2. Wagas na Pag-ibig: Ang Alamat ng Dancar
ni Jehanie dela Calzada
“Pag-ibig nga naman hahamakan ang lahat, masunod ka lamang.” Ang wagas
na pagmamahalan ng dalawang tao ay walang pinipiling estado sa buhay, mayaman
man o mahirap, lahat pantay-pantay at kaya nitong suungin lahat ng panganib na
nakaadya.
Ayon sa mga sabi-sabi may dalawang taong nagmamahalan na tinutulan ng isa
sa kanilang mga magulang. Tara na at sabay-sabay nating tuklasin ang kwento ng
pagmamahalan ng isang magsasaka at ng isang prinsesa.
May isang matipuno, malakas at matapang na lalaking nagtatanim ng mga gulay
sa bundok dahil gusto niyang makatulong sa kaniyang mga magulang. Siya ay si Oskar
ang nag-iisang anak ng mag-asawang Aling Rosa at Mang Berto. Ang kanyang amang
si Mang Berto ay isang mangagaso samantalang si Aling Rosa naman ay tagapagtakip
ng mga damit sa palasyo. Araw-araw pumupunta si Oskar sa bundok para magtanim ng
mga gulay at sa pagsapit naman ng gabi ay pumupunta siya sa palasyo para sunduin
ang kanyang ina.
Isang araw pagkatapos anihin ni Oscar ang kanilang mga pananim ay dali-dali
siyang umuwi sa kanilang bahay upang lutuin ang mga ito. Gusto niya kasi itong dalhin
sa kanyang ina. Pagkatapos niyang magluto pumunta siya sa palasyo at sa pagdating
niya doon ay hinahanap niya agad ang kaniyang ina para ipakain ang kanyang niluto
ngunit hindi niya ito nakita. Dahil dito ay nagpahinga na lamang siya. Nang siya ay
3. maupo ay may tumawag sa kanyang isa sa mga katulong ng palasyo at sinabi nito na
nasa loob pa ang kaniyang ina kaya pinuntahan niya ito. Sa kanyang pagtakbo ay may
biglang dumaang isang babae na hindi niya sinasadyang mabunggo kaya ito’y nadapa
at nadumihan ang damit. Nagalit ang babae sa nangyari at nalaman ni Oskar na ang
babaeng iyon ay si Prinsesa Danny kaya nagbigay galang siya dito. Humingi ng
paumanhin si Oskar. Lumapit naman sa kanila ang hari at ang ina ni Oskar. Tinanong
ng hari kung ano ang nangyari sa kanila at ang tugon ni Prinsesa Danny ay "Hindi niya
po sinasadya.” Pagkatapos ng nangyari ay ipinakilala ni Aling Rosa si Oskar bilang
kanyang anak kaya inimbitahan siya ng hari na sa palasyo na lamang kumain.
4. Pagkatapos kumain ay nilibot nila Oskar at Prinsesa Danny ang buong palasyo.
Habang sila ay naglibot ay nag-usap ang dalawa at kasama sa kanilang napag-usapan
ay ang kaarawan ni Prinsesa Danny. Naikuwento ng prinsesa kay Oskar ang kanyang
takot sa nalalapit na ika-18 kaarawan dahil may maaari daw siyang magkasakit at
mamatay. Ang tugon ni Oskar ay, “’Wag kang maniwala sa sinasabi ng iba dahil hindi
naman sila Diyos na nakakaalam kung kailan tayo mamatay.”
Lumipas ang ilang buwan ay niligawan si Oskar ang prinsesa at hindi naman
nagtagal ay naging magkasintahan na ang dalawa ngunit patagu-tago lang sila kung
mag-usap dahil tutol sa kanilang pag-iibigan ang ama ni Prinsesa Danny. Isang araw
habang nag-uusap ang dalawa ay nakita sila ng hari kaya naman pinagalitan niya si
Prinsesa Danny habang si Oskar naman ay tumakbo dahil kapag nahuli siya ay
papatayin siya nito. Dahil sa nangyari, hindi na hinayaang makalabas ng palasyo si
Prinsesa Danny at ikanalungot ito ni Oskar kaya naman gumawa siya ng paraan para
sila magkitang muli.
