SlideShare a Scribd company logo
RepublikangPilipinas
KagawaranngEdukasyon
Filipino 7
Unang Markahan( Mga Akdang Pampanitikan: Salamin
ng Mindanao)
Aralin 1.1
Kuwentong-Bayan: Ang Pilosopo(Kuwentong Maranao)
PANGKATANG GAWAIN: Sumulat ng
mga kababalaghan o di-
kapanipaniwala(supernatural) na
naranasan, napakinggan, nabasa o
karanasan ng kakilala.Ilahad ito sa
klase.
Mga Tanong: (pagkatapos maglahad ng
lahat ng pangkat)
1. Mula sa mga impormasyong inilahad
ng bawat pangkat, ano ang napansin
ninyong pagkakaiba at pagkakapareho ng
mga detalye?
2. Bakit mayroong mga hindi naniniwala
sa mga ganoong pangyayari?
Gawain: Pagbibigay kahulugan ng
mga dating kaalaman ukol sa
kuwentong-bayan gamit ang
“Concept Webbing”.
Kuwentong
Bayan
___________________________________
__________________________________
__________________________________
____________________________________
Ang mga kuwentong bayan o folklore ay
mga kuwentong nagmula sa bawat pook na
naglalahad ng katangi-tanging salaysay ng kanilang
lugar. Kadalasang ito ay nagpapakita ng katutubong
kulay (local color) tulad ng pagbabanggit ng mga
bagay, lugar, hayop, o pangyayari na doon lamang
nakikita o nangyayari. Masasalamin sa mga
kuwentong bayan ang kultura ng bayan na
pinagmulan nito.
Ang Pilosopo
Sipi mula sa Mga Piling Kuwentong Bayan ng
Mga Maguindanaon at Maranao
Nina Nerissa Lozarito-Hufana, Ph.D.
Claribel Diaz-Bartolome, Ph.D.
Pagbasa
Ang Pilosopo
Noong unang panahon, may isang bayan na ang
naninirahan ay mga taong sunudsunuran
na lamang dahil sa takot na masuway ang batas na
umiiral sa nasabing bayan.
Isang araw, namamasyal ang kanilang pinunong si
Abed sa mga kabahayan ng kanyang
mga tauhan upang tiyakin kung sino sa kanyang mga
tauhan ang mga naghihirap upang
mabigyan ng pagkain.
Nang mapansin ni Subekat na lumilibot araw-araw si
Abed upang mamigay ng pagkain
sa mga naghihirap ay kaagad kumuha ng bato at isinalang
sa kalan para mabigyan ng pagkain.
Nang marating ni Abed ang kubo, binati siya ni Subekat.
Luminga-linga si Abed at nakita
niya ang kaldero na may nilagang bato. Nung mapansin
niya, sinabi ni Subekat na kunin
kinaumagahan ang kanyang parte dahil may inilaan sa
kanya.
Isang araw nagtipon ang mga tao upang magdasal ng
dhubor (pantanghaling pagdarasal). Nang makatapos sila
ay nagtanong si Abed kung sino ang wala sa kanyang mga
tauhan. May nakapagsabi na si Subekat ang wala.
Samantala, ipinaalam ni Abed sa mga tao na aalis sila para
magsuri ng lupa dahil kakaunti na lamang ang lupa para sa
susunod na henerasyon. Nang papaalis na sila, saka pa
lamang dumating si Subekat na hindi sumali sa pagdarasal
at sinabing sasama siya. Sinabi ni Abed na maaaring
sumama si Subekat kahit na hindi niya siya nakita sa
pagdarasal ngunit sa pag-alis nilang ito ay
matatanto niya kung tunay ba na kasama si
Subekat o hindi. Bago umalis ang pangkat,
hinabilin ni Abed sa bawat isa na magdala
ng bato na tamang-tama lang ang bigat sa
kanila. Nagdala si Subekat ng batong
sinlaki lang ng kanyang hinlalaking daliri.
Nang mapagod na sila sa walang humpay na
paglalakbay, nagpahinga sila at naghugas upang
magdasal. Hindi pa rin sumali si Subekat. Nang
matapos ang pagdarasal, ipinag-utos ni Abed na
buksan ang kanilang baon. Nang mabuksan na nila,
naging tinapay ang lahat ng dala nilang bato. Si
Subekat na ang dala ay sinlaki lamang ng hinlalaki ay
nagutom dahil sa liit ng
kanyang tinapay.
Nang paalis na naman sila, sinabi uli ni Abed sa bawat
isa na magdala ng maliit lamang na bato. Sumunod lahat
ang mga tao maliban kay Subekat na ang dinalang bato ay
ang pinakamalaki dahil magiging tinapay raw ito. Nang
dumating na sila sa pupuntahan nila, sinabi ni Abed na
bawat isa sa kanila ay ihagis sa abot ng kanilang makakaya
ang kanilang bato dahil ito na rin ang lawak ng lupang
matatamo ng bawat isa. Samantalang, si Subekat na may
pinakamalaking bato ay sinlaki lamang ng bilao ang
nakuhang lupa dahil sa hindi niya
kayang ihagis ang kanyang dalang bato. Doon
lamang sa nahulugan ng bato ang kanyang
makukuhang lupa. Nalungkot si Subekat sa
kanyang makukuhang lupa. Nang makita ni
Abed ang liit ng kanyang nakuhang lupa sinabi
niya kay Subekat na hindi ito sumusunod sa
mga patakaran. Sinabi pa sa kanya na dahil siya
ay hindi marunong sumunod sa mga
alintuntunin, wala siyang magandang
kinabukasan.
(F7PU-Ia-b-1 Naisusulat ang mga patunay na
ang kuwentong-bayan ay salamin ng tradisyon o
kaugalian ng lugar na pinagmulan nito )
Pagsulat: Sumulat ng sanaysay na
nagpapatunay na ang Kuwentong Bayan ay
salamin ng tradisyon o kaugalian.
(F7PN-Ia-b-1 Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang
panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan
bataysa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan )
Oral Recitation:Paglalarawan sa mga kaugalian at
tradisyon ng mga Maranao batay sa mga usapan ng tauhan
at pangyayari sa nabasang kuwentong bayan.Gamiting
gabay ang sumusunod na diyagram.
Kaugalian Tradisyon
Maranao
Karagdagang Gawain:
Magsaliksik ng mga paglalarawan
ukol sa Maranao ayon sa kanilang
paniniwala,tradisyon at kaugalian.
Mula sa sinaliksik ng mga
mag-aaral ukol sa mga
Maranao.Ilarawan ang mga
Maranao.
Kaugalian Tradisyon/kultura
Maranao
Isa-isahin ang mga pangyayari sa binasang
kuwentong-bayan. Gamitin ang Tren ng Pangyayari.
