Aralin 16
Patakaran ng Pananalapi
Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA
www.slideshare.net/sirarnelPHhistory
Panimula:
• Ang isang ekonomiya ay nakakaranas ng
economic fluctuation o pabago-bagong antas
at kalagayan ng isang ekonomiya. Maaaring
makaranas ng boom period at bust period ang
ekonomiya ng isang bansa.
Pagtamlay ng Ekonomiya
• Kapag ang bansa ay nasa bust period,
nangangahulugan na ang ekonomiya nasa
pababang antas. Sa panahong ito, ang mga
kompanya ay nagtitipid ng gastos, at kung
minsan ay nagtatanggal ng mga manggagawa,
lalo na kapag ang bansa ay nahaharap na sa
recession.
• Ang recession ay ang kalagayan ng ekonomiya
kung saan pababa ang GDP rate ng bansa sa
loob ng dalawang quarter (anim na buwan) o
higit pa. Sa ganitong kalagayan, ang mga tao ay
nagtitipid at kaunting salapi ang dumadaloy sa
ekonomiya.
Pagtamlay ng Ekonomiya
• Kapag ang pagbaba ng antas ng ekonomiya ay
nagpatuloy at umabot na ng higt sa isang taon,
ito ay maituturing ng depression. Ito ay ang
mahabang panahon ng patuloy na paglugmok
ng isang ekonomiya.
• Isang beses pa lamang ito nangyayari sa
daigdig. Naganap ito noong 1929 at tumagal ng
hanggang 1933.
• Tinawag itong Great Depression dahil sa higit
sa apat na taon ang itinagal nito at maraming
bansa ang naapektuhan ng ganitong krisis
pang-ekonomiya.
Pagbawi ng Ekonomiya
• Ang recovery ay ang panahon kung saan
mula sa mababang antas ng GDP, ang
ekonomiya ay nagsimulang umangat at
magkaroon ng pag-unlad.
• Ito ang simula ng boom period, o ang
panahong na masigla o positibo ang takbo
ng ekonomiya.
• Peak ang tawag sa pinakamataas na antas
ng ekonomiya sa panahong ito.
Konsepto ng Patakaran ng
Pananalapi
• Sa pang-araw-araw na pamumuhay,
malaking parte nito ay ang paggastos kung
kaya naman ang salapi ay may mahalagang
ginagampanan sa ating buhay.
• Ang salapi ang pangunahing instrumento sa
pagbili (medium of exchange) ng pagkain,
pagbili ng mga gamit at iba pang bagay na
tutugon sa pang-araw-araw na
pangangailangan.
Sandaling Isipin:
• Bakit hindi gumawa ng
pera ang pamahalaan at
ipamigay na lamang ito sa
mga tao upang wala ng
mahirap sa bansa?
• Bakit kailangang umutang
ng pamahalaan sa ibang
bansa upang mapunan ang
kakulangan sa badyet na
kinakailangan ng ating
bansa?
Konsepto ng Patakaran ng
Pananalapi
• Ang patakaran sa pananalapi ay tumutukoy
sa gamit ng salapi at kung paano ito
inilalalaan sa ibat ibang gawaing pang-
ekonomiya.
• Sa Pilipinas, ang pangunahing institusyon na
nangangasiwa sa patakaran sa pananalapi
ay ang Bangko Sentral ng Pilipinas na
may layuning mapatatag ang ekonomiya ng
bansa.
Patakarang Pananalapi
(Monetary Policy)
• Ito ay may kinalaman sa pamamahala o
pagkontrol sa suplay ng salapi upang
patatagin ang halaga ng salapi sa loob at
labas ng bansa at tiyakin na magiging
matatag ang ekonomiya ng bansa.
• Ang mga institusiyon ng pananalapi ang may
malaking pananagutan sa pagpapatupad ng
patakaran sa pananalapi sa pangunguna ng
Bangko Sentral ng Pilipinas.
