SlideShare a Scribd company logo
1 of 84
Download to read offline
i
ii
iii
FLAT (Functional Literacy Assessment Tool)
Manual for Teachers and Parents
Filipino, First Edition, 2020
Republic Act 8293, Section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of
the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office
wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such
agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of
royalties.
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright holders. Every
effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from them. The
publisher and authors do not represent nor claim ownership over them.
Published by the Department of Education, Region 1
Secretary: Leonor Magtolis Briones
Undersecretary: Diosdado M. San Antonio
Printed in the Philippines by ________________________
Department of Education – Region I
Office Address: Flores St., Catbangen, City of San Fernando, La Union
Telefax: (072) 682-2324; (072) 607-8137
E-mail Address: region1@deped.gov.ph
Development Team
Writers: Marilyn Serquina Aquino Maria Elena Baladad Garland C. Ramos, Jr.
Jennelyn Sotto, Berbeth Olipas, Jeffrey Cecero M. Benigno
Nefritiri P. Baldivicio David V. Puruganan Rodolfo T. Caseres, Jr.
Melinda Marinas Gina Dacayanan, Mildred Viduya
Gemma Bassig Milagros Marilao Gemma Estacio
Blinda Balderas Ernesto Ramos, Jr. Aidena Nuesca
Maribel Laroya Emily T. De Leon Allan Rose L. Abellon,
Joliefe R. Rabanal Dexter G. Domaguin Digna R. Basobas
Arnold Leand F. Batul Mae Rose D. Garcia Virginia S. Bernabe
Allan M. Utleg Emiliaflor A. Lived Margaret A. Bumanglag
Mary Anne M. Ansagay Marilou M. Agustin Genalyn P. Mariana
Lorna M. Balisbisana Joel M. Remigio
Illustrators / Layout Artists: Bobbit Dale M. Bulatao Armando S. Vinoya
Ligaya P. Daguison
Editors: Aleta C. Begonia, Annabelle M. Parel, Elisa R. Ranoy, Belen Aquino,
Juanito V. Labao, Louisito Libatique, Zorayda Paguyo, Edgardo P. Pescador,
Editha R. Mabanag, Edmundo A. Bisquera, Felipa T. Regaspi, Gemma M. Erfelo,
Maria Teresita R. Gapate, Melchora N. Viduya, Rowena R. Abad, Vivian V. Ofanda
Project Proponents: Johnson P. Sunga, EPS-English
Joselito D. Daguison, EPS-Filipino / Mother Tongue
Consultants: Arlene A. Niro, Chief Education Supervisor, CLMD
Ronald B. Castillo, Director III
Tolentino G. Aquino, Director IV
4
FUNCTIONAL LITERACY
ASSESSMENTTOOL
(FLAT)
Filipino
5
FUNCTIONAL LITERACY ASSESSMENT TOOL (FLAT)
Kumusta! Ako si _______________, mula sa Brigada Pagbasa Program, ang katuwang
mo sa iyong pagbabasa. Tatayahin natin ang iyong kakayahan at pag-unawa sa
pagbasa.
Ang programang ito ay naglalayong lalong maunawaan ang karanasan ng mga bata sa
pagbabasa. Aasahan mong hinding-hindi ko itatala ang iyong pangalan at ang anomang
kalalabasan nito ay hindi makaaapekto sa iyong grado, at kung ikaw naman ay nasa
paaralan, huwag mag-alala sapagkat hindi ito isang pagsusulit. Ang gawaing ito ay
magtatagal lamang ng sampung minuto. Gusto mo bang subukan?
Sumasang-ayon
Kung hindi sumasang-ayon, pasalamatan ang bata at magpatuloy sa ibang bata.
Malambing at masinsinang kausapin ang bata upang makuha ang kanyang loob.
Ipakilala ang iyong sarili (bilang ng mga anak at edad at mga kinahihiligan).
Tanungin ang bata tungkol sa kanyang sarili gaya ng: Ngayong panahon ng pandemya,
ano ang iyong mga pinagkakaabalahan? Mayroon ka bang mga kapatid?
Bago tayo magsimula, maglaro tayo ng Tanong Ko, Sagot Mo! Handa ka na ba?
● Ilang taon ka na?
● Alam mo ba ang World Vision?
Tinutulungan ka ba ng isang organisasyon gaya ng World Vision?
Alam bo na ang World Vision ay isang pandaigdigang samahang may
hangaring maiangat ang kalagayan ng pamumuhay ng mga bata, pamilya at
komunidad mula sa kahirapan? Ang samahang ito ay nakikipagtulungan sa
lahat ng uri ng mamamayan sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kultura,
paniniwala at kasarian upang matamo ang pagbabago.
mula sa https://www.worldvision.com
● Nag-aaral ka ba ngayon?
● Kung hindi, kailan ka huling nag-aral?
● Kung oo:
- anong baitang?
- saan at ano ang pangalan mo?
- ito ba ay pampubliko o pribado?
6
SIMULAN NATIN
Ibigay sa bata ang unang kard na naglalaman ng mga talata at kuwento. Maaring
sabihin: “Ngayon, mayroon akong ibibigay na babasahin mo para sa akin. Malaya
kang pumili ng alinman sa dalawang talatang iyong babasahin nang malakas at
malinaw.”
Markahan (/) ang bawat kamalian. Kung ang kanyang pagkakamali ay agad niyang
itinama, bilugan ( )ito. Bigyan ng higit sa isang pagkakataon na mabasa ng bata ang
teksto. Anumang pag-unlad ng bata ay naaayon sa kanyang kakayahang matamo ang
pinakamataas na antas ng pagbabasa.
Table 1. FLAT Reading Test Competencies per Grade Level
GRADE AGES READING TEST COMPETENCIES
1 6-8 Able to read at least 4 letters.
1 6-8 Able to read at least 5 common words.
2 7-9 Abletoreadoneoftheparagraphs –Grade2text.
3 8-10 Able to read a short – story – Grade 3 text.
Able to respond to at least three fact retrieval questions.
4 - 6 11-13 Able to read a passageof local authentic text.
Able to respond to at least four fact retrieval questions.
7
Table 2. FLAT Rating Scale
FLAT RATING SCALE
Di nakababasa Mababa sa lima mula sa ibinigay na
sampung letra
Nakababasa ng ilang letra Lima (5) mula sa ibinigay na sampung
letra
Nakababasa ng ilang pantig Apat mula sa ibinigay na walong pantig
Nakababasa ng mga karaniwang salita Lima (5) mula sa ibinigay na sampung
salita
Nakababasa ng mga parirala Tatlo mula sa ibinigay na limang parirala
Nakababasa ng pangungusap Dalawa mula sa ibinigay na apat na
pangungusap
Nakababasa ng talata na binubuo ng apat
na payak na pangungusap
Di bababa sa dalawang pangungusap
ang nabasa
Nakababasa ng isang kuwento Di bababa sa apat na pangungusap ang
nabasa (Grade 2-3)
Nakababasa at nauunawaan ang kuwento
Di bababa sa apat na pangungusap ang
nabasa
Dalawa sa tatlong tanong ang nasagot
nang wasto (Grade 2-3)
Nakababasa at nauunawaan ang lokal na
materyal
Dalawa sa tatlong tanong ang nasagot
nang wasto (Grade 2-3)
Apat (4) sa limang dalawa sa tatlong
tanong ang nasagot nang wasto (Grade
4-6)
8
9
Pagtatasa sa Pagbasa 1
LETRA
Mm Tt Zz Ff Kk
Oo Aa Rr Vv Pp
pa bas ta su
ma hak re ro
PANTIG
Pagtatasa sa Pagbasa 2
pareho hakbang baso labas
tali sombrero susi
hiling aso manika
SALITA
Pagtatasa sa Pagbasa 3
10
may dala-dalang buto
ikapitong-kaarawan ni Susan
ang mag-anak na Santos
madalas niya itong kasama
katabi ni Kardo
PARIRALA
Pagtatasa sa Pagbasa 4
1. Isang puting aso ang alaga ni Kardo.
2. Naghanda sila ng pansit at suman
3. Maagang gumising ang mag-anak.
4. Mahal ni Kardo ang aso.
5. Madalas niya itong kasama sa paglalaro.
PANGUNGUSAP
Pagtatasa sa Pagbasa 5
11
TALATA
Ito ay malaking unggoy. Nakatira ito sa
puno. Gustong-gusto nitong tumalon.
Gustong-gusto rin nito ng saging.
Pagtatasa sa Pagbasa 6
TALATA
Anim na taong gulang si Peter. Gustong-
gusto niyang mag-aral. Nais din niyang maglaro.
Pumapasok siya sa paaralan.
Pagtatasa sa Pagbasa 7
12
Mga Tanong :
1. Bakit malungkot ang puno?
A.Nawala ang kaniyang kaibigan
B. Siya ay mag-isa at nalulumbay
C.hindi sumikat ang araw
D.Wala sa nabanggit
2. Ano hinulog ng ibon malapit sa puno?
A.isang sanga ng kahoy
B. isang piraso ng tinapay
C.isang buto
D.Wala sa nabanggit
ISTORYA
May isang puno na nakatayo sa hardin.
Malungkot ito at nag-iisa. Isang araw, may
dumating na ibon. May dala itong buto sa tuka
nito. Hinulog nito ang buto malapit sa puno.
Umusbong ang isang maliit na halaman. Paglipas
ng panahon, dumami na ang mga puno sa
hardin. Tuwang-tuwa ang malaking puno.
Pagtatasa sa Pagbasa 7
13
3. Bakit naging masaya ang puno sa huling bahagi
ng kuwento?
A. hindi na ito nag-iisang puno
B. sumikat na ang araw
C. umulan ito
D. Wala sa nabanggit
Infographics: Department of Health Website. Infographics | Department of Health website. (n.d.).
Retrieved February 27, 2022, from https://doh.gov.ph/2019-nCov/infographics
Mga Tanong :
1. Tungkol saan ang teksto?
A. Ito ay tungkol sa mga sakit na nakahahawa.
B. Ito ay tungkol sa pag-ubo.
C. Ito ay tungkol sa corona virus.
D. Ito ay tungkol sa pagpapagamot.
Pagtatasa sa Pagbasa 8
14
2. Ang sumusunod ay sintomas ng sakit na corona virus
maliban sa ____ ?
A. lagnat
B. ubo at sipon
C. pag-iksi ng paghinga
D. pagkakaroon ng pantal sa katawan
3. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng
tamang kaisipan mula sa teksto?
A. Ang COVID-19 ay hindi maiiwasan.
B. Ang Corona Virus ay pamilya ng mga virus
na nagdudulot ng iba’t ibang klaseng sakit.
C. Kailangang uminom ng maraming tubig
pagkatapos kumain.
D. Hindi kailangang umiwas sa mga alagang hayop.
4. Ano ang dapat gawin kung may sintomas na ng ubo at
sipon?
A. Uminom ng maraming tubig.
B. Uminom na ng gamot para sa ubo at sipon.
C. Humigop ng mainit na sabaw.
D. Agarang kumonsulta sa health facility.
5. Paano maiiwasan ang sakit na dulot ng corona virus?
A. Umiwas sa mga taong may sintomas nito.
B. Magkulong sa bahay.
C. Uminom agad ng gamot kahit na walang
nararamdamang sintomas.
D. Maligo araw-araw
15
16
17
LETRA
BAITANG 1
Nn Kk Ss Bb Gg
Tt Rr Aa Hh Mm
Pagtatasa sa Pagbasa 1
so ma tin at
na pan hon la
PANTIG
Pagtatasa sa Pagbasa 2
nanay kuneho sari-sari
bilin gumamela taon rosas
ampalaya higaan masunurin
SALITA
Pagtatasa sa Pagbasa 3
18
may gulay
sadyang makulay
si Noel
anim na taon
laging masaya
PARIRALA
Pagtatasa sa Pagbasa 4
1. Ito ay malusog.
2. Ang batang masunurin ay kinalulugdan.
3. Lahat ay natutuwa sa kaniya.
4. Si Helen ay may hardin.
5. Siya ay laging masaya.
PANGUNGUSAP
Pagtatasa sa Pagbasa 5
19
TALATA
Si Noel
Masunuring bata si Noel. Lahat ng
utos ni tatay at nanay ay kanyang gingawa.
Bilin ng magulang ay lagi niyang
tinatandaan. Paggising sa umaga ay iligpit
ang higaan. Tiklupin ang kumot at unan.
Ang batang masunurin ay kinalulugdan.
Pagtatasa sa Pagbasa 6
ISTORYA
Ang Hardin ni Helen
Si Helen ay may hardin. Sari-saring halaman
ang makikita dito. May gulay at halamang
namumulaklak.
Mga bulaklak gaya ng ilang-ilang, rosas, at
gumamela. Meron ding ampalaya, okra, talong,
sili, at iba pa.
Ang hardin ni Helen ay sadyang makulay
at napakaganda.
Pagtatasa sa Pagbasa 7
20
Mga Tanong :
1. Sino ang may hardin?
A. Hanna
B. Helen
C. Herna
2. Ano ano ang makikita sa kanyang hardin?
A. tutubi at paruparo
B. aso at pusa
C. gulay at halamang namumulaklak
3. Anong katangian ang pinapakita ni Helen sa
kuwento? Bakit?
21
LETRA
BAITANG 1
Bb Pp Mm Aa Hh
Ss Jj Gg Tt Dd
Pagtatasa sa Pagbasa 1
so ma tin at
na pan hon la
PANTIG
Pagtatasa sa Pagbasa 2
buto aso pansit hapag
suman mahal dala-dala tulog
laro kaarawan isa gumising
SALITA
Pagtatasa sa Pagbasa 3
22
may dala-dalang buto
ikapitong-kaarawan ni Susan
ang mag-anak na Santos
madalas niya itong kasama
katabi ni Kardo
PARIRALA
Pagtatasa sa Pagbasa 4
1. Isang puting aso ang alaga ni Kardo.
2. Naghanda sila ng pansit at suman
3. Maagang gumising ang mag-anak.
4. Mahal ni Kardo ang aso.
5. Madalas niya itong kasama sa paglalaro.
PANGUNGUSAP
Pagtatasa sa Pagbasa 5
23
TALATA
Maagang gumising ang mag-anak na
De Guzman. Ikapitong kaarawan ni Susan.
Naghanda sila ng pansit at suman.
Masayang nagsalo-salo ang mag-anak sa
hapag kainan.
Pagtatasa sa Pagbasa 6
ISTORYA
Ang Aso ni Kardo
Isang puting aso ang alaga ni Kardo.
Madalas niya itong kasama sa paglalaro. Kahit
saan magpunta laging may dala-dalang buto.
Sa pagtulog katabi ni Kardo ang aso.
Mahal ni Kardo ang aso. Dahil mabait itong aso.
Pagtatasa sa Pagbasa 7
24
Mga Tanong :
1. Sino ang batang may alagang aso?
A.Koko
B. Karlo
C.Kardo
D.Kiko
2. Bakit mahal ni Kardo ang kaniyang aso?
A.Dahil mabait ito.
B. Dahil mataba ito.
C.Dahil masunurin ito.
D.Dahil masipag ito.
3. Paano mo maipakikita ang pagmamahal mo sa
mga hayop?
A.Pakainin nang sapat.
B. Paliguan ito araw-araw.
C.Pabakunahan ito.
D.Lahat ng nabanggit.
25
LETRA
BAITANG 1
Mm Gg Tt Kk Pp
Bb Aa Hh Ll Dd
Pagtatasa sa Pagbasa 1
ku pun hay lo
du ta gaw ko
PANTIG
Pagtatasa sa Pagbasa 2
ako nars mata lugaw
kubo taon dulo punta
bahay halaman ganda sako
SALITA
Pagtatasa sa Pagbasa 3
26
unang baitang
Si Dante
dulo ng aking lapis
angking ganda
ang bata
PARIRALA
Pagtatasa sa Pagbasa 4
1. Ako ay nasa unang baitang.
2. Naglilinis kami sa aming kubo.
3. Naputol ang dulo ng aking lapis.
4. Ang bulaklak ay may angking ganda.
5. Mabait ang bata.
PANGUNGUSAP
Pagtatasa sa Pagbasa 5
27
Mga Tanong:
1. Ano ang kinahihiligan ni Dante na gawin?
A.magbasa, magsulat, at magbilang
B. kumanta , sumayaw, at umarte
C.tumula, magkuwento, at gumuhit
TALATA 1
Ito ay laso. Pula ang kulay nito. Panali ito sa
buhok. Bigay ito ng nanay ko.
Pagtatasa sa Pagbasa 6
ISTORYA 1
Si Dante
Si Dante ay anim na taong gulang. Siya ay
nasa unang baitang. Mahilig siyang magbasa,
magsulat at magbilang. Masipag siyang mag-
aral kaya mahal siya ng kaniyang mga
