SlideShare a Scribd company logo

Ang Tungkulin Ng Wika

P
P
PersiaIntern at Persia

Ang Tungkulin Ng Wika

1 of 18
Download to read offline
Ginagamit natin ang wika, hindi kaya
ginagamit tayo nito?
   Mga Panlahat na Gamit ng Wika
        Sa anumang bagay o gawain, saan mang lugar, o
    pagkakataon ang wika ay lagi na nating ginagamit. Ito
    ang nagbibigay katuparan sa lahat ng ating pagkilos,
    kinokontrol nito ang ating pag-iisip maging ang ating pag-
    uugali. Naglahad sina Michael A.K. Halliday, Roman
    Jakobson at W.P. Robinson ng pangkalahatang gamit ng
    wika upang mapag-aralan natin kung papaano
    napapakilos o napagagalaw ng wika ang lahat ng bagay
    sa mundo.
I. Ayon kay Michael A.K. Halliday
   1.Instrumental – Ginagamit ang wika ng tagapagsalita para
    mangyari / maganap ang mga bagay-bagay. Pinababayaan
    ng wikang pagalawin ( manipulate) ng tagapagsalita ang
    kanyang kapaligiran. Maaaring humiling ang mga tao ng
    mga bagay at maging dahilan ng paggawa at pagkaganap
    ng mga bagay-bagay sa paggamit ng mga salita lamang.
        Halimbawa:
   Mga bigkas na ginaganap (performative utterances) –
    pagpapangalan/ pagbabansag, pagpapahayag, pagtaya.
   Iba pa – pagmumungkahi, panghihikayat, pagbibigay-
    panuto, pag-uutos, pagpilit.
   2.Regulatory - Gamit ng wika para alalayan ang mga
    pangyayaring nagaganap (pag-alalay o maintenance of
    control). Maaaring kasangkot ang sarili o iba. Inaalalayan ng
    wika ang pakikisalamuha ng mga tao; itinatakda nito ang mga
    papel na ginagampanan ng bawat isa, nagbibigay-daan para
    alalayan ang pakikisalamuha at nagbibigay ng talasalitaan
    para sumang-ayon, di-sumang-ayon at pag-alalay at pag-
    abala (disrupt) sa gawa/ kilos ng iba.
    Ito ang gamit ng wika na nagbibigay sa mga tao para
    alalayan ang mga pangyayaring nagaganap.
   Halimbawa: pag-ayon, pagtutol, pag-alalay sa kilos/ gawa,
    pagtatakda ng mga tuntunin at alintuntunin sa paglalaro,
    pagsagot sa telepono, pagtatalumpati sa bansa.
   3.Representasyunal – Gamit ng wika sa pagpaparating ng
    kaalaman tungkol sa daigdig, pag-uulat ng mga pangyayari,
    paglalahad, pagpapaliwanag ng mga pagkakaugnay-ugnay,
    paghahatid ng mga mensahe, atbp.
   May nagaganap na pagpapalitan ng kaisipan. May mga tuntunin
    upang alalayan ang gawi/ ugaling pangwika kapag may
    pagpapalitan ng impormasyon ay dapat maging totoong-totoo at
    hindi kalahati lamang ang dapat gumawa ng palagay
    (assumptions) tungkol sa alam ng tagapakinig; hindi dapat kulang
    o pumupuri ang impormasyong ibinibigay; at kung tapat ang
    intensyon, dapat iwasan ang ano mang misrepresentasyon at
    kalalabisan.
   Sa mga pagkakataong naiiba(idiosyncratic view) ang pananaw ng
    isang tao tungkol sa kung ano ang daigdig; maaaring ituring na
    naiiba (peculiar) ang mga bigkas na nagsasaad ng pagkatawan
    sa daigdig.
   Magiging dahilan ng pagturing sa isang tao na henyo/
    pantas (genius) o nasisiraan ng bait; mapangarapin o di
    kaya’y tagapagligtas ang ilang uri ng pagiging iba
    (peculiarities). Maaaring mag-iba-iba sa iba-ibang panahon
    ang isipan ng karamihan (consensus) na nagiging batayan
    ng pagpapasya ng iba-ibang kinatawan ng pagbabago sa
    daigdig (world shifts), patag ang daigdig; maliliit
    (particles) ng atom, patay ang Diyos; marumi ang sex,
    pasalita ang wika, atbp.
   Halimbawa: pag-uulat, paglalahad, pagpapaliwanag,
    paghahatid ng mensahe, pagbibigay ng tama/ maling
    impormasyon, pagsisinungaling, pagpapahayag.
   Karamihan sa pang-araw-araw na gamit ng wika ang gamit
    na ito.
   4.Interaksyunal - (Phatic communion ayon kay
    Malinowski) Gamit ng wika upang mapanatili ang
    pakikipagkapwa-tao. Bahagi nito ang phatic communion;
    iyong mga di-pinupuna/ walang kabuluhang (meaningless)
    pakikipagpalitan na nagsasaad ng isang bukas na tulay
    (channel) ng pakikipagtalastasan kung kinakailangan.
   Sa isang malawak na kaisipan, tumutukoy ang gamit na ito
    sa lahat ng gamit ng wika upang mapanatili ang mga lipon/
    grupo: salita ng mga teenager; mga biruan ng pamilya/
    mag-anak; mga katawagan sa bawat propesyon (jargon),
    mga palitan sa mga ritwal; mga wikang panlipunan at
    panrehiyon, atbp.
   Dapat matutuhan ng mga tao ang mga iba’t ibang uri ng
    gamit ng wika kung nais nilang makisalamuha nang
    mahusay sa iba.
Ad

