SlideShare a Scribd company logo
1
ARTS
2
Unang Markahan
Pagguhit
Aralin 1: Uri ng Linya at ang Katangian Nito
Nakalilikha ng disenyong geometric sa pamamagitan ng
paggamit ng dalawang uri ng linya ayon sa katangian ng
mga ito
Pag-Isipan Mo Ito
Ang linya ay nabubuo mula sa dalawang tuldok na
pinagkabit o pinag-ugnay. May dalawang uri ng linya,
tuwid, at pakurba. Ang tuwid na linya ay maaaring pahiga,
pataas, pahilis, at putol-putol. Ang pakurbang linya ay
maaring paalon-alon at paikot. Ang isang linya ay maaring
makapal, manipis, malawak, at makitid.
Ang mga disenyong geometric ay mula sa simpleng hugis
na parihaba, tatsulok, bilog, at tuwid na linya.
Maging Malikhain
Gawain 1
Paggawa ng Pambalot ng Regalo
Mga Kagamitan: oslo paper, lapis, krayola,
pastel colors, ruler
Pamamaraan:
1. Ihanda ang mga gamit na kailangan para sa gawaing
ito.
2. Umisip ng disenyo na maaaring gawing pambalot ng
regalo.
3
3. Pagsama-samahin ang iba’t ibang uri ng mga linya para
sa iyong disenyo.
4. Kulayan ang iyong ginawa para ito’y maging kaakit-akit.
5. Sikaping maging malinis at maayos ang iyong likhang
sining.
Tandaan:
Nagagawa ng isang pintor na maging kaakit-akit at
makabuluhan ang kanyang likhang sining gamit ang iba’t
ibang uri ng linya.
Subukin Mo
Gawain 2
Malikhaing Paggawa ng Bag na Papel
Mga Kagamitan: papel na may kulay, glue, pambalot ng
regalo, glitters, pangkulay, at mga
pananda
Pamamaraan:
1. Gumupit ng isang papel na may kulay na may sukat na
9.5 x 15 pulgada.
2. Pagdikitin ang dalawang dulong bahagi.
(Humingi ng tulong sa guro kung kinakailangan)
3. Siguraduhing madikitan o malagyan ng glue ang gilid
pababa.
4. Itupi ang ilalim na bahagi ng papel na may sukat na 2
pulgada at muli itong itupi nang patusok.
5. Ituping muli ang dalawang gilid paloob upang lumikha
ng isang akordiyon.
6. Dikitan ang ilalim na bahagi ng bag upang tumayo ito.
7. Gawin ang magkabilang hawakan.
8. Idikit ang ginawang pambalot ng regalo sa papel na
bag.
4
9. Ayusin ang paggamit ng glue upang hindi masayang.
10. Lagyan ng dekorasyon ang bag na papel gamit ang
glitters, pangkulay, at iba pang pananda.
Ipagmalaki Mo
Gamitin ang talahanayan sa ibaba upang malaman ang
kakayahan mo sa paglikha ng paper bag. Lagyan ng tsek
() ang angkop na kahon. Gawin ito sa sagutang papel.
Pamantayan ISKOR
Kitang-
kita
5
Kita
3
Hindi
Kita
1
1. Ang aking likhang sining
ay kakaiba at malikhain.
2. Ang mga uri ng linya at
katangian nito ay nagamit ko
sa aking ginawa.
3. Ang mga disenyong
geometric ay ginamit ko rin sa
aking sining.
4. Natapos ko ang aking
ginawa nang tama sa oras.
5
Aralin 2: Iba’t Ibang Laki ng Tao sa Larawan
Nakikita ang pagkakaiba-iba ng laki ng mga tao sa
larawan upang malaman ang distansiya nito sa tumitingin
Pag-Isipan Mo Ito
Sa larawan, ang laki ng mga tao ay magkakaiba. Ipinakikita
nito ang distansiya ng tumitingin. Maliit tingnan kung ito ay
malayo sa tumitingin at malaki naman kung ito ay malapit.
6
Tandaan:
Ang larawan ng tao na malapit sa tumitingin ay
iginuguhit nang malaki at maliit naman kung ito ay
malayo.
Maging Malikhain
Gawain 1
Pagguhit ng Iba’t ibang Tao sa Larawan
Mga kagamitan: lapis, bond paper, krayola
Pamamaraan:
1. Umisip at gumuhit ng isang lugar na malapit sa sakahan o
taniman.
2. Dagdagan ito ng larawan ng mga tao na iba’t iba ang
laki ayon sa layo o distansiya ng tumitingin.
3. Kulayan ang iyong iginuhit.
4. Lagyan ng angkop na pamagat ang iyong natapos na
likhang-sining.
5. Ipakita mo ito sa iyong mga kaklase at isalaysay ang
tungkol sa iyong iginuhit na larawan.
Pamagat
7
Ipagmalaki Mo
Tingnang muli ang iyong likhang sining. Sagutin ang mga
tanong sa ibaba. Lagyan ng bituin ( ) kung ito ay iyong
nagawa at tatsulok ( ) kung hindi. Gawin ito sa sagutang
papel.
Pamantayan /
1. Nakagawa ako ng iba’t ibang laki ng tao
sa komposisyon ayon sa distansiya o layo nito
sa tumitingin.
2. Nakagawa ako nang maayos at malinis.
3. Nalagyan ko ng angkop na pamagat ang
aking ginawa.
4. Nakaramdam ako ng pagmamalaki at
kasiyahan habang ginagawa ko ito.
5. Nakatapos ako nang tama sa oras.
8
Aralin 3: Ilusyon ng Espasyo
Naipakikita ang ilusyon ng espasyo sa pagguhit ng mga
bagay at mga tao na may iba’t ibang laki o sukat
Pag-Isipan Mo Ito
Ang paggamit ng ilusyon ng espasyo ay isang paraan o
teknik ng pintor upang ipakita ang layo o distansiya, lalim, at
lawak sa kaniyang likhang-sining. Kung malayo sa tumitingin
ang isang bagay, maliit itong tingnan. Malaki naman kung
ito’y malapit sa tumitingin.
9
Maging Malikhain
Gawain 1
Pagguhit ng Isang Pamayanan
Mga Kagamitan: lapis, bond paper, krayola
Pamamaraan:
1. Lumabas ng silid-aralan at humanap ng isang lugar na
makikita ang palibot ng iyong paaralan.
2. Ihanda ang mga kagamitan.
3. Gumuhit ng pahigang linya sa bond paper.
4. Maglagay ng tuldok sa gitna, kaliwa o kanang bahagi ng
papel.
5. Mula sa tuldok, gumuhit ng dalawang pahilis na linya
pababa upang lumikha ng isang daan ng pamayanan.
6. Gumuhit muli ng dalawang pahilis na linya sa ibabaw ng
Guhit – tagpuan upang maging gabay sa pagguhit ng mga
tao at iba pang bagay na matatagpuan sa paaralan.
7. Tiyaking maiguhit nang mas malaki ang mga bagay na
malapit sa tumitingin kaysa sa mga bagay na malayo sa
tumitingin.
8. Kulayan at lagyan ng angkop na pamagat ang iyong
ginawa.
9. Maging malikhain sa paggawa ng iyong sining.
Tandaan:
Ang paggamit ng ilusyon ng espasyo ay isang paraan
upang maging makahulugan ang isang likhang sining. Sa
pagguhit, kailangang maiguhit nang malaki ang mga
bagay na malapit sa tumitingin at maliit naman kung ang
mga ito ay malayo sa tumitingin.
10
Subukin Mo
Gawain 2
Pamamaraan:
Lagyan ng tsek () ang patlang sa bawat bilang kung ang
larawan ay nagpapakita ng ilusyon ng espasyo. Gawin ito
sa sagutang papel.
1.___ 2.____
3.___ 4.___
11
Ipagmalaki Mo
Tingnang muli ang iyong likhang sining. Sagutin ang mga tanong sa
pamagitan ng paglalagay ng ( ) bituin kung ikaw ay nakagawa
nang maayos at ( ) bilog kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel.
Pamantayan
1. Naiguhit ko ba ang mga bagay na
matatagpuan sa aming pamayanan?
2. Naiguhit ko ba nang tama at maayos ang
mga bagay ayon sa layo o distansiya ng
tumitingin upang maipakita ang ilusyon ng
espasyo?
3. Nakagamit ba ako ng tamang kulay upang
maging kaakit-akit ang aking likhang sining?
4. Nagawa ko ba ang aking likhang sining
nang malinis at tama sa takdang oras?
5. Nakadama ba ako ng kasiyahan sa aking
pagguhit?
12
Aralin 4: Teksturang Biswal
Napahahalagahan na ang isang pintor ay nakalilikha ng
teksturang biswal gamit ang mga linya, tuldok, at kulay
upang bigyang buhay ang kaniyang likhang sining.
Pag-Isipan Mo Ito
Ang Still Life Drawing ay isang pamamaraan ng
pagpapakita ng pagiging malikhain sa pagguhit ng mga
bagay na walang buhay. Nakalilikha ang isang pintor ng
teksturang biswal gamit ang cross hatch lines at pointillism
upang maging makatotohanan ang tekstura ng kaniyang
likhang sining. Ang cross hatch lines ay tanda ng dalawa o
higit pang intersecting parallel lines. Ang pointillism naman
ay ang paglalagay ng maliliit na tuldok upang makabuo ng
larawan.
Ang mga mata natin ang tanging nakaaalam ng teksturang
biswal sapagkat hindi ito maaaring hipuin o maramdaman.
Nakikita natin ang kaibahan ng tekstura ng isang bagay sa
larawan sa pamamagitan nang masusing pagtingin dito.
13
Maging Malikhain
Gawain 1
Still Life Drawing na ginagamitan ng Cross Hatch Lines at
Pointillism
Mga kagamitan: lapis, colored pencils, bond paper
Pamamaraan:
1. Ihanda ang mga kagamitan sa pagguhit.
2. Ayusin ang mga bagay na iguguhit (hal. iba’t ibang uri ng
prutas, mga bote, atbp.) sa tamang pagkakahanay upang
gamiting modelo.
3. Gumamit ng lapis sa pagguhit.
4. Pumili kung ano ang teknik o pamamaraang gagamitin,
cross hatch lines o pointillism, para makita ang tekstura ng
mga bagay na iguguhit. Gumamit ng isang teknik lamang.
5. Humingi ng tulong sa guro kung kinakailangan.
6. Lagyan ng pamagat ang iyong natapos na likhang sining.
Pamagat
Tandaan:
Ang teksturang biswal ay mapapansin lamang sa
pamamagitan ng masusing pagtingin sa isang bagay. Hindi
ito nahihipo o nararamdaman.
14
Subukin Mo
Pamamaraan:
Umisip ng isang hayop na lumilipad o lumalangoy. Iguhit ito
at gamitan ng mga cross hatch lines at pointillism para
makita ang teksturang biswal. Gamitin mo ang iyong
imahinasyon sa pagguhit. Gawin ito sa bond paper.
Ipagmalaki Mo
Lagyan ng bituin ( ) ang bilog kung ang iyong sagot ay oo
at buwan ( ) kung hindi. Ipaliwanag ang iyong sagot.
Gawin ito sa sagutang papel.
1. Gumamit ba ako ng cross hatch lines at pointillism sa
aking iginuhit ?
Bakit?_______________________________________________
2. Naging malikhain ba ako sa paggawa ng aking likhang
sining?
Paano?_____________________________________________
3. Gumamit ba ako ng mga linya at kulay para makalikha
ng teksturang biswal sa aking iginuhit?
Paano?_____________________________________________
4. Napahahalagahan ko ba ang aking ginawang sining at