Patakarang Pananalapi
(Monetary Policy)
• Ang patakaran sa pananalapi ay isang
sistemang pinaiiral ng BSP upang
makontrol ang supply ng salapi sa
sirkulasyon.
• Kaugnay nito, ang BSP ay maaaring
magpatupad ng expansionary money
policy at contractionary money
policy.
Expansionary Money Policy
aka easy money policy
• Layunin nito na mahikayat ang mga negosyante
na palakihin ang kanilang negosyo.
• Isinasagawa sa expansionary monetary policy
sa pamamagitan ng mababang interes sa mga
pautang sa mga bangko upang makahikayat
ang mga negosyante na humiram ng pera na
pandagdag puhunan sa kanilang negosyo.
• Magdudulot ito ng paglikha ng maraming
trabaho at magkakaroon ng kakayanan ang
mga konsyumer na bumili ng produkto na
magpapataas ng kabuuang demand para sa
sambahayan at bahay kalakal.
Contractionary Money Policy
aka tight money policy
• Layunin nito na mabawasan ang paggasta
ng mga mamumuhunan at produksyon ng
kalakal.
• Sa pamamaraang ito, bumababa ang presyo
at nagiging dahilan sa pagbagal ng
ekonomiya.
• Itataas ng pamahalaan ang interes sa
pagpapautang upang mahikayat ang mga
negosyante na huwag mangutang.
Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)
Itinatag sa pamamagitan ng
Republic Act No. 7653, ang BSP
ay itinalaga bilang central
monetary authority ng bansa.
• Layunin nito na mapanatili ang katatagan
ng halaga ng bilihin at ng ating pananalapi.
• Namamahala sa mga patakaran ng
pamahalaan tungkol sa pananalapi,
pagbabangko at pagpapautang.
Institusyon ng Pananalapi
• Ito ang pangunahing institusyon na
inaasahan ng pamahalaan na
mamamahala sa paglikha, pagsu-
supply, pagsasalin-salin ng salapi sa
ating ekonomiya.
• Nahahati ito sa dalawang uri; ang
bangko at di-bangko.
A. Bangko
• Isang uri ng institusyong
pampananalapi na
tumatanggap at lumilikom
na labis na salapi na
iniimpok ng tao at
pamahalaan.
• Ito ang nagsisilbing
tagapamagitan sa mga
taong may labis na salapi
at mga negosyanteng
namumuhunan sa bansa.
Tungkulin ng bangko sa ekonomiya
• Taga-ingat ng salapi at pondo
• Hiraman ng salapi ng mga negosyante.
• Guarantor sa mga nanghihiram ng salapi.
Ang guarantor ay nagpapatunay na ang pagkatao
ng mga nanghihiram ng salapi ay mabuti.
• Nangangasiwa sa palitan ng mga salapi ng
iba’t ibang bansa.
Mga Uri ng Bangko
1. Bangko ng pagtitipid (Thrift Bank) – ito ay
tinatawag din na savings bank na humihikayat sa
mga tao na magtipid at mag-impok ng ilang bahagi
ng kanilang kita.
• Savings and Loan Association – nagpapahiram ng salapi
at tumatanggap ng impok na pera ng mga kasapi nito
• Private Development Bank – tumatanggap ng deposito ng
mga mamamayan na nagagamit sa pagpaphiram ng mga
puhunan sa mga small ang medium scale industries.
• Savings and Mortage Bank – humihikayat din sa tao na
mag-impok at tumanggap ng sanla ng publiko bilang prenda
sa pangungutang ng puhunan.
2. Bangkong Komersyal (Commercial Bank) – Ito
ang bangko na nikikipag-ugnay sa mga nag-iimpok
at mga negosyante at kapitalista.
3. Bangkong Rural (Rural Bank) – mga bangko na
ngalalayong tulungan ang mga magsasaka upang
magkaroon ng puhunan.
