2. Dalawang sektor ang pinanggalingan ng kita ng bukas na
ekonomiya…ang panloob na sektor at ang eksternal na
sektor..
PANLOOB NA SEKTOR
Nagsasagawa ng desisyon sa loob ng pambansang
ekonomiya.
Kabilang na dito ang sambahayan,bahay-kalakal,at
pamahalaan.
EKSTERNAL NA SEKTOR
Binubuo ng mga aktor ng pambansang ekonomiya na
aktibo sa kalakalang panlabas.
Kabilang dito ang bahay-kalakal na umaangkat at
nagluluwas ng mga produkto.
Kabilang din ang mga aktor ng sambahayan na
nakikipagsapalaran sa dayuhang ekonomiya.
Kasama na rin dito ang mga namumuhunan at umuutang
sa dayuhang ekonomiya.
3. PAGSUKAT NG PRODUKSYON AT PAMBANSANG KITA
Sa isang bukas na ekonomiya,may dalawang pakahulugan ang
pambansang ekonomiya.Unang pakahulugan nito ang umiiral
na ekonomiya sa isang bansa.Ikalawang pakahulugan ang lawak
ng gawain ng mga aktor ng isang ekonomiya sa iba’t –ibang
panig ng daigdig.
Sa pagsukat ng pambansang kita,naisasaalang-alang naman ang
dalawang kahulugan ng pambansang ekonomiya.Isa sa mga
panukat ng kita ng bansa ang Gross National Pruduct (GNP).
Ang GNP ay halaga ng kabuuang produksyon ng mamayan ng
isang bansa sa loob at labas ng pambansang ekonomiya
Ang ikalawang panukat naman ay ang Gross Domestic Product
(GDP).
Ang GDP naman ay ang halaga ng kabuuang produksyon sa
loob ng pambansang ekonomiya.Isinasama rito ang produksyon
ng mga dayuhang aktor na nasa loob ng pambansang
ekonomiya.
4. Bilang mga panukat ng pambansang kita,ang GNP at GDP
ay tinatawag na National Income Accounts.
Tinatawag na National Income Accounting ang pagsukat sa
GNP at GDP.
Tatlo ang pamamaraan ng National Income Accounting.
Ang unang pagsukat ay sa pamamaraan ng gastusin o
expenditure apprach.
Ang ikalawa ay sa pamamaraan ng kita o income approach.
At ang ikatlo ay sa pamamaraan ng value added approach.
5. PAMAMARAAN NG GASTUSIN
Sinusukat ng pamamaraan ng gastusin ang pinaggamitan ng
kita ng pambansang ekonomiya.Sa isang pamamaraan ng
gastusin,ang pormula ng pambansang kita ay:
GNP= C + I + G + (X - M) + NFIA
GNP=GDP +NFIA
C = Gastusin ng sambahayan o
PERSONAL CONSUMPTION
EXPENDITURE.
G = Gastusin ng pamahalaan o
GOVERNMENT CONSUMPTION.
I = Gastusin ng bahay-kalakal sa
pamumuhunan o CAPITAL
FORMATION.
X = Kita sa export o EMPORT
REVENUES.
M = Pinambayad sa import o IMPORT
SPENDING.
X - M = Balance of trade o NET
EXPORTS.
NFIA = Net Factor Income from
Abroad.
NFIA = Kita ng pambansang
ekonomiya mula sa mga salik ng
produksyon na nasa ibang bansa.
-Pambayad sa dayuhang ekonomiya
para sa angkat na mga salik ng
produksyon.
6. Ipinapakita sa talahanayan 18.1 sa susunod na pahina ang
pagkwenta ng GNP at GDP ng Pilipinas .Gamit dito ang
expenditure approach para sa mga taong 2004 hanggang
2007.May tala na statistical discrepancy sa talahanayan.
Layunin ng statistical discrepancy na maisaayos ang
pagkuwenta ng pambansang kita.Ngunit hindi ito sakop
ng talakayan ng araling ito.
Ang National Economic Development Authority (NEDA)
ang opisyal na tagalabas ng tala ng pambansang kita ng
bansa.Nakaatang naman sa isang sangay ng NEDA ..ang
National Statistical Coordination Board (NSCB), ang
income accounts.
