KARAPATAN AT TUNGKULIN 2ND QUARTER
KARAPATAN AT TUNGKULIN
 Kailan masasabing iginigalang ang karapatan?
 Ano ang kailangan upang matamasa ito nang may pananagutan?
 Ano ang karapatan?
 Ano ang tungkulin?
KARAPATAN BILANG
KAPANGYARIHAN MORAL
 Ang karapatan ay ang kapangyarihang moral na gawin, hawakan,
pakinabangan at angkinin ang mga bagay na kailangan ng tao sa kaniyang
estado sa buhay.
 Moral ito dahil hindi maaaring puwersahin ng tao ang kaniyang kupawa na
ibigay sa kaniya nang sapilitan o puwersahan ang mga bagay na kailangan
niya sa buhay. kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng
kanilang kapuwa na igalang ito. Kapag nilabag ang karapatang ito,
magkakaroon siya ng damdamin ng pagsisisi.
 bilang kapangyarihang moral, ang karapatan ay pakinabangan ng tao
lamang dahil tao lamang ang makagagawa ng moral na kilos. Dahil sa
karapatang ito, may obligasyon ang tao na akuin at tuparin ang kaniyang
mga tungkulin.
 Nakabatay ang mga karapatan sa likas na batas moral. Ito ang batayan ng
mga karapatan na itinakda ng isang lipunan o pamahalaan. Ito ang batas na
nagpapataw ng obligasyon sa lahat ng tao na igalang ang mga karapatan ng
URI NG KARAPATAN AYON KAY STO.
TOMAS DE AQUINO
1. KARAPATAN SA BUHAY
 Ito ang pinakamataas sa antas ng mga karapatan dahil kung wala ito,
hindi mapakikinabangan ng tao ang bilang karapatan. Dapat itong
mangibabaw sa ibang karapatan kung sakaling ito ay malagay sa
panganib.
Halimbawa: ang karapatan ng fetus na ipanganak, kaya ipinagbawal ang
sapilitang aborsiyon. Binigyang-diin ito ni Papa Juan XXIII sa kaniyang
pahayag:
“Ang panawagan ng karamihan tungkol sa mga karapatang pantao tulad ng
karapatan sa kalusugan, sa bahay, sa trabaho, sa pamilya, sa kultura – ay
labag sa katotohanan at isang panloloko lamang kung ang karapatan sa
buhay, ang pinakabatayan at pangunahing karapatan at kailangan para sa
lahat ng iba pang karapatang personal, ay hindi maipagtanggol nang may
mataas na antas na determinasyon (Pacem in Terris).”
 Ang paggalang sa dignidad ng buhay ay pag-aadbokasiya para sa halaga
URI NG KARAPATAN AYON KAY STO.
TOMAS DE AQUINO
2. KARAPATAN SA PRIBADONG ARI-ARIAN
 Hindi maaalis sa tao ang karapatang ito dahil kailangan niya ang mga
ari-arian upang mabuhay nang maayos at makapagtrabaho nang
produktibo at nakikibahagi sa lipunan. Sa kabilang dako, magiging isang
pang-aabuso ang karaptang ito kung naaapi o naagrabiyado ang mga
manggagawa sa suweldo o mga benepisyo.
3. KARAPATANG MAGPAKASAL
 May karapatan ang taong bumuo ng pamilya sa pamamagitan ng kasal.
Nagsimula ito noong panahon ng slavery, na kailangang humingi ang slave
ng pahitulot sa kaniyang amo upang makapag-asawa.
 Mayroong mga pasubali sa karapatang ito. Halimbawa, kailangan ng
kabataang nasa edad ng 17 o pababa ang pahintulot ng magulang upang
mapangalagaan siya sa anumang kapahamakan. Pinag-iingat din sa pag-
aasawa ang mga may nakakahawang sakit o may sakit sa isip, kahit taglay
pa rin nila ang karapatang magpakasal.
URI NG KARAPATAN AYON KAY STO.
TOMAS DE AQUINO
4. KARAPATANG PUMUNTA SA IBANG LUGAR
 kasama sa karapatang ito ang karapatang lumipat o tumira sa ibang
lugar na may oportunidad tulad ng trabaho o komportableng buhay o
ligtas sa anumang panganib tulad ng paglikas ng mga taga Syria upang
takas an ang kamatayan o pananakot sa kamay ng Islamic State.
Nagbibigay din ng asylum ang ibang bansa sa mga taong pinaparusahan o
binibilanggo nang walang katarungan.