4. Trust Companies – bangko na nangangalaga sa
mga ari-arian at kayamanan ng mga tao na walang
kakayahang pangalagaan ang kanilang ari-arian
lalo na ng mga bata. Inaasikaso din ng bangkong
ang mag pondo at ari-arian ng simbahan at mga
charitable institutions.
5. Mga Espesyal na Bangko
▪ Land Bank of the Philippines –
itaguyod ang pagpaptupad ng
reporma sa lupa. May kinalaman
ito sa pagsasaayos ng pondo ng
pamahalaan ukol sa reporma sa
lupa.
5. Mga Espesyal na Bangko
â–Ş Development Bank of the Philippines
(DBP) – ito ang nagbibigay tulong
pinansyal sa pagpapatupad ng mga
programa at proyekto na magpapaunlad
ng pangunahing sektor ng ekonomya,
ang agrikultura at industriya.
5. Mga Espesyal na Bangko
â–Ş Al-Amanah Islamic Investment Bank
of the Philippines (Al-Amanah) –
Itinatag ito sa ilalim ng Republic Act No.
6848, layunin ng bangkong ito na
tulungan ang mga Pilipinong Muslim na
magkaroon ng puhunan at mapaunlad
ang kanilang kabuhayan.
• Maaaring ituring na nasa ilalim ng
institusyon ng pananalapi ang mga
sumusunod sapagkat tumatanggap sila
ng kontribusyon mula sa mga kasapi,
pinalalago ito at muling ibinabalik sa
mga kasapi pagdating ng panahon
upang ito ay mapakinabangan.
B. Mga Institusyong Di-Bangko
Kooperatiba
• Ito ay isang kapisanan na binubuo
ng mga kasapi na may
nagkakaisang layunin.
• Para maging ganap na lehitimo ang
isang kooperatiba, kailangan itong
irehistro sa Cooperative
Development Authority (CDA).
• Ang mga kasapi sa isang
kooperatiba ay nag-aambag ng
puhunan at nakikibahagi sa tubo,
pananagutan, at iba pang
benepisyong mula sa kita ng
kooperatiba.
Pawnshop (Bahay-Sanglaan)
• Itinatag ito upang magpautang sa mga
taong madalas mangailangan ng pera at
walang paraan upang makalapit sa mga
bangko.
• Ang mga indibidwal ay maaaring
makipagpalitan ng mahahalagang ari-
arian tulad ng alahas at kasangkapan
(tinatawag na kolateral) kapalit ng
salaping katumbas ng isinangla, kasama
na ang interes.
Pension Funds
• Pag-IBIG Fund –
Pagtutulungan sa
kinabukasan – Ikaw,
Bangko Industriya at
Gobyerno ay itinatag
upang matulungan ang
mga kasapi nito na
magkaroon ng sariling
bahay.
Pension Funds
• Government Service
Insurance System
(GSIS) – Namamahala
sa pagkakaloob ng
tulong sa mga
manggagawa ng
pamahalaan.
Pension Funds
• Social Security
System (SSS) – Ito
ang nagkakaloob ng
seguro sa mga
manggagawa sa mga
pribadong industriya at
kompanya.
Pre-Need
Ang Pre-Need Companies ay mga
kompanya o establisimyento na rehistrado
sa SEC na pinagkalooban ng nararapat na
lisensiya na mangalakal o mag-alok ng
mga kontrata ng preneed o pre-need
plans.
Insurance Companies
(Kompanya ng Seguro)
Ang insurance companies ay mga
rehistradong korporasyon sa SEC at
binigyan ng karapatan ng Komisyon ng
Seguro (Insurance Commission) na
mangalakal ng negosyo ng seguro sa
Pilipinas.
Balikan natin ang tanong:
• Bakit hindi nalang gumawa ng maraming pera ang
pamahalaan at ipamigay na lamang ito sa mga tao
upang wala ng mahirap sa bansa?
