Filipino 9 Nobela at ang mga Uri ng Tunggaliang Makikita RitoJuan Miguel Palero
Ito ay isang maikling powerpoint presentation na naglalaman o tumatalakay sa paksang Nobela at ang mga Uri ng Tunggalian na makikita sa Nobela. Dito din nakapaloob ang kahulugan ng Nobela at ang mga Uri ng Tunggalian.

Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)Eleizel Gaso
Ang mag-aaral ay nakapanghihikayat tungkol sa kagandahan ng alinmang bansa batay sa binasang akdang pampanitikan
Nasusuri ang binasang anekdota batay sa:paksa, tauhan, tagpuan, motibo ng awtor, paraan ng pagsulat F10PB-IIIb-81
1. Natutukoy ang kahulugan ng anekdota
2. Nasusuri ang binasang anekdota batay sa paksa, tauhan, tagpuan, motibo ng awtor, paraan ng pagsulat
3. Nakasusulat ng anekdota tungkol sa mga dating karanasan nang may pagpapahalaga
Tusong Katiwala
COT sa Filipino
TANONG #1:
Mula sa mga ipinakitang larawan, ano kaya ang mensahing nais ipabatid nito sa atin?
Ipinababatid nito ang iba’t ibang paraan sa pagpapakita ng KAGANDAHANG ASAL.
Tanong #2:
Paano makakatulong ang mga mensaheng nakapaloob sa larawan sa pag-uugali ng isang tao?
Kayo ay inaasahang:
1. Nasusuri ang tiyak na bahagi ng nabasang parabula na naglalahad ng katotohanan, kabutihan at kagandahang asal.
2. Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng binasang akda gamit ang ibinigay na tanong.
3. Nabibigyang puna ang estilo ng may akda batay sa mga salita at ekspresyong ginamit sa akda.
TUSO:
♣ mapanlinlang
♣ mapanglamanag
Halimbawa:
Talagang masama itong si Tasyo tuso kung makipagkalakalan sa ibang tao.
¹ Sinabi rin niya sa mga alagad, “May isang mayaman na may katiwala. Isinusumbong sa kanya na nilulustay nito ang kanyang mga kayamanan.
2 Tinawag niya ito at tinanong, ‘Ano itong narinig ko tungkol sa iyo? Magbigay-sulit ka ng ipinagkatiwala sa iyo, sapagkat hindi ka na maaaring maging katiwala pa.’
3 Sinabi ng katiwala sa sarili, ‘Ano ang gagawin ko ngayong tinanggal na sa akin ang pangangasiwa? Hindi ko kayang magbungkal ng lupa at nahihiya naman akong mamalimos.
4 Alam ko na ang gagawin ko! Maalis man ako sa pangangasiwa, may tatanggap naman sa akin sa kanilang tahanan.’
5 Kaya't isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kanyang panginoon. Sinabi niya sa una, ‘Magkano ang utang mo sa aking panginoon?’
6 At sinabi nito, ‘Sandaang tapayan ng langis.’ Sinabi niya naman dito, ‘Kunin mo ang katibayan ng iyong pagkakautang, maupo ka at isulat mo agad na limampu.’
7 Pagkatapos ay sinabi naman niya sa isa pa, ‘Magkano ang utang mo?’ At sinabi nitong, ‘Sandaang kabang trigo.’ Sinabi niya rito, ‘Kunin mo ang katibayan ng iyong pagkakautang at isulat mo na walumpu.’
8 Pinuri ng panginoon ang madayang katiwala dahil sa katusuhan nito. Sapagkat ang mga anak ng sanlibutang ito ay mas tuso sa pamamahala ng kanilang pamumuhay kaysa mga anak ng liwanag.
9 Sinasabi ko sa inyo, makipagkaibigan kayo gamit ang kayamanan ng sanlibutan upang kung maubos na ito ay tatanggapin kayo sa walang hanggang mga tahanan.
