8. On October 13, 1868, Teresa Magbanua, the first woman fighter in Panay and
known as the "Joan of Arc of the Visayas",a school teacher and military leader,
was born in Pototan, Iloilo. She was the second of six children of Don Juan
Magbanua and Doña Alejandra Ferraris. She was married to Alejandro Balderas,
a wealthy landowner from Sara, Iloilo. Despite opposition from her husband
Magbanua followed her two brothers in the revolutionary movement and took up
arms against the Spaniards, leading troops into combat and winning several
battles under the command of General Martin Delgado.
19. Asya --- itinuturing na isa sa may
pinakamayamang biodiversity sa buong mundo .
Ang China, India, Thailand, Indonesia, at Malaysia
Malaysia ay katatagpuan ng pinakamaraming
species ng mga isda, amphibian, reptile, ibon, at
mammal. NGUNIT NAKAPAGTALA NG
PINAKAMABILIS NA PAGKAUBOS NG
BIODIVERSITY .
20.
21.
22. PAMPROSESONG TANONG:
1. ANO ANG KAHULUGAN NG BIODIVERSITY?
2. ANU-ANO ANG MGA SULIRANING PANGKAPALIGIRAN?
ILARAWAN ANG BAWAT ISA.
3. NAKABUBUTI BA SA ATING BIODIVERSITY ANG PAG-
UNLAD NG ISANG KOMUNIDAD O LUGAR? BAKIT?
4. BILANG ISANG KABATAAN, PAANO KA MAKATUTULONG
SA PAGTUGON SA MGA SOLUSYON SA MGA SULIRANING
PANGKAPALIGIRAN?
23. Basahin at suriin ang mga tekstong nakahanay sa
ibaba tungkol sa biodiversity at ang mga suliraning
pangkapaligiran na dinadanas ng Asya sa
kasalukuyan. Pumili ng isang suliraning
pangkapaligiran na dinadanas ng Asya sa
kasalukuyan. Ibigay ang kahulugan at solusoyon. at
ibahagi Ninyo ito sa iyong mga kamag-aral bilang isang
grupo , ang inyong naging kaisipan at saloobin kaugnay
sa lawak ng likas na yaman ng Asya at kung paano ito
humaharap sa ilang mga suliraning pangkapaligiran sa
kasalukuyan. Punan mo rin ng mga detalye ang diagram
Gawain Blg. 1 – Sanhi at Bunga
/Suri-Teksto
25. Pamantayan Deskripsyon Puntos
Nilalaman Wasto ang mga impormasyon, buo ang
kaisipan, kumpleto ang detalye at
naipaliliwanag nang buong husay ang paksa. 15
Pagtatanghal Ang tagapagsalita ay mahusay, may malinaw
at angkop na lakas ng tinig o boses.
10
Pagkamalikhain
Nakabubuo ng naaangkop na presentasyon o
report, at lubos na nagpamalas ng
pagkamalikhain sa paghahanda. 5
Kabuuang Marka 30
RUBRICS
26.
27. * Ang pisikal na paglaki ng mga pook na urbano dahil sa mga
pagbabago sa isang lugar.
*Daloy ng tao mula sa mga pook na rural tungo sa mga pook
urbano.
* Tumutukoy ito sa pagtaas sa bilang ng mga taong naninirahan sa mga
lunsod.
* Proseso kung saan ang mga malalaking bayan at sentro ng
pangangalakal ay nabuo upang maging mas malaki, dahil sa mga taong
lumilipat sa mga bayan na ito para sa trabaho at pamumuhay
URBANISASYON
28. Dahil sa mabilis na urbanisasyon sa Asya, labis nang naapektuhan
ang kapaligiran nito.
• nagbunsod sa mga kaugnay na problema gaya ng pagdami ng
mga mahihirap na lugar o depressed areas at may mga
pamayanan na may mataas na insidente ng pagkakasakit at iba
pang panganib sa kalusugan.
• Ang kalusugan ng mga mamamayan sa mga lungsod ay
direktang naaapektuhan ng urbanisasyon gaya ng pagtatapon
ng mga industriya ng kanilang wastewater sa tubig o sa lupa.