Panonood sa isang halimbawa ng kuwentong
bayan(Si Malakas at Si Maganda)
https://www.youtube.com/watch?v=alVKvYzvINo
(F7PD-Ia-b-1
Nasusuri gamit ang graphic organizer ang ugnayan
ng tradisyon at akdang pampanitikan batay sa
napanood na kuwentong-bayan)
Gawain: Gumawa ng graphic organizer ukol sa
ugnayan ng Tradisyon at Akdang Pampanitikan
ukol sa napanood na kuwentong bayang Si
Malakas at Si Maganda.
(F7PB-Ia-b-1 Naiuugnay ang mga pangyayari sa binasa
sa mga kaganapan sa iba pang lugar ng bansa )
Gawain: Pagkakatulad at Pagkakaiba ng mga
Maranao at Ilokano batay sa mga pangyayari sa
binasang kuwentong-bayan. Gumamit ng “Venn
Diagram”.
(F7PS-Ia-b-1 Naibabalita ang kasalukuyang
kalagayan ng lugar na pinagmulan ng alinman sa
mga kuwentong-bayang nabasa, napanood o
napakinggan )
Pangkatang Gawain: Gumawa ng isang pagbabalita
ukol sa kuwentong bayang “Ang Pilosopo”, ilahad ang
mensahe, tradisyon,kaugalian,tauhan at iba pang
nais ipabatid. Itanghal sa klase.
(F7PT-Ia-b-1 Naibibigay ang kasingkahulugan at
kasalungat na kahulugan ng salita ayon sa gamit sa
pangungusap)
Gawain: Salungguhitan ang kasalungat na kahulugan ng
salitang italisado sa loob ng pangungusap.Gayunding
ibigay ang kasingkahulugan nito at gamitin sa
pangungusap.
•1. Luminga-linga ang magnanakaw kung may
nakakita sa kanya habang may
isang nakatutok lamang sa pagkakamasid sa kanya.
Kasingkahulugan:
Kasalungat:
Pangungusap:
2. Kung gusto mong matanto ang mga nangyayari
sa paligid, huwag mong hayaang maging
mangmang ka.
Kasingkahulugan:
Kasalungat:
Pangungusap:
3. Umiiral pa rin ang kabutihan sa bawat tao sa
kabila ng unti-unti nang pagkawala ng
magagandang kaugalian.
Kasingkahulugan:
Kasalungat:
Pangungusap:
4. Bawat alituntunin ay ginawa para sa
kapakanan ng tao na hindi lang para
pagbawalan tayo kung hindi para malayo tayo
sa kapahamakan.
Kasingkahulugan:
Kasalungat:
Pangungusap:
5. Ihabilin mo ang mga dapat gawin sa iyong
bunsong kapatid na maiiwan, delikado kung
ipagwawalang bahala mo lang na maiiwan siya.
Kasingkahulugan:
Kasalungat:
Pangungusap:
Sagutin ito sa kuwaderno (indibiduwal).
A. Mga Tanong:
1. Ilarawan ang tagpuan o bayan ng kuwento. Ano ang
katangian ng mga taong naninirahan dito?
2. Sino si Subekat? Ano ang pinagkaiba niya sa ibang
mga naninirahan
doon?
3. Ano ang suliraning kinaharap ng bayan?
4. Bakit isinama ni Abed si Subekat sa kanilang paglalakbay?
5. Ano-ano ang tuntuning sinabi ni Abed sa kanila sa kanilang
paglalakbay?
6. Ano ang kinahantungan ng hindi pagsunod ni Subekat sa mga
alituntunin?
Ang Pangatnig na Panlinaw
Sa pagpapahayag, mahalaga sa pagbuo ng kaisipan
ay mapag-ugnayugnay ang mga ito. Kung kaya
napakalaki ang ginagampanan ng pangatnig
sakomunikasyong ito.Maraming uri ng pangatnig. Isa na
rito ang pangatnig na panlinaw. Ang pangatnig na
panlinaw ay ginagamit sa pangungusap upang lalong
bigyanglinaw ang mga nasabi na. Ito ay nagpapatibay ng
mga ideya sa pangungusap.
Mga halimbawa:
sa halip sa madaling sabi
samakatuwid
kung gayon
bagaman lamang
Gawain: Dugtungan ang mga parirala/pangungusap
sa ibaba sa pamamagitan ng paggamit ng mga
pangatnig na panlinaw.
1. Si Subekat ay hindi marunong sumunod sa
tuntunin...(sa madaling sabi) _______________________.
2. Inatasan sila ni Abed na magdala ng batong
tamang-tama lang sa kanila na buhatin... (sa halip)
_________________________________.
3. Ang batas ay para sa ikabubuti ng lahat... (kung
gayon) ______________.
4. Maparaan sana si Subekat (lamang)...
___________________________.
5. Walang mapapahamak kung marunong
sumunod, (samakatuwid)...
________________________.
(F7WG-Ia-b-1 Nagagamit nang wasto ang mga
pahayag sa pagbibigay ng mga patunay)
Gawain(indibidwal):Bumuo ng sampung
argumento ukol sa tanong na Facebook:
Nakabubuti o nakasasama?Gamitin ang mga
pangatnig panlinaw sa mga argumentong
bubuoin.Ilahad ito sa klase.
Karagdagang Gawain:Magsaliksik ng mga
larawan nagpapakita ng kagandahan ng
Mindanao.
(F7EP-Ia-b-1Nailalahadangmgahakbangnaginawasa pagkuhangdatos
kaugnayngisangproyektongpanturismo)
PangkatangGawain:Gamitang mga nasaliksikna larawan ng
touristdestinationsa Mindanao,bumuong video presentationna
nag-aanyayasa mga mamamayanna puntahanang nasabing
lugar.Ilagayang mga datos ukol sa mga larawang nakuha.Kung
walang larawang nagawa,gamit ang inyongmga cellphones,
kumuhang maraming larawan sa ating paaralanat gumawang
videopresentationna mag-aanyayasa mga mamamayano ibang
mag-aaral na puntahanan gating paaralan.Itanghalang ginawang
videopresentation.Ilahadang pamamaraansa pagkuhasa mga
datos ukol sa mga larawang itinanghal.
(F7PB-Ia-b-1 Naiuugnay ang mga pangyayari sa binasa sa
mga kaganapan sa iba pang lugar ng bansa )
Pangkatang Gawain: Pagpangkat-pangkatin ang
klase sa apat na grupo. Bumuo ng isang pagsasadula
tungkol sa isang Ilokano na pumunta sa Mindanao at
nagkaroon ng pagkagulat sa mga kaugalian at
tradisyon(culture shock) ng mga taga-Mindanao.
(F7PB-Ia-b-1 Naiuugnay ang mga pangyayari sa binasa sa
mga kaganapan sa iba pang lugar ng bansa )
Pangkatang Gawain: Pagpangkat-pangkatin ang
klase sa apat na grupo. Bumuo ng isang pagsasadula
tungkol sa isang Ilokano na pumunta sa Mindanao at
nagkaroon ng pagkagulat sa mga kaugalian at
tradisyon(culture shock) ng mga taga-Mindanao.
Inihanda ni:
DANEELA ROSE M. ANDOY
SST-1
AGUSAN NATIONAL HIGH SCHOOL

