Sa modyul na ito, pag-iisipan ng mga estudyante ang kanilang karapatan at kaakibat nitong tungkulin. Mahalagang maunawaan ito upang makilala ang kabuuang paraan sa tungkulin ng tao sa lipunan at epekto ng pagtupad o hindi pagtupad nito sa pagbuo ng kaniyang pagkatao.
Mahalagang masagot ng mga estudyante ang mga mahahalagang katanongan: Ano ang dapat gawin ng tao upang magkaroon ng tunay na kabuluhan ang karapatan? Bakit moral ng gawain ang pagtupad ng tungkulin? Ano-ano ang dalawang obligasyon na kaakibat ng karapatang pantao?
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas ng mga estudyante ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
1. Natutukoy ang mga karapatan at tungkulin ng tao
2. Nasususri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral aa pamilya, paaralan, Barangay/pamayanan, o lipunan/bansa.
3. Naipapaliwanag ang batayang kosepto ng aralin
4. Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang pukawin ang kamalayan ng kapuwa Pilipino tungkol sa mga nasaksihan, naobserbahan o napanood na paglabag sa mga karapatang pantao sa pamilya, paaralan, Barangay/pamayanan, o lipunan/bansa.
EsP Grade 9 Modyul 6: Karapatan
Dignidad
Karapatan bilang Kapangyarihang Moral
6 na Uri ng Karapatang Hindi Maaalis ayon kay Sto Tomas de Aquino
Encyclical "Kapayapaan sa Katotohanan" Pacem in Terris
Source: Edukasyon sa Pagpapakatao 9: Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon 2015
ISBN: 978-971-9601-75-3
Aralin 1 Karapatan at Tungkulin ng Tao.
Kumpara sa iba pang nilikha, ang tao lamang ang mayroong higit na halaga kaysa sa ibang bunga ng pagkakalikha sapagkat siya ay nilikha ayon sa larawan at wangis ng Diyos, at siyang paraan na rin ng paghahayag nang Kaniyang sarili sa tao. 1 Ang halagang ito o value ay tinatawag na dignidad na siyang pinakamatibay na dahilan kung bakit ang bawat tao ay mayroong karapatan. Umuusbong ang karapatan mula sa dignidad2 sapagkat ang bawat karapatan ay pagpapakita nang pagkamahalaga ng tao.
Ang karapatan ay tumutukoy sa mga prinsipyo na nagsisilbing gabay sa mga pananaw ng tao na may kinalaman sa kung papaano niya itrato ang kanyang kapuwa at sa kanyang dignidad bilang tao. Ito ay itinuturing na kapangyarihang moral sapagkat ang paggamit ng mga karapatan ay may kakayahang magdulot ng kaligayahan, kapayapaan, at pagkakaisa.
Ang pagkilala sa mga patas at hindi maaalis na karapatan ng bawat tao sa buong mundo na pinakikilos nang may kalayaan, katarungan at kapayapaan ay nangangailangan ng patas na pagbibigay-halaga sa karapatan at tungkulin upang makabuo ng batayang moral kung saan lahat ng lalake at babae ay mamumuhay ng mapayapa at makakamit ang kanilang kaganapan bilang tao. Ito ang dahilan kung bakit binuo rin ng United Nations ang Pangkalahatang Pagpapahayag ng Tungkulin ng Tao o Universal Declaration of Human Rights noong 1997.
Halimbawa:
Ang mga kababaihan noong unang panahon ay walang lugar sa politika ngunit hindi naglaon ay nabigyan na ang mga kababaihan ng karapatan upang mamuno sa lipunan. Ngunit inaasahan din sa kanya ang maayos na pamamalakad at paglilingkod.
Ang tungkulin ay ang mga bagay na inaasahang magagawa o maisasakatuparan ng isang tao. Kung maisasagawa mo nang maayos ang mga tungkuling paggawa ng mabuti sa kapuwa, maaaring magbigay ng kaligayahan at kaganapan kung sino at ano ka bilang tao dito sa mundo.
Tandaan ang bawat karapatan at ang kaakibat na tungkulin ng tao.
✓ Karapatang mabuhay
✓ Tungkulin ang pangalagaan ang sarili o pangalagaan ng mga magulang ang mga anak. Halimbawa: Sa babaeng nagdadalang-tao, tungkulin ng ina na pangalagaan ang kaniyang sarili upang masiguro ang kaligtasan ng sanggol.