• Ang labis na supply ng salapi ay
magbubunga ng overheated
economy. Ito ay nangyayari kapag
sobrang taas ng demand dahil sa
labis na paggasta. Kapag hindi
nakaaagapay ang produksiyon sa
demand, magkakaroon ng inflation
o pagtaaas ng pangkalahatang
presyo ng mga bilihin.
Isaisip:
• Mahalaga na mapag-aralan at
maunawaan ang konsepto ng
pananalapi lalo na sa pamamahala
nito.
• Ang pangangasiwa sa dami ng salapi
sa sirkulasyon ay kinakailangan ng
matalinong pagdedesisyon lalo na
kung ang pinag-uusapan ay ang
ekonomiya ng bansa.
• Ano ang kahalagahan ng pag-iimpok sa
bangko sa buhay ng tao? Paano ito
nakakatulong sa kanyang pag-unlad.
PAGPAPAHALAGA
TAKDA:
Isulat ang sagot sa ½ crosswise na papel. COPYAND
ANSWER. Isulat ang pangalan, lagda at Valid ID number
ng magulang o guardian.
References:
• Balitao B.R. (2015), EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan –
Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon, Department of
Education
• Chua J.L. (2001), Panahon, Kasaysayan at Lipunan
(Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House
• De Leon, Z.M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-
unlad, Vibal Publishing House
• Mateo, G.C. et. al.(2012), Ekonomiks Mga Konsepto at
Aplikasyon, Vibal Publishing House
• Nolasco, L.I. et. al. (2004), Ekonomiks: Mga Konsepto,
Applikasyon at Isyu, Vibal Publishing House
• Rivera O.H. et. al.(2021) Araling Panlipunan Ikatlong
Markahan – Modyul para sa Sariling Pagkatuto 13, Konsepto
ng Patakaran ng Pananalapi Piskal, (Unpublished) DepEd
Division of Pasig City
References:
• Garcia G.D. et. al.(2021) Araling Panlipunan Ikatlong Markahan
– Modyul para sa Sariling Pagkatuto 15, Gampanin ng
Pamahalaan sa Patakarang Pananalapi, (Unpublished) DepEd
Division of Pasig City
• Eko and Miya characters used with permission from the
National Economic Development Authority (NEDA) retrieved
March 20, 2020 from http://2040.neda.gov.ph/eko-and-miya-
series

MELC Aralin 16-Patakaran ng Pananalapi

  • 1.
    Aralin 16 Patakaran ngPananalapi Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA www.slideshare.net/sirarnelPHhistory
  • 2.
    Panimula: • Ang isangekonomiya ay nakakaranas ng economic fluctuation o pabago-bagong antas at kalagayan ng isang ekonomiya. Maaaring makaranas ng boom period at bust period ang ekonomiya ng isang bansa.
  • 3.
    Pagtamlay ng Ekonomiya •Kapag ang bansa ay nasa bust period, nangangahulugan na ang ekonomiya nasa pababang antas. Sa panahong ito, ang mga kompanya ay nagtitipid ng gastos, at kung minsan ay nagtatanggal ng mga manggagawa, lalo na kapag ang bansa ay nahaharap na sa recession. • Ang recession ay ang kalagayan ng ekonomiya kung saan pababa ang GDP rate ng bansa sa loob ng dalawang quarter (anim na buwan) o higit pa. Sa ganitong kalagayan, ang mga tao ay nagtitipid at kaunting salapi ang dumadaloy sa ekonomiya.
  • 4.
    Pagtamlay ng Ekonomiya •Kapag ang pagbaba ng antas ng ekonomiya ay nagpatuloy at umabot na ng higt sa isang taon, ito ay maituturing ng depression. Ito ay ang mahabang panahon ng patuloy na paglugmok ng isang ekonomiya. • Isang beses pa lamang ito nangyayari sa daigdig. Naganap ito noong 1929 at tumagal ng hanggang 1933. • Tinawag itong Great Depression dahil sa higit sa apat na taon ang itinagal nito at maraming bansa ang naapektuhan ng ganitong krisis pang-ekonomiya.
