Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa mga Suliraning Pangkapaligiran ng Asya. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang Suliraning Pangkapaligiran ng Asya.
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
AP 7 Lesson no. 4: Suliraning Pangkapaligiran ng Asya
1. Lesson 4: Suliraning Pangkapaligiran ng Asya
1. Patuloy na paglaki ng Populasyon – Napakalaking porsyento ng populasyon ng daigdig ang
nagmumula sa Asya. Hindi na mapigil ang bilis ng paglaki ng populasyon sa Asya bagamatmay mga
mangilan-ngilang bansa na mahigpit sa batas.
A. Pagkasira ng Lupa – Ang pagdami ng tao ay nagbibigay-daan sa pagkasira ng kalidad ng lupa bilang
taniman o sakahan. Kapag labis ang paggamitng lupa, di nagtatagal ay nagiging tigang ito.
Desertification – Ito ay ang uri ng land degradation sa mga medyong tuyong rehiyon ay naging
sobrang tigang o tuyo, nawawalan ng vegetation at wildlife.
B. Pagkaubos ng lupang taniman na Ginagamit na ngayong pook na panirahan, paaralan, komersyal,
libangan, at iba pang pangangailangan
C. Pagwasak sa yamang likas tulad ng kabundukan dahil sa pagpapasabog para makuha ang mga
mineral, gaya ng granite o Malalaking bato upang magamit sa mga kalsada at gusali. Nauubos din ang
kagubatan na naging sanhi ng erosion ng lupa.
2. Polusyon – Tumutukoy ito sa dumi, ingay, at amoy sa kapaligiran. Bunga ito ng patuloy na paglaki ng
populasyon, pagdami ng industrial waste, at mga sasakyang panlupa, pandagat, at panghimpapapwid.
3. Deforestation – Halos 1/3 na ng kabuuang sukat ng kagubatan sa Asya ang nauubos na. Malaking
suliranin ang idinudulotng pagkasira ng kagubatan sa mga Asyano. Nagdadala ito ng biglaang pagtaas
ng tubig, pagguho ng lupa, siltation at sedimentation.
4. Maling Paraan ng Pangingisda – Ang mga illegal na paraan ng pangingisda tulad ng paggamitng
dinamita, mga nakakalasong kemikal, pangongoryente sa tubig, muro ami, manipis, at pinong lambatay
may masamang Epekto sa mga yamang tubig sa Asya.
5. Greenhouse Effect – Ito ang proseso kung saan sinisipsip ng mga gas sa atmospera ang initna mula sa
lupa at pagkatapos ay muling inilalabas sa iba’t-ibang direksyon. Dahil papunta ang init sa ibabaw ng
lupa at sa mas mababang bahagi ng atmospera, mas tumataas ang average na temperatura sa ibabaw
ng lupa kaysa kung wala ang mga gas sa atmospera.
Global Warming – Nagbubunga ng pagtaas ng karaniwang lebel ng dagat, pagbabago sa dami at
pardon ng mga ulan; pagdami, pagdalas, atpaglakas ng mga mapanirang kalagayan ng panahon tulad
ng baha, tagtuyot, bugso ng inito heatwave, bagyo, atbuhawi. Nagdudulotdin ito ng iba’t-ibang uri ng
mababagsik na sakit.