SlideShare a Scribd company logo
1 of 38
Sa bahaging ito ng modyul ay iyong iuugnay ang mga
kaalamang taglay na ng mga mag-aaral. Gaganyakin mo ang
mga mag-aaral na makapagbigay ng kanilang mga nalalaman
sa tulong ng mga mga mapaghamong tanong at gawain. Ang
katanungang iyong ibibigay sa mga mag-aaral ay ang siya ring
magsisilbing gabay ng mga susunod na talakayan. Inaasahan
na sa yugtong ito ay maaaring makapagbigay ang mga mag-
aaral ng mga kaisipan o kasagutang di kaugnay sa
paksa.Tanggapin lamang ito sapagkat sa susunod na yugto ito
ay unti-unting maiwawasto kapag sapat na ang kanyang
kaalaman sa kadahilanang natalakay na ang paksa.
Pangkalahatang layunin ng yugtong ito matalos ang ganap na
kaalaman ng mag-aaral na magiging sukatan ng kanyang
ganap na pagkatuto o naunawaan. Ang katanungan na ilalahad
mo sa mga mag-aaral ay: Ano ang naganap sa Silangan at
Timog Silangang Asya matapos nilang makamit ang
kanilang kalayaan mula sa mahabang panahon ng
pananakop ng Kanluran?
ARALIN BLG. 4: MGA PAGBABAGO SA SILANGAN AT TIMOG
SILANGANG ASYA SA TRANSISYONAL AT MAKABAGONG PANAHON
(16-20 SIGLO)
Alamin:
GAWAIN BLG. 1: Ano Alam Ko?
. Ipasagot sa mga mag-aaral ang tanong gamit ang IRF WORKSHEET.
Pupunan ng mga mag-aaral ang kolum para sa initial answer.Ang
dalawa pang natitirang kolum ay mapupunan lamang ng mga ito sa
sandaling natapos ng talakayin ang lahat ng aralin.
Initial Answer (Paunang sagot) Posibleng Sagot: Hinarap nila ang mga suliraning
naiwan ng mga dayuhang nanakop; Nagkaroon ng mga suliraning pulitikal bunsod
ng kawalan ng pagkakaisa ng mga mamamayan; Tinamasa ang kaunlarang
pinasimulan ng mga bansang nanakop; Nahaluan ang katutubong kultura ng
kalinangang hatid ng mga bansang nanakop; Nanatili sa katayuang kinabibilangan.
Revised Answer (Binagong sagot)
Final Answer (Huling sagot)
1
Simula ng Aralin 4
IRF WORKSHEET
Pag- uusapan ng mga mag-aaral sa kanilang pangkat ang
mga sumsunod na katanungan sa checklist. Kukuhanin ng
mga ito ang bilang ng kanilang mga kasama sa pangkat
na sumagot sa bawat aytem. Layunin nito na maihambing
ang nasabing datos sa sandaling ito ay maituro na.
PAMPROSESONG TANONG
Ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod na katanungan matapos
nilang malamanan ang IRF Worksheet.
1. Ano ang initial answer mo ukol sa tanong na kaugnay sa paksa?
2. Anu-ano ang iyong naging batayan sa kasagutan mo na iyong inilahad sa
IRF Worksheet? Ibigay mo ang ilan sa iyong patunay.
GAWAIN BLG. 2: POLL OPINYON
ANG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA SA TRANSISYONAL AT
MAKABAGONG PANAHON
OO HINDI KABUUAN
1. Nagkaroon ba ng mga programang na
nagtaguyod sa karapatan ng mamamayan,
sa pangkalahatan, at ng kababaihan,
maging grupong katutubo?
2. Nanatiling tulad ba ng dati ang sistemang
pulitikal sa mga bansa sa rehiyon at
maging ang balangkas ng pamahalaan
nito?
3. Nagkaroon ba ng malaking gampanin ang
relihiyon sa mga pagbabagong naganap sa
rehiyon?
4. May kaugnayan ba ang edukasyon sa
kalidad ng pamumuhay ng isang bansa?
5. Umunlad ba ang ekonomiya ng mga bansa
sa rehiyon?
6. Nararanasan pa ba ang kolonyalismo sa
rehiyon sa kasalukuyan?
7. Nakapag-ambag ba ang mga bansa sa
rehiyon sa larangan ng sining,
humanidades, at palakasan?
KABUUAN
2
MGA TANONG SAGOT
Ipaulat sa klase ng mga mag-aaral ang datos na kanilang nakuha sa bawat bilang.
Gabayan ang mga ito na maihambing ang kanilang mga sagot sa iba. Ipaunawa sa
klase na ang kanilang paunang sagot ay maaaring magbago sa puntong tatalakayin
na ang mga paksa kaugnay sa kanilang mga sinagutan.
BINABATI KITA!
….dahil natapos na ng mga mag-aaral ang unang yugto ng modyul
PAUNLARIN…
3
Sa puntong ito ay nagwawakas na ang bahagi ng Alamin. Sa mga susunod
na bahagi ng modyul ay inaasahang higit ng mauunawaan ng mga mag-
aaral ang mga pagbabagong naganap sa Silangan at Timog Silangang
Asya sa transisyonal at makabagong panahon (16-20siglo). Kailangan
lamang pagtuunan ng pansin at pag-unawa ng mga mag-aaral ang
susunod na mga Gawain sa iba pang pahina. Sa huli, matutuklasan nila
kung ang kanilang mga naging kasagutan ay tama o mali sa dalawang
naunang gawain.
Sa bahaging ito ng modyul ang mga mag-aaral ay bibigyan ng iba't
ibang kagamitan sa pagkatuto o babasahin na naglalayong magkaroon
ng karanasan ang mga mag-aaral na magamit ang kanilang
kaalaman.Inaasahan din makabubuo sila ng mahahalagang
impormasyon na maaari nilang pagnilayan, pagtibayin, patotohanan, o di
kaya’y baguhin kung kinakailangan. Ang mga gawaing ganito ay
makatutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng ganap na
pagkaunawa sa paksa na kanilang pinag-aaralan. Inaasahang
makapagbibigay dito sa mga mag-aaral ng gawaing mahahasa ang
kakayanan ng mga mag-aaral na makapagproseso at makapagbigay
saysay sa mga impormasyong kanilang nabuo o natutunan. Tatayain
din dito ang kasanayang taglay ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng
mga gawain. Mula dito ay matitiyak ng guro kung nagkakaroon ng pag-
unlad sa kaalaman ng mga mag-aaral at kung nanatili pa ba ang
kanilang interes na matuto. Ang paglalahad ng mga katanungang
makapagbibigay ng pagkakataong mapakahulugan, maunawaan at
mailahad ng mga mag-aaral ang kanilang mga saloobin at opinion ay
labis na inaasahan sa puntong ito.
Isa sa mga aspeto ng kultura ng isang bansa ay ang sistemang pulitikal na
umiiral dito. Ang sistemang pulitikal ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangang
Asya ay nabuo batay mga pangyayaring naganap dito sa mahabang panahon na
bahagi na ng tinatawag na kasaysayan. Kabilang na sa mga pangyayaring
nabanggit ang karanasan ng mga bansa sa rehiyong ito ng Asya sa mga
kanluraning bansa na nagkaroon ng kaugnayan sa mga ito sa pamamagitan ng iba’t
ibang pamamaraan at kadahilanan. Samakatuwid, hindi rin maitatanggi na ang mga
kanluraning bansang ito ay maituturing na salik sa pagkabuo ng sistemang pulitikal
na umiiral sa rehiyon na ito ng Asya sa ngayon. Isang magandang halimbawa nito
ang Pilipinas na ating bansa na sinanay ng mga Amerikano sa pamamahala sa
panahong kontrolado tayo ng mga ito. Ito ang kadahilanan kung kaya’t napakalaki
ng pagkakatulad ng ating pamahalaan sa kanila, mula sa balangkas at
kapangyarihan ng bawat sangay n gating pamahalaan. Ang pagbabagong hatid ng
pag-unlad at panahon ay salik din sa pagkabuo ng sistemang pulitikal ng isang
bansa. May mga bansa na kinailangang iayon ang kanilang sistemang pulitikal sa
pagbabago ng panahon upang makasabay ang mga ito. Masasalamin ang
pagbabagong ito sa pagbabago rinse uri ng kanilang pamahalaan. Ang China ay
masasabing magandang halimbawa sa aspetong ito na patuloy na nakikilala sa
kasalukuyang panahon sa mga reporma na ginawa nito.
GAWAIN BLG 3: SISTEMANG PULITIKAL AT PAMAHALAAN SA
SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
ANYO NG PAMAHALAAN DESKRIPSYON BANSA
1. MONARKIYA • Pamumuno ng isang tao sa
partikular na estado
• Minana ang karapatan sa
pamumuno
4
Ilalahad sa mga mag-aaral ang kaisipang ito: Ang sistemang
pulitikal sa Silangan at Timog Silangang Asya ay hinubog ng
kasaysayan at paniniwala ng mga mamamayang naninirahan dito.
Sa karanasang tinamo ng mga Asyano sa mga bansang
kanluranin na sumakop sa kanila idagdag pa ang kanilang mga
panloob na suliraning kinaharap ay nagbagong anyo ang mga
sistemang pulitikal na ito at uri ng pamahalaan. Matutunghayan
mo sa talahanayan ang ibat’ ibang uri ng pamahalaan na umiiral
sa rehiyon na ito ng Asya. Ipasuri itong mabuti sa mga mag-aaral
ipatukoy ang mga bansang napapaloob dito.
SISTEMANG PULITIKAL SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
1.1Walang Takda
(Absolute)
1.2 Konstitusyunal
• Nagtataglay ng panlahatang
kapangyarihan
• May pagkilala sa pinuno na
nagtataglay ng divine right o
mula sa pamumuno na
mula sa Diyos
• May takda ang
kapangyarihan ng pinuno
na nakabatay sa isang
Saligang Batas
• Figure Head o simbolikong
pinuno lamang ang
monarka
Brunei
Cambodia
Japan
Malaysia
Thailand
2. One Party
Government
• Nag-iisang partidong
pulitikal ang may
kapangyarihan na bubuo sa
pamahalaan
• Pumapailalim sa isang
nangungunang partido ang
iba pang partido kung
sakaling ito at ay
papahintulutan ng una.
• Ipinagbabawal ang
oposisyon sa naghaharing
partido
• Diktaturyal ang pamahalaan
China
Laos
North Korea
Vietnam
3. Militar • Pinangangasiwaan ng isang
junta o pangkat ng
matataas na opisyal ng
hukbong sandatahan
• Pinaiiral bilang tugon sa
kaguluhang pulitikal sa
bansa
• Walang pinapanigan at di-
kaanib sa anumang
partidong pulitikal
Myanmar
4. Demokrasya • Taglay ng sambayanan ang
kapangyarihan
• May representasyon ang
ibat ibang sektor ng lipunan
sa pamahalaan
• May kalayaan sa
pagpapahayag at pagbuo
East Timor
Indonesia
Pilipinas
South Korea
Taiwan
5
ng mga samahan
• Nagtataglay at kinikilala ang
karapatang pantao at
katarungang panlipunan
• May mga legal na partido
ng oposisyon
• Kinikilala ang proseso ng
pamamaraan sa
pagpapairal ng hustisya.
PAMPROSESONG TANONG
Atasan ang mga mag-aaral na sagutin ang mga tanong batay sa
sinuring chart. Ipatala ang mga sagot sa kanilang notebook.
TANONG SAGOT
1. Anu-ano ang sistemang pulitikal
ng pamahalaan ang umiiral sa
Silangan at Timog Silangang
Asya?
Monarkiya, One Party Government,
Militar, Demokrasya
2. Sa anong uri ng pamahalaan
maikakategorya ang sistemang
dinastiya?
Monarkiya
3. Ano ang mabuti at di- mabuting
maaaring idulot sa bansa at
mamamayan ng bawat sistemang
pulitikal at pamahalaan?
Magbigay ng dalawa sa bawat uri.
Ito ay maaaring magpabago sa antas ng
pag-unlad ng knilang pamumuhay at
kalayaang tinatamo.
4. Anong konklusyon ang iyong
mabubuo ukol sa sistemang
pulitikal at pamahalaan mayroon
ang mga bansa sa Silangang
Asya? Timog Silangang Asya?
May pagkakatulad at pagkakaiba sila ng
uri ng pamahalaan.Ibinatay nila ito sa
knilang karanasan at pangangailangan.
5. Anong uri ng pamahalaan ang
para sa iyo ang pinakamainam?
hindi mo nais mapailalim? Bakit?
Demokrasya.Militar.Matamo ang
kalayaan.Masusupil ang karapatan at
kalayaan ng mga mamamayan.
6. Nakaapekto ba sa mga bansa sa
rehiyon ang pagpapalit nito ng
anyo ng pamahalaan? Patunayan.
Oo.Nabago nito ang antas ng kanilang
pamumuhay at pananaw ng kanilang
mamamayan.
GAWAIN BLG 4: PAG-ARALAN AT IBAHAGI
6
Pagyamanin pa ang nalalaman ng mga mag-aaral tungkol sa
sistemang pulitikal at pamahalaan ng mga bansa sa Silangan at
Timog Silangang Asya. Ito ay matatamo sa pamamagitan ng
kanilang masigasig na paglahok sa gawain.
1. Basahin mo at ng iyong pangkat ang timeline kaugnay sa mahalagang
pagbabagong naganap sa sistemang pulitikal sa ilang piling bansa sa
Silangan at Timog Silangang Asya.
a. Pangkat 1-Peoples Republic of China
b. Pangkat 2- Union of Myanmar
c. Pangkat 3-Kingdom of Thailand
d. Pangkat 4- Federation of Malaysia
e. Pangkat 5- Evaluating gamit ang Rubrics
PEOPLE’S REPUBLIC OFCHINA
Ang Republika
1911-12 –Proklamason ng Republic of China sa pamumuno ng mga militar na nag-
alsa na pinangunahan ni Sun Yat-sen.Ito ay hudyat ng pagwawakas ng
kapangyarihan ng huling emperador ng Qing. Kinaharap ng republika ang mga
hamon sa pamamahala hatid ng mga rehiyonal na pag-aalsa at unti-unting paglakas
ng Communist Party.
1925 –Pagkamatay ni Sun Yat-sen na naghatid sa kapangyarihan kay Chiang Kai-
shek. Humiwalay si Chiang Kai-shek sa mga komunista at kinilala ang Kuomintang
bilang pambansang partido.
1931-45 – Unti-unting pananakop ng Japan sa China.
1934-35 – Pamumuno ni Mao Zedong sa Communist Party. Nagsagawa ang partido
ng "Long March" patungo sa bago nitong himpilan sa lalawigan ng Shaanxi.
1937 – Pagsanib puwersa ng Kuomintang at mga Communists upang labanan ang
Japan. Muling sumiklab ang digmaang sibil mataposang pagkatalo ng Japan sa
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ang Tagumpay ng mga Komunista
1949 - 1 October –Pagkakatatag ng People's Republic of China sa pangunguna ni
Mao Zedong matapos talunin ng kanyang Communist Party ang Nationalist Party sa
mahigit 20 taong digmaang sibil. Umatras ang mga kasapi ng Nationalist Party sa
pulo ng Taiwan at doon nagtatag ng panibagong pamahalaan.
1950 –Panghihimasok ng China sa Korean War sa pamamagitan ng pagpanig sa
North Korea. Ang Tibet ay naging bahagi ng People's Republic of China.
7
1958 –Inilunsad ni Mao ang "Great Leap Forward",ang limang (5) taong programang
pangkabuhayan tungo sa kaunlaran. Ang kolektibong gawaing pagsasaka at
pagpapalakas ng mga industriya ay ipinakilala. Ang adhikaing ito ng pamahalaan ay
tumagal lamang ng dalawang taon bunsod ng kabiguang mapalaki ang ani na
lumikha ng milyong pagkagutom at kamatayan ng mga mamamayan.
1959 –Sinupil ng hukbong sandatahan ng bansa ang malawakang pag-aalsa sa
Tibet.
1962 –Hidwaan ng China sa India kaugnay sa hangganan nito sa Himalayas.
1966-76 –Inilunsad ni Mao ang "Cultural Revolution",ang 10-taong kampanyang
pampulitika at ideolohikal na naglalayong buhayin ang diwang rebolusyonaryo,
lumikha ito ng matinding pagbabago sa lipunan, ekonomiya at pamamahala.
1972 –Pagbisita sa China ni US President Richard Nixon. Nangako ang dalawang
bansa na pagbutihin ang ugnayan ng dalawang bansa.
1976 –Pagkamatay ni Mao Zedong.
1977 – Pag-angat sa kapangyarihan ni Deng Xiaoping.Pagsisimula ng mga reporma
sa larangan ng kabuhayan sa China.
1979 – Pagsisimula ng diplomatikong relasyon ng China at USA. Pinasimulan ng
pamahalaan ang “One-Child Policy” upang pigilan ang lumalaking populasyon nito.
1986-90 –Pinairal ng China ang "Open-door policy" na nagbigay pagkakataon sa
pamumuhunan ng mga dayuhan sa loob ng bansa. Nakapagpasigla din ito sa
ekonomiya ng bansa at humikayat ng mas higit na pamumuhunan sa pribadong
sektor.
1989 –Naganap ang demonstrasyon ng mga mag-aaral at iba pang sektor sa
Tiananmen Square. Ito at upang ipanawagan sa pamahalaan ang pagkakaloob ng
kalayaan at karapatang maipahayag ang damdamin ng mga mamamayan. Hindi ito
pinakinggan ng pamahalaan at sa halip ay nagresulta sa pagkadakip ng mga
protesta at pagkamatay 200 sa mga ito. Tinagurian itong Tiananmen Massacre.
Pumukaw ng pansin sa iba’t ibang bansa ang pangyayaring ito at may ilang
kinondena ang pamahalaan bunsod ng marahas na ginawa nito.
1989 –Naging general secretary ng Chinese Communist Party si Jiang Zemin bilang
kahalili ni Zhao Ziyang na tumutol na suportahan ang martial law sa panahong
nagaganap ang demonstrasyon sa Tiananmen. Pagbubukas ng Stock markets sa
Shanghai at Shenzhen.
1992 – Paglagda ng China at Russia ng deklarasyong muling pagbuhay sa kanilang
pagkakaibigan.
8
1993 – Opisyal na paghalili ni Jiang Zemin kay Yang Shangkun bilang pangulo.
1995 –Pagsasagawa ng China ng tests missiles at military exercises sa Taiwan
Strait habang nagaganap ang pampanguluhang halalan sa Taiwan.
1996 – Ang China, Russia, Kazakhstan, Kyrgyzstan at Tajikistan ay nagdaos ng
pagpupulong sa Shanghai upang magkasundo at magtulungan na labanan ang
tensiyon kaugnay sa mga katutubo at relihiyon sa kani-kanilang bansa. Tinaguriang
ang mga bansang ito na Shanghai Five.
1997 - Pagkamatay ni Deng Xiaoping sa edad na 92. Pagbabalik ng kontrol ng
China sa Taiwan mula sa mga British.
1998 –Paghalili ni Zhu Rongji kay Li Peng bilang premier.
1999 - Ika-50 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Republic of China.
Pagbalik ng Macao sa ilalim ng pamamahala ng China
UNION OF MYANMAR
Pagsasarili
1948 – Paglaya ng Burma sa pamumuno ni U Nu bilang prime minister.
Kalagitnaan ng 1950’s- Si U Nu kabilang sina Prime Minister Nehru, Indonesian
President Sukarno, Yugoslav President Tito at Egyptian President Nasser ay tinatag
ang Movement of Non-Aligned States.
1958-60 - Pansamantalang pamahalaan, sa pangunguna ng hukbo ni Chief of Staff
General Ne Win, na nabuo matapos ang pagkakahati sa namumunong AFPFL
party.
1960 – Pagwawagi sa halalan ng partido ni U Nu, subalit ang panghihikayat nito sa
Buddhismo bilang relihiyon ng estado at pagkunsinti sa pagkakahiwa-hiwalay ay
nagpasidhi ng galit sa panig ng militar.
One-party, Ang Pamumuno ng Militar sa Estado
1962 – Pagpapatalsik kay U Nu sa pamamagitan ng kudeta na pinamunuan ni Gen
Ne Win na tuluyang nag-alis ng sistemang pederal at pagpapasinaya ng "the
Burmese Way to Socialism" .Ito ay nangangahulugang pagkontrol sa pambansang
ekonomiya, pagbuo ng single-party state na kung saan ito ay ang Socialist
Programme Party bilang tanging partido political sa bansa at pagbabawal sa
malayang pamamahayag. Ang military junta na ito ay namuno hanggang 2011.
9
1974 – Pagsasabisa ng bagong saligang batas, pagsasalin ng kapangyarihan ng
hukbong sandatahan ng bansa sa People's Assembly sa pamumuno ni Ne Win at
iba pang mga dating lider ng militar.
1975 –Pagtatag ng Opposition National Democratic Front ng mga grupo ng minorya
sa rehiyon na nagpapasimula din paglaban sa umiiral na pamahalaang militar.
1981 – Isinalin ni Ne Win ang pagiging pangulo ng bansa kay San Yu ,isang
retiradong militar, subalit nanatiling chairman ng namumunong Socialist Programme
Party
1982 – Pagpapairal ng batas na nagbabawal sa mga mamamayang hindi
katutubong isinilang sa bansa o dayuhan na humawak ng anumang katungkulan sa
pamahalaan at iba pang ahensiya nito.
Panahon ng Kaguluhan at Pagsupil
1987 – Pagbaba ng halaga ng salapi na nagpahirap sa maraming mamamayan at
naging sanhi ng malawakang pagbatikos sa pamahalaan na lumikha ng labis na
kaguluhan sa bansa.
1988 – Maraming mamamayan ang napatay sa isang kilos protesta laban sa
pamahalaan bunsod ng kaguluhan. Binuo ng pamahalaan ang State Law and Order
Restoration Council (Slorc).
1989 – Dineklara ng Slorc ang martial law.Nagkaroon ng malawakang pag-aresto ng
mga mamamayan kabilang na ang mga nangangampanya parasa demokrasya at
karapatang pantao. Pinalitang ang pangalan ng bansa mula Burma bilang Myanmar
at ang kabiserang lungsod na Rangoon bilang Yangon. Ang lider ng NLD (National
League for Democracy) na si Aung San Suu Kyi, anak ni Aung San ay ipinailalaim
sa house arrest.
Kontrobersiyal na Halalan
1990 – Pagkapanalo ng oposisyon na National League for Democracy (NLD) sa
halalan na nagtamo ng napakalaking boto, subalit ang resultang ito ay binalewala
lamang ng militar.
1991 – Ginawaran ng Nobel Peace Prize si Aung San Suu Kyi para sa kanyang
dedikasyon sa pagbago sa bansa sa mapayapang pamamaraan.
1992 – Pinalitan ni Than Shwe si Saw Maung bilang chairman ng Slorc,prime
minister at defense minister. Pinalaya din ang ilang bilanggong politikal upang
bumuti ang imahe ng Burma sa daigdig.
1995 - Pinalaya si Aung San Suu Kyi mula sa anim na taong house arrest.
10
1996 – Dumalo si Aung San Suu Kyi sa kongreso ng unang pagpupulong ng NLD
matapos itong makalaya. Humigit sa 200 delegado ang inaresto ng Slorc habang
ang mga ito ay papunta sa nasabing pagpupulong.
1997 – Tinanggap ang Burma bilang bagong kasapi ng Association of South East
Asian Nations (ASEAN); Ang Slorc naman ay muling pinangalanan bilang State
Peace and Development Council (SPDC).
Pagpapalaya sa mga Sumuporta sa Demokrasya
1998 – 300 kasapi ng NLD ang pinalaya mula sa bilangguan ; tumanggi ang
namumunong pamahalaang militar na tumugon sa itinakdang panahon ng NLD na
ipatawag na ang mga kasapi ng parlamento upang makapagsimula; nagsagawa ng
malawakang protesta ang mga militar.
1999 – Tumutol si Aung San Suu Kyi sa kondisyon ng namumunong konseho na
bisitahin niya ang kanyang British na asawa na si Michael Aris na namatay sa sakit
na kanser sa UK.
2000 September – Ganap ng inalis ng pamahalaan ang pagbabawal kay Aung San
Suu Kyi at mga pangunahing kasapi ng NLD na lumipat.
2000 October – Lihim na pakikipagpulong ni Aung San Suu Kyi sa pamahalaan.
KINGDOM OF THAILAND
Pagbangon ng Makabagong Thailand
1782 – Simula ng pamumuno ng dinastiyang Chakri sa pamumuno ni Haring Rama
I, na namumuno parin hanggang sa kasalukuyan. Kinilala ang bansa bilang Siam at
ang Bangkok ang ginawang kabisera.
1804-1868 – Pamumuno ni Haring Mongkut (Rama IV), pinasimulan niya ang mga
pagbabagong maka-Kanluranin at modernisasyon ng bansa.
1868-1910 – Pamumuno ni Haring Chulalongkorn. Pagkuha ng mga tagapayo mula
kanluran para sa modernisasyon ng Siam at pamamahala sa ekonomiya ng bansa.
Pag-unlad ng sistema ng transportasyon.
1917 - Ang Siam ay naging isa sa ka-alyado (allied) ng Great Britain sa unang
digmaang pandaigdig.
11
1932 – Naganap ang isang mapayapang kudeta laban sa ganap na monarkiya ni
haring Prajadhipok. Pinasimulan ng Konstitusyonal na Monarkiya ang
parlamentaryong pamahalaan.
1939 – Pinalitan ng Siam ang pangalan nito bilang Thailand ("Land of the Free").
1941 –Pagdaong sa bansa ng hukbo ng Japan. Matapos ang negosasyon,
pinahintulutan ng Thailand ang hukbo ng Japan na magtungo sa mga kontroladong
lupain ng mga British na Malay Peninsula, Singapore at Burma.
1942 – Pagdeklara ng digmaan sa Britain at USA,subalit ang Thai ambassador sa
Washington ay tumangging ibigay ang nasabing deklarasyon sa pamahalaan ng
Amerika.
Mga Pangyayari Matapos ang Digmaan
1945 – Pagwawakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Inatasan ang Thailand na
muling ibalik ang mga teritoryong sinakop nito mula sa Laos, Cambodia at Malaya.
Nagbalik sa bansa ang ipinatapong si Haring Ananda.
1946 – Asasinasyon ni Haring Ananda.
1947 – Naganap ang kudeta na pinasimulan ng military sa pamumuno ng Pro-
Japanese na si Phibun Songkhram. Nanatili sa kapangyarihan ang military
hanggang 1973.
1965- Pagpahintulot ng Thailand sa USA na gamitin ang mga base militar habang
nagaganap ang Vietnam War. Ang hukbo ng Thailand ay nakipaglaban sa Timog
Vietnam.
1973 – Naganap ang panggugulo ng mga mag-aaral sa Bangkok na halos
nagpabagsak sa pamahalaang militar. Naganap ang isang malayang halalan, subalit
di naging lubos ang katatagan ng pamahalaang namuno.
1976 – Muling pamamamahala ng militar sa bansa.
1978 – Pinagtibay ang bagong saligang batas.
1980 – Pamumuno ni Heneral Prem Tinsulanonda .
1983 – Pagsuko ni Hen. Prem ng kanyang kapangyarihan bilang pinuno ng
pamahalaang militar upang bigyang daan ang pagtatatag at pamumuno sa bagong
pamahalaang sibil. Si Hen. Prem ay muling naihalal sa parehong posisyon sa
pamahalaang sibil noong 1986.
12
1988 – Paghalili sa kapangyarihan ni Heneral Chatichai Choonhaven kay Prem
matapos ang halalan.
1991 – Naganap ang ika-17 kudeta sa bansa na pinamunuan ng mga militar mula
pa noong 1932. Itinalaga sa kapangyarihan bilang Prime Minister si Anand
Panyarachun.
1992 – Naganap ang panibagong halalan sa buwan ng Marso.Hinalinhinan sa
kapangyarihan ni Heneral Suchinda Kraprayoon si Anand. Nagkaroon ng mga
demonstrasyon laban kay Anand na nanawagan sa kanyang pagbaba sa
kapangyarihan. Pansamantalang nanatili pa rin sa kapangyarihan si Anand. Muling
nagdaos ng halalan sa buwan ng Setyembre na nagbigay daan sa pagkakahalal
bilang bagong Prime Minister ni Chuan Leekpai, lider ng Democratic Party.
1995 – Pagbagsak ng pamahalaan. Inihalal bilang bagong Prime Minister si
Banharn Silpa-archa, ng Thai Nation party.
1996 – Inakusahan ng korapsyon ang pamahalaan ni Banharn na naghatid sa
kusang pagbaba nito sa kapangyarihan. Nanalo sa halalan bilang kahalili si Chavalit