✓ Karapatan magkaroon ng pribadong ari-arian
✓ Tungkulin na gawing legal ang pag-aari, mapayabong ang mga ito at gamitin upang tulungan ang kapuwa at paunlarin ang pamayanan. Halimbawa: Pagtulong sa mga nasalanta ng baha sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain, damit o pera, mga bagay na tunay nilang kailangan.
✓ Karapatang magpakasal o magkaroon ng pamilya
✓ Tungkulin na pangalagaan ang pamilya. Halimbawa: Pagiging isang mabuting halimbawa sa mga anak, pag-iwas sa eskandalo na magiging sanhi sa pagsira ng pangalan ng pamilya at pagsasabuhay ng mga birtud bilang isang pamilya.
✓ Karapatan sa pananampalataya
✓ Tungkulin na igalang ang ibang relihiyon o paraan ng pagsamba ng iba.
✓ Karapatang maghanapbuhay
✓ Tungkulin maghanapbuhay ng marangal
✓ Tungkulin ng bawat isa na magpunyagi sa t
1. Aralin 6
Karapatan at Tungkulin
Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA
Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos.
2. Balik-aral:
• Ang mabuti ay ang mga bagay na tutulong sa pagkabuo
ng sarili.
• Ang tama ay ang pagpili ng mabuti batay sa panahon,
kasaysayan, koteksto at sitwasyon.
• Ang Likas na Batas Moral ay ang likas na pagnanais ng
tao na gawin ang mabuti at iwasan ang masama.
• ANG LAHAT NG BATAS AY PARA SA TAO, hindi ang
kabaligtaran nito.
3. Panimula
• Kahit na tayo ay mayaman o
mahirap, lahat tayo ay may
pantay-pantay na karapatan.
Walang sinuman ang
mayroong mas nakararaming
karapatan kaysa sa iba.
• Mahalagang malaman mo rin
ang mga katungkulan at
responsibilidad na
nakaakibat sa bawat
karapatan.
4. Ano ang karapatan?
• Ito ang kapangyarihang moral na gawin,
hawakan, pakinabangan at angkinin ang mga
bagay na kailangan ng tao sa kanilang estado
sa buhay.
• Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang
obligasyon ng kaniyang kapwa na igalang ito.
Kapag nilabag ang karapatang ito,
magkakaroon siya ng damdamin ng pagsisisi.
5. Karapatan bilang Kapangyarihang
Moral
• Moral ito dahil hindi maaring puwersahin ng tao
ang kaniyang kapwa na ibigay sa kaniya ng
sapilitan ang mga bagay na kailangan niya sa
buhay.
• Bilang kapangyarihang moral, ang karapatan ay
pakikinabangan ng tao lamang dahil tao lamang
ang makagagawa ng moral na kilos. Dahil sa
karapatang ito, may obligasyon ang tao na
akuin at tuparin ang kaniyang mga tungkulin.
6. Mga Uri ng Karapatang Hindi
Maaalis (inalienable)
1. Karapatan sa buhay. Ito ang pinakamataas na
antas ng karapatan. Dapat itong mangibabaw sa
ibang karapatan kung sakaling ito ay malagay sa
panganib.
2. Karapatan sa pribadong pagmamay-ari.
Kailangan ng tao ang mga ari-arian upang
mabuhay ng maayos at maging produktubong
mamamayan.
3. Karapatang magpakasal. May karapatan ang tao
na bumuo ng pamilya sa pamamagitan ng kasal.
7. Mga Uri ng Karapatang Hindi
Maaalis (inalienable)
4. Karapatang pumunta sa ibang lugar. Kasama
sa karapatang ito ang lumipat sa ibang lugar na
may oportunidad tulad ng trabaho o kaligtasan sa
panganib.
5. Karapatan sa pananampalataya. Bawat tao ay
malayang pumili ng relihiyon na makakatulong sa
kanya upang mapaunlad ang kanyang pagkatao.
6. Karapatang maghanapbuhay. Ang tao ay may
karapatan sa disenteng hanapbuhay upang
mapakinabangan nila ang karapatang mabuhay.
8. 10 Karapatan ng Bawat Batang Pilipino
1. Maisilang at magkaroon ng pangalan at
nasyonalidad.
2. Magkaroon ng tahanan at pamilyang mag-
aaruga sa akin.
