SlideShare a Scribd company logo
1 of 59
Aralin 2:
Ang Panitikan sa
Panahon ng mga
Katutubo: ALAMAT
Panimulang
Panalangin sa Klase
2
Mga Layunin
1. Nabibigyang-kahulugan ang mga
talinghaga, eupimistiko o masining na
pahayag ginamit sa tula, balagtasan, alamat,
maikling kuwento, epiko ayon sa: -
kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan
2. Nakikinig nang may pag-unawa upang
mailahad ang layunin ng napakinggan,
maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng
mga pangyayari at mauri ang sanhi at bunga
ng mga pangyayari
3. Naisusulat ang talatang:
-binubuo ng magkakaugnay at maayos na
mga pangungusap
- nagpapahayag ng sariling palagay o
kaisipan
-nagpapakita ng simula, gitna, wakas
SUBUKIN
I. Basahing at unawaing mabuti ang
sumusunod na aytem. Piliin ang letra ng
tamang sagot.
6
1. Dito inilalahad ang magiging resolusyon
ng kuwento.
a. suliranin c. tungalian
b. katapusan d.kakalasan
7
2. Inilalahad ang problemang haharapin
ng pangunahing tauhan.
a. suliranin c. kakalasan
b. katapusan d.tunggalian
8
9
3. Anong uri ng pang –abay ang nagsasaad
kung kailan naganap ginaganap o gaganapin
ang kilos ang isang pangyayari o kilos?
a. Pamilang c. Pamanahon
b. Panlunan d. Pamaraan
10
4. Ito ang bahaging nagpapakita ng unti-
unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula
sa maigting na pangyayari sa kasukdulan.
a. suliranin c. kakalasan
b. katapusan d.tunggalian
11
5. Dito inilalahad ang pakikitunggali o
pakikisapagsapalaran ng pangunahing tauhan
laban sa mga suliraning kakaharapin.
a. suliranin c. kakalasan
b. katapusan d.tunggalian
BALIKAN
Panuto: Tukuyin kung salawikain, sawikain, kasabihan,
ang mga pahayag sa sumusunod na larawan.
TUKLASIN
Gawain 1: Pansinin mo ang mga larawan na nasa ibaba. Alam mo ba
angpinagmulan nito? Batay sa dati mong kaalaman, naririnig, nababasa,
o napapanood, magbigay ng mahalagang kaalaman tungkol sa maaring
pinagmulan ng mga nalarawan.
13
1. Magbigay ng maaring maging paksa ng alamat.
____________________________________________________
2. Makatutulong ba ang alamat upang maging malinaw ang
pinagmulan ng mga bagay? Paano?
_____________________________________________________
3. Masasalamin ba sa mga paksa ng alamat ang pagiging Pilipino ?
Patunayan.
_____________________________________________________
14
Mga Tanong
1. Paano makatutulong ang
alamat sa pagpapanatili at
pagpapaunlad ng kultura ,
tradisyon at kaugaliang
Pilipino na minana pa natin
bilang isang katutubong
panitikan ng lahi?
15
GAWAIN 2
MGA POKUS NA TANONG
2. Nakatutulong ba ang
paggamit ng mga salitang
pang-abay na pamanahon at
panlunan upang mabisang
maipahatid ang mahahalagang
pangyayari sa isang kuwento
tulad ng alamat? Patunayan.
TALASALITAAN
Panuto : Piliin sa loob ng panaklong ang kahulugan ng
matatalinghagang pahayag/salita na nakahilig sa loob ng
pangungusap.
1. “Marahil ang ibong iyon ay sugo ng
ating Bathala”
(padala , kampon, kaibigan, kakampi)
16
17
2. “ Ang baboy na ito ay inaalay sa kanilang
bathala upang mapawi ang galit”
(magalit nang sobra , mapigil ang galit ,
matanggal ang galit , madagdagan ang galit)
18
3. “ Sinabi ng matanda na sukluban siya
ng isang malaking palayok”
(alisin , ikutin , takpan , angatin)
19
4. “Nang malapit nang mabuwal ang
punongkahoy ay kumidlat nang ubod
talim”
(umulan kaya kumidlat, kumidlat nang matalim,
kumidlat nang malakas, kumidlat nang
ubod-lakas)
20
5. Dinaanan ng salot na balang ang palayan
ni Kunto.
(peste, hadlang, minalas, isinumpa)
Panuto:
Basahin at unawaing mabuti ang
Alamat mula sa Pulo ng Luzon (Benguet)
21
UNAWAIN
ALAMAT NG GINTO
(Alamat ng Baguio)
Sa isang nayon sa Baguio na kung tawagin ay Suyuk,
naninirahan ang mga Igorot na pinamumunuan ni Kunto. Si Kunto ay
bata pa ngunit siya ang pinakama-lakas at pinakamatapang sa
kanilang nayon kaya siya ang ginawang puno ng matatandang pantas.
Ang mga naninirahan sa nayong ito ay namumuhay nang
tahimik . Maibigin sila sa kapwa at may takot sila sa kanilang bathala.
Taun-taon ay nagdaraos sila ng caᾗao bilang parangal sa kanilang
mga anito. Noong panahong iyon, ang mga Igorot ay naniniwala sa
iba’t ibang anito.
22
Kung nagdaraos sila ng caᾗao ay lingguhan ang kanilang
handa. Nagpapatay sila ng baboy na iniaalay sa kanilang bathala.
Nagsasayawan at nagkakantahan sila.
Isang araw ay nagtungo si Kunto sa gubat upang mamana.
Hindi pa siya lubhang nakalalayo nang nakakita siya ng isang uwak.
Nakatayo ito sa isang landas na kanyang tinutunton. Karaniwang
ang mga ibon sa gubat ay maiilap ngunit ang ibong ito ay kaiba.
Lumakad si Kunto palapit sa ibon ngunit hindi ito tuminag sa
pagkakatayo sa gitna ng landas. Nang may iisang dipa na lamang
siya mula sa ibon, bigla siyang napatigil.
23
Tinitigan siyang mainam ng ibon at saka tumango nang tatlong ulit
bago lumipad. Matagal na natigilan si Kunto . Bagamat siya’y malakas at
matapang, sinagilahan siya ng takot. Hindi niya mawari kung ano ang ibig
sabihin ng kanyang nakita.
Hindi na niya ipinagpatuloy ang kanyang pamamana. Siya’y bumalik
sa nayon at nakipagkita sa matatandang pantas. Anang isang matanda, “
Marahil ang ibong iyon ay ang sugo ng ating bathala. Ipinaaalaala sa atin na
dapat tayong magdaos ng caᾗao.”
Kung gayon, ngayon din ay magdaraos tayo ng caᾗao,” ang pasiya ni
Kunto. Ipinagbigay-alam sa lahat ang caᾗao na gagawin. Lahat ng
mamamayan ay kumilos upang ipagdiwang ito sa isang altar sa isang bundok-
bundukan. Ang mga babae naman ay naghanda ng masasarap na pagkain.
24
Nang ang lahat ay nakahanda na, ang mga lalaki ay humuli ng isang
baboy. Ang baboy na ito ay siyang iaalay sa kanilang bathala upang mapawi
ang galit, kung ito man ay nagagalit sa kanila.
Inilagay ang baboy sa altar na ginawa nila sa itaas ng bundok-
bundukan. Anong laking himala ang nangyari! Nakita nilang ang baboy ay
napalitan ng isang pagkatanda-tandang lalaki! Ang mukha ay kulay- lupa na sa
katandaan at halos hindi na siya makaupo sa kahinaan.Ang mga tao ay
natigilan. Nanlaki ang mga mata sa kanilang nakita. Sila’y natakot.
Maya-maya’y nagsalita ang matanda at nagwika nang ganito: “Mga
anak magsilapit kayo. Huwag kayong matakot. Dahil sa kayo’y mabuti at may
loob sa inyong bathala, gagantimpalaan ko ang inyong kabutihan. Lamang ay
sundin ninyo ang lahat ng aking ipagbilin.
25
“Kumuha kayo ng isang tasang kanin at ilagay ninyo rito sa aking tabi.
Pagkatapos sukluban ninyo ako ng isang malaking palayok. Ipagpatuloy ninyo
ang inyong caᾗao. Pagkalipas ng tatlong araw, bumalik kayo rito sa pook na ito.
Makikita niyo ang isang punungkahoy, na kahit minsan sa buhay ninyo
ay hindi pa ninyo nakikita o makikita magpakailanman. Ang bunga,dahon, at
sanga ay maaari ninyong kunin ngunit ang katawan ay huwag ninyong
gagalawin. Huwag na huwag ninyong tatagain ang katawan nito.”
Tinupad naman ng mga tao ang ipinagbilin ng matanda.Ipinagpatuloy
nila ang kanilang pista. Pagkaraan ng tatlong araw, bumalik sila sa pook na
pinag-iwanan sa matanda. Itinaas nila ang palayok at gaya ng sinabi ng
matanda, nakita nila ang isang punungkahoy na maliit. Kumikislap ito sa liwanag
ng araw-lantay na ginto mula sa ugat hanggang sa kaliit-liitang dahon.
26
Nagsigawan ang mga tao sa laki ng galak. Si Kunto ang kauna-
unahang lumapit sa punungkahoy at pumitas ng isang dahon. Pagkapitas sa
dahon ay nagkaroon kaagad ng kapalit ito kayat nag-ibayo ang tuwa sa mga
tao. Bawat isa ay pumitas ng dahoon.
Sa loob ng maikling panahon, yumaman ang mga taga-Suyuk.Ang
dati nilang matahimik na pamumuhay ay napalitan ng pag-iimbutan at inggitan.
Ang punungkahoy naman ay patuloy sa pagtaas hanggang sa ang mga dulo
nito’y hindi na maabot ng tingin ng mga tao.
Isang araw, anang isang mamamayan, “kay taas-taas na at hindi na
natin maabot ang bunga o dahon ng punong-ginto. Mabuti pa ay pagputul-
putulin na natin ang mga sanga at dahon nito. Ang puno ay paghahati-hatian
natin.”
27
Kinuha ng mga lalaki ang kanilang mga itak at palakol. Ang iba ay
kumuha ng mga sibat.
Tinaga nila nang tinaga ang puno at binungkal ang lupa upang
lumuwag ang mga ugat.Nang malapit nang mabuwal ang punungkahoy ay
kumidlat nang ubod-talim.
Kumulog nang ubos-lakas at parang pinagsaklob ang lupa at langit.
Ang punungkahoy ay nabuwal. Nayanig ang lupa at bumuka sa lugar na
kinabagsakan ng puno. Isang tinig ang narinig ng mga tao. “ Kayo ay binigyan
ng gantimpala sa inyong kabutihan. Ang punong-ginto upang maging
mariwasa ang inyong pamumuhay. Sa halip na kayo’y higit na mag-ibigan ,
kasakiman ang naghari sa inyong mga puso.
28
29
Hindi ninyo sinunod ang aking ipinagbilin na huwag ninyong sasaktan ang
puno. Sa tuwi-tuwina ay inyong nanaisin ang gintong iyan.”
At pagkasabi ng mga katagang ito, sa harap ng mga tao sa Suyuk, ang puno
ay nilulon na ng lupang kinabuwalan. Mula nga noon, nagkaroon na ng
minang ginto sa Baguio at nakukuha lamang ito sa pamamagitan ng
paghukay sa lupa.
Pang-unawa sa Binasa
Panuto: Basahin at unawain mabuti ang bawat katanungan.
Itala ang iyong kasagutan sa nakalaang patlang.
1.Anu-ano ang mga paglalarawan sa mga tauhan at pook