Isang gabi ay nabuksan ni Oskar ang pintuan ng palasyo dahil natutulog ang
mga bantay nito kaya pinuntahan niya agad si Prinsesa Danny at nag-usap sila ngunit
may isang kawal na nagising at nakita sila nito. Dahil sa may nakakita sa kanila ay
tumakbo ang dalawa palayo ngunit sa di kalayuan ay nahulog ang dalawa sa
napakalalim na bangin at ito ang naging dahilan ng pagkasawi ng dalawa. Nang
mabalitaan ito ng hari, agad niyang pinuntahan ang lugar at nakita niya ang bangkay ng
dalawa kaya naman nagsisi ang hari sa pagtutol ng kanilang pagmamahalan. Simula
noon ay pinangalanan ang lugar na iyon na Dancar na mula sa pangalan nila Prinsesa
Danny at Oskar. FILIPINO 8 – S.Y. 2019-2020
5. Ang Mga Buhay na Nasawi: Ang Alamat ng Taytay
ni Gene Mae Matugas
Halos lahat ng pangalan ng mga lugar sa bansang Pilipinas ay may
mga kuwentong nakatago sa likod nito na nagbibigay kaalaman sa mga tao
kung bakit nga ba ganito ang ipinangalan dito. Ang mga kuwentong ito ay
nagpasalin-saln na mula sa iba’t-ibang henerasyon at sa paglipas ng
maraming taon ang iba dito ay mayroon ng iba’t-ibang bersyon. Hindi rin
iba ang Taytay sa mga pook sa Pilipinas na may nakatagong kuwento kaya
halina at sabay nating tuklasin kung bakit nga ba ganito ang pangalan ng
aming lugar.
Isa ngayon ang baryo ng Taytay sa mga kilalang lugar ng lungsod ng
Danao at ayon sa mga matatanda na noon daw ay walang sigalot na
nagaganap dito at hindi nag-aaway ang mga tao. Lahat sila ay masaya at
tahimik na namumuhay sa lugar na ito kaya naman laking gulat ng marami
nang may biglang sumugod sa kanilang lugar upang makipagdigmaan. Ang
mga sumugod ay biglang nagpaulan ng mga bala sa kanila.
Kalunus-lunos ang nangyari sa mga tao dito dahil wala silang
kalaban-laban sa mga taong biglang nagpaulan sa kanila ng mga bala.
Pagkatapos ng nangyari ay lantad ang maraming buhay na nasawi sa
6. lugar. Kaawa-awa ang mga sinapit ng mga tao dito at kaya naman bilang
pag-alala sa mga namatay sa lugar na ito pinangalanan itong Taytay na
ang ibig sabihin ay maraming patay o namatay sa digmaan na iyon.
7. Ang mga Mananggal at Sigbin ng Ilaya
ni Catherine Hermosilla
Ang mga mananggal at sigbin daw ay ang mga di-
ordinaryong nilalang na kinakatakutan sa aming lugar sa Ilaya ng
lungsod ng Danao. Ayon sa mga kuwento-kuwento, sila daw ay
nakatira sa aming lugar at nagpapakita sila tuwing kabilugan ng
buwan at sa araw naman, sila ay nagiging mga ordinaryong tao.
Isa ang aming buntis na kapit-bahay na nakakita sa isang
manananggal dahil ayon sa aking ina, isang gabi di umano ay
naglalakad ang buntis dahil wala na kasi siyang masasakyan.
8. Habang naglalakad siya ay nagulat at natakot siya ng makita niya
ang manananggal. Ito daw ay may pakpak at putol na katawan at
ang mga mata daw nito ay nakatitig sa kanyang tiyan. Dahil daw
sa takot niya ay tumakbo siya nang tumakbo pero ang
manananggal ay sinusundan siya saan man siya magpunta.
Mabuti na lamang daw ay may asin siyang dala na nasa loob ng
kanyang bag kaya agad niyang binuhusan ng asin ang
manananggal at umalis agad ito. Dahil sa takot ng aming kapit-
bahay ay hindi na siya lumalabas ng bahay tuwing gabi at palagi
na rin daw siyang may dalang asin at bawang.