5. KARAPATANG SUMAMBA O IPAHAYAG ANG PANANAMPALATAYA
 May karapatan ang bawat tao na piliin ang relihiyon na makakatulong sa
kaniya upang mapaunlad ang kaniyang pagkatao at pakikiugnayan sa
Diyos at kapuwa. Hindi maaaring gawing obligasyon ang pagkakaroon o
paglipat sa isang particular na relihiyon upang matanggap sa trabaho o
maging opisyal ng pamahalaan.
URI NG KARAPATAN AYON KAY STO.
TOMAS DE AQUINO
6. KARAPATANG MAGTRABAHO O MAGHANAPBUHAY
 May obligasyon ang lipunan o pamahalaan na magbigay ng trabaho o
dissenting hanapbuhay sa mga mamamayan upang mapakinabangan nila
ang ang karapatang mabuhay. May mga karapatang magtrabaho sa ibang
bansa ang mga mamamayan kung walang oportunidad sa kanilang bansa
na mapaunlad ang kanilang estado sa buhay batay sa kanilang
pangangailangan.
ILANG KARAPATNG PANG-IDIBIDWAL ANG
KINILALA SA ENCYCLICAL NA
“KAPAYAPAAN SA KATOTOHANAN” PACEM
IN TERRIS
1. Karapatang mabuhay at kalayaan sa pangkatawang panganib
2. Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang magkaroon ng
maayos na pamumuhay (pagkain, damit, tahanan, edukasyon,
pagkalingang pangkalusugan, tulong sa walang trabaho, at tulong sa
pagtanda)
3. Karapatan sa malayang pagpapahayag ng opinion at impormasyon
4. Karapatan sa malayang pagpili ng relihiyon at pagsunod sa konsensya
5. Karapatan sa pagpili ng propesyon
6. Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang manirahan
(migrasyon).
7. Karapatan sa aktibong pakikilahok sa mga pampublikong gawain o
 Ang mga karapatang kinilala ni Sto. Tomas de Aquino at Pacem in Terris ay
masasalamin sa Pandaigdig na pahayag ng mga karapatan ng tao (Universal
Declaration of Human Rigths).
 ibinatay ng mga karapatang kinilala ng Pndaigdig na Pagpapahayag sa
Dignidad ng tao, patas at hindi maaalis na karapatan ng bawat kasapi ng
sangkatauhan bilang pundasyon ng kalayaan, katarungan, at kapayapaan sa
buong mundo.
SAAN NAGSIMULA ANG MGA
KARAPATANG PANTAO?
 Ayon kay ELEANOR ROOSEVELT, pinuno ng pangkat na bumuo ng
deklarasyon:
“ Ang karapatang pantao ay nagsisismula sa mundo ng indibidwal na tao – sa
maliit na pamayanan kung saan siya nakatira, sa paaralang pinapasukan niya,
sa factory, sakahan, o opisina kung saan siya nagtatrabaho. Ito ang mga lugar
kung saan dapat asahan ng bawat babae, lalaki, o bata ang pantay na
katarungan, oportunidad, at dignidad nang walang diskriminasyon. Kung
walang kabuluhan ang mga ito sa anumang bahagi ng mundo. Kung walang
nagkakaisang kilos ang mga lugar na nabanggit, mahihirapan tayong
matamasa ang kaunlaran sa buong mundo.”
TUNGKULIN BILANG OBLIGASYONG
MORAL
 ito ang obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin (o iwasan) ang
isang gawain.
 Moral ang obligasyong ito dahil ito ay nakasalalay sa malayang kilos-loob
ng tao. Kaya tulad ng karapatan, ang suheto ng tungkulin ay tao lamang.
Tulad ng karapatan, batay rin sa Likas na Batas Moral ang tungkulin. Kaya
kailangang tuparin ang mga tungkulin dahil ito ay nararapat at nakabubuti.
 kasama ito sa pagiging moral ng tao. Moral na gawain ang pagtupad ng
tungkulin dahil ang moral ang siyang nagpapanatili ng ating buhay-
pamayanan. Samakatuwid, ang pagtalikod o hindi pagtupad sa mga
tungkulin ay pagsalungat sa buhay-pamayanan na may malaking epekto sa
sarili at sa mga ugnayan.