na binanggit sa tekstong binasa. ____________________
_______________________________________________
_______________________________________________
30
2. Paano magdudulot ng kapahamakan
ang kasakiman at inggit? Tama ba ang ginawa
at inasal ng mga tao sa kuwento?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
3. Bakit nawala ang kasaganaang tinatamasa ng mga taga-
Suyuk?
__________________________________________________
__________________________________________________
31
4 . Sa iyong palagay , makatarungan ba sa mga
taga-Suyuk ang parusang iginawad ng matanda sa kanila?
Pangatwiranan ito sa tulong ng dayagram.
32
OO
Makatarungan ba
sa mga taga-Suyuk
ang parusang
iginawad ng
matanda sa kanila
?
KONGKLUSYON
HINDI
5. Isa-isahin ang kaugalian ng mga Igorot na
binanggit sa alamat na dapat nang itigil at dapat pang
ipagpatuloy.Ipaliwanag.
33
Kaugalian ng mga Igorot na binanggit sa lamat
Dapat Ipagpatuloy Dapat itigil
Gawain 1: Isalaysay muli ang alamat batay
sa sumusunod na bahagi.
34
PAKSA
Panimula Gitna Wakas
ALAM MO BA?
A. Ang salitang Alamat ay panumbas
sa legend ng Ingles. Ang katawagan namang ito ay
nagmula sa salitang Latin na legendus, na ang kahulugan
ay upang mabasa.
B. Ang Alamat ay isa sa kauna-unahang panitikan ng
mga Pilipino bago pa dumating ang mga Español.
35
C. Karaniwang kathang-isip o maaari namang hango sa
tunay na pangyayari. Pinagmulan ng isang pook, ng isang
halaman o punongkahoy, ng ibon, ng bulaklak at iba pang mga
bagay ang karaniwang paksa nito. Maaari ring tungkol sa mga
pangyayaring di- kapani-paniwala o kaya’y tungkol sa
pagkakabuo ng pangalan ng lugar, bagayat iba pa.
D. Layunin din ng alamat na manlibang.
36
E. May tatlong bahagi ang alamat.Simula:
1. Simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin.
Sa mga tauhan nalalaman kung sino-sino ang magsisiganap sa kuwento at
kung ano ang papel na gagampanan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida,
o suportang tauhan.
Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon
insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.
At ang bahagi ng suliranin ang nagsasaad ng problemang haharapin
ng pangunahing tauhan.
37
2. Gitna: Binubuo ang Gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at
kasukdulan.
Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo
ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
Ang tunggalian naman ang bahaging nagsasaad sa pakikitunggali o
pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning
kakaharapin, na minsan sasarili , sa kapwa, o sa kalikasan.
Samantalang ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan
maaaring makamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng
kaniyangipinaglalaban.
38
3. Wakas: Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan .
Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting
pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari
sa kasukdulan.
At ang katapusan ang bahaging maglalahad ng magiging
resolusyonng kuwento. Maaaring masaya o malungkot,
pagkatalo o pagkapanalo.
39
MATALINGHAGANG
PAHAYAG
40
Matatalinghagang Salita
 Ito ay bukang bibig na hango sa karanasan ng
tao at nagsisilbing patnubay sa dapat gawin sa
buhay. (Nacin et.al).
 Binubuo ng isa o dalawang taludtod na may
sukat at tugma at kadalasan ay patula.
41
Ang matalinghagang salita ay mga salitang may
malalim na kahulugan. Ito ay kadalasang binubuo ng
tambalang salita na ang kahulugan ay naiiba sa kahulugan ng dalawang
salitang pinagtambal.
Ito ay bukambibig na hango sa karanasan ng tao at nagsisilbing
patnubay na dapat gawin sa buhay. Binubuo ng isa o dalawang taludtod na
may sukat at tugma.
Mga Halimbawa:
- Balat sibuyas – sinsitibo
- Isang kahig-isang tuka- naghihirap
- Alog na ang baba- matanda na
42
Pagsasanay 1
Panuto: Hanapin ang kahulugan ng
mga salitang nasa Hanay A sa Hanay B
43
HANAY A
1. May bulsa sa balat
2. Hulog ng Langit
3. Ilaw ng tahanan
4. Busilak ang Kalooban
5. Mala adonis na
pangangatawan
6. Anak pawis
7. Naglulubid ng buhangin
8. Bukang liwayway
44
HANAY B
a. mag-uumaga
b. kuripot
c. sinungaling
d. biyaya
e. mahirap
f. ina
g. makisig
h. mabuti
HANAY A
9. Itaga mo sa bato
10. Dalisay
11. Nagsusunog ng kilay
12. Isang kahig, isang tuka
13. Makabagbag damdamin
14. Kabungguang balikat
15. Di mahulugang karayom
45
HANAY B
i. maganda
j. ipinangako
k. kaibigan
l. nakakalungkot
m. naghihirap
n. matao
o. nag-aaral mabuti
Pagsasanay 2
Panuto: Hanapin ang kahulugan ng salita sa loob ng kahon. Piliin ang titik ng
tamang sagot.
___1.Maibigin ___2. Nagdaraos ___3. Tuminag
___4. Sukluban ___5. Tinutuntun
46
a. nagdiriwang b. takpan c. mapagmahal
d. pinupuntahan e. kumibo
Panuto: Balikan ang alamat na binasa. Kopyahin ang mga salitang may salungguhit ang
kaisipan na nais nitong ipahatid sa sagutang papel.
Gawain 1
47
PAMAGAT
Matalinghagang
Salita
_____________
Matalinghagang
Salita
____________
Matalinghagang
Salita
____________
KAISIPAN
KAISIPAN
KAISIPAN
Kaisipan na
nais ipabatid
____________
Kaisipan na
nais ipabatid
____________
Kaisipan na
nais ipabatid
____________
Panuto: Gumawa ng hugot o pick-up lines na
ginagamitan ng matatalinghagang salita.
48
Pagsasanay 3
2
________
________
________
________
3
________
________
________
________
4
________
________
________
________
5
________
________
________
________
1
_______
_______
_______
_______
1. Paano makatutulong ang
alamat sa pagpapanatili at
pagpapaunlad ng kultura ,
tradisyon at kaugaliang
Pilipino na minana pa natin
bilang isang katutubong
panitikan ng lahi?
49
MGA POKUS NA TANONG
2. Nakatutulong ba ang
paggamit ng mga salitang
pang-abay na pamanahon at
panlunan upang mabisang
maipahatid ang mahahalagang
pangyayari sa isang kuwento
tulad ng alamat? Patunayan.
Isaisip
Panuto: Dugtungan mo ang pahayag upang makabuo ng diwa…
1. Natutunan ko na ang alamat ay _____________________
_________________________________________________
2. Mahalagang matutuhan natin ang mga matalinhagang pahayag
upang ________________________________________________
50
Isagawa
Panuto: Gumawa ng limang hugot o pick-up lines na
gagamitan ng matalinghagang salita.
1. _________ 2. _________ 3. _________ 4. ________ 5. _________
_________ _________ _________ _________ _________
_________ _________ _________ _________ _________
51
MGA PAMANTAYAN
Ang sinulat na sariling hugot o pick-up lines ay matataya
sa pamamagitan ng sumusunod na pamantayan.
a. Nilalaman 15
b. May orihinalidad 15
c. Organisasyon ng ideya 10
d. Gamit ang matatalinghang pahayag 10
52
Kabuuan: 50
TAYAHIN
53
Batid kong marami ka nang impormasyong nalaman tungkol sa ating aralin.
Ngayon naman subukin natin ang iyong mga natutuhan.
Paunto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Piliin ang letra ng wastong
sagot.
1. Anong elemento ng alamat matatagpuan ang bahaging ito.
Ang mga naninirahan sa nayong iyon ay namumuhay nang tahimik,
maibigin sila sa kapwa at may takot sa kanilang bathala.
a. tauhan c. suliranin
b. tagpuan d. katapusan
54
2. Anong element ng alamat matatagpuan ang bahaging ito? Isang araw ay
nagpunta si Kunto sa gubat upang mamana. Nakakita siya ng uwak na
nakatayo sa landa na kanyang tinalunton.
a. tauhan c. suliranin
b. tagpuan d. katapusan
3. Anong elemento ng alamat matatagpuan ang bahaging ito?
Tinaga ng tinag ang puno at binungkal ang lupa upang lumuwag ang mga
ugat nang malapit nang bumuwal ang lupa , kumidlat nang ubod talim.
Kumulog nang ubod lakas at parang pinagsakluban ang lupa at langit.
a. suliranin c. kakalasan
b. katapusan d. kasukdulan
55
4. Bahagi ng alamat na binubuo ng kakalasan at katapusan.
a. wakas c. gitna
b. simula d. tunggalian
5. Tawag sa gumaganap sa kuwento na maaring bida, kontrabida o suporta.
a. tagpuan c. tauhan
b. wakas d. kasukdulan
6. Ang pinakamadulang bahagi kung saan maaring makamtan ng
pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kaniyang ipinaglalaban.
a. tunggalian c. katapusan
b. kasukdulan d. tagpuan
56
7. Ito ang tawag sa pinagmulan ng isang pook, ng isang halaman o
punongkahoy, ng bulaklak at iba pang bagay.
a. alamat c. mitolohiya
b. epiko d. bugtong
8. Alin ang kasingkahulugan ng pariralang buwaya sa katihan?
a. mapang-api c. mapanukso
b. mapang-imbot d. mapagmalabis
57
9. Hindi siya nag-urong-sulong sa pagtulong sa mga mahihirap.
a. nalito c. naguluhan
b. nag-alinlangan d. nag-atubili
10. Nasasalamin sa kanyang mukha ang pagnanais makahingi ng tawad.
a. namamasid c. mapagmataas
b. nababakas d. matapobre
Karagdagang Gawain
58
Panuto: Gamit ang inyong mga kaalaman sa unang bahagi ng araling ito,
susubukan natin ang talas ng inyong isip. Ibigay ang kahulugan ng
matatalinghagang salita na nasa ibaba at gamitin sa pangungusap.
1. Balat sibuyas: __________________________________
2. Pagsweldo ng tulisan: ____________________________
3. Magmamahabang dulang: _________________________
4. Di maliparang uwak: ______________________________
5.Nagtataingang-kawali: _____________________________
Maraming
salamat!
59