magulang. Pangarap niyang maging piloto,
kaya nagsisikap siyang matuto.
Pagtatasa sa Pagbasa 8
TALATA 2
Ako si Niko. Anim na taong gulang na ako.
Magbasa ng kuwento ang libangan ko. Sa
pagbabasa ako ay natututo.
Pagtatasa sa Pagbasa 7
28
2. Ano ang pangarap ni Dante?
A.maging guro
B. maging piloto
C.maging doktor
3. Ano ang maaari mong gawin upang makamit ang
iyong pangarap?
1. Saan hinango ang salitang Pangasinan?
2. Ano ang hanap-buhay ng mga taga-Pangasinan
lalo na sa malapit sa dagat?
3. Paano nakilala ang Probinsiya ng Pangasinan?
ISTORYA 2
PANGASINAN
Ang salitang Pangasinan ay hango sa
salitang “Panag-asinan”. Napapaligiran kasi ito ng
dagat. Kaya naman, ang hanap-buhay ng mga
naninirahan malapit sa dagat ay pag-aasin, tulad
sa Bolinao. Dahil rito, nakilala ang Probinsiya ng
Pangasinan bilang isang lalawigan na
pinagmumulan ng iba’t-ibang produktong
maaalat tulad ng daing na bangus, bagoong, at
alamang.
29
LETRA
BAITANG 1
Aa Tt Mm Pp Bb
Gg Kk Dd Ll Rr
Pagtatasa sa Pagbasa 1
mit lo lay kid
pu ka la bu
PANTIG
Pagtatasa sa Pagbasa 2
lola ate manika bukid
kama damit gulay pula
regalo tatay tahanan kaibigan
SALITA
Pagtatasa sa Pagbasa 3
30
nakatanggap ng regalo
si Tatay Berto
may mapagmahal na lola
may kulot at mahabang buhok
masustansyang gulay at prutas
PARIRALA
Pagtatasa sa Pagbasa 4
1. Si Ate Lani ay nakatanggap ng regalo.
2. Isang masipag na magsasaka si Tatay
Berto.
3. Ako ay may mapagmahal na lola.
4. Ang manika ay may kulot at mahabang
buhok.
PANGUNGUSAP
Pagtatasa sa Pagbasa 5
31
Mga Tanong:
1. Ano ang laruan ni Ate Lani?
A.manika
B. robot
C.damit
2. Bakit masaya si Ate Lani?
A.dahil ito ay regalo ng kaniyang lola
B. dahil mayroon itong kulot at mahabang buhok
C.Lahat ng nabanggit.
3. Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa
iyong laruan?
ISTORYA 1
Si Ate Lani
Si Ate Lani ay may manika. Ang buhok ng
manika ay kulot at mahaba.
Kulay pula ang damit niya. Regalo ito ng
kanyang mapagmahal na lola.
Kaya ito ay iniingatan niya. Si Ate Lani ay
masayang-masaya pati sa pagtulog ito ay
katabi niya sa kama.
Pagtatasa sa Pagbasa 6
32
1. Ano ang hanap buhay ni Tatay Berto?
A.guro
B. dentista
C.magsasaka
2. Saan madalas pumupunta si Tatay Berto?
A.sa bukid
B. sa palengke
C.sa simbahan
3. Paano nakatutulong ang pagtatanim ng gulay at
prutas?
ISTORYA 2
Si Tatay Berto
Si Tatay Berto ay isang masipag na
magsasaka. Sa kaniyang malawak na bukid,
madalas siyang pumupunta. Masusustansyang
gulay at prutas ang kaniyang pananim.
Natutuwa siya dahil malapit na itong anihin.
33
34
35
LETRA
BAITANG 2
P
Mm Ss Aa Aa Ll
Bb Tt Mm Pp Hh
Pagtatasa sa Pagbasa 1
sa raw bon ki
har buk ta na
PANTIG
Pagtatasa sa Pagbasa 2
masaya araw paaralan
hardin suportahan ibon
buksan tayo nakita kabataan
SALITA
Pagtatasa sa Pagbasa 3
36
ang ibon
sa bukid
buksan ang aklat
aming hardin
para sa mga kabataan
PARIRALA
Pagtatasa sa Pagbasa 4
1. Isang ibon ang nakita ni Lito.
2. Siya ay nagpunta sa bukid.
3. Ating buksan ang aklat.
4. Ating bisitahin ang aming hardin.
5. Brigada Pagbasa ay ating suportahan.
PANGUNGUSAP
Pagtatasa sa Pagbasa 5
37
TALATA 1
Brigada Pagbasa
Kahit wala tayo sa paaralan, Ang aklat ay
ating buksan. Ang pagbabasa ay ating
simulan. Brigada Pagbasa ay ating
suportahan. Ito’y tulong para sa kabataan.
Pagtatasa sa Pagbasa 6
TALATA 2
Ang Hardin
Ating bisitahin ang aming hardin. Malinis na
hangin, kay sarap langhapin. Awitin ng mga
ibon ay ating dinggin. Makukulay na bulaklak
ay huwag pitasin. Aming hardin, huwag nating
sirain.
38
Mga Tanong:
1. Sino ang nagpunta sa bukid?
A. Berta C. Nena
B. Lita
2. Kanino nagpatulong si Lita para gamutin ang
ibon?
A. sa kaniyang ate C. sa kaniyang lola
B. sa kaniyang ina
3. Bakit hindi makalipad ang ibon?
A. dahil ito ay nakakulong
B. dahil ito ay may sugat
C. dahil ito ay nanghihina
KUWENTO 1
Ang Ibon
Isang araw, nagpunta sa bukid si Lita.
Isang ibon ang kaniyang nakita. Hindi ito
makalipad dahil ito ay nanghihina. Iniuwi ang
ibon at ipinakita sa kaniyang ina. Inalagaan nila
ang ibong nanghihina. Nang lumakas ang ibon,
ito ay kanilang pinalaya. Nakalipad ulit ang ibon
at si Lita ay masaya.
Pagtatasa sa Pagbasa 7
39
LETRA
BAITANG 2
Aa Ss Oo Mm Tt
Ll Yy Uu Cc Pp
Pagtatasa sa Pagbasa 1
ba ak ya ru
win la ga an
PANTIG
Pagtatasa sa Pagbasa 2
bahay aklat laruan kuya
gawin Carla magbasa masinop
kaarawan pasalubong
SALITA
Pagtatasa sa Pagbasa 3
40
madaling gawin
magaling magbasa
masinop na bata
batang si Carmen
isang magandang katangian
PARIRALA
Pagtatasa sa Pagbasa 4
1. Magaling magbasa si Zander.
2. Namana niya ito sa kaniyang ama.
3. Si Carmen ay isang masinop na bata.
4. Inaayos niya sa kabinet ang kaniyang mga
laruan.
5. Tuwang-tuwa ang kaniyang mga magulang
dahil masinop siyang bata.
PANGUNGUSAP
Pagtatasa sa Pagbasa 5
41
TALATA 1
Pagbabasa ang gustong laging gawin ni
Zander. Isang magandang katangian na
namana niya sa kaniyang ama.
Sa halip na magpabili ng laruan, aklat
ang madalas niyang hiling sa kaniyang
kaarawan.
Pagtatasa sa Pagbasa 6
TALATA 2
Tuwang-tuwa si Popoy nang dumating ang
kaniyang Kuya Greg galing Amerika.
Tsokolate, laruan, at damit ang pasalubong
sa kaniya. Sa sobrang tuwa, napayakap si
Popoy sa kaniyang kuya.
42
Tanong:
1. Ano ang paboritong gawin ni Carla?
A.maglaro
B. sumayaw
C.kumanta
D.matulog
2. Ano ang katangian ng batang si Carla?
A. Siya ay masinop.
B. Siya ay masayahin.
C. Siya ay mapagmahal.
D. Siya ay mapagbigay
KUWENTO 1
Maglaro ang paboritong gawin ng batang
si Carla. Marami siyang laruan tulad ng manika
at luto-lutoan.
Lagi niyang inaayos sa kabinet ang
kaniyang mga laruan. Pinupunasan din niya ang
mga ito pagkatapos gamitin.
Tuwang-tuwa ang kaniyang mga
magulang sapagkat masinop siyang bata.
Pagtatasa sa Pagbasa 7
43
3. Paano mo binibigyang halaga ang iyong mga
laruan?
A. Ilagay ito sa kahit saang sulok.
B. Hayaang iligpit ng magulang
C. Punasan ito pagkatapos gamitin
D. Ipatago sa kapatid.
Tanong:
1. Anong nakamamatay na sakit ang nabanggit sa
kuwento?
A.Kolera
B. dengue
C.COVID-19
D.cancer
Pagtatasa sa Pagbasa 8
KUWENTO 2
COVID-19
Isang araw, nagulat at nalungkot ako. Hindi
na raw ako maaaring sumama sa aking ina sa
palengke. Hindi na rin ako maaaring mamasyal
kung saan-saan.
Ang mas malungkot pa nito, hindi na rin
ako maaaring pumasok sa paaralan dahil may
kumakalat na nakamamatay na sakit. Ito ay ang
COVID-19.
44
2. Bakit hindi puwedeng lumabas ng bahay ang mga
bata sa panahong ito?
A.dahil walang pasok
B. dahil may nangunguha ng bata
C. dahil madali silang kapitan ng sakit
D. dahil sila ay maingay
3. Ano ang pangunahing kaisipan ng teksto?
A.Nakakalungkot ang COVID-19.
B. Malaki ang naitulong ng COVID-19 sa gawain ng
tao.
C. Maraming ipinagbawal ang pamahalaan dahil
sa COVID-19.
D. wala sa nabanggit
45
46
47
LETRA
Baitang 3
m t f k o
a r v p z
Pagtatasa sa Pagbasa 1
nga yag ka pag
pos hu bu si
PANTIG
Pagtatasa sa Pagbasa 2
bahay bata ama mainit
aso isda oras likod braso
mundo klase gusto
SALITA
Pagtatasa sa Pagbasa 3
48
PARIRALA
Pagtatasa sa Pagbasa 4
1.
PANGUNGUSAP
Pagtatasa sa Pagbasa 5
mahilig mag-alaga
itim na pusa
malaking puno
lutong pagkain
damit na bago
1. Mahilig mag-alaga ng halaman si Ana.
2. Tumawid ang itim na pusa sa kalsada.
3. Natumba ang malaking puno.
4. Masararap ang nilutong pagkain ni nanay.
5. Masaya si Allan sa bagong damit na bigay
ng kaniyang ninong.
49
TALATA 1
Si Ana ay mahilig mag-alaga ng hayop. Isa
sa paborito niyang alagaan ay ang kaniyang
itim na pusa. Mataba ito. Tuwing umuuwi siya
galing sa paaralan ay may dala-dala siyang
pagkain para rito. Mahal na mahal niya ang
kaniyang pusa.
Pagtatasa sa Pagbasa 6
TALATA 2
Kaarawan ni Gemma. Maraming
inihandang pagkain ang kaniyang magulang.
Masayang masaya siya. Umaasa siyang
maraming kaibigan ang dadalo rito. Marami
siyang natanggap na pagbati sa cellphone
ngunit kaunti lamang ang nakadalo.
50
KUWENTO 1
Si Daniel at si Papo
Ni Melinda F. Marinas
Isang hapon, nagpunta si Daniel at ang
kapatid sa bukid upang maglaro. Sumama
naman si Papo, ang kaniyang alagang
mabalahibong aso. Nagtakbuhan ang
magkapatid habang si Papo naman ay
nakikipag-unahan din sa kanila.
Nakapulot ng maliit na sanga si Daniel.
Nang akmang ihahagis ito, tinawag niya ang
kaniyang aso . “Papo, lundag! Saluhin mo itong
sanga !” Mabilis na tumakbo si Papo papunta
sa pinaghagisan ni Daniel ng sanga. Lumundag
ito nang ubod lakas upang masalo ang sanga.
“Yehey! Ang galing ni Papo!” Tuwang
tuwa na sinalubong ni Daniel si Papo upang
kunin ang sanga na nasa bunganga nito.
Paulit–ulit nilang ginawa ito hanggang
mapagod silang dalawa habang masaya
namang pinapanood sila ng kaniyang kapatid.
Papalubog na ang araw. Nais pa sana
nilang ipagpatuloy ang masayang laro ngunit
hindi na ito maaari.
Pagtatasa sa Pagbasa 7
51
Mga Tanong:
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
A. si Papo
B. si Daniel
C. sina Papo at Daniel
D. sina Papo, Daniel at Kapatid
2. Paano sinalo ni Papo ang sanga na inihagis ni
Daniel?
A.Kinuha ni Papo ang kahoy sa kamay ni Daniel.
B. Hinintay ni Papo na dumako ang sanga sa
kinaroroonan nito.
C.Lumundag si Papo nang ubod lakas upang
abutin ng bibig ang sanga.
D.Itinaas ni Papo ang dalawa niyang unang paa
upang saluhin ang sanga.
3. Bakit hindi na nila ipinagpatuloy ang paglalaro
kahit nais pa nila itong gawin?
A.Dahil hapon na at malapit nang dumilim.
B. Dahil masakit na ang katawan ng kapatid ni
Daniel.
C.Dahil sa nagalit na ang kanilang kuya at
pinauwi na sila nito.
D.Dahil umaga pa lamang ay pumunta na sila sa
bukid .
52
Pagtatasa sa Pagbasa 8
KUWENTO 2
Tara! Magtanim Tayo
Ni Milagros C. Marilao
Noong buwan ng Abril, 2020, ang
Gobernador ng Lalawigan ng La Union na si
Francisco Emmanuel R. Ortega III ay namahagi
sa mga mamamayan ng isang “Survival Seed
Pack”. Ang “Survival Seed Pack” ay naglalaman
ng iba’t ibang buto ng gulay. Nais ng
gobernador na magkaroon ng gulayan sa
bawat tahanan para makatulong sa pang
araw-araw na pangangailanagn nila ngayong
panahon ng pandemya. Kabilang sa mga
nakinabang sa programa ay ang mag-amang
Mang Tasyo at Ruben.
Nakiusap si Ruben sa kaniyang ama na siya
ang magtatanim sa buto ng kalabasa. Nais
ipakita ni Ruben ang natutuhang tamang
pagtatanim mula sa kaniyang guro. Labis na
natuwa si Mang Tasyo sa pakiusap ng anak.
Dali- daling kinuha ni Ruben ang mga sako
at nilagyan ang mga ito ng matabang lupa.
Itinanim ang mga buto at diniligan. Pagkaraan
ng ilang araw, tumubo na ito. Kaniyang
nasusubaybayan ang paglaki ng mga ito.
Namulaklak na at namunga na ang mga ito.
53
Mga Tanong:
1. Sino ang nagbahagi ng mga “Survival Seed Pack”?
A.sina Mang Tasyo at Ruben
B. ang mga taga-Barangay
C.ang mga mamamayan ng La Union
D.si Gob. Francisco Emmanuel R. Ortega III
2. Bakit namahagi sila ng “Survival Seed Pack” ?
A. upang magkaroon ng gulayan ang bawat
tahanan
B. upang may mailuluto ang pamilya kahit
lockdown
C. upang hindi magugutom ang pamilya kahit
may pandemya
D. Lahat ng sagot ay tama.
3. Paano pinahalagahan ni Ruben ang ibinahaging
“Survival Seed Pack” ?
A. Ipinamigay niya ito sa mga kapitbahay.
B. Itinanim, inalagaan at ibinahagi ang mga ito.
C. Ikinalat ang mga ito upang tumubo sa parang.
D. Ipinakain niya ang mga buto sa alagang manok.
Tuwang-tuwa si Mang Tasyo nang ipakita
ni Ruben ang mga naaning bunga ng
kalabasa. Ibinahagi sa kanilang kapitbahay
ang naani. Niluto naman ng kaniyang ina ang
iba. Tuwang-tuwa si Ruben at sa ganitong
paraan, nakatulong at napasaya niya ang
kaniyang pamilya.
54
55
56
57
LETRA
f k o a r
v p m t z
Pagtatasa sa Pagbasa 1
hak ta su hi
sum bid pa ling
PANTIG
Pagtatasa sa Pagbasa 2
aso hakbang tasa lubid
labas susi sombrero
hiling manika pareho
SALITA
Pagtatasa sa Pagbasa 3
58
nakatira sa puno
bahagi ng kahoy
napagod sa paglambitin
natulog nang maaga
mataas na grado
PARIRALA
Pagtatasa sa Pagbasa 4
1. Maraming ibon ang nakatira sa puno.
2. Naputol ang bahagi ng kahoy na
pinaglambitinan niya.
3. Napagod sa paglalambitin ang unggoy.
4. Natulog nang maaga ang mga
pamangkin ni Mang Atoy.
5. Natuwa ang nanay sa mataas na grado
ng kaniyang anak.
PANGUNGUSAP
Pagtatasa sa Pagbasa 5
59
TALATA 1
akatira sa puno.
mitas na rin
siya ng mga bungang kahoy upang kainin.
Kapag siya ay napagod sa paglalambitin,
dadako siya sa bahagi ng kahoy na madahon
at doon siya magpapahinga. Hihiga siya roon
hanggang siya ay tuluyang makatulog.
Pagtatasa sa Pagbasa 6
TALATA 2
Pinahahalagahan niya
ang kaniyang pag-aaral. Matiyaga at maagap
niyang tinatapos ang mga proyekto at gawain
na nakasaad sa kaniyang modyul. Masaya din
siyang nakikibahagi sa kaniyang “online classes”.
Dahil dito, naging matagumpay si Pedro. Naging
matataas ang kaniyang grado. Alam niya na sa
ganitong paraan, makakamit niya ang kaniyang
pangarap.
60
KUWENTO 1
Si Malaking Puno
Nina Aidena L. Nuesca at Gemma C. Estacio
Si Malaking Puno ay nasa hardin. Malungkot