Yongchaiyudh ng New Aspiration party. Nagkaroon ng matinding krisis pinansiyal sa
bansa.
1997 – Naganap ang krisis pinansiyal sa Asya. Nagpatuloy ang pagbaba ng halaga
ng baht laban sa dolyar na naging dahilan ng halos pagkaubos ng pondo ng bansa
at mataas na bilang ng walang trabaho. Namagitan sa suliraning pinansiyal ng
bansa ang IMF. Nahalal sa kapangyarihan si Chuan Leekpai bilang Prime Minister.
1998 – Pinabalik ng pamahalaan sa kanilang mga bansa ang mga manggagawang
dayuhan upang bigyan ng higit na pagkakataon ang mga Thai na makakuha ng
trabaho bago ang iba. Hinikayat din ng pamahalaang Chuan ang oposisyon na
magsulong ng mga repormang pang-ekonomiya.
1999 – Unti-unting muling pagbangon ng ekonomiya. Sa tulong ng media, pinakita
ng Thailand sa daigdig ang malaking halaga na ginugugol nito sa pagbigay lunas sa
mga may sakit na AIDS at HIV sa bansa. Hinikayat din ang iba’t ibang drug
companies sa agarang pagpapababa ng presyo ng gamut para sa nasabing sakit.
2001- Pagwawagi sa halalan ng New Thai Love Thai party sa poamumuno ni
Thaksin Shinawatra.
FEDERATION OF MALAYSIA
1826 – Pinagsanib ng mga British ang kanilang mga himpilan sa Malacca, Penang
at Singapore upang buuin ang Colony of Straits Settlements, mula dito ay pinalawak
13
nila ang kanilang impluwensiya bilang tagapagtanggol ng Sultanato ng Malay sa
nasabing peninsula.
1895 – Pagsasanib ng apat (4) na estado sa Malay na kinilala bilang Federated
Malay States.
1942-45 –Pananakop ng Japan.
1948 –Pinagsanib ang mga teritoryong kontrolado ng mga British sa Malaya at
kinilala bilang Federation of Malaya.
1948-60 –Pinairal ang State of Emergency upang supilin ang panggugulo ng mga
lokal na komunista.
1957 – Paglaya ng Federation of Malaya mula sa mga British at pamumuno ni
Tunku Abdul Rahman bilang prime minister.
1963 – Ang mga kolonya ng British na Sabah, Sarawak at Singapore ay idinagdag
sa Federation of Malaya upang buuin ang bagong Federation of Malaysia.
1965 – Paghiwalay ng Singapore sa Malaysia na naging 13 estado na lamang.
Nagsimula na din ang pananalakay ng mga komunista sa Sarawak.
1969 –Naganap ang kaguluhan likha ng mga Malay laban sa mga Chinese bunsod
ng kabiguan at tumitinding inggit ng mga ito sa tinamasang kaunlarang
pangkabuhayan ng mga katutubong Chinese.
1970 –Naging bagong prime minister si Tun Abdul Razak matapos ang pagbaba sa
kapangyarihan ni Tunku Abdul Rahman.
Positibong Diskriminasyon sa mga Malay
1971 – Pinasimulan ng pamahalaan ang sapat na partisipasyon ng mga Malay sa
larangan ng pagnenegosyo, edukasyon at serbisyo sibil.
1977 – Pinaalis sa Pan-Malaysian Islamic Party (PAS) ang Kelantan chief minister,
lumikha ito ng kaguluhan at nagresulta tuluyang pagkatanggal ng PAS sa BN
coalition.
1978-89 – Pinahintulutan ng pamahalaan ang mga Vietnamese refugees na
pansamantalang magkanlong sa Malaysia upang makaiwas sa suliranin ng mga ito
sa kanilang bansa.
1981 – Pagkahalal ni Mahathir Mohamad bilang prime minister.
14
1989 – Lumagda ang mga lokal na komunista ng kasunduang pangkapayapaan sa
pamahalaan.
1990 –Lumagda ang mga komunista sa Sarawak ng kasunduang pangkapayapaan
sa pamahalaan
1993 – Ang mga Sultans ay inalisan ng proteksyong legal.
Krisis Pinansiyal
1997 –Krisis Pinansiyal sa Asya.
1998 – Alitang pulitikal nina Prime Minister Mahathir Mohamad at deputy nito na si
Anwar Ibrahim na inaasahang hahalili sa kanya. Ang pagkakaiba ng pananawsa
patakarang pangkabuhayanng bansa ang ugat ng nasabing alitan. Inaresto si Anwar
Ibrahim dahil sa kasong sexual misconduct.
2. Ibuod ang teksto na binasa gamit ang napiling graphic organizer.Tiyaking
mailalahad dito ang mahahalagang impormasyon mula sa binasa.
3. Maaari ring magsaliksik sa mga internet websites para sa karagdagang
impormasyon sa paksa.
4. Ipresenta sa klase ang nabuong report sa pamamaraang nais. Humandang
makapagbigay ng mga katanungan ukol dito na sasagutin ng mga kamag-aral.
ISKORIKONG RUBRICS PARA SA ISANG PANGKATANG GAWAIN
KRITERYA 5 4 3 2
Kaalaman sa
paksa
Higit na
nauunawaan
ang mga paksa.
Ang mga
pangunahing
kaalaman ay
nailahad at
naibigay ang
kahalagahan,
wasto at
magkakaugnay
ang mga
impormasyon sa
kabuuan.
Naunawaan ang
paksa, ang mga
pangunahing
kaalaman ay
nailahad ngunit di
wasto ang ilan,
may ilang
impormasyon na
di maliwanag ang
pagkakalahad.
Hindi gaanong
naunawaan ang
paksa.Hindi
lahat ng
pangunahing
kaalaman ay
nailahad, may
mga maling
impormasyon at
di naiugnay ang
mga ito sa
kabuuang
paksa.
Hindi
naunawaan ang
paksa. Ang mga
pangunahing
kaalaman ay
hindi nailahad
at natalakay,
walang
kaugnayan ang
mga
pangunahing
impormasyon
sa kabuuang
gawain.
Pinaghalawan Binatay sa ibat- Binatay sa ibat- Binatay lamang Walang
15
ng datos ibang saligan
ang mga
kaalaman tulad
ng mga aklat,
pahayagan,
video clips,
interview, radio
at iba pa.
ibang saligan ng
impormasyon
ngunit limitado
lamang.
ang saligan ng
impormasyon sa
batayang aklat
lamang.
batayang
pinagkunan, at
ang mga
impormasyon
ay gawa-gawa
lamang.
Organisasyon Organisado ang
mga paksa at sa
kabuuan
maayos ang
presentasyon ng
gawain ang
pinagsama-
samang ideya ay
malinaw na
naipahayag at
natalakay gamit
ang mga
makabuluhang
graphic
organizer
Organisado ang
mga paksa sa
kabuuan at
maayos na
presentasyon
ngunit di –
masydo nagamit
nang maayos ang
mga graphic
organizers
Walang
interaksyon at
ugnayan sa mga
kasapi, walang
malinaw na
presentasyon ng
paksa, may
graphic
organizer ngunit
hindi nagamit sa
halip ay
nagsilbing
palamuti lamang
sa pisara.
Di-organisado
ang
paksa.Malinaw
na walang
preparasyon
ang pangkat.
Presentasyon Maayos ang
paglalahad.
Namumukod-
tangi ang
pamamaraan,
malakas at
malinaw ang
pagsasalita,
sapat para
marinig at
maintindihan ng
lahat.
Maayos ang
paglalahad.May
ilang
kinakabahan at
kahinaan ang
tinig.
Simple at maikli
ang
presentasyon.
Ang paglalahad
ay hindi
malinaw,
walang
gaanong
preparasyon.
PAMPROSESONG TANONG
1. Ano ang mahihinuha sa pagbabagong naganap sa sistemang pulitikal at
pamahalaan ng China, Myanmar, Thailand at Malaysia?
Sagot: Mauunawaan na mula sa pamamahala ng mga mananakop na bansa ay
nagawang malakalaya at mapamahalalaan ng mga bansang nabanggit ang
kanilang sarili. Makikita rin ang mga suliraning kinaharap nila mula sa paglaya
nila sa mga mananakop patungo sa kanilang kasalukuyang katayuan.Masasabi
16
nating hindi nagging madali para sa mga nasabing bansa na kaharapin an gang
ga nasabing pagbabagong naganap.bansa
2. Paano nakaapekto sa mga mamamayan ng mga bansang nabanggit ang
nasabing pagbabago?
Sagot: Bunsod ng mga pagbabagong naganap ay higit na nahasa ang
kakayanan nila sa larangan ng pamamahala.Ang mga mamamayan ay naging
mulat sa kanilang karapatan at tungkuling pulitikal.
3. Ano ang maaaring idulot sa mga nabanggit na bansa kung hindi naganap
ang mga nasabing pagbabago?
Sagot: Marahil ay mananatili ang kapangyarihan ng mga bansang sumakop sa
kanila at ito ay maghahatid sa kanila ng higit na kahirapan. Posible din na
maaaring malimitahan ang kanilang mga ugnayang panlabas sa rehiyon at
daigdig.
4. Bilang isang Pilipino, bakit mahalaga sa iyo na maunawaan ang mga
pagbabagong naganap sa sistemang pulitikal at pamahalaan ng mga
nasabing bansa?
Sagot: Bilang isang Pilipino mahalaga na maunawaan koi to upang malaman ko
ang kanilang mga mabuti gawi na maaari rin nating tularan.Makatutulong din ito
upang matukoy ko ang dahilan ng ating kaibahan sa kanila particular sa
aspektong pulitikal.
Malaki ang ginampanan ng mahusay na pamamahala ng mga namumuno
sa mga bansa ng Silangan at Timog Silangang Asya sa pagbabagong naganap dito
mula sa ika-16 hanggang 20 siglo. Ang mabuting hatid ng husay na ito sa
pamumuno ay masasalamin sa napakabilis na pag-usad ng ekonomiya ng
karamihan sa mga bansang ito sa rehiyon. Hinangaan ng marami ang kaunlarang
tinamasa ng Japan,Korea, Singapore, Taiwan, at Thailand. Hindi rin matatawaran
ang pinakikitang sigla ng China sa larangan ng ekonomiya at unti-unting pag-usad
ng kabuhayan ng mga bansa sa dalawang nabanggit na rehiyon. Ang lahat ng ito ay
mauugat sa pagbabago ng mga nasabing bansa sa kanilang sistemang pulitikal at
mahusay na pamahalaan.
GAWAIN BLG 5: KALAGAYANG PANG-EKONOMIYA NG ASYA SA
KASALUKUYAN
ECONOMIC CRISIS sa Asya
Sa simula ng Hulyo 1997 lumikha ng labis na pangamba sa buong daigdig ang krisis
pinansiyal na nararanasan sa Asya. Ang Japan, Thailand at karamihan sa mga bansa sa
Timog Silangan Asya kabilang ang Pilipinas ay dumaranas ng ng suliraning ito. Ang krisis
na ito ay sinasabing epekto ng tulad na suliraning kinaharap din ng mga bansang maunlad
na kanluranin. Nahirapan ang mga bansa sa Asya na balikatin ang mga dating
responsibilidad bunsod ng pagbabayad sa mga utang panlabas na kanilang da bansang
apat bayaran. Para alalayan ang mga bansang labis na naaapektuhan ng economic crisis
ay naglaan ang International Monetary Fund (IMF) ng $40 Billion programa.Lubos itong
napakinabangan ng mga bansang South Korea, Thailand, at Indonesia.Batay sa artikulong
17
sinulat ni Martin Khor, Direktor ng Thirld World Network na “The Economic Crisis in East
Asia: Cause Effects and Lessons ang mga sumusunod ay naging sanhi ng krisis:
1. Maling sistema ng pamamahala sa pagbabangko at iba pang institusyong pinansiyal;
2. Di-pagkakasundo ng pamahalaan at ng mga sektor ng negosyante
3. Maling patakaran sa pagkakaroon ng fixed exchange rate sa halaga ng dolyar.
Bunsod ng krisis pinansiyal na ito ay sumidhi ang pagnanais sa aspektong pulitikal sa
Thailand ay nagretiro si Prime Minister General Chavalit Yongchaiyudh at sa Indonesia si
Pangulong Suharto. Sa kabilang banda, isinilang naman sa panahong ito ang bagong bansa
sa Timog Silangang Asya, ang East Timor. Sa pagsisimula ng 1999, naobserbahang muling
unti-unting bumabangon ang ekonomiya ng mga apektadong bansa bunsod ng muling
pagtaas ng pamumuhunan, mataas na koleksiyon ng buwis at iba pa.
ECONOMIC MIRACLE sa Asya
Ang mga bansang Singapore, South Korea at ang mga special administrative region
ng Tsina na Hongkong, at Taiwan ay kinilala bilang Four Asian Dragons sa larangan ng
ekonomiya.Kinilala ang mga ito bunsod na 7% kada taon na pag-unlad na kanilang
tinamasa.Ipinakilala ng mga nasabing bansa ang napakabilis na pagsulong sa
industriyalisasyon sa pagitan ng 1960’s-1990’s. Nagsilbing modelo sa iba pang papaunlad
na bansa sa rehiyon ang kanilang karanasang natamo.
Bigyang pansin ang Antas ng Pagtamo ng Per Capita Gross Domestic Product
(GDP) mula 1960-2000 ng ilang mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya.
Antas ng Pagtaas ng Per Capita GDP 1960-2000
Bansa 1960 1970 1980 1990 2000
Silangang Asya
China 111.73 119.87 167.62 349.15 824.03
*Hongkong 3007.55 5946.5 11289.5 18813 24218
Japan 8398.53 20465.5 28295.9 39955.4 44830.4
South Korea 1324.88 2282.94 3910.28 7967.39 13062.2
Timog Silangan Asya
Indonesia 248.91 297.6 503.01 776.39 13062.2
Malaysia 974. 99 1370.65 2297.11 3104.03 4796.6
Philippines 724.7 867.39 1172.85 1090.86 1167.39
Singapore 2675.86 5426.4 11048.2 17693 28229.6
Thailand 464.97 752.24 1117.11 1998.61 2804.93
Pinagkunan: ucatlas.usc.edu?output.edu.php
*Special Administrative Region of China
PAMPROSESONG TANONG
1. Ano-ano ang itinuturong sanhi ng ng economic crisis na naganap sa
Asya?
Sagot: Ang itinuturong sanhi ng economic crisis sa Asya ay ang mga
sumusunod:
o Maling sistema ng pamamahala sa pagbabangko at iba pang
institusyong pinansiyal
18
o Di-pagkakasundo ng pamahalaan at ng mga sektor ng negosyante
o Maling patakaran sa pagkakaroon ng fixed exchange rate sa halaga ng
dolyar
2. Ano ang pinatutunayan ng mga datos sa Talahanayan 1.1?
Sagot: Ang pinatutunayan ng mga datos sa Talahanayan 1.1 ay ang
pagsulong na naganap sa ekonomiya ng mga bansa sa Silangan at Timog
Silagang Asya mula 1960-2000. Makikita din mula dito na hindi
magkakasabay ang pag-unlad na kanilang naranasan.
3. Sumasang-ayon ka ba sa pananaw ni Akaname Akamatsu kung ang
pagbabatayan ay ang kasalukuyang panahon? Bakit?
Posibleng Sagot: Malaya ang mga mag-aaral na makapagbigay ng kanilang
mga personal na sagot.Tiyakin lamang na ito ay sinusuportahan ng datos
mula sa sipi.
GAWAIN BLG 6: GAME NA! Sa pamamagitan ng 3-2-1- Chart alamin
ang mga nabuong kaisipan at katanungan ng iyong mga kamag-aral
mula sa sipi at datos na kanilang sinuri.
Pamprosesong Tanong
1. Ano ang pagkakatulad o pagkakaiba ninyo batay sa iyong binasa ukol sa
kalagayan ng pang Ekonomiya ng Asya sa kasalukuyang panahon?
Posibleng Sagot: Nagkakaroon ng pagsulong at hamon sa kalagayang
pangkabuhayan ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya.
2. Naniniwala ka ba na nagkaroon ng pagsulong sa ekonomiya ang mga bansa
sa rehiyong Silangan at Timog Silangang Asya? Patunayan ang iyong sagot.
3 Things You Found Out
Posibleng Sagot: Ang naganap na Economic Crisis, Economic Miracle sa Silangan
At Timog Silangang Asya. Ang Per Capita GDP ng mga bansa sa dalawang rehiyon
ay nagkaroon ng magkakaibang antas ng pagsulong.
2 Interesting things
Posibleng Sagot: Ang Pilipinas ay nakasama sa mga bansa na naapektuhan ng
Economic Crisis sa rehiyon. Ang Hongkong at Taiwan bagamat hind ganap na isang
bansa ay may mabilis na pag-unlad sa ekonomiya.
1 Question You Still Have
Posibleng Sagot: Ano ang mga maaaring gawin ng Pilipinas upang matularan ang
mga bansa na may mataas na Per Capita GDP?
19
Posibleng Sagot: Opo. Sapagkat batay sa mga datos sa talahanayan mula
sa taong 1960 – 2000 ay tumataas ang Per Capita GDP ng mga bansa sa
Silangan at Timog Silangan Asya.
GAWAIN BLG 7: COMPLETE IT! Gamit ang talahanayan ng Antas ng
Pagtaas ng Per Capita GDP mula 1960-2000 ng mga bansa sa
Silangan at Timog Silangang Asya ay buuin mo ang diwa ng mga
sumusunod na pangungusap.
1. Ang mga bansa sa Silangang Asya ay….
Posibleng Sagot: Ang mga bansa sa rehiyong ito ay may mataas na
pagsulong sa ekonomiya sa Asya. Ang Japan ay maihahanay sa iba pang
bansa sa daigdig kung kaunlaran ang pag-uusapan.
2. Ang mga bansa sa Timog Silangang Asya ay……
Posibleng Sagot: Nagkaroon ng pag sulong sa mga bansa sa rehiyong ito.
Ang Singapore ang may pinakamataas na pag-unlad.
3. Ang bansang …… sa Silangang Asya ay may pinakamataas na antas ng Per
Capita GDP samantalang sa Timog Silangang Asya ay ang …..
Sagot: May pinakamataas na Per Capita GDP ang Japan sa Silangan Asya
at Singapore naman sa Timog Silangan Asya.
4. Ang bansang…. Sa Silangang Asya ay may pinakamababang antas ng Per
Capita GDP samantalang sa Timog Silangang Asya ay ang …..
Sagot: May pinakamababang antas ng Per Capita GDP ang China sa
Silangan Asya at Philippines naman sa Timog Silangang Asya.
5. Ang mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya batay sa talahanayan
ng Per Capita GDP 1960-2000 ay nagpapatunay na…….
Posibleng Sagot: Ang mga bansa sa dalawang rehiyon na ito ng Asya ay
nagkaroon ng pagsulong sa ekonomiya bagamat magkakaiba ang antas na
kanilang naranasan.
6. Ang pagkakaroon ng mataas na Per Capita GDP ay indikasyon ng …….
Sagot: Ang pagkakaroon ng mataas na Per Capita GDP ay indikasyon na
sumusulong ang kalagayang pangkabuhayan ng isang bansa.
GAWAIN BLG 8: NEOKOLONYALISMO
Naunawaan mo na ang Asya ay minsang pinaghati-hatian ng mga
mananakop na kanluraning bansa.Gumamit ang mga Asyano ng mapayapa at
marahas na pamamaraan upang makamit nila muli ang kalayaan. Subalit masasabi
nga bang ganap na naging malaya ang bawat bansa matapos silang makapagtatag
ng kanilang sariling pamahalaan? Sa pagwawakas ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig ay nagkaroon ng bagong paraan ng pananakop na tinatawag na
20
Neokolonyalismo. Ito ay ang di-tuwirang pagkontrol sa isang malayang bansa ng
isang ng isa pang makapangyarihan.
Ang bansang Japan matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay
nakaranas ng neokolonyalismo mula sa United States of America. Ang iba pang
bansa tulad ng Vietnam at Pilipinas ay tulad din ng naranasan ng Japan. Ang
pagkakaloob ng tulong pinansiyal, militar ay ilan lamang sa anyo ng
neokolonyalismo. Sa aspektong ito, lumalabas na tinutulungan ng mga kapitalistang
bansa o maunlad na bansa ang mga dating kolonya na kalimitan ay nasa Asya at
Aprika. Nagkakaroon ng mga kasunduang legal sa magkabilang bansa upang
maging posible ang pagbibigay at pagtanggap ng mga tulong na ito. Sa kabilang
banda, hindi maitatanggi na labis din ang kapakinabangang tinatamasa ng mga
kapitalistang bansa sa ganitong sitwasyon. Tinatamasa ng mga maunlad na bansa
na makapagtaguyod at makapamuhunan sa mga bansang kanilang tinutulungan.
Ang impluwensiyang pulitikal, sosyal, kultural ng mga neokolonyalistang bansa ay
masasalamin pa rin sa bansang kanilang tinulungan. Ang mga institusyon katulad ng
International Monetary Fund (IMF), World Bank (WB) at maging United Nations (UN)
ay sinasabing instrumento ng neokolonyalismo. Ang kulturang kanluranin ay bahagi
ng halos lahat ng bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya.Ito ay isang matibay
na patunay na niyakap ng mga Asyano ang kanilang kalinangan.Pinatutunayan din
nito ang pananatili ng kontrol o kung di-man ay ang impluwesiya ng mga dating
mananakop na bansa.
PAMPROSESONG TANONG
1. Ano ang Neokolonyalismo?
Sagot: Ang Neokolonyalismo ay ang di-tuwirang pagkontrol sa isang
malayang bansa ng isang ng isa pang makapangyarihan.
2. Nagaganap pa ba ang Neokolonyalismo sa kasalukuyan?
Patunayan?
Sagot: OO.Ito ay mapatutunayan sa pamamagitan ng pagkakaroon
kontrol/impluwensiya sa mga bansa sa Asya ng mga
Kanluraning bansa sa aspektong pangkabuhayan, pampolitika,
pang militar at pangkultura.
3. Bakit itinuturing ang mga institusyon katulad ng International
Monetary Fund (IMF), World Bank (WB) at maging United Nations
(UN) na instrumento ng neokolonyalismo?
Sagot: Ito ay sapagkat nagkakaloob ang mga ito ng tulong
pinasiyal sa mga bansa sa Asya na nagiging dahilang ng kanilang
direktang panghihimasok sa sistemang pampulitika at
pangkabuhayan.
Ngayon na maliwanag na sa iyo ang tinatawag na
neokolonyalismo, tiyak na may iba kang pagtingin at saloobin sa
21
isyu na ito. Ilahad mo ang iyong pananaw at saloobin sa
pamamagitan ng iyong aktibong paglahok sa susunod na gawain.
GAWAIN BLG 9: WHAT’S ON YOUR MIND?
Sa pamamagitan ng “One Minute Essay” bubuuo ang mga mag-aaral ng
isang sanaysay tungkol sa mga sumusunod na paksa.
a. Neokolonyalismo: Mabuti o di mabuti para sa mga Asyano?
b. Globalisasyon: Isang Paraan ng Neokolonyalismo?
Rubrics sa Pagsulat ng Sanaysay
Naging mahusay ba ang ginawa mong essay batay sa iyong nakuhang puntos?
Anong paksa ang iyong napili? Sigurado ako na malaya mong nailahad ang iyong
Puntos Lebel Pamantayan: Katangian ng Isinulat na Komposisyon
10 Napakahusay • Buo ang kaisipan, konsistent, kumpleto ang detalye ng
kaganapan sa kasaysayan na tinalakay
• Malinaw ( hindi na manghuhula pa ang babasa kung ano ang
layunin ng sumulat) at nakabatay sa tunay na pangyayari
• Gumamit ng wastong bantas.
8 Mahusay • May kaisahan at may sapat na detalye ng kaganapan sa
kasaysayan na tinalakay na nakabatay sa tunay na pangyayari
• May malinaw na intensyon na makapagbihay ng mensahe na
nakabatay sa kasaysayan
• Gumamit ng wasong bantas
6 Katamtaman • Konsistent, may kaisahan, kulang sa detalye ng kaganapan sa
kasaysayan,
• Di-gaanong malinaw ang intensyon
• Gumamit ng wastong bantas
4 Mahina • Hindi ganap ang paglalahad ng detalye ng kaganapan sa
kasaysayan
• Di-malinaw ang intensyon
• Hindi wasto ang bantas na ginamit
2 Napakahina • Hindi buo at konsistent, walang sapat na detalye ng kaganapan
sa kasaysayan
• Malabo ang intensyon
• Di-wasto ang bantas
22
saloobin at opinyon.Ipagpatuloy mo na muli ang iyong pag-aaral, ngayon naman ay
alamin mo ang mahalagang kontribusyon ng mga babae sa pagbabagong naganap
sa Asya.Handa ka na ba? Simulan mo na ang pagbabasa.
GAWAIN BLG 10: ANG KABABAIHAN SA KASALUKUYANG ASYA
Ang ika-16 hanggang 20 siglo ay nagsilbing oportunidad sa mga
kababaihan para mapalawak ang kanilang papel sa lipunan at maitaguyod ang
mataas na paggalang at pagkilala. Kilalanin ang ilan sa kanila.
Pangalan Bansa Mahalagang Nagawa
Mitsu Tanaka Japan Nagtatag ng Garrupo
Tatakan Onuatachi
(Fighting Women Group) at
layong tutulan ang abortion
at itaguyod ang mga
karapatan ng babae.
Corazon Aquino Philippines Unang babaeng pangulo ng
bansa at kinikilala bilang Ina
ng Demokrasya.
Aung San Suu Kyi Burma Pinuno ng National League
for Democracy at Nobel
Peace Laureate
Megawati Sukarnoputri Indonesia Unang babaeng pangulo ng
Indonesia
23
Mapupuna na maraming kababaihan na ang tumanyag sa ibat-ibang larangan
maliban sa mga nabanggit .Isa itong malaking tagumpay ng mga babae sa rehiyon
na minsan na itinuring na di gaanong mahalaga.Itinaguyod na din ng ibat-ibang
bansa sa kanilang saligang batas ang mga karapatan ng babae na layuning
maitaguyod ito para sa kanilang kapakanan.Hindi rin matatawaran ang malaking
naiambag ng mga babae sa pag-akyat ng ekonomiya ng kanilang bansa.Sa Pilipinas
ang grupong Gabriela ay kilala sa pakikipaglaban sa karapatan ng mg babae. Isa ito
sa party list ng Kongreso ng Pilipinas.
PAMPROSESONG TANONG
1. Bakit maituturing na kahanga-hanga ang mga nagawa nang mga kababaihan
na nabanggit sa tsart?
Sagot : Ang mga nabanggit na kababaihan ay nagsilbing halimbawa ng
katatagan, kahusayan sa iba pang mga babae sa kanilang bansa.
2. Maituturing mo bang mahalaga sa kasalukuyang panahon ang
ginagampanan ng mga kababaihan? Bakit?
Sagot: OO, Sapagkat ang mga babae sa kasalukuyang panahon ay may
kakayanan ng gampanan ang mga tulad na gampanin ng mga kalalakihan
tungo sa pag-unlad ng kanilang bansa.
Batid mo ba ang iba’t ibang isyu na kinasasangkutan ng mga babae sa
kasalukuyang panahon? Ano ang opinyon at saloobin mo ukol dito? Ipahayag mo
ito sa pamamagitan ng paglahok mo sa susunod na gawain.
GAWAIN BLG 11: PUNTO DE BISTA! Pag usapan sa inyong pangkat
ang mga isyu na kinakaharap ng mga kababaihan sa kasalukuyan. Gamitin
ang tsart sa ibaba matapos ang talakayan.
Isyu Dapat Di-dapat Paliwanag
1. Paglahok ng babae
sa pulitikal
2. Pagtatrabaho ng
babae sa labas ng
bansa
3. Abortion
4. One Child Policy
5. RH Bill
24
Paalala: Upang higit na maging masigla ang talakayan sa klase, maaari ring gamitin
ang mga nabanggit na paksa sa porma ng debate. Maaari din na gamitin ang
pamamaraang small group discussion upang matiyak na ang bawat pananaw at
saloobin ay mapakikinggan. Hangarin nito na maiugnay sa aralin ang mga
kontemporaryong isyu na kinasasangkutan ng mga kababaihan.
Kamusta ang naging talakayan ninyo sa pangkat? Marahil ay masasabi mong tunay
na hindi madali ang papel ng isang babae at tunay na siya ay mahalaga sa bansa.
Ang pagkakaroon ng edukasyon ng mga bansa sa Asya ay masasabing isang
mahalagang salik sa pagbabagong pananaw na ito sa kahalagahan ng babae sa
bansa. Alamin mo sa susunod na gawain ang antas ng edukasyon ng mga bansa sa
Silangan at Timog Silangang Asya.
GAWAIN BLG 12: ANG KAHALAGAHAN NG EDUKASYON SA MGA
ASYANO
Itinuturing ng maraming Asyano ang edukasyon na isa sa kanilang