More Related Content

Similar to Aralin-1.2-Alamat-at-Matalinghagang-Pahayag.pptx

angkop-na-pahayag-sa-panimula-gitna-at-wakas_compress.pptx
angkop-na-pahayag-sa-panimula-gitna-at-wakas_compress.pptxangkop-na-pahayag-sa-panimula-gitna-at-wakas_compress.pptx
angkop-na-pahayag-sa-panimula-gitna-at-wakas_compress.pptx2z9s6rsqpn
 
pangunahing-at-pantulong-na-kaisipan-worksheet-2.pdf
pangunahing-at-pantulong-na-kaisipan-worksheet-2.pdfpangunahing-at-pantulong-na-kaisipan-worksheet-2.pdf
pangunahing-at-pantulong-na-kaisipan-worksheet-2.pdfReychellMandigma1
 
DailyLessonLog_ESP-2_Q3_Week3-iloko.docx
DailyLessonLog_ESP-2_Q3_Week3-iloko.docxDailyLessonLog_ESP-2_Q3_Week3-iloko.docx
DailyLessonLog_ESP-2_Q3_Week3-iloko.docxMaJamieLhenDelaFuent1
 
kwentong bayan-alamat-mito-elemento week 5.ppt
kwentong bayan-alamat-mito-elemento week 5.pptkwentong bayan-alamat-mito-elemento week 5.ppt
kwentong bayan-alamat-mito-elemento week 5.pptreychelgamboa2
 
ppt.pptxppt.pptxppt.pptxppt.pptxppt.pptx
ppt.pptxppt.pptxppt.pptxppt.pptxppt.pptxppt.pptxppt.pptxppt.pptxppt.pptxppt.pptx
ppt.pptxppt.pptxppt.pptxppt.pptxppt.pptxlaranangeva7
 