More Related Content

What's hot

Filipino 7 2nd quarter
Filipino 7  2nd quarterFilipino 7  2nd quarter
Filipino 7 2nd quarterGraceJoyObuyes
 
Q2 filipino 8 w6 ppt
Q2 filipino 8 w6 pptQ2 filipino 8 w6 ppt
Q2 filipino 8 w6 pptEDNACONEJOS
 
Q3 week4 filipino 7
Q3 week4 filipino 7Q3 week4 filipino 7
Q3 week4 filipino 7Ems Masagca
 
Filipino 8 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng Mga Pangyayari
Filipino 8 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng Mga PangyayariFilipino 8 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng Mga Pangyayari
Filipino 8 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng Mga PangyayariJuan Miguel Palero
 
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOS
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOSUnang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOS
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOSESMAEL NAVARRO
 
Mga Ekspresyong Naghahayag ng Posibilidad
Mga Ekspresyong Naghahayag ng PosibilidadMga Ekspresyong Naghahayag ng Posibilidad
Mga Ekspresyong Naghahayag ng PosibilidadRowie Lhyn
 
Elehiya Grade 9 lesson in Filipino
Elehiya Grade 9 lesson in FilipinoElehiya Grade 9 lesson in Filipino
Elehiya Grade 9 lesson in Filipinoanalyncutie
 
MODYUL 1 Filipino 7 aralin1 -Unang Linggo
MODYUL 1 Filipino 7 aralin1 -Unang LinggoMODYUL 1 Filipino 7 aralin1 -Unang Linggo
MODYUL 1 Filipino 7 aralin1 -Unang LinggoRowie Lhyn
 
Sariling Paghahatol o Pagmamatuwid sa isang Akdang Visayas (2).pptx
Sariling Paghahatol o Pagmamatuwid sa isang Akdang Visayas (2).pptxSariling Paghahatol o Pagmamatuwid sa isang Akdang Visayas (2).pptx
Sariling Paghahatol o Pagmamatuwid sa isang Akdang Visayas (2).pptxbryandomingo8
 