pangunahing pangangailangan. Naniniwala sila na ito ay isang tiyak na paraan para
maiahon ang kanilang sarili buhat sa kahirapan.Sa kabilang banda, marami pa ring
Asyano ang walang sapat na edukasyon kung ikukumpara sa iba pang kontinente
sa daigdig ayon sa UNESCO. Tunghayan ang talahanayan kaugnay sa Illeteracy
Rate Adult sa Silangan at Timos Silangang Asya
Education: Illiteracy Rate Adult (% of Females/ Male Ages 15 and above)
Bansa 1970 1980 1990 2000
Silangang Asya B L B L B L B L
China 64.48 33.84 47.82 22.02 33.08 13.55 23.72 8.34
Hongkong 35.29 7.88 23.76 5.98 5.63 4.65 9.83 3.46
Japan
South Korea 19.89 6.26 11.07 3.15 6.56 1.61 3.59 0.86
Timog Silangang
Asya
Brunei 58.78 27.6 32.54 14.83 20.6 8.99 11.9 5.42
Cambodia 74.4 28.88 62.31 25.05 51.9 22.16 42.89 20.22
Indonesia 56.08 40.53 27.41 18
Malaysia 54.09 29.78 37.54 19.87 25.52 13.05 16.56 8.57
Myanmar 43.39 16.68 34.11 14.53 25.69 12.62 19.47 11.05
Philippines 18.29 14.59 12.09 10.06 8.12 7.06 4.87 4.54
Thailand 27.29 11.99 17.37 7.5 10.51 4.64 6.12 2.85
25
Singapore 40.46 14.1 26.19 8.67 16.73 5.51 11.62 3.73
Vietnam 27.63 8.93 19.2 6.68 13.1 5.51 8.62 4.46
Legend: B – babae L - lalaki
Marahil ay nagtataka ka kung bakit wala sa tahanayan sa Silangang Asya
ang Japan. Ito ay sa kadahilanang halos lahat ng mamamayan dito ay nakababasa
at nakasusulat na siyang naging instrument nito sa pag-unlad.Para palalimin pa ang
iyong kaalaman dito, basahin ang Batayang Aklat, Asya Pag usbong ng
Kabihasnan, mga pahina 368-376.
PAMPROSESONG TANONG
1. Aling bansa sa Silangang Asya at Timog Silangang Asya ang may
pinakamataas na illiteracy rate?
Sagot: Ang China ang may pinakamataas na illiteracy rate sa Silangan Asya,
babae man o lalaki. Ang bansang Indonesia ang katumbas ng China sa
rehiyon ng Timog Silangan Asya.
2. Aling bansa sa Silangang Asya at Timog Silangang Asya ang may
pinakamababa na illiteracy rate?
Sagot: Maliban sa Japan,ang bansang South Korea ang nagtataglay ng
pinakamababang illiteracy rate.Sa Timog Silangan Asya ang ating bansa ang
may pinakamababang illiteracy rate para sa kababaihan.Sa mga kalalakihan
naman ang bansang Singapore ang may pinakamababa sa rehiyon.
3. Anong konklusyon ang mahihinuha mula sa talahanayang sinuri?
Posibleng Sagot: Ang mamamayan sa Silangan at Timog Silangan Asya
mula 1970 – 2000 ay patuloy na bumababa ang ilIiteracy rate. Pinatutunayan
nito na tumataas naman ang bilang ng literate rate o mga nakababasa at
nakasusulat, indikasyon ng pagkakaroon ng pormal na edukasyon.
4. Paano nakaaapekto sa mga bansang nabanggit ang pagkakaroon ng mataas
na illiteracy rate? o mababang illiteracy rate?Ipaliwanag.
Sagot: Ang pagkakaroon ng mataas na illiteracy rate ng isang bansa ay
maaaring makasagabal sa paghahangad nitong umunlad. Ito ay sapagkat
limitado ang maaaring maging partisipasyon ng mga mamamayang iyon
tungo sa pag-unlad ng bansa. Samantala, ang mga bansa naman na may
mababang illiteracy rate ay malaki ang tsansa na maging mabilis ang
pagsulong ng kabuhayan nito. Magiging kapakipakinabang sa loob at labas
ng bansa ang mga mamamayan nito na may pinag-aralan sapagkat mas
malaki ang oportunidad na makahanap ng maayos na trabaho.Mapupuna sa
talahanayan, ang mga bansang mababa ang illiteracy rate ay ang mga bansa
rin na may mataas na antas ng pamumuhay at matatag na ekonomiya.
26
5. Ano ang mga mungkahi mong solusyon para mabawasan ang di marunong
bumasa at sumulat sa ating bansa? Ipaliwanag ito.
Posibleng Sagot: Pagbibigay prayoridad ng pamahalaan sa mga suliraning
kinakaharap ng sektor ng edukasyon. Mahigpit na pagpapairal sa
itinatadhana ng saligang batas kaugnay sa probisyon nito tungkol sa
edukasyon at ang karapatang makapag-aral ng bawat kabataang Pilipino.
GAWAIN BLG 13: ASK ME WHY? Sa pamamagitan ng pamamaraang
Debate, pag-usapan sa klase ang isyu na:
“Ang Edukasyon ay Susi sa Kaunlaran ng isang Bansa”
Rubrics for Debate
Pamantayan Napakahusay
(3 puntos)
Mahusay
(2 puntos)
Nagsisimula
(1 punto)
Posisyong pinili
20%
Natukoy nang malinaw
ang kalabasan ng
posiyong pinili
Natukoy ang posisyon
subalit may ilang
kalalabasang posisyon
ang hindi malinaw
Hindi malinaw ang
posisyon
Batayan ng mga
pahayag
25%
Ibinatay sa datos ng
kasaysayan.
Ibinatay sa kultura,
kinagisnang paniniwala
o instinct
Ibinatay sa
nararamdaman o
emosyon
Kaugnayan ng mga
pahayag sa paksa
30%
Ang mga pahayag ay
nagpapamalas ng
lubos na pagkaunawa
sa posisyon o
argument
May ilang pahayag na
walang kaugnayan sa
paksa
Ang mga pahayag ay
napapamalas ng
walang pagkaunawa sa
paksa
Paninnindigan sa
posisyong pinili
25%
Matatag ang
paninindigan sa
posisyong pinili
May kaunting agam-
agam sa posisyong
pinili
Hindi napanindigan ang
posisyong pinili
Maliban sa edukasyon, ang relihiyon ay may mahalagang ginampanan din sa
pagbabagong naganap sa Asya, alamin mo ito sa susunod na gawain.
GAWAIN BLG 14: ANG RELIHIYON SA ASYA SA IBAT IBANG
ASPETO NG PAMUMUHAY
27
Sa Silangang Asya ay nananatiling matatag ang Buddhism, Shintoism,
Confucianism, at Taoism bilang relihiyon. Samantala sa Timog Silangang Asya ang
Islam at Kristiyanismo ay mababakas pa rin. Sa paglipas ng panahon, napatatag ng
mga relihiyong ito ang pamilyang Asyano. Sa ilang pagkakataon ito ay sanhi rin ng
pagbubuklod tungo sa pagbabagong pampulitika. Sa Pilipinas noong 1986 ay
nagtagumpay ang mga pari at madre na bigkisin ang sambayanang Pilipino upang
maipakilala sa daigdig ay isang mapayapang rebolusyon. Ang EDSA People Power
Revolution ay ang sanhi ng pagpapatalsik kay dating Pang.Marcos. Bagamat sa
ilang pagkakataon ang di pagkakaunawaan sa ilang bansa ay nag-uugat din sa
aspektong panrelihiyon tulad ng sa Mindanao at East Timor.
PAMPROSESONG TANONG
1. Ano-ano ang mga relihiyong umiiral sa Silangan sa Silangan at Timog
Silangang Asya?
Sagot: Ang mga relihiyon sa Silangang Asya ay ang Buddhism, Shintoism,
Confucianism, at Taoism samantalang sa Timog Silangang Asya ang Islam at
Kristiyanismo.
2. Bakit itinuturing na mahalaga ang relihiyon sa aspeto ng pamumuhay sa
mga Asyano?
Sagot: Mahalaga ito sapagkat nagsisilbing gabay ng mga mamamayan at
maging ng pamahalaan sa mahahalagang pagpapasya na gagawin ng mga
ito.
3. Naniniwala ka ba na nanatiling makapangyarihan ang simbahang Katoliko
sa Pilipinas? Patunayan.
Sagot: OO,sapagkat may mga usapin sa pamamahala na patuloy na
naiimpluwensiyahan ng simbahan halimbawa nito ay ang RH Bill.
GAWAIN BLG 15: WHAT’S YOUR STAND? YES OR NO CARD. Itataas
ang YES card ng mga mag-aaral kung sumasang-ayon sila sa pahayag at NO
card kung tutol sila dito.Ipapaliwanag nila ang kanilang sagot.
OO HINDI PALIWANAG
1. Pagkakaroon ng opisyal na
relihiyon ng isang bansa.
2. Panghihimasok ng simbahan sa
gawaing pulitikal
3. Paglahok sa halalan ng mga alagad
ng simbahan
4. Pagganap sa mga gawaing
pansibiko ng simbahan
5. Pagpapahintulot sa mga babae na
mamuno sa simbahan.
28
Paalala: Sa gawaing ito ay walang maling kasagutan. Hangarin nito na maiugnay
ang tinalakay na aralin sa mga kontemporaryong isyu kaugnay sa gampanin ng
simbahan o relihiyon sa pamumuhay ng tao at bansa sa kabuuan. Ang
pamamaraang Debate, Small Group Discussion, pagsulat ng essay ay maaari ding
isagawa para sa pagtalakay ng mga nabanggit na isyu.
Tunay na malaki ang ginampanan ng relihiyon sa paghubog ng buhay sa Asya.
Hindi lamang ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig ang naiambag ng Asya
kundi maging ang mga katangi-tangi nitong mga mamamayan. Kikilanin mo ang ilan
sa mga asyanong hinangaan sa daigdig, ipagpatuloy mo ang gawain.
GAWAIN BLG 16: PAMANA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG
ASYA SA DAIGDIG
Ang Silangan at Timog Silangang Asya ay binigyan ng mga
mahuhusay na mamamayang nakilala sa ibat-ibang dako ng daigdig.
Hinahangaan ang kanilang husay at galing sa larangan ng isports at
panitikan. Ang ilan sa kanila ay makikita sa talahanayan
Kontribusyon Bansa Larangan
1. Lydia De Vega –Mercado Philippines Athletics
2. Paeng Nepomuceno Philippines Bowling
3. Efren “Bata” Reyes Philippines Billiards
4. Manny Pacquiao Philippines Boxing
5. Viswanathan Anaud India Chess
6. Yao Ming China Basketball
7. Jung Koo Chang Korea Boxing
8. Murashaki Shikibu Japan Panitikan
9. Gao Xingjian China Panitikan
Pamana din ng Silangan at Timog Silangang Asya ang orkestrang Gamelan
sa Indonesia, ang dulang Noh at Kabuki ng Japan. Ang mga ito ay lalong
nagpatanyag sa rehiyon ng Asya sa daigdig. Pinatunayan ng mga ito ang pagiging
malikhain ng mga Asyano.
Kahanga-hanga sila di ba? Tulad nila kaya mo ring magtagumpay kung
paghuhusayan mo pa ang iyong pag-aaral at patuloy mong tutuklasin ang iyong
kakayanan. Tignan natin kung paano mo mailalahad ang iyong pagmamalaki bilang
isang Asyano.
29
GAWAIN BLG 17: PROUD TO BE ASIAN!
Kaugnay sa mga naunawaan mong ambag ng Silangan at Timog Silangang
Asya sa kabihasnan, buuin ang talata sa pamamagitan ng paglalagay ng mga salitang
bubuo sa diwa nito.
Ang Silangan at Timog Silangang Asya ay__________________________ sa
daigdig____________________na dapat nitong____________________________.
Pinatunayan ng mga mamamayan sa rehiyong ito ng Asya na ________________. Bilang
kabataan ng kasalukuyang henerasyon nais kong _______________ upang patuloy na
____________ ang Silangan at Timog Silangang Asya sa daigdig. Magagawa kong
______________ ang mga ambag na ito ng Silangan at Timog Silangang Asya sa
pamamagitan ng _______________________.
Posibleng Sagot: Ang Silangan at Timog Silangan Asya ay nakilala sa daigdig dahil sa
naiambag nito sa kabihasnan na dapat nitong ipagmalaki. Pinatunayan ng mga
mamamayan sa rehiyong ito ng Asya na may kakayanan silang makipagsabayan o manaig
sa daigdig sa anumang larangan. Bilang kabataan ng kasalukuyang henerasyon nais kong
maipagmalaki ang mga natatanging ambag na ito ng mga Asyano sa rehiyon upang patuloy
na hangaan at tumanyag ang Silangan at Timog Silangang Asya sa daigdig. Magagawa
kong mapahalagahan ang mga ambag na ito ng Silangan at Timog Silangang Asya sa
pamamagitan ng pagbabahagi ng aking kaalamang natamo sa iba na di lubos na
nakakaalam tungkol dito. Maaari ko rin na gawing inspirasyon ang mga ito upang
matuklasan at mapaghusay ko din ang aking kakayanan.
30
Bago ganap na iwanan ng mga mag-aaral ang yugtong ito ng modyul
ay kanilang babalikan ang naging kasagutan sa IRF Worksheet at Poll
Opinyon. Mahalagang makita, maiwasto ng mga mag-aaral ang kanilang
kasagutan sa unang bahagi ng IRF.Ilalagay ng mga mag-aaral sa Revised na
kolum ang kanilang kaisipang nabuo matapos ang mga gawain at paksang
natalakay. Gagawin lamang ng mga mag-aaral ang pagpapalit ng sagot kung
may pangangailangan. Sa Final na kolum naman ng IRF ay kanilang ilalahad
ang tiyak na kasagutan sa tanong sa tulong ng mga tiyak na datos. Kapag
nagawa na ng mga mag-aaral ito ay ganap nang mabubuo ang IRF
Worksheet. Sa puntong iyon ay mapatutunayan kung nagkaroon ng pagkatuto
ang mga mag-aaral sa mga paksang natalakay.Samantala sa Poll Opinyon na
Gawain ay inaasahan na mababago ang datos ng bilang sapagkat sinagot ng
mga mag-aaral ito sa panahong hindi pa ito lubos na natatalakay ang paksa
kung kaya’t maaaring di pa noon tiyak ang kanilang sagot. Narito ang tamang
sagot para sa Gawain 2: 1. Oo , 2. Hindi , 3. Oo , 4. Oo , 5. Oo , 6. Oo , 7. Oo.
Kung ang mga mag-aaral ay nagbigay ng ibang sagot sa inaasahan
nangangahulugan na may pangangailangan na ito ay dapat maiwasto.
Pagnilayan at Unawain…………..
GAWAIN BLG 18: ALAM KO NA! Paghambingin mo ang mga
pagababagong naganap sa Silangan at Timog Silangang Asya gamit ang
Compare ang Contrast Diagram.
Kaugnay sa:
Pamahalaan
Ekonomiya
Edukasyon
Relihiyon
Kontribusyon
31
Sa bahaging ito ng modyul ay inaasahang higit pang palalalimin at palalawakin
ang kaalamang natamo ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga karagdagang
Gawain na maibibigay pa sa mga ito. Ang ilan sa mga gawaing ito ay tulad ng
pagsasaliksik, pagbibigay ng lektura, pag-aanyaya ng tagapagsalita na may higit na
kaalaman sa paksa at marami pang iba. Ang pagbibigay ng mapaghamong katanungan
sa mga mag-aaral ay dapat ding isagawa upang matiyak ang kabuuang natutuhan
kaugnay sa paksa. Ang mga agam-agam ng mga mag-aaral sa yugto ng Alamin ay
inaasahang nahawan na sa pagtatapos ng yugtong ito. Ang kabuuan ng paksa ay lubos
nang nalinang at naunawaan ng mga mag-aaral bago magsimula sa susunod na yugto.
Paksa 1: Silangang Asya Paksa 2: Timog Silangang Asya
Paano nagkakatulad?
Paano nagkakaiba?
Ibahagi sa klase ang natapos na gawain.
Posibleng Sagot: Pagkakatulad: Ang mga bansa sa Silangan at Timog Silangan
ay nakaranas ng pagbabago sa uri ng pamahalaan na umiiral sa kanilang bansa
matapos ang pagkamit ng kalayaan mula sa bansang nanakop sa kanila. Ang
kalagayang pangkabuhayan din ng mga bansa sa dalawang rehiyon ay unti-unting
umunlad bagamat ang kanilang antas ay di magkakapantay. May ilang mga bansa
partikular sa Silangan Asya tulad ng Japan ang nakasasabay sa pandaigdigang
pamantayan kaugnay sa pag-unlad. Ang edukasyon ay isa ring prayoridad ng mga
bansa sa rehiyon,masasalamin sa kasalukuyan ang pagdayo ng mga mag-aaral
buhat sa isang bansa tungo sa iba pang bansa sa rehiyon para sa layuning
pagkatuto. Ang relihiyong katutubo at dala ng mga kanluranin tulad ng Kristiyanismo
ay nananatiling matatag at maimpluwensiya sa kani-kanilang bansa. Sa larangan ng
kontribusyon sa daigdig nagpatuloy ang mga bansa sa rehiyong ito na
makapagbahagi ng kanyang husay at talento.
Pagkakaiba: Pamahalaan: Ang mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya
ay may magkakaibang uri ng sistemang pulitikal na pinaiiral bagamat sila ay nasa
iisang rehiyon. Ito ay kanilang ibinatay sa karanasang politikal sa nakaraan at
kasalukuyan.Malaki din ang ginampanan sa pagbabagong ito ng kagustuhan ng tao
sa kanilang bansa.
Ekonomiya: Ang mga bansa sa Silangan Asya ay higit na mas maunlad kaysa sa
mga bansa sa Timog Silangang Asya. Ang usaping politikal, kultural,
pangkapayapaan ay ilan lamang sa mga salik kung bakit napag-iwanan ang mga
bansa sa Timog Silangan Asya kumpara sa kabilang rehiyon.
Edukasyon: Ang edukasyon sa Silangan Asya ay higit na mas mataas ang antas ng
kaalaman kumpara sa mga bansa sa Timog Silangan Asya.Ang katatagan ng
kalagayang pangkabuhayan ay nakaaapekto sa pagsulong ng edukasyon sa
rehiyon. Mapupuna na ang mga maunlad na bansa ay ang siya ring may mataas na
kamuwangan sapagkat natutugunan ng mga ito ang pangangasilangan ng kanilang
mga mamamayan.
Relihiyon: Ang Silangang Asya ay patuloy na nanatiling tumangkilik sa mga
relihiyong nag-ugat sa dito tulad ng Buddhism, Confucianism, Shintoism, Taoism. Sa
Timog Silangang Asya ay nanatiling maimpluwensiya ang Buddhism, Islam at
Katolisismo. Ang dalawang huli ay hatid ng pakikipagkalakalan at kolonyalismo.
Kontribusyon sa Daigdig: Ang rehiyon ng Silangan at Timog Silangan Asya ay
nakapag-ambag husay at talento sa iba’t ibang larangan tulad sining, palakasan at
humanidades.
32
Napakarami mo ng natutuhan mulsa mga aralin at gawain sa mga naunang pahina.
Sigurado ako na marami kang bagong natuklasan tungkol sa Silangan at Timog
Silangang Asya,sa susunod na gawain muling susubukin ang mga natutuhan mong
ito,ipagpatuloy mo ang pagsagot
GAWAIN BLG 19: TUKLASIN MO!
1. Kilalanin ang mga personalidad na tumanyag sa Silangan at Timog
Silangang Asya bunsod sa mga pagbabagong naganap dito mula sa
tradisyunal at makabagong panahon sa pamamagitan ng pagsasaliksik.
Ang iba’t ibang aklat,babasahin at internet websites ay maaaring isaalang-
alang sa gawaing ito.
2. Pumili ng graphic organizer na iyong magagamit upang maipakita ang
mahahalagang detalye ng iyong sinaliksik.
3. Ibahagi ito sa klase bago ganap na isumite sa guro
Paalala: Hangarin ng gawaing ito na mahasa ang kakayanan ng mga
mag-aaral sa pangangalap ng datos sa pamamaraang
pasaliksik.Gayundin,hangad nito na higit pang madagdagan ang
kaalaman ng mga mag-aaral sa paksa na hindi lubusang naipakita sa
teksto ng modyul at maging batayang aklat.
PAMPROSESONG TANONG
1. Bakit tumanyag ang mga nabanggit na personalidad?
Posibleng Sagot: (depende sa nasaliksik ng mag-aaral) Tumanyagt ang
mga nasabing personalidad sapagkat kinilala sila sa asya at daigdig
bunsod ng kanilang ipinakitang kakayahan at pagmamahal sa bayan.
2. Paano mo tutularan ang mga nagawa nila ?
Posibleng Sagot: Matutularan ko sila sa pamamagitan ng pagpapabuti
ko sa aking pag-aaral at patuloy na paghasa sa aking natatanging
kakayahan.
3. Nakatulong ba sila sa pagbabagong naganap sa Asya? Patunayan.
Posibleng Sagot: Sa palagay ko ay oo, sapagkat dahil sa kanila ay
nabago ang imahe ng Asya sa daigdig. Nagsilbi rin silang malaking
inspirasyon sa Asya at daigdig upang tularan ng marami.
33
Dito nagtatapos ang yugto ng Pagnilayan at Unawain.Sa puntong ito
inaasahan na natalakay at naunawaan na ng mga mag-aaral ang
paksa at sagot sa pangunahing tanong na bubuod sa kabuuan ng
aralin. Handa na ang mga mag-aaral na sagutin at isagawa huling
bahagi ng modyul ay ang Ilipat at Isabuhay.
Good Luck!
Ilipat at isabuhay…….
Ilalahad sa mga mag-aaral ang sitwasyong ito:
Bunsod ng iba’t ibang suliraning kinakaharap sa Silangang Asya at Timog –
Silangang Asya nagpasya ang mga bansang bumubuo dito na magdaos ng isang
kumperensiya upang talakayin ang mga naturang suliranin. Bilang isang kinatawan
ikaw ay inaasahang makapagbigay ng mga mungkahi kung paano lulutasin ang
mga nasabing suliranin. Ang iyong mga mungkahi ay ilalahad sa mga iba pang
kinatawan ng kumperensiya sa pamamagitan ng power point presentation. Ang
iyong mungkahi ay mamarkahan batay sa mga sumusunod na pamantayan:
kaalaman sa paksa, pinaghalawan ng datos, organisasyon, presentasyon,
kaangkupan ng mungkahi.
Goal: Talakayin ang mga suliranin ng kinakaharap ng Silangan at Timog –
Silangang Asya
Role: Kinatawan ng isang bansa
Audience: Iba’t ibang kinatawan mula sa ibang bansa ng dalawang rehiyon
Situation: May mga suliraning kinakaharap ang mga bansa sa Silangan at Timog –
Silangang Asya na kailangang mabigyan ng agarang solusyon
Performance: Makapaglahad ng proposal sa pamamagitan ng powerpoint
presentation
34
Ito ang huling bahagi ng modyul. Sa yugtong ito ng modyul ay
inaasahan ang mga mag-aaral na makapagsasagawa ng isang
perpormans o makagagawa ng isang produkto na magpapamalas
ng kanilang natutuhan sa buong modyul. Sa gawaing ito ay
masusukat ang tinamong kaalaman ng mga mag-aaral sa mga
nakaraang modyul.Gagamit ng rubrics sa pagmamarka ng gawa
ng mga mag-aaral. Ang pamamaraang GRASPS ay ginamit sa
bahaging ito.
Standards: Kaalaman sa paksa, pinaghalawan ng datos, organisasyon,
presentasyon, kaangkupan ng mungkahi
35
Kriterya 4 3 2 1
Kaalaman sa
Paksa
Higit na
nauunawaan
ang mga
paksa. Ang
mga
panguhaning
kaalaman ay
nailahad at
naibigay ang
kahalagahan,
wasto at
magkaka-
ugnay ang
mga
impormasyon
sa kabuuan.
Nauuwanaan
ang paksa ang
mga
pangunahing
kaalaman ay
nailahad
ngunit di-
wastoang ilan:
may ilang
impormasyon
na hindi
maliwanag ang
pagkakalahad.
Hindi gaanong
maunawaan
ang paksa.
Hindi lahat ng
pangunahing
kaalaman ay
nailahad may
mga maling
impormasyon
at hindi
naiugnay ang
mga ito sa
kabuuang
paksa.
Hindi
maunawaan
ang paksa ang
mga
pangunahing
kaalaman ay
hindi nailahad
at natalakay at
walang
kaugnayan
ang mga
pangunahing
impormasyon
sa kabuuang
Gawain.
Pinaghalawan
ng Datos
Binatay sa
iba’t ibang
saligan ang
mga kaalaman
tulad ng mga
aklat,
pahayagan,
video clips,
interview, radio
at iba pa.
Ibinatay sa
iba’t ibang
saligan ang
mga
impormasyon
ngunit limitado
lamang.
Ibinatay
lamang ang
saligan ng
impormasyon
sa batayang
aklat lamang.
Walang
batayang
pinagkunan at
ang mga
impormasyon
ay gawa-gawa
lamang.
Organisasyon Organisado
ang mga
paksa at sa
kabuuan
maayos ang
presentasyon
ng Gawain ang
pinag-sama-
samang ideya
ay malinaw na
naipapahayag
at natatalakay
gamit ang mga
makabuluhang
powerpoint
presentation.
Organisado
ang mga
paksa sa
kabuuan at
maayos na
presentaasyon
ngunit di
masyado
nagamit ng
maayos ang
powerpoint
presentation.
Walang
interaksyon at
ugnayan sa
mga kasapi.
Walang
malinaw na
presentasyon
ng mga paksa.
May
powerpoint
presentation
ngunit hindi
nagamit at
nagsilbi
lamang na
palamuti sa
pisara?
Di organisado
ang paksa.
Malinaw na
walang
preperasyon
ang paksa.
Presentasyon Maayos ang
pagkakalahad.
Namumukod
tangi ang
pamamaraan,
malalakas at
malinaw ang
pagsasalita
sapat para
marinig at
maintindihan
ng lahat.
Maayos ang
paglalahad.
May ilang
kinakabahan
at may
kahinaan ang
tinig.
Simple at
maikli ang
presentasyon.
Ang
paglalahad ay
hindi malinaw.
Walang
gaanong
presentasyon.
Kaangkupan ng Ang mga Ang mga May ilang Maraming mga36
Glosari
Demokrasya Taglay ng sambayanan ang kapangyarihan ; May representasyon
ang ibat ibang sektor ng lipunan sa pamahalaan ; May kalayaan
sa pagpapahayag at pagbuo ng mga samahan ; Nagtataglay at
kinikilala ang karapatang pantao at katarungang panlipunan ;
May mga legal na partido ng oposisyon ; Kinikilala ang proseso
ng pamamaraan sa pagpapairal ng hustisya.
Economic Crisis Suliraning pangkabuhayan na naranasan sa Silangan at Timog
Silangan Asya noong 1997
Economic Miracle Tumutukoy sa mabilis na industriyalisasyon natamo sa mga
37
bansang Singapore, South Korea, Hongkong at Taiwan
Gabriela Party List sa Pilipinas na nagtataguyod ng karapatan ng mga
babae
Garuppo Tatakan
Onuatachi
Itinatag ni Mitsu Tanaka ng Japan na layuning tutulan ang
abortion at itaguyod ang karapatan ng mga kababaihan
Illeteracy Rate Bilang ng mga di marunong bumasa at sumulat sa isang bansa o
lugar
Konstitusyonal May takda ang kapangyarihan ng pinuno na nakabatay sa isang
Saligang Batas ; Figure Head o simbolikong pinuno lamang ang
monarka
Militar Pinangangasiwaan ng isang junta o pangkat ng matataas na
opisyal ng hukbong sandatahan ; Pinaiiral bilang tugon sa
kaguluhang putikal sa bansa ; Walang pinapanigan at di-kaanib
sa anumang partidong pulitikal
Monarkiya Pamumuno ng isang tao sa partikular na estado ; Minana ang
karapatan sa pamumuno
Neokolonyalismo Di-tuwirang pagkontrol sa isang malayang bansa ng isang
makapangyarihang bansa
One Party
Government
Nag-iisang partidong pulitikal ang may kapangyarihan na bubuo
sa pamahalaan ; Pumapailalim sa isang nangungunang partido
ang iba pang partido kung sakaling ito at ay papahintulutan ng
una ; Ipinagbabawal ang oposisyon sa naghaharing partido ;
Diktaturyal ang pamahalaan
Pagbabago Tumutukoy sa transpormasyong naganap sa rehiyong ng
Silangan at Timog Silangang Asya sa larangan ng Pamahalaan,
Ekonomiya, Karapatan at Kababaihan, Edukasyon, Relihiyon, at
maging kontribusyon sa kabihasnan
Pamana Ambag o kontribusyon ng isang bansa o lahi sa sangkatauhan
Per Capita GDP Tumutukoy sa tiyak nakita ng isang mamamayan sa isang bansa
Relihiyon Pananampalataya o ispiritwal na paniniwala ng isang tao
Sistemang Politikal Patungkol sa uri ng pamahalaan, ideolohiyang pinaniniwalaan
kaugnay sa pamamahala ng isang bansa
Walang Takda o
Absolute
Nagtataglay ng panlahatang kapangyarihan ; May pagkilala sa
pinuno na nagtataglay ng divine right o mula sa pamumuno na
mula sa Diyos
38

