Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa mga kababaihan sa Lebanon. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang kalagayang panlipunan ng mga babae sa Lebanon.
Earth and Life Science - Minerals and Its Properties
AP 7 Lesson no. 23-I: Kababaihan sa Lebanon
1. Lesson 23-I: Kababaihan sa Lebanon
Ang mga kababaihan sa Lebanon ay may mas maraming Karapatan at kalayaan kumpara sa mga ibang mga
kababaihan sa mga bansang Arabo
Ang mga babae sa Lebanon ay pinapayagang magsuotng mga damitna mas liberal at pwedeng
gumalaw ng malaya
Ginawaran ng suffrage ang mga babae sa Lebanon noong 1952
Ito ay naaayon sa konstitusyon ng Lebanon na nagsasabi na “ang lahat ng mga Lebanese ay pantay sa
tingin ng batas, at ang paggawa nila ng kani-kanilang gampanin at responsibilidad ng walang
Diskriminasyon na nagaganap”
Kailangang magtamo ng elementaryang edukasyon ang mga babae bago sila payagang makaboto
Ang mga babae ay pinapayagang makapasok sa mga paaralan
Obligado ang mga kababaihan na alagaan ang kani-kanilang pamilya
Sa aspekto ng kasalan, mas pinapaboran ng Kodigong Penal ng Lebanon ang mga kalalakihan. Ngunit
may ilan, na gustong rebisahin o baguhin ang Kodigong Penal sa aspekto ng kasalan
Mas tinaasan ang maternity leave sa mga buntis