2. MGA REHIYON NA
BUMUBUO
• 1. Agusan del Norte
• 2. Agusan del Sur
• 3. Surigao del Norte
• 4. Surigao del Sur
• 5. Province of Dinagat Islands
• Ito ay may kabuuang sukat na humigit kumulang sa 18,847.0
kilometrong parisukat at may populasyong humigit kumilang sa
1,942,687
3.
4. CARAGA
Ito ay rehiyong administribo ng Pilipinas na matatagpuan sa hilagang-
silangang bahagi ng pulo ng Mindanao. Tinatawag din ang Caraga na Rehiyon
XIII na pinakabagong rehiyon sa Pilipinas. Ito ay nabuo sa bisa ng Batas
Republika Bilang 7901 na pinagtibay noong Pebrero 1995 ng dating pangulong
Fidel V. Ramos.
5. KASAYSAYAN NG REHIYON
Nagsimula ang kasaysayan ng Caraga noong ika-15 siglo nang
matuklasan ng mga maglalayag ang mga "Kalagan", na pinaniniwalaang
visaya ang pinanggalingan, na mula sa isa sa tatlong distrito ng
Mindanao. Ang pangalang Caraga ay nabuo mula sa salitang Bisaya na
"kalagan" na mula sa "kalag" na ang ibig sabihin ay "kaluluwa (soul)" o
tao (people) at "An" na nangangahulugang "lupain (land)". Ang mga
"Kalagan" ay may mahabang kasaysayan ng katapangan at walang
kinatatakutan. Kaya tinawag ang Rehiyon na “Region de gente animosa”
na ang ibig sabihin ay "Lupa ng Matatapang at Walang Takot."
6. AGUSAN
Ang Agusan ay matatagpuan sa Hilagang-Silangang bahagi ng
Mindanao.
Ang salitang Agusan ay nagmula sa salitang “ agus” na ang ibig
sabihin ay daloy ng tubig.
Dito matatagpuan ang itinuturing na pangatlo sa pinakamalalaking
ilog sa bansa, ang Agusan River na may habang 259 kilometro na
kung saan natagpuan ang pinakamalaking buwaya sa pilipinas na si
Lolong.
7. AGUSAN DEL NORTE
Ito ay kapatagan na napaliligiran ng mga bundok. Ang
pinakamataas na bundok ay ang Mt. Milung-milong na may
taas na 2,012.
Ito ay may sampung bayan at isang lungsod, ang Butuan City.
Ang lupaing sakahan ng Agusan del Norte ay may kabuuang
lawak na humigit kumulang na 87,137.99 ektarya na
kumakatawan sa 35.6% ng lupain ng lalawigan.
8. AGUSAN DEL SUR
Ang Agusan del Sur ay nasa hilagang bahagi ng Mindanao sa baybaying
dagat.
Ito ay may sukat na humigit kumulang sa 8.996 kilometrong parisukat
at populasyong di kukulangin sa 200,000.
Ang Agusan del Sur ay binubuo ng labing-apat na munisipalidad na may
311 baranggay. Ang mga bayang nasa tabi ng Agusan River na tianatawag
na “river towns” tulad ng Sta. Josefa, Veruela, La Paz, Talacogon at
Esperanza. Ang bayan naman ng Sigabat, Bayugan, Prosperidad, San
Luis at iba pa ay tinatawag na “highways Towns.”
9. SURIGAO DEL NORTE
Ang Surigao del Norte ay binubuo ng isang lungsod at
dalawampu’t anim na munisipalidad at may 410 barangay.
Walang tag-init sa lugar na ito. Tag-ulan sa buong taon. Malapit
ito sa sentro ng bagyo kaya kadalasang binabagyo ito sa mga
huling buwan ng taon. Dahil malapit din ito sa Philippine Deep,
ang lalawigan ay nakakaranas ng apat na lindol taun-taon
10. SURIGAO DEL SUR
Ang Surigao del Sur ay isa sa mga lalawigan ng Pilipinas na
matatagpuan sa rehiyon ng Caraga sa Mindanao, Tandag at
Bislig ang kapital nito.
Meron itong dalawang lungsod ito ay ang Tandang at Bislig
Tandang at ito ay pinalolooban ng labing pitong bayan.
11. DINAGAT ISLAND
Ang Dinagat Island ay isang lalawigan
ng Pilipinas sa Rehiyon ng Caraga. Ito ang pinakabagong
lalawigan ng Pilipinas.
Ang pinagmulan ng pangalan na Dinagat Island ay “Dinhi ni
ini na dagat”
“Dinagatnon” ang tawag sa mga taga dito
14. PANGKAT ETNIKO
Ang Lumad ay isang pangkat ng mga katutubong tao ng
katimugang Pilipinas. Ito ay salitang Cebuano na
nangangahulugang "katutubo"
15. PANGKAT ETNIKO
Manobo
Ang Manobo ay isa sa mga
pinakamatandang tribo ng ating
bansa. Sila ay matatagpuan sa iba't
ibang lugar sa Pilipinas tulad ng
Agusan,Cotabato, Davao, Misamis
Oriental, at Surigao Del Sur.