3. Manirahan sa payapa at tahimik na lugar.
4. Magkaroon ng sapat na pagkain, malusog at
aktibong katawan.
5. Mabigyan ng sapat na edukasyon.
9. 10 Karapatan ng Bawat Batang Pilipino
6. Mapaunlad ang aking kakayahan.
7. Mabigyan ng pagkakataong makapaglaro at
makapaglibang.
8. Mabigyan ng proteksyon laban sa pang-
aabuso, panganib at karahasan.
9. Maipagtanggol at matulungan ng pamahalaan.
10.Makapagpahayag ng sariling pananaw.
10. Ano ang tungkulin?
• Ito ang obligasyong moral
na gawin o hindi gawin
ang isang gawain.
• Kailangang gawin ang
mga tungkulin sapagkat ito
ay nararapat o nakabubuti.
11. Tungkulin bilang Obligasyong
Moral
• Kasama sa pagiging moral ng
tao ang pagtupad sa tungkulin.
Moral na gawain ito dahil ang
moral ang siyang nagpapanatili
ng ating buhay-pamayanan.
• Samakatuwid ang pagtalikod o
hindi pagtupad sa mga
tungkulin ay pagsalungat sa
buhay-pamayanan na may
malaking epekto sa sarili at sa
mga ugnayan.
Dr. Manuel Dy Jr.
Philosophy Professor
Ateneo de Manila University
12.
13. Tungkulin sa Bawat Karapatan
Karapatan Tungkulin
Karapatan sa buhay Pangalagaan ang kanyang
kalusugan at sarili laban sa
panganib.
Karapatan sa
pribadong
pagmamay-ari.
Pangalagaan at palaguin ang
kanyang mga ari-arian at gamitin
ito sa tama.
Karapatang
magpakasal
Suportahan at gabayan ang
pamilya upang maging mabuting
tao.
14. Tungkulin sa Bawat Karapatan
Karapatan Tungkulin
Karapatang
pumunta sa ibang
lugar.
Kilalanin ang limitasyon ng
sariling kalayaan. Pagsunod sa
batas ng linipatang lugar.
Karapatan sa
pananampalataya
Igalang ang relihiyon at paraan
ng pagsamba ng ilan.
Karapatang
maghanapbuhay
Magpunyagi sa trabaho at
magpakita ng kahusayan sa
gawain
15. Ang karapatan mo ay nagtatapos
kung saan nag uumpisa ang
karapatan ng iba o ng gobyerno..
wala kang karapatang babuyin
ang pader na yan, pagawa mo ba
yan? hindi sakop ng pribilehiyo
mo sa pag babayad ng buwis ang
babuyin yan... tandaan mo, galing
yan sa buwis ng bayan, hindi lang
sayo.
- PhilippineArmy Modernization
https://www.facebook.com/238009132915573/photos/a.24298
9642417522.54574.238009132915573/1352411708141971/?t
ype=3&theater
16. Tandaan:
• Kaakibat sa karapatan ng isang
tao sa kaniyang kapwa na igalang
ito at obligasyon niyang tuparin
ang kanyang mga tungkulin.
• Mahalagang patuloy natayahin
ang sarili kung napaunlad mo ang
mga kaloob ng Diyos sa
pamamagitan ng pagtupad ng
iyong mga tungkulin at
paglilingkod sa lipunan.
17. • Magbigay ng limang (5) halimbawa ng
mga paglabag sa karapatang pantao na
nagaganap sa kasalukuyan.
• Bakit napakahalaga na maunawaan
ang kaugnayan ng karapatan at
tungkulin ng tao sa lipunan sa pagkatao
ng tao?
PAGPAPAHALAGA
TAKDA:
18. References:
• Edukasyon sa Pagpapakatao 9– Modyul para sa
Mag-aaral Unang Edisyon 2015 , DepEd
• MODYUL 6: KARAPATAN AT TUNGKULIN Retrieved
07 May 2017 from
https://www.slideshare.net/maflechoco/modyul-6-
48378403
19. Tukuyin kung ang isinasaad ng bawat bilang ay
KARAPATAN o TUNGKULIN. NO ERASURES.
1. Lumaki sa isang tahimik na lipunan.
2. Makapagtapos ng pag-aaral
3. Panatilihing malinis ang bahay
4. Magkaroon ng maayos na pamilya.
5. Mamili ng tamang pinuno.