SlideShare a Scribd company logo
1 of 15
Download to read offline
Unang Markahan – Modyul 8
Ang Islam at ang mga Aral Nito
Republika ng Pilipinas • Kagawaran ng Edukasyon
5
Araling Panlipunan - Grade 5
Alternative Delivery Mode
Quarter 1 -Modyul 8: Ang Islam at ang mga Aral Nito
Unang Edisyon 2020
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda
ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng
pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan
ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na
ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa
isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang kumakatawan sa paghiling ng
pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ng
kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Ozamiz
Tagapamanihala ng mga Paaralan: Jean G. Veloso, CESO VI
Development Team of the Module
Author: Carlito O. Catulag
Reviewers: Marjorie A. Sagario, Principal III
Letecia D. Tatoy, EPS-Araling Panlipunan
Fernando D. Sumondong, PSDS
Ian Francis E. Veloso, PSDS
Illustrator and Layout Artist: Desi G. Aninao, PDO II
Ronald A. Catedral
Management Team
Chairperson: Jean G. Veloso, CESO VI
Schools Division Superintendent
Co-Chairpersons: Audie S. Borres, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Members Anacleta A. Gacasan, CID Chief ES
Letecia D. Tatpy, EPS-Araling Panlipunan
May P. Edullantes, EPS-LRMS
Fernando D. Sumondong, PSDS
Ian Francis E. Veloso, PSDS
Desi G. Aninao, PDO II
Mary Ann Grace J. Manili, Librarian II
Printed in the Philippines by
Department of Education – Division of Ozamiz City
Office Address: IBJT Compounds, Carangan, Ozamiz City
Telefax: (088)545-09-90
E-mail Address: deped1miz@gmail.com
5
Araling Panlipunan
Quarter 1 - Modyul 8
Ang Islam at ang mga Aral Nito
This instructional material was collaboratively developed and reviewed by
teachers, school heads and education program supervisors of the Department of
Education – Ozamiz City Division. We encourage teachers and other education
stakeholders to email their feedback, comments, and recommendations to the
Department of Education – Ozamiz City Division at deped1miz@gmail.com.
We value your feedback and recommendations
Republika ng Pilipinas • Kagawaran ng Edukasyon
Talaan ng Nilalaman
Paunang Salita……………………………………………………………………………… i
Alamin…………………………………………………………………………………………i
Pangkalahatang Panuto………………………………………………………………….... i
Icons of this Module.………………………………………………………………………...ii
Aralin 1:
Ang Islam at ang mga Aral Nito
Alamin ………………………………………………………………………………...1
Balikan…………………………………………………………………………………1
Tuklasin ………………………………………………………………………………………2
Suriin …………………………………………………………………………………………3
Pagyamanin …………………………………………………………………………………..4
Isaisip …………………………………………………………………………………………4
Isagawa……………………………………………………………………………….. 5
Tayahin ………………………………………………………………………………………7
Sanggunian ……………………………………………………………………………….…7
Susi sa Pagwawasto …………………………………………………………………….…..8
Paunang Salita
Ang modyul na ito ay tugon ng Alternative Delivery Mode (ADM) na nagbigay tulong sa
edukasyon, para sa mga mag-aaral na mapunan ang kaalaman nila at naayon sa pangangailingan ng
mga bawat mag-aaral.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon ng “New Normal” kung saan binigyang-diin
ang paglinang ng mga kakayahan at kasanayang magagamit sa araw-araw na pamumuhay, at higit
sa lahat ang paghubog ng isang Pilipino na kumikilala sa kanyang pinagmulan, binibigyang halaga
ang kasaysayan at kultura at aktibong nakibahagi sa mga gawaing makapagpaunlad sa bansa para
sa magandang kinabukasan. Layunin din nito na ihatid ang mga aralin sa paaralan sa inyong mga
tahanan at inaasahan na masasagot ninyo ang mga gawaing iniatas sa inyo.
Para sa mga facilitators, ang modyul na ito ay para pagtibayin ang mga kaalaman ng ating
mga mag-aaral. Inaasahang gagabayan at tutulungan natin sila sa kanilang pag-aaral upang makamit
nila ang kalidad na edukasyon at kasanayang pan 21 – siglo.
Alamin
Mayaman ang ating bansa sa kultura na ating minana mula pa sa mga sinaunang
Pilipino na sa hanggang ngayon ay may malaking impluwensya sa ating pang-araw-araw na
pamumuhay, at isa na rito ang relihiyong Islam.
Sa araling ito, madadagdagan ang ating kaalaman kung paano nagsimula ang