gawa ng iba?
Paano?_____________________________________
15
Aralin 5: Pagguhit Ng Tanawin
Nasasabi na sa isang larawan ng tanawin, ang harapang
bahagi ang pinakamalapit; ang mga bagay na kasunod
nito ang gitnang bahagi, at ang bahaging likuran ang
pinakamalayo.
Pag-Isipan Mo Ito
Napalalaki o napaliliit ng isang pintor ang mga bagay sa
larawan ayon sa kanilang kinalalagyan o layo sa tumitingin.
Ang mga bagay na nasa harapan at malapit sa tumitingin
ay malalaki samantalang ang nasa likuran ay maliliit lamang
dahil malayo ito sa lugar ng tumitingin. Ang iba pang mga
bagay ay nasa pagitan ng harapan at likuran.
Bahaging Likuran
Gitnang bahagi
Harapan
Ang balance ay naipakikita sa larawan sa pagkakaroon ng
harapan, gitnang bahagi, at likuran ng larawan.
16
Maging Malikhain
Pagguhit Ng Tanawin
1. Umisip ng magandang tanawin sa inyong lugar na gusto
mong iguhit.
2. Pag-isipan kung ano ang mga bagay na dapat isama sa
iguguhit.
3. Gumuhit ng tanawin na nagpapakita ng mga sumusunod:
harapan, gitna, at likuran.
4. Iayos ang mga bagay sa larawan upang maipakita ang
balance sa kaayusan ng larawan.
5. Kulayan ang iyong iginuhit at lagyan ng pamagat.
Tandaan:
Subukin Mo
Ituro ang harapan, gitna, at likurang bahagi ng mga
larawan sa ibaba.
1.
Mayroong balance sa kaayusan ng larawan kapag
may harapan, gitna, at likurang bahagi.
17
2.
Ipagmalaki Mo
Lagyan ng masayang mukha ( ) kung oo ang iyong
kasagutan at malungkot na mukha ( ) kung hindi. Gawin
ito sa sagutang papel.
1. Naiguhit ko ba ang harapan, gitna, at likurang
bahagi ng larawan upang maipakita ang
timbang?
2. Naiguhit ko ba ang tanawing matatagpuan sa
aming rehiyon?
3. Naipagmamalaki ko ba ang aking naiguhit na
tanawin sa pamamagitan ng pagpapakita nito
sa iba?
4. Natapos ko ba sa oras ang aking likhang
sining?
18
Aralin 6: Tekstura at Hugis
Nakaguguhit ng halaman, bulaklak o puno na nagpapakita
ng iba’t ibang tekstura at hugis ng bawat bahagi gamit ang
lapis o itim na krayola o bolpen.
Pag-Isipan Mo
Ang sketching ay mabilis na pagtatala ng mga bagay na
iyong nakikita sa paligid. Ang mga guhit na ito ay
kadalasang simple ngunit maganda. Samantalang ang
pagpipinta o drawing ay kalimitang tapos at nagpapakita
ng buong larawan ng isang tagpo o paksa at
nangangailangan ng maraming biswal na detalye.
Sa pagguhit at pagpipinta, ang tekstura at hugis ay
mahalaga. Ang tekstura ay isang elemento ng sining na
naglalarawan ng bagay at tao ayon sa kaniyang
katangiang pisikal. Ang hugis naman ay naglalarawan sa
pisikal na porma ng isang bagay.
Maging Malikhain
Gawain 1
Pagguhit ng Halaman, Bulaklak o Puno
Mga kagamitan: bond paper, itim na krayola, lapis, recycled
na karton
Pamamaraan:
1. Humanap ng isang halaman, bulaklak o puno na gusto
mong iguhit
2. Iguhit at ipinta ang mga detalye nito.
3. Ipakita ang tekstura gamit ang cross hatch lines.
4. Kulayan ito at pagandahin pa.
5. Ipakita mo ang iyong ginawa sa klase at ibahagi ang
iyong naramdaman habang ginagawa mo ang iyong
likhang sining.
19
Tandaan:
Ang mga linya at hugis ay ginagamit sa paggawa ng mga
sketches. Ang sketch ay hindi kongkretong likhang sining.
Kulang ito sa detalye at kulay. Ito ay nagsisilbing gabay ng
isang pintor para makabuo ng isang kongkretong
likhang-sining.
Subukin Mo
Pamamaraan:
Gumawa ng sketch ng isang bagay na makikita sa loob ng
silid-aralan.
Ipagmalaki Mo
Bigyan ng marka ang iyong ginawa batay sa pamantayan
sa ibaba. Gawin ito sa sagutang papel.
Pamantayan
ISKOR
3
Kitang-
kita
2
Kita
1
Hindi
kita
1. Gumuhit ako ng isang likas na
bagay na makikita sa labas ng
silid-aralan.
2. Gumawa ako ng sketch ng
isang bagay upang matapos ko
ang aking likhang sining.
3. Ang tekstura at hugis ay
ginamit ko sa aking drawing.
4. Ibinahagi ko sa aking mga
kaklase ang aking nadarama
habang ako’y gumagawa.
20
Aralin 7: Pagguhit Gamit ang Lapis o Anumang Uring Panulat
1. Gamit ang lapis o anumang uri ng panulat, lumikha ng
isang larawan na magpapakita ng mga hanapbuhay sa
isang probinsiya o rehiyon sapamamagitan ng kanilang
pang-araw-araw na gawain.
2. Ilarawan ang pamumuhay ng mga tao sa isang
pamayanan.
Pag-Isipan Mo
Tingnan ang larawan at sagutin ang mga tanong:
a. Anong uri ng hanapbuhay ang ipinakikita sa larawan?
b. Mayroon din ba kayong nakikitang nagtatanim o
nagsasaka sa inyong lugar?
c. Gusto mo rin bang maging isang magsasaka? Bakit?
d. Anong uri ng trabaho o hanapbuhay ang gusto o
pangarap mo? Bakit?
e. Dapat ba nating ipagmalaki ang paraan ng hanapbuhay
o trabaho ng mga tao sa inyong lugar?
21
Ang trabaho o hanapbuhay ay mahalaga upang ang
bawat mamamayan ay kumita ng pera para sa ikabubuhay
ng kanyang sarili at pamilya.
Ang bawat probinsiya o rehiyon sa ating bansa ay may
natatanging hanapbuhay o trabaho na angkop sa uri ng
klima, topograpiya at kultura ng isang lugar.
Narito ang ilang uri ng trabaho o hanapbuhay sa Pilipinas.
Paglililok sa Paete, Laguna Paglalala sa Aklan
Paggawa ng Banga sa Ilocos Pagpipinta sa Angono, Rizal
(Source: En.wikipedia.org; stella-arnaldo.blogspot.com; rizalprovince.ph)
22
Group members should
Alamin ng bawat
miyembro ang mga
gawain o hanapbuhay ng
mga tao sa inyong lugar.
Ipakita sa harap ng klase
ang nabuong awit na
nilapatan ng kilos.
Sumulat ng maikling
awitin na may kaugnayan
sa hanapbuhay o trabaho
at lapatan ng tono mula
sa alinmang awitin.
Pag-usapan ang mga
gawain o trabaho na
ginagawa sa inyong lugar.
Pumili ng tatlong
hanapbuhay na gusto
ninyong ipinta.
Ang bawat miyembro ng
pangkat ay magtutulong-
tulong upang maiguhit
nang maganda at
malagyan ng kaakit-akit na
kulay ang mga ito.
Pumili ng lider na
magpapakita ng output sa
klase.
Ipaliliwanag ng lider sa
klase ang kanilang
ginawang mga larawan.
Pangkat 1
Pangkat 2
Maging Malikhain
Gawain 1
Pangkatang Gawain
Mga Kagamitan: lapis o pen, krayola o iba pang pangkulay,
manila paper
Pamamaraan:
Ang bawat pangkat ay bibigyan ng activity card at
pagkatapos ng limang minutong talakayan at
paghahanda, ipakikita ng mga miyembro ng bawat
pangkat ang kanilang ginawa.
23
Ang paglililok, paglalala, pagpipinta, paggawa ng
banga at mga basket, pag-aanluwage at iba pa ay
mga uri ng trabaho o hanapbuhay sa ating bansa na
dapat kilalanin at ipagmalaki. Malaking bahagi ng
ikinabubuhay ng tao ay galing dito.Mga basket,
Gawain 2
Gumuhit ng isang uri ng hanapbuhay na matatagpuan sa
iyong probinsya o rehiyon. Gawin ito sa bond paper gamit
ang lapis o anumang panulat.
Tandaan:
Ipagmalaki Mo
Pamamaraan:
Bigyan mo ng iskor ang iyong pangkat gamit ang
pamantayan sa ibaba. Gawin ito sa sagutang papel.
Pamantayan
ISKOR
3
Kitang-
kita
2
Kita
1
Hindi
kita
1. Nagbahagi ng kaalaman ang
bawat miyembro ng aming
pangkat.
2. Napanatili naming malinis at
maayos ang lugar na aming
pinaggawaan.
3. Nakabuo kami ng larawan ng
mga hanapbuhay sa aming
lugar gamit ang lapis at iba
pang panulat
4. Nakinig kami at nagbigay
respeto sa ideya at gawa ng iba.
5. Ipinagmamalaki namin ang
mga hanapbuhay sa aming
rehiyon o lugar.
24
Aralin 8: Pagguhit ng mga Makasaysayang Bahay at Gusali
Nakaguguhit ng larawan ng makasaysayang bahay o
gusali gamit ang foreground, middleground at background
Pag-Isipan Mo
Sa pagguhit, mahalaga ang iba’t ibang uri ng linya at hugis
sa pagbuo ng makabuluhang larawan. Kailangan ding
tandaan ang paggamit ng foreground, middle ground, at
background. Ang foreground ay ang unahang bahagi ng
larawan. Malapit ito sa tumitingin kaya ang mga bagay na
nakalagay dito ay mukhang malaki. Ang background
naman ay ang bahaging likuran ng isang larawan. Ang
middle ground ay makikita sa pagitan ng foreground at
background ng tanawin.
25
Maging Malikhain
Gawain 1
Pagguhit ng Makasaysayang Bahay o Gusali
Mga Kagamitan: krayola, lapis, bond paper
Pamamaraan:
1. Pumili ka ng isang makasaysayang bahay o gusali sa
inyong probinsiya o lugar.
2. Iguhit ang napiling makasaysayang bahay o gusali gamit
ang iba’t ibang uri ng linya at hugis.
3. Dagdagan ng kakaibang istraktura ang iyong disenyo.
4. Gumuhit ng mga bagay na gusto mong ilagay sa
foreground, middleground, at background.
5. Lagyan ito ng kulay at ipaskil sa pisara.
Subukin Mo
Tukuyin kung foreground, middleground, o background ang
itinuturo sa larawan. Isulat sa patlang ang sagot.
26
Tandaan:
Makaguguhit tayo ng isang larawan ng makasaysayang
bahay o gusali gamit ang iba’t ibang linya at hugis na may
foreground, middleground, at background upang higit na
maging maganda ang ating iginuhit na larawan.
Ipagmalaki Mo
Pagmasdan muli ang natapos mong sining. Sagutin ang
mga tanong sa pamamagitan ng paglalagay ng puso ( )
kung Oo at tatsulok ( ) kung hindi.
Gawin ito sa sagutang papel.
1. Napanatili ko ba ang balanse sa aking
sining sa paglalagay ng foreground,
middleground at background?
2. Naiangkop ko ba ang paggamit ng mga
hugis, linya at kulay sa aking ginawa?
3. Nagawa ko ba itong kakaiba at
maganda?
4. Napanatili ko ba itong malinis at maayos?
5. Nakaramdam ba ako ng kasiyahan o
pagmamalaki sa aking ginawa?

