1. “Antas ng Kaalaman sa Panitikang Filipino ng mga Mag-
aaral sa Unang taon ng Northern Samar Colleges”
Bachelor of Secondary Education Major in Filipino- 3rd Year
ARANDIA, ERICA
BASIERTO, JHORIC JAMES
CAPOQUIAN, YUDELYN
MENDOZA, PATRICA
ROMERO, ANGELO
Tagapayo: RONALDO VERANO
2. PANIMULA
•Sa patuloy na pagbabago dala nito ang mga hamon at pagkakataon
para sa mga mag-aaral na mas mapabuti ang kanilang kasanayan sa
Filipino.
•Sa kasalukuyang panahon, mayroong mga hamon at suliraning
kinakaharap ang panitikang Pilipino, partikular sa antas ng kaalaman
ng mga mag-aaral, ilan sa mga hamon ng panitikang Pilipino ay
maaaring magmula sa kakulangan ng interes at pag-unawa sa sariling
kultura
•Ang mga suliranin ay maaari pang lumala kaya marapat na pagtuunan
ito ng pansin, at bilang mga mag-aaral naniniwala kami sa
kahalahagan ng pag-aaral at pagpapahalaga sa sariling panitikan.
3. Mga Layunin ng Pag-aaral
1. Mabatid ang profile ng mga mag-aaral tulad ng:
◦ 1.1 Kurso
◦ 1.2 Edad
◦ 1.3 Kasarian
2. Matukoy ang Antas ng Kalaman ng mga mag-aaral sa Akdang
Panitikan.
3. Matukoy ang kaalaman na dapat malinang sa pag-aaral ng
Panitikang Filipino.
4. Matukoy ang mga dahilan na nakakaapekto sa lebel ng antas ng
kaalaman sa Panitikang Filipino.
5. Mabatid kung may kabuluhang kaugnayan ang profile ng mag-aaral
sa antas ng kaalaman sa Panitikang Filipino sa Unang taon ng
Northern Samar Colleges.
4. Balangkas Teoretikal
•Teoryang Konstruktibismo (Jerome Bruner 1966)
- Binibigyan diin kung paano nakakabuo ng ideya at konsepto ang mga
mag-aaral gamit ang kasalukuyan at nakaraang kaalaman.
- Sa pag-aaral ng panitikan, ito ay nangangahulugang ang mga mag-
aaral ay nagkakaroon ng Kalayaan sa pag-interpret at
pagpapakahulugan ng mga teksto, na nagbibigay daan sa mas
malalim na pag-unawa.
•Theory of Cognitive Development
•Zone of Proximal Development
•Law of Readiness, Law of Effect, Law of Exercise
5. Balangkas Konseptwal
Malayang Baryabol Di-malayang Baryabol
pp
Profile ng mga
Mag-aaral sa
Unang taon ng
Northern Samar
Colleges ayon sa:
• Kurso
• Edad
• Kasarian
Antas ng Kaalaman
sa panitikang Filipino
ng mga Mag-aaral sa
Unang taon ng
Northern Samar
Colleges
6. Mga Kaugnay na Literatura
•Ayon sa pag-aaral ni Pollero na pinamagatang “Paghubog sa Kasanayan ng
Pagkatuto sa panitikang Filipino”, ang pagbabasa ay isa sa mga
pangunahing kasanayan sa wika na dapat pinagkadalubhasaan ng mga
mag-aaral. Sa pamamagitan ng pagbabasa, naipababatid ang mensahe ng
isang teksto na naglalaman ng ideya at kahulugan.
•Ayon sa pag-aaral nina Momanyi at Simiyu na pinamagatang “ Pag-aaral sa
Kahalagahan at Kalagayan ng Panitikang Filipino sa Makabagong Panahon”,
mayroong nakabuluhang epekto ang edad sa pagganap sa akademiko, na
sinang-ayunan naman ni Machtiger sa kanyang pag-aaral na may pamagat
na “Kahalagahan sa pag-aaral ng panitikang Filipino”, inilahad niya na ang
edad at aspeto ng mga mag-aaral hinggil sa kanilang kognitibong kakayahan
ay maaaring makaapekto sa kanilang kakayahan sa kahit anong larangan.
7. •Ayon kay Palma ang pagsusuri sa antas ng komprehensyon sa mga akdang
panitikan at akademik perpormans ng mga mag-aaral natuklasan na mayroong
makabuluhang ugnayan sa pagitan ng propayl ng mga mag-aaral hinggil sa
kasarian, gulang, at kurso sa antas ng komprehensyon sa mga akdang
panitikan.
•Sa pag-aaral nina Acheaw at Larson na pinamagatang “Reading Habits Among
Students and It’s Effect on Academic Performance: A Study of Students
Koforidua Polytechnic” natuklasan sa pag-aaral na karamihan sa mga mag-aaral
ay may pananaw na ang pag-uugaling pagbabasa ay may makabuluhang
epekto sa akademikong perpormans
•Napabulaanan din sa pag-aaral ni Tubo, na ang katamaran ang isa sa
pinakabalakid sa ugaling pagbabasa ng mga mag-aaral
8. Metodolohiya
Disenyo ng Pag-aaral
•Descriptive Correlational Design sapagkat inilalarawan at bibigyang
pansin dito ang antas ng kaalaman sa panitikang Pilipino ng mga Mag-
aaral sa Unang taon ng Northern Samar Colleges
Populasyon at Pagpili ng mga mga Tagatugon
•Gagamitin ng mga mananaliksik ang Slovin’s Formula upang malaman
ang bilang ng mga tagatugon na sasailalim sa pag-aaral at ang margin
of error na gagamitin ay 0.05
9. Instrumento ng Pananaliksik
•Ang datos ng pag-aaral na ito ay lilikumin sa pamamagitan ng
paggamit ng sariling gawang talatanungan na nasa anyong pagsusulit
•Ito ay binubuo ng apat na bahagi
I. Naglalaman ng datos tungkol sa profile ng mga tagatugon
II. Naglalaman ng mga katanungan na may kinalaman sa antas ng
kaalaman ng mga tagatugon
III. Naglalaman ng mga kaalaman na dapat malinang ng mga
tagatugon
IV. Naglalaman ng mga maaaring dahilan na nakakaapekto sa
paglinang ng kaalaman
10. Balidasyon ng Instrumento
•Isasagawa ang balidasyon ng instrument sa mga mag-aaral ng Montesorri of
Collegio de San Lorenzo Ruiz de Manila- Main Campus
Paraan ng Paglikom ng Datos
•Sa paglikom ng mga datos, isang liham ang ipapadala na humihingi ng
pahintulot sa Punong-guro ng mga tagatugon
Pamamaraang Estatistiko
•Percentage
•Range
•Regression analysis