Itinatala ng NSCB ang GNP at GDP sa national income
accounts.Kasama ang GNP at GDP,ang lahat ng
pambansang estadistika ay tinitipon ng NSCB sa Philippine
Statistical Yearbook.
7. Talahanayan 18.1 Pambansang kita sa pamamaraan ng
gastusin.(Sa milyong piso,presyo sa kasalukuyang panahon)
Detalye 2004 2005 2006 2007
I.Personal consumption Expenditure(C) 3,346,716 3,772,249 4,229,502 4,611,884
II. Government consumption(C) 429,110 527,045 589,930 646,676
III. Capital Formation(I)
A. Fixed Capital
1. Constration
2. Durable Equipment
3.Breeding Stocks and Orchard Development
B. Change in Stocks
815,981
784,066
369,053
351,657
63,356
31,915
793,989
783,404
365,910
351,859
65,635
10,585
874,583
845,882
415,244
358,265
72,373
28,701
1,013,941
985,499
524,877
381,935
78,686
28,442
IV. Exports(X)
A. Merchandise exports
B. Non-Factor Services
2,480,966
2,186,749
294,217
2,589,739
2,247,575
342,164
2,851,390
2,402,448
448,942
2,833,634
2,295,667
537,966
V. Minus: Imports(M)
A. Merchandise imports
B. Non-Factor Services
2,659,009
2,507,035
151,974
2,816,243
2,649,311
166,932
2,894,694
2,716,261
178,433
2,802,659
2,616,922
185,667
VI. Statistical Discrepancy 394,790 577,260 382,124 344,770
Gross Domestic Product (GNP) 4,871,555 5,444,039 6,032,835 6,648,245
VII. Net Factor Income From Abroad (NFIA) 376,509 447,145 500,940 601,078
Gross National Product (GNP) 5,248,064 5,891,183 6,533,775 7,249,323
8. ang mga salik ng produksyon na iniluluwas at
inaangkat ng pambansang ekonomiya mula sa
dayuhang ekonomiya ay kasamang kinukuwenta sa
GNP.
Pumapasok ang mga ito sa aytem na Net Factor
Income From Abroad(NFIA). Ang ibang katawagan sa
NFIA ay Net Factor Income From The Rest Of The
World..
9. Matutunghayan sa talahanayan 18.2 sa pahina 225 ang
pagkuwenta sa NFIA. Naglalaman ito ng mga aytem na
mga inflow at outflow.
Ang mga inflow ay mga salik ng produksyon na iniluluwas
sa ga dayuhang ekonomiya kung saan kumikita ang
pambansang ekonomiya.
Ang mga outflow naman ay mga salik ng produksyon na
inaangkat mula sa mga dayuhang ekonomiya. Ang mga
outflow ay binabayaran ng pambansang ekonomiya.
Ang difference ng nakuwentang infow at outflow ang
sinasabing NFIA. Kinakailangang positibo ang NFIA upang
makatulong sa paglago ng ekonomiya. Ibig sabihin,mas
maraming kinikita ang pambansang ekonomiya kaysa
binabayarang gastusin sa pag-aangkat ng mga salik ng
produksyon.
10. Talahanayan 18.2: Net Factor Income From Abroad (NFIA) ng
Pilipinas. (Sa milyong piso,presyo sa kasalukuyang panahon)
Detalye
2004 2005 2006 2007
Inflow (export)
Compensation
Property Income
KABUUANG BAYARIN
540,353
48, 981
589,334
622,960
57,577
680,536
706,928
83,685
790,613
762,496
113,511
876,007
Out Flow (import)
Compensation
property Income
KABUUANG BAYARIN
_____
212,825
212,825
_____
233,392
233,392
_____
289,674
289,674
_____
274,929
274,929
Net Factor Income 376,509 447,145 500,940 601,078
11. Dalawang salik ng produksyon ang ibinibilang sa nga
inflow at outflow.
