Heograpikal, morpolohikal at ponolohikal na varayti ng wika
1.
2. A
____ 1. barikan
____ 2. huntahan
____ 3. tuklungan
____ 4. gotohan
____ 5. magpipinindot
____ 6. pagerperan
____ 7. lomihan
B
a. Nagluluto at nagtitinda ng bilo-
bilo
b. Nagluluto at nagtitinda ng goto
c. Inuman ng alak
d. Nagluluto at nagtitinda ng lomi
e. Lugar ng inuman ng alak na may
mga babae
f. Kuwentuhan
g. kapilya
3. A. Narinig mo na ba ang mga pahayag na
“napatak ang mga dahon”, nasuray ang
dyipni”, at “mapurol ang ulo”? Sa anong
pagkakataon o sitwasyon mo narinig ang
mga ito?
B. Ano-anong bagay ang alam mong
pumapatak, sumusuray, at mapurol?
PUMAPATAK SUMUSURAY MAPUROL
6. • Ang pares ng mga salitang
nakalista ay magkasing kahulugan
subalit may magkaibang
katawagan.
• Ang mga salita sa kaliwa ay mga
salitang ginagamit sa maynila
samantalang ang mga nakalista
sa kanan ay mga salitang
ginagamit at naririnig sa Batangas
7. Mga katawagan sa
Tagalog-Maynila
• Lupa
• Lupa
• Lumiban
• Pating
• Hilom
• Doon
• Iyo
Katumbas na salita sa
ibang lugar
• Mukha (Pampanga)
• Daga (Ilokos)
• Tumawid (tagalog-
Batangas)
• Kalapati (Iloilo)
• Tahimik (Cebu)
• Dito (Antique)
• Oo (Bikol)
8. • Hindi lamang ang lokasyon ng mga lugar
at ang magkakaibang kultura na lumilikha
ng magkakaibang katawagan at kahulugan
ang nagiging dahilan ng varayti sa wika.
“napatak ang mga dahon”
“nasuray ang dyipni”
“mapurol ang ulo”
9. • Sa unang pahayag, ginamit ang salitang
“napatak” para sa dahon.
• Sa Tagalog-Batangas at sa iba pang
lalawigang Tagalog, maaaring gamitin ang
salitang “napatak para tukuyin ang mga
bagay na nalalaglag o nahuhulog (mula sa
itaas).
10. Sa pangalawang pahayag, ginamit
ang salitang “nasuray” na Tagalog-
Batangas para sa isang sasakyan. Sa
Tagalog-Maynila, hindi sa sasakyan
ginagamit ang salitang “nasuray” kundi
tao. Mas ginagamit ang salitang
“gumegewang” o “pagewang-gewang”
kapag sasakyan ang tinutukoy.
11. Pansinin ang pagbuo ng mga salitang
“napatak” at “nasuray”.
• Sa ilang lalawigang Tagalog gaya ng
Batangas, ang pandiwa o salitang
nagpapakita ng aksiyon o kilos ay
nakabanghay sa unlaping /na-/ tulad ng
naiyak, naulan, nakanta, at natakbo.
• Sa maynila, ang pandiwa ay nakabanghay
sa gitlaping /-um-/ gaya ng umiiyak,
umuulan, kumakanta at tumatakbo.
• Kaya sa Maynila, ang napatak ay
pumapatak at ang nasuray ay sumusuray.
12. • Dahil iba-iba ang wikang ginagamit sa
iba’t ibang lugar, nagkakaiba rin ang
paraan ng pagbuo ng salita ng mga
naninirahan sa mga ito.
• Ang pagkakaiba-ibang ito sa pagbuo
ng mga salita dahil sa paglalapi ang
tinatawag na MORPOLOHIKAL NA
VARAYTI NG WIKA.
15. • Nagkakaroon din ng pagbabago sa bigkas at tunog
ng mga salita ayon sa pangkat ng mga taong
gumagamit nito.
• Nagkakaroon ng kanya kanyang dialectal accent
ang bawat lugar.
• Hal:
• Sa bisaya, nagkakaplitan ang bigkas ng /e/ at /i/ at ng /o/
at /u/
• pera – pira pitaka – petaka
• kuya – koya bola – bula
Mali ba ang ganitong pagbigkas?
16. • Ang pagkakaiba-ibang ito sa bigkas at tunog ng mga salita
ang tinatawag na VARAYTI SA PONOLOHIYA.
Often /o-fen/ /of-ten/
Organizatio
n
/or-ga-ni-za-tion/ /or-ga-nay-zey-tion/
Adidas /A-di-das/ (mabagal) /Adidas/ (mabilis)
Nike /Nayk/ /Nay-ki/
Accurate /a-kyu-reyt/ /a-kyu-rit/
Away /a-wey/ /a-way/
Today /tu-dey/ /tu-day/
Aluminum /a-lu-mi-num/ /a-lu-min-nyum/
Porsche /Por-sha/ /Porsh/
Centennial /sen-ten-yal/ /sin-tin-yal/
Millennium /me-len-nyum/ /mi-lin-nyum/
17. • Sa heograpikal na varayti, nasa
katawagan at kahulugan ng salita
ang pagkakaiba.
• Sa morpolohikal na varayti, ang
pagkakaiba ay nasa anyo at ispeling
ng salita.
• Sa ponolohikal na varayti, nasa
bigkas at tunog ng salita ang
pagkakaiba.