relihiyong Islam at kung ano ang mga aral nito.
Pangkalahatang Panuto
Ito ang magiging gabay sa paggamit ng modyul na ito:
• Basahin at unawain nang mabuti ang bawat bahagi ng modyul at sundin ang mga direksiyon
o panuto habang binabasa ang materyales.
• Sagutin ang lahat ng mga katanungan.
• Maglaan ng sapat na oras sa pagsagot ng mga katanungan.
• Gawing kasiya-siya ang bawat panahon sa paggamit ng modyul.
i
Icons na Ginagamit sa Modyul
Alamin
Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o mithiing
dapat matamo sa pag-aaral mo sa modyul na ito.
Subukin Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa tatalakaying
aralin. Sa pamamagitan nito masususuri kung ano na ang
iyong natutunan kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.
Balikan
Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa pamamagitan ng
pagtatalakay sa mga mahahalaga mong natutunan sa
nagdaang aralin na may koneksiyon sa tatalakaying bagong
aralin.
Tuklasin
Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa pamamagitan ng iba’t
ibang Gawain
Suriin Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at nararapat
mong matutunan upang malinang ang pokus na
kompetensi.
Pagyamanin
Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong
natutunan at magbibigay pagkakataong mahasa ang
kasanayang nililinang.
Isaisip
Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong mahahalagang
natutunan sa aralin.
Isagawa Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang mailapat ang
iyong mahahalagang natutunan sa mga pangyayari o
sitwasyon sa totoong buhay.
Tayahin Ito ay nagsusuri sa antas ng iyong kaalaman pagkatapos
tinatalakay ang aralin.
Susi ng
Pagwawasto
Ito ay nagbibigay ng mga tamang sagot sa mga gawain ng
bawat bahagi sa modyul.
ii
1
Aralin
Pag-usbong at
Paglaganap ng Islam sa
Pilipinas
1
Alamin
Ano ang Dapat Kong Malaman?
Pagkatapos matalakay ang araling ito, inaasahan na ang mga mag – aaral na:
 Naipaliliwanag ang konsepto ng Islam at ang mga aral nito.
Balikan
Panuto: Piliin lamang ang titik na may tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Sino sa mga sumusunod ang kauna-unahang nagpakilala ng Islam sa Pilipinas?
A. Rajah Baginda B. Tuan Masha’ika C. Karim-Ul-Makdum D. Abu Bakr
2. Anong taon dumating ang mga Arabong mangangalakal sa Pilipinas?
A. Taong 1210 B. Taong 1400 C. Taong 1390 D. Taong 1450
3. Si Shariff Kabungsuan ay nagtatatag ng pamahalaan sa Mindanao at siya ang naging
unang ___________.
A. Hari B. Sultan C. Alkalde D. Propeta
2
4. Sino sa mga sumusunod ang nangaral ng Islam sa Sulu?
A. Abu Bakr C. Shariff Kabungsuan
B. Rajah Baginda D. Karim-Ul-Makdum
5. Bakit natuldukan ang paglaganap ng Islam sa Pilipinas?
A. Dahil sa pagdating ng mga Espanyol
B. Dahil sa pagdating ng mga Tsino
C. Dahil ayaw ng mga katutubo sa Islam
D. Dahil sa iba pang mga dayuhan
Tuklasin
Panuto : Pag–aralan ang larawan sa ibaba.
Source: https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/two-muslim-kids-praying-at-
mosque-vector-16378562
Sagutin ang mga katanungan at isulat sa papel ang inyong kasagutan.
1. Ano ang ginagawa ng mga bata sa larawan?
2. Saan ba kadalasan makikita ang gawaing ito?
3. Kapareho ba sa iyong kasuotan ang isinuot na damit ng mga bata? Kung hindi, ano kaya
ang lahi ng mga batang ito?
3
Suriin
Pag-aralan ang paksa sa ibaba at sagutin ang mga tanong ukol sa paksa.
Ang Islam at ang mga Aral Nito
Ang salitang Islam ay nangangahulugang “pagtutuon o paglalaan sa Diyos”. Ito ay
isang relihiyong may paniniwala sa iisang diyos, si Allah. Itinatag ito ng propetang si
Muhammad bandang 600 C.E. Itinuturing si Muhammad ng mga Muslim bilang isang sugo ng
diyos. Ayon sa paniniwalang Islamiko, sa kweba sa Mecca, sa buwan ng Ramadan nang
kanyang matanggap ang unang pahayag mula sa diyos.
Dalawa lamang ang dapat pinagkukunan ng batas ng Islam, ito ay ang Qur’an at
Hadith. Ang Qur’an ang tawag sa banal na aklat ng Islam, ang Hadith naman ay mga tradisyon
na may kaugnayan sa mga salita at gawa ni Muhammad.
Mosque ang tawag sa pook simbahan ng mga Muslim at ito ay pinamumunuan ng
isang Imam. Ang mga sumusunod ay mga aral ng Islam na nagsisilbing gabay sa buhay ng mga
Muslim:
1. Shahada – ito ay panunumpa na walang sinumang Diyos maliban kay Allah at si
