Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...EDITHA HONRADEZ
https://www.youtube.com/watch?v=ZuBf4uSelxU
https://www.youtube.com/watch?v=vxlAFSTONGU&t=94s
https://samutsamot.com/wp-content/uploads/2013/06/kategorya-ng-pangngalan_1-1.pdf
Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at pangyayari sa paligid
Filipino 3 yunit iii aralin 4 pagpapalit at pagdaragdag ng mga tunog upang ma...Desiree Mangundayao
Ang mga slideshare na ito ay maaring makatulong sa mga bata, magulang at mga gurong nagnanais na matuloy ang edukasyon sa kabila ng pandemya.. MELC BASED na rin po at may mga learning activities
#parasabata. #tuloyangedukasyon
LIKE/ SHARE / SUBSCRIBE/ COMMENT DOWN BELOWAng mga slideshare na ito ay maaring makatulong sa mga bata, magulang at mga gurong nagnanais na matuloy ang edukasyon sa kabila ng pandemya.. MELC BASED na rin po at may mga learning activities
#parasabata. #tuloyangedukasyon
Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...EDITHA HONRADEZ
https://www.youtube.com/watch?v=ZuBf4uSelxU
https://www.youtube.com/watch?v=vxlAFSTONGU&t=94s
https://samutsamot.com/wp-content/uploads/2013/06/kategorya-ng-pangngalan_1-1.pdf
Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at pangyayari sa paligid
Filipino 3 yunit iii aralin 4 pagpapalit at pagdaragdag ng mga tunog upang ma...Desiree Mangundayao
Ang mga slideshare na ito ay maaring makatulong sa mga bata, magulang at mga gurong nagnanais na matuloy ang edukasyon sa kabila ng pandemya.. MELC BASED na rin po at may mga learning activities
#parasabata. #tuloyangedukasyon
LIKE/ SHARE / SUBSCRIBE/ COMMENT DOWN BELOWAng mga slideshare na ito ay maaring makatulong sa mga bata, magulang at mga gurong nagnanais na matuloy ang edukasyon sa kabila ng pandemya.. MELC BASED na rin po at may mga learning activities
#parasabata. #tuloyangedukasyon
Arts 5_Q3_Mod4_Paglilimbag-Gamit-ang-Ibat-Ibang-Kulay.pdf
Arts q1 Week 5 Day 1.pptx
1.
2. Balik Aral:
Tukuyin kung tama o mali ang ipinapahayag
ng bawat pangungusap alinsunod sa paraang
ginagamit sa paglikha ng espasyo sa tatlong
dimensyunal o 3D na guhit. Isulat ang sagot
sa kwaderno.
_____________1. Ang shading ay isang teknik na
ginagamit sa pagbibigay lalim, kapal at
tekstura sa isang likhang sining.
3. _____________2. Mas madilim ang kulay ng
mga bagay na mas malapit sa tumitingin
habang mapusyaw ang mga nasa malayo.
_____________3. Ang perspektibo ay ang
paggamit ng mga linya sa paglikha ng
ilusyon ng espasyo.
_____________4. Kapag mas malayo ang isang
bagay, mas kakikitaan ito ng maraming
detalye.
4. _____________5. Mas malayong tingnan ang
isang bagay na iginuhit na nakapatong o nasa
harap ng isa pang bagay.
_____________6. Ang myural ay larawang
nakapinta sa pader.
_____________7. Ang 3D Effect ay isang paraan
upang maging mas makatotohanan ang
pagguhit.
5. _____________8. Ang arkeolohikal na artifact
ng bansa ay hindi itinuturing na sining.
_____________9. Kadalasan sa mga kagamitan
unang makikita ang mga impluwensya ng
ibang bansa sa Pilipinas.
_____________10. Maaring baguhin ang
orihinal na anyo ng artifact upang ito ay
maging mas maganda
6. Tingnan ang nasa larawan. Ano ang makikita
ninyo sa kanilang ginagawa?
7. Ngayon naman ay basahin ang
munting dayalogo ng magkakaibigan
upang maunawaan pa natin ang ating
aralin.
8. Rancess: Lubos akong nagagalak
Ashley at Marah sa pagpunta ninyo sa
aking inihandang munting eksibit ng
aking mga likhang sining. Sana ay
magustuhan ninyo ang aking mga
iginuhit.
