Ang mga araling ito ay naglalaman ng mga impormasyong batay sa mga salitang itinuturing na hiram mula sa wikang banyaga. Tatalakayin dito ang mga pamantayan sa pag-angkop ng pagsasalin ng mga salita mula sa banyaga at pagtutumbas nito sa wikang Filipino.
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa paksang Etimolohiya. Dito din matatagpuan ang ilang aktibidad o diskusyon patungkol sa paksang tinalakay.
I made this simpler so that next time I can use this in my schools, and I can also help other children that needs my summarized description about figure of speech (HIHI English po yan)
Ang Pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng relasyon o motibo ng dalawang yunit sa pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay.
May mga halibawa nito sa susunod na mga slides.
Ang mga araling ito ay naglalaman ng mga impormasyong batay sa mga salitang itinuturing na hiram mula sa wikang banyaga. Tatalakayin dito ang mga pamantayan sa pag-angkop ng pagsasalin ng mga salita mula sa banyaga at pagtutumbas nito sa wikang Filipino.
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa paksang Etimolohiya. Dito din matatagpuan ang ilang aktibidad o diskusyon patungkol sa paksang tinalakay.
I made this simpler so that next time I can use this in my schools, and I can also help other children that needs my summarized description about figure of speech (HIHI English po yan)
Ang Pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng relasyon o motibo ng dalawang yunit sa pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay.
May mga halibawa nito sa susunod na mga slides.
Presentation slides on Burma's political leader, human rights activist and Nobel Peace Prize Recipient. May this piece of work by a group of undergraduates in Malaysia inspire you to read up on Aung San Suu Kyi.
This powerpoint presentation will introduce us to the world of Burma or popularly known today as Myanmar. This just serves as a background information on the country to understand the representative piece which is On the Three Evils.
2. 1. Mababaw ang luha ni bunso kaya kaunting pang-
aasar lamang ay hahagulhol na ito.
- Madaling umiyak
2. Dahil pinalaki na di tapat, sanay maglubid ng buhangin
si Maria.
- Magsinungaling
3. Masigasig na nagbatak ng buto sa Saudi si Berto
dahilan upang siya’y agad na yumaman.
- Nagtrabaho
4. Si Diego ay putok sa buho at walang kinikilalang ama.
- Anak sa pagkadalaga
5. Dahil sa di nakapagtapos, si kuya ay nagbibilang ng
poste ngayon.
- Walang trabaho/naghahanap ng trabaho
3. 6. Si lolo ay kayod kalabaw mapag-aral lamang ako.
- Walang tigil sa pagtratrabaho
7. Nagtataingang kawali ang aking kasintahan dahil
ayaw niyang marinig ang mga natuklasan ko sa kanya.
- Nagbibingi-bingihan
8. Walang tulak kabigin sa mga magagandang binibining
kalahok sa Mutya ng Bayan 2015.
- Pare-pareho ng katangian
9. Dahil masama pa rin ang loob ni Jose sa ina, pabalat-
bunga lamang ang imbitasyon nito sa kanyang kasal.
- Hindi tapat sa loob na anyaya
10. Parang nilubugan ng araw ang aking pangarap na
makapag-aral ng malugi ang aming negosyo.
- Nawalan ng pag-asa
4. 11. Si Diego at Tonio ay mga anak pawis na nagsisikap
magtabaho sa ibang bansa upang umunlad ang buhay.
- Mangagawa
12. Hawak sa tainga ni Hilda ang nobyo at tila alipin niya
sa lahat ng pagkakataon.
- Taong sunud-sunuran
13. Si Diego lamang ang may utak sa aming pitong
magkakapatid.
- Matalino
14. Kalatog pinggan lamang si Roger sa kasal kaya naiinip
na siya sapagkat napakatagal matapos ng seremonya.
- Taong nag-aabang sa kainan o handaan
15. Huwag kang papatay-patay sa pagbubuhat ng mga
sako sapagkat marami pang trabaho ang nag-aantay.
- Babagal-bagal/ Mahiyain
5. 16. Sinasabing bukas ang palad ni Don Timoteo sa lahat
ng taong nangangailangan ng kanyang tulong.
- Galante/handang tumulong
17. Ayaw kong maniwala sa sanga-sangang dila ng
tsismosa naming kapitbahay.
- Sinungaling/kasinungalingan
18. Matindi ang kuskos balungos ang aming guro bumili
lamang kami ng kanyang tindang kendi.
- Hindi makatwirang pamimilit
19. Kapit tuko ang drug lord kay Mayor para di lamang
mahuli at makulong.