Ang mga kalapit-bayan ng lungsod ay naaapektuhan din ng
urbanisasyon
URBANISASYON
29. Ito ay nakararami sa isang sanhi ng pisikal na paglago ng isang bayan o anumang
lugar ng lunsod.
Ang mga aspeto na nakakatulong sa urbanisasyon ay pangunahin:
industriyalisasyon, paggawa ng makabago, at pangangatwiran na
URBANISASYON
30. Isang pagbabago sa mga aktibidad ng lipunan at pang-ekonomiya ng isang tao,
na nagsasangkot ng paglilipat sa pagmamanupaktura, pagbabago at kapalit ng
pagsasaka at iba pang mga menor de edad na pang-ekonomiyang gawain.
Ang proseso ng industriyalisasyon ay nagsimula noong 1760s sa Britanya. Sa
panahong ito, may lumalagong paglago sa populasyon at ang kita na nakuha ng
mga tao. Ang industriyalisasyon ay nagtatampok ng maraming aspeto ng lipunan
at ekonomiya sa mga tao. Ang isa sa mga pangunahing phenomena na nangyari
dahil sa industriyalisasyon ay urbanisasyon.
INDUSTRIYALISASYON
31. DESERTIFICATION
Pagkasira ng lupain sa
mga rehiyong
bahagyang tuyo o
lubhang tuyo na kapag
lumaon ay nagreresulta
sa tuluyang pagkawala
ng kapakinabangan ng
lupa.
32. Tumutukoy sa pagkasira ng
lupain sa mga rehiyong
bahagyang tuyo o lubhang tuyo
na kapag lumaon ay hahantong
sa permanenteng pagkawala ng
kapakinabangan o productivity
nito tulad ng nararanasan sa
ilang bahagi ng China, Jordan,
Iraq, Lebanon, Syria, Yemen, India
at Pakistan
DESERTIFICATION
35. – Sa prosesong ito, lumilitaw sa ibabaw ng lupa ang asin o
kaya naman ay inaanod ng tubig papunta sa lupa. Ito ay
nagaganap kapag mali ang isinasagawang proseso ng
irigasyon, sa paligid ng mga estuary at gayundin sa mga
lugar na mababa na ang balon ng tubig o water table. Unti-
unting nanunuot ang tubig-alat o salt-water kapag
bumababa ang water level gaya ng nararanasan ng bansang
Bangladesh sapagkat nanunuot na ang tubig-alat sa kanilang
mga ilog.
Salinization
38. Parami at padagdag na deposito
ng banlik na dala ng umaagos na
tubig sa isang lugar. Ito ay isa rin sa
mga problemang kinakaharap ng
mga bansa sa Asya na dulot o
bunsod ng pagkasira ng kagubatan
at erosyon ng lupa, gaya ng
kondisyon ng lawa ng Tonle Sap sa
Cambodia.
SILTATION
41. isang proseso na kung saan pinapababa nito ang
pagiging acidic ng bagay
• may mga lupa na kung saan mayroong
mababa na pH na nagreresulta ng pagiging
acidic nito.
• Pinapataas nito ang pH ng naturang lupa
hanggang sa maging Alkaline soil ito o lupa na
may pH na higit pa sa 7.
Alkalinisasyon
(Alkalinization)
42. Ang pag alat ng lupa na karaniwang ginagamit sa
pagtatanim ay bunga ng prosesong alkalinisasyon. Ang
nasabing pangyayari ay nagiging pangunahing suliranin
dahil sa paghalo nito sa tubig na dumadaloy sa
maraming mga ilog at nahahalo sa tubig sa mga balon
na nakapaligid nito na hindi na napapakinabangan dahil
sa prosesong ito.
Alkalinisasyon
(Alkalinization)
43. SOLID WASTE
Ang mga basura na hindi itinatapon sa tamang tapunan ay inaanod sa
mga kanal na sya namang napupunta sa mga ilog at dagat.