 Ayon kay Max Scheler, kailangan hubugin ang sarili tungo sa pagkatao
upang matupad din ng pamayanan, pamahalaan, o lipunang kinabibilangan
niya ang tungkulin ng paglinang ng pagkatao. Kailangan ang pananagutan ng
indibidwal na mga kasapi ng lipunan na maging mabuting kasapi sa
pamamagitan ng pakikilahok at pakikiisa sa mahalagang gawain kung hindi,
MGA TUNGKULIN
MAY KAAKIBAT NA TUNGKULIN ANG BAWAT KARAPATAN.
1. SA KARAPATAN SA BUHAY
 May tungkulin ang bawat tao na pangalagaan ang kaniyang kalusugan at
kaniyang sarili sa mga panganib ng katawanat kaluluwa.
 May tungkulin siyang paunlarin ang kaniyang talent at kakayahan – sa
aspektong pangkatawan, pangkaisipan (sa pamamahitan ng pag-aaral
nang mabuti) at moral.
 Obligasyon ng bawat isa ang pagpapagamot kung may sakit o pumunta
sa ospital kung kailangan.
2. SA KARAPATAN SA PRIBADONG ARI-ARIAN
 May tungkulin ang tao na pangalagaan at palaguin ang anumang ari-
arian niya at gamitin ito upang tulungan ang kapuwa at paunlarin ang
pamayanan.
MGA TUNGKULIN
MAY KAAKIBAT NA TUNGKULIN ANG BAWAT KARAPATAN.
3. SA KARAPATANG MAGPAKASAL
 May kaakibat na tungkulin na suportahan ang pamilya at gabayan ang
mga anak upang maging mabuting tao ang mga ito.
 Kasama rito ang pagiging mabuting halimbawa sa mga anak, pag-iwas
sa eskandalo na magiging sanhi ng pagkasira ng pangalan ng pamilya,
at pagsasabuhay ng mga birtud bilang isang pamilya.
4. SA KARAPATANG PUMUNTA SA IBANG LUGAR
 May tungkulin na igalang ang mga pribadong boundary. Kaakibat ng
karapatang ito ang tungkulin na kilalanin ang limitasyon ng sariling
kalayaan at pribadong espasyo ng kapuwa. Mahalaga ang paggalang na
ito kahit sa pagitan ng mag-asawa o magkaibigan.
MGA TUNGKULIN
MAY KAAKIBAT NA TUNGKULIN ANG BAWAT KARAPATAN.
5. SA KARAPATANG SUMAMBA O IPAHAYAG ANG PANANAMPALATAYA
 May tungkulin na igalang ang relihiyon o paraan ng pagsamba ng iba.
Kahit magkaiba ang mga relihiyon, may pagkakapareho rin ang mga ito
– ang pagsamba sa isang nilalang nahigit na makapangyarihan sa tao.
Kasama sa tungkulin ito ang paggalang sa paraan ng pag-alaala sa mga
patay o ninuno.
6. SA KARAPATANG MAGTRABAHO O MAGHANAPBUHAY
 May tungkulin ang bawat isana magpunyagi sa trabaho o hanapbuhay at
magpakita ng kahusayan sa anumang gawain. Mahalaga ang katapatan
ng mga empleyado sa kanilang trabaho – ibig sabihin, nakapokus sa
gawain at hindi sa pinapamalas ang oras nang walang ginagawa.
APAT NA BATAYAN SA PRINSIPYO NG
SANGKATAUHAN NOONG 1997
ARTIKULO 1
 Ang bawat tao, anuman ang kasarian, lahi, estado sa lipunan, opinion sa
mga isyung politikal, wika, edad, nasyonalidad, o relihiyon ay may
tungkulin na pakitunguhan ang lahat ng tao sa paraang makatao
ARTIKULO 2
 Walang tao ang dapat sumuporta sa anumang uri ng hindi makataong asal,
kaya ang lahat ng tao ay may tungkuling pagsusumikapang pangalagaan
ang dignidad at tiwal sa sariling kapuwa.
ARTIKULO 3
 Walang tao, pangkat, organisasyon, bansa, army o pulisiya ang dapat
mangibabaw sa mabuti at masama: lahat ay dapat sundin ang
pamantayang moral. Bawat isa ay may tungkuling itaguyod ang mabuti at
iwasan ang masama sa lahat ng bagay.
APAT NA BATAYAN SA PRINSIPYO NG
SANGKATAUHAN NOONG 1997
ARTIKULO 4
 Lahat ang tao, gamit ang kanilang isip at konsensya, ay dapat tanggapin
ang kanilang tungkulin sa bawat isa, sa mga pamilya at pamayanan, lahi,
bayan, at relihiyon nang may pagkakaisa: huwag mong gawin sa iba ang
anumang ayaw mong gawin nila sa iyo.

