Ang modyul na ito ay inihanda ng Kagawaran ng Edukasyon ng Pilipinas upang bigyang-diin ang kahalagahan ng panitikang Asyano sa paghubog ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Naglalaman ito ng mga akdang pampanitikan mula sa iba't ibang bansa sa Asya at mga aralin upang mapabuti ang pag-unawa sa kultura ng mga karatig-bansa. Ang layunin ng modyul ay tulungan ang mga mag-aaral na makilala ang mga ambag ng panitikang Asyano at maunawaan ang kanilang sariling kultura.