Una na dito ang paggawa. Ang kinikita ng mga
manggagawa na nakikipagsapalaran sa dayuhang
ekonomiya ay nakatala sa Compensatoin. Ang mga
tinatawag na overseas Filipino Worker (OFW) ay
nagpapasok ng kita sa Pilipinas.
Tinatawag itong remittance ng mga OFW. Ang remittance
ng mga OFW ay laman ng aytem na inflow at tinatawag na
Compensation.
Samantala ,ang mga binabayad ng pambansang ekonomiya
parasa mga dayuhang manggagawa ay nabibilang sa aytem
na mga outflow at tinatawag na Compensation.
12. Ang ikalawang salik ay kapital. Ginagamit ito sa
pamumuhunan sa dayuhang ekonomiya. Gayundin ang
mga dayuhang ekonomiya ay namumuhunan sa
pambansang ekonomiya.
Kumikita ang dalawang ekonomiya sa pamumuhunan at ito
ay tinatawag na Investment o Property Income. Ngunit ang
Investment o Property Income ng dayuhag ekonomiya ay
Investment o Property Expense sa pananaw ng pambansang
ekonomiya.
Ang mga anyo ng Investment Income ay ang
Dibidendo,Interes,at Tubo mula sa negosyo.
Ang Dibidendo(dividends) ay ang pinaghahatiang halaga
ng kita ng bahay-kalakal matapos itong mabuwisan.
13. Pamamaraan ng Kita
Ang ikalaawang panukat ay sa pamamaraan ng kita o Income
Approach. Tinutukoy ng Income Approach ang
pangangailangan ng pambansang kita.
Ayon kay Campbell McConnel isang amerikanong propesor
ng ekonomiks,ang pormula ng pambansang kiya sa
pamamaraan ng kita ay:
GNP = capital consumption allowance +
indirect business tax + compensation of
employees + rents + interests + proprietor’s
income + corporate income taxes +
dividends + undistributed corporate
profits.
14. Ang halaga ng nagamit na kapital ay consumption
allowance.
Ang indiret business tax ay mga buwis na ipinapataw ng
pamahalaan sa isang produkto. Halimbawa ay excise tax at
value added tax.
Ang compensation of employees ay ang sahod ng
manggagawa.
Ang rent ay ang kita mula sa lupa.
Ang interest ay kita mula sa capital.
Kita ng entreprenyur sa kanyang negosyo ang proprietor’s
income.
Ang buwis na galing sa kita ng mga bahay-kalakal ay ang
corporate income tax.
Ang natira sa kinita ng bahay-kalakal matapos mabawasan
ng dividends ay undistributed corporate profits.
15. Ang ikatlong panukat ay sa pamamaraan ng value added. Sinusukat
dito ang ang karagdagang halaga ng produksyon ng bawat sektor ng
ekonomiya. Ang tinutukoy na sektor ng ekonomiya ay
agrikultura,(kasama ang pangingisda at paggugubat),industriya at at
paglilingkod. Dahil sa sektoral na oryentasyon,kinikilala ang
pamamaraan ng pagsukat na by industrial origin.
Value added ang tinutukoy na karagdagang halaga sa produksyon.
Matutunghayan ang halimbawa ng pagkukuwenta nito sa Talahanayan
18.3 sa pahina 227.
Halimbawa, ipagpalagay na may limang baitang sa pagbuo ng damit.
Ipinakikita sa talahanayan 18.3 na sa (baitang I), ang nagtatanim ng
bulak ay nagbebenta ng bulak sa mga nagpoproseso ng sinulid
(baitang II) sa halagang Php.120. pinagbibili naman ang sinulid upang
mabuo ang tela(baitang III) sa halagang Php. 180. Ang nabuong tela
naman ay ipagbibili sa mga nagmamanupaktura ng damit sa halagang
Php. 270 (baitang IV)
Ipagbibili naman ito sa nagtitinda ng damit sa halagang Php.
270 (baitangV) hanggang bilhin ito ng mamimili sa halagang
Php. 350.
