasyon hinggil sa buhay. Kulang na kulang sa mga propesyonal na tagalagom [professional synthesizer] ang Filipinas, lalo pagdating sa panitikang Tagalog o Filipino, at maaaring makatulong ang PSWF sa paghubog ng mga kabataang handa sa gayong trabaho.
  • 21. Isang malaking problemang kinakaharap ngayon ng mga mananaliksik ang tungkol sa pagsasakatuparan ng pag-aaring intelektuwal. Hindi na basta-basta makapagpapaseroks ang isang estudyante nang hindi nagbabayad ng butaw saFilcols (Filipinas Copyright Licensing Society) para sa reprograpikong karapatan sa isang sipi. Sa mga tekstong hindi na sakop ng karapatang-intelektuwal, dahil sa maaaring paso na ang pag-aari sa isang akda pagkaraan ng pagkamatay ng manunulat at haba ng panahon ng pagkakalimbag, makabubuting ma-scan o maiseroks ang mga ito nang maging tumpak kapag sinipi na. Maraming pagkakamali ang nagaganap sa pagsipi nang pasulat, at sa mga ordinaryong estudyante ay lumulusot ang mga tipograpikong mali. Kaya kahit ang simpleng pagseseroks at pagtatala sa mga ito ay dapat itinuturo nang tumpak. Tunguhin sa hinaharap Panimulang pagdulog pa lamang sa pananaliksik ang binanggit ko rito at siyang kaugnay ng pagpapaunlad ng PSWF-Bulakan. Kung seseryohin ng KWF ang balak nitong desentralisasyon ng mga tungkulin nito tungo sa PSWF, ang PSWF ay dapat maihanda tungo sa pagkakaroon ng sariling mga kawaning may taglay na kasanayan at kaalaman hinggil sa iba’t ibang uri ng pananaliksik. Ngunit masaklap mang aminin, may pagkukulang ang KWF para sa pagbubuo ng patakaran tungo sa pagpapalakas ng PSWF. Ang PSWF ay kontrolado ng isang tao mula sa KWF; at hindi ko alam kung bakit hangga ngayon ay umiiral ang ganitong kalakaran kahit na paulit-ulit kong puwingin sa mga pulong ng Komisyoner. Maaaring mahirap makapagrekomenda sa pambansang antas ang PSWF, ngunit kung makagagawa ito ng pangmatagalang pananaliksik na may datíng at makatutulong sa pagbabalangkas ng mga panukalang patakarang maisusumite sa Pangulo ng Filipinas, ay mabuti. Makatutulong ang mahigpit na koordinasyon sa iba pang akademikong institusyon sa loob ng Bulakan, ang paghingi ng tulong-pananalapi sa pamahalaang panlalawigan at pambayan, at ang paglapit sa mga pambansang ahensiya sa gaya ng NCCA, DepEd, at CHED. Samantala, bago tumanaw sa malayo ay makabubuting tingnan ang PSWF alinsunod sa partikular na bisyon nito at kaugnay ng bisyon ng KWF. Paano gagawing makatotohanan ang itinatadhana ng Saligang Batas 1987? Paano makagagawa ng panuhay na batas hinggil dito? Mga simpleng tanong ito na masasagot lamang kung magsisimulang magsaliksik ang gaya ng PSWF alinsunod sa hinihingi ng panahon. [Binasa ni KWF Direktor Heneral Roberto T. Añonuevo sa Bulacan State University, bilang bahagi ng patuluyang seminar ng Panrehiyong Sentro ng Wikang Filipino-BSU para sa mga estudyante at guro sa Filipino.]