More Related Content

What's hot

K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB-MLE)
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB-MLE)K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB-MLE)
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB-MLE)
LiGhT ArOhL
 
Epp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindig
Epp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindigEpp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindig
Epp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindig
EDITHA HONRADEZ
 
Lesson plan epp 6 -mga gawaing kamay sa paghahanda ng pagkain
Lesson plan epp 6 -mga gawaing kamay sa paghahanda ng pagkainLesson plan epp 6 -mga gawaing kamay sa paghahanda ng pagkain
Lesson plan epp 6 -mga gawaing kamay sa paghahanda ng pagkain
Rophelee Saladaga
 
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)
LiGhT ArOhL
 
K TO 12 GRADE 3 LEARNING MATERIAL IN ARTS
K TO 12 GRADE 3 LEARNING MATERIAL IN ARTSK TO 12 GRADE 3 LEARNING MATERIAL IN ARTS
K TO 12 GRADE 3 LEARNING MATERIAL IN ARTS
LiGhT ArOhL
 
Filipino 3 Yunit III Aralin 1 Pagtukoy ng Tambalang Salita
Filipino 3 Yunit III Aralin 1 Pagtukoy ng Tambalang SalitaFilipino 3 Yunit III Aralin 1 Pagtukoy ng Tambalang Salita
Filipino 3 Yunit III Aralin 1 Pagtukoy ng Tambalang Salita
Desiree Mangundayao
 
Mga Simbolo sa Mapa
Mga Simbolo sa MapaMga Simbolo sa Mapa
Mga Simbolo sa Mapa
SheloMaePerez1
 
Epp he aralin 5
Epp he aralin 5Epp he aralin 5
Epp he aralin 5
EDITHA HONRADEZ
 
1ST HOMEROOM PTA MEETING.docx
1ST HOMEROOM PTA MEETING.docx1ST HOMEROOM PTA MEETING.docx
1ST HOMEROOM PTA MEETING.docx
EJKai1
 
Paggawa ng apron
Paggawa ng apronPaggawa ng apron
Paggawa ng apron
Ana Loraine Alcantara
 
EPP-HE-Grade-5-Q1.pdf
EPP-HE-Grade-5-Q1.pdfEPP-HE-Grade-5-Q1.pdf
EPP-HE-Grade-5-Q1.pdf
DinahbelleJavierCasu
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q2)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q2)
LiGhT ArOhL
 
PREDICTING OUTCOME
PREDICTING OUTCOMEPREDICTING OUTCOME
PREDICTING OUTCOME
Jocelle Macariola
 
TLE 6 ENTREPRENEURSHIP.pptx
TLE 6 ENTREPRENEURSHIP.pptxTLE 6 ENTREPRENEURSHIP.pptx
TLE 6 ENTREPRENEURSHIP.pptx
TEODERICKBMACATIGBAK
 