Muhammad ay tao at sugo lamang niya.
2. Salah – ito ang tawag sa limang beses na pagdadasal sa isang araw.
3. Zakat – ito ay pagtulong sa mga taong nangangailangan lalo na kung buwan ng
Ramadan.
4. Sawm - ang tawag sa pag-aayuno sa buwan ng Ramadan.
5. Hajj – ito ang tawag sa paglalakbay sa banal na lugar.
Source: https://www.slideshare.net/k60110804/ang-imperyong-islam-67915538
Mga Tanong:
1. Ano ang tawag sa isang relihiyong naniniwala sa iisang diyos na tinatawag na si Allah?
2. Sino ang propetang nagtatag ng relihiyong Islam?
3. Ano ang tawag sa banal na aklat ng mga Muslim?
4. Ano ang tawag sa pook simbahan ng mga Muslim?
5. Ano ang tawag sa limang beses na pagdadasal ng mga Muslim?
4
Pagyamanin
Panuto: Tukuyin ang hinihinging konsepto sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
1. Tawag sa pag-aayuno sa buwan ng Ramadan.
2. Paglalakbay sa banal na lugar.
3. Dalawang pinagkukunan ng batas ng Islam.
4. Tawag sa iisang diyos ng mga Muslim.
5. Pagtulong sa mga taong nangangailangan lalo na sa buwan ng Ramadan.
Isaisip
Tandaan:
 Ang Islam ay isang relihiyong naniniwala sa iisang diyos na tinatawag ng mga Muslim
na si Allah. Ito ay itinatag ng propetang si Muhammad.
 Ang tawag sa banal na aklat ng mga Muslim ay Qur’an. Ang Hadith naman ay
naglalaman ng mga tradisyon na may kaugnayan sa mga salita at gawa ni Muhammad.
 Ito ay may limang aral na nagsisilbing gabay sa buhay ng mga Muslim: Shahada, Salah,
Zakat, Sawm at Hajj.
5
Isagawa
Panuto: Ipaliwanag sa isang graphic organizer ang konsepto at aral ng Islam.
konsepto
Konsepto ng
Islam
Mga Aral ng Islam
6
Pamantayan sa rubric sa gawain sa itaas.
Batayan 5 puntos 4 puntos 3 puntos 2 puntos 1 punto Puntos
Nilalaman
Naglalaman
ito ng mga
wastong
ideya.
May isang
mali sa
mga
ideyang
ibinigay.
May
dalawang
mali sa mga
ideyang
ibinigay.
May ilang
mali sa mga
ibinigay na
ideya.
Karamihan
sa ibinigay
na mga
ideya ay
mali.
Konteksto
Malinaw at
nauunawan
ang
pagkakaayos
ng mga
ideya. .
May isang
ideya ang
hindi
malinaw
ang
pagkaka-
ayos.
May 2 ideya
ang hindi
malinaw
ang
pagkaka-
ayos.
Hindi
gaanong
malinaw at
nauunawaan
ang
pagkaka-
ayos ng mga
ideya.
Hindi
nauunawaan
ang mga
ideyang
ibinigay.
Gramatika at
Pagbabaybay
Walang mali
ang
gramatika at
baybay ng
mga salitang
ginamit.
May isang
mali sa
gramatika
at baybay
ng mga
salitang
ginamit.
May 2 mali
sa gramatika
at baybay
ng mga
salitang
ginamit.
Mahigit sa 3
ang mali sa
gramatika at
baybay ng
mga salitang
ginamit.
Mahigit sa 4
ang mali sa
gramatika at
baybay ng
mga salitang
ginamit.
Kabuuang Puntos
7
Tayahin: (Post-Test)
Paalala: Isulat ang tamang sagot sa ibang sagutang papel.
A. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang tawag sa relihiyong may iisang diyos na tinatawag na si Allah?
A. IFI B. Islam C. Seventh Day Adventist D. Kristiyanismo
2. Sino ang nagtatag ng relihiyong Islam?
A. Muhammad B. Abu Bakr C. Panginoong Diyos D. Jehovah
3. Ano ang tawag sa pag-aayuno sa buwan ng Ramadan?
A. Hajj B. Zakat C. Sawm D. Salah
4. Ano ang tawag sa banal na aklat ng mga Muslim?
A. Journal B. Bibliya C. Modyul D. Qur’an
7
5. Ano ang tawag sa limang beses na pagdadasal ng mga Muslim sa loob ng isang
araw?
A. Shahada B. Zakat C. Salah D. Hajj
B. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. (5 puntos bawat tanong)
1. Ano ang naging konsepto ng relihiyong Islam?
2. Anu-ano ang mga aral ng relihiyong Islam?
References
Gabuat, M., Mercado, M. and Jose, M., 2016. Araling Panlipunan 5 Pilipinas Bilang Isang
Bansa. Davao City: Vibal Group, pp.91
8
Susi sa Pagwawasto
A.
(
Ano
ang
Alam
Ko)
1.
B
2.
A
3.
B
4.
C
5.
A
(
Ano
nga
Ito)
1.
Islam
2.
Muhammad
3.
Qur’an
4.
Mosque
5.
Sawm
6.
Pagtutuon
o
paglalaan
sa
Diyos
C
.(
Ano
pa
ang
Tungkol
Dito)
B.
Ano
ang
aking
Magagawa.
Iba
iba
ang
sagot.
1.
Sawm
B.
Post
Test
2.
Hajj
3.
Qur’an
at
Hadith
4.
Allah
5.
Zakat
A.
B.
1.Ang
relihiyong
Islam
ay
naniniwala
sa
iisang
diyos
na
1.
B
tinatawag
ng
propetang
si
Muhammad.
2.
A
3.
C
2.Ang
mga
aral
ng
relihiyong
Islamay
Shahada,
Salah,
4.
D
Zakat,
Sawm
at
Hajj.
5.
C
9
For inquiries and feedback, please write or call:
Department of Education – Division of Ozamiz City
Office Address: IBJT Compounds, Carangan, Ozamiz City
Telefax: (088)545-09-90
Website: deped1miz@gmail.com