Ayon naman sa kuwento ng ate ko, may sigbin daw sa
likuran ng bahay namin at ito daw ay nakita ng kapit-bahay namin
na isang batang lalaki. Ang batang ito ay inutusan daw ng
kanyang ina para mag-igib ng tubig kasi naubusan na daw sila
nito kaya agad namang tumugon ang bata sa utos ng kanyang
ina. Nang pumunta siya sa likuran ng bahay ay nagulat na
lamang siya sa kanyang nakita na may nakatuwad daw na ang
mukha nito ay parang aso. Dahil sa sobrang takot ng bata,
nabitawan niya ang dalang pang-igib ng tubig at naiwanan niya
rin ang kanyang mga tsinelas. Agad na tumakbo ng mabilis ang
bata pauwi sa kanilang bahay. Nagulat na lamang ang kanyang
ina nang makitang umiiyak na ang bata at walang dalang pang-
igib ng tubig at wala na ring suot na tsinelas. Sinabi agad ng bata
sa kanyang ina ang nakita niyang nakatuwad sa likod ng bahay
namin. Agad na pumunta ang ale sa bahay amin para sabihin sa
aamin na may sigbin daw sa aming lugar kaya natakot kami at
binuhusan namin ng asin at bawang ang bintana namin.
Simula din noon, tuwing sasapit ang kabilugan ng buwan ay
palagi ng nasa loob ng kanilang bahay ang mga tao dito at kahit
9. saan man sila magpunta ay may dala na silang asin at bawang
bilang pananggalang sa mga mananaggal at sigbin.
10. Ang Mga Sigbin at Agta ng Taboc Camaligbato
ni Althea Maurraine Resolado
May iba’t-ibang mga kababalaghan ding nangyayari sa
aming lugar na sa tingin ko ay halos kapareho lamang sa mga
nararanasan ng mga tao sa iba’t-ibang lugar sa aming bansa.
Halina at ating alamin ang mga kuwentong-kababalaghan sa
Taboc Camaligbato.
Ayon sa aking ina na di umano’y may kababalaghan daw na
nangyari sa aming lugar at dagdag pa niya na may nag-aanyong
hayop daw na tinatawag nilang sigbin. Ito daw ay lumalabas
tuwing kabilugan ng buwan. Dahil sa sigbing ito ay natatakot ng
dumaan ang mga tao sa madidilim na lugar. May iba ring
nagsasabi na ang mga kuwento tungkol sa sigbin ay ginagawa
lamang na pananakot ng mga ina sa kanilang mga anak upang
umuwi na sila ng maaga.
Ayon naman sa nakakatanda akong kapatid na lalaki ay may
agta rin daw malapit sa aming lugar at tuwing hating-gabi ay
nayayanig ang lupa at lumalabas ang isang agta para magpakita
sa mga tao sa aming lugar.
11. Ang mga Aswang ng Tuburan Sur
ni Vinz Neo Judilla
Ang mga aswang ay sinasabing mga hindi ordinaryong
nilalang na nagdadala ng takot sa mga tao ng Tuburan Sur. Ayon
sa mga kuwento-kuwento ng mga matatanda, dati daw ay tahimik
na namumuhay ang mga tao sa kanilang lugar ngunit dahil sa
mga kuwento tungkol sa mga aswang ay biglang nagkagulo sa
kanilang lugar. Hindi na pinapalabas ang mga bata mula sa
kanilang bahay dahil natatakot ang mga magulang nila na baka
kunin sila ng mga aswang.
Hindi rin daw alam ng mga tao dito kung saan nagmula ang
mga kuwento tungkol sa mga aswang ng kanilang lugar. Noong
una ay hindi rin nila matukoy-tukoy kung sino sila at hanggang sa
nalaman nilang may mga bagong lipat sa kanilang lugar. Sila na
ngayon ang pinaghihinalaan nilang mga aswang kahit ganun pa
man ay wala silang sapat na katibayan para paalisin ang bagong
lipat na pamilya.
12. Ang Pagong at ang Isda
ni Mary Yessamin Basilgo
Isang araw habang
naglalakad si pagong sa
may baybayin ay
napansin siya ng isang
isda at sabi niya kay
pagong,
“Psst!!! Ang bagal
mo namang maglakad.”
Ang tanong ni
pagong, “Bakit ikaw
nakakalakad ka ba?”
“Hindi nga pero mabilis akong lumangoy,” sabi ng isda.
“Ano ba ang pangalan mo? tanong ng pagong.
Ang sagot naman ng isda, “Ako si Ashton, ikaw?