Proyektong panturismo (travel brochure)
Proyektong panturismo (travel brochure)Proyektong panturismo (travel brochure)
Proyektong panturismo (travel brochure)Jenita Guinoo
 
Iba’t ibang Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Damdamin.pptx
Iba’t ibang Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Damdamin.pptxIba’t ibang Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Damdamin.pptx
Iba’t ibang Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Damdamin.pptxJuffyMastelero
 
1st grading week 7 proyektong panturismo (mga dapat gawin) babes
1st grading week 7 proyektong panturismo (mga dapat gawin) babes1st grading week 7 proyektong panturismo (mga dapat gawin) babes
1st grading week 7 proyektong panturismo (mga dapat gawin) babesDona Baes
 
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG PABULA Baitang 7
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG PABULA Baitang 7KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG PABULA Baitang 7
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG PABULA Baitang 7Wimabelle Banawa
 
Filipino 8 (Q2W2) - Balagtasan.pptx
Filipino 8 (Q2W2) - Balagtasan.pptxFilipino 8 (Q2W2) - Balagtasan.pptx
Filipino 8 (Q2W2) - Balagtasan.pptxGelGarcia4
 

What's hot (20)

Klino
KlinoKlino
Klino
 
Filipino 7 2nd quarter
Filipino 7  2nd quarterFilipino 7  2nd quarter
Filipino 7 2nd quarter
 
Q2 filipino 8 w6 ppt
Q2 filipino 8 w6 pptQ2 filipino 8 w6 ppt
Q2 filipino 8 w6 ppt
 
Q3 week4 filipino 7
Q3 week4 filipino 7Q3 week4 filipino 7
Q3 week4 filipino 7
 
Filipino 8 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng Mga Pangyayari
Filipino 8 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng Mga PangyayariFilipino 8 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng Mga Pangyayari
Filipino 8 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng Mga Pangyayari
 
Sanhi at Bunga
Sanhi at BungaSanhi at Bunga
Sanhi at Bunga
 
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOS
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOSUnang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOS
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOS
 
Pagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdaminPagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdamin
 
Mga Ekspresyong Naghahayag ng Posibilidad
Mga Ekspresyong Naghahayag ng PosibilidadMga Ekspresyong Naghahayag ng Posibilidad
Mga Ekspresyong Naghahayag ng Posibilidad
 
Filipino 8 Elemento ng Alamat
Filipino 8 Elemento ng AlamatFilipino 8 Elemento ng Alamat
Filipino 8 Elemento ng Alamat
 
KAALAMANG BAYAN
KAALAMANG BAYANKAALAMANG BAYAN
KAALAMANG BAYAN
 
Elehiya Grade 9 lesson in Filipino
Elehiya Grade 9 lesson in FilipinoElehiya Grade 9 lesson in Filipino
Elehiya Grade 9 lesson in Filipino
 
Aralin 1.2b pabula at kasaysayan nito
Aralin 1.2b pabula at kasaysayan nitoAralin 1.2b pabula at kasaysayan nito
Aralin 1.2b pabula at kasaysayan nito
 
MODYUL 1 Filipino 7 aralin1 -Unang Linggo
MODYUL 1 Filipino 7 aralin1 -Unang LinggoMODYUL 1 Filipino 7 aralin1 -Unang Linggo
MODYUL 1 Filipino 7 aralin1 -Unang Linggo
 
Sariling Paghahatol o Pagmamatuwid sa isang Akdang Visayas (2).pptx
Sariling Paghahatol o Pagmamatuwid sa isang Akdang Visayas (2).pptxSariling Paghahatol o Pagmamatuwid sa isang Akdang Visayas (2).pptx
Sariling Paghahatol o Pagmamatuwid sa isang Akdang Visayas (2).pptx
 
Proyektong panturismo (travel brochure)
Proyektong panturismo (travel brochure)Proyektong panturismo (travel brochure)
Proyektong panturismo (travel brochure)
 
Iba’t ibang Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Damdamin.pptx
Iba’t ibang Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Damdamin.pptxIba’t ibang Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Damdamin.pptx
Iba’t ibang Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Damdamin.pptx
 
1st grading week 7 proyektong panturismo (mga dapat gawin) babes
1st grading week 7 proyektong panturismo (mga dapat gawin) babes1st grading week 7 proyektong panturismo (mga dapat gawin) babes
1st grading week 7 proyektong panturismo (mga dapat gawin) babes
 
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG PABULA Baitang 7
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG PABULA Baitang 7KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG PABULA Baitang 7
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG PABULA Baitang 7
 
Filipino 8 (Q2W2) - Balagtasan.pptx
Filipino 8 (Q2W2) - Balagtasan.pptxFilipino 8 (Q2W2) - Balagtasan.pptx
Filipino 8 (Q2W2) - Balagtasan.pptx
 

Similar to Aralin 1.1

Filipino 7 Aralin 1.1.pptx
Filipino 7 Aralin 1.1.pptxFilipino 7 Aralin 1.1.pptx
Filipino 7 Aralin 1.1.pptxJesslieKilapio
 
Kwentong-Bayan: Ang Pilosopo
Kwentong-Bayan: Ang PilosopoKwentong-Bayan: Ang Pilosopo
Kwentong-Bayan: Ang PilosopoJoan Bahian
 