More Related Content

Similar to AP_5Q1_Mod8_Ang Islam at ang mga Aral Nito_Version3.pdf

ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdfARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdfKristineDelaCruz50
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
AP5-q1wk2-modyul2-Pinagmulan-ng-Pilipinas.pdf
AP5-q1wk2-modyul2-Pinagmulan-ng-Pilipinas.pdfAP5-q1wk2-modyul2-Pinagmulan-ng-Pilipinas.pdf
AP5-q1wk2-modyul2-Pinagmulan-ng-Pilipinas.pdfjosefadrilan2
 
esp_4_tg_pp.1-24.pdf
esp_4_tg_pp.1-24.pdfesp_4_tg_pp.1-24.pdf
esp_4_tg_pp.1-24.pdfMerylLao
 
Edukasyon sa pagpapakatao patnubay ng guro
Edukasyon sa pagpapakatao  patnubay ng guroEdukasyon sa pagpapakatao  patnubay ng guro
Edukasyon sa pagpapakatao patnubay ng guroelviesabang
 
Mother Manuscript WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
Mother Manuscript  WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...Mother Manuscript  WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
Mother Manuscript WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...charmaignegarcia
 
FilipinoG8Q3 (1).pdf
FilipinoG8Q3 (1).pdfFilipinoG8Q3 (1).pdf
FilipinoG8Q3 (1).pdfNoelPiedad
 
Grade 8-learning-module-values-education-edukasyon-sa-pagpapakatao
Grade 8-learning-module-values-education-edukasyon-sa-pagpapakataoGrade 8-learning-module-values-education-edukasyon-sa-pagpapakatao
Grade 8-learning-module-values-education-edukasyon-sa-pagpapakataoLiezlMae
 
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...OLIVESAMSON2
 
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdfKPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdfJohnnyJrAbalos1
 
AP6-q1wk2_mod2_KilusangPropagandaatKatipunan.pdf
AP6-q1wk2_mod2_KilusangPropagandaatKatipunan.pdfAP6-q1wk2_mod2_KilusangPropagandaatKatipunan.pdf
AP6-q1wk2_mod2_KilusangPropagandaatKatipunan.pdfjosefadrilan2
 
AP6-Quarter-1-week-1Module1-1.pdf
AP6-Quarter-1-week-1Module1-1.pdfAP6-Quarter-1-week-1Module1-1.pdf
AP6-Quarter-1-week-1Module1-1.pdfjosefadrilan2
 
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.MerecidoKomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.MerecidoLizellRagasa
 
EsP8_Q1_Mod1_AngPamilyaBilangNaturalNaInstitusyon_Version3.pdf
EsP8_Q1_Mod1_AngPamilyaBilangNaturalNaInstitusyon_Version3.pdfEsP8_Q1_Mod1_AngPamilyaBilangNaturalNaInstitusyon_Version3.pdf
EsP8_Q1_Mod1_AngPamilyaBilangNaturalNaInstitusyon_Version3.pdfMarjhieValuis1
 

Similar to AP_5Q1_Mod8_Ang Islam at ang mga Aral Nito_Version3.pdf (20)

ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdfARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
 
AP5-q1wk2-modyul2-Pinagmulan-ng-Pilipinas.pdf
AP5-q1wk2-modyul2-Pinagmulan-ng-Pilipinas.pdfAP5-q1wk2-modyul2-Pinagmulan-ng-Pilipinas.pdf
AP5-q1wk2-modyul2-Pinagmulan-ng-Pilipinas.pdf
 
esp_4_tg_pp.1-24.pdf
esp_4_tg_pp.1-24.pdfesp_4_tg_pp.1-24.pdf
esp_4_tg_pp.1-24.pdf
 
Edukasyon sa pagpapakatao patnubay ng guro
Edukasyon sa pagpapakatao  patnubay ng guroEdukasyon sa pagpapakatao  patnubay ng guro
Edukasyon sa pagpapakatao patnubay ng guro
 
Mother Manuscript WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
Mother Manuscript  WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...Mother Manuscript  WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
Mother Manuscript WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
 
FilipinoG8Q3 (1).pdf
FilipinoG8Q3 (1).pdfFilipinoG8Q3 (1).pdf
FilipinoG8Q3 (1).pdf
 
Grade 8-learning-module-values-education-edukasyon-sa-pagpapakatao
Grade 8-learning-module-values-education-edukasyon-sa-pagpapakataoGrade 8-learning-module-values-education-edukasyon-sa-pagpapakatao
Grade 8-learning-module-values-education-edukasyon-sa-pagpapakatao
 
COT
COT COT
COT
 
Ap4 tg u2
Ap4 tg u2Ap4 tg u2
Ap4 tg u2
 
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
 
Filipino
FilipinoFilipino
Filipino
 
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdfKPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdf
 
AP6-q1wk2_mod2_KilusangPropagandaatKatipunan.pdf
AP6-q1wk2_mod2_KilusangPropagandaatKatipunan.pdfAP6-q1wk2_mod2_KilusangPropagandaatKatipunan.pdf
AP6-q1wk2_mod2_KilusangPropagandaatKatipunan.pdf
 