Recommended

Mga tungkulin ng wika
Mga tungkulin ng wikaMga tungkulin ng wika
Mga tungkulin ng wikaMj Aspa
 
Wikang Opisyal at Wikang Panturo
Wikang Opisyal at Wikang PanturoWikang Opisyal at Wikang Panturo
Wikang Opisyal at Wikang PanturoREGie3
 
Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tagalog, pilipino at filipino
Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tagalog, pilipino at filipinoIbigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tagalog, pilipino at filipino
Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tagalog, pilipino at filipinoPRINTDESK by Dan
 
Batas ng Wikang Filipino
Batas ng Wikang FilipinoBatas ng Wikang Filipino
Batas ng Wikang FilipinoAllan Ortiz
 
Verbal at di verbal na komunikasyon
Verbal at di verbal na komunikasyonVerbal at di verbal na komunikasyon
Verbal at di verbal na komunikasyonKatherine Bautista
 

More Related Content

What's hot (20)

Barayti ng wika
Barayti ng wikaBarayti ng wika
Barayti ng wika
 
Fil11 -mga tungkulin ng wika (1)
 Fil11 -mga tungkulin ng wika (1) Fil11 -mga tungkulin ng wika (1)
Fil11 -mga tungkulin ng wika (1)
 
Unang wika at Pangalawang wika
Unang wika at Pangalawang wikaUnang wika at Pangalawang wika
Unang wika at Pangalawang wika
 
Register Bilang VARAYTI NG WIKA
Register Bilang VARAYTI NG WIKARegister Bilang VARAYTI NG WIKA
Register Bilang VARAYTI NG WIKA
 
Fil12 1...ang kasaysayan ng wikang filipino
Fil12 1...ang kasaysayan ng wikang filipinoFil12 1...ang kasaysayan ng wikang filipino
Fil12 1...ang kasaysayan ng wikang filipino
 
Barayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, Sosyolek
Barayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, SosyolekBarayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, Sosyolek
Barayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, Sosyolek
 
wikang pambansa
wikang pambansawikang pambansa
wikang pambansa
 
Filipino
FilipinoFilipino
Filipino
 
MAKRONG KASANAYAN SA WIKA: PAGSULAT AT PAGBASA
MAKRONG KASANAYAN SA WIKA: PAGSULAT AT PAGBASAMAKRONG KASANAYAN SA WIKA: PAGSULAT AT PAGBASA
MAKRONG KASANAYAN SA WIKA: PAGSULAT AT PAGBASA
 
Phatic, Emotive at Expressive na Gamit ng Wika
Phatic, Emotive at Expressive na Gamit ng WikaPhatic, Emotive at Expressive na Gamit ng Wika
Phatic, Emotive at Expressive na Gamit ng Wika
 
Pananaliksik 1
Pananaliksik 1Pananaliksik 1
Pananaliksik 1
 
Antas ng wika
Antas ng wikaAntas ng wika
Antas ng wika
 
Ano ang wika?
Ano ang wika?Ano ang wika?
Ano ang wika?
 