Elemento ng Alamat Elemento ng AlamatElemento ng Alamat
Elemento ng Alamat Elemento ng AlamatElemento ng AlamatElemento ng Alamat Elemento ng AlamatElemento ng Alamat
Elemento ng Alamat Elemento ng AlamatElemento ng AlamatCherJovv
 
Mga Katangian ng Mito, Alamat at Kuwentong-Bayan fil 7.pptx
Mga Katangian ng Mito, Alamat at Kuwentong-Bayan fil 7.pptxMga Katangian ng Mito, Alamat at Kuwentong-Bayan fil 7.pptx
Mga Katangian ng Mito, Alamat at Kuwentong-Bayan fil 7.pptxKathleenMaeBanda
 
PAGSASALAYSAY.pptx
PAGSASALAYSAY.pptxPAGSASALAYSAY.pptx
PAGSASALAYSAY.pptxMean6
 
Las q2 filipino 8_w6
Las q2 filipino 8_w6Las q2 filipino 8_w6
Las q2 filipino 8_w6EDNACONEJOS
 
Panitikang pilipino
Panitikang pilipinoPanitikang pilipino
Panitikang pilipinoowshii
 
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOS
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOSUnang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOS
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOSESMAEL NAVARRO
 
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdfLUELJAYVALMORES4
 
Filipino 9 panitikang asyano modyul 1 aralin 2_pagsasanib ng gramatika
Filipino 9 panitikang asyano modyul 1 aralin 2_pagsasanib ng gramatikaFilipino 9 panitikang asyano modyul 1 aralin 2_pagsasanib ng gramatika
Filipino 9 panitikang asyano modyul 1 aralin 2_pagsasanib ng gramatikaChristianSunio
 
G8_WK1 karunungang bayan final.pptx
G8_WK1 karunungang bayan final.pptxG8_WK1 karunungang bayan final.pptx
G8_WK1 karunungang bayan final.pptxEDNACONEJOS
 

Similar to Aralin-1.2-Alamat-at-Matalinghagang-Pahayag.pptx (20)

angkop-na-pahayag-sa-panimula-gitna-at-wakas_compress.pptx
angkop-na-pahayag-sa-panimula-gitna-at-wakas_compress.pptxangkop-na-pahayag-sa-panimula-gitna-at-wakas_compress.pptx
angkop-na-pahayag-sa-panimula-gitna-at-wakas_compress.pptx
 
MITO-ALAMAT-KWENTO-DLP-G7.docx
MITO-ALAMAT-KWENTO-DLP-G7.docxMITO-ALAMAT-KWENTO-DLP-G7.docx
MITO-ALAMAT-KWENTO-DLP-G7.docx
 
pangunahing-at-pantulong-na-kaisipan-worksheet-2.pdf
pangunahing-at-pantulong-na-kaisipan-worksheet-2.pdfpangunahing-at-pantulong-na-kaisipan-worksheet-2.pdf
pangunahing-at-pantulong-na-kaisipan-worksheet-2.pdf
 
DailyLessonLog_ESP-2_Q3_Week3-iloko.docx
DailyLessonLog_ESP-2_Q3_Week3-iloko.docxDailyLessonLog_ESP-2_Q3_Week3-iloko.docx
DailyLessonLog_ESP-2_Q3_Week3-iloko.docx
 
kwentong bayan-alamat-mito-elemento week 5.ppt
kwentong bayan-alamat-mito-elemento week 5.pptkwentong bayan-alamat-mito-elemento week 5.ppt
kwentong bayan-alamat-mito-elemento week 5.ppt
 
Panitikang pilipino
Panitikang pilipinoPanitikang pilipino
Panitikang pilipino
 
ppt.pptxppt.pptxppt.pptxppt.pptxppt.pptx
ppt.pptxppt.pptxppt.pptxppt.pptxppt.pptxppt.pptxppt.pptxppt.pptxppt.pptxppt.pptx
ppt.pptxppt.pptxppt.pptxppt.pptxppt.pptx
 
Elemento ng Alamat Elemento ng AlamatElemento ng Alamat
Elemento ng Alamat Elemento ng AlamatElemento ng AlamatElemento ng Alamat Elemento ng AlamatElemento ng Alamat
Elemento ng Alamat Elemento ng AlamatElemento ng Alamat
 
Mga Katangian ng Mito, Alamat at Kuwentong-Bayan fil 7.pptx
Mga Katangian ng Mito, Alamat at Kuwentong-Bayan fil 7.pptxMga Katangian ng Mito, Alamat at Kuwentong-Bayan fil 7.pptx
Mga Katangian ng Mito, Alamat at Kuwentong-Bayan fil 7.pptx
 
PAGSASALAYSAY.pptx
PAGSASALAYSAY.pptxPAGSASALAYSAY.pptx
PAGSASALAYSAY.pptx
 
KABIHASNAN AT SIBILISASYON.pptx
KABIHASNAN AT SIBILISASYON.pptxKABIHASNAN AT SIBILISASYON.pptx
KABIHASNAN AT SIBILISASYON.pptx
 
Talakayan.pptx
Talakayan.pptxTalakayan.pptx
Talakayan.pptx
 
Las q2 filipino 8_w6
Las q2 filipino 8_w6Las q2 filipino 8_w6
Las q2 filipino 8_w6
 
Panitikang pilipino
Panitikang pilipinoPanitikang pilipino
Panitikang pilipino
 
Akdang pampanitikan
Akdang pampanitikanAkdang pampanitikan
Akdang pampanitikan
 
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOS
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOSUnang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOS
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOS
 
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
 
Filipino 9 panitikang asyano modyul 1 aralin 2_pagsasanib ng gramatika
Filipino 9 panitikang asyano modyul 1 aralin 2_pagsasanib ng gramatikaFilipino 9 panitikang asyano modyul 1 aralin 2_pagsasanib ng gramatika
Filipino 9 panitikang asyano modyul 1 aralin 2_pagsasanib ng gramatika
 
Unit 1, mod 2
Unit 1, mod 2Unit 1, mod 2
Unit 1, mod 2
 
G8_WK1 karunungang bayan final.pptx
G8_WK1 karunungang bayan final.pptxG8_WK1 karunungang bayan final.pptx
G8_WK1 karunungang bayan final.pptx
 

More from evafecampanado1

Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxevafecampanado1
 
FILIPINO 8 ARALIN 1.1-KARUNUNGANG-BAYAN.pptx
FILIPINO 8 ARALIN 1.1-KARUNUNGANG-BAYAN.pptxFILIPINO 8 ARALIN 1.1-KARUNUNGANG-BAYAN.pptx
FILIPINO 8 ARALIN 1.1-KARUNUNGANG-BAYAN.pptxevafecampanado1
 
BAITANGRADE 8 -FILIPINO- ANTAS NG WIKA.pptx
BAITANGRADE 8 -FILIPINO- ANTAS NG WIKA.pptxBAITANGRADE 8 -FILIPINO- ANTAS NG WIKA.pptx
BAITANGRADE 8 -FILIPINO- ANTAS NG WIKA.pptxevafecampanado1
 
ARALIN 1 Hakbang sa Pananaliksik QUIZ.pptx
ARALIN 1 Hakbang sa Pananaliksik QUIZ.pptxARALIN 1 Hakbang sa Pananaliksik QUIZ.pptx
ARALIN 1 Hakbang sa Pananaliksik QUIZ.pptxevafecampanado1
 
Melc based Pagpapalitan ng Katwiran.pptx
Melc based Pagpapalitan ng Katwiran.pptxMelc based Pagpapalitan ng Katwiran.pptx
Melc based Pagpapalitan ng Katwiran.pptxevafecampanado1
 