Lm esp grade10_q4
Lm esp grade10_q4Lm esp grade10_q4
Lm esp grade10_q4
 
AP6-Quarter-1-week-1Module1-1.pdf
AP6-Quarter-1-week-1Module1-1.pdfAP6-Quarter-1-week-1Module1-1.pdf
AP6-Quarter-1-week-1Module1-1.pdf
 
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.MerecidoKomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
 
EsP8_Q1_Mod1_AngPamilyaBilangNaturalNaInstitusyon_Version3.pdf
EsP8_Q1_Mod1_AngPamilyaBilangNaturalNaInstitusyon_Version3.pdfEsP8_Q1_Mod1_AngPamilyaBilangNaturalNaInstitusyon_Version3.pdf
EsP8_Q1_Mod1_AngPamilyaBilangNaturalNaInstitusyon_Version3.pdf
 
2 ap lm tag u1
2 ap lm tag u12 ap lm tag u1
2 ap lm tag u1
 
2 ap lm tag u1
2 ap lm tag u12 ap lm tag u1
2 ap lm tag u1
 

More from MARIADELCORTEZ

Araling Panlipunan Ikatlong Markahan Modyul 1-Aralin 1 Suliranin at Hamon Kin...
Araling Panlipunan Ikatlong Markahan Modyul 1-Aralin 1 Suliranin at Hamon Kin...Araling Panlipunan Ikatlong Markahan Modyul 1-Aralin 1 Suliranin at Hamon Kin...
Araling Panlipunan Ikatlong Markahan Modyul 1-Aralin 1 Suliranin at Hamon Kin...MARIADELCORTEZ
 
SFCS STRATEGIC PLANNING 2023.pptx
SFCS STRATEGIC PLANNING 2023.pptxSFCS STRATEGIC PLANNING 2023.pptx
SFCS STRATEGIC PLANNING 2023.pptxMARIADELCORTEZ
 
Subject-Verb PPT COT 1.pptx
Subject-Verb PPT COT 1.pptxSubject-Verb PPT COT 1.pptx
Subject-Verb PPT COT 1.pptxMARIADELCORTEZ
 
MODULE 3A FOR SPEAKER.pptx
MODULE 3A FOR SPEAKER.pptxMODULE 3A FOR SPEAKER.pptx
MODULE 3A FOR SPEAKER.pptxMARIADELCORTEZ
 
Rapid Appraisal Approach.pptx
Rapid Appraisal Approach.pptxRapid Appraisal Approach.pptx
Rapid Appraisal Approach.pptxMARIADELCORTEZ
 
Characterization, SWOT Analysis.pptx
Characterization, SWOT Analysis.pptxCharacterization, SWOT Analysis.pptx
Characterization, SWOT Analysis.pptxMARIADELCORTEZ
 
solidfigures presentation kaedyn.ppt
solidfigures presentation kaedyn.pptsolidfigures presentation kaedyn.ppt
solidfigures presentation kaedyn.pptMARIADELCORTEZ
 
RPMS-with-movs-and-annotations-for-printing.ppt
RPMS-with-movs-and-annotations-for-printing.pptRPMS-with-movs-and-annotations-for-printing.ppt
RPMS-with-movs-and-annotations-for-printing.pptMARIADELCORTEZ
 
METhOD-Presentation.pptx
METhOD-Presentation.pptxMEThOD-Presentation.pptx
METhOD-Presentation.pptxMARIADELCORTEZ
 
Building-a-Culture-of-Research.pptx
Building-a-Culture-of-Research.pptxBuilding-a-Culture-of-Research.pptx
Building-a-Culture-of-Research.pptxMARIADELCORTEZ
 

More from MARIADELCORTEZ (12)

Araling Panlipunan Ikatlong Markahan Modyul 1-Aralin 1 Suliranin at Hamon Kin...
Araling Panlipunan Ikatlong Markahan Modyul 1-Aralin 1 Suliranin at Hamon Kin...Araling Panlipunan Ikatlong Markahan Modyul 1-Aralin 1 Suliranin at Hamon Kin...
Araling Panlipunan Ikatlong Markahan Modyul 1-Aralin 1 Suliranin at Hamon Kin...
 
SFCS STRATEGIC PLANNING 2023.pptx
SFCS STRATEGIC PLANNING 2023.pptxSFCS STRATEGIC PLANNING 2023.pptx
SFCS STRATEGIC PLANNING 2023.pptx
 
Subject-Verb PPT COT 1.pptx
Subject-Verb PPT COT 1.pptxSubject-Verb PPT COT 1.pptx
Subject-Verb PPT COT 1.pptx
 
MODULE 3A FOR SPEAKER.pptx
MODULE 3A FOR SPEAKER.pptxMODULE 3A FOR SPEAKER.pptx
MODULE 3A FOR SPEAKER.pptx
 
Rapid Appraisal Approach.pptx
Rapid Appraisal Approach.pptxRapid Appraisal Approach.pptx
Rapid Appraisal Approach.pptx
 
Characterization, SWOT Analysis.pptx
Characterization, SWOT Analysis.pptxCharacterization, SWOT Analysis.pptx
Characterization, SWOT Analysis.pptx
 
solidfigures presentation kaedyn.ppt
solidfigures presentation kaedyn.pptsolidfigures presentation kaedyn.ppt
solidfigures presentation kaedyn.ppt
 