Consolidated school-ipcrf-part-iv
Consolidated school-ipcrf-part-ivConsolidated school-ipcrf-part-iv
Consolidated school-ipcrf-part-iv
WendellAsaldo1
 
Solving routine and non routine problems involving multiplication without or ...
Solving routine and non routine problems involving multiplication without or ...Solving routine and non routine problems involving multiplication without or ...
Solving routine and non routine problems involving multiplication without or ...
EMELITAFERNANDO1
 
Filipino 6 dlp 19 paghinuha sa saloobing pandamdamin
Filipino 6 dlp 19   paghinuha sa saloobing pandamdaminFilipino 6 dlp 19   paghinuha sa saloobing pandamdamin
Filipino 6 dlp 19 paghinuha sa saloobing pandamdamin
Alice Failano
 
Summative Test in EsP 3rd Quarter Week 1-3.pdf
Summative Test in EsP  3rd Quarter Week 1-3.pdfSummative Test in EsP  3rd Quarter Week 1-3.pdf
Summative Test in EsP 3rd Quarter Week 1-3.pdf
vbbuton
 

What's hot (20)

K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB-MLE)
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB-MLE)K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB-MLE)
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB-MLE)
 
Epp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindig
Epp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindigEpp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindig
Epp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindig
 
Lesson plan epp 6 -mga gawaing kamay sa paghahanda ng pagkain
Lesson plan epp 6 -mga gawaing kamay sa paghahanda ng pagkainLesson plan epp 6 -mga gawaing kamay sa paghahanda ng pagkain
Lesson plan epp 6 -mga gawaing kamay sa paghahanda ng pagkain
 
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)
 
Arts gr.3 tagalog q1
Arts gr.3 tagalog   q1Arts gr.3 tagalog   q1
Arts gr.3 tagalog q1
 
K TO 12 GRADE 3 LEARNING MATERIAL IN ARTS
K TO 12 GRADE 3 LEARNING MATERIAL IN ARTSK TO 12 GRADE 3 LEARNING MATERIAL IN ARTS
K TO 12 GRADE 3 LEARNING MATERIAL IN ARTS
 
Filipino 3 Yunit III Aralin 1 Pagtukoy ng Tambalang Salita
Filipino 3 Yunit III Aralin 1 Pagtukoy ng Tambalang SalitaFilipino 3 Yunit III Aralin 1 Pagtukoy ng Tambalang Salita
Filipino 3 Yunit III Aralin 1 Pagtukoy ng Tambalang Salita
 
Mga Simbolo sa Mapa
Mga Simbolo sa MapaMga Simbolo sa Mapa
Mga Simbolo sa Mapa
 
Epp he aralin 5
Epp he aralin 5Epp he aralin 5
Epp he aralin 5
 
1ST HOMEROOM PTA MEETING.docx
1ST HOMEROOM PTA MEETING.docx1ST HOMEROOM PTA MEETING.docx
1ST HOMEROOM PTA MEETING.docx
 
Paggawa ng apron
Paggawa ng apronPaggawa ng apron
Paggawa ng apron
 
EPP-HE-Grade-5-Q1.pdf
EPP-HE-Grade-5-Q1.pdfEPP-HE-Grade-5-Q1.pdf
EPP-HE-Grade-5-Q1.pdf
 
3 arts lm q3
3 arts lm q33 arts lm q3
3 arts lm q3
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q2)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q2)
 
PREDICTING OUTCOME
PREDICTING OUTCOMEPREDICTING OUTCOME
PREDICTING OUTCOME
 
TLE 6 ENTREPRENEURSHIP.pptx
TLE 6 ENTREPRENEURSHIP.pptxTLE 6 ENTREPRENEURSHIP.pptx
TLE 6 ENTREPRENEURSHIP.pptx
 
Consolidated school-ipcrf-part-iv
Consolidated school-ipcrf-part-ivConsolidated school-ipcrf-part-iv
Consolidated school-ipcrf-part-iv
 
Solving routine and non routine problems involving multiplication without or ...
Solving routine and non routine problems involving multiplication without or ...Solving routine and non routine problems involving multiplication without or ...
Solving routine and non routine problems involving multiplication without or ...
 
Filipino 6 dlp 19 paghinuha sa saloobing pandamdamin
Filipino 6 dlp 19   paghinuha sa saloobing pandamdaminFilipino 6 dlp 19   paghinuha sa saloobing pandamdamin
Filipino 6 dlp 19 paghinuha sa saloobing pandamdamin
 
Summative Test in EsP 3rd Quarter Week 1-3.pdf
Summative Test in EsP  3rd Quarter Week 1-3.pdfSummative Test in EsP  3rd Quarter Week 1-3.pdf
Summative Test in EsP 3rd Quarter Week 1-3.pdf
 

Viewers also liked (20)

Mtb mle-tagalog-activity-sheets-q12
Mtb mle-tagalog-activity-sheets-q12Mtb mle-tagalog-activity-sheets-q12
Mtb mle-tagalog-activity-sheets-q12
 
Esp g1-teachers-guide-q12
Esp g1-teachers-guide-q12Esp g1-teachers-guide-q12
Esp g1-teachers-guide-q12
 
Science 3 tg draft 4.10.2014
Science 3 tg draft 4.10.2014Science 3 tg draft 4.10.2014
Science 3 tg draft 4.10.2014
 
1 mtb lm tag q1 w3 (1)
1 mtb lm tag q1 w3 (1)1 mtb lm tag q1 w3 (1)
1 mtb lm tag q1 w3 (1)
 
3 music lm q2
3 music lm q23 music lm q2
3 music lm q2
 
3 arts lm q2
3 arts lm q23 arts lm q2
3 arts lm q2
 
Art gr-1-teachers-guide-q12
Art gr-1-teachers-guide-q12Art gr-1-teachers-guide-q12
Art gr-1-teachers-guide-q12
 
3 arts lm q1
3 arts lm q13 arts lm q1
3 arts lm q1
 
Mathematics teachers-guide-q-12
Mathematics teachers-guide-q-12Mathematics teachers-guide-q-12
Mathematics teachers-guide-q-12
 
3 math lm q3
3 math lm q33 math lm q3
3 math lm q3
 
Esp g1-teachers-guide-q12
Esp g1-teachers-guide-q12Esp g1-teachers-guide-q12
Esp g1-teachers-guide-q12
 
3 music lm q4
3 music lm q43 music lm q4
3 music lm q4
 
3 health lm q2
3 health lm q23 health lm q2
3 health lm q2
 
3 p.e. lm q4
3 p.e. lm q43 p.e. lm q4
3 p.e. lm q4
 
3 health lm q4
3 health lm q43 health lm q4
3 health lm q4
 
3 fil lm q1
3 fil lm q13 fil lm q1
3 fil lm q1
 
3 music lm q3
3 music lm q33 music lm q3
3 music lm q3
 
3 p.e. lm q3
3 p.e. lm q33 p.e. lm q3
3 p.e. lm q3
 
3 fil lm q2
3 fil lm q23 fil lm q2
3 fil lm q2
 
3 p.e. lm q1
3 p.e. lm q13 p.e. lm q1
3 p.e. lm q1
 

Similar to Arts gr.3 tagalog q1

Arts q1 Week 5 Day 1.pptx
Arts q1 Week 5 Day 1.pptxArts q1 Week 5 Day 1.pptx
Arts q1 Week 5 Day 1.pptx
MELODYGRACECASALLA2
 
MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...
MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...
MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...
fernandopajar1
 
MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...
MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...
MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...
fernandopajar1
 
Arts 5_Q3_Mod7_KaibahansaInukitoMayTeksturangBahagiNgLikhangSining.pdf
Arts 5_Q3_Mod7_KaibahansaInukitoMayTeksturangBahagiNgLikhangSining.pdfArts 5_Q3_Mod7_KaibahansaInukitoMayTeksturangBahagiNgLikhangSining.pdf
Arts 5_Q3_Mod7_KaibahansaInukitoMayTeksturangBahagiNgLikhangSining.pdf
SusanaDimayaBancud
 
ARTS-G3-Q3-M3W5-6.pdf
ARTS-G3-Q3-M3W5-6.pdfARTS-G3-Q3-M3W5-6.pdf
ARTS-G3-Q3-M3W5-6.pdf
FernandoPFetalino
 
MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...
MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...
MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...
SHELLABONSATO1
 
ARTS 4.pptx
ARTS 4.pptxARTS 4.pptx
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARTS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARTS (Q3-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARTS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARTS (Q3-Q4)
LiGhT ArOhL
 