Kahulugan at kahalagahan ng wika
Kahulugan at kahalagahan ng wikaKahulugan at kahalagahan ng wika
Kahulugan at kahalagahan ng wika
 
Simula at pag unlad ng wikang pambansa
Simula at pag unlad ng wikang pambansaSimula at pag unlad ng wikang pambansa
Simula at pag unlad ng wikang pambansa
 
Kasaysayan ng Wikang Filipino
Kasaysayan ng Wikang FilipinoKasaysayan ng Wikang Filipino
Kasaysayan ng Wikang Filipino
 
Wikang Filipino
Wikang FilipinoWikang Filipino
Wikang Filipino
 
4 na makrong kasanayan
4 na makrong kasanayan4 na makrong kasanayan
4 na makrong kasanayan
 
Ponolohiya
PonolohiyaPonolohiya
Ponolohiya
 
Konseptong Pangwika
Konseptong PangwikaKonseptong Pangwika
Konseptong Pangwika
 

Viewers also liked

Elementongtula 090311172947-phpapp02
Elementongtula 090311172947-phpapp02Elementongtula 090311172947-phpapp02
Elementongtula 090311172947-phpapp02Mica Lois Velasco
 
Tungkulin ng wika
Tungkulin ng wikaTungkulin ng wika
Tungkulin ng wikasaraaaaah
 
Sangkap at elemento ng tula
Sangkap at elemento ng tulaSangkap at elemento ng tula
Sangkap at elemento ng tulaAllan Ortiz
 
Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
Sining at Agham ng Pagsusulit PangwikaSining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwikakennjjie
 
Konstitusyonal na batayan ng wikang pambansa
Konstitusyonal na batayan ng wikang pambansaKonstitusyonal na batayan ng wikang pambansa
Konstitusyonal na batayan ng wikang pambansaMj Aspa
 
Yunit 2 kasaysayan ng wikang filipino
Yunit 2  kasaysayan ng wikang filipinoYunit 2  kasaysayan ng wikang filipino
Yunit 2 kasaysayan ng wikang filipinoRita Mae Odrada
 
Gay Lingo-isang pananaliksik
Gay Lingo-isang pananaliksikGay Lingo-isang pananaliksik
Gay Lingo-isang pananaliksikGrasya Hilario
 
Ebolusyon ng Alpabetong Filipino- Term Paper
Ebolusyon ng Alpabetong Filipino- Term PaperEbolusyon ng Alpabetong Filipino- Term Paper
Ebolusyon ng Alpabetong Filipino- Term PaperElyka Marisse Agan
 
Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
Sining at Agham ng Pagsusulit PangwikaSining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwikakennjjie
 
Sulating pananaliksik
Sulating pananaliksikSulating pananaliksik
Sulating pananaliksikAllan Ortiz
 
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoPagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoDenni Domingo
 
Module 6.2 filipino
Module 6.2 filipinoModule 6.2 filipino
Module 6.2 filipinoNoel Tan
 
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHONTHESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHONMi L
 

Viewers also liked (16)

Elementongtula 090311172947-phpapp02
Elementongtula 090311172947-phpapp02Elementongtula 090311172947-phpapp02
Elementongtula 090311172947-phpapp02
 
Tungkulin ng wika
Tungkulin ng wikaTungkulin ng wika
Tungkulin ng wika
 
Sangkap at elemento ng tula
Sangkap at elemento ng tulaSangkap at elemento ng tula
Sangkap at elemento ng tula
 
Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
Sining at Agham ng Pagsusulit PangwikaSining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
 
Konstitusyonal na batayan ng wikang pambansa
Konstitusyonal na batayan ng wikang pambansaKonstitusyonal na batayan ng wikang pambansa
Konstitusyonal na batayan ng wikang pambansa
 
Instruktura ng wika
Instruktura ng wikaInstruktura ng wika
Instruktura ng wika
 
Yunit 2 kasaysayan ng wikang filipino
Yunit 2  kasaysayan ng wikang filipinoYunit 2  kasaysayan ng wikang filipino
Yunit 2 kasaysayan ng wikang filipino
 
Gay Lingo-isang pananaliksik
Gay Lingo-isang pananaliksikGay Lingo-isang pananaliksik
Gay Lingo-isang pananaliksik
 
Ebolusyon ng Alpabetong Filipino- Term Paper
Ebolusyon ng Alpabetong Filipino- Term PaperEbolusyon ng Alpabetong Filipino- Term Paper
Ebolusyon ng Alpabetong Filipino- Term Paper
 
Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
Sining at Agham ng Pagsusulit PangwikaSining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
 
Sulating pananaliksik
Sulating pananaliksikSulating pananaliksik
Sulating pananaliksik
 
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
 
Pagsasaling wika
Pagsasaling wikaPagsasaling wika
Pagsasaling wika
 
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoPagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
 
Module 6.2 filipino
Module 6.2 filipinoModule 6.2 filipino
Module 6.2 filipino
 
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHONTHESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON
 