ESPQ4W6D1PPP.pptx
ESPQ4W6D1PPP.pptxESPQ4W6D1PPP.pptx
ESPQ4W6D1PPP.pptx
 
ENGLISH COT 2.pptx
ENGLISH COT 2.pptxENGLISH COT 2.pptx
ENGLISH COT 2.pptx
 
RPMS-with-movs-and-annotations-for-printing.ppt
RPMS-with-movs-and-annotations-for-printing.pptRPMS-with-movs-and-annotations-for-printing.ppt
RPMS-with-movs-and-annotations-for-printing.ppt
 
METhOD-Presentation.pptx
METhOD-Presentation.pptxMEThOD-Presentation.pptx
METhOD-Presentation.pptx
 
Building-a-Culture-of-Research.pptx
Building-a-Culture-of-Research.pptxBuilding-a-Culture-of-Research.pptx
Building-a-Culture-of-Research.pptx
 

Recently uploaded

1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...VielMarvinPBerbano
 
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............AljayGanda
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxlevyandhrei14
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxmtmedel20in0037
 
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxpower point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxRosemarieGaring
 
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxRioOrpiano1
 
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptxYollySamontezaCargad
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxAJAdvin1
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxjobellejulianosalang
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxCristyJoySalarda
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxElmaPBasilio
 
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALHerlynJanMarieJuelo2
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationkimdavidmerana03
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfYollySamontezaCargad
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxfedelgado4
 
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxMga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxNaennylMTanuban
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxSundieGraceBataan
 
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...KeanuJulian
 
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasIsyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasRonalynGatelaCajudo
 

Recently uploaded (20)

1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
 
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
 
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxpower point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
 
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
 
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
 
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
 
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxMga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
 
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasIsyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
 