Aralin 2.1 - Pangunahin at Pantulong na Kaisipan.pptx
Aralin 2.1 - Pangunahin at Pantulong na Kaisipan.pptxAralin 2.1 - Pangunahin at Pantulong na Kaisipan.pptx
Aralin 2.1 - Pangunahin at Pantulong na Kaisipan.pptxevafecampanado1
 
Komentaryong PanRadio 4TH-KWARTER-MODYUL-7-8-SHORT-CUT.pptx
Komentaryong PanRadio 4TH-KWARTER-MODYUL-7-8-SHORT-CUT.pptxKomentaryong PanRadio 4TH-KWARTER-MODYUL-7-8-SHORT-CUT.pptx
Komentaryong PanRadio 4TH-KWARTER-MODYUL-7-8-SHORT-CUT.pptxevafecampanado1
 
EAPP Critical Approaches in Writing a Critique.pptx
EAPP Critical Approaches in Writing a Critique.pptxEAPP Critical Approaches in Writing a Critique.pptx
EAPP Critical Approaches in Writing a Critique.pptxevafecampanado1
 
deped melc based EAPP Academic Text 1.pptx
deped melc based EAPP Academic Text 1.pptxdeped melc based EAPP Academic Text 1.pptx
deped melc based EAPP Academic Text 1.pptxevafecampanado1
 
Melc Based Filipino Grade 8_Q2_IPT-4.pptx
Melc Based Filipino Grade 8_Q2_IPT-4.pptxMelc Based Filipino Grade 8_Q2_IPT-4.pptx
Melc Based Filipino Grade 8_Q2_IPT-4.pptxevafecampanado1
 
melc based grade 8 KOMENTARYONG PANRADIO.pptx
melc based grade 8 KOMENTARYONG PANRADIO.pptxmelc based grade 8 KOMENTARYONG PANRADIO.pptx
melc based grade 8 KOMENTARYONG PANRADIO.pptxevafecampanado1
 
Pagbasa at Pagsusuri Tekstong Prosidyural.pptx
Pagbasa at Pagsusuri  Tekstong Prosidyural.pptxPagbasa at Pagsusuri  Tekstong Prosidyural.pptx
Pagbasa at Pagsusuri Tekstong Prosidyural.pptxevafecampanado1
 
USE-APPROPRIATE-CRITICAL-APPROACHES-IN-WRITING-A-CRITIQUE (1).pdf
USE-APPROPRIATE-CRITICAL-APPROACHES-IN-WRITING-A-CRITIQUE (1).pdfUSE-APPROPRIATE-CRITICAL-APPROACHES-IN-WRITING-A-CRITIQUE (1).pdf
USE-APPROPRIATE-CRITICAL-APPROACHES-IN-WRITING-A-CRITIQUE (1).pdfevafecampanado1
 
SHS CLASS ORIENTATION - 1st Day of Class.pptx
SHS CLASS ORIENTATION - 1st Day of Class.pptxSHS CLASS ORIENTATION - 1st Day of Class.pptx
SHS CLASS ORIENTATION - 1st Day of Class.pptxevafecampanado1
 
Writing the Reaction Paper Review Critique.pptx
Writing the Reaction Paper Review Critique.pptxWriting the Reaction Paper Review Critique.pptx
Writing the Reaction Paper Review Critique.pptxevafecampanado1
 
CATCH-UP-FRIDAY-drop-everything-and-read.pptx
CATCH-UP-FRIDAY-drop-everything-and-read.pptxCATCH-UP-FRIDAY-drop-everything-and-read.pptx
CATCH-UP-FRIDAY-drop-everything-and-read.pptxevafecampanado1
 
LESSON 4 - Identifying Thesis Statement and Outlining.pptx
LESSON 4 - Identifying Thesis Statement and Outlining.pptxLESSON 4 - Identifying Thesis Statement and Outlining.pptx
LESSON 4 - Identifying Thesis Statement and Outlining.pptxevafecampanado1
 
academic and professional purposes english for LITERATURE REVIEW.pptx
academic and professional purposes english for LITERATURE REVIEW.pptxacademic and professional purposes english for LITERATURE REVIEW.pptx
academic and professional purposes english for LITERATURE REVIEW.pptxevafecampanado1
 
Reading and Writing PROJECT PROPOSAL.pptx
Reading and Writing PROJECT PROPOSAL.pptxReading and Writing PROJECT PROPOSAL.pptx
Reading and Writing PROJECT PROPOSAL.pptxevafecampanado1
 
reading and writing RESEARCH REPORT.pptx
reading and writing RESEARCH REPORT.pptxreading and writing RESEARCH REPORT.pptx
reading and writing RESEARCH REPORT.pptxevafecampanado1
 

More from evafecampanado1 (20)

Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
 
FILIPINO 8 ARALIN 1.1-KARUNUNGANG-BAYAN.pptx
FILIPINO 8 ARALIN 1.1-KARUNUNGANG-BAYAN.pptxFILIPINO 8 ARALIN 1.1-KARUNUNGANG-BAYAN.pptx
FILIPINO 8 ARALIN 1.1-KARUNUNGANG-BAYAN.pptx
 
BAITANGRADE 8 -FILIPINO- ANTAS NG WIKA.pptx
BAITANGRADE 8 -FILIPINO- ANTAS NG WIKA.pptxBAITANGRADE 8 -FILIPINO- ANTAS NG WIKA.pptx
BAITANGRADE 8 -FILIPINO- ANTAS NG WIKA.pptx
 
ARALIN 1 Hakbang sa Pananaliksik QUIZ.pptx
ARALIN 1 Hakbang sa Pananaliksik QUIZ.pptxARALIN 1 Hakbang sa Pananaliksik QUIZ.pptx
ARALIN 1 Hakbang sa Pananaliksik QUIZ.pptx
 
Melc based Pagpapalitan ng Katwiran.pptx
Melc based Pagpapalitan ng Katwiran.pptxMelc based Pagpapalitan ng Katwiran.pptx
Melc based Pagpapalitan ng Katwiran.pptx
 
Aralin 2.1 - Pangunahin at Pantulong na Kaisipan.pptx
Aralin 2.1 - Pangunahin at Pantulong na Kaisipan.pptxAralin 2.1 - Pangunahin at Pantulong na Kaisipan.pptx
Aralin 2.1 - Pangunahin at Pantulong na Kaisipan.pptx
 
Komentaryong PanRadio 4TH-KWARTER-MODYUL-7-8-SHORT-CUT.pptx
Komentaryong PanRadio 4TH-KWARTER-MODYUL-7-8-SHORT-CUT.pptxKomentaryong PanRadio 4TH-KWARTER-MODYUL-7-8-SHORT-CUT.pptx
Komentaryong PanRadio 4TH-KWARTER-MODYUL-7-8-SHORT-CUT.pptx
 
EAPP Critical Approaches in Writing a Critique.pptx
EAPP Critical Approaches in Writing a Critique.pptxEAPP Critical Approaches in Writing a Critique.pptx
EAPP Critical Approaches in Writing a Critique.pptx
 
deped melc based EAPP Academic Text 1.pptx
deped melc based EAPP Academic Text 1.pptxdeped melc based EAPP Academic Text 1.pptx
deped melc based EAPP Academic Text 1.pptx
 
Melc Based Filipino Grade 8_Q2_IPT-4.pptx
Melc Based Filipino Grade 8_Q2_IPT-4.pptxMelc Based Filipino Grade 8_Q2_IPT-4.pptx
Melc Based Filipino Grade 8_Q2_IPT-4.pptx
 
melc based grade 8 KOMENTARYONG PANRADIO.pptx
melc based grade 8 KOMENTARYONG PANRADIO.pptxmelc based grade 8 KOMENTARYONG PANRADIO.pptx
melc based grade 8 KOMENTARYONG PANRADIO.pptx
 
Pagbasa at Pagsusuri Tekstong Prosidyural.pptx
Pagbasa at Pagsusuri  Tekstong Prosidyural.pptxPagbasa at Pagsusuri  Tekstong Prosidyural.pptx
Pagbasa at Pagsusuri Tekstong Prosidyural.pptx
 