ESP 9: Modyul 6 - katapatan at Tungkulin

  • 1.
  • 2.
    KARAPATAN AT TUNGKULIN Kailan masasabing iginigalang ang karapatan?  Ano ang kailangan upang matamasa ito nang may pananagutan?  Ano ang karapatan?  Ano ang tungkulin?
  • 3.
    KARAPATAN BILANG KAPANGYARIHAN MORAL Ang karapatan ay ang kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinabangan at angkinin ang mga bagay na kailangan ng tao sa kaniyang estado sa buhay.  Moral ito dahil hindi maaaring puwersahin ng tao ang kaniyang kupawa na ibigay sa kaniya nang sapilitan o puwersahan ang mga bagay na kailangan niya sa buhay. kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kanilang kapuwa na igalang ito. Kapag nilabag ang karapatang ito, magkakaroon siya ng damdamin ng pagsisisi.  bilang kapangyarihang moral, ang karapatan ay pakinabangan ng tao lamang dahil tao lamang ang makagagawa ng moral na kilos. Dahil sa karapatang ito, may obligasyon ang tao na akuin at tuparin ang kaniyang mga tungkulin.  Nakabatay ang mga karapatan sa likas na batas moral. Ito ang batayan ng mga karapatan na itinakda ng isang lipunan o pamahalaan. Ito ang batas na nagpapataw ng obligasyon sa lahat ng tao na igalang ang mga karapatan ng
  • 4.
    URI NG KARAPATANAYON KAY STO. TOMAS DE AQUINO 1. KARAPATAN SA BUHAY  Ito ang pinakamataas sa antas ng mga karapatan dahil kung wala ito, hindi mapakikinabangan ng tao ang bilang karapatan. Dapat itong mangibabaw sa ibang karapatan kung sakaling ito ay malagay sa panganib. Halimbawa: ang karapatan ng fetus na ipanganak, kaya ipinagbawal ang sapilitang aborsiyon. Binigyang-diin ito ni Papa Juan XXIII sa kaniyang pahayag: “Ang panawagan ng karamihan tungkol sa mga karapatang pantao tulad ng karapatan sa kalusugan, sa bahay, sa trabaho, sa pamilya, sa kultura – ay labag sa katotohanan at isang panloloko lamang kung ang karapatan sa buhay, ang pinakabatayan at pangunahing karapatan at kailangan para sa lahat ng iba pang karapatang personal, ay hindi maipagtanggol nang may mataas na antas na determinasyon (Pacem in Terris).”  Ang paggalang sa dignidad ng buhay ay pag-aadbokasiya para sa halaga
  • 5.
    URI NG KARAPATANAYON KAY STO. TOMAS DE AQUINO 2. KARAPATAN SA PRIBADONG ARI-ARIAN  Hindi maaalis sa tao ang karapatang ito dahil kailangan niya ang mga ari-arian upang mabuhay nang maayos at makapagtrabaho nang produktibo at nakikibahagi sa lipunan. Sa kabilang dako, magiging isang pang-aabuso ang karaptang ito kung naaapi o naagrabiyado ang mga manggagawa sa suweldo o mga benepisyo. 3. KARAPATANG MAGPAKASAL  May karapatan ang taong bumuo ng pamilya sa pamamagitan ng kasal. Nagsimula ito noong panahon ng slavery, na kailangang humingi ang slave ng pahitulot sa kaniyang amo upang makapag-asawa.  Mayroong mga pasubali sa karapatang ito. Halimbawa, kailangan ng kabataang nasa edad ng 17 o pababa ang pahintulot ng magulang upang mapangalagaan siya sa anumang kapahamakan. Pinag-iingat din sa pag- aasawa ang mga may nakakahawang sakit o may sakit sa isip, kahit taglay pa rin nila ang karapatang magpakasal.
  • 6.
    URI NG KARAPATANAYON KAY STO. TOMAS DE AQUINO 4. KARAPATANG PUMUNTA SA IBANG LUGAR  kasama sa karapatang ito ang karapatang lumipat o tumira sa ibang lugar na may oportunidad tulad ng trabaho o komportableng buhay o ligtas sa anumang panganib tulad ng paglikas ng mga taga Syria upang takas an ang kamatayan o pananakot sa kamay ng Islamic State. Nagbibigay din ng asylum ang ibang bansa sa mga taong pinaparusahan o binibilanggo nang walang katarungan. 5. KARAPATANG SUMAMBA O IPAHAYAG ANG PANANAMPALATAYA  May karapatan ang bawat tao na piliin ang relihiyon na makakatulong sa kaniya upang mapaunlad ang kaniyang pagkatao at pakikiugnayan sa Diyos at kapuwa. Hindi maaaring gawing obligasyon ang pagkakaroon o paglipat sa isang particular na relihiyon upang matanggap sa trabaho o maging opisyal ng pamahalaan.