Marah: Ano ba ang aming makikita
rito? Ano ba ang ibig sabihin ng Art
Eksibit?
9. Rancess: Kung mapapansin ninyo, may mga nakasabit o
nakatanghal ng mga gawang sining na ipinapakita sa
mga tao. Nakasulat sa ibaba ang kapsyon na naglalaman
10. 1. Ano ang makikita sa isang Tanghal-
Sining o Art Eksibit?
2. Bakit nagkakaroon ng Tanghal-Sining
o Art Eksibit?
3. Paano ito isinasagawa?
11. Ang Tanghal-Sining o Art Eksibit ay
ginagawa upang makapagpakita ng mga
obra o koleksyon ng likhang sining. Layunin
nitong maitanghal at maipagmalaki ang
mayaman nating kultura sa ibang tao.
Ipinapakita rin dito ang mensaheng nais
iparating at ang teknik sa pagguhit na
ginamit ng lumikha o artist.
12. Sa pagsasagawa ng Tanghal-Sining o
Art Eksibit, narito ang mga dapat
isaalang-alang:
1. Buuin ang pinaka paksa o tema na
tampok sa iyong munting eksibit.
2. Ipunin at ihanda ang iyong mga
obra na nais isama sa pagtatanghal.
13. 3. Isulat sa isang papel ang kapsyon nito.
Ang kapsyon ay binubuo ng pangalan ng
lumikha o gumuhit, pamagat ng likhang-
sining, at ang kaalaman at kasanayang
natutuhan tulad ng pinagmulan ng disenyo,
ginamit na paraan ng pagguhit o elemento
ng sining, makasaysayang pinagmulan at iba
pang impormasyon na iyong nakalap mula
sa iyong pananaliksik.
14. 4. Itanghal ang iyong mga obra sa
maayos na lugar at madaling makita.
5. Maglagay ng mga palatandaan kung
saan ang simula at pagtatapos nito
upang hindi maligaw ang mga
manonood.
15. Maari ka ring tumingin o maghanap sa
internet ng mga video o slideshow
tungkol sa pagbuo at paglungsad ng
isang Art Exhibit tungkol sa mga bagay
na may kinalaman sa yaman ng
kulturang Pilipino para sa karagdagang
pagkatuto at pagiging malikhain.
16. Sa puntong ito, marami ka nang natipong
gawaing pansining sa iba’t ibang aralin. Alin
sa palagay mo ang pinakamaganda rito at
maaaring ipakita sa ibang tao? Pumili ka ng
lima at isali ang mga ito sa Tanghal-Sining o
Art Eksibit na isasagawa mo.
17. Gawain 1:
1. Ipunin at ayusin ang lahat ng gawaing
sining ayon sa sumusunod:
a. Mga Sinaunang Bagay
b. Sinaunang Bahay
2. Kung sa tingin mo ay kulang pa o nais
mong magdagdag ng likhang sining ay
maari pang lumikha o gumuhit para
makumpleto.
18. 2. Kung sa tingin mo ay kulang pa o nais
mong magdagdag ng likhang sining ay
maari pang lumikha o gumuhit para
makumpleto.
19. 3. Tingnan ang bawat likhang-sining na
napili mo at isulat sa kapirasong papel ang
kapsyon nito. Ang kapsyon ay binubuo ng
pangalan mo, pamagat ng likhang-sining, at
ang kaalaman at kasanayang natutuhan
habang ginagawa ang likhang-sining.
20.
21. Isaisip
Ang mga likhang-sining ng mga sinaunang bagay
noong unang panahon ay ginagawang basehan ng
mga disenyo sa kasalukuyang panahon. Ito ay
nagsisilbing tulay para maisalin ang mga kaalaman
ng sinaunang Pilipino.
22. Ang Tanghal-Sining o Art Eksibit ay ginagawa
upang makapagpakita ng mga likhang sining.
Layunin nitong maitanghal at maipagmalaki ang
mga sinaunang bagay at bahay ng ating kultura.
23. Isagawa
Magtala ng iba pang paksa o tema na maaaring
maging tampok sa iyong tanghal-sining o art
eksibit sa mga susunod na pagkakataon.
Sagutin sa inyong kwaderno kung bakit ito ang
iyong napili.