AP_5Q1_Mod8_Ang Islam at ang mga Aral Nito_Version3.pdf

  • 1. Unang Markahan – Modyul 8 Ang Islam at ang mga Aral Nito Republika ng Pilipinas • Kagawaran ng Edukasyon 5
  • 2. Araling Panlipunan - Grade 5 Alternative Delivery Mode Quarter 1 -Modyul 8: Ang Islam at ang mga Aral Nito Unang Edisyon 2020 Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Ozamiz Tagapamanihala ng mga Paaralan: Jean G. Veloso, CESO VI Development Team of the Module Author: Carlito O. Catulag Reviewers: Marjorie A. Sagario, Principal III Letecia D. Tatoy, EPS-Araling Panlipunan Fernando D. Sumondong, PSDS Ian Francis E. Veloso, PSDS Illustrator and Layout Artist: Desi G. Aninao, PDO II Ronald A. Catedral Management Team Chairperson: Jean G. Veloso, CESO VI Schools Division Superintendent Co-Chairpersons: Audie S. Borres, CESE Assistant Schools Division Superintendent Members Anacleta A. Gacasan, CID Chief ES Letecia D. Tatpy, EPS-Araling Panlipunan May P. Edullantes, EPS-LRMS Fernando D. Sumondong, PSDS Ian Francis E. Veloso, PSDS Desi G. Aninao, PDO II Mary Ann Grace J. Manili, Librarian II Printed in the Philippines by Department of Education – Division of Ozamiz City Office Address: IBJT Compounds, Carangan, Ozamiz City Telefax: (088)545-09-90 E-mail Address: deped1miz@gmail.com
  • 3. 5 Araling Panlipunan Quarter 1 - Modyul 8 Ang Islam at ang mga Aral Nito This instructional material was collaboratively developed and reviewed by teachers, school heads and education program supervisors of the Department of Education – Ozamiz City Division. We encourage teachers and other education stakeholders to email their feedback, comments, and recommendations to the Department of Education – Ozamiz City Division at deped1miz@gmail.com. We value your feedback and recommendations Republika ng Pilipinas • Kagawaran ng Edukasyon
  • 4. Talaan ng Nilalaman Paunang Salita……………………………………………………………………………… i Alamin…………………………………………………………………………………………i Pangkalahatang Panuto………………………………………………………………….... i Icons of this Module.………………………………………………………………………...ii Aralin 1: Ang Islam at ang mga Aral Nito Alamin ………………………………………………………………………………...1 Balikan…………………………………………………………………………………1 Tuklasin ………………………………………………………………………………………2 Suriin …………………………………………………………………………………………3 Pagyamanin …………………………………………………………………………………..4 Isaisip …………………………………………………………………………………………4 Isagawa……………………………………………………………………………….. 5 Tayahin ………………………………………………………………………………………7 Sanggunian ……………………………………………………………………………….…7 Susi sa Pagwawasto …………………………………………………………………….…..8
  • 5. Paunang Salita Ang modyul na ito ay tugon ng Alternative Delivery Mode (ADM) na nagbigay tulong sa edukasyon, para sa mga mag-aaral na mapunan ang kaalaman nila at naayon sa pangangailingan ng mga bawat mag-aaral. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon ng “New Normal” kung saan binigyang-diin ang paglinang ng mga kakayahan at kasanayang magagamit sa araw-araw na pamumuhay, at higit sa lahat ang paghubog ng isang Pilipino na kumikilala sa kanyang pinagmulan, binibigyang halaga ang kasaysayan at kultura at aktibong nakibahagi sa mga gawaing makapagpaunlad sa bansa para sa magandang kinabukasan. Layunin din nito na ihatid ang mga aralin sa paaralan sa inyong mga tahanan at inaasahan na masasagot ninyo ang mga gawaing iniatas sa inyo. Para sa mga facilitators, ang modyul na ito ay para pagtibayin ang mga kaalaman ng ating mga mag-aaral. Inaasahang gagabayan at tutulungan natin sila sa kanilang pag-aaral upang makamit nila ang kalidad na edukasyon at kasanayang pan 21 – siglo. Alamin Mayaman ang ating bansa sa kultura na ating minana mula pa sa mga sinaunang Pilipino na sa hanggang ngayon ay may malaking impluwensya sa ating pang-araw-araw na pamumuhay, at isa na rito ang relihiyong Islam. Sa araling ito, madadagdagan ang ating kaalaman kung paano nagsimula ang relihiyong Islam at kung ano ang mga aral nito. Pangkalahatang Panuto Ito ang magiging gabay sa paggamit ng modyul na ito: • Basahin at unawain nang mabuti ang bawat bahagi ng modyul at sundin ang mga direksiyon o panuto habang binabasa ang materyales. • Sagutin ang lahat ng mga katanungan. • Maglaan ng sapat na oras sa pagsagot ng mga katanungan. • Gawing kasiya-siya ang bawat panahon sa paggamit ng modyul. i
  • 6. Icons na Ginagamit sa Modyul Alamin Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa modyul na ito. Subukin Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito masususuri kung ano na ang iyong natutunan kaugnay sa bagong tatalakaying aralin. Balikan Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga mahahalaga mong natutunan sa nagdaang aralin na may koneksiyon sa tatalakaying bagong aralin. Tuklasin Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa pamamagitan ng iba’t ibang Gawain Suriin Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at nararapat mong matutunan upang malinang ang pokus na kompetensi. Pagyamanin Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong natutunan at magbibigay pagkakataong mahasa ang kasanayang nililinang. Isaisip Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong mahahalagang natutunan sa aralin. Isagawa Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang mailapat ang iyong mahahalagang natutunan sa mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay. Tayahin Ito ay nagsusuri sa antas ng iyong kaalaman pagkatapos tinatalakay ang aralin. Susi ng Pagwawasto Ito ay nagbibigay ng mga tamang sagot sa mga gawain ng bawat bahagi sa modyul. ii
  • 7. 1 Aralin Pag-usbong at Paglaganap ng Islam sa Pilipinas 1 Alamin Ano ang Dapat Kong Malaman? Pagkatapos matalakay ang araling ito, inaasahan na ang mga mag – aaral na:  Naipaliliwanag ang konsepto ng Islam at ang mga aral nito. Balikan Panuto: Piliin lamang ang titik na may tamang sagot at isulat sa sagutang papel. 1. Sino sa mga sumusunod ang kauna-unahang nagpakilala ng Islam sa Pilipinas? A. Rajah Baginda B. Tuan Masha’ika C. Karim-Ul-Makdum D. Abu Bakr 2. Anong taon dumating ang mga Arabong mangangalakal sa Pilipinas? A. Taong 1210 B. Taong 1400 C. Taong 1390 D. Taong 1450 3. Si Shariff Kabungsuan ay nagtatatag ng pamahalaan sa Mindanao at siya ang naging unang ___________. A. Hari B. Sultan C. Alkalde D. Propeta