Similar to Ang Tungkulin Ng Wika

angtungkulinngwika-090711002123-phpapp02 (1).ppt
angtungkulinngwika-090711002123-phpapp02 (1).pptangtungkulinngwika-090711002123-phpapp02 (1).ppt
angtungkulinngwika-090711002123-phpapp02 (1).pptAnnaleiTumaliuanTagu
 
kakayahang linggwistika
kakayahang linggwistikakakayahang linggwistika
kakayahang linggwistikadidday
 
Unang-Kabanata-Kahulugan-ng-Wika-1.docx
Unang-Kabanata-Kahulugan-ng-Wika-1.docxUnang-Kabanata-Kahulugan-ng-Wika-1.docx
Unang-Kabanata-Kahulugan-ng-Wika-1.docxLouiseFurio
 
Tungkulin ng Wika.ppt
Tungkulin ng Wika.pptTungkulin ng Wika.ppt
Tungkulin ng Wika.pptAndrie07
 
KOMPAN FIRST QUARTER [Autosaved].pptx
KOMPAN FIRST QUARTER [Autosaved].pptxKOMPAN FIRST QUARTER [Autosaved].pptx
KOMPAN FIRST QUARTER [Autosaved].pptxEverDomingo6
 
KomPan-Aralin2.pptx
KomPan-Aralin2.pptxKomPan-Aralin2.pptx
KomPan-Aralin2.pptxJioDy
 
Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at week 2.pptx
Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at week 2.pptxGamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at week 2.pptx
Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at week 2.pptxMayannMedina2
 
Diskurso at komunikasyon
Diskurso at komunikasyonDiskurso at komunikasyon
Diskurso at komunikasyonMeat Pourg
 
Aralin 4 gamit ng wika sa lipunan
Aralin 4   gamit ng wika sa lipunanAralin 4   gamit ng wika sa lipunan
Aralin 4 gamit ng wika sa lipunanjohnmarklaggui1
 
WEEK 4- GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN.pptx
WEEK 4- GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN.pptxWEEK 4- GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN.pptx
WEEK 4- GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN.pptxAnnaleiTumaliuanTagu
 
Ang wika at ang pakikipagtalastasan
Ang wika at ang pakikipagtalastasanAng wika at ang pakikipagtalastasan
Ang wika at ang pakikipagtalastasanMarygrace Cagungun
 
KOMPANA .kahulugan ng wika.pptx
KOMPANA .kahulugan ng wika.pptxKOMPANA .kahulugan ng wika.pptx
KOMPANA .kahulugan ng wika.pptxZendrexIlagan2
 
001.-Yunit-1.1-Ang-Wika-at-Pakikipagtalastasan.pdf
001.-Yunit-1.1-Ang-Wika-at-Pakikipagtalastasan.pdf001.-Yunit-1.1-Ang-Wika-at-Pakikipagtalastasan.pdf
001.-Yunit-1.1-Ang-Wika-at-Pakikipagtalastasan.pdfAngelitoDolutan
 
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101Shirley Veniegas
 

Similar to Ang Tungkulin Ng Wika (20)

angtungkulinngwika-090711002123-phpapp02 (1).ppt
angtungkulinngwika-090711002123-phpapp02 (1).pptangtungkulinngwika-090711002123-phpapp02 (1).ppt
angtungkulinngwika-090711002123-phpapp02 (1).ppt
 
Ang Gamit ng Wika.ppt
Ang Gamit ng Wika.pptAng Gamit ng Wika.ppt
Ang Gamit ng Wika.ppt
 
kakayahang linggwistika
kakayahang linggwistikakakayahang linggwistika
kakayahang linggwistika
 
Unang-Kabanata-Kahulugan-ng-Wika-1.docx
Unang-Kabanata-Kahulugan-ng-Wika-1.docxUnang-Kabanata-Kahulugan-ng-Wika-1.docx
Unang-Kabanata-Kahulugan-ng-Wika-1.docx
 
komuniskasyon ppt.pptx
komuniskasyon ppt.pptxkomuniskasyon ppt.pptx
komuniskasyon ppt.pptx
 
Tungkulin ng Wika.ppt
Tungkulin ng Wika.pptTungkulin ng Wika.ppt
Tungkulin ng Wika.ppt
 
KOMPAN FIRST QUARTER [Autosaved].pptx
KOMPAN FIRST QUARTER [Autosaved].pptxKOMPAN FIRST QUARTER [Autosaved].pptx
KOMPAN FIRST QUARTER [Autosaved].pptx
 