“Ako nga pala si Luhence pwede ba kitang maging kaibigan,?” ang
tanong ng pagong.
Ang tugon naman ng isda, “Hindi ako nakikipagkaibigan sa tulad mo!
“Bakit naman?” ang tanong ni pagong.
“Wala lang ayaw ko lang sa tulad mo. Umuwi ka na nga sa inyo!”
13. Ang sabi naman ng
pagong, “Balang araw
kakailanganin mo rin ang tulong
ko.”
Pagkatapos nilang mag-
usap ay umuwi na ang pagong
sa kanilang bahay.
Kinabukasan may mga
mga taong dumating para
mamingwit ng mga isda. Isa sa
kanilang mga nakuha ay ang
isdang si Ashton kaya
napasigaw ito ng,
“Tulong…Tulungan mo ko Luhence!”
Narinig ng pagong ang boses ni Ashton kaya pinuntahan niya agad
ang kinaroroonan ni Ashton samantala inilagay na ng mga tao si Ashton sa
isang basket kaya pagdating ng ilang segundo ay nahirapan na siyang
huminga. Dali-daling naglakad si Luhence patungo kay Ashton kaya
inabutan niya itong naghihingalo. Tinulak ni Luhence ang basket
patungong dagat at nakawala na si Ashton at nakahinga ulit ito. Matapos
iligtas ni Luhence si Ashton ay pinasalamatan agad siya nito.
“Maraming salamat sa iyo Luhence kung wala ka papaano na lang
ako. Alam mo bilib na bilib ako sayo na kahit ang bagal mong maglakad
sinikap mo pa ring akong maabutan kaya utang ko sayo ang buhay ko.
Magmula noon magkaibigan na sila Ashton at Luhence.
14. Ang Matulunging Aso
ni Gene Mae Matugas
s
Si Diego ay kilala bilang isang matulungin at mabait na aso. Isang araw habang
naglalakad si Diego ay may napansin siyang nag-aaway at nakita niya ang isang pusa
na pinagtutulungan ng dalawang aso kaya naman lumapit si Diego sa kanila at ang
tanong niya,
“"Hoy!!! Bakit ninyo inaaway ang pusang walang kalaban-laban sa inyo?"
Ang sagot naman ng dalawang aso,
"Wag kang mangingialam dito.”
Ito ang naging dahilan ni Diego para labanan ang dalawang aso at di nagtagal
nagkaroon ng maraming sugat ang mga kaaway niya kaya naman hindi na sila
nakipaglaban pa kay Diego at tumakbo na lang ang mga ito. Napahanga naman kay
15. Diego ang pusang tinulungan kaya pinasalamatan siya nito. Nagpakilala din ang pusa
sa kanya at hindi nagtagal ay umalis na si Diego para maghanap ng makakain. Habang
papalapit na ang takip-silim, si Diego ay naghanap ng matutulugan at hindi nagtagal ay
nang nakahanap na siya ng lugar ay dito na siya nagpalipas ng gabi.
Mula sa mahimbing na pagkakatulog ni Diego ay may narinig siyang isang
matandang humihingi ng tulong. Pinuntahan niya agad ang lugar na kinaroroonan ng
matanda at nakita nga niya na ninanakawan ito ng tatlong lalaki. Dahil sa awa niya sa
matanda ay tinulungan niya nito sa pamamagitan ng pagkagat sa isa sa mga
magnanakaw. Nang makita ito ng dalawang magnanakaw ay bigla sila nagtakbuhan
dahil sa takot nila kay Diego. Maswerte nga na lamang si Diego dahil walang ni isang
baril o patalim ang mga lalaki.
Lingid sa kaalaman ni Diego na habang kinakagat niya ang isang lalaki,
kinuhanan siya ng larawan ng isang babae. Pinost agad ng babae sa kanyang social
media accounts ang larawan ng katapangang ipinakita ni Diego. Dahil dito, maraming
mga tao ang napahanga sa kanya. Simula noon, kapag naghahanap siya ng makakain,
lumalapit sa kanya ang maraming tao para kumuha ng larawan na kasama si Diego
samantala may isang matandang babaeng nagmamasid kay Diego at hindi nagtagal ay
nilapitan niya ang asong si Diego at ang sabi niya rito,
"Salamat pala sa pagligtas sa akin.”