  • 8. 2 4. Sino sa mga sumusunod ang nangaral ng Islam sa Sulu? A. Abu Bakr C. Shariff Kabungsuan B. Rajah Baginda D. Karim-Ul-Makdum 5. Bakit natuldukan ang paglaganap ng Islam sa Pilipinas? A. Dahil sa pagdating ng mga Espanyol B. Dahil sa pagdating ng mga Tsino C. Dahil ayaw ng mga katutubo sa Islam D. Dahil sa iba pang mga dayuhan Tuklasin Panuto : Pag–aralan ang larawan sa ibaba. Source: https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/two-muslim-kids-praying-at- mosque-vector-16378562 Sagutin ang mga katanungan at isulat sa papel ang inyong kasagutan. 1. Ano ang ginagawa ng mga bata sa larawan? 2. Saan ba kadalasan makikita ang gawaing ito? 3. Kapareho ba sa iyong kasuotan ang isinuot na damit ng mga bata? Kung hindi, ano kaya ang lahi ng mga batang ito?
  • 9. 3 Suriin Pag-aralan ang paksa sa ibaba at sagutin ang mga tanong ukol sa paksa. Ang Islam at ang mga Aral Nito Ang salitang Islam ay nangangahulugang “pagtutuon o paglalaan sa Diyos”. Ito ay isang relihiyong may paniniwala sa iisang diyos, si Allah. Itinatag ito ng propetang si Muhammad bandang 600 C.E. Itinuturing si Muhammad ng mga Muslim bilang isang sugo ng diyos. Ayon sa paniniwalang Islamiko, sa kweba sa Mecca, sa buwan ng Ramadan nang kanyang matanggap ang unang pahayag mula sa diyos. Dalawa lamang ang dapat pinagkukunan ng batas ng Islam, ito ay ang Qur’an at Hadith. Ang Qur’an ang tawag sa banal na aklat ng Islam, ang Hadith naman ay mga tradisyon na may kaugnayan sa mga salita at gawa ni Muhammad. Mosque ang tawag sa pook simbahan ng mga Muslim at ito ay pinamumunuan ng isang Imam. Ang mga sumusunod ay mga aral ng Islam na nagsisilbing gabay sa buhay ng mga Muslim: 1. Shahada – ito ay panunumpa na walang sinumang Diyos maliban kay Allah at si Muhammad ay tao at sugo lamang niya. 2. Salah – ito ang tawag sa limang beses na pagdadasal sa isang araw. 3. Zakat – ito ay pagtulong sa mga taong nangangailangan lalo na kung buwan ng Ramadan. 4. Sawm - ang tawag sa pag-aayuno sa buwan ng Ramadan. 5. Hajj – ito ang tawag sa paglalakbay sa banal na lugar. Source: https://www.slideshare.net/k60110804/ang-imperyong-islam-67915538 Mga Tanong: 1. Ano ang tawag sa isang relihiyong naniniwala sa iisang diyos na tinatawag na si Allah? 2. Sino ang propetang nagtatag ng relihiyong Islam? 3. Ano ang tawag sa banal na aklat ng mga Muslim? 4. Ano ang tawag sa pook simbahan ng mga Muslim? 5. Ano ang tawag sa limang beses na pagdadasal ng mga Muslim?
  • 10. 4 Pagyamanin Panuto: Tukuyin ang hinihinging konsepto sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Tawag sa pag-aayuno sa buwan ng Ramadan. 2. Paglalakbay sa banal na lugar. 3. Dalawang pinagkukunan ng batas ng Islam. 4. Tawag sa iisang diyos ng mga Muslim. 5. Pagtulong sa mga taong nangangailangan lalo na sa buwan ng Ramadan. Isaisip Tandaan:  Ang Islam ay isang relihiyong naniniwala sa iisang diyos na tinatawag ng mga Muslim na si Allah. Ito ay itinatag ng propetang si Muhammad.  Ang tawag sa banal na aklat ng mga Muslim ay Qur’an. Ang Hadith naman ay naglalaman ng mga tradisyon na may kaugnayan sa mga salita at gawa ni Muhammad.  Ito ay may limang aral na nagsisilbing gabay sa buhay ng mga Muslim: Shahada, Salah, Zakat, Sawm at Hajj.
  • 11. 5 Isagawa Panuto: Ipaliwanag sa isang graphic organizer ang konsepto at aral ng Islam. konsepto Konsepto ng Islam Mga Aral ng Islam
  • 12. 6 Pamantayan sa rubric sa gawain sa itaas. Batayan 5 puntos 4 puntos 3 puntos 2 puntos 1 punto Puntos Nilalaman Naglalaman ito ng mga wastong ideya. May isang mali sa mga ideyang ibinigay. May dalawang mali sa mga ideyang ibinigay. May ilang mali sa mga ibinigay na ideya. Karamihan sa ibinigay na mga ideya ay mali. Konteksto Malinaw at nauunawan ang pagkakaayos ng mga ideya. . May isang ideya ang hindi malinaw ang pagkaka- ayos. May 2 ideya ang hindi malinaw ang pagkaka- ayos. Hindi gaanong malinaw at nauunawaan ang pagkaka- ayos ng mga ideya. Hindi nauunawaan ang mga ideyang ibinigay. Gramatika at Pagbabaybay Walang mali ang gramatika at baybay ng mga salitang ginamit. May isang mali sa gramatika at baybay ng mga salitang ginamit. May 2 mali sa gramatika at baybay ng mga salitang ginamit. Mahigit sa 3 ang mali sa gramatika at baybay ng mga salitang ginamit. Mahigit sa 4 ang mali sa gramatika at baybay ng mga salitang ginamit. Kabuuang Puntos
  • 13. 7 Tayahin: (Post-Test) Paalala: Isulat ang tamang sagot sa ibang sagutang papel. A. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Ano ang tawag sa relihiyong may iisang diyos na tinatawag na si Allah? A. IFI B. Islam C. Seventh Day Adventist D. Kristiyanismo 2. Sino ang nagtatag ng relihiyong Islam? A. Muhammad B. Abu Bakr C. Panginoong Diyos D. Jehovah 3. Ano ang tawag sa pag-aayuno sa buwan ng Ramadan? A. Hajj B. Zakat C. Sawm D. Salah 4. Ano ang tawag sa banal na aklat ng mga Muslim? A. Journal B. Bibliya C. Modyul D. Qur’an 7 5. Ano ang tawag sa limang beses na pagdadasal ng mga Muslim sa loob ng isang araw? A. Shahada B. Zakat C. Salah D. Hajj B. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. (5 puntos bawat tanong) 1. Ano ang naging konsepto ng relihiyong Islam? 2. Anu-ano ang mga aral ng relihiyong Islam? References Gabuat, M., Mercado, M. and Jose, M., 2016. Araling Panlipunan 5 Pilipinas Bilang Isang Bansa. Davao City: Vibal Group, pp.91
  • 15. 9 For inquiries and feedback, please write or call: Department of Education – Division of Ozamiz City Office Address: IBJT Compounds, Carangan, Ozamiz City Telefax: (088)545-09-90 Website: deped1miz@gmail.com