USE-APPROPRIATE-CRITICAL-APPROACHES-IN-WRITING-A-CRITIQUE (1).pdf
USE-APPROPRIATE-CRITICAL-APPROACHES-IN-WRITING-A-CRITIQUE (1).pdfUSE-APPROPRIATE-CRITICAL-APPROACHES-IN-WRITING-A-CRITIQUE (1).pdf
USE-APPROPRIATE-CRITICAL-APPROACHES-IN-WRITING-A-CRITIQUE (1).pdf
 
SHS CLASS ORIENTATION - 1st Day of Class.pptx
SHS CLASS ORIENTATION - 1st Day of Class.pptxSHS CLASS ORIENTATION - 1st Day of Class.pptx
SHS CLASS ORIENTATION - 1st Day of Class.pptx
 
Writing the Reaction Paper Review Critique.pptx
Writing the Reaction Paper Review Critique.pptxWriting the Reaction Paper Review Critique.pptx
Writing the Reaction Paper Review Critique.pptx
 
CATCH-UP-FRIDAY-drop-everything-and-read.pptx
CATCH-UP-FRIDAY-drop-everything-and-read.pptxCATCH-UP-FRIDAY-drop-everything-and-read.pptx
CATCH-UP-FRIDAY-drop-everything-and-read.pptx
 
LESSON 4 - Identifying Thesis Statement and Outlining.pptx
LESSON 4 - Identifying Thesis Statement and Outlining.pptxLESSON 4 - Identifying Thesis Statement and Outlining.pptx
LESSON 4 - Identifying Thesis Statement and Outlining.pptx
 
academic and professional purposes english for LITERATURE REVIEW.pptx
academic and professional purposes english for LITERATURE REVIEW.pptxacademic and professional purposes english for LITERATURE REVIEW.pptx
academic and professional purposes english for LITERATURE REVIEW.pptx
 
Reading and Writing PROJECT PROPOSAL.pptx
Reading and Writing PROJECT PROPOSAL.pptxReading and Writing PROJECT PROPOSAL.pptx
Reading and Writing PROJECT PROPOSAL.pptx
 
reading and writing RESEARCH REPORT.pptx
reading and writing RESEARCH REPORT.pptxreading and writing RESEARCH REPORT.pptx
reading and writing RESEARCH REPORT.pptx
 