More Related Content

What's hot

K TO 12 GRADE 7 REVISED LEARNING MODULE 3 IN ARALING PANLIPUNAN
K TO 12 GRADE 7 REVISED LEARNING MODULE 3 IN ARALING PANLIPUNANK TO 12 GRADE 7 REVISED LEARNING MODULE 3 IN ARALING PANLIPUNAN
K TO 12 GRADE 7 REVISED LEARNING MODULE 3 IN ARALING PANLIPUNANLiGhT ArOhL
 
Araling Panlipunan 7 Third Quarter.pptx
Araling Panlipunan 7 Third Quarter.pptxAraling Panlipunan 7 Third Quarter.pptx
Araling Panlipunan 7 Third Quarter.pptxKatherine Bautista
 
Aralin 28 Ang Kababaihan sa Kasalukuyang Asya
Aralin 28 Ang Kababaihan sa Kasalukuyang AsyaAralin 28 Ang Kababaihan sa Kasalukuyang Asya
Aralin 28 Ang Kababaihan sa Kasalukuyang Asyaanton1172
 
Nasyonalismo sa timog silangang asya
Nasyonalismo sa timog silangang asyaNasyonalismo sa timog silangang asya
Nasyonalismo sa timog silangang asyaChanda Prila
 
MGA SAMAHANG PANGKABABAIHAN AT MGA KALAGAYANG PANLIPUNAN.pptx
MGA SAMAHANG PANGKABABAIHAN AT MGA KALAGAYANG PANLIPUNAN.pptxMGA SAMAHANG PANGKABABAIHAN AT MGA KALAGAYANG PANLIPUNAN.pptx
MGA SAMAHANG PANGKABABAIHAN AT MGA KALAGAYANG PANLIPUNAN.pptxPatricioAonuevoTonga
 
Araling Asyano Learning Module - Third Quarter
Araling Asyano Learning Module - Third QuarterAraling Asyano Learning Module - Third Quarter
Araling Asyano Learning Module - Third Quarter南 睿
 
AP 7 Lesson no. 27: Neokolonyalismo sa Kanlurang at Timog Asya
AP 7 Lesson no. 27: Neokolonyalismo sa Kanlurang at Timog AsyaAP 7 Lesson no. 27: Neokolonyalismo sa Kanlurang at Timog Asya
AP 7 Lesson no. 27: Neokolonyalismo sa Kanlurang at Timog AsyaJuan Miguel Palero
 
Epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa asya
Epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa asyaEpekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa asya
Epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa asyaRay Jason Bornasal
 
lesson plan for demonstration.docx
lesson plan for demonstration.docxlesson plan for demonstration.docx
lesson plan for demonstration.docxGeraldineFuentesDami
 
Kaugnayan ng Ibat Ibang Ideolohiya sa mga Malawakang Nasyonalista
Kaugnayan ng Ibat  Ibang Ideolohiya sa mga Malawakang NasyonalistaKaugnayan ng Ibat  Ibang Ideolohiya sa mga Malawakang Nasyonalista
Kaugnayan ng Ibat Ibang Ideolohiya sa mga Malawakang Nasyonalistaedmond84
 
Mga pagbabagong dulot ng pananakop
Mga pagbabagong dulot ng pananakopMga pagbabagong dulot ng pananakop
Mga pagbabagong dulot ng pananakopsiredching
 
Aralin 8 Ang mga relihiyong at ang paniniwalang Asyano
Aralin 8 Ang mga relihiyong at ang paniniwalang AsyanoAralin 8 Ang mga relihiyong at ang paniniwalang Asyano
Aralin 8 Ang mga relihiyong at ang paniniwalang AsyanoSMAP_ Hope
 
Nasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya
Nasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangang AsyaNasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya
Nasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangang AsyaJohannah Paola Escote
 
Patakarang pangkabuhayan sa panahon ng mga kastila
Patakarang pangkabuhayan sa panahon ng mga kastilaPatakarang pangkabuhayan sa panahon ng mga kastila
Patakarang pangkabuhayan sa panahon ng mga kastilaCool Kid
 
Mga Nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya
Mga Nasyonalista sa Timog at Kanlurang AsyaMga Nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya
Mga Nasyonalista sa Timog at Kanlurang AsyaBerwin Wong
 
Mathematics 8 Triangle Inequality
Mathematics 8 Triangle InequalityMathematics 8 Triangle Inequality
Mathematics 8 Triangle InequalityJuan Miguel Palero
 

What's hot (20)

K TO 12 GRADE 7 REVISED LEARNING MODULE 3 IN ARALING PANLIPUNAN
K TO 12 GRADE 7 REVISED LEARNING MODULE 3 IN ARALING PANLIPUNANK TO 12 GRADE 7 REVISED LEARNING MODULE 3 IN ARALING PANLIPUNAN
K TO 12 GRADE 7 REVISED LEARNING MODULE 3 IN ARALING PANLIPUNAN
 
Araling Panlipunan 7 Third Quarter.pptx
Araling Panlipunan 7 Third Quarter.pptxAraling Panlipunan 7 Third Quarter.pptx
Araling Panlipunan 7 Third Quarter.pptx
 
Aralin 28 Ang Kababaihan sa Kasalukuyang Asya
Aralin 28 Ang Kababaihan sa Kasalukuyang AsyaAralin 28 Ang Kababaihan sa Kasalukuyang Asya
Aralin 28 Ang Kababaihan sa Kasalukuyang Asya
 
SINAUNANG KABIHASNAN SA HAPON
SINAUNANG KABIHASNAN SA HAPONSINAUNANG KABIHASNAN SA HAPON
SINAUNANG KABIHASNAN SA HAPON
 
Nasyonalismo sa timog silangang asya
Nasyonalismo sa timog silangang asyaNasyonalismo sa timog silangang asya
Nasyonalismo sa timog silangang asya
 
MGA SAMAHANG PANGKABABAIHAN AT MGA KALAGAYANG PANLIPUNAN.pptx
MGA SAMAHANG PANGKABABAIHAN AT MGA KALAGAYANG PANLIPUNAN.pptxMGA SAMAHANG PANGKABABAIHAN AT MGA KALAGAYANG PANLIPUNAN.pptx
MGA SAMAHANG PANGKABABAIHAN AT MGA KALAGAYANG PANLIPUNAN.pptx
 
Araling Asyano Learning Module - Third Quarter
Araling Asyano Learning Module - Third QuarterAraling Asyano Learning Module - Third Quarter
Araling Asyano Learning Module - Third Quarter
 
AP 7 Lesson no. 27: Neokolonyalismo sa Kanlurang at Timog Asya
AP 7 Lesson no. 27: Neokolonyalismo sa Kanlurang at Timog AsyaAP 7 Lesson no. 27: Neokolonyalismo sa Kanlurang at Timog Asya
AP 7 Lesson no. 27: Neokolonyalismo sa Kanlurang at Timog Asya
 
Epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa asya
Epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa asyaEpekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa asya
Epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa asya
 
lesson plan for demonstration.docx
lesson plan for demonstration.docxlesson plan for demonstration.docx
lesson plan for demonstration.docx
 
Kaugnayan ng Ibat Ibang Ideolohiya sa mga Malawakang Nasyonalista
Kaugnayan ng Ibat  Ibang Ideolohiya sa mga Malawakang NasyonalistaKaugnayan ng Ibat  Ibang Ideolohiya sa mga Malawakang Nasyonalista
Kaugnayan ng Ibat Ibang Ideolohiya sa mga Malawakang Nasyonalista
 
Mga pagbabagong dulot ng pananakop
Mga pagbabagong dulot ng pananakopMga pagbabagong dulot ng pananakop
Mga pagbabagong dulot ng pananakop
 
Aralin 8 Ang mga relihiyong at ang paniniwalang Asyano
Aralin 8 Ang mga relihiyong at ang paniniwalang AsyanoAralin 8 Ang mga relihiyong at ang paniniwalang Asyano
Aralin 8 Ang mga relihiyong at ang paniniwalang Asyano
 
Gr 8 4th aralin 2
Gr 8 4th aralin 2 Gr 8 4th aralin 2
Gr 8 4th aralin 2
 
Nasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya
Nasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangang AsyaNasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya
Nasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya
 
Patakarang pangkabuhayan sa panahon ng mga kastila
Patakarang pangkabuhayan sa panahon ng mga kastilaPatakarang pangkabuhayan sa panahon ng mga kastila
Patakarang pangkabuhayan sa panahon ng mga kastila
 
Ideolohiya
IdeolohiyaIdeolohiya
Ideolohiya
 
Mga Nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya
Mga Nasyonalista sa Timog at Kanlurang AsyaMga Nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya
Mga Nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya
 
Mathematics 8 Triangle Inequality
Mathematics 8 Triangle InequalityMathematics 8 Triangle Inequality
Mathematics 8 Triangle Inequality
 
Mga Uri ng Pamahalaan
Mga Uri ng PamahalaanMga Uri ng Pamahalaan
Mga Uri ng Pamahalaan
 

Viewers also liked

Gr 8 4th aralin 3 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tgGr 8 4th aralin 3 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tg南 睿
 
Gr 8 4th intro march 25 tg
Gr 8 4th intro march 25 tgGr 8 4th intro march 25 tg
Gr 8 4th intro march 25 tg南 睿
 
Araling Panlipunan Grade 8 Fourth Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 Fourth Quarter ModuleAraling Panlipunan Grade 8 Fourth Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 Fourth Quarter ModuleJhing Pantaleon
 
Nasyonalismo sa silangan at timog silangang asya
Nasyonalismo sa silangan at timog silangang asyaNasyonalismo sa silangan at timog silangang asya
Nasyonalismo sa silangan at timog silangang asyaJared Ram Juezan
 
Gr 8 4th aralin 2 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 2  march 25 tgGr 8 4th aralin 2  march 25 tg
Gr 8 4th aralin 2 march 25 tg南 睿
 
Kolonyalismo at imperyalismo sa silangan at timog silangang asya
Kolonyalismo at imperyalismo sa silangan at timog   silangang asyaKolonyalismo at imperyalismo sa silangan at timog   silangang asya
Kolonyalismo at imperyalismo sa silangan at timog silangang asyaJared Ram Juezan
 
Aralin 2 pag - usbong ng nasyonalismo at paglaya ng mga bansa sa timog at k...
Aralin 2   pag - usbong ng nasyonalismo at paglaya ng mga bansa sa timog at k...Aralin 2   pag - usbong ng nasyonalismo at paglaya ng mga bansa sa timog at k...
Aralin 2 pag - usbong ng nasyonalismo at paglaya ng mga bansa sa timog at k...Jared Ram Juezan
 
Modyul 15 ang ekonomiya sa asya
Modyul 15   ang ekonomiya sa asyaModyul 15   ang ekonomiya sa asya
Modyul 15 ang ekonomiya sa asya南 睿
 
Araling Panlipunan Grade 8 - First Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 - First Quarter ModuleAraling Panlipunan Grade 8 - First Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 - First Quarter ModuleJhing Pantaleon
 
Modyul 20 neo-kolonyalismo
Modyul 20   neo-kolonyalismoModyul 20   neo-kolonyalismo
Modyul 20 neo-kolonyalismo南 睿
 
Modyul 10 neo-kolonyalismo ang bagong uri o pamamaraang ko (1)
Modyul 10   neo-kolonyalismo ang bagong uri o pamamaraang ko (1)Modyul 10   neo-kolonyalismo ang bagong uri o pamamaraang ko (1)
Modyul 10 neo-kolonyalismo ang bagong uri o pamamaraang ko (1)南 睿
 
AP G7/G8 Aralin 1 katangiang pisikal ng asya
AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asyaAP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya
AP G7/G8 Aralin 1 katangiang pisikal ng asyaJared Ram Juezan
 
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)LiGhT ArOhL
 
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tgGr 8 4th aralin 1 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tg南 睿
 

Viewers also liked (20)

Gr 8 4th aralin 4
Gr 8 4th aralin 4 Gr 8 4th aralin 4
Gr 8 4th aralin 4
 
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tgGr 8 4th aralin 3 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tg
 
Gr 8 4th intro march 25 tg
Gr 8 4th intro march 25 tgGr 8 4th intro march 25 tg
Gr 8 4th intro march 25 tg
 
Araling Panlipunan Grade 8 Fourth Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 Fourth Quarter ModuleAraling Panlipunan Grade 8 Fourth Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 Fourth Quarter Module
 
Nasyonalismo sa silangan at timog silangang asya
Nasyonalismo sa silangan at timog silangang asyaNasyonalismo sa silangan at timog silangang asya
Nasyonalismo sa silangan at timog silangang asya
 
Gr 8 4th aralin 3
Gr 8 4th aralin 3 Gr 8 4th aralin 3
Gr 8 4th aralin 3
 
Gr 8 4th aralin 2 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 2  march 25 tgGr 8 4th aralin 2  march 25 tg
Gr 8 4th aralin 2 march 25 tg
 
Kolonyalismo at imperyalismo sa silangan at timog silangang asya
Kolonyalismo at imperyalismo sa silangan at timog   silangang asyaKolonyalismo at imperyalismo sa silangan at timog   silangang asya
Kolonyalismo at imperyalismo sa silangan at timog silangang asya
 
Aralin 2 pag - usbong ng nasyonalismo at paglaya ng mga bansa sa timog at k...
Aralin 2   pag - usbong ng nasyonalismo at paglaya ng mga bansa sa timog at k...Aralin 2   pag - usbong ng nasyonalismo at paglaya ng mga bansa sa timog at k...
Aralin 2 pag - usbong ng nasyonalismo at paglaya ng mga bansa sa timog at k...
 