  • 5.
    Pagbawi ng Ekonomiya •Ang recovery ay ang panahon kung saan mula sa mababang antas ng GDP, ang ekonomiya ay nagsimulang umangat at magkaroon ng pag-unlad. • Ito ang simula ng boom period, o ang panahong na masigla o positibo ang takbo ng ekonomiya. • Peak ang tawag sa pinakamataas na antas ng ekonomiya sa panahong ito.
  • 6.
    Konsepto ng Patakaranng Pananalapi • Sa pang-araw-araw na pamumuhay, malaking parte nito ay ang paggastos kung kaya naman ang salapi ay may mahalagang ginagampanan sa ating buhay. • Ang salapi ang pangunahing instrumento sa pagbili (medium of exchange) ng pagkain, pagbili ng mga gamit at iba pang bagay na tutugon sa pang-araw-araw na pangangailangan.
  • 7.
    Sandaling Isipin: • Bakithindi gumawa ng pera ang pamahalaan at ipamigay na lamang ito sa mga tao upang wala ng mahirap sa bansa? • Bakit kailangang umutang ng pamahalaan sa ibang bansa upang mapunan ang kakulangan sa badyet na kinakailangan ng ating bansa?
  • 8.
    Konsepto ng Patakaranng Pananalapi • Ang patakaran sa pananalapi ay tumutukoy sa gamit ng salapi at kung paano ito inilalalaan sa ibat ibang gawaing pang- ekonomiya. • Sa Pilipinas, ang pangunahing institusyon na nangangasiwa sa patakaran sa pananalapi ay ang Bangko Sentral ng Pilipinas na may layuning mapatatag ang ekonomiya ng bansa.
  • 9.
    Patakarang Pananalapi (Monetary Policy) •Ito ay may kinalaman sa pamamahala o pagkontrol sa suplay ng salapi upang patatagin ang halaga ng salapi sa loob at labas ng bansa at tiyakin na magiging matatag ang ekonomiya ng bansa. • Ang mga institusiyon ng pananalapi ang may malaking pananagutan sa pagpapatupad ng patakaran sa pananalapi sa pangunguna ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
  • 10.
    Patakarang Pananalapi (Monetary Policy) •Ang patakaran sa pananalapi ay isang sistemang pinaiiral ng BSP upang makontrol ang supply ng salapi sa sirkulasyon. • Kaugnay nito, ang BSP ay maaaring magpatupad ng expansionary money policy at contractionary money policy.
  • 11.
    Expansionary Money Policy akaeasy money policy • Layunin nito na mahikayat ang mga negosyante na palakihin ang kanilang negosyo. • Isinasagawa sa expansionary monetary policy sa pamamagitan ng mababang interes sa mga pautang sa mga bangko upang makahikayat ang mga negosyante na humiram ng pera na pandagdag puhunan sa kanilang negosyo. • Magdudulot ito ng paglikha ng maraming trabaho at magkakaroon ng kakayanan ang mga konsyumer na bumili ng produkto na magpapataas ng kabuuang demand para sa sambahayan at bahay kalakal.
  • 12.
    Contractionary Money Policy akatight money policy • Layunin nito na mabawasan ang paggasta ng mga mamumuhunan at produksyon ng kalakal. • Sa pamamaraang ito, bumababa ang presyo at nagiging dahilan sa pagbagal ng ekonomiya. • Itataas ng pamahalaan ang interes sa pagpapautang upang mahikayat ang mga negosyante na huwag mangutang.
  • 13.
    Bangko Sentral ngPilipinas (BSP) Itinatag sa pamamagitan ng Republic Act No. 7653, ang BSP ay itinalaga bilang central monetary authority ng bansa. • Layunin nito na mapanatili ang katatagan ng halaga ng bilihin at ng ating pananalapi. • Namamahala sa mga patakaran ng pamahalaan tungkol sa pananalapi, pagbabangko at pagpapautang.