ito sapagkat wala siyang nakikitang kasama.
Mag-isa lamang siya roon. Kahit naisin niyang
tumawag, wala naman itong magagawa.
Isang araw, may isang ibon na dumapo sa
kaniya. Gumawa ang ibon ng kaniyang pugad sa
mayabong na sanga nito. Araw-araw, umuuwi
ang ibon dito. Sa kaniyang tuka, palagi siyang
may dalang iba’t ibang buto ng prutas.
Lumipas ang tag-ulan. Nakita ni Malaking
Puno na may mga tumubong maliliit na puno sa
ilalim nito. Nagsilbi siyang lilim sa mga maliliit na
mga punong ito hanggang sila ay lumaki.
Masaya na si Malaking Puno. Alam niya na
hindi na siya mag-iisa kailanman. Hindi na rin iisa
ang ibon na dadako roon. Alam niya iyon. May
kasama na kasi siya. At kahit siya ay matanda na,
alam niyang may susunod sa kaniya na
dadapuan din ng mga ibong nagsilbing tulay
upang magkaroon siya ng makasasama.
Pagtatasa sa Pagbasa 7
61
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Bakit malungkot si Malaking Puno?
A. dahil walang ulan
B. dahil nag-iisa siya
C. hindi lumabas si Haring-araw
D. nawalan siya ng kaibigan
2. Paano kaya nagkaroon ng maliliit na puno sa ilalim ni
Malaking Puno?
A. Inihagis ang mga ito ng mga malalaking hayop sa
parang.
B. Galing ito sa buto na iniuwi ng Ibon sa kaniyang
pugad.
C. Ito ay anak ng mga puno na nasa malayong lugar.
D. Lumipad ang maliliit na puno sa ilalim nito.
3. Bakit naging masaya si Malaking Puno?
A. Sumikat na si Haring-araw.
B. May kasama na siyang mga puno.
C. Maraming ibon an gustong manirahan sa kaniya.
D. Malapit nang umulan at siya ay madidiligan nang
husto.
62
Pagtatasa sa Pagbasa 8
KUWENTO 2
Maingat Ako
Ni Ernesto F. Ramos Jr.
Ako si Dally. Bata man sa edad na sampung
taong gulang, mahilig na akong mag-imbento.
Nais kong makaimbento ng gamot. Gamot na
malakas at nakagagamot sa malalang sakit.
Nagkasakit kasi ang lola ko hanggang malagot
ang kaniyang hininga pagkaraan lamang ng ilang
araw dahil sa Covid 19.
Sa aking pagsasaliksik sa internet, dumako
ang aking pagbabasa sa sakit na COVID-19.
Tanong ko sa sarili ko, “Ano bang sakit ito at gaano
ba ito kalala?”. Napag-alaman ko na ito pala ay
virus na nagdudulot ng lagnat at nagiging sanhi ng
malalang sakit sa baga o paghinga o respiratoryo.
Mabilis itong makahawa at walang pinipili
matanda man o bata.
Mahirap pala ang sakit na ito. Wala pa akong
kakayahan. Kahit nais ko, bata pa ako upang
makatuklas ng gamot nito. Wala pa akong
magagawa kung hindi sumunod muna sa
alituntunin na ipinatutupad ng batas. “Magsusuot
ako ng facemask at faceshield kapag lalabas ng
bahay; panatilihin ko ang isang metrong distansiya
kapag ako ay nasa pampublikong lugar; iiwas ako
sa matataong lugar at manatili na lamang ako sa
bahay.”
63
1. Ano kaya ang nagugustuhang kurso ng
nagkuwento?
A. inhenyero
B. doktor
C. guro
D. dentista
2. Ano ang maaaring mangyari kung susundin ang mga
alituntunin ng IATF?
A. magkakaroon ng ubo at sipon
B. maaaring mahawa ng COVID-19
C. maaari kang tagapagdala ng virus
D. makaiiwas sa pagkahawa ng COVID-19
Ito muna ang kaya kong gawin, ang sumunod
sa patakaran at alituntunin lalo na sa health
protocols ng IATF at ng ating lokal na pamahalaan.
Paglaki ko, sisikapin kong makatuklas ng gamot ng
sakit na ito kaya mag-iingat ako.
64
3. Ano ang napag-alaman ng nagkuwento tungkol
sa sakit na COVID-19?
A. Ito ay sakit na kanser.
B. Ito ay hindi nakahahawang sakit.
C. Ito ay tulad lamang ng sipon at lagnat.
D. Ito ay sakit na mabilis makahawa at
nagdudulot ng sakit sa baga.
4. Kung ikaw si Dally, alin sa mga alituntunin sa Covid-19
Protocol ang dapat mong sundin?
A. Magsuot ng facemask at faceshield.
B. Panatilihin ko ang isang metrong distansiya sa
mga pampublikong lugar.
C. Mananatili lamang ako sa bahay.
D. Lahat ng nabanggit ay susundin ko.
65
66
67
LETRA
SALITA
Grade 5
z h i e t
f j n q p
Pagtatasa sa Pagbasa 1
PANTIG
Pagtatasa sa Pagbasa 2
Pagtatasa sa Pagbasa 3
PARIRALA
hiyaw sobra sulok
batid buhay pila
kasama habang huminto
alok
bang yaw pu lok
tid bra hay pay
68
Pagtatasa sa Pagbasa 4
1. Masayang umuwi ang mga nanalo sa
paligsahan.
2. Nasugatan si Ana dahil napatid ng
katabi.
3. May pusa akong nakita sa sulok.
4. Bumaba ang mama nang huminto sa
gilid ang sasakyan.
5. Dahil sa pag-ulan ay naging malamig
ang hangin.
PANGUNGUSAP
Pagtatasa sa Pagbasa 5
nanalo sa paligsahan
napatid ng katabi
nakita sa sulok
huminto sa gilid
malamig na hangin
69
Mga Tanong:
1. Sino ang batang masayang-masaya?
A. Lucas
B. Ben
C. Benito
D. Pedro
TALATA 1
Masayang-masaya si Ben. Pupunta sila sa
bahay ng kaniyang lola. Ang kaniyang lola ay
nakatira sa probinsiya. Sila ay magbabakasyon
doon ng isang buwan.
Malawak ang lupain ng lola ni Ben.
Mayroon siyang mga alagang baka, kabayo,
manok, kambing, at pato. Kasa-kasama ni Ben
ang kaniyang paboritong alagang aso saan
man siya magpunta. Gusto ni Ben na manirahan
na sa probinsiya kasama ang kaniyang lola.
Pagtatasa sa Pagbasa 6
70
2. Saan sila pupunta ng kaniyang pamilya?
A. papuntang lungsod
B. papuntang parke
C. papuntang Amerika
D. papuntang probinsiya
3. Ano-ano ang mga alagang hayop na kaniyang
nakita?
A. tigre, leon, unggoy, elepante, agila
B. aso, pusa, maya, baboy, tupa
C. baka, kabayo, manok, kambing, pato
D. buwaya, ahas, unggoy, elepante, agila
4. Paano mo ilalarawan ang buhay sa probinsiya?
A. Nagtataasan ang mga gusali.
B. Sariwa ang hangin.
C. Mahal ang mga bilihin.
D. Barado ang mga kanal.
71
5. Bakit kaya nais ni Ben na tumira sa lugar ng
kaniyang lola?
A. Marami siyang makakain na pritong manok at
nilagang itlog.
B. May sariwang hangin, tahimik at maluwag na
palaruan.
C. Maraming tindahan, parke, mall at pabrika rito.
D. Maraming hayop na puwedeng katayin at
ibenta rito.
TALATA 2
Si Nena ay may alagang pusa. Regalo ito
ng kaniyang lolo sa kaniyang kaarawan. Ito rin
ang kaniyang kasamang mamasyal sa umaga
at katabing matulog sa gabi. Kulay-puti ang
pusa ni Nena.
Mabalahibo at mataba ang pusa ni Nena.
Lagi niya itong pinapakain at pinaiinom ng
bitamina. Sinusuotan din niya ito ng lasong
kulay rosas. Maamo at masunuring pusa ang
alaga ni Nena.
Pagtatasa sa Pagbasa 7
72
Mga Tanong:
1. Anong hayop ang alaga ni Nena?
A.aso
B. pusa
C.manok
D.usa
2. Sino ang nagbigay kay Nena ng kaniyang alaga?
A. ang kaniyang tatay
B. ang kaniyang lola
C. ang kaniyang lolo
D. ang kaniyang nanay
3. Anong kulay ang lasong suot ng alaga ni Nena?
A. puti
B. bughaw
C. rosas
D. pula
4. Bakit kaya pinapakain at pinapainom ng bitamina
ni Nena ang kanyang alaga?
A. para maging matalino ito
B. para maging masayahin ito
C. para maging malusog ito
D. para magsalita ito
73
5. Paano mo inaalagaan ang iyong alaga?
A. Pinapakain ko lamang ito sa araw na gusto ko.
B. Inaalagaan ko ito kagaya ng ginagawa ni
Nena.
C. Ibebenta ko ito upang mayroong mag-alaga
sa kaniya.
D. Ipapaalaga ko ito sa aking kapatid at mga
kaibigan.
Pagtatasa sa Pagbasa 8
TALATA 3
Ang Hundred Islands
Ang Hundred Islands ay isa sa mga dinarayo
ng mga turista sa ating bansa dahil sa angking
ganda nito. Ito ay matatagpuan sa lungsod ng
Alaminos, Pangasinan. Ang Hundred Islands ay
binubuo ng 123 isla na nakakalat sa golpo ng
Lingayen. Ang kabuuang lawak nito ay 4,557
ektarya. Pinaniniwalaan na may dalawang
milyong taon na ang mga pulo sa Hundred
Islands.
Mararating lamang ang Hundred Islands sa
pagsakay sa isang bangka.
74
Mga Tanong:
1. Saan matatagpuan ang Hundred Islands?
A. sa bayan ng Sual, Pangasinan
B. sa bayan ng Lingayen, Pangasinan
C. sa lungsod ng Alaminos, Pangasinan
D. sa lungsod ng San Carlos, Pangasinan
Pagkarating doon ay bubungad ang
mga isla na may puting buhangin, mga
kuweba, mga bato na apog at dagat na
napakahitik sa yamang tubig.
Napakaraming gawain ang puwedeng gawin
sa Hundred Islands na tiyak na masusulit ng
mga turista, matanda man o bata. Maaring
magpalipat-lipat ng isla, sumisid sa ilalim ng
dagat, at kumain ng mga lamandagat sa
ilalim ng puno. Para sa mga turistang nais
makita ang ganda ng isla sa gabi, maaring
magpalipas ng gabi sa Governor’s Island at
Quezon Island. Para naman sa mga turistang
nais magnilay, maaring bisitahin ang
Pilgrimage Island na kung saan matatagpuan
ang napakalaking estatwa ni Hesus.
75
2. Tungkol saan ang nabasang kuwento?
A. tungkol sa Hundred Islands
B. tungkol sa alamat ng Hundred Islands
C. tungkol sa kultura ng lungsod ng Alaminos
D. tungkol sa mayamang kasaysayan ng
lalawigan ng Pangasinan
3. Paano makararating sa Hundred Islands?
A. sa pagsakay sa motor
B. sa pagsakay sa bangka
C. sa pamamagitan ng paglalakad
D. sa pamamagitan ng paglangoy
76
77
78
79
LETRA
BAITANG 6
m u t f k
i z a r v
Pagtatasa sa Pagbasa 1
kul ag ngan mer
wa sas glo pan
PANTIG
Pagtatasa sa Pagbasa 2
SALITA
Pagtatasa sa Pagbasa 3
kagawaran lokalisasyon agrikultura
kultura globalisasyon komersyal
teknolohiya katarungan edukasyon
pandemiya
80
Pagtatasa sa Pagbasa 4
TALATA 1
Katotohanan Tungkol sa Bakuna sa COVID-19
Ni Joel M. Remigio
Simula noong lumaganap ang sakit na
COVID-19 sa buong daigdig, ay naging abala
ang sektor ng medisina sa pagtuklas ng bakuna
laban dito. Maraming nagsasalungatang
impormasyong nababasa tungkol sa bakuna
para COVID-19. Ito ang nagbunsod sapag-
alinlangan ng maraming tao na magpabakuna.
Mula sa mga eksperto, sila ang nagbigay ng
ilang patunay sa mabuting maidudulot ng
bakuna. Ito ay para maiwaglit sa isipan ang mga
maling impormasyon hinggil sa masamang
maidudulot nito sa taong mabakunahan. Nang
sa ganoon, mas madaling mahikayat ang
taumbayan para sila ay kusang magpabakuna.
Ayon sa mga doktor, ang bakuna sa
COVID-19 ay ligtas at mabisa. Ang mga ito ay
sumailalim sa masusing pagsusuri. Bago
pinahintulutang gamitin ang lahat ng bakuna sa
COVID-19 ay nasubukan sa klinikal na pagsubok.
Patuloy din ang pagsubaybay ng mga
ahensiyang nangangasiwa sa mga bakuna
upang matiyak na ligtas ang mga ito.
81
TALATA 1
Ang Aking Paglalakbay sa Lungsod Laoag
ni: Allan M. Utleg
Pamulinawen…Pusok indengamman…Toy
umas-asog, agrayo dita saddiam…
Narinig ko na naman ang awiting Pamulinawen
na tila humihila sa aking pandinig upang libutin ang
buong lungsod. Isa, dalawa, tatlo. Naghanda na
ako sa gagawing paglalakbay. Inilagay ko sa aking
bag ang mga kakailanganin.
“Beep! Beep! Beep!” busina ng dyip mula sa
labas. Mabilis akong tumakbo, kinuha ang bag at
agad nagtungo sa dyip na sasakyan patungong
Laoag.
Napakabilis ang takbo ng dyip. Nasisilayan ko
na ang bukana ng Gilbert Bridge. Tanaw ko na rin
ang Sinking Bell Tower.
“Para po sa tabi”, sabay toktok sa baryang
hawak at saka ko iniabot sa mamang drayber.
Bumaba na ako at agad kong kinuha ang selpon at
nag-selfie sa may tower.
Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang
mataas na tore sa may gitna ng Aurora Park. Tama!
Iyon ang sinasabi nilang Tobacco Monopoly. Hindi
na ako nagdalawang-isip pa kung kayat agad
akong nagtungo roon.
Pagtatasa sa Pagbasa 7
82
Mga Tanong:
1. Tungkol sa ano ang binasang kuwento?
A. ang pagselfie sa Aurora Park
B. ang paglalakbay sa Lungsod Laoag
C. ang paboritong awiting Pamulinawen
D. ang mahabang biyahe sa Gilbert Bridge
2. Mula sa binasang kuwento, anong uri ng akdang
pampanitikan ang Pamulinawen?
A. awiting-bayan
B. kuwento
C. sayaw
D. tula
Namangha ako sa aking nasilayan nang
malapitan. Muli kong kinuha ang aking
cellphone at saka nag-selfie kasama ang
Tobacco Monopoly. Naglibot-libot sa buong
Aurora Park at tila nahila ako sa estatuwa ng
babaeng nakatayo sa gitna ng fountain.
“Siya ba si Pamulinawen?”, tanong ko sa aking
sarili. Tinitigan kong mabuti ang estatuwa at
muli kong naaninag sa aking pandinig ang
awiting tila ‘di ko mabita-bitawan kahit saan
man ako magpunta, at tila napasasayaw na
lamang ako sa taglay nitong ritmo.
83
3. Ano ang naging reaksiyon niya nang makita
nang malapitan ang estatuwa ni Pamulinawen?
A. Napasayaw at napakanta siya ng Pamulinawen.
B. Napatalon sa kaligayahan at nakipag-selfie sa
estatuwa.
C. Napasigaw siya ng “Sa wakas! Nakita rin kita,
Pamulinawen”.
D. Nakaramdam ng pagkadismaya sa nakitang
mukha ni Pamulinawen.
4. Bakit kaya di niya mabita-bitawan sa kaniyang
pandinig ang awiting Pamulinawen?
A. Nakapagpapaalala ng mga karanasan tungkol
sa pag-ibig.
B. Nakapagpapagaan ng loob dahil ito ay
nakatatanggal ng pagod.
C. Nagbibigay ito ng inspirasyon dahil sentimental
ang tema ng awitin.
D. Nakaaaliw ito sa pandinig dahil mapapasayaw
ka sa taglay nitong ritmo.
5. Ano kaya sa tingin mo ang tunay na pakay ng
manlalakbay?
A.Gusto niyang makilala si Pamulinawen.
B. Nais niyang malibot ang Lungsod Laoag.
C.Ibig niyang maging bahagi ang Laoag sa
kaniyang vlog.
D.Hangad niyang matapos ang kaniyang travel
brochure.
84
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education – Region I
Office Address: Flores St., Catbangen, City of San Fernando, La Union
Telefax: (072) 682-2324; (072) 607-8137
E-mail Address: region1@deped.gov.ph