Kaligirang Kasaysayan ng IBong AdarnaQ4 M1 and M3.pptx
Kaligirang Kasaysayan ng IBong AdarnaQ4 M1 and M3.pptxKaligirang Kasaysayan ng IBong AdarnaQ4 M1 and M3.pptx
Kaligirang Kasaysayan ng IBong AdarnaQ4 M1 and M3.pptxKheiGutierrez
 
Classroom Observation_2023.pptx
Classroom Observation_2023.pptxClassroom Observation_2023.pptx
Classroom Observation_2023.pptxReymarkPeranco2
 
aralin 3.2 mito.pptx
aralin 3.2 mito.pptxaralin 3.2 mito.pptx
aralin 3.2 mito.pptxrhea bejasa
 
kwentong bayan-alamat-mito-elemento week 5.ppt
kwentong bayan-alamat-mito-elemento week 5.pptkwentong bayan-alamat-mito-elemento week 5.ppt
kwentong bayan-alamat-mito-elemento week 5.pptreychelgamboa2
 
q2w2fil5.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
q2w2fil5.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxq2w2fil5.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
q2w2fil5.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxMejayacelOrcales1
 
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdfLUELJAYVALMORES4
 
Tekstong deskripribo
Tekstong deskripriboTekstong deskripribo
Tekstong deskripriboREGie3
 
Unang Markahan: Halimbawa ng isang Kuwentong Bayan
Unang Markahan: Halimbawa ng isang Kuwentong BayanUnang Markahan: Halimbawa ng isang Kuwentong Bayan
Unang Markahan: Halimbawa ng isang Kuwentong Bayanmarlyntinasas1
 
MODYUL-1.pptx
MODYUL-1.pptxMODYUL-1.pptx
MODYUL-1.pptxEbookPhp
 

Similar to Aralin 1.1 (20)

Aralin 1.1.pptx
Aralin 1.1.pptxAralin 1.1.pptx
Aralin 1.1.pptx
 
Aralin 1.1.pptx
Aralin 1.1.pptxAralin 1.1.pptx
Aralin 1.1.pptx
 
Filipino 7 Aralin 1.1.pptx
Filipino 7 Aralin 1.1.pptxFilipino 7 Aralin 1.1.pptx
Filipino 7 Aralin 1.1.pptx
 
g7 week 1.pptx
g7 week 1.pptxg7 week 1.pptx
g7 week 1.pptx
 
Kwentong-Bayan: Ang Pilosopo
Kwentong-Bayan: Ang PilosopoKwentong-Bayan: Ang Pilosopo
Kwentong-Bayan: Ang Pilosopo
 
Kaligirang Kasaysayan ng IBong AdarnaQ4 M1 and M3.pptx
Kaligirang Kasaysayan ng IBong AdarnaQ4 M1 and M3.pptxKaligirang Kasaysayan ng IBong AdarnaQ4 M1 and M3.pptx
Kaligirang Kasaysayan ng IBong AdarnaQ4 M1 and M3.pptx
 
SURIIN ANG PANITIKAN.ppt
SURIIN ANG PANITIKAN.pptSURIIN ANG PANITIKAN.ppt
SURIIN ANG PANITIKAN.ppt
 
Classroom Observation_2023.pptx
Classroom Observation_2023.pptxClassroom Observation_2023.pptx
Classroom Observation_2023.pptx
 
aralin 3.2 mito.pptx
aralin 3.2 mito.pptxaralin 3.2 mito.pptx
aralin 3.2 mito.pptx
 
TmLHT sa Filipino 6
TmLHT sa Filipino 6TmLHT sa Filipino 6
TmLHT sa Filipino 6
 
kwentong bayan-alamat-mito-elemento week 5.ppt
kwentong bayan-alamat-mito-elemento week 5.pptkwentong bayan-alamat-mito-elemento week 5.ppt
kwentong bayan-alamat-mito-elemento week 5.ppt
 
Panitikang pilipino
Panitikang pilipinoPanitikang pilipino
Panitikang pilipino
 
q2w2fil5.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
q2w2fil5.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxq2w2fil5.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
q2w2fil5.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
 
FILIPINO WK 1.pptx
FILIPINO WK 1.pptxFILIPINO WK 1.pptx
FILIPINO WK 1.pptx
 
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
 
Tekstong deskripribo
Tekstong deskripriboTekstong deskripribo
Tekstong deskripribo
 
Barayti ng wika
Barayti ng wikaBarayti ng wika
Barayti ng wika
 
Barayti ng wika
Barayti ng wikaBarayti ng wika
Barayti ng wika
 
Unang Markahan: Halimbawa ng isang Kuwentong Bayan
Unang Markahan: Halimbawa ng isang Kuwentong BayanUnang Markahan: Halimbawa ng isang Kuwentong Bayan
Unang Markahan: Halimbawa ng isang Kuwentong Bayan
 
MODYUL-1.pptx
MODYUL-1.pptxMODYUL-1.pptx
MODYUL-1.pptx
 

More from Agusan National High School (19)

Aralin 1.4a panitikan-kuwento ni solampid
Aralin 1.4a panitikan-kuwento ni solampidAralin 1.4a panitikan-kuwento ni solampid
Aralin 1.4a panitikan-kuwento ni solampid
 
Aralin 1.2a panitikan- ang mataba at payat ng usa
Aralin 1.2a panitikan- ang mataba at payat ng usaAralin 1.2a panitikan- ang mataba at payat ng usa
Aralin 1.2a panitikan- ang mataba at payat ng usa
 
Tiyo simon
Tiyo simonTiyo simon
Tiyo simon
 
Pangatnig
PangatnigPangatnig
Pangatnig
 
Sitti nurhaliza
Sitti nurhalizaSitti nurhaliza
Sitti nurhaliza
 
Kay estella zeehandelaar
Kay estella zeehandelaarKay estella zeehandelaar
Kay estella zeehandelaar
 
Kultura ang pamana ng nakaraan...
Kultura ang pamana ng nakaraan...Kultura ang pamana ng nakaraan...
Kultura ang pamana ng nakaraan...
 