Aralin-1.2-Alamat-at-Matalinghagang-Pahayag.pptx

  • 1. Aralin 2: Ang Panitikan sa Panahon ng mga Katutubo: ALAMAT
  • 3. Mga Layunin 1. Nabibigyang-kahulugan ang mga talinghaga, eupimistiko o masining na pahayag ginamit sa tula, balagtasan, alamat, maikling kuwento, epiko ayon sa: - kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan
  • 4. 2. Nakikinig nang may pag-unawa upang mailahad ang layunin ng napakinggan, maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at mauri ang sanhi at bunga ng mga pangyayari
  • 5. 3. Naisusulat ang talatang: -binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga pangungusap - nagpapahayag ng sariling palagay o kaisipan -nagpapakita ng simula, gitna, wakas
  • 6. SUBUKIN I. Basahing at unawaing mabuti ang sumusunod na aytem. Piliin ang letra ng tamang sagot. 6
  • 7. 1. Dito inilalahad ang magiging resolusyon ng kuwento. a. suliranin c. tungalian b. katapusan d.kakalasan 7
  • 8. 2. Inilalahad ang problemang haharapin ng pangunahing tauhan. a. suliranin c. kakalasan b. katapusan d.tunggalian 8
  • 9. 9 3. Anong uri ng pang –abay ang nagsasaad kung kailan naganap ginaganap o gaganapin ang kilos ang isang pangyayari o kilos? a. Pamilang c. Pamanahon b. Panlunan d. Pamaraan
  • 10. 10 4. Ito ang bahaging nagpapakita ng unti- unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. a. suliranin c. kakalasan b. katapusan d.tunggalian
  • 11. 11 5. Dito inilalahad ang pakikitunggali o pakikisapagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin. a. suliranin c. kakalasan b. katapusan d.tunggalian
  • 12. BALIKAN Panuto: Tukuyin kung salawikain, sawikain, kasabihan, ang mga pahayag sa sumusunod na larawan.
  • 13. TUKLASIN Gawain 1: Pansinin mo ang mga larawan na nasa ibaba. Alam mo ba angpinagmulan nito? Batay sa dati mong kaalaman, naririnig, nababasa, o napapanood, magbigay ng mahalagang kaalaman tungkol sa maaring pinagmulan ng mga nalarawan. 13
  • 14. 1. Magbigay ng maaring maging paksa ng alamat. ____________________________________________________ 2. Makatutulong ba ang alamat upang maging malinaw ang pinagmulan ng mga bagay? Paano? _____________________________________________________ 3. Masasalamin ba sa mga paksa ng alamat ang pagiging Pilipino ? Patunayan. _____________________________________________________ 14 Mga Tanong
  • 15. 1. Paano makatutulong ang alamat sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng kultura , tradisyon at kaugaliang Pilipino na minana pa natin bilang isang katutubong panitikan ng lahi? 15 GAWAIN 2 MGA POKUS NA TANONG 2. Nakatutulong ba ang paggamit ng mga salitang pang-abay na pamanahon at panlunan upang mabisang maipahatid ang mahahalagang pangyayari sa isang kuwento tulad ng alamat? Patunayan.
  • 16. TALASALITAAN Panuto : Piliin sa loob ng panaklong ang kahulugan ng matatalinghagang pahayag/salita na nakahilig sa loob ng pangungusap. 1. “Marahil ang ibong iyon ay sugo ng ating Bathala” (padala , kampon, kaibigan, kakampi) 16
  • 17. 17 2. “ Ang baboy na ito ay inaalay sa kanilang bathala upang mapawi ang galit” (magalit nang sobra , mapigil ang galit , matanggal ang galit , madagdagan ang galit)
  • 18. 18 3. “ Sinabi ng matanda na sukluban siya ng isang malaking palayok” (alisin , ikutin , takpan , angatin)
  • 19. 19 4. “Nang malapit nang mabuwal ang punongkahoy ay kumidlat nang ubod talim” (umulan kaya kumidlat, kumidlat nang matalim, kumidlat nang malakas, kumidlat nang ubod-lakas)
  • 20. 20 5. Dinaanan ng salot na balang ang palayan ni Kunto. (peste, hadlang, minalas, isinumpa)
  • 21. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang Alamat mula sa Pulo ng Luzon (Benguet) 21 UNAWAIN
  • 22. ALAMAT NG GINTO (Alamat ng Baguio) Sa isang nayon sa Baguio na kung tawagin ay Suyuk, naninirahan ang mga Igorot na pinamumunuan ni Kunto. Si Kunto ay bata pa ngunit siya ang pinakama-lakas at pinakamatapang sa kanilang nayon kaya siya ang ginawang puno ng matatandang pantas. Ang mga naninirahan sa nayong ito ay namumuhay nang tahimik . Maibigin sila sa kapwa at may takot sila sa kanilang bathala. Taun-taon ay nagdaraos sila ng caᾗao bilang parangal sa kanilang mga anito. Noong panahong iyon, ang mga Igorot ay naniniwala sa iba’t ibang anito. 22
  • 23. Kung nagdaraos sila ng caᾗao ay lingguhan ang kanilang handa. Nagpapatay sila ng baboy na iniaalay sa kanilang bathala. Nagsasayawan at nagkakantahan sila. Isang araw ay nagtungo si Kunto sa gubat upang mamana. Hindi pa siya lubhang nakalalayo nang nakakita siya ng isang uwak. Nakatayo ito sa isang landas na kanyang tinutunton. Karaniwang ang mga ibon sa gubat ay maiilap ngunit ang ibong ito ay kaiba. Lumakad si Kunto palapit sa ibon ngunit hindi ito tuminag sa pagkakatayo sa gitna ng landas. Nang may iisang dipa na lamang siya mula sa ibon, bigla siyang napatigil. 23
  • 24. Tinitigan siyang mainam ng ibon at saka tumango nang tatlong ulit bago lumipad. Matagal na natigilan si Kunto . Bagamat siya’y malakas at matapang, sinagilahan siya ng takot. Hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin ng kanyang nakita. Hindi na niya ipinagpatuloy ang kanyang pamamana. Siya’y bumalik sa nayon at nakipagkita sa matatandang pantas. Anang isang matanda, “ Marahil ang ibong iyon ay ang sugo ng ating bathala. Ipinaaalaala sa atin na dapat tayong magdaos ng caᾗao.” Kung gayon, ngayon din ay magdaraos tayo ng caᾗao,” ang pasiya ni Kunto. Ipinagbigay-alam sa lahat ang caᾗao na gagawin. Lahat ng mamamayan ay kumilos upang ipagdiwang ito sa isang altar sa isang bundok- bundukan. Ang mga babae naman ay naghanda ng masasarap na pagkain. 24
  • 25. Nang ang lahat ay nakahanda na, ang mga lalaki ay humuli ng isang baboy. Ang baboy na ito ay siyang iaalay sa kanilang bathala upang mapawi ang galit, kung ito man ay nagagalit sa kanila. Inilagay ang baboy sa altar na ginawa nila sa itaas ng bundok- bundukan. Anong laking himala ang nangyari! Nakita nilang ang baboy ay napalitan ng isang pagkatanda-tandang lalaki! Ang mukha ay kulay- lupa na sa katandaan at halos hindi na siya makaupo sa kahinaan.Ang mga tao ay natigilan. Nanlaki ang mga mata sa kanilang nakita. Sila’y natakot. Maya-maya’y nagsalita ang matanda at nagwika nang ganito: “Mga anak magsilapit kayo. Huwag kayong matakot. Dahil sa kayo’y mabuti at may loob sa inyong bathala, gagantimpalaan ko ang inyong kabutihan. Lamang ay sundin ninyo ang lahat ng aking ipagbilin. 25
  • 26. “Kumuha kayo ng isang tasang kanin at ilagay ninyo rito sa aking tabi. Pagkatapos sukluban ninyo ako ng isang malaking palayok. Ipagpatuloy ninyo ang inyong caᾗao. Pagkalipas ng tatlong araw, bumalik kayo rito sa pook na ito. Makikita niyo ang isang punungkahoy, na kahit minsan sa buhay ninyo ay hindi pa ninyo nakikita o makikita magpakailanman. Ang bunga,dahon, at sanga ay maaari ninyong kunin ngunit ang katawan ay huwag ninyong gagalawin. Huwag na huwag ninyong tatagain ang katawan nito.” Tinupad naman ng mga tao ang ipinagbilin ng matanda.Ipinagpatuloy nila ang kanilang pista. Pagkaraan ng tatlong araw, bumalik sila sa pook na pinag-iwanan sa matanda. Itinaas nila ang palayok at gaya ng sinabi ng matanda, nakita nila ang isang punungkahoy na maliit. Kumikislap ito sa liwanag ng araw-lantay na ginto mula sa ugat hanggang sa kaliit-liitang dahon. 26
  • 27. Nagsigawan ang mga tao sa laki ng galak. Si Kunto ang kauna- unahang lumapit sa punungkahoy at pumitas ng isang dahon. Pagkapitas sa dahon ay nagkaroon kaagad ng kapalit ito kayat nag-ibayo ang tuwa sa mga tao. Bawat isa ay pumitas ng dahoon. Sa loob ng maikling panahon, yumaman ang mga taga-Suyuk.Ang dati nilang matahimik na pamumuhay ay napalitan ng pag-iimbutan at inggitan. Ang punungkahoy naman ay patuloy sa pagtaas hanggang sa ang mga dulo nito’y hindi na maabot ng tingin ng mga tao. Isang araw, anang isang mamamayan, “kay taas-taas na at hindi na natin maabot ang bunga o dahon ng punong-ginto. Mabuti pa ay pagputul- putulin na natin ang mga sanga at dahon nito. Ang puno ay paghahati-hatian natin.” 27
  • 28. Kinuha ng mga lalaki ang kanilang mga itak at palakol. Ang iba ay kumuha ng mga sibat. Tinaga nila nang tinaga ang puno at binungkal ang lupa upang lumuwag ang mga ugat.Nang malapit nang mabuwal ang punungkahoy ay kumidlat nang ubod-talim. Kumulog nang ubos-lakas at parang pinagsaklob ang lupa at langit. Ang punungkahoy ay nabuwal. Nayanig ang lupa at bumuka sa lugar na kinabagsakan ng puno. Isang tinig ang narinig ng mga tao. “ Kayo ay binigyan ng gantimpala sa inyong kabutihan. Ang punong-ginto upang maging mariwasa ang inyong pamumuhay. Sa halip na kayo’y higit na mag-ibigan , kasakiman ang naghari sa inyong mga puso. 28
  • 29. 29 Hindi ninyo sinunod ang aking ipinagbilin na huwag ninyong sasaktan ang puno. Sa tuwi-tuwina ay inyong nanaisin ang gintong iyan.” At pagkasabi ng mga katagang ito, sa harap ng mga tao sa Suyuk, ang puno ay nilulon na ng lupang kinabuwalan. Mula nga noon, nagkaroon na ng minang ginto sa Baguio at nakukuha lamang ito sa pamamagitan ng paghukay sa lupa.