Modyul 15 ang ekonomiya sa asya
Modyul 15   ang ekonomiya sa asyaModyul 15   ang ekonomiya sa asya
Modyul 15 ang ekonomiya sa asya
 
Araling Panlipunan Grade 8 - First Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 - First Quarter ModuleAraling Panlipunan Grade 8 - First Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 - First Quarter Module
 
Modyul 20 neo-kolonyalismo
Modyul 20   neo-kolonyalismoModyul 20   neo-kolonyalismo
Modyul 20 neo-kolonyalismo
 
Neokolonyalismo
NeokolonyalismoNeokolonyalismo
Neokolonyalismo
 
Modyul 10 neo-kolonyalismo ang bagong uri o pamamaraang ko (1)
Modyul 10   neo-kolonyalismo ang bagong uri o pamamaraang ko (1)Modyul 10   neo-kolonyalismo ang bagong uri o pamamaraang ko (1)
Modyul 10 neo-kolonyalismo ang bagong uri o pamamaraang ko (1)
 
Gr 8 4th aralin 1
Gr 8 4th aralin 1Gr 8 4th aralin 1
Gr 8 4th aralin 1
 
AP G7/G8 Aralin 1 katangiang pisikal ng asya
AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asyaAP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya
AP G7/G8 Aralin 1 katangiang pisikal ng asya
 
Mga uri ng pamahalaan
Mga uri ng pamahalaanMga uri ng pamahalaan
Mga uri ng pamahalaan
 
Neokolonyalismo
NeokolonyalismoNeokolonyalismo
Neokolonyalismo
 
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)
 
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tgGr 8 4th aralin 1 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tg
 

Similar to Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg

Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang AsyaKolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang AsyaJared Ram Juezan
 
This module is for the teachers who wanted to use in teaching araling panlipu...
This module is for the teachers who wanted to use in teaching araling panlipu...This module is for the teachers who wanted to use in teaching araling panlipu...
This module is for the teachers who wanted to use in teaching araling panlipu...EDWINCFUEGO
 
kolonyalismo-at-imperyalismo-sa-tsa-at-sa.pdf
kolonyalismo-at-imperyalismo-sa-tsa-at-sa.pdfkolonyalismo-at-imperyalismo-sa-tsa-at-sa.pdf
kolonyalismo-at-imperyalismo-sa-tsa-at-sa.pdfejemjunrex
 
Teaching and Learning Araling Panlipunan
Teaching and Learning Araling PanlipunanTeaching and Learning Araling Panlipunan
Teaching and Learning Araling PanlipunanJunila Tejada
 
AP_5Q1_Mod8_Ang Islam at ang mga Aral Nito_Version3.pdf
AP_5Q1_Mod8_Ang Islam at ang mga Aral Nito_Version3.pdfAP_5Q1_Mod8_Ang Islam at ang mga Aral Nito_Version3.pdf
AP_5Q1_Mod8_Ang Islam at ang mga Aral Nito_Version3.pdfMARIADELCORTEZ
 
AP_5Q1_Mod8_Ang Islam at ang mga Aral Nito_Version3.docx
AP_5Q1_Mod8_Ang Islam at ang mga Aral Nito_Version3.docxAP_5Q1_Mod8_Ang Islam at ang mga Aral Nito_Version3.docx
AP_5Q1_Mod8_Ang Islam at ang mga Aral Nito_Version3.docxGLORIFIEPITOGO
 
AP-10-Konsepto ng Kontemporaryong Isyu.pptx
AP-10-Konsepto ng Kontemporaryong Isyu.pptxAP-10-Konsepto ng Kontemporaryong Isyu.pptx
AP-10-Konsepto ng Kontemporaryong Isyu.pptxQuennie11
 
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdfARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdfKristineDelaCruz50
 
This module is for the teachers who wanted to use in teaching araling panlipu...
This module is for the teachers who wanted to use in teaching araling panlipu...This module is for the teachers who wanted to use in teaching araling panlipu...
This module is for the teachers who wanted to use in teaching araling panlipu...EDWINCFUEGO
 
AP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdf
AP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdfAP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdf
AP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdfVANESSA647350
 
AP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdf
AP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdfAP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdf
AP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdfFranciscoVelasquezJr1
 
Final presentation
Final presentationFinal presentation
Final presentationelimjen1
 
Gr 8 q3 ( teaching guide 3)doc
Gr 8  q3 ( teaching guide 3)docGr 8  q3 ( teaching guide 3)doc
Gr 8 q3 ( teaching guide 3)doc南 睿
 

Similar to Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg (20)

Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang AsyaKolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
 
CLMD4A_APG4.pdf
CLMD4A_APG4.pdfCLMD4A_APG4.pdf
CLMD4A_APG4.pdf
 
This module is for the teachers who wanted to use in teaching araling panlipu...
This module is for the teachers who wanted to use in teaching araling panlipu...This module is for the teachers who wanted to use in teaching araling panlipu...
This module is for the teachers who wanted to use in teaching araling panlipu...
 
INSET G5AP
INSET G5APINSET G5AP
INSET G5AP
 
CLMD4A_APG7.pdf
CLMD4A_APG7.pdfCLMD4A_APG7.pdf
CLMD4A_APG7.pdf
 
kolonyalismo-at-imperyalismo-sa-tsa-at-sa.pdf
kolonyalismo-at-imperyalismo-sa-tsa-at-sa.pdfkolonyalismo-at-imperyalismo-sa-tsa-at-sa.pdf
kolonyalismo-at-imperyalismo-sa-tsa-at-sa.pdf
 
Teaching and Learning Araling Panlipunan
Teaching and Learning Araling PanlipunanTeaching and Learning Araling Panlipunan
Teaching and Learning Araling Panlipunan
 
AP_5Q1_Mod8_Ang Islam at ang mga Aral Nito_Version3.pdf
AP_5Q1_Mod8_Ang Islam at ang mga Aral Nito_Version3.pdfAP_5Q1_Mod8_Ang Islam at ang mga Aral Nito_Version3.pdf
AP_5Q1_Mod8_Ang Islam at ang mga Aral Nito_Version3.pdf
 
AP_5Q1_Mod8_Ang Islam at ang mga Aral Nito_Version3.docx
AP_5Q1_Mod8_Ang Islam at ang mga Aral Nito_Version3.docxAP_5Q1_Mod8_Ang Islam at ang mga Aral Nito_Version3.docx
AP_5Q1_Mod8_Ang Islam at ang mga Aral Nito_Version3.docx
 
AP-10-Konsepto ng Kontemporaryong Isyu.pptx
AP-10-Konsepto ng Kontemporaryong Isyu.pptxAP-10-Konsepto ng Kontemporaryong Isyu.pptx
AP-10-Konsepto ng Kontemporaryong Isyu.pptx
 
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdfARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
 
This module is for the teachers who wanted to use in teaching araling panlipu...
This module is for the teachers who wanted to use in teaching araling panlipu...This module is for the teachers who wanted to use in teaching araling panlipu...
This module is for the teachers who wanted to use in teaching araling panlipu...
 
Goals, expectations and competencies of makabayan secondary level
Goals, expectations and competencies of makabayan secondary levelGoals, expectations and competencies of makabayan secondary level
Goals, expectations and competencies of makabayan secondary level
 
AP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdf
AP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdfAP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdf
AP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdf
 
AP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdf
AP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdfAP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdf
AP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdf
 
Final presentation
Final presentationFinal presentation
Final presentation
 
Final presentation
Final presentationFinal presentation
Final presentation
 
Final presentation
Final presentationFinal presentation
Final presentation
 
AP7_Q3_LAS_MELC5_Wk5-v2.pdf
AP7_Q3_LAS_MELC5_Wk5-v2.pdfAP7_Q3_LAS_MELC5_Wk5-v2.pdf
AP7_Q3_LAS_MELC5_Wk5-v2.pdf
 
Gr 8 q3 ( teaching guide 3)doc
Gr 8  q3 ( teaching guide 3)docGr 8  q3 ( teaching guide 3)doc
Gr 8 q3 ( teaching guide 3)doc
 

More from 南 睿

Paggamit ng mga primaryang sanggunian
Paggamit ng mga primaryang sanggunianPaggamit ng mga primaryang sanggunian
Paggamit ng mga primaryang sanggunian南 睿
 
AP curriculum guide (as of may 2011)
AP curriculum guide (as of may 2011)AP curriculum guide (as of may 2011)
AP curriculum guide (as of may 2011)南 睿
 
AP curriculum guide (as of may 2016)
AP curriculum guide (as of may 2016)AP curriculum guide (as of may 2016)
AP curriculum guide (as of may 2016)南 睿
 
AP curriculum guide (as of december 2013)
AP curriculum guide (as of december 2013)AP curriculum guide (as of december 2013)
AP curriculum guide (as of december 2013)南 睿
 
AP curriculum guide (as of january 2012)
AP curriculum guide (as of january 2012)AP curriculum guide (as of january 2012)
AP curriculum guide (as of january 2012)南 睿
 
K to 12 toolkit 2012
K to 12 toolkit 2012K to 12 toolkit 2012
K to 12 toolkit 2012南 睿
 
Disaster risk reduction resource manual
Disaster risk reduction resource manualDisaster risk reduction resource manual
Disaster risk reduction resource manual南 睿
 
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)南 睿
 
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)南 睿
 
Gr 8 q2 ( teaching gude 2)
Gr 8  q2 ( teaching gude 2)Gr 8  q2 ( teaching gude 2)
Gr 8 q2 ( teaching gude 2)南 睿
 
Araling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
Araling Asyano Learning Module - Fourth QuarterAraling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
Araling Asyano Learning Module - Fourth Quarter南 睿
 
Araling Asyano Learning Module - Second Quarter
Araling Asyano Learning Module - Second QuarterAraling Asyano Learning Module - Second Quarter
Araling Asyano Learning Module - Second Quarter南 睿
 
Araling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First QuarterAraling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First Quarter南 睿
 
Modyul 24 karapatang pantao
Modyul 24   karapatang pantaoModyul 24   karapatang pantao
Modyul 24 karapatang pantao南 睿
 
Modyul 23 pag-unlad ng teknolohiya
Modyul 23   pag-unlad ng teknolohiyaModyul 23   pag-unlad ng teknolohiya
Modyul 23 pag-unlad ng teknolohiya南 睿
 
Modyul 22 populasyo
Modyul 22   populasyoModyul 22   populasyo
Modyul 22 populasyo南 睿
 
Modyul 21 ang paligsahan sa armas
Modyul 21  ang paligsahan sa armasModyul 21  ang paligsahan sa armas
Modyul 21 ang paligsahan sa armas南 睿
 
Modyul 19 cold war
Modyul 19   cold warModyul 19   cold war
Modyul 19 cold war南 睿
 
Modyul 18 mga ideolohiyang laganap
Modyul 18   mga ideolohiyang laganapModyul 18   mga ideolohiyang laganap
Modyul 18 mga ideolohiyang laganap南 睿
 
Modyul 17 labanan ng mga bansa sa daigdig
Modyul 17   labanan ng mga bansa sa daigdigModyul 17   labanan ng mga bansa sa daigdig
Modyul 17 labanan ng mga bansa sa daigdig南 睿
 

More from 南 睿 (20)

Paggamit ng mga primaryang sanggunian
Paggamit ng mga primaryang sanggunianPaggamit ng mga primaryang sanggunian
Paggamit ng mga primaryang sanggunian
 
AP curriculum guide (as of may 2011)
AP curriculum guide (as of may 2011)AP curriculum guide (as of may 2011)
AP curriculum guide (as of may 2011)
 
AP curriculum guide (as of may 2016)
AP curriculum guide (as of may 2016)AP curriculum guide (as of may 2016)
AP curriculum guide (as of may 2016)
 
AP curriculum guide (as of december 2013)
AP curriculum guide (as of december 2013)AP curriculum guide (as of december 2013)
AP curriculum guide (as of december 2013)
 
AP curriculum guide (as of january 2012)
AP curriculum guide (as of january 2012)AP curriculum guide (as of january 2012)
AP curriculum guide (as of january 2012)
 
K to 12 toolkit 2012
K to 12 toolkit 2012K to 12 toolkit 2012
K to 12 toolkit 2012
 
Disaster risk reduction resource manual
Disaster risk reduction resource manualDisaster risk reduction resource manual
Disaster risk reduction resource manual
 
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
 
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
 
Gr 8 q2 ( teaching gude 2)
Gr 8  q2 ( teaching gude 2)Gr 8  q2 ( teaching gude 2)
Gr 8 q2 ( teaching gude 2)
 
Araling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
Araling Asyano Learning Module - Fourth QuarterAraling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
Araling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
 
Araling Asyano Learning Module - Second Quarter
Araling Asyano Learning Module - Second QuarterAraling Asyano Learning Module - Second Quarter
Araling Asyano Learning Module - Second Quarter
 
Araling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First QuarterAraling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First Quarter
 
Modyul 24 karapatang pantao
Modyul 24   karapatang pantaoModyul 24   karapatang pantao
Modyul 24 karapatang pantao
 
Modyul 23 pag-unlad ng teknolohiya
Modyul 23   pag-unlad ng teknolohiyaModyul 23   pag-unlad ng teknolohiya
Modyul 23 pag-unlad ng teknolohiya
 
Modyul 22 populasyo
Modyul 22   populasyoModyul 22   populasyo
Modyul 22 populasyo
 
Modyul 21 ang paligsahan sa armas
Modyul 21  ang paligsahan sa armasModyul 21  ang paligsahan sa armas
Modyul 21 ang paligsahan sa armas
 
Modyul 19 cold war
Modyul 19   cold warModyul 19   cold war
Modyul 19 cold war
 
Modyul 18 mga ideolohiyang laganap
Modyul 18   mga ideolohiyang laganapModyul 18   mga ideolohiyang laganap
Modyul 18 mga ideolohiyang laganap
 
Modyul 17 labanan ng mga bansa sa daigdig
Modyul 17   labanan ng mga bansa sa daigdigModyul 17   labanan ng mga bansa sa daigdig
Modyul 17 labanan ng mga bansa sa daigdig
 

Recently uploaded

FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfYollySamontezaCargad
 
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxIBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxjudilynmateo2
 
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasIsyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasRonalynGatelaCajudo
 
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptxIBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptxlouieilo1
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYARonalynGatelaCajudo
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxAJAdvin1
 
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............AljayGanda
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxitsjewdye
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...erickacalugcugan001
 
AP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptx
AP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptxAP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptx
AP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptxResty Rioveros
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxPHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxZERos7
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilajohnrohannebasale
 
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptxAng Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptxmaryjoyrobis2
 
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxavegailorladan
 
Ang sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentation
Ang sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentationAng sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentation
Ang sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentationRonalynGatelaCajudo
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxmtmedel20in0037
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...AnjillyAIbrahim
 
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...VielMarvinPBerbano
 
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaAralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaChristineJaneWaquizM
 

Recently uploaded (20)

FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
 
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxIBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
 
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasIsyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
 
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptxIBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
 
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
 
AP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptx
AP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptxAP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptx
AP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxPHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
 
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptxAng Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
 
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
 
Ang sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentation
Ang sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentationAng sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentation
Ang sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentation
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
 
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
 
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaAralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
 

Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg

  • 1. Sa bahaging ito ng modyul ay iyong iuugnay ang mga kaalamang taglay na ng mga mag-aaral. Gaganyakin mo ang mga mag-aaral na makapagbigay ng kanilang mga nalalaman sa tulong ng mga mga mapaghamong tanong at gawain. Ang katanungang iyong ibibigay sa mga mag-aaral ay ang siya ring magsisilbing gabay ng mga susunod na talakayan. Inaasahan na sa yugtong ito ay maaaring makapagbigay ang mga mag- aaral ng mga kaisipan o kasagutang di kaugnay sa paksa.Tanggapin lamang ito sapagkat sa susunod na yugto ito ay unti-unting maiwawasto kapag sapat na ang kanyang kaalaman sa kadahilanang natalakay na ang paksa. Pangkalahatang layunin ng yugtong ito matalos ang ganap na kaalaman ng mag-aaral na magiging sukatan ng kanyang ganap na pagkatuto o naunawaan. Ang katanungan na ilalahad mo sa mga mag-aaral ay: Ano ang naganap sa Silangan at Timog Silangang Asya matapos nilang makamit ang kanilang kalayaan mula sa mahabang panahon ng pananakop ng Kanluran? ARALIN BLG. 4: MGA PAGBABAGO SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA SA TRANSISYONAL AT MAKABAGONG PANAHON (16-20 SIGLO) Alamin: GAWAIN BLG. 1: Ano Alam Ko? . Ipasagot sa mga mag-aaral ang tanong gamit ang IRF WORKSHEET. Pupunan ng mga mag-aaral ang kolum para sa initial answer.Ang dalawa pang natitirang kolum ay mapupunan lamang ng mga ito sa sandaling natapos ng talakayin ang lahat ng aralin. Initial Answer (Paunang sagot) Posibleng Sagot: Hinarap nila ang mga suliraning naiwan ng mga dayuhang nanakop; Nagkaroon ng mga suliraning pulitikal bunsod ng kawalan ng pagkakaisa ng mga mamamayan; Tinamasa ang kaunlarang pinasimulan ng mga bansang nanakop; Nahaluan ang katutubong kultura ng kalinangang hatid ng mga bansang nanakop; Nanatili sa katayuang kinabibilangan. Revised Answer (Binagong sagot) Final Answer (Huling sagot) 1 Simula ng Aralin 4 IRF WORKSHEET
  • 2. Pag- uusapan ng mga mag-aaral sa kanilang pangkat ang mga sumsunod na katanungan sa checklist. Kukuhanin ng mga ito ang bilang ng kanilang mga kasama sa pangkat na sumagot sa bawat aytem. Layunin nito na maihambing ang nasabing datos sa sandaling ito ay maituro na. PAMPROSESONG TANONG Ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod na katanungan matapos nilang malamanan ang IRF Worksheet. 1. Ano ang initial answer mo ukol sa tanong na kaugnay sa paksa? 2. Anu-ano ang iyong naging batayan sa kasagutan mo na iyong inilahad sa IRF Worksheet? Ibigay mo ang ilan sa iyong patunay. GAWAIN BLG. 2: POLL OPINYON ANG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA SA TRANSISYONAL AT MAKABAGONG PANAHON OO HINDI KABUUAN 1. Nagkaroon ba ng mga programang na nagtaguyod sa karapatan ng mamamayan, sa pangkalahatan, at ng kababaihan, maging grupong katutubo? 2. Nanatiling tulad ba ng dati ang sistemang pulitikal sa mga bansa sa rehiyon at maging ang balangkas ng pamahalaan nito? 3. Nagkaroon ba ng malaking gampanin ang relihiyon sa mga pagbabagong naganap sa rehiyon? 4. May kaugnayan ba ang edukasyon sa kalidad ng pamumuhay ng isang bansa? 5. Umunlad ba ang ekonomiya ng mga bansa sa rehiyon? 6. Nararanasan pa ba ang kolonyalismo sa rehiyon sa kasalukuyan? 7. Nakapag-ambag ba ang mga bansa sa rehiyon sa larangan ng sining, humanidades, at palakasan? KABUUAN 2 MGA TANONG SAGOT
  • 3. Ipaulat sa klase ng mga mag-aaral ang datos na kanilang nakuha sa bawat bilang. Gabayan ang mga ito na maihambing ang kanilang mga sagot sa iba. Ipaunawa sa klase na ang kanilang paunang sagot ay maaaring magbago sa puntong tatalakayin na ang mga paksa kaugnay sa kanilang mga sinagutan. BINABATI KITA! ….dahil natapos na ng mga mag-aaral ang unang yugto ng modyul PAUNLARIN… 3 Sa puntong ito ay nagwawakas na ang bahagi ng Alamin. Sa mga susunod na bahagi ng modyul ay inaasahang higit ng mauunawaan ng mga mag- aaral ang mga pagbabagong naganap sa Silangan at Timog Silangang Asya sa transisyonal at makabagong panahon (16-20siglo). Kailangan lamang pagtuunan ng pansin at pag-unawa ng mga mag-aaral ang susunod na mga Gawain sa iba pang pahina. Sa huli, matutuklasan nila kung ang kanilang mga naging kasagutan ay tama o mali sa dalawang naunang gawain. Sa bahaging ito ng modyul ang mga mag-aaral ay bibigyan ng iba't ibang kagamitan sa pagkatuto o babasahin na naglalayong magkaroon ng karanasan ang mga mag-aaral na magamit ang kanilang kaalaman.Inaasahan din makabubuo sila ng mahahalagang impormasyon na maaari nilang pagnilayan, pagtibayin, patotohanan, o di kaya’y baguhin kung kinakailangan. Ang mga gawaing ganito ay makatutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng ganap na pagkaunawa sa paksa na kanilang pinag-aaralan. Inaasahang makapagbibigay dito sa mga mag-aaral ng gawaing mahahasa ang kakayanan ng mga mag-aaral na makapagproseso at makapagbigay saysay sa mga impormasyong kanilang nabuo o natutunan. Tatayain din dito ang kasanayang taglay ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga gawain. Mula dito ay matitiyak ng guro kung nagkakaroon ng pag- unlad sa kaalaman ng mga mag-aaral at kung nanatili pa ba ang kanilang interes na matuto. Ang paglalahad ng mga katanungang makapagbibigay ng pagkakataong mapakahulugan, maunawaan at mailahad ng mga mag-aaral ang kanilang mga saloobin at opinion ay labis na inaasahan sa puntong ito.
  • 4. Isa sa mga aspeto ng kultura ng isang bansa ay ang sistemang pulitikal na umiiral dito. Ang sistemang pulitikal ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya ay nabuo batay mga pangyayaring naganap dito sa mahabang panahon na bahagi na ng tinatawag na kasaysayan. Kabilang na sa mga pangyayaring nabanggit ang karanasan ng mga bansa sa rehiyong ito ng Asya sa mga kanluraning bansa na nagkaroon ng kaugnayan sa mga ito sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan at kadahilanan. Samakatuwid, hindi rin maitatanggi na ang mga kanluraning bansang ito ay maituturing na salik sa pagkabuo ng sistemang pulitikal na umiiral sa rehiyon na ito ng Asya sa ngayon. Isang magandang halimbawa nito ang Pilipinas na ating bansa na sinanay ng mga Amerikano sa pamamahala sa panahong kontrolado tayo ng mga ito. Ito ang kadahilanan kung kaya’t napakalaki ng pagkakatulad ng ating pamahalaan sa kanila, mula sa balangkas at kapangyarihan ng bawat sangay n gating pamahalaan. Ang pagbabagong hatid ng pag-unlad at panahon ay salik din sa pagkabuo ng sistemang pulitikal ng isang bansa. May mga bansa na kinailangang iayon ang kanilang sistemang pulitikal sa pagbabago ng panahon upang makasabay ang mga ito. Masasalamin ang pagbabagong ito sa pagbabago rinse uri ng kanilang pamahalaan. Ang China ay masasabing magandang halimbawa sa aspetong ito na patuloy na nakikilala sa kasalukuyang panahon sa mga reporma na ginawa nito. GAWAIN BLG 3: SISTEMANG PULITIKAL AT PAMAHALAAN SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA ANYO NG PAMAHALAAN DESKRIPSYON BANSA 1. MONARKIYA • Pamumuno ng isang tao sa partikular na estado • Minana ang karapatan sa pamumuno 4 Ilalahad sa mga mag-aaral ang kaisipang ito: Ang sistemang pulitikal sa Silangan at Timog Silangang Asya ay hinubog ng kasaysayan at paniniwala ng mga mamamayang naninirahan dito. Sa karanasang tinamo ng mga Asyano sa mga bansang kanluranin na sumakop sa kanila idagdag pa ang kanilang mga panloob na suliraning kinaharap ay nagbagong anyo ang mga sistemang pulitikal na ito at uri ng pamahalaan. Matutunghayan mo sa talahanayan ang ibat’ ibang uri ng pamahalaan na umiiral sa rehiyon na ito ng Asya. Ipasuri itong mabuti sa mga mag-aaral ipatukoy ang mga bansang napapaloob dito. SISTEMANG PULITIKAL SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
  • 5. 1.1Walang Takda (Absolute) 1.2 Konstitusyunal • Nagtataglay ng panlahatang kapangyarihan • May pagkilala sa pinuno na nagtataglay ng divine right o mula sa pamumuno na mula sa Diyos • May takda ang kapangyarihan ng pinuno na nakabatay sa isang Saligang Batas • Figure Head o simbolikong pinuno lamang ang monarka Brunei Cambodia Japan Malaysia Thailand 2. One Party Government • Nag-iisang partidong pulitikal ang may kapangyarihan na bubuo sa pamahalaan • Pumapailalim sa isang nangungunang partido ang iba pang partido kung sakaling ito at ay papahintulutan ng una. • Ipinagbabawal ang oposisyon sa naghaharing partido • Diktaturyal ang pamahalaan China Laos North Korea Vietnam 3. Militar • Pinangangasiwaan ng isang junta o pangkat ng matataas na opisyal ng hukbong sandatahan • Pinaiiral bilang tugon sa kaguluhang pulitikal sa bansa • Walang pinapanigan at di- kaanib sa anumang partidong pulitikal Myanmar 4. Demokrasya • Taglay ng sambayanan ang kapangyarihan • May representasyon ang ibat ibang sektor ng lipunan sa pamahalaan • May kalayaan sa pagpapahayag at pagbuo East Timor Indonesia Pilipinas South Korea Taiwan 5
  • 6. ng mga samahan • Nagtataglay at kinikilala ang karapatang pantao at katarungang panlipunan • May mga legal na partido ng oposisyon • Kinikilala ang proseso ng pamamaraan sa pagpapairal ng hustisya. PAMPROSESONG TANONG Atasan ang mga mag-aaral na sagutin ang mga tanong batay sa sinuring chart. Ipatala ang mga sagot sa kanilang notebook. TANONG SAGOT 1. Anu-ano ang sistemang pulitikal ng pamahalaan ang umiiral sa Silangan at Timog Silangang Asya? Monarkiya, One Party Government, Militar, Demokrasya 2. Sa anong uri ng pamahalaan maikakategorya ang sistemang dinastiya? Monarkiya 3. Ano ang mabuti at di- mabuting maaaring idulot sa bansa at mamamayan ng bawat sistemang pulitikal at pamahalaan? Magbigay ng dalawa sa bawat uri. Ito ay maaaring magpabago sa antas ng pag-unlad ng knilang pamumuhay at kalayaang tinatamo. 4. Anong konklusyon ang iyong mabubuo ukol sa sistemang pulitikal at pamahalaan mayroon ang mga bansa sa Silangang Asya? Timog Silangang Asya? May pagkakatulad at pagkakaiba sila ng uri ng pamahalaan.Ibinatay nila ito sa knilang karanasan at pangangailangan. 5. Anong uri ng pamahalaan ang para sa iyo ang pinakamainam? hindi mo nais mapailalim? Bakit? Demokrasya.Militar.Matamo ang kalayaan.Masusupil ang karapatan at kalayaan ng mga mamamayan. 6. Nakaapekto ba sa mga bansa sa rehiyon ang pagpapalit nito ng anyo ng pamahalaan? Patunayan. Oo.Nabago nito ang antas ng kanilang pamumuhay at pananaw ng kanilang mamamayan. GAWAIN BLG 4: PAG-ARALAN AT IBAHAGI 6 Pagyamanin pa ang nalalaman ng mga mag-aaral tungkol sa sistemang pulitikal at pamahalaan ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya. Ito ay matatamo sa pamamagitan ng kanilang masigasig na paglahok sa gawain.
  • 7. 1. Basahin mo at ng iyong pangkat ang timeline kaugnay sa mahalagang pagbabagong naganap sa sistemang pulitikal sa ilang piling bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya. a. Pangkat 1-Peoples Republic of China b. Pangkat 2- Union of Myanmar c. Pangkat 3-Kingdom of Thailand d. Pangkat 4- Federation of Malaysia e. Pangkat 5- Evaluating gamit ang Rubrics PEOPLE’S REPUBLIC OFCHINA Ang Republika 1911-12 –Proklamason ng Republic of China sa pamumuno ng mga militar na nag- alsa na pinangunahan ni Sun Yat-sen.Ito ay hudyat ng pagwawakas ng kapangyarihan ng huling emperador ng Qing. Kinaharap ng republika ang mga hamon sa pamamahala hatid ng mga rehiyonal na pag-aalsa at unti-unting paglakas ng Communist Party. 1925 –Pagkamatay ni Sun Yat-sen na naghatid sa kapangyarihan kay Chiang Kai- shek. Humiwalay si Chiang Kai-shek sa mga komunista at kinilala ang Kuomintang bilang pambansang partido. 1931-45 – Unti-unting pananakop ng Japan sa China. 1934-35 – Pamumuno ni Mao Zedong sa Communist Party. Nagsagawa ang partido ng "Long March" patungo sa bago nitong himpilan sa lalawigan ng Shaanxi. 1937 – Pagsanib puwersa ng Kuomintang at mga Communists upang labanan ang Japan. Muling sumiklab ang digmaang sibil mataposang pagkatalo ng Japan sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang Tagumpay ng mga Komunista 1949 - 1 October –Pagkakatatag ng People's Republic of China sa pangunguna ni Mao Zedong matapos talunin ng kanyang Communist Party ang Nationalist Party sa mahigit 20 taong digmaang sibil. Umatras ang mga kasapi ng Nationalist Party sa pulo ng Taiwan at doon nagtatag ng panibagong pamahalaan. 1950 –Panghihimasok ng China sa Korean War sa pamamagitan ng pagpanig sa North Korea. Ang Tibet ay naging bahagi ng People's Republic of China. 7
  • 8. 1958 –Inilunsad ni Mao ang "Great Leap Forward",ang limang (5) taong programang pangkabuhayan tungo sa kaunlaran. Ang kolektibong gawaing pagsasaka at pagpapalakas ng mga industriya ay ipinakilala. Ang adhikaing ito ng pamahalaan ay tumagal lamang ng dalawang taon bunsod ng kabiguang mapalaki ang ani na lumikha ng milyong pagkagutom at kamatayan ng mga mamamayan. 1959 –Sinupil ng hukbong sandatahan ng bansa ang malawakang pag-aalsa sa Tibet. 1962 –Hidwaan ng China sa India kaugnay sa hangganan nito sa Himalayas. 1966-76 –Inilunsad ni Mao ang "Cultural Revolution",ang 10-taong kampanyang pampulitika at ideolohikal na naglalayong buhayin ang diwang rebolusyonaryo, lumikha ito ng matinding pagbabago sa lipunan, ekonomiya at pamamahala. 1972 –Pagbisita sa China ni US President Richard Nixon. Nangako ang dalawang bansa na pagbutihin ang ugnayan ng dalawang bansa. 1976 –Pagkamatay ni Mao Zedong. 1977 – Pag-angat sa kapangyarihan ni Deng Xiaoping.Pagsisimula ng mga reporma sa larangan ng kabuhayan sa China. 1979 – Pagsisimula ng diplomatikong relasyon ng China at USA. Pinasimulan ng pamahalaan ang “One-Child Policy” upang pigilan ang lumalaking populasyon nito. 1986-90 –Pinairal ng China ang "Open-door policy" na nagbigay pagkakataon sa pamumuhunan ng mga dayuhan sa loob ng bansa. Nakapagpasigla din ito sa ekonomiya ng bansa at humikayat ng mas higit na pamumuhunan sa pribadong sektor. 1989 –Naganap ang demonstrasyon ng mga mag-aaral at iba pang sektor sa Tiananmen Square. Ito at upang ipanawagan sa pamahalaan ang pagkakaloob ng kalayaan at karapatang maipahayag ang damdamin ng mga mamamayan. Hindi ito pinakinggan ng pamahalaan at sa halip ay nagresulta sa pagkadakip ng mga protesta at pagkamatay 200 sa mga ito. Tinagurian itong Tiananmen Massacre. Pumukaw ng pansin sa iba’t ibang bansa ang pangyayaring ito at may ilang kinondena ang pamahalaan bunsod ng marahas na ginawa nito. 1989 –Naging general secretary ng Chinese Communist Party si Jiang Zemin bilang kahalili ni Zhao Ziyang na tumutol na suportahan ang martial law sa panahong nagaganap ang demonstrasyon sa Tiananmen. Pagbubukas ng Stock markets sa Shanghai at Shenzhen. 1992 – Paglagda ng China at Russia ng deklarasyong muling pagbuhay sa kanilang pagkakaibigan. 8
  • 9. 1993 – Opisyal na paghalili ni Jiang Zemin kay Yang Shangkun bilang pangulo. 1995 –Pagsasagawa ng China ng tests missiles at military exercises sa Taiwan Strait habang nagaganap ang pampanguluhang halalan sa Taiwan. 1996 – Ang China, Russia, Kazakhstan, Kyrgyzstan at Tajikistan ay nagdaos ng pagpupulong sa Shanghai upang magkasundo at magtulungan na labanan ang tensiyon kaugnay sa mga katutubo at relihiyon sa kani-kanilang bansa. Tinaguriang ang mga bansang ito na Shanghai Five. 1997 - Pagkamatay ni Deng Xiaoping sa edad na 92. Pagbabalik ng kontrol ng China sa Taiwan mula sa mga British. 1998 –Paghalili ni Zhu Rongji kay Li Peng bilang premier. 1999 - Ika-50 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Republic of China. Pagbalik ng Macao sa ilalim ng pamamahala ng China UNION OF MYANMAR Pagsasarili 1948 – Paglaya ng Burma sa pamumuno ni U Nu bilang prime minister. Kalagitnaan ng 1950’s- Si U Nu kabilang sina Prime Minister Nehru, Indonesian President Sukarno, Yugoslav President Tito at Egyptian President Nasser ay tinatag ang Movement of Non-Aligned States. 1958-60 - Pansamantalang pamahalaan, sa pangunguna ng hukbo ni Chief of Staff General Ne Win, na nabuo matapos ang pagkakahati sa namumunong AFPFL party. 1960 – Pagwawagi sa halalan ng partido ni U Nu, subalit ang panghihikayat nito sa Buddhismo bilang relihiyon ng estado at pagkunsinti sa pagkakahiwa-hiwalay ay nagpasidhi ng galit sa panig ng militar. One-party, Ang Pamumuno ng Militar sa Estado 1962 – Pagpapatalsik kay U Nu sa pamamagitan ng kudeta na pinamunuan ni Gen Ne Win na tuluyang nag-alis ng sistemang pederal at pagpapasinaya ng "the Burmese Way to Socialism" .Ito ay nangangahulugang pagkontrol sa pambansang ekonomiya, pagbuo ng single-party state na kung saan ito ay ang Socialist Programme Party bilang tanging partido political sa bansa at pagbabawal sa malayang pamamahayag. Ang military junta na ito ay namuno hanggang 2011. 9
  • 10. 1974 – Pagsasabisa ng bagong saligang batas, pagsasalin ng kapangyarihan ng hukbong sandatahan ng bansa sa People's Assembly sa pamumuno ni Ne Win at iba pang mga dating lider ng militar. 1975 –Pagtatag ng Opposition National Democratic Front ng mga grupo ng minorya sa rehiyon na nagpapasimula din paglaban sa umiiral na pamahalaang militar. 1981 – Isinalin ni Ne Win ang pagiging pangulo ng bansa kay San Yu ,isang retiradong militar, subalit nanatiling chairman ng namumunong Socialist Programme Party 1982 – Pagpapairal ng batas na nagbabawal sa mga mamamayang hindi katutubong isinilang sa bansa o dayuhan na humawak ng anumang katungkulan sa pamahalaan at iba pang ahensiya nito. Panahon ng Kaguluhan at Pagsupil 1987 – Pagbaba ng halaga ng salapi na nagpahirap sa maraming mamamayan at naging sanhi ng malawakang pagbatikos sa pamahalaan na lumikha ng labis na kaguluhan sa bansa. 1988 – Maraming mamamayan ang napatay sa isang kilos protesta laban sa pamahalaan bunsod ng kaguluhan. Binuo ng pamahalaan ang State Law and Order Restoration Council (Slorc). 1989 – Dineklara ng Slorc ang martial law.Nagkaroon ng malawakang pag-aresto ng mga mamamayan kabilang na ang mga nangangampanya parasa demokrasya at karapatang pantao. Pinalitang ang pangalan ng bansa mula Burma bilang Myanmar at ang kabiserang lungsod na Rangoon bilang Yangon. Ang lider ng NLD (National League for Democracy) na si Aung San Suu Kyi, anak ni Aung San ay ipinailalaim sa house arrest. Kontrobersiyal na Halalan 1990 – Pagkapanalo ng oposisyon na National League for Democracy (NLD) sa halalan na nagtamo ng napakalaking boto, subalit ang resultang ito ay binalewala lamang ng militar. 1991 – Ginawaran ng Nobel Peace Prize si Aung San Suu Kyi para sa kanyang dedikasyon sa pagbago sa bansa sa mapayapang pamamaraan. 1992 – Pinalitan ni Than Shwe si Saw Maung bilang chairman ng Slorc,prime minister at defense minister. Pinalaya din ang ilang bilanggong politikal upang bumuti ang imahe ng Burma sa daigdig. 1995 - Pinalaya si Aung San Suu Kyi mula sa anim na taong house arrest. 10
  • 11. 1996 – Dumalo si Aung San Suu Kyi sa kongreso ng unang pagpupulong ng NLD matapos itong makalaya. Humigit sa 200 delegado ang inaresto ng Slorc habang ang mga ito ay papunta sa nasabing pagpupulong. 1997 – Tinanggap ang Burma bilang bagong kasapi ng Association of South East Asian Nations (ASEAN); Ang Slorc naman ay muling pinangalanan bilang State Peace and Development Council (SPDC). Pagpapalaya sa mga Sumuporta sa Demokrasya 1998 – 300 kasapi ng NLD ang pinalaya mula sa bilangguan ; tumanggi ang namumunong pamahalaang militar na tumugon sa itinakdang panahon ng NLD na ipatawag na ang mga kasapi ng parlamento upang makapagsimula; nagsagawa ng malawakang protesta ang mga militar. 1999 – Tumutol si Aung San Suu Kyi sa kondisyon ng namumunong konseho na bisitahin niya ang kanyang British na asawa na si Michael Aris na namatay sa sakit na kanser sa UK. 2000 September – Ganap ng inalis ng pamahalaan ang pagbabawal kay Aung San Suu Kyi at mga pangunahing kasapi ng NLD na lumipat. 2000 October – Lihim na pakikipagpulong ni Aung San Suu Kyi sa pamahalaan. KINGDOM OF THAILAND Pagbangon ng Makabagong Thailand 1782 – Simula ng pamumuno ng dinastiyang Chakri sa pamumuno ni Haring Rama I, na namumuno parin hanggang sa kasalukuyan. Kinilala ang bansa bilang Siam at ang Bangkok ang ginawang kabisera. 1804-1868 – Pamumuno ni Haring Mongkut (Rama IV), pinasimulan niya ang mga pagbabagong maka-Kanluranin at modernisasyon ng bansa. 1868-1910 – Pamumuno ni Haring Chulalongkorn. Pagkuha ng mga tagapayo mula kanluran para sa modernisasyon ng Siam at pamamahala sa ekonomiya ng bansa. Pag-unlad ng sistema ng transportasyon. 1917 - Ang Siam ay naging isa sa ka-alyado (allied) ng Great Britain sa unang digmaang pandaigdig. 11
  • 12. 1932 – Naganap ang isang mapayapang kudeta laban sa ganap na monarkiya ni haring Prajadhipok. Pinasimulan ng Konstitusyonal na Monarkiya ang parlamentaryong pamahalaan. 1939 – Pinalitan ng Siam ang pangalan nito bilang Thailand ("Land of the Free"). 1941 –Pagdaong sa bansa ng hukbo ng Japan. Matapos ang negosasyon, pinahintulutan ng Thailand ang hukbo ng Japan na magtungo sa mga kontroladong lupain ng mga British na Malay Peninsula, Singapore at Burma. 1942 – Pagdeklara ng digmaan sa Britain at USA,subalit ang Thai ambassador sa Washington ay tumangging ibigay ang nasabing deklarasyon sa pamahalaan ng Amerika. Mga Pangyayari Matapos ang Digmaan 1945 – Pagwawakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Inatasan ang Thailand na muling ibalik ang mga teritoryong sinakop nito mula sa Laos, Cambodia at Malaya. Nagbalik sa bansa ang ipinatapong si Haring Ananda. 1946 – Asasinasyon ni Haring Ananda. 1947 – Naganap ang kudeta na pinasimulan ng military sa pamumuno ng Pro- Japanese na si Phibun Songkhram. Nanatili sa kapangyarihan ang military hanggang 1973. 1965- Pagpahintulot ng Thailand sa USA na gamitin ang mga base militar habang nagaganap ang Vietnam War. Ang hukbo ng Thailand ay nakipaglaban sa Timog Vietnam. 1973 – Naganap ang panggugulo ng mga mag-aaral sa Bangkok na halos nagpabagsak sa pamahalaang militar. Naganap ang isang malayang halalan, subalit di naging lubos ang katatagan ng pamahalaang namuno. 1976 – Muling pamamamahala ng militar sa bansa. 1978 – Pinagtibay ang bagong saligang batas. 1980 – Pamumuno ni Heneral Prem Tinsulanonda . 1983 – Pagsuko ni Hen. Prem ng kanyang kapangyarihan bilang pinuno ng pamahalaang militar upang bigyang daan ang pagtatatag at pamumuno sa bagong pamahalaang sibil. Si Hen. Prem ay muling naihalal sa parehong posisyon sa pamahalaang sibil noong 1986. 12