KomPan-Aralin2.pptx
KomPan-Aralin2.pptxKomPan-Aralin2.pptx
KomPan-Aralin2.pptx
 
Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at week 2.pptx
Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at week 2.pptxGamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at week 2.pptx
Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at week 2.pptx
 
Diskurso at komunikasyon
Diskurso at komunikasyonDiskurso at komunikasyon
Diskurso at komunikasyon
 
wika-170620021158.pptx
wika-170620021158.pptxwika-170620021158.pptx
wika-170620021158.pptx
 
Aralin 4 gamit ng wika sa lipunan
Aralin 4   gamit ng wika sa lipunanAralin 4   gamit ng wika sa lipunan
Aralin 4 gamit ng wika sa lipunan
 
digestive system
digestive systemdigestive system
digestive system
 
WEEK 4- GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN.pptx
WEEK 4- GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN.pptxWEEK 4- GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN.pptx
WEEK 4- GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN.pptx
 
KATANGIAN NG WIKA-Q1 LESSON.pptx
KATANGIAN NG WIKA-Q1 LESSON.pptxKATANGIAN NG WIKA-Q1 LESSON.pptx
KATANGIAN NG WIKA-Q1 LESSON.pptx
 
KATANGIAN NG WIKA-Q1 LESSON.pptx
KATANGIAN NG WIKA-Q1 LESSON.pptxKATANGIAN NG WIKA-Q1 LESSON.pptx
KATANGIAN NG WIKA-Q1 LESSON.pptx
 
Ang wika at ang pakikipagtalastasan
Ang wika at ang pakikipagtalastasanAng wika at ang pakikipagtalastasan
Ang wika at ang pakikipagtalastasan
 
KOMPANA .kahulugan ng wika.pptx
KOMPANA .kahulugan ng wika.pptxKOMPANA .kahulugan ng wika.pptx
KOMPANA .kahulugan ng wika.pptx
 
001.-Yunit-1.1-Ang-Wika-at-Pakikipagtalastasan.pdf
001.-Yunit-1.1-Ang-Wika-at-Pakikipagtalastasan.pdf001.-Yunit-1.1-Ang-Wika-at-Pakikipagtalastasan.pdf
001.-Yunit-1.1-Ang-Wika-at-Pakikipagtalastasan.pdf
 
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
 

More from Persia

Filipino salads
Filipino saladsFilipino salads
Filipino saladsPersia
 
Philippine cuisine
Philippine cuisinePhilippine cuisine
Philippine cuisinePersia
 
Journ Report (Erap)
Journ Report (Erap)Journ Report (Erap)
Journ Report (Erap)Persia
 
Journetona(2)
Journetona(2)Journetona(2)
Journetona(2)Persia
 
Media During The Aquino Administration
Media  During The Aquino AdministrationMedia  During The Aquino Administration
Media During The Aquino AdministrationPersia
 
Luis Beltran Libel Suit
Luis Beltran Libel SuitLuis Beltran Libel Suit
Luis Beltran Libel SuitPersia
 
Lords Of The Press
Lords Of The PressLords Of The Press
Lords Of The PressPersia
 
Journ aquino
Journ aquinoJourn aquino
Journ aquinoPersia
 
Journ Report (Erap)
Journ Report (Erap)Journ Report (Erap)
Journ Report (Erap)Persia
 

More from Persia (11)

Filipino salads
Filipino saladsFilipino salads
Filipino salads
 
Philippine cuisine
Philippine cuisinePhilippine cuisine
Philippine cuisine
 
Journ Report (Erap)
Journ Report (Erap)Journ Report (Erap)
Journ Report (Erap)
 
Journetona(2)
Journetona(2)Journetona(2)
Journetona(2)
 
Ramos
RamosRamos
Ramos
 
Media During The Aquino Administration
Media  During The Aquino AdministrationMedia  During The Aquino Administration
Media During The Aquino Administration
 
Media
MediaMedia
Media
 
Luis Beltran Libel Suit
Luis Beltran Libel SuitLuis Beltran Libel Suit
Luis Beltran Libel Suit
 
Lords Of The Press
Lords Of The PressLords Of The Press
Lords Of The Press
 
Journ aquino
Journ aquinoJourn aquino
Journ aquino
 
Journ Report (Erap)
Journ Report (Erap)Journ Report (Erap)
Journ Report (Erap)
 