- Mahigpit ang kapit
20. Nagpuputok ang butse ni ate ng makita niyang basag
ang kanyang mamahaling relo.
- Galit na galit
6. 21. Ang Hapones na napangasawa ni Kasandra ay
sinasabing amoy-lupa na ngunit tunay na napakayaman.
- Malapit nang mamatay/matanda na
22. Huwag ka munang makipagrelasyon sapagkat may
gatas ka pa sa labi.
- Bata pa
23. Si Mang Jose ay abotdili na sa kanyang sakit na kanser
sa baga.
- Malubha na ang kalagayan
24. Hilong-talilong na si Inay kung anong bibilhing damit
sapagkat napakadami ng magagandang pagpipilian.
- Litung-lito
25. Sapagkat ngayon na ang JS Prom hindi kakapitan ng
alikabok ang bagong gown ni Loida.
- Bihis na bihis/pusturang-pustura
7. 26. Dapat hagisan na ng tuwalya si Floyd Mayweather
sapagkat alam na kung sino ang nagwagi.
- Tapos na ang labanan dahil natalo na ang isa
27. Sa paggamit niya ng ipinagbabawal na gamot ay para
na rin siyang humuhukay ng sariling libingan.
- Lumilikha ng sariling kapahamakan
28. Si Gringo at Renz ang nagtulak sa akin sa bangin na
dahilan upang ako’y matutong maglasing at magsugal.
- Ibinuyo/ Ibinulid sa kapahamakan
29. Simula noong ako’y bata pa si Jayjay ay laman ng
lansangan at napakadungis na.
- Palaboy
30. Lagi na lamang umuutang ng pera si Tiyo Julio nang
hindi nagbabayad at tila balat-kalabaw na ito sapagkat
nanghihiram na naman kanina.
- Hindi marunong mahiya
8. 31. Ako’y nagsusunog ng kilay upang makapagtapos sa
taong ito.
- Nagsisikap sa pag-aaraal
32. Hinatid na namin sa kanyang huling hantungan ang
kabaong ni Lola Mildred.
- Libingan
33. Sa dami ng kanyang kasinungalingan sa akin, basa na
ang papel sa akin ni Victor.
- Di mapagkakatiwalaan
34. Ang pagkakatalo ko sa sugal ay isang napakalaking biro
ng tadhana.
- Kamalasan
35. Si Andrea ay tunay na dalagang Pilipina sapagkat siya’y
di makabasag pinggan.
- Mahinhin
9. 36. Di mahulugang karayom ang mga taong nanood ng
concert ng One Direction sa Philippine Arena.
- Maraming tao
37. Di ako makakabili ng bagong damit ngayon sapagkat
butas ang bulsa ni inay.
- Walang pera
38. Ayaw ko na siyang pautangin sapagkat lagi ko na
lamang inililista sa tubig ang mga hinihiram niya.
- Kinakalimutan/ di inaasahan
39. Iibigin lamang kita kapag maputi na ang uwak.
- Imposibleng maganap o mangyari
40. Ingatan ninyo ang inyong mga gamit sapagkat alam
naman nating lahat na malikot ang mga kamay ni Iya.
- Magnanakaw
10. 41. Tunay ngang ningas kugon lamang ang kabutihan at
mga proyekto ng mga pulitiko sa kanilang mga
nasasakupan.
- Hanggang simula lamang / hindi natatapos
42. Ang mga kriminal sa kasalukuyan ay halang na ang
bituka ‘t nagagawa na nilang pumatay ng tao.
- Masamang tao/ walang kinatatakutan.
43. Mabangin ang kanyang paglalakbay para hanapin ang
taong pumaslang sa kanyang pamilya.
- Mapanganib
44. Ayaw makinig ng aking nobyo sa aking mga paliwanag
tunay ngang siya’y isip-lamok.
- Makitid ang utak
45. Amoy pinipig ang paligid habang nagluluto ng hapunan
si Lola Corazon.
- Mabango
11. 46. Naghuhugas kamay sa mga pulis ang janitor kahit na
siya naman ang tunay na nagnakaw ng mga alahas.
- Nagmamalinis
47. Di maliparang uwak ang mahigat sa isandaang
ektaryang lupain ni Donya Rita sa aming lalawigan.
- Malawak
48. Parang pinitpit ng luya si Diana ng makita sina James
Reid at Daniel Padilla sa mall kanina.
- Hindi makapagsalita
49. Dahil ilang buwan nang walang trabaho, isang
patabaing baboy na si itay at tunay na walang silbi.
- Tamad
50. Napakagaan ng mga kamay ni Tiya Loleng sa akin at
ako’y nasasaktan na.
- Madaling manakit