Arts 5_Q3_Mod6_Ang SiningngPaglilimbag.pdf
Arts 5_Q3_Mod6_Ang SiningngPaglilimbag.pdfArts 5_Q3_Mod6_Ang SiningngPaglilimbag.pdf
Arts 5_Q3_Mod6_Ang SiningngPaglilimbag.pdf
SusanaDimayaBancud
 
DLP COT#1 ARTS _Q3W7.docx
DLP COT#1 ARTS _Q3W7.docxDLP COT#1 ARTS _Q3W7.docx
DLP COT#1 ARTS _Q3W7.docx
ma. cristina tamonte
 
Arts 5 Quarter 4 Week Mga Kagamitan sa Paggawa ng Dimensiyonal Craft.pptx
Arts 5 Quarter 4 Week Mga Kagamitan sa Paggawa ng Dimensiyonal Craft.pptxArts 5 Quarter 4 Week Mga Kagamitan sa Paggawa ng Dimensiyonal Craft.pptx
Arts 5 Quarter 4 Week Mga Kagamitan sa Paggawa ng Dimensiyonal Craft.pptx
AizaPanganiban3
 
Arts5 q1-lc2 (angat district)
Arts5 q1-lc2 (angat district)Arts5 q1-lc2 (angat district)
Arts5 q1-lc2 (angat district)
JoanaMarie42
 
ARTS Q4 W5.pptx
ARTS Q4 W5.pptxARTS Q4 W5.pptx
ARTS Q4 W5.pptx
KnowrainParas
 
ARTS LP COT1 Nathaniel Rondina.docx
ARTS LP COT1 Nathaniel Rondina.docxARTS LP COT1 Nathaniel Rondina.docx
ARTS LP COT1 Nathaniel Rondina.docx
NathanielRondina1
 
ARTS LP COT1 Nathaniel Rondina.docx
ARTS LP COT1 Nathaniel Rondina.docxARTS LP COT1 Nathaniel Rondina.docx
ARTS LP COT1 Nathaniel Rondina.docx
NathanielRondina1
 
ARTS 4 LAS Q4 MOD1.pdf
ARTS 4 LAS Q4 MOD1.pdfARTS 4 LAS Q4 MOD1.pdf
ARTS 4 LAS Q4 MOD1.pdf
REBECCAABEDES1
 
Grade 4 DLL EPP 4 Q3 Week 3.docx
Grade 4 DLL EPP 4 Q3 Week 3.docxGrade 4 DLL EPP 4 Q3 Week 3.docx
Grade 4 DLL EPP 4 Q3 Week 3.docx
NelMar14
 
Arts3 q1 mod2_ilusyonngespasyo_final07182020
Arts3 q1 mod2_ilusyonngespasyo_final07182020Arts3 q1 mod2_ilusyonngespasyo_final07182020
Arts3 q1 mod2_ilusyonngespasyo_final07182020
LLOYDSTALKER
 

Similar to Arts gr.3 tagalog q1 (20)

Arts q1 Week 5 Day 1.pptx
Arts q1 Week 5 Day 1.pptxArts q1 Week 5 Day 1.pptx
Arts q1 Week 5 Day 1.pptx
 
MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...
MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...
MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...
 
MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...
MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...
MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...
 
Arts 5_Q3_Mod7_KaibahansaInukitoMayTeksturangBahagiNgLikhangSining.pdf
Arts 5_Q3_Mod7_KaibahansaInukitoMayTeksturangBahagiNgLikhangSining.pdfArts 5_Q3_Mod7_KaibahansaInukitoMayTeksturangBahagiNgLikhangSining.pdf
Arts 5_Q3_Mod7_KaibahansaInukitoMayTeksturangBahagiNgLikhangSining.pdf
 
ARTS-G3-Q3-M3W5-6.pdf
ARTS-G3-Q3-M3W5-6.pdfARTS-G3-Q3-M3W5-6.pdf
ARTS-G3-Q3-M3W5-6.pdf
 
MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...
MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...
MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...
 
ARTS 4.pptx
ARTS 4.pptxARTS 4.pptx
ARTS 4.pptx
 
Art lm qtr1 for tot
Art lm qtr1 for totArt lm qtr1 for tot
Art lm qtr1 for tot
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARTS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARTS (Q3-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARTS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARTS (Q3-Q4)
 
Arts 5_Q3_Mod6_Ang SiningngPaglilimbag.pdf
Arts 5_Q3_Mod6_Ang SiningngPaglilimbag.pdfArts 5_Q3_Mod6_Ang SiningngPaglilimbag.pdf
Arts 5_Q3_Mod6_Ang SiningngPaglilimbag.pdf
 
DLP COT#1 ARTS _Q3W7.docx
DLP COT#1 ARTS _Q3W7.docxDLP COT#1 ARTS _Q3W7.docx
DLP COT#1 ARTS _Q3W7.docx
 
Arts 5 Quarter 4 Week Mga Kagamitan sa Paggawa ng Dimensiyonal Craft.pptx
Arts 5 Quarter 4 Week Mga Kagamitan sa Paggawa ng Dimensiyonal Craft.pptxArts 5 Quarter 4 Week Mga Kagamitan sa Paggawa ng Dimensiyonal Craft.pptx
Arts 5 Quarter 4 Week Mga Kagamitan sa Paggawa ng Dimensiyonal Craft.pptx
 
Arts5 q1-lc2 (angat district)
Arts5 q1-lc2 (angat district)Arts5 q1-lc2 (angat district)
Arts5 q1-lc2 (angat district)
 
ARTS Q4 W5.pptx
ARTS Q4 W5.pptxARTS Q4 W5.pptx
ARTS Q4 W5.pptx
 
ARTS LP COT1 Nathaniel Rondina.docx
ARTS LP COT1 Nathaniel Rondina.docxARTS LP COT1 Nathaniel Rondina.docx
ARTS LP COT1 Nathaniel Rondina.docx
 
ARTS LP COT1 Nathaniel Rondina.docx
ARTS LP COT1 Nathaniel Rondina.docxARTS LP COT1 Nathaniel Rondina.docx
ARTS LP COT1 Nathaniel Rondina.docx
 
ARTS 4 LAS Q4 MOD1.pdf
ARTS 4 LAS Q4 MOD1.pdfARTS 4 LAS Q4 MOD1.pdf
ARTS 4 LAS Q4 MOD1.pdf
 
Grade 4 DLL EPP 4 Q3 Week 3.docx
Grade 4 DLL EPP 4 Q3 Week 3.docxGrade 4 DLL EPP 4 Q3 Week 3.docx
Grade 4 DLL EPP 4 Q3 Week 3.docx
 
Sining v 2 nd grading
Sining v 2 nd gradingSining v 2 nd grading
Sining v 2 nd grading
 
Arts3 q1 mod2_ilusyonngespasyo_final07182020
Arts3 q1 mod2_ilusyonngespasyo_final07182020Arts3 q1 mod2_ilusyonngespasyo_final07182020
Arts3 q1 mod2_ilusyonngespasyo_final07182020
 

More from EDITHA HONRADEZ

Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...
Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...
Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...
EDITHA HONRADEZ
 
Filipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awit
Filipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awitFilipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awit
Filipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awit
EDITHA HONRADEZ
 
Epp he aralin 20
Epp he aralin 20Epp he aralin 20
Epp he aralin 20
EDITHA HONRADEZ
 
Mapeh quarter 2 [autosaved]
Mapeh quarter 2 [autosaved]Mapeh quarter 2 [autosaved]
Mapeh quarter 2 [autosaved]
EDITHA HONRADEZ
 
Health quarter 2 aralin 1
Health quarter 2 aralin 1Health quarter 2 aralin 1
Health quarter 2 aralin 1
EDITHA HONRADEZ
 
Epp he aralin 20
Epp he aralin 20Epp he aralin 20
Epp he aralin 20
EDITHA HONRADEZ
 
Epp he aralin 19
Epp he aralin 19Epp he aralin 19
Epp he aralin 19
EDITHA HONRADEZ
 
Epp he aralin 15
Epp he aralin 15Epp he aralin 15
Epp he aralin 15
EDITHA HONRADEZ
 
Epp he aralin 13
Epp he aralin 13Epp he aralin 13
Epp he aralin 13
EDITHA HONRADEZ
 
Epp he aralin 12
Epp he aralin 12Epp he aralin 12
Epp he aralin 12
EDITHA HONRADEZ
 
Epp he aralin 10
Epp he aralin 10Epp he aralin 10
Epp he aralin 10
EDITHA HONRADEZ
 
Epp he aralin 9
Epp he aralin 9Epp he aralin 9
Epp he aralin 9
EDITHA HONRADEZ
 
Epp he aralin 6
Epp he aralin 6Epp he aralin 6
Epp he aralin 6
EDITHA HONRADEZ
 
Epp he aralin 4
Epp he aralin 4Epp he aralin 4
Epp he aralin 4
EDITHA HONRADEZ
 
Epp he aralin 3
Epp he aralin 3Epp he aralin 3
Epp he aralin 3
EDITHA HONRADEZ
 
EPP HE ARALIN 2
EPP HE  ARALIN 2EPP HE  ARALIN 2
EPP HE ARALIN 2
EDITHA HONRADEZ
 
Ap aralin 6
Ap aralin 6Ap aralin 6
Ap aralin 6
EDITHA HONRADEZ
 
Ap yunit iii aralin 2
Ap yunit iii aralin 2Ap yunit iii aralin 2
Ap yunit iii aralin 2
EDITHA HONRADEZ
 
Ap yunit iii aralin 1
Ap yunit iii aralin 1Ap yunit iii aralin 1
Ap yunit iii aralin 1
EDITHA HONRADEZ
 
Esp yunit 4 aralin 3
Esp yunit 4 aralin 3Esp yunit 4 aralin 3
Esp yunit 4 aralin 3
EDITHA HONRADEZ
 

More from EDITHA HONRADEZ (20)

Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...
Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...
Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...
 
Filipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awit
Filipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awitFilipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awit
Filipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awit
 
Epp he aralin 20
Epp he aralin 20Epp he aralin 20
Epp he aralin 20
 
Mapeh quarter 2 [autosaved]
Mapeh quarter 2 [autosaved]Mapeh quarter 2 [autosaved]
Mapeh quarter 2 [autosaved]
 
Health quarter 2 aralin 1
Health quarter 2 aralin 1Health quarter 2 aralin 1
Health quarter 2 aralin 1
 
Epp he aralin 20
Epp he aralin 20Epp he aralin 20
Epp he aralin 20
 
Epp he aralin 19
Epp he aralin 19Epp he aralin 19
Epp he aralin 19
 
Epp he aralin 15
Epp he aralin 15Epp he aralin 15
Epp he aralin 15
 
Epp he aralin 13
Epp he aralin 13Epp he aralin 13
Epp he aralin 13
 
Epp he aralin 12
Epp he aralin 12Epp he aralin 12
Epp he aralin 12
 
Epp he aralin 10
Epp he aralin 10Epp he aralin 10
Epp he aralin 10
 
Epp he aralin 9
Epp he aralin 9Epp he aralin 9
Epp he aralin 9
 
Epp he aralin 6
Epp he aralin 6Epp he aralin 6
Epp he aralin 6
 
Epp he aralin 4
Epp he aralin 4Epp he aralin 4
Epp he aralin 4
 
Epp he aralin 3
Epp he aralin 3Epp he aralin 3
Epp he aralin 3
 
EPP HE ARALIN 2
EPP HE  ARALIN 2EPP HE  ARALIN 2
EPP HE ARALIN 2
 
Ap aralin 6
Ap aralin 6Ap aralin 6
Ap aralin 6
 
Ap yunit iii aralin 2
Ap yunit iii aralin 2Ap yunit iii aralin 2
Ap yunit iii aralin 2
 
Ap yunit iii aralin 1
Ap yunit iii aralin 1Ap yunit iii aralin 1
Ap yunit iii aralin 1
 
Esp yunit 4 aralin 3
Esp yunit 4 aralin 3Esp yunit 4 aralin 3
Esp yunit 4 aralin 3
 