Ang Tungkulin Ng Wika

  • 1. Ginagamit natin ang wika, hindi kaya ginagamit tayo nito?  Mga Panlahat na Gamit ng Wika  Sa anumang bagay o gawain, saan mang lugar, o pagkakataon ang wika ay lagi na nating ginagamit. Ito ang nagbibigay katuparan sa lahat ng ating pagkilos, kinokontrol nito ang ating pag-iisip maging ang ating pag- uugali. Naglahad sina Michael A.K. Halliday, Roman Jakobson at W.P. Robinson ng pangkalahatang gamit ng wika upang mapag-aralan natin kung papaano napapakilos o napagagalaw ng wika ang lahat ng bagay sa mundo.
  • 2. I. Ayon kay Michael A.K. Halliday  1.Instrumental – Ginagamit ang wika ng tagapagsalita para mangyari / maganap ang mga bagay-bagay. Pinababayaan ng wikang pagalawin ( manipulate) ng tagapagsalita ang kanyang kapaligiran. Maaaring humiling ang mga tao ng mga bagay at maging dahilan ng paggawa at pagkaganap ng mga bagay-bagay sa paggamit ng mga salita lamang.  Halimbawa:  Mga bigkas na ginaganap (performative utterances) – pagpapangalan/ pagbabansag, pagpapahayag, pagtaya.  Iba pa – pagmumungkahi, panghihikayat, pagbibigay- panuto, pag-uutos, pagpilit.
  • 3. 2.Regulatory - Gamit ng wika para alalayan ang mga pangyayaring nagaganap (pag-alalay o maintenance of control). Maaaring kasangkot ang sarili o iba. Inaalalayan ng wika ang pakikisalamuha ng mga tao; itinatakda nito ang mga papel na ginagampanan ng bawat isa, nagbibigay-daan para alalayan ang pakikisalamuha at nagbibigay ng talasalitaan para sumang-ayon, di-sumang-ayon at pag-alalay at pag- abala (disrupt) sa gawa/ kilos ng iba.  Ito ang gamit ng wika na nagbibigay sa mga tao para alalayan ang mga pangyayaring nagaganap.  Halimbawa: pag-ayon, pagtutol, pag-alalay sa kilos/ gawa, pagtatakda ng mga tuntunin at alintuntunin sa paglalaro, pagsagot sa telepono, pagtatalumpati sa bansa.
  • 4. 3.Representasyunal – Gamit ng wika sa pagpaparating ng kaalaman tungkol sa daigdig, pag-uulat ng mga pangyayari, paglalahad, pagpapaliwanag ng mga pagkakaugnay-ugnay, paghahatid ng mga mensahe, atbp.  May nagaganap na pagpapalitan ng kaisipan. May mga tuntunin upang alalayan ang gawi/ ugaling pangwika kapag may pagpapalitan ng impormasyon ay dapat maging totoong-totoo at hindi kalahati lamang ang dapat gumawa ng palagay (assumptions) tungkol sa alam ng tagapakinig; hindi dapat kulang o pumupuri ang impormasyong ibinibigay; at kung tapat ang intensyon, dapat iwasan ang ano mang misrepresentasyon at kalalabisan.  Sa mga pagkakataong naiiba(idiosyncratic view) ang pananaw ng isang tao tungkol sa kung ano ang daigdig; maaaring ituring na naiiba (peculiar) ang mga bigkas na nagsasaad ng pagkatawan sa daigdig.
  • 5. Magiging dahilan ng pagturing sa isang tao na henyo/ pantas (genius) o nasisiraan ng bait; mapangarapin o di kaya’y tagapagligtas ang ilang uri ng pagiging iba (peculiarities). Maaaring mag-iba-iba sa iba-ibang panahon ang isipan ng karamihan (consensus) na nagiging batayan ng pagpapasya ng iba-ibang kinatawan ng pagbabago sa daigdig (world shifts), patag ang daigdig; maliliit (particles) ng atom, patay ang Diyos; marumi ang sex, pasalita ang wika, atbp.  Halimbawa: pag-uulat, paglalahad, pagpapaliwanag, paghahatid ng mensahe, pagbibigay ng tama/ maling impormasyon, pagsisinungaling, pagpapahayag.  Karamihan sa pang-araw-araw na gamit ng wika ang gamit na ito.