  • 13. 1988 – Paghalili sa kapangyarihan ni Heneral Chatichai Choonhaven kay Prem matapos ang halalan. 1991 – Naganap ang ika-17 kudeta sa bansa na pinamunuan ng mga militar mula pa noong 1932. Itinalaga sa kapangyarihan bilang Prime Minister si Anand Panyarachun. 1992 – Naganap ang panibagong halalan sa buwan ng Marso.Hinalinhinan sa kapangyarihan ni Heneral Suchinda Kraprayoon si Anand. Nagkaroon ng mga demonstrasyon laban kay Anand na nanawagan sa kanyang pagbaba sa kapangyarihan. Pansamantalang nanatili pa rin sa kapangyarihan si Anand. Muling nagdaos ng halalan sa buwan ng Setyembre na nagbigay daan sa pagkakahalal bilang bagong Prime Minister ni Chuan Leekpai, lider ng Democratic Party. 1995 – Pagbagsak ng pamahalaan. Inihalal bilang bagong Prime Minister si Banharn Silpa-archa, ng Thai Nation party. 1996 – Inakusahan ng korapsyon ang pamahalaan ni Banharn na naghatid sa kusang pagbaba nito sa kapangyarihan. Nanalo sa halalan bilang kahalili si Chavalit Yongchaiyudh ng New Aspiration party. Nagkaroon ng matinding krisis pinansiyal sa bansa. 1997 – Naganap ang krisis pinansiyal sa Asya. Nagpatuloy ang pagbaba ng halaga ng baht laban sa dolyar na naging dahilan ng halos pagkaubos ng pondo ng bansa at mataas na bilang ng walang trabaho. Namagitan sa suliraning pinansiyal ng bansa ang IMF. Nahalal sa kapangyarihan si Chuan Leekpai bilang Prime Minister. 1998 – Pinabalik ng pamahalaan sa kanilang mga bansa ang mga manggagawang dayuhan upang bigyan ng higit na pagkakataon ang mga Thai na makakuha ng trabaho bago ang iba. Hinikayat din ng pamahalaang Chuan ang oposisyon na magsulong ng mga repormang pang-ekonomiya. 1999 – Unti-unting muling pagbangon ng ekonomiya. Sa tulong ng media, pinakita ng Thailand sa daigdig ang malaking halaga na ginugugol nito sa pagbigay lunas sa mga may sakit na AIDS at HIV sa bansa. Hinikayat din ang iba’t ibang drug companies sa agarang pagpapababa ng presyo ng gamut para sa nasabing sakit. 2001- Pagwawagi sa halalan ng New Thai Love Thai party sa poamumuno ni Thaksin Shinawatra. FEDERATION OF MALAYSIA 1826 – Pinagsanib ng mga British ang kanilang mga himpilan sa Malacca, Penang at Singapore upang buuin ang Colony of Straits Settlements, mula dito ay pinalawak 13
  • 14. nila ang kanilang impluwensiya bilang tagapagtanggol ng Sultanato ng Malay sa nasabing peninsula. 1895 – Pagsasanib ng apat (4) na estado sa Malay na kinilala bilang Federated Malay States. 1942-45 –Pananakop ng Japan. 1948 –Pinagsanib ang mga teritoryong kontrolado ng mga British sa Malaya at kinilala bilang Federation of Malaya. 1948-60 –Pinairal ang State of Emergency upang supilin ang panggugulo ng mga lokal na komunista. 1957 – Paglaya ng Federation of Malaya mula sa mga British at pamumuno ni Tunku Abdul Rahman bilang prime minister. 1963 – Ang mga kolonya ng British na Sabah, Sarawak at Singapore ay idinagdag sa Federation of Malaya upang buuin ang bagong Federation of Malaysia. 1965 – Paghiwalay ng Singapore sa Malaysia na naging 13 estado na lamang. Nagsimula na din ang pananalakay ng mga komunista sa Sarawak. 1969 –Naganap ang kaguluhan likha ng mga Malay laban sa mga Chinese bunsod ng kabiguan at tumitinding inggit ng mga ito sa tinamasang kaunlarang pangkabuhayan ng mga katutubong Chinese. 1970 –Naging bagong prime minister si Tun Abdul Razak matapos ang pagbaba sa kapangyarihan ni Tunku Abdul Rahman. Positibong Diskriminasyon sa mga Malay 1971 – Pinasimulan ng pamahalaan ang sapat na partisipasyon ng mga Malay sa larangan ng pagnenegosyo, edukasyon at serbisyo sibil. 1977 – Pinaalis sa Pan-Malaysian Islamic Party (PAS) ang Kelantan chief minister, lumikha ito ng kaguluhan at nagresulta tuluyang pagkatanggal ng PAS sa BN coalition. 1978-89 – Pinahintulutan ng pamahalaan ang mga Vietnamese refugees na pansamantalang magkanlong sa Malaysia upang makaiwas sa suliranin ng mga ito sa kanilang bansa. 1981 – Pagkahalal ni Mahathir Mohamad bilang prime minister. 14
  • 15. 1989 – Lumagda ang mga lokal na komunista ng kasunduang pangkapayapaan sa pamahalaan. 1990 –Lumagda ang mga komunista sa Sarawak ng kasunduang pangkapayapaan sa pamahalaan 1993 – Ang mga Sultans ay inalisan ng proteksyong legal. Krisis Pinansiyal 1997 –Krisis Pinansiyal sa Asya. 1998 – Alitang pulitikal nina Prime Minister Mahathir Mohamad at deputy nito na si Anwar Ibrahim na inaasahang hahalili sa kanya. Ang pagkakaiba ng pananawsa patakarang pangkabuhayanng bansa ang ugat ng nasabing alitan. Inaresto si Anwar Ibrahim dahil sa kasong sexual misconduct. 2. Ibuod ang teksto na binasa gamit ang napiling graphic organizer.Tiyaking mailalahad dito ang mahahalagang impormasyon mula sa binasa. 3. Maaari ring magsaliksik sa mga internet websites para sa karagdagang impormasyon sa paksa. 4. Ipresenta sa klase ang nabuong report sa pamamaraang nais. Humandang makapagbigay ng mga katanungan ukol dito na sasagutin ng mga kamag-aral. ISKORIKONG RUBRICS PARA SA ISANG PANGKATANG GAWAIN KRITERYA 5 4 3 2 Kaalaman sa paksa Higit na nauunawaan ang mga paksa. Ang mga pangunahing kaalaman ay nailahad at naibigay ang kahalagahan, wasto at magkakaugnay ang mga impormasyon sa kabuuan. Naunawaan ang paksa, ang mga pangunahing kaalaman ay nailahad ngunit di wasto ang ilan, may ilang impormasyon na di maliwanag ang pagkakalahad. Hindi gaanong naunawaan ang paksa.Hindi lahat ng pangunahing kaalaman ay nailahad, may mga maling impormasyon at di naiugnay ang mga ito sa kabuuang paksa. Hindi naunawaan ang paksa. Ang mga pangunahing kaalaman ay hindi nailahad at natalakay, walang kaugnayan ang mga pangunahing impormasyon sa kabuuang gawain. Pinaghalawan Binatay sa ibat- Binatay sa ibat- Binatay lamang Walang 15
  • 16. ng datos ibang saligan ang mga kaalaman tulad ng mga aklat, pahayagan, video clips, interview, radio at iba pa. ibang saligan ng impormasyon ngunit limitado lamang. ang saligan ng impormasyon sa batayang aklat lamang. batayang pinagkunan, at ang mga impormasyon ay gawa-gawa lamang. Organisasyon Organisado ang mga paksa at sa kabuuan maayos ang presentasyon ng gawain ang pinagsama- samang ideya ay malinaw na naipahayag at natalakay gamit ang mga makabuluhang graphic organizer Organisado ang mga paksa sa kabuuan at maayos na presentasyon ngunit di – masydo nagamit nang maayos ang mga graphic organizers Walang interaksyon at ugnayan sa mga kasapi, walang malinaw na presentasyon ng paksa, may graphic organizer ngunit hindi nagamit sa halip ay nagsilbing palamuti lamang sa pisara. Di-organisado ang paksa.Malinaw na walang preparasyon ang pangkat. Presentasyon Maayos ang paglalahad. Namumukod- tangi ang pamamaraan, malakas at malinaw ang pagsasalita, sapat para marinig at maintindihan ng lahat. Maayos ang paglalahad.May ilang kinakabahan at kahinaan ang tinig. Simple at maikli ang presentasyon. Ang paglalahad ay hindi malinaw, walang gaanong preparasyon. PAMPROSESONG TANONG 1. Ano ang mahihinuha sa pagbabagong naganap sa sistemang pulitikal at pamahalaan ng China, Myanmar, Thailand at Malaysia? Sagot: Mauunawaan na mula sa pamamahala ng mga mananakop na bansa ay nagawang malakalaya at mapamahalalaan ng mga bansang nabanggit ang kanilang sarili. Makikita rin ang mga suliraning kinaharap nila mula sa paglaya nila sa mga mananakop patungo sa kanilang kasalukuyang katayuan.Masasabi 16
  • 17. nating hindi nagging madali para sa mga nasabing bansa na kaharapin an gang ga nasabing pagbabagong naganap.bansa 2. Paano nakaapekto sa mga mamamayan ng mga bansang nabanggit ang nasabing pagbabago? Sagot: Bunsod ng mga pagbabagong naganap ay higit na nahasa ang kakayanan nila sa larangan ng pamamahala.Ang mga mamamayan ay naging mulat sa kanilang karapatan at tungkuling pulitikal. 3. Ano ang maaaring idulot sa mga nabanggit na bansa kung hindi naganap ang mga nasabing pagbabago? Sagot: Marahil ay mananatili ang kapangyarihan ng mga bansang sumakop sa kanila at ito ay maghahatid sa kanila ng higit na kahirapan. Posible din na maaaring malimitahan ang kanilang mga ugnayang panlabas sa rehiyon at daigdig. 4. Bilang isang Pilipino, bakit mahalaga sa iyo na maunawaan ang mga pagbabagong naganap sa sistemang pulitikal at pamahalaan ng mga nasabing bansa? Sagot: Bilang isang Pilipino mahalaga na maunawaan koi to upang malaman ko ang kanilang mga mabuti gawi na maaari rin nating tularan.Makatutulong din ito upang matukoy ko ang dahilan ng ating kaibahan sa kanila particular sa aspektong pulitikal. Malaki ang ginampanan ng mahusay na pamamahala ng mga namumuno sa mga bansa ng Silangan at Timog Silangang Asya sa pagbabagong naganap dito mula sa ika-16 hanggang 20 siglo. Ang mabuting hatid ng husay na ito sa pamumuno ay masasalamin sa napakabilis na pag-usad ng ekonomiya ng karamihan sa mga bansang ito sa rehiyon. Hinangaan ng marami ang kaunlarang tinamasa ng Japan,Korea, Singapore, Taiwan, at Thailand. Hindi rin matatawaran ang pinakikitang sigla ng China sa larangan ng ekonomiya at unti-unting pag-usad ng kabuhayan ng mga bansa sa dalawang nabanggit na rehiyon. Ang lahat ng ito ay mauugat sa pagbabago ng mga nasabing bansa sa kanilang sistemang pulitikal at mahusay na pamahalaan. GAWAIN BLG 5: KALAGAYANG PANG-EKONOMIYA NG ASYA SA KASALUKUYAN ECONOMIC CRISIS sa Asya Sa simula ng Hulyo 1997 lumikha ng labis na pangamba sa buong daigdig ang krisis pinansiyal na nararanasan sa Asya. Ang Japan, Thailand at karamihan sa mga bansa sa Timog Silangan Asya kabilang ang Pilipinas ay dumaranas ng ng suliraning ito. Ang krisis na ito ay sinasabing epekto ng tulad na suliraning kinaharap din ng mga bansang maunlad na kanluranin. Nahirapan ang mga bansa sa Asya na balikatin ang mga dating responsibilidad bunsod ng pagbabayad sa mga utang panlabas na kanilang da bansang apat bayaran. Para alalayan ang mga bansang labis na naaapektuhan ng economic crisis ay naglaan ang International Monetary Fund (IMF) ng $40 Billion programa.Lubos itong napakinabangan ng mga bansang South Korea, Thailand, at Indonesia.Batay sa artikulong 17
  • 18. sinulat ni Martin Khor, Direktor ng Thirld World Network na “The Economic Crisis in East Asia: Cause Effects and Lessons ang mga sumusunod ay naging sanhi ng krisis: 1. Maling sistema ng pamamahala sa pagbabangko at iba pang institusyong pinansiyal; 2. Di-pagkakasundo ng pamahalaan at ng mga sektor ng negosyante 3. Maling patakaran sa pagkakaroon ng fixed exchange rate sa halaga ng dolyar. Bunsod ng krisis pinansiyal na ito ay sumidhi ang pagnanais sa aspektong pulitikal sa Thailand ay nagretiro si Prime Minister General Chavalit Yongchaiyudh at sa Indonesia si Pangulong Suharto. Sa kabilang banda, isinilang naman sa panahong ito ang bagong bansa sa Timog Silangang Asya, ang East Timor. Sa pagsisimula ng 1999, naobserbahang muling unti-unting bumabangon ang ekonomiya ng mga apektadong bansa bunsod ng muling pagtaas ng pamumuhunan, mataas na koleksiyon ng buwis at iba pa. ECONOMIC MIRACLE sa Asya Ang mga bansang Singapore, South Korea at ang mga special administrative region ng Tsina na Hongkong, at Taiwan ay kinilala bilang Four Asian Dragons sa larangan ng ekonomiya.Kinilala ang mga ito bunsod na 7% kada taon na pag-unlad na kanilang tinamasa.Ipinakilala ng mga nasabing bansa ang napakabilis na pagsulong sa industriyalisasyon sa pagitan ng 1960’s-1990’s. Nagsilbing modelo sa iba pang papaunlad na bansa sa rehiyon ang kanilang karanasang natamo. Bigyang pansin ang Antas ng Pagtamo ng Per Capita Gross Domestic Product (GDP) mula 1960-2000 ng ilang mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya. Antas ng Pagtaas ng Per Capita GDP 1960-2000 Bansa 1960 1970 1980 1990 2000 Silangang Asya China 111.73 119.87 167.62 349.15 824.03 *Hongkong 3007.55 5946.5 11289.5 18813 24218 Japan 8398.53 20465.5 28295.9 39955.4 44830.4 South Korea 1324.88 2282.94 3910.28 7967.39 13062.2 Timog Silangan Asya Indonesia 248.91 297.6 503.01 776.39 13062.2 Malaysia 974. 99 1370.65 2297.11 3104.03 4796.6 Philippines 724.7 867.39 1172.85 1090.86 1167.39 Singapore 2675.86 5426.4 11048.2 17693 28229.6 Thailand 464.97 752.24 1117.11 1998.61 2804.93 Pinagkunan: ucatlas.usc.edu?output.edu.php *Special Administrative Region of China PAMPROSESONG TANONG 1. Ano-ano ang itinuturong sanhi ng ng economic crisis na naganap sa Asya? Sagot: Ang itinuturong sanhi ng economic crisis sa Asya ay ang mga sumusunod: o Maling sistema ng pamamahala sa pagbabangko at iba pang institusyong pinansiyal 18
  • 19. o Di-pagkakasundo ng pamahalaan at ng mga sektor ng negosyante o Maling patakaran sa pagkakaroon ng fixed exchange rate sa halaga ng dolyar 2. Ano ang pinatutunayan ng mga datos sa Talahanayan 1.1? Sagot: Ang pinatutunayan ng mga datos sa Talahanayan 1.1 ay ang pagsulong na naganap sa ekonomiya ng mga bansa sa Silangan at Timog Silagang Asya mula 1960-2000. Makikita din mula dito na hindi magkakasabay ang pag-unlad na kanilang naranasan. 3. Sumasang-ayon ka ba sa pananaw ni Akaname Akamatsu kung ang pagbabatayan ay ang kasalukuyang panahon? Bakit? Posibleng Sagot: Malaya ang mga mag-aaral na makapagbigay ng kanilang mga personal na sagot.Tiyakin lamang na ito ay sinusuportahan ng datos mula sa sipi. GAWAIN BLG 6: GAME NA! Sa pamamagitan ng 3-2-1- Chart alamin ang mga nabuong kaisipan at katanungan ng iyong mga kamag-aral mula sa sipi at datos na kanilang sinuri. Pamprosesong Tanong 1. Ano ang pagkakatulad o pagkakaiba ninyo batay sa iyong binasa ukol sa kalagayan ng pang Ekonomiya ng Asya sa kasalukuyang panahon? Posibleng Sagot: Nagkakaroon ng pagsulong at hamon sa kalagayang pangkabuhayan ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya. 2. Naniniwala ka ba na nagkaroon ng pagsulong sa ekonomiya ang mga bansa sa rehiyong Silangan at Timog Silangang Asya? Patunayan ang iyong sagot. 3 Things You Found Out Posibleng Sagot: Ang naganap na Economic Crisis, Economic Miracle sa Silangan At Timog Silangang Asya. Ang Per Capita GDP ng mga bansa sa dalawang rehiyon ay nagkaroon ng magkakaibang antas ng pagsulong. 2 Interesting things Posibleng Sagot: Ang Pilipinas ay nakasama sa mga bansa na naapektuhan ng Economic Crisis sa rehiyon. Ang Hongkong at Taiwan bagamat hind ganap na isang bansa ay may mabilis na pag-unlad sa ekonomiya. 1 Question You Still Have Posibleng Sagot: Ano ang mga maaaring gawin ng Pilipinas upang matularan ang mga bansa na may mataas na Per Capita GDP? 19
  • 20. Posibleng Sagot: Opo. Sapagkat batay sa mga datos sa talahanayan mula sa taong 1960 – 2000 ay tumataas ang Per Capita GDP ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangan Asya. GAWAIN BLG 7: COMPLETE IT! Gamit ang talahanayan ng Antas ng Pagtaas ng Per Capita GDP mula 1960-2000 ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya ay buuin mo ang diwa ng mga sumusunod na pangungusap. 1. Ang mga bansa sa Silangang Asya ay…. Posibleng Sagot: Ang mga bansa sa rehiyong ito ay may mataas na pagsulong sa ekonomiya sa Asya. Ang Japan ay maihahanay sa iba pang bansa sa daigdig kung kaunlaran ang pag-uusapan. 2. Ang mga bansa sa Timog Silangang Asya ay…… Posibleng Sagot: Nagkaroon ng pag sulong sa mga bansa sa rehiyong ito. Ang Singapore ang may pinakamataas na pag-unlad. 3. Ang bansang …… sa Silangang Asya ay may pinakamataas na antas ng Per Capita GDP samantalang sa Timog Silangang Asya ay ang ….. Sagot: May pinakamataas na Per Capita GDP ang Japan sa Silangan Asya at Singapore naman sa Timog Silangan Asya. 4. Ang bansang…. Sa Silangang Asya ay may pinakamababang antas ng Per Capita GDP samantalang sa Timog Silangang Asya ay ang ….. Sagot: May pinakamababang antas ng Per Capita GDP ang China sa Silangan Asya at Philippines naman sa Timog Silangang Asya. 5. Ang mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya batay sa talahanayan ng Per Capita GDP 1960-2000 ay nagpapatunay na……. Posibleng Sagot: Ang mga bansa sa dalawang rehiyon na ito ng Asya ay nagkaroon ng pagsulong sa ekonomiya bagamat magkakaiba ang antas na kanilang naranasan. 6. Ang pagkakaroon ng mataas na Per Capita GDP ay indikasyon ng ……. Sagot: Ang pagkakaroon ng mataas na Per Capita GDP ay indikasyon na sumusulong ang kalagayang pangkabuhayan ng isang bansa. GAWAIN BLG 8: NEOKOLONYALISMO Naunawaan mo na ang Asya ay minsang pinaghati-hatian ng mga mananakop na kanluraning bansa.Gumamit ang mga Asyano ng mapayapa at marahas na pamamaraan upang makamit nila muli ang kalayaan. Subalit masasabi nga bang ganap na naging malaya ang bawat bansa matapos silang makapagtatag ng kanilang sariling pamahalaan? Sa pagwawakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagkaroon ng bagong paraan ng pananakop na tinatawag na 20
  • 21. Neokolonyalismo. Ito ay ang di-tuwirang pagkontrol sa isang malayang bansa ng isang ng isa pang makapangyarihan. Ang bansang Japan matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nakaranas ng neokolonyalismo mula sa United States of America. Ang iba pang bansa tulad ng Vietnam at Pilipinas ay tulad din ng naranasan ng Japan. Ang pagkakaloob ng tulong pinansiyal, militar ay ilan lamang sa anyo ng neokolonyalismo. Sa aspektong ito, lumalabas na tinutulungan ng mga kapitalistang bansa o maunlad na bansa ang mga dating kolonya na kalimitan ay nasa Asya at Aprika. Nagkakaroon ng mga kasunduang legal sa magkabilang bansa upang maging posible ang pagbibigay at pagtanggap ng mga tulong na ito. Sa kabilang banda, hindi maitatanggi na labis din ang kapakinabangang tinatamasa ng mga kapitalistang bansa sa ganitong sitwasyon. Tinatamasa ng mga maunlad na bansa na makapagtaguyod at makapamuhunan sa mga bansang kanilang tinutulungan. Ang impluwensiyang pulitikal, sosyal, kultural ng mga neokolonyalistang bansa ay masasalamin pa rin sa bansang kanilang tinulungan. Ang mga institusyon katulad ng International Monetary Fund (IMF), World Bank (WB) at maging United Nations (UN) ay sinasabing instrumento ng neokolonyalismo. Ang kulturang kanluranin ay bahagi ng halos lahat ng bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya.Ito ay isang matibay na patunay na niyakap ng mga Asyano ang kanilang kalinangan.Pinatutunayan din nito ang pananatili ng kontrol o kung di-man ay ang impluwesiya ng mga dating mananakop na bansa. PAMPROSESONG TANONG 1. Ano ang Neokolonyalismo? Sagot: Ang Neokolonyalismo ay ang di-tuwirang pagkontrol sa isang malayang bansa ng isang ng isa pang makapangyarihan. 2. Nagaganap pa ba ang Neokolonyalismo sa kasalukuyan? Patunayan? Sagot: OO.Ito ay mapatutunayan sa pamamagitan ng pagkakaroon kontrol/impluwensiya sa mga bansa sa Asya ng mga Kanluraning bansa sa aspektong pangkabuhayan, pampolitika, pang militar at pangkultura. 3. Bakit itinuturing ang mga institusyon katulad ng International Monetary Fund (IMF), World Bank (WB) at maging United Nations (UN) na instrumento ng neokolonyalismo? Sagot: Ito ay sapagkat nagkakaloob ang mga ito ng tulong pinasiyal sa mga bansa sa Asya na nagiging dahilang ng kanilang direktang panghihimasok sa sistemang pampulitika at pangkabuhayan. Ngayon na maliwanag na sa iyo ang tinatawag na neokolonyalismo, tiyak na may iba kang pagtingin at saloobin sa 21
  • 22. isyu na ito. Ilahad mo ang iyong pananaw at saloobin sa pamamagitan ng iyong aktibong paglahok sa susunod na gawain. GAWAIN BLG 9: WHAT’S ON YOUR MIND? Sa pamamagitan ng “One Minute Essay” bubuuo ang mga mag-aaral ng isang sanaysay tungkol sa mga sumusunod na paksa. a. Neokolonyalismo: Mabuti o di mabuti para sa mga Asyano? b. Globalisasyon: Isang Paraan ng Neokolonyalismo? Rubrics sa Pagsulat ng Sanaysay Naging mahusay ba ang ginawa mong essay batay sa iyong nakuhang puntos? Anong paksa ang iyong napili? Sigurado ako na malaya mong nailahad ang iyong Puntos Lebel Pamantayan: Katangian ng Isinulat na Komposisyon 10 Napakahusay • Buo ang kaisipan, konsistent, kumpleto ang detalye ng kaganapan sa kasaysayan na tinalakay • Malinaw ( hindi na manghuhula pa ang babasa kung ano ang layunin ng sumulat) at nakabatay sa tunay na pangyayari • Gumamit ng wastong bantas. 8 Mahusay • May kaisahan at may sapat na detalye ng kaganapan sa kasaysayan na tinalakay na nakabatay sa tunay na pangyayari • May malinaw na intensyon na makapagbihay ng mensahe na nakabatay sa kasaysayan • Gumamit ng wasong bantas 6 Katamtaman • Konsistent, may kaisahan, kulang sa detalye ng kaganapan sa kasaysayan, • Di-gaanong malinaw ang intensyon • Gumamit ng wastong bantas 4 Mahina • Hindi ganap ang paglalahad ng detalye ng kaganapan sa kasaysayan • Di-malinaw ang intensyon • Hindi wasto ang bantas na ginamit 2 Napakahina • Hindi buo at konsistent, walang sapat na detalye ng kaganapan sa kasaysayan • Malabo ang intensyon • Di-wasto ang bantas 22
  • 23. saloobin at opinyon.Ipagpatuloy mo na muli ang iyong pag-aaral, ngayon naman ay alamin mo ang mahalagang kontribusyon ng mga babae sa pagbabagong naganap sa Asya.Handa ka na ba? Simulan mo na ang pagbabasa. GAWAIN BLG 10: ANG KABABAIHAN SA KASALUKUYANG ASYA Ang ika-16 hanggang 20 siglo ay nagsilbing oportunidad sa mga kababaihan para mapalawak ang kanilang papel sa lipunan at maitaguyod ang mataas na paggalang at pagkilala. Kilalanin ang ilan sa kanila. Pangalan Bansa Mahalagang Nagawa Mitsu Tanaka Japan Nagtatag ng Garrupo Tatakan Onuatachi (Fighting Women Group) at layong tutulan ang abortion at itaguyod ang mga karapatan ng babae. Corazon Aquino Philippines Unang babaeng pangulo ng bansa at kinikilala bilang Ina ng Demokrasya. Aung San Suu Kyi Burma Pinuno ng National League for Democracy at Nobel Peace Laureate Megawati Sukarnoputri Indonesia Unang babaeng pangulo ng Indonesia 23
  • 24. Mapupuna na maraming kababaihan na ang tumanyag sa ibat-ibang larangan maliban sa mga nabanggit .Isa itong malaking tagumpay ng mga babae sa rehiyon na minsan na itinuring na di gaanong mahalaga.Itinaguyod na din ng ibat-ibang bansa sa kanilang saligang batas ang mga karapatan ng babae na layuning maitaguyod ito para sa kanilang kapakanan.Hindi rin matatawaran ang malaking naiambag ng mga babae sa pag-akyat ng ekonomiya ng kanilang bansa.Sa Pilipinas ang grupong Gabriela ay kilala sa pakikipaglaban sa karapatan ng mg babae. Isa ito sa party list ng Kongreso ng Pilipinas. PAMPROSESONG TANONG 1. Bakit maituturing na kahanga-hanga ang mga nagawa nang mga kababaihan na nabanggit sa tsart? Sagot : Ang mga nabanggit na kababaihan ay nagsilbing halimbawa ng katatagan, kahusayan sa iba pang mga babae sa kanilang bansa. 2. Maituturing mo bang mahalaga sa kasalukuyang panahon ang ginagampanan ng mga kababaihan? Bakit? Sagot: OO, Sapagkat ang mga babae sa kasalukuyang panahon ay may kakayanan ng gampanan ang mga tulad na gampanin ng mga kalalakihan tungo sa pag-unlad ng kanilang bansa. Batid mo ba ang iba’t ibang isyu na kinasasangkutan ng mga babae sa kasalukuyang panahon? Ano ang opinyon at saloobin mo ukol dito? Ipahayag mo ito sa pamamagitan ng paglahok mo sa susunod na gawain. GAWAIN BLG 11: PUNTO DE BISTA! Pag usapan sa inyong pangkat ang mga isyu na kinakaharap ng mga kababaihan sa kasalukuyan. Gamitin ang tsart sa ibaba matapos ang talakayan. Isyu Dapat Di-dapat Paliwanag 1. Paglahok ng babae sa pulitikal 2. Pagtatrabaho ng babae sa labas ng bansa 3. Abortion 4. One Child Policy 5. RH Bill 24