44. Ang pagtatapon ng solid waste o basura ay isang
malaking suliranin hindi lamang ng Asya kundi ng buong
daigdig. Maraming bansa sa Asya ay walang
karampatang pasilidad upang itapon sa maayos na
pamamaraan ang basurang galing sa mga kabahayan
maging ang mga basurang industriyal o yaong mula
mga ospital, pabrika, at industriya. Ang hindi maayos
pangangasiwa ng basura ay nagiging sanhi ng
pagkontamina o pagkadumi ng hangin, tubig at
ng lupa.
Problema sa Solid Waste
45. Kapag sinunog ang basura, dumurumi ang hangin. Kapag
itinambak lamang sa isang lugar, ang ilang mga maasido at
organikong materyal nito ay maaaring manuot sa lupa na
magiging sanhi ng kontaminasyon ng tubig na iniinom at
ng tubig na dumadaloy sa irigasyon. Ang hindi tamang
pagtatapon ng basura ay nagdudulot ng problemang
pangkalusugan sa mga tao at problemang ekolohikal
naman sa kalikasan.
Problema sa Solid Waste
46. Isa sa pinakamalalang problema ng polusyon sa kapaligiran ay
ang polusyon sa hangin. Ito ay dahil sa malawakang
paggamit ng petrolyo na nagreresulta sa sulfur dioxide.
Malala ang problemang ito sa mga pangunahing lungsod gaya
ng Beijing sa China, Tokyo sa Japan, Seoul sa South Korea,
Taipei sa Taiwan, Jakarta sa Indonesia, at Bangkok sa Thailand
na kung saan nakapagtala ang mga lugar na ito ng
pagkakaroon ng mataas na lebel ng suspended particulate
matter, sulfur dioxide, carbon dioxide at lead sa hangin.
AIR POLLUTION
47. Ang mga gas pollutants na ito ay may masamang
dulot sa kalidad ng hangin. May malubhang
polusyon sa hangin sa Kazakhstan dulot ng hindi
modernong paraan ng pagmimina dito. Ang
kontaminasyon ng hangin ay nagdudulot ng tatlong
seryosong problema: acid rain, ozone depletion, at
global climate change.
AIR POLLUTION
48.
49. Ang tubig sa mga dagat at karagatan na nakapaligid sa Asya
ay nagdaranas din ng kontaminasyon mula sa mga basura,
maruming tubig galing sa mga industriya, ang aksidenteng
pagkatapon ng langis o oil spill mula sa malalaking oil
tanker at ang latak o residue ng mga pesticides. Masama
ang dulot ng polusyon sa tubig-dagat sa kalusugan ng mga
tao at sa mga buhay-dagat.
POLUSYON SA TUBIG
50.
51. mine tailing o dumi o mga materyales na latak mula sa
proseso ng pagmimina at pagsasala mula sa malalaking
minahan. Sa kanlurang bahagi naman ng Kyrgyztan, marami
ang mga planta ng uranium ang naglalabas ng mga
radioactive waste. Ang mga dumi na ito ay nanganganib na
dumaloy sa ilog ng katabing bansa na Uzbekistan.
MINE TAILING
54. Pagkaubos at pagkawala ng
mga punongkahoy sa mga
gubat. Isa ito sa mga
problemang nararanasan ng
Asya sa kasalukuyan. Ayon sa
Asian Development Bank,
nangunguna ang Bangladesh,
Indonesia, Pakistan, at Pilipinas
sa mga bansang may
pinakamabilis na antas o rate
ng deforestation.
Deforestation
55.
56. Ang pagkakalbo ng kagubatan ay nagbibigay daan pa sa iba
pang problemang pangkapaligiran tulad ng pagbaha,
erosyon ng lupa, pagguho ng lupa, siltasyon, at
sedimentation.
Ayon sa pag-aaral ng Asian Development Bank, nangunguna
ang Bangladesh, Indonesia, Pakistan, at Pilipinas sa mga
bansang may pinakamabilis na antas o rate ng
Pangunahing sanhi ng problemang ito ang komersyal na
pagtotroso, pagkakaingin, pagputol ng puno, upang
panggatong, at ang pagkasunog ng gubat.