  • 7.
    URI NG KARAPATANAYON KAY STO. TOMAS DE AQUINO 6. KARAPATANG MAGTRABAHO O MAGHANAPBUHAY  May obligasyon ang lipunan o pamahalaan na magbigay ng trabaho o dissenting hanapbuhay sa mga mamamayan upang mapakinabangan nila ang ang karapatang mabuhay. May mga karapatang magtrabaho sa ibang bansa ang mga mamamayan kung walang oportunidad sa kanilang bansa na mapaunlad ang kanilang estado sa buhay batay sa kanilang pangangailangan.
  • 8.
    ILANG KARAPATNG PANG-IDIBIDWALANG KINILALA SA ENCYCLICAL NA “KAPAYAPAAN SA KATOTOHANAN” PACEM IN TERRIS 1. Karapatang mabuhay at kalayaan sa pangkatawang panganib 2. Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang magkaroon ng maayos na pamumuhay (pagkain, damit, tahanan, edukasyon, pagkalingang pangkalusugan, tulong sa walang trabaho, at tulong sa pagtanda) 3. Karapatan sa malayang pagpapahayag ng opinion at impormasyon 4. Karapatan sa malayang pagpili ng relihiyon at pagsunod sa konsensya 5. Karapatan sa pagpili ng propesyon 6. Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang manirahan (migrasyon). 7. Karapatan sa aktibong pakikilahok sa mga pampublikong gawain o
  • 9.
     Ang mgakarapatang kinilala ni Sto. Tomas de Aquino at Pacem in Terris ay masasalamin sa Pandaigdig na pahayag ng mga karapatan ng tao (Universal Declaration of Human Rigths).  ibinatay ng mga karapatang kinilala ng Pndaigdig na Pagpapahayag sa Dignidad ng tao, patas at hindi maaalis na karapatan ng bawat kasapi ng sangkatauhan bilang pundasyon ng kalayaan, katarungan, at kapayapaan sa buong mundo.
  • 10.
    SAAN NAGSIMULA ANGMGA KARAPATANG PANTAO?  Ayon kay ELEANOR ROOSEVELT, pinuno ng pangkat na bumuo ng deklarasyon: “ Ang karapatang pantao ay nagsisismula sa mundo ng indibidwal na tao – sa maliit na pamayanan kung saan siya nakatira, sa paaralang pinapasukan niya, sa factory, sakahan, o opisina kung saan siya nagtatrabaho. Ito ang mga lugar kung saan dapat asahan ng bawat babae, lalaki, o bata ang pantay na katarungan, oportunidad, at dignidad nang walang diskriminasyon. Kung walang kabuluhan ang mga ito sa anumang bahagi ng mundo. Kung walang nagkakaisang kilos ang mga lugar na nabanggit, mahihirapan tayong matamasa ang kaunlaran sa buong mundo.”
  • 11.
    TUNGKULIN BILANG OBLIGASYONG MORAL ito ang obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin (o iwasan) ang isang gawain.  Moral ang obligasyong ito dahil ito ay nakasalalay sa malayang kilos-loob ng tao. Kaya tulad ng karapatan, ang suheto ng tungkulin ay tao lamang. Tulad ng karapatan, batay rin sa Likas na Batas Moral ang tungkulin. Kaya kailangang tuparin ang mga tungkulin dahil ito ay nararapat at nakabubuti.  kasama ito sa pagiging moral ng tao. Moral na gawain ang pagtupad ng tungkulin dahil ang moral ang siyang nagpapanatili ng ating buhay- pamayanan. Samakatuwid, ang pagtalikod o hindi pagtupad sa mga tungkulin ay pagsalungat sa buhay-pamayanan na may malaking epekto sa sarili at sa mga ugnayan.  Ayon kay Max Scheler, kailangan hubugin ang sarili tungo sa pagkatao upang matupad din ng pamayanan, pamahalaan, o lipunang kinabibilangan niya ang tungkulin ng paglinang ng pagkatao. Kailangan ang pananagutan ng indibidwal na mga kasapi ng lipunan na maging mabuting kasapi sa pamamagitan ng pakikilahok at pakikiisa sa mahalagang gawain kung hindi,
  • 12.