10 Ang tapat sa kaunti ay tapat din sa marami at ang hindi tapat sa kaunti ay hindi rin tapat sa marami.
11 Kaya kung hindi kayo naging tapat sa kayamanan ng sanlibutan, sino ang magtitiwala sa inyo sa tunay na kayamanan?
12 At kung hindi kayo naging tapat sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng sarili ninyong kayamanan?
13 Walang aliping makapaglilingkod sa dalawang panginoon. Sapagkat kapopootan niya ang isa ngunit iibigin ang isa pa. O kaya naman ay magiging tapat siya sa isa ngunit kamumuhian ang isa pa. Hindi kayo maaaring maglingkod sa Diyos at sa salapi.”
PARABULA
► ay maikling salaysay na nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral na karaniwang batayan ng gma kuwento ay nasa Banal na Kasulatan. Realistiko ang banghay at ang mga tauhan ay tao. Ang mga parab

Ang karunungang bayan ay isang sangay ng panitikan kung saan nagiging daan upang maipahayag ang mga kaisipan na nabibilang sa bawat kultura ng mga tao. Nakatutulong ito sa pag-angkin ng kamalayang tradisyunal, na nagpapatibay ng pagpapahalagang kultural.
1. Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, 85% ng mga mag-aaral
ang inaasahang:
a. nasusuri ang nilalaman, elemento, at
kakanyahan ng binasang mitolohiya:
b. naipahahayag ang mahalagang kaisipan at
pananaw tungkol sa mitolohiya: at
c. naisasama ang salita sa iba pang salita upang
makabuo ng ibang kahulugan.
6. 3. Si Artemis ay ang
diyos ng digmaan at anak
ni Zeus (hari ng mga
diyos) at Hera
7. 4. Ang tirahan ng mga diyos
ayon sa Mitolohiyang
Griyego ay matatagpuan sa
Bundok Olympus.
8. 5. Si Hermes, ayon sa
mitolohiyang Griyego, ang
diyos na mensahero ng mga
diyos at mga diyosa. Siya ang
gabay ng mga manlalakbay,
kabilang ang mga
nagbibiyahe patungo sa
Mundong Ilalim.
11. • Bakit ni isa mang dalaga ay wala pang
napaiibig si Pluto upang makasama niya sa
kanyang kaharian?
• Ano ang ginawang paraan ni Pluto upang
makapiling si Proserpina sa kanyang
kaharian? Tama ba ang ginawa niya? Bakit?
• Kung ikaw ang nasa katayuan ni Ceres,
dapat bang maging hadlang ang
pangyayaring iyong naranasan upang
maapektuhan ang iyong tungkulin? Bakit?
13. • Sa paanong paraan muling nakapiling
ni Ceres ang kanyang anak na si
Proserpina?
• Sa iyong palagay,ano ang sinisimbolo
ng mga diyos at diyosa bilang mga
tauhan sa kuwento? Ipaliwanag.
• Ano ang mahalagang katangian ng
binasang mitolohiya? Bakit?
• Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad
ng kalikasan ng mitolohiya sa isang
alamat? Ipaliwanag.
15. Mitolohiya
•Ang mitolohiya ay isang malaking uri
ng panitikan na kung saan ang
madalas na tinatalakay ng mga
kwento ay mga diyos at diyosa at iba
pang makapangyarihang nilalang.
16. Katangian ng Mitolohiya
• Wala silang pilosopiya ng anumang uri
• Wala silang eksaktong oras ng mga kapanganakan ng
mga diyos. Nangangahulugan ito na wala silang tunay
na kasaysayan ng kanilang mga diyos na naisip.
• Wala silang mga pang-agham na paglalarawan ng
anumang uri tungkol sa paglikha at pagkawasak ng
mundo, o pagsilang ng mga kaluluwa.
• Ang bilang ng kanilang mga diyos at mga diyosa ay
napakarami.
• Walang tiyak na lugar sa kanilang mga diyos.
17. Tauhan
•Ang nagbibigay -buhay sa
isang kuwento.
•Ang mga tauhan ay
kadalasang mga diyos o
dyosa na may taglay na
kakaibang kapangyarihan
at mga mamamayan sa
komunidad
19. •May kaugnayan ang
tagpuan sa kulturang
kinabibilangan
•Tumutukoy sa panahon at
lugar kung kailan at saan
naganap ang kuwento.
20. Banghay
• Tumutukoy sa pagsusunod-sunod
na kaganapan at pangyayari
• Masusuri ang pagiging
makatotohanan o ‘di-
makatotohanan ang akda.