Arts gr.3 tagalog q1

  • 2. 2 Unang Markahan Pagguhit Aralin 1: Uri ng Linya at ang Katangian Nito Nakalilikha ng disenyong geometric sa pamamagitan ng paggamit ng dalawang uri ng linya ayon sa katangian ng mga ito Pag-Isipan Mo Ito Ang linya ay nabubuo mula sa dalawang tuldok na pinagkabit o pinag-ugnay. May dalawang uri ng linya, tuwid, at pakurba. Ang tuwid na linya ay maaaring pahiga, pataas, pahilis, at putol-putol. Ang pakurbang linya ay maaring paalon-alon at paikot. Ang isang linya ay maaring makapal, manipis, malawak, at makitid. Ang mga disenyong geometric ay mula sa simpleng hugis na parihaba, tatsulok, bilog, at tuwid na linya. Maging Malikhain Gawain 1 Paggawa ng Pambalot ng Regalo Mga Kagamitan: oslo paper, lapis, krayola, pastel colors, ruler Pamamaraan: 1. Ihanda ang mga gamit na kailangan para sa gawaing ito. 2. Umisip ng disenyo na maaaring gawing pambalot ng regalo.
  • 3. 3 3. Pagsama-samahin ang iba’t ibang uri ng mga linya para sa iyong disenyo. 4. Kulayan ang iyong ginawa para ito’y maging kaakit-akit. 5. Sikaping maging malinis at maayos ang iyong likhang sining. Tandaan: Nagagawa ng isang pintor na maging kaakit-akit at makabuluhan ang kanyang likhang sining gamit ang iba’t ibang uri ng linya. Subukin Mo Gawain 2 Malikhaing Paggawa ng Bag na Papel Mga Kagamitan: papel na may kulay, glue, pambalot ng regalo, glitters, pangkulay, at mga pananda Pamamaraan: 1. Gumupit ng isang papel na may kulay na may sukat na 9.5 x 15 pulgada. 2. Pagdikitin ang dalawang dulong bahagi. (Humingi ng tulong sa guro kung kinakailangan) 3. Siguraduhing madikitan o malagyan ng glue ang gilid pababa. 4. Itupi ang ilalim na bahagi ng papel na may sukat na 2 pulgada at muli itong itupi nang patusok. 5. Ituping muli ang dalawang gilid paloob upang lumikha ng isang akordiyon. 6. Dikitan ang ilalim na bahagi ng bag upang tumayo ito. 7. Gawin ang magkabilang hawakan. 8. Idikit ang ginawang pambalot ng regalo sa papel na bag.
  • 4. 4 9. Ayusin ang paggamit ng glue upang hindi masayang. 10. Lagyan ng dekorasyon ang bag na papel gamit ang glitters, pangkulay, at iba pang pananda. Ipagmalaki Mo Gamitin ang talahanayan sa ibaba upang malaman ang kakayahan mo sa paglikha ng paper bag. Lagyan ng tsek () ang angkop na kahon. Gawin ito sa sagutang papel. Pamantayan ISKOR Kitang- kita 5 Kita 3 Hindi Kita 1 1. Ang aking likhang sining ay kakaiba at malikhain. 2. Ang mga uri ng linya at katangian nito ay nagamit ko sa aking ginawa. 3. Ang mga disenyong geometric ay ginamit ko rin sa aking sining. 4. Natapos ko ang aking ginawa nang tama sa oras.
  • 5. 5 Aralin 2: Iba’t Ibang Laki ng Tao sa Larawan Nakikita ang pagkakaiba-iba ng laki ng mga tao sa larawan upang malaman ang distansiya nito sa tumitingin Pag-Isipan Mo Ito Sa larawan, ang laki ng mga tao ay magkakaiba. Ipinakikita nito ang distansiya ng tumitingin. Maliit tingnan kung ito ay malayo sa tumitingin at malaki naman kung ito ay malapit.
  • 6. 6 Tandaan: Ang larawan ng tao na malapit sa tumitingin ay iginuguhit nang malaki at maliit naman kung ito ay malayo. Maging Malikhain Gawain 1 Pagguhit ng Iba’t ibang Tao sa Larawan Mga kagamitan: lapis, bond paper, krayola Pamamaraan: 1. Umisip at gumuhit ng isang lugar na malapit sa sakahan o taniman. 2. Dagdagan ito ng larawan ng mga tao na iba’t iba ang laki ayon sa layo o distansiya ng tumitingin. 3. Kulayan ang iyong iginuhit. 4. Lagyan ng angkop na pamagat ang iyong natapos na likhang-sining. 5. Ipakita mo ito sa iyong mga kaklase at isalaysay ang tungkol sa iyong iginuhit na larawan. Pamagat
  • 7. 7 Ipagmalaki Mo Tingnang muli ang iyong likhang sining. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Lagyan ng bituin ( ) kung ito ay iyong nagawa at tatsulok ( ) kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel. Pamantayan / 1. Nakagawa ako ng iba’t ibang laki ng tao sa komposisyon ayon sa distansiya o layo nito sa tumitingin. 2. Nakagawa ako nang maayos at malinis. 3. Nalagyan ko ng angkop na pamagat ang aking ginawa. 4. Nakaramdam ako ng pagmamalaki at kasiyahan habang ginagawa ko ito. 5. Nakatapos ako nang tama sa oras.
  • 8. 8 Aralin 3: Ilusyon ng Espasyo Naipakikita ang ilusyon ng espasyo sa pagguhit ng mga bagay at mga tao na may iba’t ibang laki o sukat Pag-Isipan Mo Ito Ang paggamit ng ilusyon ng espasyo ay isang paraan o teknik ng pintor upang ipakita ang layo o distansiya, lalim, at lawak sa kaniyang likhang-sining. Kung malayo sa tumitingin ang isang bagay, maliit itong tingnan. Malaki naman kung ito’y malapit sa tumitingin.
  • 9. 9 Maging Malikhain Gawain 1 Pagguhit ng Isang Pamayanan Mga Kagamitan: lapis, bond paper, krayola Pamamaraan: 1. Lumabas ng silid-aralan at humanap ng isang lugar na makikita ang palibot ng iyong paaralan. 2. Ihanda ang mga kagamitan. 3. Gumuhit ng pahigang linya sa bond paper. 4. Maglagay ng tuldok sa gitna, kaliwa o kanang bahagi ng papel. 5. Mula sa tuldok, gumuhit ng dalawang pahilis na linya pababa upang lumikha ng isang daan ng pamayanan. 6. Gumuhit muli ng dalawang pahilis na linya sa ibabaw ng Guhit – tagpuan upang maging gabay sa pagguhit ng mga tao at iba pang bagay na matatagpuan sa paaralan. 7. Tiyaking maiguhit nang mas malaki ang mga bagay na malapit sa tumitingin kaysa sa mga bagay na malayo sa tumitingin. 8. Kulayan at lagyan ng angkop na pamagat ang iyong ginawa. 9. Maging malikhain sa paggawa ng iyong sining. Tandaan: Ang paggamit ng ilusyon ng espasyo ay isang paraan upang maging makahulugan ang isang likhang sining. Sa pagguhit, kailangang maiguhit nang malaki ang mga bagay na malapit sa tumitingin at maliit naman kung ang mga ito ay malayo sa tumitingin.
  • 10. 10 Subukin Mo Gawain 2 Pamamaraan: Lagyan ng tsek () ang patlang sa bawat bilang kung ang larawan ay nagpapakita ng ilusyon ng espasyo. Gawin ito sa sagutang papel. 1.___ 2.____ 3.___ 4.___
  • 11. 11 Ipagmalaki Mo Tingnang muli ang iyong likhang sining. Sagutin ang mga tanong sa pamagitan ng paglalagay ng ( ) bituin kung ikaw ay nakagawa nang maayos at ( ) bilog kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel. Pamantayan 1. Naiguhit ko ba ang mga bagay na matatagpuan sa aming pamayanan? 2. Naiguhit ko ba nang tama at maayos ang mga bagay ayon sa layo o distansiya ng tumitingin upang maipakita ang ilusyon ng espasyo? 3. Nakagamit ba ako ng tamang kulay upang maging kaakit-akit ang aking likhang sining? 4. Nagawa ko ba ang aking likhang sining nang malinis at tama sa takdang oras? 5. Nakadama ba ako ng kasiyahan sa aking pagguhit?
  • 12. 12 Aralin 4: Teksturang Biswal Napahahalagahan na ang isang pintor ay nakalilikha ng teksturang biswal gamit ang mga linya, tuldok, at kulay upang bigyang buhay ang kaniyang likhang sining. Pag-Isipan Mo Ito Ang Still Life Drawing ay isang pamamaraan ng pagpapakita ng pagiging malikhain sa pagguhit ng mga bagay na walang buhay. Nakalilikha ang isang pintor ng teksturang biswal gamit ang cross hatch lines at pointillism upang maging makatotohanan ang tekstura ng kaniyang likhang sining. Ang cross hatch lines ay tanda ng dalawa o higit pang intersecting parallel lines. Ang pointillism naman ay ang paglalagay ng maliliit na tuldok upang makabuo ng larawan. Ang mga mata natin ang tanging nakaaalam ng teksturang biswal sapagkat hindi ito maaaring hipuin o maramdaman. Nakikita natin ang kaibahan ng tekstura ng isang bagay sa larawan sa pamamagitan nang masusing pagtingin dito.
  • 13. 13 Maging Malikhain Gawain 1 Still Life Drawing na ginagamitan ng Cross Hatch Lines at Pointillism Mga kagamitan: lapis, colored pencils, bond paper Pamamaraan: 1. Ihanda ang mga kagamitan sa pagguhit. 2. Ayusin ang mga bagay na iguguhit (hal. iba’t ibang uri ng prutas, mga bote, atbp.) sa tamang pagkakahanay upang gamiting modelo. 3. Gumamit ng lapis sa pagguhit. 4. Pumili kung ano ang teknik o pamamaraang gagamitin, cross hatch lines o pointillism, para makita ang tekstura ng mga bagay na iguguhit. Gumamit ng isang teknik lamang. 5. Humingi ng tulong sa guro kung kinakailangan. 6. Lagyan ng pamagat ang iyong natapos na likhang sining. Pamagat Tandaan: Ang teksturang biswal ay mapapansin lamang sa pamamagitan ng masusing pagtingin sa isang bagay. Hindi ito nahihipo o nararamdaman.
  • 14. 14 Subukin Mo Pamamaraan: Umisip ng isang hayop na lumilipad o lumalangoy. Iguhit ito at gamitan ng mga cross hatch lines at pointillism para makita ang teksturang biswal. Gamitin mo ang iyong imahinasyon sa pagguhit. Gawin ito sa bond paper. Ipagmalaki Mo Lagyan ng bituin ( ) ang bilog kung ang iyong sagot ay oo at buwan ( ) kung hindi. Ipaliwanag ang iyong sagot. Gawin ito sa sagutang papel. 1. Gumamit ba ako ng cross hatch lines at pointillism sa aking iginuhit ? Bakit?_______________________________________________ 2. Naging malikhain ba ako sa paggawa ng aking likhang sining? Paano?_____________________________________________ 3. Gumamit ba ako ng mga linya at kulay para makalikha ng teksturang biswal sa aking iginuhit? Paano?_____________________________________________ 4. Napahahalagahan ko ba ang aking ginawang sining at gawa ng iba? Paano?_____________________________________