    MGA TUNGKULIN MAY KAAKIBATNA TUNGKULIN ANG BAWAT KARAPATAN. 1. SA KARAPATAN SA BUHAY  May tungkulin ang bawat tao na pangalagaan ang kaniyang kalusugan at kaniyang sarili sa mga panganib ng katawanat kaluluwa.  May tungkulin siyang paunlarin ang kaniyang talent at kakayahan – sa aspektong pangkatawan, pangkaisipan (sa pamamahitan ng pag-aaral nang mabuti) at moral.  Obligasyon ng bawat isa ang pagpapagamot kung may sakit o pumunta sa ospital kung kailangan. 2. SA KARAPATAN SA PRIBADONG ARI-ARIAN  May tungkulin ang tao na pangalagaan at palaguin ang anumang ari- arian niya at gamitin ito upang tulungan ang kapuwa at paunlarin ang pamayanan.
  • 13.
    MGA TUNGKULIN MAY KAAKIBATNA TUNGKULIN ANG BAWAT KARAPATAN. 3. SA KARAPATANG MAGPAKASAL  May kaakibat na tungkulin na suportahan ang pamilya at gabayan ang mga anak upang maging mabuting tao ang mga ito.  Kasama rito ang pagiging mabuting halimbawa sa mga anak, pag-iwas sa eskandalo na magiging sanhi ng pagkasira ng pangalan ng pamilya, at pagsasabuhay ng mga birtud bilang isang pamilya. 4. SA KARAPATANG PUMUNTA SA IBANG LUGAR  May tungkulin na igalang ang mga pribadong boundary. Kaakibat ng karapatang ito ang tungkulin na kilalanin ang limitasyon ng sariling kalayaan at pribadong espasyo ng kapuwa. Mahalaga ang paggalang na ito kahit sa pagitan ng mag-asawa o magkaibigan.
  • 14.
    MGA TUNGKULIN MAY KAAKIBATNA TUNGKULIN ANG BAWAT KARAPATAN. 5. SA KARAPATANG SUMAMBA O IPAHAYAG ANG PANANAMPALATAYA  May tungkulin na igalang ang relihiyon o paraan ng pagsamba ng iba. Kahit magkaiba ang mga relihiyon, may pagkakapareho rin ang mga ito – ang pagsamba sa isang nilalang nahigit na makapangyarihan sa tao. Kasama sa tungkulin ito ang paggalang sa paraan ng pag-alaala sa mga patay o ninuno. 6. SA KARAPATANG MAGTRABAHO O MAGHANAPBUHAY  May tungkulin ang bawat isana magpunyagi sa trabaho o hanapbuhay at magpakita ng kahusayan sa anumang gawain. Mahalaga ang katapatan ng mga empleyado sa kanilang trabaho – ibig sabihin, nakapokus sa gawain at hindi sa pinapamalas ang oras nang walang ginagawa.
  • 15.
    APAT NA BATAYANSA PRINSIPYO NG SANGKATAUHAN NOONG 1997 ARTIKULO 1  Ang bawat tao, anuman ang kasarian, lahi, estado sa lipunan, opinion sa mga isyung politikal, wika, edad, nasyonalidad, o relihiyon ay may tungkulin na pakitunguhan ang lahat ng tao sa paraang makatao ARTIKULO 2  Walang tao ang dapat sumuporta sa anumang uri ng hindi makataong asal, kaya ang lahat ng tao ay may tungkuling pagsusumikapang pangalagaan ang dignidad at tiwal sa sariling kapuwa. ARTIKULO 3  Walang tao, pangkat, organisasyon, bansa, army o pulisiya ang dapat mangibabaw sa mabuti at masama: lahat ay dapat sundin ang pamantayang moral. Bawat isa ay may tungkuling itaguyod ang mabuti at iwasan ang masama sa lahat ng bagay.
  • 16.
    APAT NA BATAYANSA PRINSIPYO NG SANGKATAUHAN NOONG 1997 ARTIKULO 4  Lahat ang tao, gamit ang kanilang isip at konsensya, ay dapat tanggapin ang kanilang tungkulin sa bawat isa, sa mga pamilya at pamayanan, lahi, bayan, at relihiyon nang may pagkakaisa: huwag mong gawin sa iba ang anumang ayaw mong gawin nila sa iyo.