17. Talahanayan 18.4: Pambansang Kita sa Pamamaraan ng Gross
Value added (Sa milyong piso,presyo sa kasalukuyang panahon)
Detalye 2004 2005 2006 2007
I. Gross Value Added of agriculture,fishery
and forestry
A. Agriculture and Fishery
B. Forestry
734,171
730,699
3,472
778,370
774,119
4,251
852,800
847,978
4,822
936,415
932,282
4,133
II. Gross Value Added of Industry
A. Mining and Quarrying
B. Manufacturing
C. Construction
D. Electric, Gas, and Water
1,544,351
52,887
1,122,879
212,766
155,819
1,735,148
63,639
1,264,651
210,191
196,668
1,913,031
75,557
1,381,171
240,240
216,062
2,107,287
108,173
1,463,752
304,592
230,771
III. Gross Value Added ng
Paglilingkod(service)
A. Transportation, Communication, and
Storage.
B. Trade
C. Finance
D. Ownership of Dwellings and Real Estate
E. Private services
F. Government Services
2,593,032
367,352
681,742
215,660
292,208
653,334
382,736
2,930,521
413,850
776,949
263,448
320,409
741,984
413,880
3,267,044
446,224
877,544
311,444
350,676
830,152
450,964
3,604,542
478,389
981,101
361,972
373,973
936,912
472,196
GROSS DOMESTIC PRODUCT (GDP) 4,871,555 5,444,039 6,032,835 6,648,245
IV. Net Factor Income from abroad (NFIA) 376,509 447,145 500,9400 601,078
GROSS NATIONAL PRODUCT (GNP) 5,248,064 5,891,183 6,533,775 7,249,323
18. Isinasama lamang ang Php. 350 sa pagsukat ng GDP
dahil ito lamang ang halaga ng tapos na produkto.
Kasama na sa halagang ito ang mga intermedyang
transaksiyon na hahantong sa pagbebenta nito.
Ang Value Added ayang pampamilihang halaga
(market value) ng output ng bahay-kalakal matapos
ibawas ang halaga ng input na binili nito sa ibang
bahay-kalakal.
19. Ibat-ibang Pamamaraan ng Pagtalakay sa Pambansang Kita
Inilalarawan ng GNP at GDP ang produksyon ng bansa.
Magandang makita na papataas ang GNP at GDP. Ibg sabihin
nitotumataas ang produksyon ng bansa. Dumarami ang mga
salik ng produksyon niyo. Dumarami ang kumikita sa
ekonomiya. Maraming nakikinabang sa ekonomiya. Umaangat
ang kabuhayan ng mga kasapi ng ekonomiya.
Maaari rin namang bumaba ang GNP at GDP. At ito ay isang
hindi kaaya-ayang pagkakataon. Maraming salik ng produksyon
ang hindi nagagamit. Maraming nagsasarang negosyo.
Maraming may mababa o walang kita. Marami ang lumiliit ang
kakayahan na tugunan ang mga pangangailangan at
kagustuhan. Kaunti ang nakikinabang sa ekonomiya. Maraming
maghihirap na mga kasapi sa ekonomiya. Isang posibilidad din
naman na hindi magbago ang GNP at GDP
20. Kung susuriin ang talahanayan 18.1 at talahanayan 18.4,
tumataas ang GNP at GDP ng bansa mula 2004 hanggang 2007.
noong 2004,ang GNP ng Pilipinas ay pumalo sa Php. 5.25 trilyon.
Ang GDP noong 2004 ay nasa Php. 4.87 trilyon. Noong 2007,ang
GNP ng bansa ay umakyat sa Php. 7.25 trilyon. Samantala ang
GDP ng bans ay tinatayang nasa Php. 6.65 trilyon.
Ang GNP at GDP sa mga talahanayanng nabanggit ay nasa
kasalukuyang presyo. Tinatawag din ang mga ito na GNP in
current prices at GDP in current prices. Pinakakilala ang mga ito
sa kayawagang nominal GNP at nominal GDP. Ibig sabihin,ang
mga umiral na presyo sa nasabing taon ay ginamit upang
bigyang-halaga ang produksyon ng bansa. Kung mataas ang
presyo sa isang partikular na taon,tumataas din ang GNP at
GDP. Kung mababa ang presyo,bumababa rin ang GNP at GDP.