  • 14.
    Institusyon ng Pananalapi •Ito ang pangunahing institusyon na inaasahan ng pamahalaan na mamamahala sa paglikha, pagsu- supply, pagsasalin-salin ng salapi sa ating ekonomiya. • Nahahati ito sa dalawang uri; ang bangko at di-bangko.
  • 15.
    A. Bangko • Isanguri ng institusyong pampananalapi na tumatanggap at lumilikom na labis na salapi na iniimpok ng tao at pamahalaan. • Ito ang nagsisilbing tagapamagitan sa mga taong may labis na salapi at mga negosyanteng namumuhunan sa bansa.
  • 16.
    Tungkulin ng bangkosa ekonomiya • Taga-ingat ng salapi at pondo • Hiraman ng salapi ng mga negosyante. • Guarantor sa mga nanghihiram ng salapi. Ang guarantor ay nagpapatunay na ang pagkatao ng mga nanghihiram ng salapi ay mabuti. • Nangangasiwa sa palitan ng mga salapi ng iba’t ibang bansa.
  • 17.
    Mga Uri ngBangko 1. Bangko ng pagtitipid (Thrift Bank) – ito ay tinatawag din na savings bank na humihikayat sa mga tao na magtipid at mag-impok ng ilang bahagi ng kanilang kita. • Savings and Loan Association – nagpapahiram ng salapi at tumatanggap ng impok na pera ng mga kasapi nito • Private Development Bank – tumatanggap ng deposito ng mga mamamayan na nagagamit sa pagpaphiram ng mga puhunan sa mga small ang medium scale industries. • Savings and Mortage Bank – humihikayat din sa tao na mag-impok at tumanggap ng sanla ng publiko bilang prenda sa pangungutang ng puhunan.
  • 18.
    2. Bangkong Komersyal(Commercial Bank) – Ito ang bangko na nikikipag-ugnay sa mga nag-iimpok at mga negosyante at kapitalista. 3. Bangkong Rural (Rural Bank) – mga bangko na ngalalayong tulungan ang mga magsasaka upang magkaroon ng puhunan. 4. Trust Companies – bangko na nangangalaga sa mga ari-arian at kayamanan ng mga tao na walang kakayahang pangalagaan ang kanilang ari-arian lalo na ng mga bata. Inaasikaso din ng bangkong ang mag pondo at ari-arian ng simbahan at mga charitable institutions.
  • 19.
    5. Mga Espesyalna Bangko ▪ Land Bank of the Philippines – itaguyod ang pagpaptupad ng reporma sa lupa. May kinalaman ito sa pagsasaayos ng pondo ng pamahalaan ukol sa reporma sa lupa.
  • 20.
    5. Mga Espesyalna Bangko ▪ Development Bank of the Philippines (DBP) – ito ang nagbibigay tulong pinansyal sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto na magpapaunlad ng pangunahing sektor ng ekonomya, ang agrikultura at industriya.
  • 21.
    5. Mga Espesyalna Bangko ▪ Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines (Al-Amanah) – Itinatag ito sa ilalim ng Republic Act No. 6848, layunin ng bangkong ito na tulungan ang mga Pilipinong Muslim na magkaroon ng puhunan at mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
  • 22.
    • Maaaring ituringna nasa ilalim ng institusyon ng pananalapi ang mga sumusunod sapagkat tumatanggap sila ng kontribusyon mula sa mga kasapi, pinalalago ito at muling ibinabalik sa mga kasapi pagdating ng panahon upang ito ay mapakinabangan. B. Mga Institusyong Di-Bangko
  • 23.
    Kooperatiba • Ito ayisang kapisanan na binubuo ng mga kasapi na may nagkakaisang layunin. • Para maging ganap na lehitimo ang isang kooperatiba, kailangan itong irehistro sa Cooperative Development Authority (CDA). • Ang mga kasapi sa isang kooperatiba ay nag-aambag ng puhunan at nakikibahagi sa tubo, pananagutan, at iba pang benepisyong mula sa kita ng kooperatiba.