  • 25. Paalala: Upang higit na maging masigla ang talakayan sa klase, maaari ring gamitin ang mga nabanggit na paksa sa porma ng debate. Maaari din na gamitin ang pamamaraang small group discussion upang matiyak na ang bawat pananaw at saloobin ay mapakikinggan. Hangarin nito na maiugnay sa aralin ang mga kontemporaryong isyu na kinasasangkutan ng mga kababaihan. Kamusta ang naging talakayan ninyo sa pangkat? Marahil ay masasabi mong tunay na hindi madali ang papel ng isang babae at tunay na siya ay mahalaga sa bansa. Ang pagkakaroon ng edukasyon ng mga bansa sa Asya ay masasabing isang mahalagang salik sa pagbabagong pananaw na ito sa kahalagahan ng babae sa bansa. Alamin mo sa susunod na gawain ang antas ng edukasyon ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya. GAWAIN BLG 12: ANG KAHALAGAHAN NG EDUKASYON SA MGA ASYANO Itinuturing ng maraming Asyano ang edukasyon na isa sa kanilang pangunahing pangangailangan. Naniniwala sila na ito ay isang tiyak na paraan para maiahon ang kanilang sarili buhat sa kahirapan.Sa kabilang banda, marami pa ring Asyano ang walang sapat na edukasyon kung ikukumpara sa iba pang kontinente sa daigdig ayon sa UNESCO. Tunghayan ang talahanayan kaugnay sa Illeteracy Rate Adult sa Silangan at Timos Silangang Asya Education: Illiteracy Rate Adult (% of Females/ Male Ages 15 and above) Bansa 1970 1980 1990 2000 Silangang Asya B L B L B L B L China 64.48 33.84 47.82 22.02 33.08 13.55 23.72 8.34 Hongkong 35.29 7.88 23.76 5.98 5.63 4.65 9.83 3.46 Japan South Korea 19.89 6.26 11.07 3.15 6.56 1.61 3.59 0.86 Timog Silangang Asya Brunei 58.78 27.6 32.54 14.83 20.6 8.99 11.9 5.42 Cambodia 74.4 28.88 62.31 25.05 51.9 22.16 42.89 20.22 Indonesia 56.08 40.53 27.41 18 Malaysia 54.09 29.78 37.54 19.87 25.52 13.05 16.56 8.57 Myanmar 43.39 16.68 34.11 14.53 25.69 12.62 19.47 11.05 Philippines 18.29 14.59 12.09 10.06 8.12 7.06 4.87 4.54 Thailand 27.29 11.99 17.37 7.5 10.51 4.64 6.12 2.85 25
  • 26. Singapore 40.46 14.1 26.19 8.67 16.73 5.51 11.62 3.73 Vietnam 27.63 8.93 19.2 6.68 13.1 5.51 8.62 4.46 Legend: B – babae L - lalaki Marahil ay nagtataka ka kung bakit wala sa tahanayan sa Silangang Asya ang Japan. Ito ay sa kadahilanang halos lahat ng mamamayan dito ay nakababasa at nakasusulat na siyang naging instrument nito sa pag-unlad.Para palalimin pa ang iyong kaalaman dito, basahin ang Batayang Aklat, Asya Pag usbong ng Kabihasnan, mga pahina 368-376. PAMPROSESONG TANONG 1. Aling bansa sa Silangang Asya at Timog Silangang Asya ang may pinakamataas na illiteracy rate? Sagot: Ang China ang may pinakamataas na illiteracy rate sa Silangan Asya, babae man o lalaki. Ang bansang Indonesia ang katumbas ng China sa rehiyon ng Timog Silangan Asya. 2. Aling bansa sa Silangang Asya at Timog Silangang Asya ang may pinakamababa na illiteracy rate? Sagot: Maliban sa Japan,ang bansang South Korea ang nagtataglay ng pinakamababang illiteracy rate.Sa Timog Silangan Asya ang ating bansa ang may pinakamababang illiteracy rate para sa kababaihan.Sa mga kalalakihan naman ang bansang Singapore ang may pinakamababa sa rehiyon. 3. Anong konklusyon ang mahihinuha mula sa talahanayang sinuri? Posibleng Sagot: Ang mamamayan sa Silangan at Timog Silangan Asya mula 1970 – 2000 ay patuloy na bumababa ang ilIiteracy rate. Pinatutunayan nito na tumataas naman ang bilang ng literate rate o mga nakababasa at nakasusulat, indikasyon ng pagkakaroon ng pormal na edukasyon. 4. Paano nakaaapekto sa mga bansang nabanggit ang pagkakaroon ng mataas na illiteracy rate? o mababang illiteracy rate?Ipaliwanag. Sagot: Ang pagkakaroon ng mataas na illiteracy rate ng isang bansa ay maaaring makasagabal sa paghahangad nitong umunlad. Ito ay sapagkat limitado ang maaaring maging partisipasyon ng mga mamamayang iyon tungo sa pag-unlad ng bansa. Samantala, ang mga bansa naman na may mababang illiteracy rate ay malaki ang tsansa na maging mabilis ang pagsulong ng kabuhayan nito. Magiging kapakipakinabang sa loob at labas ng bansa ang mga mamamayan nito na may pinag-aralan sapagkat mas malaki ang oportunidad na makahanap ng maayos na trabaho.Mapupuna sa talahanayan, ang mga bansang mababa ang illiteracy rate ay ang mga bansa rin na may mataas na antas ng pamumuhay at matatag na ekonomiya. 26
  • 27. 5. Ano ang mga mungkahi mong solusyon para mabawasan ang di marunong bumasa at sumulat sa ating bansa? Ipaliwanag ito. Posibleng Sagot: Pagbibigay prayoridad ng pamahalaan sa mga suliraning kinakaharap ng sektor ng edukasyon. Mahigpit na pagpapairal sa itinatadhana ng saligang batas kaugnay sa probisyon nito tungkol sa edukasyon at ang karapatang makapag-aral ng bawat kabataang Pilipino. GAWAIN BLG 13: ASK ME WHY? Sa pamamagitan ng pamamaraang Debate, pag-usapan sa klase ang isyu na: “Ang Edukasyon ay Susi sa Kaunlaran ng isang Bansa” Rubrics for Debate Pamantayan Napakahusay (3 puntos) Mahusay (2 puntos) Nagsisimula (1 punto) Posisyong pinili 20% Natukoy nang malinaw ang kalabasan ng posiyong pinili Natukoy ang posisyon subalit may ilang kalalabasang posisyon ang hindi malinaw Hindi malinaw ang posisyon Batayan ng mga pahayag 25% Ibinatay sa datos ng kasaysayan. Ibinatay sa kultura, kinagisnang paniniwala o instinct Ibinatay sa nararamdaman o emosyon Kaugnayan ng mga pahayag sa paksa 30% Ang mga pahayag ay nagpapamalas ng lubos na pagkaunawa sa posisyon o argument May ilang pahayag na walang kaugnayan sa paksa Ang mga pahayag ay napapamalas ng walang pagkaunawa sa paksa Paninnindigan sa posisyong pinili 25% Matatag ang paninindigan sa posisyong pinili May kaunting agam- agam sa posisyong pinili Hindi napanindigan ang posisyong pinili Maliban sa edukasyon, ang relihiyon ay may mahalagang ginampanan din sa pagbabagong naganap sa Asya, alamin mo ito sa susunod na gawain. GAWAIN BLG 14: ANG RELIHIYON SA ASYA SA IBAT IBANG ASPETO NG PAMUMUHAY 27
  • 28. Sa Silangang Asya ay nananatiling matatag ang Buddhism, Shintoism, Confucianism, at Taoism bilang relihiyon. Samantala sa Timog Silangang Asya ang Islam at Kristiyanismo ay mababakas pa rin. Sa paglipas ng panahon, napatatag ng mga relihiyong ito ang pamilyang Asyano. Sa ilang pagkakataon ito ay sanhi rin ng pagbubuklod tungo sa pagbabagong pampulitika. Sa Pilipinas noong 1986 ay nagtagumpay ang mga pari at madre na bigkisin ang sambayanang Pilipino upang maipakilala sa daigdig ay isang mapayapang rebolusyon. Ang EDSA People Power Revolution ay ang sanhi ng pagpapatalsik kay dating Pang.Marcos. Bagamat sa ilang pagkakataon ang di pagkakaunawaan sa ilang bansa ay nag-uugat din sa aspektong panrelihiyon tulad ng sa Mindanao at East Timor. PAMPROSESONG TANONG 1. Ano-ano ang mga relihiyong umiiral sa Silangan sa Silangan at Timog Silangang Asya? Sagot: Ang mga relihiyon sa Silangang Asya ay ang Buddhism, Shintoism, Confucianism, at Taoism samantalang sa Timog Silangang Asya ang Islam at Kristiyanismo. 2. Bakit itinuturing na mahalaga ang relihiyon sa aspeto ng pamumuhay sa mga Asyano? Sagot: Mahalaga ito sapagkat nagsisilbing gabay ng mga mamamayan at maging ng pamahalaan sa mahahalagang pagpapasya na gagawin ng mga ito. 3. Naniniwala ka ba na nanatiling makapangyarihan ang simbahang Katoliko sa Pilipinas? Patunayan. Sagot: OO,sapagkat may mga usapin sa pamamahala na patuloy na naiimpluwensiyahan ng simbahan halimbawa nito ay ang RH Bill. GAWAIN BLG 15: WHAT’S YOUR STAND? YES OR NO CARD. Itataas ang YES card ng mga mag-aaral kung sumasang-ayon sila sa pahayag at NO card kung tutol sila dito.Ipapaliwanag nila ang kanilang sagot. OO HINDI PALIWANAG 1. Pagkakaroon ng opisyal na relihiyon ng isang bansa. 2. Panghihimasok ng simbahan sa gawaing pulitikal 3. Paglahok sa halalan ng mga alagad ng simbahan 4. Pagganap sa mga gawaing pansibiko ng simbahan 5. Pagpapahintulot sa mga babae na mamuno sa simbahan. 28
  • 29. Paalala: Sa gawaing ito ay walang maling kasagutan. Hangarin nito na maiugnay ang tinalakay na aralin sa mga kontemporaryong isyu kaugnay sa gampanin ng simbahan o relihiyon sa pamumuhay ng tao at bansa sa kabuuan. Ang pamamaraang Debate, Small Group Discussion, pagsulat ng essay ay maaari ding isagawa para sa pagtalakay ng mga nabanggit na isyu. Tunay na malaki ang ginampanan ng relihiyon sa paghubog ng buhay sa Asya. Hindi lamang ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig ang naiambag ng Asya kundi maging ang mga katangi-tangi nitong mga mamamayan. Kikilanin mo ang ilan sa mga asyanong hinangaan sa daigdig, ipagpatuloy mo ang gawain. GAWAIN BLG 16: PAMANA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA SA DAIGDIG Ang Silangan at Timog Silangang Asya ay binigyan ng mga mahuhusay na mamamayang nakilala sa ibat-ibang dako ng daigdig. Hinahangaan ang kanilang husay at galing sa larangan ng isports at panitikan. Ang ilan sa kanila ay makikita sa talahanayan Kontribusyon Bansa Larangan 1. Lydia De Vega –Mercado Philippines Athletics 2. Paeng Nepomuceno Philippines Bowling 3. Efren “Bata” Reyes Philippines Billiards 4. Manny Pacquiao Philippines Boxing 5. Viswanathan Anaud India Chess 6. Yao Ming China Basketball 7. Jung Koo Chang Korea Boxing 8. Murashaki Shikibu Japan Panitikan 9. Gao Xingjian China Panitikan Pamana din ng Silangan at Timog Silangang Asya ang orkestrang Gamelan sa Indonesia, ang dulang Noh at Kabuki ng Japan. Ang mga ito ay lalong nagpatanyag sa rehiyon ng Asya sa daigdig. Pinatunayan ng mga ito ang pagiging malikhain ng mga Asyano. Kahanga-hanga sila di ba? Tulad nila kaya mo ring magtagumpay kung paghuhusayan mo pa ang iyong pag-aaral at patuloy mong tutuklasin ang iyong kakayanan. Tignan natin kung paano mo mailalahad ang iyong pagmamalaki bilang isang Asyano. 29
  • 30. GAWAIN BLG 17: PROUD TO BE ASIAN! Kaugnay sa mga naunawaan mong ambag ng Silangan at Timog Silangang Asya sa kabihasnan, buuin ang talata sa pamamagitan ng paglalagay ng mga salitang bubuo sa diwa nito. Ang Silangan at Timog Silangang Asya ay__________________________ sa daigdig____________________na dapat nitong____________________________. Pinatunayan ng mga mamamayan sa rehiyong ito ng Asya na ________________. Bilang kabataan ng kasalukuyang henerasyon nais kong _______________ upang patuloy na ____________ ang Silangan at Timog Silangang Asya sa daigdig. Magagawa kong ______________ ang mga ambag na ito ng Silangan at Timog Silangang Asya sa pamamagitan ng _______________________. Posibleng Sagot: Ang Silangan at Timog Silangan Asya ay nakilala sa daigdig dahil sa naiambag nito sa kabihasnan na dapat nitong ipagmalaki. Pinatunayan ng mga mamamayan sa rehiyong ito ng Asya na may kakayanan silang makipagsabayan o manaig sa daigdig sa anumang larangan. Bilang kabataan ng kasalukuyang henerasyon nais kong maipagmalaki ang mga natatanging ambag na ito ng mga Asyano sa rehiyon upang patuloy na hangaan at tumanyag ang Silangan at Timog Silangang Asya sa daigdig. Magagawa kong mapahalagahan ang mga ambag na ito ng Silangan at Timog Silangang Asya sa pamamagitan ng pagbabahagi ng aking kaalamang natamo sa iba na di lubos na nakakaalam tungkol dito. Maaari ko rin na gawing inspirasyon ang mga ito upang matuklasan at mapaghusay ko din ang aking kakayanan. 30 Bago ganap na iwanan ng mga mag-aaral ang yugtong ito ng modyul ay kanilang babalikan ang naging kasagutan sa IRF Worksheet at Poll Opinyon. Mahalagang makita, maiwasto ng mga mag-aaral ang kanilang kasagutan sa unang bahagi ng IRF.Ilalagay ng mga mag-aaral sa Revised na kolum ang kanilang kaisipang nabuo matapos ang mga gawain at paksang natalakay. Gagawin lamang ng mga mag-aaral ang pagpapalit ng sagot kung may pangangailangan. Sa Final na kolum naman ng IRF ay kanilang ilalahad ang tiyak na kasagutan sa tanong sa tulong ng mga tiyak na datos. Kapag nagawa na ng mga mag-aaral ito ay ganap nang mabubuo ang IRF Worksheet. Sa puntong iyon ay mapatutunayan kung nagkaroon ng pagkatuto ang mga mag-aaral sa mga paksang natalakay.Samantala sa Poll Opinyon na Gawain ay inaasahan na mababago ang datos ng bilang sapagkat sinagot ng mga mag-aaral ito sa panahong hindi pa ito lubos na natatalakay ang paksa kung kaya’t maaaring di pa noon tiyak ang kanilang sagot. Narito ang tamang sagot para sa Gawain 2: 1. Oo , 2. Hindi , 3. Oo , 4. Oo , 5. Oo , 6. Oo , 7. Oo. Kung ang mga mag-aaral ay nagbigay ng ibang sagot sa inaasahan nangangahulugan na may pangangailangan na ito ay dapat maiwasto.
  • 31. Pagnilayan at Unawain………….. GAWAIN BLG 18: ALAM KO NA! Paghambingin mo ang mga pagababagong naganap sa Silangan at Timog Silangang Asya gamit ang Compare ang Contrast Diagram. Kaugnay sa: Pamahalaan Ekonomiya Edukasyon Relihiyon Kontribusyon 31 Sa bahaging ito ng modyul ay inaasahang higit pang palalalimin at palalawakin ang kaalamang natamo ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga karagdagang Gawain na maibibigay pa sa mga ito. Ang ilan sa mga gawaing ito ay tulad ng pagsasaliksik, pagbibigay ng lektura, pag-aanyaya ng tagapagsalita na may higit na kaalaman sa paksa at marami pang iba. Ang pagbibigay ng mapaghamong katanungan sa mga mag-aaral ay dapat ding isagawa upang matiyak ang kabuuang natutuhan kaugnay sa paksa. Ang mga agam-agam ng mga mag-aaral sa yugto ng Alamin ay inaasahang nahawan na sa pagtatapos ng yugtong ito. Ang kabuuan ng paksa ay lubos nang nalinang at naunawaan ng mga mag-aaral bago magsimula sa susunod na yugto. Paksa 1: Silangang Asya Paksa 2: Timog Silangang Asya Paano nagkakatulad? Paano nagkakaiba?
  • 32. Ibahagi sa klase ang natapos na gawain. Posibleng Sagot: Pagkakatulad: Ang mga bansa sa Silangan at Timog Silangan ay nakaranas ng pagbabago sa uri ng pamahalaan na umiiral sa kanilang bansa matapos ang pagkamit ng kalayaan mula sa bansang nanakop sa kanila. Ang kalagayang pangkabuhayan din ng mga bansa sa dalawang rehiyon ay unti-unting umunlad bagamat ang kanilang antas ay di magkakapantay. May ilang mga bansa partikular sa Silangan Asya tulad ng Japan ang nakasasabay sa pandaigdigang pamantayan kaugnay sa pag-unlad. Ang edukasyon ay isa ring prayoridad ng mga bansa sa rehiyon,masasalamin sa kasalukuyan ang pagdayo ng mga mag-aaral buhat sa isang bansa tungo sa iba pang bansa sa rehiyon para sa layuning pagkatuto. Ang relihiyong katutubo at dala ng mga kanluranin tulad ng Kristiyanismo ay nananatiling matatag at maimpluwensiya sa kani-kanilang bansa. Sa larangan ng kontribusyon sa daigdig nagpatuloy ang mga bansa sa rehiyong ito na makapagbahagi ng kanyang husay at talento. Pagkakaiba: Pamahalaan: Ang mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya ay may magkakaibang uri ng sistemang pulitikal na pinaiiral bagamat sila ay nasa iisang rehiyon. Ito ay kanilang ibinatay sa karanasang politikal sa nakaraan at kasalukuyan.Malaki din ang ginampanan sa pagbabagong ito ng kagustuhan ng tao sa kanilang bansa. Ekonomiya: Ang mga bansa sa Silangan Asya ay higit na mas maunlad kaysa sa mga bansa sa Timog Silangang Asya. Ang usaping politikal, kultural, pangkapayapaan ay ilan lamang sa mga salik kung bakit napag-iwanan ang mga bansa sa Timog Silangan Asya kumpara sa kabilang rehiyon. Edukasyon: Ang edukasyon sa Silangan Asya ay higit na mas mataas ang antas ng kaalaman kumpara sa mga bansa sa Timog Silangan Asya.Ang katatagan ng kalagayang pangkabuhayan ay nakaaapekto sa pagsulong ng edukasyon sa rehiyon. Mapupuna na ang mga maunlad na bansa ay ang siya ring may mataas na kamuwangan sapagkat natutugunan ng mga ito ang pangangasilangan ng kanilang mga mamamayan. Relihiyon: Ang Silangang Asya ay patuloy na nanatiling tumangkilik sa mga relihiyong nag-ugat sa dito tulad ng Buddhism, Confucianism, Shintoism, Taoism. Sa Timog Silangang Asya ay nanatiling maimpluwensiya ang Buddhism, Islam at Katolisismo. Ang dalawang huli ay hatid ng pakikipagkalakalan at kolonyalismo. Kontribusyon sa Daigdig: Ang rehiyon ng Silangan at Timog Silangan Asya ay nakapag-ambag husay at talento sa iba’t ibang larangan tulad sining, palakasan at humanidades. 32
  • 33. Napakarami mo ng natutuhan mulsa mga aralin at gawain sa mga naunang pahina. Sigurado ako na marami kang bagong natuklasan tungkol sa Silangan at Timog Silangang Asya,sa susunod na gawain muling susubukin ang mga natutuhan mong ito,ipagpatuloy mo ang pagsagot GAWAIN BLG 19: TUKLASIN MO! 1. Kilalanin ang mga personalidad na tumanyag sa Silangan at Timog Silangang Asya bunsod sa mga pagbabagong naganap dito mula sa tradisyunal at makabagong panahon sa pamamagitan ng pagsasaliksik. Ang iba’t ibang aklat,babasahin at internet websites ay maaaring isaalang- alang sa gawaing ito. 2. Pumili ng graphic organizer na iyong magagamit upang maipakita ang mahahalagang detalye ng iyong sinaliksik. 3. Ibahagi ito sa klase bago ganap na isumite sa guro Paalala: Hangarin ng gawaing ito na mahasa ang kakayanan ng mga mag-aaral sa pangangalap ng datos sa pamamaraang pasaliksik.Gayundin,hangad nito na higit pang madagdagan ang kaalaman ng mga mag-aaral sa paksa na hindi lubusang naipakita sa teksto ng modyul at maging batayang aklat. PAMPROSESONG TANONG 1. Bakit tumanyag ang mga nabanggit na personalidad? Posibleng Sagot: (depende sa nasaliksik ng mag-aaral) Tumanyagt ang mga nasabing personalidad sapagkat kinilala sila sa asya at daigdig bunsod ng kanilang ipinakitang kakayahan at pagmamahal sa bayan. 2. Paano mo tutularan ang mga nagawa nila ? Posibleng Sagot: Matutularan ko sila sa pamamagitan ng pagpapabuti ko sa aking pag-aaral at patuloy na paghasa sa aking natatanging kakayahan. 3. Nakatulong ba sila sa pagbabagong naganap sa Asya? Patunayan. Posibleng Sagot: Sa palagay ko ay oo, sapagkat dahil sa kanila ay nabago ang imahe ng Asya sa daigdig. Nagsilbi rin silang malaking inspirasyon sa Asya at daigdig upang tularan ng marami. 33 Dito nagtatapos ang yugto ng Pagnilayan at Unawain.Sa puntong ito inaasahan na natalakay at naunawaan na ng mga mag-aaral ang paksa at sagot sa pangunahing tanong na bubuod sa kabuuan ng aralin. Handa na ang mga mag-aaral na sagutin at isagawa huling bahagi ng modyul ay ang Ilipat at Isabuhay. Good Luck!
  • 34. Ilipat at isabuhay……. Ilalahad sa mga mag-aaral ang sitwasyong ito: Bunsod ng iba’t ibang suliraning kinakaharap sa Silangang Asya at Timog – Silangang Asya nagpasya ang mga bansang bumubuo dito na magdaos ng isang kumperensiya upang talakayin ang mga naturang suliranin. Bilang isang kinatawan ikaw ay inaasahang makapagbigay ng mga mungkahi kung paano lulutasin ang mga nasabing suliranin. Ang iyong mga mungkahi ay ilalahad sa mga iba pang kinatawan ng kumperensiya sa pamamagitan ng power point presentation. Ang iyong mungkahi ay mamarkahan batay sa mga sumusunod na pamantayan: kaalaman sa paksa, pinaghalawan ng datos, organisasyon, presentasyon, kaangkupan ng mungkahi. Goal: Talakayin ang mga suliranin ng kinakaharap ng Silangan at Timog – Silangang Asya Role: Kinatawan ng isang bansa Audience: Iba’t ibang kinatawan mula sa ibang bansa ng dalawang rehiyon Situation: May mga suliraning kinakaharap ang mga bansa sa Silangan at Timog – Silangang Asya na kailangang mabigyan ng agarang solusyon Performance: Makapaglahad ng proposal sa pamamagitan ng powerpoint presentation 34 Ito ang huling bahagi ng modyul. Sa yugtong ito ng modyul ay inaasahan ang mga mag-aaral na makapagsasagawa ng isang perpormans o makagagawa ng isang produkto na magpapamalas ng kanilang natutuhan sa buong modyul. Sa gawaing ito ay masusukat ang tinamong kaalaman ng mga mag-aaral sa mga nakaraang modyul.Gagamit ng rubrics sa pagmamarka ng gawa ng mga mag-aaral. Ang pamamaraang GRASPS ay ginamit sa bahaging ito.
  • 35. Standards: Kaalaman sa paksa, pinaghalawan ng datos, organisasyon, presentasyon, kaangkupan ng mungkahi 35
  • 36. Kriterya 4 3 2 1 Kaalaman sa Paksa Higit na nauunawaan ang mga paksa. Ang mga panguhaning kaalaman ay nailahad at naibigay ang kahalagahan, wasto at magkaka- ugnay ang mga impormasyon sa kabuuan. Nauuwanaan ang paksa ang mga pangunahing kaalaman ay nailahad ngunit di- wastoang ilan: may ilang impormasyon na hindi maliwanag ang pagkakalahad. Hindi gaanong maunawaan ang paksa. Hindi lahat ng pangunahing kaalaman ay nailahad may mga maling impormasyon at hindi naiugnay ang mga ito sa kabuuang paksa. Hindi maunawaan ang paksa ang mga pangunahing kaalaman ay hindi nailahad at natalakay at walang kaugnayan ang mga pangunahing impormasyon sa kabuuang Gawain. Pinaghalawan ng Datos Binatay sa iba’t ibang saligan ang mga kaalaman tulad ng mga aklat, pahayagan, video clips, interview, radio at iba pa. Ibinatay sa iba’t ibang saligan ang mga impormasyon ngunit limitado lamang. Ibinatay lamang ang saligan ng impormasyon sa batayang aklat lamang. Walang batayang pinagkunan at ang mga impormasyon ay gawa-gawa lamang. Organisasyon Organisado ang mga paksa at sa kabuuan maayos ang presentasyon ng Gawain ang pinag-sama- samang ideya ay malinaw na naipapahayag at natatalakay gamit ang mga makabuluhang powerpoint presentation. Organisado ang mga paksa sa kabuuan at maayos na presentaasyon ngunit di masyado nagamit ng maayos ang powerpoint presentation. Walang interaksyon at ugnayan sa mga kasapi. Walang malinaw na presentasyon ng mga paksa. May powerpoint presentation ngunit hindi nagamit at nagsilbi lamang na palamuti sa pisara? Di organisado ang paksa. Malinaw na walang preperasyon ang paksa. Presentasyon Maayos ang pagkakalahad. Namumukod tangi ang pamamaraan, malalakas at malinaw ang pagsasalita sapat para marinig at maintindihan ng lahat. Maayos ang paglalahad. May ilang kinakabahan at may kahinaan ang tinig. Simple at maikli ang presentasyon. Ang paglalahad ay hindi malinaw. Walang gaanong presentasyon. Kaangkupan ng Ang mga Ang mga May ilang Maraming mga36
  • 37. Glosari Demokrasya Taglay ng sambayanan ang kapangyarihan ; May representasyon ang ibat ibang sektor ng lipunan sa pamahalaan ; May kalayaan sa pagpapahayag at pagbuo ng mga samahan ; Nagtataglay at kinikilala ang karapatang pantao at katarungang panlipunan ; May mga legal na partido ng oposisyon ; Kinikilala ang proseso ng pamamaraan sa pagpapairal ng hustisya. Economic Crisis Suliraning pangkabuhayan na naranasan sa Silangan at Timog Silangan Asya noong 1997 Economic Miracle Tumutukoy sa mabilis na industriyalisasyon natamo sa mga 37
  • 38. bansang Singapore, South Korea, Hongkong at Taiwan Gabriela Party List sa Pilipinas na nagtataguyod ng karapatan ng mga babae Garuppo Tatakan Onuatachi Itinatag ni Mitsu Tanaka ng Japan na layuning tutulan ang abortion at itaguyod ang karapatan ng mga kababaihan Illeteracy Rate Bilang ng mga di marunong bumasa at sumulat sa isang bansa o lugar Konstitusyonal May takda ang kapangyarihan ng pinuno na nakabatay sa isang Saligang Batas ; Figure Head o simbolikong pinuno lamang ang monarka Militar Pinangangasiwaan ng isang junta o pangkat ng matataas na opisyal ng hukbong sandatahan ; Pinaiiral bilang tugon sa kaguluhang putikal sa bansa ; Walang pinapanigan at di-kaanib sa anumang partidong pulitikal Monarkiya Pamumuno ng isang tao sa partikular na estado ; Minana ang karapatan sa pamumuno Neokolonyalismo Di-tuwirang pagkontrol sa isang malayang bansa ng isang makapangyarihang bansa One Party Government Nag-iisang partidong pulitikal ang may kapangyarihan na bubuo sa pamahalaan ; Pumapailalim sa isang nangungunang partido ang iba pang partido kung sakaling ito at ay papahintulutan ng una ; Ipinagbabawal ang oposisyon sa naghaharing partido ; Diktaturyal ang pamahalaan Pagbabago Tumutukoy sa transpormasyong naganap sa rehiyong ng Silangan at Timog Silangang Asya sa larangan ng Pamahalaan, Ekonomiya, Karapatan at Kababaihan, Edukasyon, Relihiyon, at maging kontribusyon sa kabihasnan Pamana Ambag o kontribusyon ng isang bansa o lahi sa sangkatauhan Per Capita GDP Tumutukoy sa tiyak nakita ng isang mamamayan sa isang bansa Relihiyon Pananampalataya o ispiritwal na paniniwala ng isang tao Sistemang Politikal Patungkol sa uri ng pamahalaan, ideolohiyang pinaniniwalaan kaugnay sa pamamahala ng isang bansa Walang Takda o Absolute Nagtataglay ng panlahatang kapangyarihan ; May pagkilala sa pinuno na nagtataglay ng divine right o mula sa pamumuno na mula sa Diyos 38