More Related Content

Similar to Copy of FLAT_FILIPINO_FINAL materials.pdf

Tg filipino grade2
Tg filipino grade2Tg filipino grade2
Tg filipino grade2
Teth04
 
DLL_ALL SUBJECTS 1_Q2_W9_D4.docx.docx
DLL_ALL SUBJECTS 1_Q2_W9_D4.docx.docxDLL_ALL SUBJECTS 1_Q2_W9_D4.docx.docx
DLL_ALL SUBJECTS 1_Q2_W9_D4.docx.docx
recyann1
 
Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12
Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12
Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12
Ezekiel Patacsil
 
Filipino 3 tg draft 4.10.2014 (1)
Filipino 3 tg draft 4.10.2014 (1)Filipino 3 tg draft 4.10.2014 (1)
Filipino 3 tg draft 4.10.2014 (1)
EDITHA HONRADEZ
 
Filipino 3 tg draft 4.10.2014
Filipino 3 tg draft 4.10.2014Filipino 3 tg draft 4.10.2014
Filipino 3 tg draft 4.10.2014
PRINTDESK by Dan
 
Filipino 3 tg draft 4.10.2014 (1)
Filipino 3 tg draft 4.10.2014 (1)Filipino 3 tg draft 4.10.2014 (1)
Filipino 3 tg draft 4.10.2014 (1)
EDITHA HONRADEZ
 

Similar to Copy of FLAT_FILIPINO_FINAL materials.pdf (20)

Filipino 6 pagbibigay hinuha
Filipino 6 pagbibigay hinuhaFilipino 6 pagbibigay hinuha
Filipino 6 pagbibigay hinuha
 
power point presentation. for grade- 2
power point presentation.  for grade-  2power point presentation.  for grade-  2
power point presentation. for grade- 2
 
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjFilipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
 
1st grading filipino vi part 2
1st grading filipino vi part 21st grading filipino vi part 2
1st grading filipino vi part 2
 
Tg filipino grade2
Tg filipino grade2Tg filipino grade2
Tg filipino grade2
 
DLL_FILIPINO 5_Q1_W7.docx
DLL_FILIPINO 5_Q1_W7.docxDLL_FILIPINO 5_Q1_W7.docx
DLL_FILIPINO 5_Q1_W7.docx
 
WEEK1DAY1.pptx
WEEK1DAY1.pptxWEEK1DAY1.pptx
WEEK1DAY1.pptx
 
MELC-BASED DLL QUARTER 1 WEEK 5.docx
MELC-BASED DLL QUARTER 1 WEEK 5.docxMELC-BASED DLL QUARTER 1 WEEK 5.docx
MELC-BASED DLL QUARTER 1 WEEK 5.docx
 
Filipino 3 tg full
Filipino 3 tg fullFilipino 3 tg full
Filipino 3 tg full
 
DLL_ALL SUBJECTS 1_Q2_W9_D4.docx.docx
DLL_ALL SUBJECTS 1_Q2_W9_D4.docx.docxDLL_ALL SUBJECTS 1_Q2_W9_D4.docx.docx
DLL_ALL SUBJECTS 1_Q2_W9_D4.docx.docx
 
Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12
Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12
Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12
 
Yunit 4 aralin 4 mga tungkuling kaakibat ng mga karapatan ng mamamayang p...
Yunit 4 aralin 4 mga tungkuling kaakibat   ng mga karapatan   ng mamamayang p...Yunit 4 aralin 4 mga tungkuling kaakibat   ng mga karapatan   ng mamamayang p...
Yunit 4 aralin 4 mga tungkuling kaakibat ng mga karapatan ng mamamayang p...
 
