A Semi Detailed Lesson Plan in Araling Panlipunan 3.docx
1. A Semi Detailed Lesson Plan in Araling Panlipunan 3
I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Nakapagliliwanag kung ano ang Heograpiya.
Mahigpit na nakapagmamasid ng iba’t ibang uri ng Heograpiya.
Nakapag-uugnay-ugnay ang Lokasyon ng Pilipinas sa Heograpiya nito.
II. PAKSANG ARALIN
Paksa: Ugnayan ng Lokasyon ng Pilipinas sa Heograpiya nito.
Sanggunian: Siglo 3
Kagamitan: Powerpoint Presentation, at Laptop
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Padadasal
2. Pagbati
3. Pagtatala ng Liban
4. Balik Tanaw sa nakaraang Aralin
B. Panlinang na Gawain
5. Panggaya
(Larong pangkatan. Bumuo ng tatlo hanggang limang miyembro sa isang grupo. Bawat isang grupo ay inaatasang mag
isip ng isang lugar sa Pilipinas at ipaliwanag ang Heograpiya nito.)
6. Paglalahad
Sa umagang ito ay tatalakayin natin ang Ugnayan ng Lokasyon ng Pilipinas sa Heograpiya nito. Sa araling ito ay
malalaman natin natin kung ano hangganan at lawak ng teritoryo ng Pilipinas. Sa paglalahad ng araling ito ay gagamit ang
guro ng isang PowerPoint presentation at maikling bidyo na tumatalakay sa diskusyon ngayong araw.
7. Paghahambing at Pagsusuri Panuto:
Lagyan ng ✓ ang mga pahayag na tumutukoy sa lawak at teritoryo ng Pilipinas at ✕ kung hindi.
____1. Ang Pilipinas ay bahagi ng kontinente ng Hilagang Amerika.
____2. Ang Pilipinas ay isang kapuluan. Ito ay napapalibutan ng iba’t ibang anyong tubig.
____3. Ang Pilipinas ay malapit sa kalupaan ng China at ito ay matatagpuan sa gawing Hilagang Kanluran ng bansa.
____4. Matatagpuan ang Dagat Celebes sa Timog na bahagi ng Pilipinas.
____5. Ang teritoryo ng Pilipinas ay binubuo ng kalupaan, katubigan, at himpapawirin.
8. Paglalagom at Paglalagat
Panuto: Punan ng mga titik ang mga patlang upang mabuo ang tamang sagot.
1. Tumutukoy sa pag aaral ng katangiang pisikal ng mga lugar gaya ng klima, lokasyon, hugis, lawak, anyong lupa at iba
pa. _ E O _ _ _ P _ _ A
2. Kinaroroonan o kinalalagyan ng mga lugar sa daigdig. _ O _ _ S _ _ N
3. Tumutukoy ito sa pangkat o lupon ng mga pulo. K _ P _ _ U _ N
4. Ito ang pangunahing gawain ng mga nakatira sa kapatagan. P _ G _ A _ _ K _
Sta. Isabel Montessori (Nueva Ecija), Inc.
Sto. Cristo, San Antonio, Nueva Ecija
ELEMENTARY DEPARTMENT
S.Y. 2023 - 2024
2. 9. Panggamit
Ang mga mag aaral ay inaatasang gumawa ng isang maikling sanaysay tungkol sa kanilang mga natutunan ngayong araw.
Gawin ito sa loob lamang ng labinlimang minute.
10. Pagtataya
Magkakaroon ng maikling pagsusulit ang mga mag aaral tungkol sa Ugnayan ng Lokasyon ng Pilipinas sa Heograpiya
nito.
11. Takdang Aralin
Gumawa ng isang brochure na nagpapakita ng iba’t ibang magagandang atraksyong panturista sa Pilipinas.
Prepared by:
JELYN DC. CANDO
Teacher
NOTED:
LAZARO T. PACSON
Principal