• Naglalahad ng pakikipagsapalaran
ng isang tao upang ipagtanggol
ang kanyang bansa.
• Nagpapaliwanag ng mga
pangyayari at kalagayan ng mga
tao sa bansang inilalarawan sa
mitolohiya noon at sa kasalukuyan.
21. Tema
• Kadalasan, naglalaman ng mga
kwento ng pagpapakabayani. Dito,
ating makikita rin ang mga tauhan na
mga diyos o kaya’y mga taong may
dugo ng diyos.
• Isa rin sa mga tema ng mitolohiya
ang pagkakaroon ng supernatural na
kakayahan ng mga tauhan at
pagiging imortal. Bukod rito,
ipinapaliwanag rin ng mga mitolohiya
ang tema ng paggawa o paglikha ng
daigdig o mga isla.
28. Pokus
Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika
ng pandiwa sa simuno o paksa ng
pangungusap. Naipapakita ito sa
pamamagitan ng taglay na panlapi ng
pandiwa.
29. Benepaktibong Pokus O Pokus Sa Tagatanggap
•Ang paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa sa
pangungusap; sumasagot sa tanong na "para
kanino?".
(i- , -in , ipang- , ipag-)
Sa Ingles, ito ay ang indirect object.
Halimbawa:
Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap na ulam.
Ibinili ni Rosa ng bulaklak ang Mahal na Birhen.
30. Lokatibong Pokus o Pokus sa Ganapan
• Ang paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa
pangungusap; sumasagot sa tanong na "saan?".
(pag-/-an , -an/-han , ma-/-an , pang-/-an , mapag-/-an)
Halimbawa:
Pinagtaniman namin ang bukiran ng maraming gulay.
Pinuntahan ni nanay ang kusina ng bahay para magluto ng
masarap na ulam.
Ang tindahan ang pinagbilhan ni Rosa ng bulaklak.
Pinadausan ng paligsahan ang bagong tayong entablado.
31. Instrumentong Pokus o Pokus sa Gamit
• Ang paksa ang kasangkapan o bagay na ginagamit upang
maisagawa ang kilos ng pandiwa sa pangungusap;
sumasagot sa tanong na "sa pamamagitan ng ano?".
(ipang- , maipang-)
Halimbawa:
Ang kaldero ang ipinangluto ni Nanay ng masarap na
ulam para sa amin.
Ipinampunas ni Marco ang basahan sa mesa.
Ipinanghambalos niya ang hawak na tungkod sa
magnanakaw.
32. Kosatibong Pokus o Pokus Sa Sanhi
• Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng
pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "bakit?".
(i- , ika- , ikina-)
Halimbawa:
Ikinatuwa namin ang pagluluto ng masarap na ulam ng
aming nanay.
Ikinatuwa ni Ynez ang pagbili ng rosas ng kanyang nobyo
para sa kanya.
Ikinalungkot ng bata ang hindi nila pagkikitang mag-anak.
33. Pokus sa Direksyon
•Ang paksa ang nagsasaad ng direksyon ng kilos
ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa
tanong na "tungo saan/kanino?".
(-an , -han , -in , -hin)
Halimbawa:
Sinulatan niya ang kanyang mga magulang.
Pinuntahan ni Henry ang tindahan para mamili
ng kagamitan.
34. Aktor-pokus o Pokus sa Tagaganap
• Ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa sa
pangungusap; sumasagot sa tanong na "sino?".
(mag- , um- , mang- , ma- , maka- , makapag- , maki- magpa-)
Halimbawa:
• Naglunsad ng proyekto ang mga kabataan.
• Nagluto ng masarap na ulam si nanay para sa amin.
• Bumili si Rosa ng bulaklak.
• Si Ian ay humingi ng payo sa kanyang kapatid tungkol sa
kanyang suliranin.
35. Pokus sa Layon
•Ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap;
sumasagot sa tanong na "ano?".
(-in- , -i- , -ipa- , ma- , -an)
Sa Ingles, ito ay ang direct object.
Halimbawa:
Nasira mo ang mga props para sa play.
Ang ulam na masarap ay niluto ni nanay para sa
amin.
Binili ni Rosa ang bulaklak.