Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Bukang-Liwayway ng Buhay
1. Bukang-Liwayway ng Buhay
Tila mapaglaro’t mapanghamong buhay
Sandamukal na problemang walang humpay
Hatid nito ay isang matinding lumbay
Makulay na mundo’y naglalahong tunay
Agimat ng ating diwa’y palawakin
Ito’y kalasag na pangsanggalang natin
Pagtayo sa pagkakatisod ay gawin
Upang ang sarili’y ‘di maging alipin
Hunyango’t panlalang ay sumasalakay
Sindak mula sapantaha’y ‘wag ihanay
Pairalin natin kabutihang taglay
Pakpak ng pag-asa ay ating ikampay
Pagtitiwala sa sarili’y unahin
Positibong pananaw ating hulmahin
Halina’t ating pagkatao ay hubugin
Kasaganahan ay makakamtan natin!