  • 15. 15 Aralin 5: Pagguhit Ng Tanawin Nasasabi na sa isang larawan ng tanawin, ang harapang bahagi ang pinakamalapit; ang mga bagay na kasunod nito ang gitnang bahagi, at ang bahaging likuran ang pinakamalayo. Pag-Isipan Mo Ito Napalalaki o napaliliit ng isang pintor ang mga bagay sa larawan ayon sa kanilang kinalalagyan o layo sa tumitingin. Ang mga bagay na nasa harapan at malapit sa tumitingin ay malalaki samantalang ang nasa likuran ay maliliit lamang dahil malayo ito sa lugar ng tumitingin. Ang iba pang mga bagay ay nasa pagitan ng harapan at likuran. Bahaging Likuran Gitnang bahagi Harapan Ang balance ay naipakikita sa larawan sa pagkakaroon ng harapan, gitnang bahagi, at likuran ng larawan.
  • 16. 16 Maging Malikhain Pagguhit Ng Tanawin 1. Umisip ng magandang tanawin sa inyong lugar na gusto mong iguhit. 2. Pag-isipan kung ano ang mga bagay na dapat isama sa iguguhit. 3. Gumuhit ng tanawin na nagpapakita ng mga sumusunod: harapan, gitna, at likuran. 4. Iayos ang mga bagay sa larawan upang maipakita ang balance sa kaayusan ng larawan. 5. Kulayan ang iyong iginuhit at lagyan ng pamagat. Tandaan: Subukin Mo Ituro ang harapan, gitna, at likurang bahagi ng mga larawan sa ibaba. 1. Mayroong balance sa kaayusan ng larawan kapag may harapan, gitna, at likurang bahagi.
  • 17. 17 2. Ipagmalaki Mo Lagyan ng masayang mukha ( ) kung oo ang iyong kasagutan at malungkot na mukha ( ) kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel. 1. Naiguhit ko ba ang harapan, gitna, at likurang bahagi ng larawan upang maipakita ang timbang? 2. Naiguhit ko ba ang tanawing matatagpuan sa aming rehiyon? 3. Naipagmamalaki ko ba ang aking naiguhit na tanawin sa pamamagitan ng pagpapakita nito sa iba? 4. Natapos ko ba sa oras ang aking likhang sining?
  • 18. 18 Aralin 6: Tekstura at Hugis Nakaguguhit ng halaman, bulaklak o puno na nagpapakita ng iba’t ibang tekstura at hugis ng bawat bahagi gamit ang lapis o itim na krayola o bolpen. Pag-Isipan Mo Ang sketching ay mabilis na pagtatala ng mga bagay na iyong nakikita sa paligid. Ang mga guhit na ito ay kadalasang simple ngunit maganda. Samantalang ang pagpipinta o drawing ay kalimitang tapos at nagpapakita ng buong larawan ng isang tagpo o paksa at nangangailangan ng maraming biswal na detalye. Sa pagguhit at pagpipinta, ang tekstura at hugis ay mahalaga. Ang tekstura ay isang elemento ng sining na naglalarawan ng bagay at tao ayon sa kaniyang katangiang pisikal. Ang hugis naman ay naglalarawan sa pisikal na porma ng isang bagay. Maging Malikhain Gawain 1 Pagguhit ng Halaman, Bulaklak o Puno Mga kagamitan: bond paper, itim na krayola, lapis, recycled na karton Pamamaraan: 1. Humanap ng isang halaman, bulaklak o puno na gusto mong iguhit 2. Iguhit at ipinta ang mga detalye nito. 3. Ipakita ang tekstura gamit ang cross hatch lines. 4. Kulayan ito at pagandahin pa. 5. Ipakita mo ang iyong ginawa sa klase at ibahagi ang iyong naramdaman habang ginagawa mo ang iyong likhang sining.
  • 19. 19 Tandaan: Ang mga linya at hugis ay ginagamit sa paggawa ng mga sketches. Ang sketch ay hindi kongkretong likhang sining. Kulang ito sa detalye at kulay. Ito ay nagsisilbing gabay ng isang pintor para makabuo ng isang kongkretong likhang-sining. Subukin Mo Pamamaraan: Gumawa ng sketch ng isang bagay na makikita sa loob ng silid-aralan. Ipagmalaki Mo Bigyan ng marka ang iyong ginawa batay sa pamantayan sa ibaba. Gawin ito sa sagutang papel. Pamantayan ISKOR 3 Kitang- kita 2 Kita 1 Hindi kita 1. Gumuhit ako ng isang likas na bagay na makikita sa labas ng silid-aralan. 2. Gumawa ako ng sketch ng isang bagay upang matapos ko ang aking likhang sining. 3. Ang tekstura at hugis ay ginamit ko sa aking drawing. 4. Ibinahagi ko sa aking mga kaklase ang aking nadarama habang ako’y gumagawa.
  • 20. 20 Aralin 7: Pagguhit Gamit ang Lapis o Anumang Uring Panulat 1. Gamit ang lapis o anumang uri ng panulat, lumikha ng isang larawan na magpapakita ng mga hanapbuhay sa isang probinsiya o rehiyon sapamamagitan ng kanilang pang-araw-araw na gawain. 2. Ilarawan ang pamumuhay ng mga tao sa isang pamayanan. Pag-Isipan Mo Tingnan ang larawan at sagutin ang mga tanong: a. Anong uri ng hanapbuhay ang ipinakikita sa larawan? b. Mayroon din ba kayong nakikitang nagtatanim o nagsasaka sa inyong lugar? c. Gusto mo rin bang maging isang magsasaka? Bakit? d. Anong uri ng trabaho o hanapbuhay ang gusto o pangarap mo? Bakit? e. Dapat ba nating ipagmalaki ang paraan ng hanapbuhay o trabaho ng mga tao sa inyong lugar?
  • 21. 21 Ang trabaho o hanapbuhay ay mahalaga upang ang bawat mamamayan ay kumita ng pera para sa ikabubuhay ng kanyang sarili at pamilya. Ang bawat probinsiya o rehiyon sa ating bansa ay may natatanging hanapbuhay o trabaho na angkop sa uri ng klima, topograpiya at kultura ng isang lugar. Narito ang ilang uri ng trabaho o hanapbuhay sa Pilipinas. Paglililok sa Paete, Laguna Paglalala sa Aklan Paggawa ng Banga sa Ilocos Pagpipinta sa Angono, Rizal (Source: En.wikipedia.org; stella-arnaldo.blogspot.com; rizalprovince.ph)
  • 22. 22 Group members should Alamin ng bawat miyembro ang mga gawain o hanapbuhay ng mga tao sa inyong lugar. Ipakita sa harap ng klase ang nabuong awit na nilapatan ng kilos. Sumulat ng maikling awitin na may kaugnayan sa hanapbuhay o trabaho at lapatan ng tono mula sa alinmang awitin. Pag-usapan ang mga gawain o trabaho na ginagawa sa inyong lugar. Pumili ng tatlong hanapbuhay na gusto ninyong ipinta. Ang bawat miyembro ng pangkat ay magtutulong- tulong upang maiguhit nang maganda at malagyan ng kaakit-akit na kulay ang mga ito. Pumili ng lider na magpapakita ng output sa klase. Ipaliliwanag ng lider sa klase ang kanilang ginawang mga larawan. Pangkat 1 Pangkat 2 Maging Malikhain Gawain 1 Pangkatang Gawain Mga Kagamitan: lapis o pen, krayola o iba pang pangkulay, manila paper Pamamaraan: Ang bawat pangkat ay bibigyan ng activity card at pagkatapos ng limang minutong talakayan at paghahanda, ipakikita ng mga miyembro ng bawat pangkat ang kanilang ginawa.
  • 23. 23 Ang paglililok, paglalala, pagpipinta, paggawa ng banga at mga basket, pag-aanluwage at iba pa ay mga uri ng trabaho o hanapbuhay sa ating bansa na dapat kilalanin at ipagmalaki. Malaking bahagi ng ikinabubuhay ng tao ay galing dito.Mga basket, Gawain 2 Gumuhit ng isang uri ng hanapbuhay na matatagpuan sa iyong probinsya o rehiyon. Gawin ito sa bond paper gamit ang lapis o anumang panulat. Tandaan: Ipagmalaki Mo Pamamaraan: Bigyan mo ng iskor ang iyong pangkat gamit ang pamantayan sa ibaba. Gawin ito sa sagutang papel. Pamantayan ISKOR 3 Kitang- kita 2 Kita 1 Hindi kita 1. Nagbahagi ng kaalaman ang bawat miyembro ng aming pangkat. 2. Napanatili naming malinis at maayos ang lugar na aming pinaggawaan. 3. Nakabuo kami ng larawan ng mga hanapbuhay sa aming lugar gamit ang lapis at iba pang panulat 4. Nakinig kami at nagbigay respeto sa ideya at gawa ng iba. 5. Ipinagmamalaki namin ang mga hanapbuhay sa aming rehiyon o lugar.
  • 24. 24 Aralin 8: Pagguhit ng mga Makasaysayang Bahay at Gusali Nakaguguhit ng larawan ng makasaysayang bahay o gusali gamit ang foreground, middleground at background Pag-Isipan Mo Sa pagguhit, mahalaga ang iba’t ibang uri ng linya at hugis sa pagbuo ng makabuluhang larawan. Kailangan ding tandaan ang paggamit ng foreground, middle ground, at background. Ang foreground ay ang unahang bahagi ng larawan. Malapit ito sa tumitingin kaya ang mga bagay na nakalagay dito ay mukhang malaki. Ang background naman ay ang bahaging likuran ng isang larawan. Ang middle ground ay makikita sa pagitan ng foreground at background ng tanawin.
  • 25. 25 Maging Malikhain Gawain 1 Pagguhit ng Makasaysayang Bahay o Gusali Mga Kagamitan: krayola, lapis, bond paper Pamamaraan: 1. Pumili ka ng isang makasaysayang bahay o gusali sa inyong probinsiya o lugar. 2. Iguhit ang napiling makasaysayang bahay o gusali gamit ang iba’t ibang uri ng linya at hugis. 3. Dagdagan ng kakaibang istraktura ang iyong disenyo. 4. Gumuhit ng mga bagay na gusto mong ilagay sa foreground, middleground, at background. 5. Lagyan ito ng kulay at ipaskil sa pisara. Subukin Mo Tukuyin kung foreground, middleground, o background ang itinuturo sa larawan. Isulat sa patlang ang sagot.
  • 26. 26 Tandaan: Makaguguhit tayo ng isang larawan ng makasaysayang bahay o gusali gamit ang iba’t ibang linya at hugis na may foreground, middleground, at background upang higit na maging maganda ang ating iginuhit na larawan. Ipagmalaki Mo Pagmasdan muli ang natapos mong sining. Sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng paglalagay ng puso ( ) kung Oo at tatsulok ( ) kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel. 1. Napanatili ko ba ang balanse sa aking sining sa paglalagay ng foreground, middleground at background? 2. Naiangkop ko ba ang paggamit ng mga hugis, linya at kulay sa aking ginawa? 3. Nagawa ko ba itong kakaiba at maganda? 4. Napanatili ko ba itong malinis at maayos? 5. Nakaramdam ba ako ng kasiyahan o pagmamalaki sa aking ginawa?