DEFORESTATION
57. Ang tahasang pagkawasak ng kagubatan ay isang
napakakritikal na problemang pangkapaligiran. Masama
ang dulot nito sa natural ecosystem sapagkat ang likas
na yaman ng kagubatan ay nababawasan. Pinipiling
putulin ang mga punong may ilang libong taon nang
nabubuhay sa kagubatan at hindi ito basta lamang
napapalitan sa pamamagitan ng muling pagtatanim. Sa
pagkawala ng mga puno, marami ring mga species ng
halaman at hayop ang nanganganib dahil nawawalan
sila ng natural na tirahan o natural habitat.
DEFORESTATION
64. Ang labis na panginginain (sa Ingles: overgrazing) ay
nangyayari kapag nalantad ang mga halaman sa
masidhing panginginain sa pinatagal na panahon,
walang sapat na panahon na makabawi.
*Naidulot ito ng mga domestikadong hayop o ang di
magandang pamamahala ng mga produktong pang-
agrikultura, panreserbang laro o panreserbang pang-
kalikasan.
*Paghihigpit sa di paggagalaw o paglalakbay ng mga
populasyon ng katutubo o di-katutubong mga
Labis na Panginginain (sa Ingles: overgrazing)
65. * Nababawasan nito ang kapakinabangan,
produktibidad, at biyodibersidad ng lupa at isa ito sa
sanhi ng desertipikasyon o ang pagbaba ng uri ng lupa
at ng erosyon.
* Nagdudulot ng paglaganap ng mapang-nalakay na
mga espesye ng di-katutubong mga halaman at
ng damo. Hindi ito dulot ng mga lagalag na mga
nanginginain sa mga malaking populasyon ng hayop
Labis na Panginginain (sa Ingles: overgrazing)
68. Malayong lugar, malayo sa mga
urbanisadong lugar ngunit
apektado ng mga pangyayari sa
teritoryong sakop ng lungsod
tulad ng pangangailangan ng
huli sa pagkain, panggatong, at
troso para sa konstruksiyon na
itinutustos na humahantong sa
pagkasaid ng likas na yaman
nito.
HINTERLANDS
69. HABITAT
Tirahan ng mga hayop
at iba pang mga bagay.
Pagputol ng mga puno,
pagpatag ng mga
bundok,
pagmimina,pagtapyas sa
mga bundok ang
nakakasira rito.
70. Tirahan ng mga hayop at iba
pang mga bagay. Ito ang
pangunahing apektado ng
land conversion o ang
paghahawan ng kagubatan,
pagpapatag ng mga
mabundok o maburol na lugar
upang magbigay-daan sa mga
proyektong pangkabahayan.
HABITAT
71. GLOBAL CLIMATE CHANGE
Pagbabago ng
pandaigdigan o
rehiyonal na klima na
maaaring dulot ng likas
na pagbabago sa
daigdig o mga gawain
ng tao.
72. Pagbabago ng pandaigdigan o rehiyunal na klima na maaaring dulot
ng likas na pagbabago sa daigdig o ng mga gawain ng tao.
Karaniwang tinutukoy nito sa kasalukuyan ang pagtaas ng
katamtamang temperature o global warming.
GLOBAL CLIMATE CHANGE
73.
74.
75. Isang suson sa stratosphere na
naglalaman ng maraming
konsentrasyon ng ozone.
Mahalagang pangalagaan ang
ozone layer sapagkat ito ang
nagpoprotekta sa mga tao,
halaman, at hayop mula sa
masamang epekto ng radiation
na dulot ng ultraviolet rays.
OZONE LAYER DEPLETION
76.
77.
78. MAIKLING PAGSUSULIT
Panuto: Punan ng tamang letra ang bawat
patlang upang mabuo ang mga salita.
1. __ __ ODI__ ERS__ __ Y
2. HA__ __ T __ T
3. S__ __ TA__ __ ON
4. SA __ __ NIZAT__ O__
5. DE __ __ RE __ TA __I __ N
80. TAKDANG ARALIN:
Takdang Aralin: LM, ph.55
1. Anu-ano ang iba-ibang pangkat
etnolinggwistiko sa Asya?
2. Anu-ano ang mga batayan ng
pagpapangkat ng tao sa Asya?
3. Ano ang pagkakaiba ng Tonal at
Stress?