16. KULTURA NG MGA MANOBO
• Hanapbuhay ng Manobo
• Kaingin at pagtatanim ng palay at mais ang
pangunahing hanapbuhay ng mga Manobo.
• Kasuotan
• Ang kasuotan ng mga Manobo ay
isang binurdahan na gawa sa
abaka. Kinukulayan ito gamit ang mga
pangkulay sa kalikasan. Ang mga buhok nila ay
inaayos sa estilong buns o bangs at nilalagyan ng
suklay na gawa sa kawayan at may mga
dekorasyon katulad ng perlas.
17. KAUGALIAN AT MGA PANINIWALA
• Ang mga buntis ay dapat manatili sa loob ng bahay kung pula ang kulay ng langit
matapos lumubog ang araw dahil naniniwala sila na nag aabang ang aswang.
• Ang kasal ay kadalasang isang kasunduan sa pagitan ng mga magulang. Nakikiusap
ang pamilya ng babae sa pamilya ng lalaki hanggang sa magkaroon ng kasunduan.
Ang mga lalaki ay dapat magbigay ng handog ng napagkasunduan bago ikasal.
• Mayroon din silang kaugalian sa palilibing. Ang patay na lalaki ay inililibing na
nakaharap sa silangan upang ang pagsikat ng araw ay magbigay hudyat na oras na
upang magtrabaho. Ang babae naman ay inililibing na nakaharap sa kanluran upang
ang paglubog ng araw ay magbigay hudyat na oras na para magsaing
18. Bagobo
Ang “Bagobo” ay nagmula sa
salitang “bago”(new) at
“obo”(growth). Ito ay isang tribo na
kung saan ang pinagmulan ay nag-
ugat sa mga taong nagdala
ng Hinduismo sa Mindanao
sa panahon ng pananakop ng
Imperyong Sri Vijayan at
Majapahit.
19. Ang kultura ng mga Bagobo:
Sa pagpapakasal,kinaugalian nila na ang mga magulang ang
siyang pumipili sa kung sino ang gusto nilang mapangasawa ng
kanilang anak.
Paniniwala:
Ang mga Bagobo ay nananampalataya sa mga Diyos at Dyosa
dahil naniniwala sila na ang mundo ay nahahati sa apat na
dimensyon.
20. Iba pang Pangkat Etniko
• Mamanwa
• Kamayo
• Banwaon
• Umayamnon
• Kalagan
Ilan pa ito sa mga katutubong matatagpuan sa rehiyon ng
Caraga ang mga ito ay sinasabing mababangis at matatapang
lalo na sa pagtatanggol sa sariling kapakanan.
21. PANITIKAN
Epiko
Epiko ni Tulalang- Ito ang epiko ng mga Manobo na
nagsasalaysay tungkol sa buhay ni Tulalang. Siya ay ang
panganay na anak ng isang mag-asawang mahirap.
Epiko ni Tuwaang- Ito ay epiko ng mga Bagobo, ito’y isang
mahabang tula na nagsasalaysay ng mga kabayanihan ni
Tuwaang. Si Tuwaang ay siyang puno ng Kuaman. Balita siya
sa katapangan, lakas at kakisigan.
22. BUGTONG
Emun edtibasan, nune vasag,
Ne edlamabas ne lenew.
-Sikan is luvi
Bundtud man guntaan heyan
ne emun Ed ahaannu ne
egkiramkiram da ne enum
egkewaan ne ne egkekawe ne.
-sikan es izung
Kung pinutol mo ito ay isang
mangkok, Kung mabutas mo
ito ay isang ilog
-Niyog
Isang bundok na malabo,
kamay lang ang makakatungo
-Ilong
23. SALAWIKAIN/KASABIHAN
Ke etew ne kena edlilingey te
impuun din ne kena ebpekuuma
diya te edtamanan din.
Anoy man tu karabaw na upat tu
kubong di paka hidjas
Ke meyades ne ed-ipanenew ne
melaaram ke egkuruhi.
Ang hindi lumingon sa pinanggalingan,
hindi makakarating sa paroroonan
Kung ang kalabaw na may apat na
paa’y nagkakamali pa, paano na ang
tao.
Ang taong lumalakad ng matulin, kung
madapa at masugatan ay malalim
24. ALAMAT
Alamat ng Agusan
Sa malawak na lalawigan sa Mindanao ay may isang malaking
lawa na malakas ang agos.Maraming dayuhan ang gustong-
gusto itong makita dahil sa linang ng tubig. Dahil sa lakas ng
agos ay nasakupan niya ang isang malaking daanan, nang
malaunan ay lumakas ng lumakas ang agos ng tubig, hanggang
sa may nakita na mga tao at tinawag nila ito ng daanan ng
tubig o agusan ng tubig.Kaya mula noon lahat ng makakita ay
tinatawag ito ng AGUSAN.