Nakaramdam ng awa ang matanda nang makita niya ang payat na katawan ni
Diego pero kahit ganun pa man ay ipinakita pa rin niya ang kanyang katapangan at
kabaitan. Dahil dito, naisip ng matanda na alagaan si Diego. Habang nasa kanyang
16. pangangalaga si Diego ay naging maayos ang kalagayan nito ngunit walang pinabago
ang kanyang ugali kaya mahal na mahal siya ng matanda.
Isang araw habang namamasyal si Diego at ang matanda ay may narinig silang
humihingi ng tulong kaya mabilis na tumakbo si Diego para tumulong ngunit sa
kasawiang palad ay nasagasaan siya. Dahil dito, labis ang hinagpis at kalungkutang
naramdaman ng matanda at simula nang mawala si Diego, laging umiiyak ang
matanda. Lagi rin siyang naging malungkutin at hindi na lumalabas ng kanyang bahay.
Sa sobrang pag-alala ng mga anak sa kanya ay naghanap sila ng aso na kagaya ni
Diego. May nahanap nga silang katulad ni Diego ngunit malungkot pa rin ang matanda.
Araw-araw dinadalaw niya ang puntod ni Diego at sa pagdalaw niya lamang
nakakaramdam siya ng kaligayahan. Hindi rin nagtagal ay namatay ang matanda.
Inilibing siya sa tapat ng puntod ng asong si Diego kaya simula nito ay magkasama na
ulit ang dalawa sa kabilang buhay. FILIPINO 8 – S.Y. 2019-2020
17. Ang Apat na Magkakapatid
ni Gene Mae Matugas
Sa kaharian ng Vherlan ay may naninirahang apat na magkakapatid
na sina Rosana, Reta, Renada at Rebica. Silang apat ay parehong
magaganda at may busilak na kalooban. Noong una ay mga ordinaryong
nilalang lamang sila na walang kapangyarihan ngunit dahil sa taglay nilang
kabutihan ay binigyan sila ng kapangharihan ng kinikilala nilang diyosa, si
Rosario. Ang diyosang ito ay may taglay na apat na kapangyarihan na
kayang kontrolin ang kidlat, hangin, apoy at lupa.
Isang araw habang naglalakbay si Rosario ay may mga nilalang na
gustong pumatay sa kanya. Gusto ding kunin nito ang mga kapangyarihan
18. niya ngunit dumating ang apat na magkakapatid at nilabanan nila ang mga
taong gustong pumatay sa kanya. Ginamit nila ang kanilang mga espada
bilang mga sandata ngunit kahit ang mga ito lamang ang kanilang
panlaban ay nagapi pa rin nila ang mga kaaway. Dahil dito laking
pasasalamat ni Rosario sa apat na magkakapatid.
Nang makauwi si Rosario sa kanyang kaharian ay agad niyang
pinatawag ang apat na magkakapatid dahil hindi niya sila napasalamatan
nang maayos dahil nagmamadali siyang umalis kanina. Nang nasa
kaharian na ang apat na magkakapatid ay agad na sinabi ni Rosario na
bibigyan sila nito ng kapangyarihan dahil sa kanilang kabutihan kaya
naman masayang-masaya ang magkakapatid. Binigay ni Rosario ang
kapangyarihang apoy kay Rosana, ang kapangyarihang kidlat kay Reta,
ang kapangyarihang hangin kay Renada at ang kapangyarihang lupa kay
Rebica.
Isang araw ay may nakalaban silang malalakas na kaaway ngunit
bago sila nakipaglaban ay binigyan muna sila ni Rosario ng basbas para
makipaglaban sa mga kaaway. Pagkatapos nito ay nilabanan nila ang mga
kaaway. Kahit meron silang taglay na mga kapangyarihan ay nahirapan
silang talunin ang mga malalakas ang mga ito. Ilang ulit din silang nadapa,
nasagutan at nabigo ngunit bumangon pa rin sila upang talunin ang mga
19. kaaway. Ayaw nila kasing mapahamak si Rosario at maangkin ang
kaharian nito. Hindi nagtagal ay natalo nga nila ang kanilang mga kaaway
kaya nagdiwang sila dahil alam nilang walang kahit sinuman ang
makakakuha ng kaharian ng kanilang diyosang si Rosario.