Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)Bryan Ben Orcenado
Ang Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralan ng Madrid Surigao del Sur Division
Tomo 1 Bilang 1 │ Agosto 2023 - Mayo 2024. Ang pampaaralang pahayagang ito ay kuwalipikado para sa National Schools Press Conference 2024 na gaganapin sa Carcar City, Cebu ngayong Hulyo.
THE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptx
Nakapaghihinuha na nakapagdudulot ng kabutihan sa pagsasama nang maluwag ang pagsasabi nang tapat quarter 1 aralin 10
1.
2. Ang pamilya ay ating kayamanan kaya anumang
hindi magandang opinyon ng ating kapwa sa ating
mga mahal sa buhay ay nakapagdudulot ng sama ng
loob subalit dapat tayong matutong tumanggap ng
mga negatibong puna upang mabago at mapaunlad
natin ang ating pakikitungo sa ating kapwa.
Gayundin, kahit alam natin na maaaring masaktan
ang mga taong malapit sa atin dapat nating sabihin
nang may katapatan ang ating opinyon at saloobin
para sa ikabubuti nila. Ang katapatan ay maituturing
din natin na isang yaman.
3.
4.
5.
6. Sa Totoo Lang Po!
ni: Dr. Erico M. Habijan et.al.
(Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon V)
Kung nais mong maging isang mabuting
bata
Maging tapat sa lahat ng ginagawa
Ipaalam at sabihin ang mga inaakala
Sa mga magulang at nakatatanda.
7. Sa totoo lang ang kasinungalingan
Ay isang kasalanan na di nahuhugasan
Nagsisilbing batik kahit kanino man
Kaya’t katahimikan ay di makakamtan.
8. Sa totoo lang dapat kahit masakit
Sabihin natin ang dapat ipilit
Pagsasabi ng totoo ay isang prinsipyo
Na di mababayaran ng kahit na sino.
9. Sa totoo lang di dapat manloko
Pagkat tiwala ng tao ay walang presyo
Ang katapatan tuwina’y isapuso
Sa lahat ng oras at saan mang dako
10. Ipakita ang katapatan sa lahat ng bagay
Sa isip, sa salita at maging sa gawa
Maging bahagi ng buhay kahit ikaw ay
bata
Upang sa paglaki, kamtin ay gantimpala
22. Mayroon kang isang malapit na
kaibigan na hindi sumasali sa mga
pangkatang gawain at hindi
tumutulong sa mga gawain sa
paaralan. Bilang kaibigan, ano ang
iyong gagawin upang maipaalam sa
kanya na hindi tama ang kanyang
ginagawa?
23.
24.
25.
26. Activity Card 1
Isang araw, napansin ni Karim na kinuha ni
Joshua ang krayola ni Rose na nasa
learner’s kit nito. Kinausap ni Karim si
Joshua at sinabing nakita niya ang ginawa
nito. Sinabihan siya ni Joshua na huwag
sasabihin kay Rose ang ginawa niya. Kung
ikaw si Karim, ano ang gagawin mo?
27. Activity Card 2
Napapansin ni Anthony ang palagiang
paglabas ng kuya niya sa paaralan nang
wala sa oras. Isang araw, sinundan niya
ito at nakita niyang nasa tindahan at
naninigarilyo. Ano ang maaaring gawin
ni Anthony upang matigil ang hindi
magandang ginagawa ng kanyang kuya?
28. Activity Card 3
Sina Marlo at Andrei ay magkaibigan.
Isang araw, hiniram ni Marlo ang bagong
laruan ni Andrei. Hindi sinasadyang
nahulog niya ito sa ilog habang tumatawid
siya pauwi sa kanilang tahanan.
Kinabukasan, hinanap ni Andrei sa kanya
ang laruan. Ano ang dapat sabihin ni
Marlo sa kanyang kaibigan?
29. Activity Card 4
Kitang- kita mo na ang iyong kaklaseng si
Marcus ay napikon sa pangangantiyaw ng
inyong kaklase kaya sinuntok niya ito.
Ipinatawag ka ng inyong guidance
counselor upang isalaysay ang buong
pangyayari. Sino ang iyong kakampihan?
Bakit?
30.
31. Rubrics ng Pangkatang Gawain
Krayterya Iskor
Naipahayag ang kasagutan nang may
kawastuhan.
May pakikiisa at tumutulong sa paggagawa ang
bawat miyembro.
Natapos sa takdang oras.
Naipahayag ang kasagutan subalit may isang
kamalian.
Hindi nakikiisa ang lahat ng miyembro ng pangkat.
Natapos sa takdang oras.
May 2 o higit pang kamalian sa ipinahayag. 3
Nakatapos sa itinakdang oras subalit
nangangailangan ng tulong.
2
Hindi nakatugon sa pangkatang gawain. 1
32.
33.
34.
35.
36.
37.
38.
39. 2. Noong maliit ka pa, ang buong akala
mo ay anak ka ng magulang mo. Ngunit
pagdating mo ng grade I, natuklasan
mong ampon ka lamang pala. Walang
nakakaalam sa iyong mga kaibigan na
40. 3. May nagawa kang pagkakamali sa klase
na hindi mo alam. Paulit- ulit mo itong
nagagawa hanggang kausapin ka ng
isang kaibigan at sabihin sa iyo ang
iyong pagkakamali at sabihan kang
huwag nang gawin ang dati mong
41. 4. Malakas ang loob ng isa sa iyong mga
kaklase na manggulo kapag wala ang
guro. Nangunguha rin siya ng naiibigang
gamit na hindi kanya. Alam mong mali
ang kanyang ginagawa ngunit takot kang
ipaalam ito sa iba. Isa ka sa
42. Tandaan Natin
Ang pagsasabi ng totoo, kahit
masaktan ang sasabihan, ay
nagpapakita ng matapat na pakikitungo
sa kapwa. Hindi nararapat na manloko
ng tao sa pamamagitan ng
pagsisinungaling upang pagtakpan ang
katotohanan.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
49. Pangkat 1- Sumulat ng islogan na may kaugna-
yan sa pagpapahayag ng saloobin nang may
katapatan
Pangkat 2- Kumatha ng isang rap na
nagpapahayag na ang pagiging matapat ay
kinalulugdan ng Diyos at ng kapwa
Pangkat 3- Gumawa ng isang dayalogo na ang
tema ay may kaugnayan sa pagsasabi ng
katotohanan.
50.
51.
52. Sa pagkakataong ito, nababatid ko na
nagkaroon na kayo ng malalim na
pagkaunawa tungkol sa pagpapahayag ng
ating saloobin at damdamin ukol sa mga
sitwasyon na ating nararanasan hindi
lamang sa ating tahanan maging sa ating
paligid.
53.
54.
55. Basahin ang bawat pangungusap. Isulat ang T kung
tama at M kung mali.
______1. Ang pagsasabi ng ating totoong saloobin sa
isang sitwasyon ay nagpapakita ng ating
katapatan sa ating kapwa.
______2. Mapagkakatiwalaan ang taong matapat.
______3. Maging positibo sa pagtanggap ng puna
upang maiwasan ang hindi pagkakunawaan.
______4. Ang panloloko sa ating kapwa ay isang
gawaing kalugod lugod.
______5. Ang batang sinungaling ay kinalulugdan ng
kanyang kapwa
56. Binabati ko kayo at matagumpay
ninyong natapos ang aralin na may
malalim na pag-unawa sa kahalagahan ng
pagsasabi ng totoo sa ating kapwa.
Ipagpatuloy ang ipinakitang sigla sa
pakikiisa sa mga gawain para sa susunod
na mga aralin.