Sa ganitong kaayusan,hindi naisasaalang-alang ang tunay na
pagtaas ng produksyon ng ekonomiya..
21. Isang paraan upang malaman ang pagbabago sa produksyon ay
kinakailangan iayon ang GNP at GDP sa pagbabago ng presyo.
Kailangang pumili ng basehang taon(base o reference year).
Inaalam ang presyo ng bilihin sa basehang taon. Ito ang
nagiging pamantayan ng pagbabago sa presyo ng mga susunod
na taon. Sa Pilipinas,ang basehang taon para sa GNP at GDP ay
1985.
Upang maiayon ang GNP at GDP sa pagbabago ng
presyo,kinukuha muna ang deflator
Ang pormula ng pagkukuwenta ng deflator ay:
deflator= presyo ng sinusuri over presyo ng basehang taon x
100
Ang deflator ng basehang taon ay palaging 100. ipagpalagay na
1985 ang basehang taon. Ipinakikilala ito sa mga ulat sa
pamamagtan ng tanda na (1985=100). Ang deflator ng 1986 ay
120. ibig sabihin tumaas nang 20% ang presyo mula 1985
hanggang 1986.
22. Talahanayan 18.5: Nominal GNP at Real GNP ng Pilipinas (Sa
milyong piso,1985 = 100)
Taon Nominal GNP Real GNP
2001 3,876,603 1,061,283
2002 4,218,883 1,105,695
2003 4,631,479 1,171,431
2004 5,248,064 1,252,331
2005 5,891,183 1,320,000
2006 6,533,775 1,392,005
2oo7 7,249,323 1,502,814
23. Matutunghayan sa talahanayan 18.5 ang nominal GNP
at GDP nh Pilipinas mula 2001 hanggang 2007. Tumaas
ang nominal GNP sa Php. 7.2 trilyon noong 2007 mula
sa Php. 3.9 trilyon noong 2001
Bahagya namang tumaas ang Real GNP. Noong
2007,ito ay Php. 1,061 trilyon. Noong 2007 naman ito ay
tumaas sa Php. 1.50 trilyon. Ang pagitan sa halaga ng
nominal GNP at real GNP ay naipaliliwanag ng pagtaas
ng presyo.
24. Talahanayan 18.6:Paglago ng Nominal GNP at Real GNP ng
Pilipinas, 2002-2007
Taon Paglago ng Nominal
GNP
Paglago ng Real GNP
2002 8.8% 4.2%
2003 9.8% 5.9%
2004 13.3% 6.9%
2005 12.3% 5.4%
2oo6 10.9% 5.5%
2006 10.1% 7.1%
25. Ang mga natalakay na sukat ng GNP at GDP ay patungkol
sa laki ng produksyon. Maaari rin namang sukatin ang
pagbabago ng produksyon ng bansa.
Ang pormula ay:
Paglago ng GNP = GNPbago -GNPdati over GNPdati x 100
Paglago ng GDP = GDPbago – GDPdati over GDPdati x 100
Halimbawa: 1995 nominal GNP = Php. 500
1996 nominal GNP = Php. 750
Paglago ng nominal GNP 1995 – 1996
= (Php. 750 - Php. 500)
Php. 500
=Php. 250 divided by Php. 500 = 0.5
= 0.5 x 100
= 5o%
26. Ang nakuwenta na paglago ay 50%. Ibig
ssabihin,lumago ng 50% ang pambansang kita mula
1995 hanggang 1996.
Matutunghayan sa talahanayan 18.6 ang paglago ng
Nominal GP at Real GNP sa Pilipinas mula 2002
hanggang 2007
Positibo ang paglago ng Real GNP ng Pilipinas mula
2002 hanggang 2007. Ibig sabihin ,ang produksyon ng
bansa ay tumaas. Pinakamataas na paglago ng Real
GNP ng bansa ay 7.1 noong 2007.