Yunit 4 aralin 4 mga tungkuling kaakibat ng mga karapatan ng mamamayang p...
Yunit 4 aralin 4 mga tungkuling kaakibat   ng mga karapatan   ng mamamayang p...Yunit 4 aralin 4 mga tungkuling kaakibat   ng mga karapatan   ng mamamayang p...
Yunit 4 aralin 4 mga tungkuling kaakibat ng mga karapatan ng mamamayang p...
 
Filipino 3 tg draft complete
Filipino 3 tg draft completeFilipino 3 tg draft complete
Filipino 3 tg draft complete
 
Grade 3 Filipino Teachers Guide
Grade 3 Filipino Teachers GuideGrade 3 Filipino Teachers Guide
Grade 3 Filipino Teachers Guide
 
Filipino 3 tg draft 4.10.2014 (1)
Filipino 3 tg draft 4.10.2014 (1)Filipino 3 tg draft 4.10.2014 (1)
Filipino 3 tg draft 4.10.2014 (1)
 
Filipino 3 tg draft 4.10.2014
Filipino 3 tg draft 4.10.2014Filipino 3 tg draft 4.10.2014
Filipino 3 tg draft 4.10.2014
 
Filipino 3 tg draft 4.10.2014 (1)
Filipino 3 tg draft 4.10.2014 (1)Filipino 3 tg draft 4.10.2014 (1)
Filipino 3 tg draft 4.10.2014 (1)
 
Filipino 3-tg-draft-4-10-2014
Filipino 3-tg-draft-4-10-2014Filipino 3-tg-draft-4-10-2014
Filipino 3-tg-draft-4-10-2014
 
PAGMAMALASAKIT SA KAPWA
PAGMAMALASAKIT SA KAPWAPAGMAMALASAKIT SA KAPWA
PAGMAMALASAKIT SA KAPWA
 

Recently uploaded

ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
VillasoClarisse
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
AizaStamaria3
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
SundieGraceBataan
 
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptxAP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
DonnaMaeSuplagio
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
KathlyneJhayne
 
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptxAP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
vh27pvs4b5
 

Recently uploaded (20)

Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
 
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptx
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptxKulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptx
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptx
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
Communication Barriers Presentation.pptx
Communication Barriers Presentation.pptxCommunication Barriers Presentation.pptx
Communication Barriers Presentation.pptx
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
 
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptxAP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
 
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKAAP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
 
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptxFATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
 
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
 
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptxANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
 
Ayos ng pangungusap at mga uri ng pangungusap
Ayos ng pangungusap at mga uri ng pangungusapAyos ng pangungusap at mga uri ng pangungusap
Ayos ng pangungusap at mga uri ng pangungusap
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptxANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
 
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptxAP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
 