Anim na sabado ng beyblade
Anim na sabado ng beybladeAnim na sabado ng beyblade
Anim na sabado ng beyblade
 
Ang pagbabalik
Ang pagbabalikAng pagbabalik
Ang pagbabalik
 
Ang buwang hugis suklay
Ang buwang hugis suklayAng buwang hugis suklay
Ang buwang hugis suklay
 
Ang alamat ni prinsesa manorah
Ang alamat ni prinsesa manorahAng alamat ni prinsesa manorah
Ang alamat ni prinsesa manorah
 
Ap8 7 2-18
Ap8 7 2-18Ap8 7 2-18
Ap8 7 2-18
 
Ap8 7 3-18 review
Ap8 7 3-18 reviewAp8 7 3-18 review
Ap8 7 3-18 review
 
Ap8 6 26-18.
Ap8 6 26-18.Ap8 6 26-18.
Ap8 6 26-18.
 
Ap7 6 26-18
Ap7 6 26-18Ap7 6 26-18
Ap7 6 26-18
 
Ap7 6 22-18 quiz
Ap7 6 22-18 quizAp7 6 22-18 quiz
Ap7 6 22-18 quiz
 
Fil 9 6 22-2018
Fil 9 6 22-2018Fil 9 6 22-2018
Fil 9 6 22-2018
 
Ap8 6 19-18
Ap8 6 19-18Ap8 6 19-18
Ap8 6 19-18
 
Ap7 6 19-18
Ap7 6 19-18Ap7 6 19-18
Ap7 6 19-18
 

Aralin 1.1

  • 1. RepublikangPilipinas KagawaranngEdukasyon Filipino 7 Unang Markahan( Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao) Aralin 1.1 Kuwentong-Bayan: Ang Pilosopo(Kuwentong Maranao)
  • 2. PANGKATANG GAWAIN: Sumulat ng mga kababalaghan o di- kapanipaniwala(supernatural) na naranasan, napakinggan, nabasa o karanasan ng kakilala.Ilahad ito sa klase.
  • 3. Mga Tanong: (pagkatapos maglahad ng lahat ng pangkat) 1. Mula sa mga impormasyong inilahad ng bawat pangkat, ano ang napansin ninyong pagkakaiba at pagkakapareho ng mga detalye? 2. Bakit mayroong mga hindi naniniwala sa mga ganoong pangyayari?
  • 4. Gawain: Pagbibigay kahulugan ng mga dating kaalaman ukol sa kuwentong-bayan gamit ang “Concept Webbing”.
  • 6. Ang mga kuwentong bayan o folklore ay mga kuwentong nagmula sa bawat pook na naglalahad ng katangi-tanging salaysay ng kanilang lugar. Kadalasang ito ay nagpapakita ng katutubong kulay (local color) tulad ng pagbabanggit ng mga bagay, lugar, hayop, o pangyayari na doon lamang nakikita o nangyayari. Masasalamin sa mga kuwentong bayan ang kultura ng bayan na pinagmulan nito.
  • 7. Ang Pilosopo Sipi mula sa Mga Piling Kuwentong Bayan ng Mga Maguindanaon at Maranao Nina Nerissa Lozarito-Hufana, Ph.D. Claribel Diaz-Bartolome, Ph.D. Pagbasa
  • 8. Ang Pilosopo Noong unang panahon, may isang bayan na ang naninirahan ay mga taong sunudsunuran na lamang dahil sa takot na masuway ang batas na umiiral sa nasabing bayan. Isang araw, namamasyal ang kanilang pinunong si Abed sa mga kabahayan ng kanyang mga tauhan upang tiyakin kung sino sa kanyang mga tauhan ang mga naghihirap upang mabigyan ng pagkain.
  • 9. Nang mapansin ni Subekat na lumilibot araw-araw si Abed upang mamigay ng pagkain sa mga naghihirap ay kaagad kumuha ng bato at isinalang sa kalan para mabigyan ng pagkain. Nang marating ni Abed ang kubo, binati siya ni Subekat. Luminga-linga si Abed at nakita niya ang kaldero na may nilagang bato. Nung mapansin niya, sinabi ni Subekat na kunin kinaumagahan ang kanyang parte dahil may inilaan sa kanya.
  • 10. Isang araw nagtipon ang mga tao upang magdasal ng dhubor (pantanghaling pagdarasal). Nang makatapos sila ay nagtanong si Abed kung sino ang wala sa kanyang mga tauhan. May nakapagsabi na si Subekat ang wala. Samantala, ipinaalam ni Abed sa mga tao na aalis sila para magsuri ng lupa dahil kakaunti na lamang ang lupa para sa susunod na henerasyon. Nang papaalis na sila, saka pa lamang dumating si Subekat na hindi sumali sa pagdarasal at sinabing sasama siya. Sinabi ni Abed na maaaring sumama si Subekat kahit na hindi niya siya nakita sa pagdarasal ngunit sa pag-alis nilang ito ay
  • 11. matatanto niya kung tunay ba na kasama si Subekat o hindi. Bago umalis ang pangkat, hinabilin ni Abed sa bawat isa na magdala ng bato na tamang-tama lang ang bigat sa kanila. Nagdala si Subekat ng batong sinlaki lang ng kanyang hinlalaking daliri.