25. Alamat ng Surigao
Sa malawak na karagatan ng Mindanao dalawang magpinsan ang inabot ng
masamang panahon sa kanilang pamamalakaya, sina Bem at Cham. Sa
pagkakataong iyon ay biglang sumama ang panahon, nakita ni Cham na kinain
ang kanyang pinsan ng napakalaking alon at hindi na ito nakita ng kanyang
paningin kay sumigaw ng“Sori gaw.” ani Cham sa kanyang pinsan. Sapagkat ang
ibig sabihin sa Bisaya ng salitang gaw ay pinsan. Magmula noong lumutang ang
pulo sa lugar na kinalubugan ni Bem, tinawag na itong Surigao, dahil ang pinsan
ni Cham na si Bem ay nawala doon.
26. MGA AWITIN
Owaging/ Uwahingen- isang mahalagang awiting pang –epiko
Mandata- awit ng pag-ibig
Delinday- awit ng hanapbuhay, pakikidigma, pagpapatulog,
pagtatanim at pag-aani.
Nalit- isang uri ng awiting nakauugnay sa buhay
Dingsing- awit sa patay
27. MGA KILALANG SAYAW
Inamo (Monkey Dance)- Nabuhat sa pangkat ng mga lalaking
asawa na sumama silang magsayaw ng Inamo upang
ipagdiriwang ang kanilang gawain hanggang sa huling hibla ng
kanilang hininga ng buhay. May takip ang kanilang ulo na gawa
sa abaka at habang sumasayaw, sila ay lumulundag, sumisigaw
at kumukumpas na tulad ng unggoy. Habang ginagawa nila ito
ay kumukumpas sila ng “ngo, ngo” “krab, krab” simbolo ng
kabaitan at pagpapasensiya. Tiniis nila ang palo ng kahoy mula
sa mga manonood sa kanila.
28. Itik-itik- kilala bilang isang katutubong sayaw. Nang lumaon,
ito ay nabago at naging artistic at naging bahagi pa ng
Bayanihan Dance Troup. Naging sikat itoi sa halos lahat ng
bahagi ng mundo noong 1960’s.
Pandagitan- nakuha ang pangalang pandagitan sa isang
katutubo na kalagana na ang ngalan ay Pundangan o
Pandangan , Pundangian at Pandagitan. Ang Pandagitan ay
tumutukoy sa isang lugar saan ang maliliit na nilikha, tao
man o hindi ay nagiging biktima ng malaking nilikha. Ang
mgha bagay-bagay, patay man o buhay ay dinadaklot na tulad
ng ibon. Ang parting sayaw ay tinatawag na dagit at dito
nagsimula ang pangalang Pandagitan.
29. TRADISYON AT PANINIWALA
Sa Pagliligawan:
• Paghingi ng permiso sa panliligaw
• Pagpapadala ng regalo
• Paghahanap ng padrino
• Pagbibigayan ng singsing ng
magsing-irog
Sa Pamamanhikan
• Pagtatakda ng araw ng pagtatagpo ng mga
magulang at mga kamag-anakan ng
magkasintahan na nagpasiyang
magpakasal na
• Pagdadala ng pagkain sa tahanan ng
bababe sa araw ng pamanhikan
• Pagpaparangal sa kanilang mga magulang
30. Sa Pagpapakasal
• Pananatili sa bahay
hanggang sa sumapit na ang
araw ng kasal
• Pagbabawal sa pagsusukat
ng damit pangkasal
• Pagpapatunog ng baso kung
nais na halikan ng bagong
kasal na lalaki ang babae
Sa Paglilihi
• Paghakbang sa asawang
lalake habang natutulog
• Pagsunod sa mga kapritso
ng babae
• Pagtingin sa mga
magaganda
31. Sa panganganak at Pagpapalaki
• Pagtatago sa pinutol at natuyong
pusod ng sanggol
• Pagpapasuso ng ina
• Pagkuha ng pangalan mula sa
kalendaryo
• Paglalaan ng sariling kumot
• Paghagod sa noo at buhok ng
sanggol habang natutulog
Sa pananampalataya
• Pagrorosaryo
• Paniniwala sa Pasko
• Semana Santa
• Flores de Mayo
• Santakruzan
32. MANUNULAT NG CARAGA
E. Arsenio Manuel (1909 - 2003) ay
isang Pilipino akademiko, istoryador, at antropologo
na pinakakilala sa kanyang mga ambag sa
antropolohiya, kasaysayan, panitikan, at linggwistika
sa Pilipinas. Sa loob ng tatlong dekadang karera sa
akademiko sa Unibersidad ng Pilipinas sumulat siya
ng isang seminal survey ng mga epiko ng katutubong
Pilipino, at responsable sa pagtuklas at paglalathala
ng mga epiko ng bayan mula sa mga mamamayang
Manuvu, Matigsalug, at Ilianon.