Copy of FLAT_FILIPINO_FINAL materials.pdf

  • 1. i
  • 2. ii
  • 3. iii FLAT (Functional Literacy Assessment Tool) Manual for Teachers and Parents Filipino, First Edition, 2020 Republic Act 8293, Section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalties. Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from them. The publisher and authors do not represent nor claim ownership over them. Published by the Department of Education, Region 1 Secretary: Leonor Magtolis Briones Undersecretary: Diosdado M. San Antonio Printed in the Philippines by ________________________ Department of Education – Region I Office Address: Flores St., Catbangen, City of San Fernando, La Union Telefax: (072) 682-2324; (072) 607-8137 E-mail Address: region1@deped.gov.ph Development Team Writers: Marilyn Serquina Aquino Maria Elena Baladad Garland C. Ramos, Jr. Jennelyn Sotto, Berbeth Olipas, Jeffrey Cecero M. Benigno Nefritiri P. Baldivicio David V. Puruganan Rodolfo T. Caseres, Jr. Melinda Marinas Gina Dacayanan, Mildred Viduya Gemma Bassig Milagros Marilao Gemma Estacio Blinda Balderas Ernesto Ramos, Jr. Aidena Nuesca Maribel Laroya Emily T. De Leon Allan Rose L. Abellon, Joliefe R. Rabanal Dexter G. Domaguin Digna R. Basobas Arnold Leand F. Batul Mae Rose D. Garcia Virginia S. Bernabe Allan M. Utleg Emiliaflor A. Lived Margaret A. Bumanglag Mary Anne M. Ansagay Marilou M. Agustin Genalyn P. Mariana Lorna M. Balisbisana Joel M. Remigio Illustrators / Layout Artists: Bobbit Dale M. Bulatao Armando S. Vinoya Ligaya P. Daguison Editors: Aleta C. Begonia, Annabelle M. Parel, Elisa R. Ranoy, Belen Aquino, Juanito V. Labao, Louisito Libatique, Zorayda Paguyo, Edgardo P. Pescador, Editha R. Mabanag, Edmundo A. Bisquera, Felipa T. Regaspi, Gemma M. Erfelo, Maria Teresita R. Gapate, Melchora N. Viduya, Rowena R. Abad, Vivian V. Ofanda Project Proponents: Johnson P. Sunga, EPS-English Joselito D. Daguison, EPS-Filipino / Mother Tongue Consultants: Arlene A. Niro, Chief Education Supervisor, CLMD Ronald B. Castillo, Director III Tolentino G. Aquino, Director IV
  • 5. 5 FUNCTIONAL LITERACY ASSESSMENT TOOL (FLAT) Kumusta! Ako si _______________, mula sa Brigada Pagbasa Program, ang katuwang mo sa iyong pagbabasa. Tatayahin natin ang iyong kakayahan at pag-unawa sa pagbasa. Ang programang ito ay naglalayong lalong maunawaan ang karanasan ng mga bata sa pagbabasa. Aasahan mong hinding-hindi ko itatala ang iyong pangalan at ang anomang kalalabasan nito ay hindi makaaapekto sa iyong grado, at kung ikaw naman ay nasa paaralan, huwag mag-alala sapagkat hindi ito isang pagsusulit. Ang gawaing ito ay magtatagal lamang ng sampung minuto. Gusto mo bang subukan? Sumasang-ayon Kung hindi sumasang-ayon, pasalamatan ang bata at magpatuloy sa ibang bata. Malambing at masinsinang kausapin ang bata upang makuha ang kanyang loob. Ipakilala ang iyong sarili (bilang ng mga anak at edad at mga kinahihiligan). Tanungin ang bata tungkol sa kanyang sarili gaya ng: Ngayong panahon ng pandemya, ano ang iyong mga pinagkakaabalahan? Mayroon ka bang mga kapatid? Bago tayo magsimula, maglaro tayo ng Tanong Ko, Sagot Mo! Handa ka na ba? ● Ilang taon ka na? ● Alam mo ba ang World Vision? Tinutulungan ka ba ng isang organisasyon gaya ng World Vision? Alam bo na ang World Vision ay isang pandaigdigang samahang may hangaring maiangat ang kalagayan ng pamumuhay ng mga bata, pamilya at komunidad mula sa kahirapan? Ang samahang ito ay nakikipagtulungan sa lahat ng uri ng mamamayan sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kultura, paniniwala at kasarian upang matamo ang pagbabago. mula sa https://www.worldvision.com ● Nag-aaral ka ba ngayon? ● Kung hindi, kailan ka huling nag-aral? ● Kung oo: - anong baitang? - saan at ano ang pangalan mo? - ito ba ay pampubliko o pribado?
  • 6. 6 SIMULAN NATIN Ibigay sa bata ang unang kard na naglalaman ng mga talata at kuwento. Maaring sabihin: “Ngayon, mayroon akong ibibigay na babasahin mo para sa akin. Malaya kang pumili ng alinman sa dalawang talatang iyong babasahin nang malakas at malinaw.” Markahan (/) ang bawat kamalian. Kung ang kanyang pagkakamali ay agad niyang itinama, bilugan ( )ito. Bigyan ng higit sa isang pagkakataon na mabasa ng bata ang teksto. Anumang pag-unlad ng bata ay naaayon sa kanyang kakayahang matamo ang pinakamataas na antas ng pagbabasa. Table 1. FLAT Reading Test Competencies per Grade Level GRADE AGES READING TEST COMPETENCIES 1 6-8 Able to read at least 4 letters. 1 6-8 Able to read at least 5 common words. 2 7-9 Abletoreadoneoftheparagraphs –Grade2text. 3 8-10 Able to read a short – story – Grade 3 text. Able to respond to at least three fact retrieval questions. 4 - 6 11-13 Able to read a passageof local authentic text. Able to respond to at least four fact retrieval questions.
  • 7. 7 Table 2. FLAT Rating Scale FLAT RATING SCALE Di nakababasa Mababa sa lima mula sa ibinigay na sampung letra Nakababasa ng ilang letra Lima (5) mula sa ibinigay na sampung letra Nakababasa ng ilang pantig Apat mula sa ibinigay na walong pantig Nakababasa ng mga karaniwang salita Lima (5) mula sa ibinigay na sampung salita Nakababasa ng mga parirala Tatlo mula sa ibinigay na limang parirala Nakababasa ng pangungusap Dalawa mula sa ibinigay na apat na pangungusap Nakababasa ng talata na binubuo ng apat na payak na pangungusap Di bababa sa dalawang pangungusap ang nabasa Nakababasa ng isang kuwento Di bababa sa apat na pangungusap ang nabasa (Grade 2-3) Nakababasa at nauunawaan ang kuwento Di bababa sa apat na pangungusap ang nabasa Dalawa sa tatlong tanong ang nasagot nang wasto (Grade 2-3) Nakababasa at nauunawaan ang lokal na materyal Dalawa sa tatlong tanong ang nasagot nang wasto (Grade 2-3) Apat (4) sa limang dalawa sa tatlong tanong ang nasagot nang wasto (Grade 4-6)
  • 8. 8
  • 9. 9 Pagtatasa sa Pagbasa 1 LETRA Mm Tt Zz Ff Kk Oo Aa Rr Vv Pp pa bas ta su ma hak re ro PANTIG Pagtatasa sa Pagbasa 2 pareho hakbang baso labas tali sombrero susi hiling aso manika SALITA Pagtatasa sa Pagbasa 3
  • 10. 10 may dala-dalang buto ikapitong-kaarawan ni Susan ang mag-anak na Santos madalas niya itong kasama katabi ni Kardo PARIRALA Pagtatasa sa Pagbasa 4 1. Isang puting aso ang alaga ni Kardo. 2. Naghanda sila ng pansit at suman 3. Maagang gumising ang mag-anak. 4. Mahal ni Kardo ang aso. 5. Madalas niya itong kasama sa paglalaro. PANGUNGUSAP Pagtatasa sa Pagbasa 5
  • 11. 11 TALATA Ito ay malaking unggoy. Nakatira ito sa puno. Gustong-gusto nitong tumalon. Gustong-gusto rin nito ng saging. Pagtatasa sa Pagbasa 6 TALATA Anim na taong gulang si Peter. Gustong- gusto niyang mag-aral. Nais din niyang maglaro. Pumapasok siya sa paaralan. Pagtatasa sa Pagbasa 7
  • 12. 12 Mga Tanong : 1. Bakit malungkot ang puno? A.Nawala ang kaniyang kaibigan B. Siya ay mag-isa at nalulumbay C.hindi sumikat ang araw D.Wala sa nabanggit 2. Ano hinulog ng ibon malapit sa puno? A.isang sanga ng kahoy B. isang piraso ng tinapay C.isang buto D.Wala sa nabanggit ISTORYA May isang puno na nakatayo sa hardin. Malungkot ito at nag-iisa. Isang araw, may dumating na ibon. May dala itong buto sa tuka nito. Hinulog nito ang buto malapit sa puno. Umusbong ang isang maliit na halaman. Paglipas ng panahon, dumami na ang mga puno sa hardin. Tuwang-tuwa ang malaking puno. Pagtatasa sa Pagbasa 7
  • 13. 13 3. Bakit naging masaya ang puno sa huling bahagi ng kuwento? A. hindi na ito nag-iisang puno B. sumikat na ang araw C. umulan ito D. Wala sa nabanggit Infographics: Department of Health Website. Infographics | Department of Health website. (n.d.). Retrieved February 27, 2022, from https://doh.gov.ph/2019-nCov/infographics Mga Tanong : 1. Tungkol saan ang teksto? A. Ito ay tungkol sa mga sakit na nakahahawa. B. Ito ay tungkol sa pag-ubo. C. Ito ay tungkol sa corona virus. D. Ito ay tungkol sa pagpapagamot. Pagtatasa sa Pagbasa 8
  • 14. 14 2. Ang sumusunod ay sintomas ng sakit na corona virus maliban sa ____ ? A. lagnat B. ubo at sipon C. pag-iksi ng paghinga D. pagkakaroon ng pantal sa katawan 3. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng tamang kaisipan mula sa teksto? A. Ang COVID-19 ay hindi maiiwasan. B. Ang Corona Virus ay pamilya ng mga virus na nagdudulot ng iba’t ibang klaseng sakit. C. Kailangang uminom ng maraming tubig pagkatapos kumain. D. Hindi kailangang umiwas sa mga alagang hayop. 4. Ano ang dapat gawin kung may sintomas na ng ubo at sipon? A. Uminom ng maraming tubig. B. Uminom na ng gamot para sa ubo at sipon. C. Humigop ng mainit na sabaw. D. Agarang kumonsulta sa health facility. 5. Paano maiiwasan ang sakit na dulot ng corona virus? A. Umiwas sa mga taong may sintomas nito. B. Magkulong sa bahay. C. Uminom agad ng gamot kahit na walang nararamdamang sintomas. D. Maligo araw-araw
  • 15. 15
  • 16. 16
  • 17. 17 LETRA BAITANG 1 Nn Kk Ss Bb Gg Tt Rr Aa Hh Mm Pagtatasa sa Pagbasa 1 so ma tin at na pan hon la PANTIG Pagtatasa sa Pagbasa 2 nanay kuneho sari-sari bilin gumamela taon rosas ampalaya higaan masunurin SALITA Pagtatasa sa Pagbasa 3
  • 18. 18 may gulay sadyang makulay si Noel anim na taon laging masaya PARIRALA Pagtatasa sa Pagbasa 4 1. Ito ay malusog. 2. Ang batang masunurin ay kinalulugdan. 3. Lahat ay natutuwa sa kaniya. 4. Si Helen ay may hardin. 5. Siya ay laging masaya. PANGUNGUSAP Pagtatasa sa Pagbasa 5
  • 19. 19 TALATA Si Noel Masunuring bata si Noel. Lahat ng utos ni tatay at nanay ay kanyang gingawa. Bilin ng magulang ay lagi niyang tinatandaan. Paggising sa umaga ay iligpit ang higaan. Tiklupin ang kumot at unan. Ang batang masunurin ay kinalulugdan. Pagtatasa sa Pagbasa 6 ISTORYA Ang Hardin ni Helen Si Helen ay may hardin. Sari-saring halaman ang makikita dito. May gulay at halamang namumulaklak. Mga bulaklak gaya ng ilang-ilang, rosas, at gumamela. Meron ding ampalaya, okra, talong, sili, at iba pa. Ang hardin ni Helen ay sadyang makulay at napakaganda. Pagtatasa sa Pagbasa 7
  • 20. 20 Mga Tanong : 1. Sino ang may hardin? A. Hanna B. Helen C. Herna 2. Ano ano ang makikita sa kanyang hardin? A. tutubi at paruparo B. aso at pusa C. gulay at halamang namumulaklak 3. Anong katangian ang pinapakita ni Helen sa kuwento? Bakit?
  • 21. 21 LETRA BAITANG 1 Bb Pp Mm Aa Hh Ss Jj Gg Tt Dd Pagtatasa sa Pagbasa 1 so ma tin at na pan hon la PANTIG Pagtatasa sa Pagbasa 2 buto aso pansit hapag suman mahal dala-dala tulog laro kaarawan isa gumising SALITA Pagtatasa sa Pagbasa 3
  • 22. 22 may dala-dalang buto ikapitong-kaarawan ni Susan ang mag-anak na Santos madalas niya itong kasama katabi ni Kardo PARIRALA Pagtatasa sa Pagbasa 4 1. Isang puting aso ang alaga ni Kardo. 2. Naghanda sila ng pansit at suman 3. Maagang gumising ang mag-anak. 4. Mahal ni Kardo ang aso. 5. Madalas niya itong kasama sa paglalaro. PANGUNGUSAP Pagtatasa sa Pagbasa 5
  • 23. 23 TALATA Maagang gumising ang mag-anak na De Guzman. Ikapitong kaarawan ni Susan. Naghanda sila ng pansit at suman. Masayang nagsalo-salo ang mag-anak sa hapag kainan. Pagtatasa sa Pagbasa 6 ISTORYA Ang Aso ni Kardo Isang puting aso ang alaga ni Kardo. Madalas niya itong kasama sa paglalaro. Kahit saan magpunta laging may dala-dalang buto. Sa pagtulog katabi ni Kardo ang aso. Mahal ni Kardo ang aso. Dahil mabait itong aso. Pagtatasa sa Pagbasa 7
  • 24. 24 Mga Tanong : 1. Sino ang batang may alagang aso? A.Koko B. Karlo C.Kardo D.Kiko 2. Bakit mahal ni Kardo ang kaniyang aso? A.Dahil mabait ito. B. Dahil mataba ito. C.Dahil masunurin ito. D.Dahil masipag ito. 3. Paano mo maipakikita ang pagmamahal mo sa mga hayop? A.Pakainin nang sapat. B. Paliguan ito araw-araw. C.Pabakunahan ito. D.Lahat ng nabanggit.
  • 25. 25 LETRA BAITANG 1 Mm Gg Tt Kk Pp Bb Aa Hh Ll Dd Pagtatasa sa Pagbasa 1 ku pun hay lo du ta gaw ko PANTIG Pagtatasa sa Pagbasa 2 ako nars mata lugaw kubo taon dulo punta bahay halaman ganda sako SALITA Pagtatasa sa Pagbasa 3
  • 26. 26 unang baitang Si Dante dulo ng aking lapis angking ganda ang bata PARIRALA Pagtatasa sa Pagbasa 4 1. Ako ay nasa unang baitang. 2. Naglilinis kami sa aming kubo. 3. Naputol ang dulo ng aking lapis. 4. Ang bulaklak ay may angking ganda. 5. Mabait ang bata. PANGUNGUSAP Pagtatasa sa Pagbasa 5
  • 27. 27 Mga Tanong: 1. Ano ang kinahihiligan ni Dante na gawin? A.magbasa, magsulat, at magbilang B. kumanta , sumayaw, at umarte C.tumula, magkuwento, at gumuhit TALATA 1 Ito ay laso. Pula ang kulay nito. Panali ito sa buhok. Bigay ito ng nanay ko. Pagtatasa sa Pagbasa 6 ISTORYA 1 Si Dante Si Dante ay anim na taong gulang. Siya ay nasa unang baitang. Mahilig siyang magbasa, magsulat at magbilang. Masipag siyang mag- aral kaya mahal siya ng kaniyang mga magulang. Pangarap niyang maging piloto, kaya nagsisikap siyang matuto. Pagtatasa sa Pagbasa 8 TALATA 2 Ako si Niko. Anim na taong gulang na ako. Magbasa ng kuwento ang libangan ko. Sa pagbabasa ako ay natututo. Pagtatasa sa Pagbasa 7