  • 12. Nang mapagod na sila sa walang humpay na paglalakbay, nagpahinga sila at naghugas upang magdasal. Hindi pa rin sumali si Subekat. Nang matapos ang pagdarasal, ipinag-utos ni Abed na buksan ang kanilang baon. Nang mabuksan na nila, naging tinapay ang lahat ng dala nilang bato. Si Subekat na ang dala ay sinlaki lamang ng hinlalaki ay nagutom dahil sa liit ng kanyang tinapay.
  • 13. Nang paalis na naman sila, sinabi uli ni Abed sa bawat isa na magdala ng maliit lamang na bato. Sumunod lahat ang mga tao maliban kay Subekat na ang dinalang bato ay ang pinakamalaki dahil magiging tinapay raw ito. Nang dumating na sila sa pupuntahan nila, sinabi ni Abed na bawat isa sa kanila ay ihagis sa abot ng kanilang makakaya ang kanilang bato dahil ito na rin ang lawak ng lupang matatamo ng bawat isa. Samantalang, si Subekat na may pinakamalaking bato ay sinlaki lamang ng bilao ang nakuhang lupa dahil sa hindi niya
  • 14. kayang ihagis ang kanyang dalang bato. Doon lamang sa nahulugan ng bato ang kanyang makukuhang lupa. Nalungkot si Subekat sa kanyang makukuhang lupa. Nang makita ni Abed ang liit ng kanyang nakuhang lupa sinabi niya kay Subekat na hindi ito sumusunod sa mga patakaran. Sinabi pa sa kanya na dahil siya ay hindi marunong sumunod sa mga alintuntunin, wala siyang magandang kinabukasan.
  • 15. (F7PU-Ia-b-1 Naisusulat ang mga patunay na ang kuwentong-bayan ay salamin ng tradisyon o kaugalian ng lugar na pinagmulan nito ) Pagsulat: Sumulat ng sanaysay na nagpapatunay na ang Kuwentong Bayan ay salamin ng tradisyon o kaugalian.
  • 16. (F7PN-Ia-b-1 Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan bataysa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan ) Oral Recitation:Paglalarawan sa mga kaugalian at tradisyon ng mga Maranao batay sa mga usapan ng tauhan at pangyayari sa nabasang kuwentong bayan.Gamiting gabay ang sumusunod na diyagram.
  • 18. Karagdagang Gawain: Magsaliksik ng mga paglalarawan ukol sa Maranao ayon sa kanilang paniniwala,tradisyon at kaugalian.
  • 19. Mula sa sinaliksik ng mga mag-aaral ukol sa mga Maranao.Ilarawan ang mga Maranao.
  • 21. Isa-isahin ang mga pangyayari sa binasang kuwentong-bayan. Gamitin ang Tren ng Pangyayari.
  • 22. Panonood sa isang halimbawa ng kuwentong bayan(Si Malakas at Si Maganda) https://www.youtube.com/watch?v=alVKvYzvINo
  • 23. (F7PD-Ia-b-1 Nasusuri gamit ang graphic organizer ang ugnayan ng tradisyon at akdang pampanitikan batay sa napanood na kuwentong-bayan) Gawain: Gumawa ng graphic organizer ukol sa ugnayan ng Tradisyon at Akdang Pampanitikan ukol sa napanood na kuwentong bayang Si Malakas at Si Maganda.
  • 24. (F7PB-Ia-b-1 Naiuugnay ang mga pangyayari sa binasa sa mga kaganapan sa iba pang lugar ng bansa ) Gawain: Pagkakatulad at Pagkakaiba ng mga Maranao at Ilokano batay sa mga pangyayari sa binasang kuwentong-bayan. Gumamit ng “Venn Diagram”.
  • 25.
  • 26. (F7PS-Ia-b-1 Naibabalita ang kasalukuyang kalagayan ng lugar na pinagmulan ng alinman sa mga kuwentong-bayang nabasa, napanood o napakinggan ) Pangkatang Gawain: Gumawa ng isang pagbabalita ukol sa kuwentong bayang “Ang Pilosopo”, ilahad ang mensahe, tradisyon,kaugalian,tauhan at iba pang nais ipabatid. Itanghal sa klase.
  • 27. (F7PT-Ia-b-1 Naibibigay ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng salita ayon sa gamit sa pangungusap) Gawain: Salungguhitan ang kasalungat na kahulugan ng salitang italisado sa loob ng pangungusap.Gayunding ibigay ang kasingkahulugan nito at gamitin sa pangungusap.
  • 28. •1. Luminga-linga ang magnanakaw kung may nakakita sa kanya habang may isang nakatutok lamang sa pagkakamasid sa kanya. Kasingkahulugan: Kasalungat: Pangungusap:
  • 29. 2. Kung gusto mong matanto ang mga nangyayari sa paligid, huwag mong hayaang maging mangmang ka. Kasingkahulugan: Kasalungat: Pangungusap:
  • 30. 3. Umiiral pa rin ang kabutihan sa bawat tao sa kabila ng unti-unti nang pagkawala ng magagandang kaugalian. Kasingkahulugan: Kasalungat: Pangungusap:
  • 31. 4. Bawat alituntunin ay ginawa para sa kapakanan ng tao na hindi lang para pagbawalan tayo kung hindi para malayo tayo sa kapahamakan. Kasingkahulugan: Kasalungat: Pangungusap:
  • 32. 5. Ihabilin mo ang mga dapat gawin sa iyong bunsong kapatid na maiiwan, delikado kung ipagwawalang bahala mo lang na maiiwan siya. Kasingkahulugan: Kasalungat: Pangungusap:
  • 33.
  • 34. Sagutin ito sa kuwaderno (indibiduwal). A. Mga Tanong: 1. Ilarawan ang tagpuan o bayan ng kuwento. Ano ang katangian ng mga taong naninirahan dito? 2. Sino si Subekat? Ano ang pinagkaiba niya sa ibang mga naninirahan doon?
  • 35. 3. Ano ang suliraning kinaharap ng bayan? 4. Bakit isinama ni Abed si Subekat sa kanilang paglalakbay? 5. Ano-ano ang tuntuning sinabi ni Abed sa kanila sa kanilang paglalakbay? 6. Ano ang kinahantungan ng hindi pagsunod ni Subekat sa mga alituntunin?
  • 36. Ang Pangatnig na Panlinaw Sa pagpapahayag, mahalaga sa pagbuo ng kaisipan ay mapag-ugnayugnay ang mga ito. Kung kaya napakalaki ang ginagampanan ng pangatnig sakomunikasyong ito.Maraming uri ng pangatnig. Isa na rito ang pangatnig na panlinaw. Ang pangatnig na panlinaw ay ginagamit sa pangungusap upang lalong bigyanglinaw ang mga nasabi na. Ito ay nagpapatibay ng mga ideya sa pangungusap.
  • 37. Mga halimbawa: sa halip sa madaling sabi samakatuwid kung gayon bagaman lamang
  • 38. Gawain: Dugtungan ang mga parirala/pangungusap sa ibaba sa pamamagitan ng paggamit ng mga pangatnig na panlinaw. 1. Si Subekat ay hindi marunong sumunod sa tuntunin...(sa madaling sabi) _______________________.
  • 39. 2. Inatasan sila ni Abed na magdala ng batong tamang-tama lang sa kanila na buhatin... (sa halip) _________________________________. 3. Ang batas ay para sa ikabubuti ng lahat... (kung gayon) ______________.
  • 40. 4. Maparaan sana si Subekat (lamang)... ___________________________. 5. Walang mapapahamak kung marunong sumunod, (samakatuwid)... ________________________.
  • 41. (F7WG-Ia-b-1 Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay) Gawain(indibidwal):Bumuo ng sampung argumento ukol sa tanong na Facebook: Nakabubuti o nakasasama?Gamitin ang mga pangatnig panlinaw sa mga argumentong bubuoin.Ilahad ito sa klase.
  • 42. Karagdagang Gawain:Magsaliksik ng mga larawan nagpapakita ng kagandahan ng Mindanao.
  • 43. (F7EP-Ia-b-1Nailalahadangmgahakbangnaginawasa pagkuhangdatos kaugnayngisangproyektongpanturismo) PangkatangGawain:Gamitang mga nasaliksikna larawan ng touristdestinationsa Mindanao,bumuong video presentationna nag-aanyayasa mga mamamayanna puntahanang nasabing lugar.Ilagayang mga datos ukol sa mga larawang nakuha.Kung walang larawang nagawa,gamit ang inyongmga cellphones, kumuhang maraming larawan sa ating paaralanat gumawang videopresentationna mag-aanyayasa mga mamamayano ibang mag-aaral na puntahanan gating paaralan.Itanghalang ginawang videopresentation.Ilahadang pamamaraansa pagkuhasa mga datos ukol sa mga larawang itinanghal.
  • 44. (F7PB-Ia-b-1 Naiuugnay ang mga pangyayari sa binasa sa mga kaganapan sa iba pang lugar ng bansa ) Pangkatang Gawain: Pagpangkat-pangkatin ang klase sa apat na grupo. Bumuo ng isang pagsasadula tungkol sa isang Ilokano na pumunta sa Mindanao at nagkaroon ng pagkagulat sa mga kaugalian at tradisyon(culture shock) ng mga taga-Mindanao.
  • 45. (F7PB-Ia-b-1 Naiuugnay ang mga pangyayari sa binasa sa mga kaganapan sa iba pang lugar ng bansa ) Pangkatang Gawain: Pagpangkat-pangkatin ang klase sa apat na grupo. Bumuo ng isang pagsasadula tungkol sa isang Ilokano na pumunta sa Mindanao at nagkaroon ng pagkagulat sa mga kaugalian at tradisyon(culture shock) ng mga taga-Mindanao.
  • 46. Inihanda ni: DANEELA ROSE M. ANDOY SST-1 AGUSAN NATIONAL HIGH SCHOOL