27. Talahanayan 18.7: Per Capita GNP at GDP ng Pilipinas
Detalye 2004 2005 2006 2007
A. Estimate in current prices
1.Gross Domestic Product
2. Gross National Product
3. Personal Consumption
expenditure
58,300
62,806
40,051
63,854
69,098
44,245
69,364
75,124
48,630
74,946
81,722
51,990
B. Estimte in constant (1985)
Prices
1. Gross Domestic product
2. Gross National Product
3. Personal Consumption
expenditure
13,814
14,987
10,816
14,209
15,482
11,113
14,681
16,005
11.495
15,429
16,941
11,929
C. Populasyon (sa milyong
katao)
83.56 85.26 86.97 88.71
28. Sa talahanayan 18.7, ang pambansang kita ay nasa per
capita na sukat.
Ang Per Capita na panukat ay ginagamit upang matantiya
ang halaga ng produksyon ng bawat Pilipino sa loob ng
isang takdang panahon.
Maaari rin itong ipakahulugan na halaga ng gastos bawat
Pilipino.
Karaniwan, pakahulugan ang per capita GNP at GDP na
kita ng bawat Pilipino sa isang takdang panahon..ang
pormula nito ay:
Per Capita GNP = GNP __
Populasyon
Per Capita GDP = GDP___
Populasyon
29. Kahalagahan at limitasyon sa paggamit ng GNP at GDP
Mahalagang sukatin ang pambansang kita kita sa isang
ekonomiya. Nailalarawan nito ang laki at dami ng
pinagkukunang-yaman ng isang ekonomiya. Mahihinuha
rito ang kakayahan ng ekonomiya na itaguyod ang mga
pangangailangan at kagustuhan ng bawat kasapi. Masusuri
dito ang mga pangangailangang pang-ekonomiya na dapat
maunang tugunan.
Magagamit din ang pambansang kita na batayan sa
pagpapalago ng pambansang ekonomiya. Sa pamamagitan
ng National Income Accounts,masusuri ang mga aspekto
ng gawain at ang sektor sa pambansang ekonomiya na
kailangang pagtuunan ng pansin.
Natunghayan na ang ibang talakayan patungkol dito sa mga
naunang bahagi ng araling ito.
30. Talahanayan 18.8: Korparatibong katayuan ng real GNPng Pilipinas sa Asya, 2004 - 2007
Piling bansa sa Asya 2004 2005 2006 2007
A.Taunang paglago ng Real GDP(%)
Pilipinas 6.4 5.0 5.4 7.2
Bangladesh 6.3 6.0 6.6 6.5
Cambodia 10.3 13.3 10.8 10.2
Indonesia 5.0 5.7 5.5 6.3
Singapore 9.0 7.3 8.2 7.7
Thailand 6.3 4.5 5.1 4.8
China 10.1 10.4 11.1 11.9
B.Taunang paglago,Per Capita Real
GDP
Pilipinas 4.2 2.8 3.4 5.3
Bangladesh 4.9 4.6 5.2 5.1
Cambodia 8.2 11.2 8.2 7.2
Indonesia 3.7 3.4 5.1 4.7
Singapore 7.6 4.8 4.8 3.3
Thailand 4.6 4.5 4.8 4.0
China 9.4 9.6 10.4 10.4
31. Ang talahanayan 18.8 ay nagpapakita ng halimbawa ng
benchmarking ng real GDP sa Asya.
Sa benchmarking,ang paglago ng real GDP ng Pilipinas ay
mas malaki kung ihahambing sa Indonesia. Ngunit mas
mabilis naman lumago sa ekonomiya ng Pilipinas ang
ekonomiya ng Cambodia at China.
Ang GNP at GDP ay isa sa maraming sukatan ng pagbuti o
pagsama ng pambansang ekonomiya. Kalimitan, nagagamit
ito upang ipaliwanag ang paglago ng ekonomiya ng isang
bansa. Hindi nito nasasaklaw amg usapin ng pagkasira ng
kalikasan. Hindi nito buong nasasaklaw ang usapin sa
kanluran. Hindi rin nito naipaliwanag kung ano ang
kalidad ng buhay ng mga aktor sa isang ekonomiya.
Kalimitan, ang paglago ng pinagkukunang-yaman ang
napahihiwatig ng GNP at GDP. Kung sa paanong paraan
napabuti nasasaklaw sa usapin ng GNP at GDP.