  • 28. 28 2. Ano ang pangarap ni Dante? A.maging guro B. maging piloto C.maging doktor 3. Ano ang maaari mong gawin upang makamit ang iyong pangarap? 1. Saan hinango ang salitang Pangasinan? 2. Ano ang hanap-buhay ng mga taga-Pangasinan lalo na sa malapit sa dagat? 3. Paano nakilala ang Probinsiya ng Pangasinan? ISTORYA 2 PANGASINAN Ang salitang Pangasinan ay hango sa salitang “Panag-asinan”. Napapaligiran kasi ito ng dagat. Kaya naman, ang hanap-buhay ng mga naninirahan malapit sa dagat ay pag-aasin, tulad sa Bolinao. Dahil rito, nakilala ang Probinsiya ng Pangasinan bilang isang lalawigan na pinagmumulan ng iba’t-ibang produktong maaalat tulad ng daing na bangus, bagoong, at alamang.
  • 29. 29 LETRA BAITANG 1 Aa Tt Mm Pp Bb Gg Kk Dd Ll Rr Pagtatasa sa Pagbasa 1 mit lo lay kid pu ka la bu PANTIG Pagtatasa sa Pagbasa 2 lola ate manika bukid kama damit gulay pula regalo tatay tahanan kaibigan SALITA Pagtatasa sa Pagbasa 3
  • 30. 30 nakatanggap ng regalo si Tatay Berto may mapagmahal na lola may kulot at mahabang buhok masustansyang gulay at prutas PARIRALA Pagtatasa sa Pagbasa 4 1. Si Ate Lani ay nakatanggap ng regalo. 2. Isang masipag na magsasaka si Tatay Berto. 3. Ako ay may mapagmahal na lola. 4. Ang manika ay may kulot at mahabang buhok. PANGUNGUSAP Pagtatasa sa Pagbasa 5
  • 31. 31 Mga Tanong: 1. Ano ang laruan ni Ate Lani? A.manika B. robot C.damit 2. Bakit masaya si Ate Lani? A.dahil ito ay regalo ng kaniyang lola B. dahil mayroon itong kulot at mahabang buhok C.Lahat ng nabanggit. 3. Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa iyong laruan? ISTORYA 1 Si Ate Lani Si Ate Lani ay may manika. Ang buhok ng manika ay kulot at mahaba. Kulay pula ang damit niya. Regalo ito ng kanyang mapagmahal na lola. Kaya ito ay iniingatan niya. Si Ate Lani ay masayang-masaya pati sa pagtulog ito ay katabi niya sa kama. Pagtatasa sa Pagbasa 6
  • 32. 32 1. Ano ang hanap buhay ni Tatay Berto? A.guro B. dentista C.magsasaka 2. Saan madalas pumupunta si Tatay Berto? A.sa bukid B. sa palengke C.sa simbahan 3. Paano nakatutulong ang pagtatanim ng gulay at prutas? ISTORYA 2 Si Tatay Berto Si Tatay Berto ay isang masipag na magsasaka. Sa kaniyang malawak na bukid, madalas siyang pumupunta. Masusustansyang gulay at prutas ang kaniyang pananim. Natutuwa siya dahil malapit na itong anihin.
  • 33. 33
  • 34. 34
  • 35. 35 LETRA BAITANG 2 P Mm Ss Aa Aa Ll Bb Tt Mm Pp Hh Pagtatasa sa Pagbasa 1 sa raw bon ki har buk ta na PANTIG Pagtatasa sa Pagbasa 2 masaya araw paaralan hardin suportahan ibon buksan tayo nakita kabataan SALITA Pagtatasa sa Pagbasa 3
  • 36. 36 ang ibon sa bukid buksan ang aklat aming hardin para sa mga kabataan PARIRALA Pagtatasa sa Pagbasa 4 1. Isang ibon ang nakita ni Lito. 2. Siya ay nagpunta sa bukid. 3. Ating buksan ang aklat. 4. Ating bisitahin ang aming hardin. 5. Brigada Pagbasa ay ating suportahan. PANGUNGUSAP Pagtatasa sa Pagbasa 5
  • 37. 37 TALATA 1 Brigada Pagbasa Kahit wala tayo sa paaralan, Ang aklat ay ating buksan. Ang pagbabasa ay ating simulan. Brigada Pagbasa ay ating suportahan. Ito’y tulong para sa kabataan. Pagtatasa sa Pagbasa 6 TALATA 2 Ang Hardin Ating bisitahin ang aming hardin. Malinis na hangin, kay sarap langhapin. Awitin ng mga ibon ay ating dinggin. Makukulay na bulaklak ay huwag pitasin. Aming hardin, huwag nating sirain.
  • 38. 38 Mga Tanong: 1. Sino ang nagpunta sa bukid? A. Berta C. Nena B. Lita 2. Kanino nagpatulong si Lita para gamutin ang ibon? A. sa kaniyang ate C. sa kaniyang lola B. sa kaniyang ina 3. Bakit hindi makalipad ang ibon? A. dahil ito ay nakakulong B. dahil ito ay may sugat C. dahil ito ay nanghihina KUWENTO 1 Ang Ibon Isang araw, nagpunta sa bukid si Lita. Isang ibon ang kaniyang nakita. Hindi ito makalipad dahil ito ay nanghihina. Iniuwi ang ibon at ipinakita sa kaniyang ina. Inalagaan nila ang ibong nanghihina. Nang lumakas ang ibon, ito ay kanilang pinalaya. Nakalipad ulit ang ibon at si Lita ay masaya. Pagtatasa sa Pagbasa 7
  • 39. 39 LETRA BAITANG 2 Aa Ss Oo Mm Tt Ll Yy Uu Cc Pp Pagtatasa sa Pagbasa 1 ba ak ya ru win la ga an PANTIG Pagtatasa sa Pagbasa 2 bahay aklat laruan kuya gawin Carla magbasa masinop kaarawan pasalubong SALITA Pagtatasa sa Pagbasa 3
  • 40. 40 madaling gawin magaling magbasa masinop na bata batang si Carmen isang magandang katangian PARIRALA Pagtatasa sa Pagbasa 4 1. Magaling magbasa si Zander. 2. Namana niya ito sa kaniyang ama. 3. Si Carmen ay isang masinop na bata. 4. Inaayos niya sa kabinet ang kaniyang mga laruan. 5. Tuwang-tuwa ang kaniyang mga magulang dahil masinop siyang bata. PANGUNGUSAP Pagtatasa sa Pagbasa 5
  • 41. 41 TALATA 1 Pagbabasa ang gustong laging gawin ni Zander. Isang magandang katangian na namana niya sa kaniyang ama. Sa halip na magpabili ng laruan, aklat ang madalas niyang hiling sa kaniyang kaarawan. Pagtatasa sa Pagbasa 6 TALATA 2 Tuwang-tuwa si Popoy nang dumating ang kaniyang Kuya Greg galing Amerika. Tsokolate, laruan, at damit ang pasalubong sa kaniya. Sa sobrang tuwa, napayakap si Popoy sa kaniyang kuya.
  • 42. 42 Tanong: 1. Ano ang paboritong gawin ni Carla? A.maglaro B. sumayaw C.kumanta D.matulog 2. Ano ang katangian ng batang si Carla? A. Siya ay masinop. B. Siya ay masayahin. C. Siya ay mapagmahal. D. Siya ay mapagbigay KUWENTO 1 Maglaro ang paboritong gawin ng batang si Carla. Marami siyang laruan tulad ng manika at luto-lutoan. Lagi niyang inaayos sa kabinet ang kaniyang mga laruan. Pinupunasan din niya ang mga ito pagkatapos gamitin. Tuwang-tuwa ang kaniyang mga magulang sapagkat masinop siyang bata. Pagtatasa sa Pagbasa 7
  • 43. 43 3. Paano mo binibigyang halaga ang iyong mga laruan? A. Ilagay ito sa kahit saang sulok. B. Hayaang iligpit ng magulang C. Punasan ito pagkatapos gamitin D. Ipatago sa kapatid. Tanong: 1. Anong nakamamatay na sakit ang nabanggit sa kuwento? A.Kolera B. dengue C.COVID-19 D.cancer Pagtatasa sa Pagbasa 8 KUWENTO 2 COVID-19 Isang araw, nagulat at nalungkot ako. Hindi na raw ako maaaring sumama sa aking ina sa palengke. Hindi na rin ako maaaring mamasyal kung saan-saan. Ang mas malungkot pa nito, hindi na rin ako maaaring pumasok sa paaralan dahil may kumakalat na nakamamatay na sakit. Ito ay ang COVID-19.
  • 44. 44 2. Bakit hindi puwedeng lumabas ng bahay ang mga bata sa panahong ito? A.dahil walang pasok B. dahil may nangunguha ng bata C. dahil madali silang kapitan ng sakit D. dahil sila ay maingay 3. Ano ang pangunahing kaisipan ng teksto? A.Nakakalungkot ang COVID-19. B. Malaki ang naitulong ng COVID-19 sa gawain ng tao. C. Maraming ipinagbawal ang pamahalaan dahil sa COVID-19. D. wala sa nabanggit
  • 45. 45
  • 46. 46
  • 47. 47 LETRA Baitang 3 m t f k o a r v p z Pagtatasa sa Pagbasa 1 nga yag ka pag pos hu bu si PANTIG Pagtatasa sa Pagbasa 2 bahay bata ama mainit aso isda oras likod braso mundo klase gusto SALITA Pagtatasa sa Pagbasa 3
  • 48. 48 PARIRALA Pagtatasa sa Pagbasa 4 1. PANGUNGUSAP Pagtatasa sa Pagbasa 5 mahilig mag-alaga itim na pusa malaking puno lutong pagkain damit na bago 1. Mahilig mag-alaga ng halaman si Ana. 2. Tumawid ang itim na pusa sa kalsada. 3. Natumba ang malaking puno. 4. Masararap ang nilutong pagkain ni nanay. 5. Masaya si Allan sa bagong damit na bigay ng kaniyang ninong.
  • 49. 49 TALATA 1 Si Ana ay mahilig mag-alaga ng hayop. Isa sa paborito niyang alagaan ay ang kaniyang itim na pusa. Mataba ito. Tuwing umuuwi siya galing sa paaralan ay may dala-dala siyang pagkain para rito. Mahal na mahal niya ang kaniyang pusa. Pagtatasa sa Pagbasa 6 TALATA 2 Kaarawan ni Gemma. Maraming inihandang pagkain ang kaniyang magulang. Masayang masaya siya. Umaasa siyang maraming kaibigan ang dadalo rito. Marami siyang natanggap na pagbati sa cellphone ngunit kaunti lamang ang nakadalo.
  • 50. 50 KUWENTO 1 Si Daniel at si Papo Ni Melinda F. Marinas Isang hapon, nagpunta si Daniel at ang kapatid sa bukid upang maglaro. Sumama naman si Papo, ang kaniyang alagang mabalahibong aso. Nagtakbuhan ang magkapatid habang si Papo naman ay nakikipag-unahan din sa kanila. Nakapulot ng maliit na sanga si Daniel. Nang akmang ihahagis ito, tinawag niya ang kaniyang aso . “Papo, lundag! Saluhin mo itong sanga !” Mabilis na tumakbo si Papo papunta sa pinaghagisan ni Daniel ng sanga. Lumundag ito nang ubod lakas upang masalo ang sanga. “Yehey! Ang galing ni Papo!” Tuwang tuwa na sinalubong ni Daniel si Papo upang kunin ang sanga na nasa bunganga nito. Paulit–ulit nilang ginawa ito hanggang mapagod silang dalawa habang masaya namang pinapanood sila ng kaniyang kapatid. Papalubog na ang araw. Nais pa sana nilang ipagpatuloy ang masayang laro ngunit hindi na ito maaari. Pagtatasa sa Pagbasa 7
  • 51. 51 Mga Tanong: Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento? A. si Papo B. si Daniel C. sina Papo at Daniel D. sina Papo, Daniel at Kapatid 2. Paano sinalo ni Papo ang sanga na inihagis ni Daniel? A.Kinuha ni Papo ang kahoy sa kamay ni Daniel. B. Hinintay ni Papo na dumako ang sanga sa kinaroroonan nito. C.Lumundag si Papo nang ubod lakas upang abutin ng bibig ang sanga. D.Itinaas ni Papo ang dalawa niyang unang paa upang saluhin ang sanga. 3. Bakit hindi na nila ipinagpatuloy ang paglalaro kahit nais pa nila itong gawin? A.Dahil hapon na at malapit nang dumilim. B. Dahil masakit na ang katawan ng kapatid ni Daniel. C.Dahil sa nagalit na ang kanilang kuya at pinauwi na sila nito. D.Dahil umaga pa lamang ay pumunta na sila sa bukid .
  • 52. 52 Pagtatasa sa Pagbasa 8 KUWENTO 2 Tara! Magtanim Tayo Ni Milagros C. Marilao Noong buwan ng Abril, 2020, ang Gobernador ng Lalawigan ng La Union na si Francisco Emmanuel R. Ortega III ay namahagi sa mga mamamayan ng isang “Survival Seed Pack”. Ang “Survival Seed Pack” ay naglalaman ng iba’t ibang buto ng gulay. Nais ng gobernador na magkaroon ng gulayan sa bawat tahanan para makatulong sa pang araw-araw na pangangailanagn nila ngayong panahon ng pandemya. Kabilang sa mga nakinabang sa programa ay ang mag-amang Mang Tasyo at Ruben. Nakiusap si Ruben sa kaniyang ama na siya ang magtatanim sa buto ng kalabasa. Nais ipakita ni Ruben ang natutuhang tamang pagtatanim mula sa kaniyang guro. Labis na natuwa si Mang Tasyo sa pakiusap ng anak. Dali- daling kinuha ni Ruben ang mga sako at nilagyan ang mga ito ng matabang lupa. Itinanim ang mga buto at diniligan. Pagkaraan ng ilang araw, tumubo na ito. Kaniyang nasusubaybayan ang paglaki ng mga ito. Namulaklak na at namunga na ang mga ito.
  • 53. 53 Mga Tanong: 1. Sino ang nagbahagi ng mga “Survival Seed Pack”? A.sina Mang Tasyo at Ruben B. ang mga taga-Barangay C.ang mga mamamayan ng La Union D.si Gob. Francisco Emmanuel R. Ortega III 2. Bakit namahagi sila ng “Survival Seed Pack” ? A. upang magkaroon ng gulayan ang bawat tahanan B. upang may mailuluto ang pamilya kahit lockdown C. upang hindi magugutom ang pamilya kahit may pandemya D. Lahat ng sagot ay tama. 3. Paano pinahalagahan ni Ruben ang ibinahaging “Survival Seed Pack” ? A. Ipinamigay niya ito sa mga kapitbahay. B. Itinanim, inalagaan at ibinahagi ang mga ito. C. Ikinalat ang mga ito upang tumubo sa parang. D. Ipinakain niya ang mga buto sa alagang manok. Tuwang-tuwa si Mang Tasyo nang ipakita ni Ruben ang mga naaning bunga ng kalabasa. Ibinahagi sa kanilang kapitbahay ang naani. Niluto naman ng kaniyang ina ang iba. Tuwang-tuwa si Ruben at sa ganitong paraan, nakatulong at napasaya niya ang kaniyang pamilya.
  • 54. 54
  • 55. 55
  • 56. 56
  • 57. 57 LETRA f k o a r v p m t z Pagtatasa sa Pagbasa 1 hak ta su hi sum bid pa ling PANTIG Pagtatasa sa Pagbasa 2 aso hakbang tasa lubid labas susi sombrero hiling manika pareho SALITA Pagtatasa sa Pagbasa 3
  • 58. 58 nakatira sa puno bahagi ng kahoy napagod sa paglambitin natulog nang maaga mataas na grado PARIRALA Pagtatasa sa Pagbasa 4 1. Maraming ibon ang nakatira sa puno. 2. Naputol ang bahagi ng kahoy na pinaglambitinan niya. 3. Napagod sa paglalambitin ang unggoy. 4. Natulog nang maaga ang mga pamangkin ni Mang Atoy. 5. Natuwa ang nanay sa mataas na grado ng kaniyang anak. PANGUNGUSAP Pagtatasa sa Pagbasa 5
  • 59. 59 TALATA 1 akatira sa puno. mitas na rin siya ng mga bungang kahoy upang kainin. Kapag siya ay napagod sa paglalambitin, dadako siya sa bahagi ng kahoy na madahon at doon siya magpapahinga. Hihiga siya roon hanggang siya ay tuluyang makatulog. Pagtatasa sa Pagbasa 6 TALATA 2 Pinahahalagahan niya ang kaniyang pag-aaral. Matiyaga at maagap niyang tinatapos ang mga proyekto at gawain na nakasaad sa kaniyang modyul. Masaya din siyang nakikibahagi sa kaniyang “online classes”. Dahil dito, naging matagumpay si Pedro. Naging matataas ang kaniyang grado. Alam niya na sa ganitong paraan, makakamit niya ang kaniyang pangarap.