  • 30. Pang-unawa sa Binasa Panuto: Basahin at unawain mabuti ang bawat katanungan. Itala ang iyong kasagutan sa nakalaang patlang. 1.Anu-ano ang mga paglalarawan sa mga tauhan at pook na binanggit sa tekstong binasa. ____________________ _______________________________________________ _______________________________________________ 30
  • 31. 2. Paano magdudulot ng kapahamakan ang kasakiman at inggit? Tama ba ang ginawa at inasal ng mga tao sa kuwento? ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ 3. Bakit nawala ang kasaganaang tinatamasa ng mga taga- Suyuk? __________________________________________________ __________________________________________________ 31
  • 32. 4 . Sa iyong palagay , makatarungan ba sa mga taga-Suyuk ang parusang iginawad ng matanda sa kanila? Pangatwiranan ito sa tulong ng dayagram. 32 OO Makatarungan ba sa mga taga-Suyuk ang parusang iginawad ng matanda sa kanila ? KONGKLUSYON HINDI
  • 33. 5. Isa-isahin ang kaugalian ng mga Igorot na binanggit sa alamat na dapat nang itigil at dapat pang ipagpatuloy.Ipaliwanag. 33 Kaugalian ng mga Igorot na binanggit sa lamat Dapat Ipagpatuloy Dapat itigil
  • 34. Gawain 1: Isalaysay muli ang alamat batay sa sumusunod na bahagi. 34 PAKSA Panimula Gitna Wakas
  • 35. ALAM MO BA? A. Ang salitang Alamat ay panumbas sa legend ng Ingles. Ang katawagan namang ito ay nagmula sa salitang Latin na legendus, na ang kahulugan ay upang mabasa. B. Ang Alamat ay isa sa kauna-unahang panitikan ng mga Pilipino bago pa dumating ang mga Español. 35
  • 36. C. Karaniwang kathang-isip o maaari namang hango sa tunay na pangyayari. Pinagmulan ng isang pook, ng isang halaman o punongkahoy, ng ibon, ng bulaklak at iba pang mga bagay ang karaniwang paksa nito. Maaari ring tungkol sa mga pangyayaring di- kapani-paniwala o kaya’y tungkol sa pagkakabuo ng pangalan ng lugar, bagayat iba pa. D. Layunin din ng alamat na manlibang. 36
  • 37. E. May tatlong bahagi ang alamat.Simula: 1. Simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung sino-sino ang magsisiganap sa kuwento at kung ano ang papel na gagampanan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida, o suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento. At ang bahagi ng suliranin ang nagsasaad ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan. 37
  • 38. 2. Gitna: Binubuo ang Gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging nagsasaad sa pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan sasarili , sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan maaaring makamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kaniyangipinaglalaban. 38
  • 39. 3. Wakas: Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan . Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. At ang katapusan ang bahaging maglalahad ng magiging resolusyonng kuwento. Maaaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo. 39
  • 41. Matatalinghagang Salita  Ito ay bukang bibig na hango sa karanasan ng tao at nagsisilbing patnubay sa dapat gawin sa buhay. (Nacin et.al).  Binubuo ng isa o dalawang taludtod na may sukat at tugma at kadalasan ay patula. 41
  • 42. Ang matalinghagang salita ay mga salitang may malalim na kahulugan. Ito ay kadalasang binubuo ng tambalang salita na ang kahulugan ay naiiba sa kahulugan ng dalawang salitang pinagtambal. Ito ay bukambibig na hango sa karanasan ng tao at nagsisilbing patnubay na dapat gawin sa buhay. Binubuo ng isa o dalawang taludtod na may sukat at tugma. Mga Halimbawa: - Balat sibuyas – sinsitibo - Isang kahig-isang tuka- naghihirap - Alog na ang baba- matanda na 42
  • 43. Pagsasanay 1 Panuto: Hanapin ang kahulugan ng mga salitang nasa Hanay A sa Hanay B 43
  • 44. HANAY A 1. May bulsa sa balat 2. Hulog ng Langit 3. Ilaw ng tahanan 4. Busilak ang Kalooban 5. Mala adonis na pangangatawan 6. Anak pawis 7. Naglulubid ng buhangin 8. Bukang liwayway 44 HANAY B a. mag-uumaga b. kuripot c. sinungaling d. biyaya e. mahirap f. ina g. makisig h. mabuti
  • 45. HANAY A 9. Itaga mo sa bato 10. Dalisay 11. Nagsusunog ng kilay 12. Isang kahig, isang tuka 13. Makabagbag damdamin 14. Kabungguang balikat 15. Di mahulugang karayom 45 HANAY B i. maganda j. ipinangako k. kaibigan l. nakakalungkot m. naghihirap n. matao o. nag-aaral mabuti
  • 46. Pagsasanay 2 Panuto: Hanapin ang kahulugan ng salita sa loob ng kahon. Piliin ang titik ng tamang sagot. ___1.Maibigin ___2. Nagdaraos ___3. Tuminag ___4. Sukluban ___5. Tinutuntun 46 a. nagdiriwang b. takpan c. mapagmahal d. pinupuntahan e. kumibo
  • 47. Panuto: Balikan ang alamat na binasa. Kopyahin ang mga salitang may salungguhit ang kaisipan na nais nitong ipahatid sa sagutang papel. Gawain 1 47 PAMAGAT Matalinghagang Salita _____________ Matalinghagang Salita ____________ Matalinghagang Salita ____________ KAISIPAN KAISIPAN KAISIPAN Kaisipan na nais ipabatid ____________ Kaisipan na nais ipabatid ____________ Kaisipan na nais ipabatid ____________
  • 48. Panuto: Gumawa ng hugot o pick-up lines na ginagamitan ng matatalinghagang salita. 48 Pagsasanay 3 2 ________ ________ ________ ________ 3 ________ ________ ________ ________ 4 ________ ________ ________ ________ 5 ________ ________ ________ ________ 1 _______ _______ _______ _______
  • 49. 1. Paano makatutulong ang alamat sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng kultura , tradisyon at kaugaliang Pilipino na minana pa natin bilang isang katutubong panitikan ng lahi? 49 MGA POKUS NA TANONG 2. Nakatutulong ba ang paggamit ng mga salitang pang-abay na pamanahon at panlunan upang mabisang maipahatid ang mahahalagang pangyayari sa isang kuwento tulad ng alamat? Patunayan.
  • 50. Isaisip Panuto: Dugtungan mo ang pahayag upang makabuo ng diwa… 1. Natutunan ko na ang alamat ay _____________________ _________________________________________________ 2. Mahalagang matutuhan natin ang mga matalinhagang pahayag upang ________________________________________________ 50
  • 51. Isagawa Panuto: Gumawa ng limang hugot o pick-up lines na gagamitan ng matalinghagang salita. 1. _________ 2. _________ 3. _________ 4. ________ 5. _________ _________ _________ _________ _________ _________ _________ _________ _________ _________ _________ 51
  • 52. MGA PAMANTAYAN Ang sinulat na sariling hugot o pick-up lines ay matataya sa pamamagitan ng sumusunod na pamantayan. a. Nilalaman 15 b. May orihinalidad 15 c. Organisasyon ng ideya 10 d. Gamit ang matatalinghang pahayag 10 52 Kabuuan: 50
  • 53. TAYAHIN 53 Batid kong marami ka nang impormasyong nalaman tungkol sa ating aralin. Ngayon naman subukin natin ang iyong mga natutuhan. Paunto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Piliin ang letra ng wastong sagot. 1. Anong elemento ng alamat matatagpuan ang bahaging ito. Ang mga naninirahan sa nayong iyon ay namumuhay nang tahimik, maibigin sila sa kapwa at may takot sa kanilang bathala. a. tauhan c. suliranin b. tagpuan d. katapusan
  • 54. 54 2. Anong element ng alamat matatagpuan ang bahaging ito? Isang araw ay nagpunta si Kunto sa gubat upang mamana. Nakakita siya ng uwak na nakatayo sa landa na kanyang tinalunton. a. tauhan c. suliranin b. tagpuan d. katapusan 3. Anong elemento ng alamat matatagpuan ang bahaging ito? Tinaga ng tinag ang puno at binungkal ang lupa upang lumuwag ang mga ugat nang malapit nang bumuwal ang lupa , kumidlat nang ubod talim. Kumulog nang ubod lakas at parang pinagsakluban ang lupa at langit. a. suliranin c. kakalasan b. katapusan d. kasukdulan
  • 55. 55 4. Bahagi ng alamat na binubuo ng kakalasan at katapusan. a. wakas c. gitna b. simula d. tunggalian 5. Tawag sa gumaganap sa kuwento na maaring bida, kontrabida o suporta. a. tagpuan c. tauhan b. wakas d. kasukdulan 6. Ang pinakamadulang bahagi kung saan maaring makamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kaniyang ipinaglalaban. a. tunggalian c. katapusan b. kasukdulan d. tagpuan
  • 56. 56 7. Ito ang tawag sa pinagmulan ng isang pook, ng isang halaman o punongkahoy, ng bulaklak at iba pang bagay. a. alamat c. mitolohiya b. epiko d. bugtong 8. Alin ang kasingkahulugan ng pariralang buwaya sa katihan? a. mapang-api c. mapanukso b. mapang-imbot d. mapagmalabis
  • 57. 57 9. Hindi siya nag-urong-sulong sa pagtulong sa mga mahihirap. a. nalito c. naguluhan b. nag-alinlangan d. nag-atubili 10. Nasasalamin sa kanyang mukha ang pagnanais makahingi ng tawad. a. namamasid c. mapagmataas b. nababakas d. matapobre
  • 58. Karagdagang Gawain 58 Panuto: Gamit ang inyong mga kaalaman sa unang bahagi ng araling ito, susubukan natin ang talas ng inyong isip. Ibigay ang kahulugan ng matatalinghagang salita na nasa ibaba at gamitin sa pangungusap. 1. Balat sibuyas: __________________________________ 2. Pagsweldo ng tulisan: ____________________________ 3. Magmamahabang dulang: _________________________ 4. Di maliparang uwak: ______________________________ 5.Nagtataingang-kawali: _____________________________