  • 24.
    Pawnshop (Bahay-Sanglaan) • Itinatagito upang magpautang sa mga taong madalas mangailangan ng pera at walang paraan upang makalapit sa mga bangko. • Ang mga indibidwal ay maaaring makipagpalitan ng mahahalagang ari- arian tulad ng alahas at kasangkapan (tinatawag na kolateral) kapalit ng salaping katumbas ng isinangla, kasama na ang interes.
  • 25.
    Pension Funds • Pag-IBIGFund – Pagtutulungan sa kinabukasan – Ikaw, Bangko Industriya at Gobyerno ay itinatag upang matulungan ang mga kasapi nito na magkaroon ng sariling bahay.
  • 26.
    Pension Funds • GovernmentService Insurance System (GSIS) – Namamahala sa pagkakaloob ng tulong sa mga manggagawa ng pamahalaan.
  • 27.
    Pension Funds • SocialSecurity System (SSS) – Ito ang nagkakaloob ng seguro sa mga manggagawa sa mga pribadong industriya at kompanya.
  • 28.
    Pre-Need Ang Pre-Need Companiesay mga kompanya o establisimyento na rehistrado sa SEC na pinagkalooban ng nararapat na lisensiya na mangalakal o mag-alok ng mga kontrata ng preneed o pre-need plans.
  • 29.
    Insurance Companies (Kompanya ngSeguro) Ang insurance companies ay mga rehistradong korporasyon sa SEC at binigyan ng karapatan ng Komisyon ng Seguro (Insurance Commission) na mangalakal ng negosyo ng seguro sa Pilipinas.
  • 30.
    Balikan natin angtanong: • Bakit hindi nalang gumawa ng maraming pera ang pamahalaan at ipamigay na lamang ito sa mga tao upang wala ng mahirap sa bansa? • Ang labis na supply ng salapi ay magbubunga ng overheated economy. Ito ay nangyayari kapag sobrang taas ng demand dahil sa labis na paggasta. Kapag hindi nakaaagapay ang produksiyon sa demand, magkakaroon ng inflation o pagtaaas ng pangkalahatang presyo ng mga bilihin.
  • 31.
    Isaisip: • Mahalaga namapag-aralan at maunawaan ang konsepto ng pananalapi lalo na sa pamamahala nito. • Ang pangangasiwa sa dami ng salapi sa sirkulasyon ay kinakailangan ng matalinong pagdedesisyon lalo na kung ang pinag-uusapan ay ang ekonomiya ng bansa.
  • 32.
    • Ano angkahalagahan ng pag-iimpok sa bangko sa buhay ng tao? Paano ito nakakatulong sa kanyang pag-unlad. PAGPAPAHALAGA TAKDA: Isulat ang sagot sa ½ crosswise na papel. COPYAND ANSWER. Isulat ang pangalan, lagda at Valid ID number ng magulang o guardian.
  • 33.
    References: • Balitao B.R.(2015), EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon, Department of Education • Chua J.L. (2001), Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House • De Leon, Z.M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag- unlad, Vibal Publishing House • Mateo, G.C. et. al.(2012), Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon, Vibal Publishing House • Nolasco, L.I. et. al. (2004), Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu, Vibal Publishing House • Rivera O.H. et. al.(2021) Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul para sa Sariling Pagkatuto 13, Konsepto ng Patakaran ng Pananalapi Piskal, (Unpublished) DepEd Division of Pasig City
  • 34.
    References: • Garcia G.D.et. al.(2021) Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul para sa Sariling Pagkatuto 15, Gampanin ng Pamahalaan sa Patakarang Pananalapi, (Unpublished) DepEd Division of Pasig City • Eko and Miya characters used with permission from the National Economic Development Authority (NEDA) retrieved March 20, 2020 from http://2040.neda.gov.ph/eko-and-miya- series