  • 60. 60 KUWENTO 1 Si Malaking Puno Nina Aidena L. Nuesca at Gemma C. Estacio Si Malaking Puno ay nasa hardin. Malungkot ito sapagkat wala siyang nakikitang kasama. Mag-isa lamang siya roon. Kahit naisin niyang tumawag, wala naman itong magagawa. Isang araw, may isang ibon na dumapo sa kaniya. Gumawa ang ibon ng kaniyang pugad sa mayabong na sanga nito. Araw-araw, umuuwi ang ibon dito. Sa kaniyang tuka, palagi siyang may dalang iba’t ibang buto ng prutas. Lumipas ang tag-ulan. Nakita ni Malaking Puno na may mga tumubong maliliit na puno sa ilalim nito. Nagsilbi siyang lilim sa mga maliliit na mga punong ito hanggang sila ay lumaki. Masaya na si Malaking Puno. Alam niya na hindi na siya mag-iisa kailanman. Hindi na rin iisa ang ibon na dadako roon. Alam niya iyon. May kasama na kasi siya. At kahit siya ay matanda na, alam niyang may susunod sa kaniya na dadapuan din ng mga ibong nagsilbing tulay upang magkaroon siya ng makasasama. Pagtatasa sa Pagbasa 7
  • 61. 61 Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Bakit malungkot si Malaking Puno? A. dahil walang ulan B. dahil nag-iisa siya C. hindi lumabas si Haring-araw D. nawalan siya ng kaibigan 2. Paano kaya nagkaroon ng maliliit na puno sa ilalim ni Malaking Puno? A. Inihagis ang mga ito ng mga malalaking hayop sa parang. B. Galing ito sa buto na iniuwi ng Ibon sa kaniyang pugad. C. Ito ay anak ng mga puno na nasa malayong lugar. D. Lumipad ang maliliit na puno sa ilalim nito. 3. Bakit naging masaya si Malaking Puno? A. Sumikat na si Haring-araw. B. May kasama na siyang mga puno. C. Maraming ibon an gustong manirahan sa kaniya. D. Malapit nang umulan at siya ay madidiligan nang husto.
  • 62. 62 Pagtatasa sa Pagbasa 8 KUWENTO 2 Maingat Ako Ni Ernesto F. Ramos Jr. Ako si Dally. Bata man sa edad na sampung taong gulang, mahilig na akong mag-imbento. Nais kong makaimbento ng gamot. Gamot na malakas at nakagagamot sa malalang sakit. Nagkasakit kasi ang lola ko hanggang malagot ang kaniyang hininga pagkaraan lamang ng ilang araw dahil sa Covid 19. Sa aking pagsasaliksik sa internet, dumako ang aking pagbabasa sa sakit na COVID-19. Tanong ko sa sarili ko, “Ano bang sakit ito at gaano ba ito kalala?”. Napag-alaman ko na ito pala ay virus na nagdudulot ng lagnat at nagiging sanhi ng malalang sakit sa baga o paghinga o respiratoryo. Mabilis itong makahawa at walang pinipili matanda man o bata. Mahirap pala ang sakit na ito. Wala pa akong kakayahan. Kahit nais ko, bata pa ako upang makatuklas ng gamot nito. Wala pa akong magagawa kung hindi sumunod muna sa alituntunin na ipinatutupad ng batas. “Magsusuot ako ng facemask at faceshield kapag lalabas ng bahay; panatilihin ko ang isang metrong distansiya kapag ako ay nasa pampublikong lugar; iiwas ako sa matataong lugar at manatili na lamang ako sa bahay.”
  • 63. 63 1. Ano kaya ang nagugustuhang kurso ng nagkuwento? A. inhenyero B. doktor C. guro D. dentista 2. Ano ang maaaring mangyari kung susundin ang mga alituntunin ng IATF? A. magkakaroon ng ubo at sipon B. maaaring mahawa ng COVID-19 C. maaari kang tagapagdala ng virus D. makaiiwas sa pagkahawa ng COVID-19 Ito muna ang kaya kong gawin, ang sumunod sa patakaran at alituntunin lalo na sa health protocols ng IATF at ng ating lokal na pamahalaan. Paglaki ko, sisikapin kong makatuklas ng gamot ng sakit na ito kaya mag-iingat ako.
  • 64. 64 3. Ano ang napag-alaman ng nagkuwento tungkol sa sakit na COVID-19? A. Ito ay sakit na kanser. B. Ito ay hindi nakahahawang sakit. C. Ito ay tulad lamang ng sipon at lagnat. D. Ito ay sakit na mabilis makahawa at nagdudulot ng sakit sa baga. 4. Kung ikaw si Dally, alin sa mga alituntunin sa Covid-19 Protocol ang dapat mong sundin? A. Magsuot ng facemask at faceshield. B. Panatilihin ko ang isang metrong distansiya sa mga pampublikong lugar. C. Mananatili lamang ako sa bahay. D. Lahat ng nabanggit ay susundin ko.
  • 65. 65
  • 66. 66
  • 67. 67 LETRA SALITA Grade 5 z h i e t f j n q p Pagtatasa sa Pagbasa 1 PANTIG Pagtatasa sa Pagbasa 2 Pagtatasa sa Pagbasa 3 PARIRALA hiyaw sobra sulok batid buhay pila kasama habang huminto alok bang yaw pu lok tid bra hay pay
  • 68. 68 Pagtatasa sa Pagbasa 4 1. Masayang umuwi ang mga nanalo sa paligsahan. 2. Nasugatan si Ana dahil napatid ng katabi. 3. May pusa akong nakita sa sulok. 4. Bumaba ang mama nang huminto sa gilid ang sasakyan. 5. Dahil sa pag-ulan ay naging malamig ang hangin. PANGUNGUSAP Pagtatasa sa Pagbasa 5 nanalo sa paligsahan napatid ng katabi nakita sa sulok huminto sa gilid malamig na hangin
  • 69. 69 Mga Tanong: 1. Sino ang batang masayang-masaya? A. Lucas B. Ben C. Benito D. Pedro TALATA 1 Masayang-masaya si Ben. Pupunta sila sa bahay ng kaniyang lola. Ang kaniyang lola ay nakatira sa probinsiya. Sila ay magbabakasyon doon ng isang buwan. Malawak ang lupain ng lola ni Ben. Mayroon siyang mga alagang baka, kabayo, manok, kambing, at pato. Kasa-kasama ni Ben ang kaniyang paboritong alagang aso saan man siya magpunta. Gusto ni Ben na manirahan na sa probinsiya kasama ang kaniyang lola. Pagtatasa sa Pagbasa 6
  • 70. 70 2. Saan sila pupunta ng kaniyang pamilya? A. papuntang lungsod B. papuntang parke C. papuntang Amerika D. papuntang probinsiya 3. Ano-ano ang mga alagang hayop na kaniyang nakita? A. tigre, leon, unggoy, elepante, agila B. aso, pusa, maya, baboy, tupa C. baka, kabayo, manok, kambing, pato D. buwaya, ahas, unggoy, elepante, agila 4. Paano mo ilalarawan ang buhay sa probinsiya? A. Nagtataasan ang mga gusali. B. Sariwa ang hangin. C. Mahal ang mga bilihin. D. Barado ang mga kanal.
  • 71. 71 5. Bakit kaya nais ni Ben na tumira sa lugar ng kaniyang lola? A. Marami siyang makakain na pritong manok at nilagang itlog. B. May sariwang hangin, tahimik at maluwag na palaruan. C. Maraming tindahan, parke, mall at pabrika rito. D. Maraming hayop na puwedeng katayin at ibenta rito. TALATA 2 Si Nena ay may alagang pusa. Regalo ito ng kaniyang lolo sa kaniyang kaarawan. Ito rin ang kaniyang kasamang mamasyal sa umaga at katabing matulog sa gabi. Kulay-puti ang pusa ni Nena. Mabalahibo at mataba ang pusa ni Nena. Lagi niya itong pinapakain at pinaiinom ng bitamina. Sinusuotan din niya ito ng lasong kulay rosas. Maamo at masunuring pusa ang alaga ni Nena. Pagtatasa sa Pagbasa 7
  • 72. 72 Mga Tanong: 1. Anong hayop ang alaga ni Nena? A.aso B. pusa C.manok D.usa 2. Sino ang nagbigay kay Nena ng kaniyang alaga? A. ang kaniyang tatay B. ang kaniyang lola C. ang kaniyang lolo D. ang kaniyang nanay 3. Anong kulay ang lasong suot ng alaga ni Nena? A. puti B. bughaw C. rosas D. pula 4. Bakit kaya pinapakain at pinapainom ng bitamina ni Nena ang kanyang alaga? A. para maging matalino ito B. para maging masayahin ito C. para maging malusog ito D. para magsalita ito
  • 73. 73 5. Paano mo inaalagaan ang iyong alaga? A. Pinapakain ko lamang ito sa araw na gusto ko. B. Inaalagaan ko ito kagaya ng ginagawa ni Nena. C. Ibebenta ko ito upang mayroong mag-alaga sa kaniya. D. Ipapaalaga ko ito sa aking kapatid at mga kaibigan. Pagtatasa sa Pagbasa 8 TALATA 3 Ang Hundred Islands Ang Hundred Islands ay isa sa mga dinarayo ng mga turista sa ating bansa dahil sa angking ganda nito. Ito ay matatagpuan sa lungsod ng Alaminos, Pangasinan. Ang Hundred Islands ay binubuo ng 123 isla na nakakalat sa golpo ng Lingayen. Ang kabuuang lawak nito ay 4,557 ektarya. Pinaniniwalaan na may dalawang milyong taon na ang mga pulo sa Hundred Islands. Mararating lamang ang Hundred Islands sa pagsakay sa isang bangka.
  • 74. 74 Mga Tanong: 1. Saan matatagpuan ang Hundred Islands? A. sa bayan ng Sual, Pangasinan B. sa bayan ng Lingayen, Pangasinan C. sa lungsod ng Alaminos, Pangasinan D. sa lungsod ng San Carlos, Pangasinan Pagkarating doon ay bubungad ang mga isla na may puting buhangin, mga kuweba, mga bato na apog at dagat na napakahitik sa yamang tubig. Napakaraming gawain ang puwedeng gawin sa Hundred Islands na tiyak na masusulit ng mga turista, matanda man o bata. Maaring magpalipat-lipat ng isla, sumisid sa ilalim ng dagat, at kumain ng mga lamandagat sa ilalim ng puno. Para sa mga turistang nais makita ang ganda ng isla sa gabi, maaring magpalipas ng gabi sa Governor’s Island at Quezon Island. Para naman sa mga turistang nais magnilay, maaring bisitahin ang Pilgrimage Island na kung saan matatagpuan ang napakalaking estatwa ni Hesus.
  • 75. 75 2. Tungkol saan ang nabasang kuwento? A. tungkol sa Hundred Islands B. tungkol sa alamat ng Hundred Islands C. tungkol sa kultura ng lungsod ng Alaminos D. tungkol sa mayamang kasaysayan ng lalawigan ng Pangasinan 3. Paano makararating sa Hundred Islands? A. sa pagsakay sa motor B. sa pagsakay sa bangka C. sa pamamagitan ng paglalakad D. sa pamamagitan ng paglangoy
  • 76. 76
  • 77. 77
  • 78. 78
  • 79. 79 LETRA BAITANG 6 m u t f k i z a r v Pagtatasa sa Pagbasa 1 kul ag ngan mer wa sas glo pan PANTIG Pagtatasa sa Pagbasa 2 SALITA Pagtatasa sa Pagbasa 3 kagawaran lokalisasyon agrikultura kultura globalisasyon komersyal teknolohiya katarungan edukasyon pandemiya
  • 80. 80 Pagtatasa sa Pagbasa 4 TALATA 1 Katotohanan Tungkol sa Bakuna sa COVID-19 Ni Joel M. Remigio Simula noong lumaganap ang sakit na COVID-19 sa buong daigdig, ay naging abala ang sektor ng medisina sa pagtuklas ng bakuna laban dito. Maraming nagsasalungatang impormasyong nababasa tungkol sa bakuna para COVID-19. Ito ang nagbunsod sapag- alinlangan ng maraming tao na magpabakuna. Mula sa mga eksperto, sila ang nagbigay ng ilang patunay sa mabuting maidudulot ng bakuna. Ito ay para maiwaglit sa isipan ang mga maling impormasyon hinggil sa masamang maidudulot nito sa taong mabakunahan. Nang sa ganoon, mas madaling mahikayat ang taumbayan para sila ay kusang magpabakuna. Ayon sa mga doktor, ang bakuna sa COVID-19 ay ligtas at mabisa. Ang mga ito ay sumailalim sa masusing pagsusuri. Bago pinahintulutang gamitin ang lahat ng bakuna sa COVID-19 ay nasubukan sa klinikal na pagsubok. Patuloy din ang pagsubaybay ng mga ahensiyang nangangasiwa sa mga bakuna upang matiyak na ligtas ang mga ito.
  • 81. 81 TALATA 1 Ang Aking Paglalakbay sa Lungsod Laoag ni: Allan M. Utleg Pamulinawen…Pusok indengamman…Toy umas-asog, agrayo dita saddiam… Narinig ko na naman ang awiting Pamulinawen na tila humihila sa aking pandinig upang libutin ang buong lungsod. Isa, dalawa, tatlo. Naghanda na ako sa gagawing paglalakbay. Inilagay ko sa aking bag ang mga kakailanganin. “Beep! Beep! Beep!” busina ng dyip mula sa labas. Mabilis akong tumakbo, kinuha ang bag at agad nagtungo sa dyip na sasakyan patungong Laoag. Napakabilis ang takbo ng dyip. Nasisilayan ko na ang bukana ng Gilbert Bridge. Tanaw ko na rin ang Sinking Bell Tower. “Para po sa tabi”, sabay toktok sa baryang hawak at saka ko iniabot sa mamang drayber. Bumaba na ako at agad kong kinuha ang selpon at nag-selfie sa may tower. Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang mataas na tore sa may gitna ng Aurora Park. Tama! Iyon ang sinasabi nilang Tobacco Monopoly. Hindi na ako nagdalawang-isip pa kung kayat agad akong nagtungo roon. Pagtatasa sa Pagbasa 7
  • 82. 82 Mga Tanong: 1. Tungkol sa ano ang binasang kuwento? A. ang pagselfie sa Aurora Park B. ang paglalakbay sa Lungsod Laoag C. ang paboritong awiting Pamulinawen D. ang mahabang biyahe sa Gilbert Bridge 2. Mula sa binasang kuwento, anong uri ng akdang pampanitikan ang Pamulinawen? A. awiting-bayan B. kuwento C. sayaw D. tula Namangha ako sa aking nasilayan nang malapitan. Muli kong kinuha ang aking cellphone at saka nag-selfie kasama ang Tobacco Monopoly. Naglibot-libot sa buong Aurora Park at tila nahila ako sa estatuwa ng babaeng nakatayo sa gitna ng fountain. “Siya ba si Pamulinawen?”, tanong ko sa aking sarili. Tinitigan kong mabuti ang estatuwa at muli kong naaninag sa aking pandinig ang awiting tila ‘di ko mabita-bitawan kahit saan man ako magpunta, at tila napasasayaw na lamang ako sa taglay nitong ritmo.
  • 83. 83 3. Ano ang naging reaksiyon niya nang makita nang malapitan ang estatuwa ni Pamulinawen? A. Napasayaw at napakanta siya ng Pamulinawen. B. Napatalon sa kaligayahan at nakipag-selfie sa estatuwa. C. Napasigaw siya ng “Sa wakas! Nakita rin kita, Pamulinawen”. D. Nakaramdam ng pagkadismaya sa nakitang mukha ni Pamulinawen. 4. Bakit kaya di niya mabita-bitawan sa kaniyang pandinig ang awiting Pamulinawen? A. Nakapagpapaalala ng mga karanasan tungkol sa pag-ibig. B. Nakapagpapagaan ng loob dahil ito ay nakatatanggal ng pagod. C. Nagbibigay ito ng inspirasyon dahil sentimental ang tema ng awitin. D. Nakaaaliw ito sa pandinig dahil mapapasayaw ka sa taglay nitong ritmo. 5. Ano kaya sa tingin mo ang tunay na pakay ng manlalakbay? A.Gusto niyang makilala si Pamulinawen. B. Nais niyang malibot ang Lungsod Laoag. C.Ibig niyang maging bahagi ang Laoag sa kaniyang vlog. D.Hangad niyang matapos ang kaniyang travel brochure.
  • 84. 84 For inquiries or feedback, please write or call: Department of Education – Region I Office Address: Flores St., Catbangen, City of San Fernando, La Union Telefax: (072) 682-2324; (072) 607-8137 E-mail Address: region1@deped.gov.ph