  • 6. 4.Interaksyunal - (Phatic communion ayon kay Malinowski) Gamit ng wika upang mapanatili ang pakikipagkapwa-tao. Bahagi nito ang phatic communion; iyong mga di-pinupuna/ walang kabuluhang (meaningless) pakikipagpalitan na nagsasaad ng isang bukas na tulay (channel) ng pakikipagtalastasan kung kinakailangan.  Sa isang malawak na kaisipan, tumutukoy ang gamit na ito sa lahat ng gamit ng wika upang mapanatili ang mga lipon/ grupo: salita ng mga teenager; mga biruan ng pamilya/ mag-anak; mga katawagan sa bawat propesyon (jargon), mga palitan sa mga ritwal; mga wikang panlipunan at panrehiyon, atbp.  Dapat matutuhan ng mga tao ang mga iba’t ibang uri ng gamit ng wika kung nais nilang makisalamuha nang mahusay sa iba.
  • 7. Nangangailangan ang matagumpay na interaksyon ng wastong pag-uugali (good manners), wastong pagsasabi sa wastong paraan at paggawa ng mga bagay ayon sa kinagawian (presented way).  Madaling makita ang mga paglabag sa kaugalian, maging malaswang salita (dirty words) sa maling tagpuan o di pagtayo sa ilanga pagkakataon. Maaaring parusahan ang mga ito nang higit pa sa pagkadulas sa pangyayari.  Halimbawa: pagbati, pagpapaalam, pagbibiro, panunudyo, pag-aanyaya, paghihiwalay, pagtanggap, atbp.
  • 8. 5.Personal – Gamit ng wika para ipahayag ang katauhan ng isang tao, alam ng bawat isa na bahagi ng kanyang katauhan ang wika. May “tinig” o kinalalaman ang mga tao sa nangyayari sa kanila. Malaya silang magbuka ng bibig o hindi, magsabi ng marami o magsawalang-kibo kung nais nila, ang pumili ng kung paano sasabihin ang kanilang sasabihin.  Binibigyan din ng wika ang bawat tao ng paraan ng pagpapahayag ng damdamin maging ito ay sa anyo ng mga padamdam, pagrerekomenda, pagmumura o sa pamamagitan ng maingat na pagpili ng salita. Maaaring ding magkaroon ng pagkukuyom sa sarili o pagbubulas ng damdamin.  Halimbawa: pagsigaw, pagrerekomenda, pagmumura, pagpapahayag ng galit, paghingi ng paumanhin
  • 9. Totoong may gamit na personal ang wika ngunit napakahirap itong ilarawan nang buo. Sa gamit na ito, nagsasama-samang gumagalaw sa mga paraang walang nakaaalam ang wika, ang isipan, ang kalinangan/ kultura at ang katauhan/ personalidad.
  • 10. 6. Heuristic – Gamit ng wika bilang kagamitan sa pagkatuto ng mga kaalaman at pag-unawa. Maaaring gamitin ang wika para malaman ang mga bagay sa daigdig. Nagbubunga ng sagot ang mga tanong, konklusyon ang pangangatwiran, mga bagong tuklas na pagsubok sa hypothesis, atbp.  Ang gamit na ito ang batayan ng kaalaman sa iba-ibang disiplina. Binibigyan ng wika ang tao ng pagkakataong magtanong tungkol sa kalikasan ng daigdig na pinananahanan nila at bumuo ng mga posibleng sagot. Isang paraan para ipakilala ang kabataan sa gamit na ito ng wika ang pormal na edukasyon. Karaniwan nang isang sistemang abstraktong nagpapaliwanag ng isang bagay ang kinalalabasan nito. Kaya isang resultang kailangan sa paglikha ang simbolismo ng metalanguage – isang wikang ginagamit sa pagtukoy sa wika na naglalaman ng mga katawagan tulad ng tunog, pantig, kayarian, pagbabago, pangungusap, atbp.
  • 11. Halimbawa: pagtatanong, pagsagot, pangangatwiran, pagbibigay-konklusyon, paggawa ng hypothesis, pagbibigay katuturan, pagsubok/pagtuklas, pagpapaliwanag, pagpuna, pagsusuri, pagbuo, pageeksperimento, pagsang-ayon, di- pagsang-ayon, pag-uulat, pagtaya.  Naging institusyon na ang gamit na ito ng wika sa mga kalagayang pang-edukasyon at sa mga gawaing pangkaalaman ngunit patuloy pang makapupukaw ng iba- ibang panananaliksik ang mga posibleng paraan ng pagkaalam sa pamamagitan ng wika at hindi paggamit ng wika. Isa ring suliranin ay kung pano nabubuo, inaaayos at nililinang ang kaalaman. Mahalaga ang papel ng wika sa mga pagbabagong nangyayari sa retorika ng iba-ibang disiplina.
  • 12. 7. Imahinatibo – Gamit ng wika sa pagbuo ng isang sistema ng haraya maging mga akdang pampanitikan, sistemang pampilosopiya, o huwarang pangarap (utopian visions) sa isang dako o pangarap at pag-iisip ng walang magawa sa kabilang dako.  Ito rin ang wikang ginagamit para sa kasiyahan sa paggamit ng wika bilang tunog; pag-iingay ng sanggol ( baby’s babbling), pag-awit ng isang mang-aawit at ang paglalaro ng malikot na isip ng makata. Mga larong pangwika, panunukso, panunudyo, pagsasalaysay nang labis. Ilan lamang ito sa mga pagkakataong gamit ng imahinatibo ng wika upang aliwin ang sarili o ibang tao.  Pinahihintulutan din ng gamit na ito ng wika na pansinin di lamang ang tunay na daigdig kundi pati na ang mga posibleng daigdig at marami pang imposibleng daigdig.
  • 13. Pinahihintulutan din nito ang paglalagay ng sarili sa katauhan ng mga nababasa/ nakikita sa telebisyon at sine: nakikinig sa radyo, cd player, MP3 player (vicarious experience).  Tinutulungan ding matugunan ang maraming estetiko at artistikong pangangailangan (urges). Pinahahalagahan ang gamit na imahinatibo kung nagbubunga ito ng artistikong paglikha ngunit sa karamihan, nagsisilbi itong isang susi sa mga pagkakataon sa paglikha at pagtakas sa katotohanang ipinahihintulot nito.
  • 14. II. Ayon kay Roman Jakobson  Kognitibo/ reperensyal/ Pangkaisipan – Pagpaparating ng mensahe at impormasyon.  Conative – Paghimok at pag-impluwensya sa iba sa pamamagitan ng mga pag-uutos at pakiusap.  Emotive – Pandamdamin, Pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin at emosyon.  Phatic – pakikipagkapwa-tao  Metalinggwal – paglinaw sa mga suliranin tungkol sa mga layunin (intensyon) ng mga salita at kahulugan.  Poetic – patula, paggamit ng wika para sa sariling kapakanan.
  • 15. III. Ayon kay W.P. Robinson  Estetiko – Paggamit ng wika sa paglikha ng panitikan.  Ludic – Pagtutugma, paggawa ng mga salitang walang katuturan o kawawaan, pagsubok sa mga posibilidad ng wika habang natututuhan ito, pagbibiro.  Pag-alalay sa pakikipagsalamuha at pakikipagkapwa-tao – paggamit ng wika upang simulan, alalayan at tapusin ang pagkikita ( nangyayari kapag ang dalawa o higit pang tao ang nagkikita), mga ritwal sa wika (kumusta/pagbati), wika bilang kagandahang –asal (kumusta ka?); pagbati, pasasalamat, pagpapahayag ng kalungkutan o pakikiramay.
  • 16. Pag-alalay sa iba – Paggamit ng wika upang alalayan o impluwensiyahin ang kilos o damdamin ng iba – paggamit ng mga tuntunin at ekspresyon ng tungkulin/ obligasyon – pag-uutos, pakiusap, pagbababa, pagpuna, pagpapalakas ng loob, panghihikayat, pag-aanyaya, pagpapahintulot, panghihiram, pagtawad.  Pag-alalay sa sarili – Kaugnay ang ugali at damdamin “Pagkausap sa Sarli” nang tahimik o mag-isa, pagpaparating sa iba ng ating iniisip, pagbibigay ng opinyon, pangangatwiran, pagpapaliwanag.
  • 17. Pagpapahayag ng Sarili – Pagpapahayag ng sarili, katauhan at damdamin – tuwiran sa pamamagitan ng pandamdam, paggamit ng mga salita tungkol sa damdamin; di-tuwiran sa pamamagitan ng bilis, taas ng tinig, tunog ng tinig (voice quality).  Pagtatakda sa tungkulin o Papel sa lipunan – paggamit ng wika upang itakda o ipahayag ang kaugnayang pansosyal ng mga tao – mga ginagamit kapag nakikipag-usap sa isang tao at mga ginagamit kapag nagsasalita tungkol sa iba (G. Gng. Bb…)
  • 18. Pagtukoy sa daigdig na di-panglinggwistika – a) Pagkilala (discrimination) – pagkilala at pagpapahayag ng kaibhan at pagkakatulad ng mga bagay. b) Pagbuo (organization) – pag-uuri-uri at pagbibigay – katuturan sa mga kaugnayan ng mga bagay sa ibang bagay.  Pagtuturo – Paggamit ng wika sa pagpaparating (imparting) ng bagong impormasyon at kasanayan.  Pagtatanong at Panghuhula – Pagtataka, paghahanap, paghingi ng impormasyon at panuto, pagbuo ng haraya (imagining) pagpapasubali (suppoising).  Metalangguage - Paggamit ng wika sa pagtalakay.