SlideShare a Scribd company logo
1 of 17
Kabanata 2
Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Ang bahaging ito ay nakatuon sa mga kaugnay na
babasahin at pag-aaral na ito. Ito ay binubuo ng apat
na bahagi: (1) atityud ng mga mag-aaral sa Filipino,
(2) kakayahang pangkaisipan ng mga mag-aaral sa
Filipino, (3) performans ng mga mag-aaral sa Filipino,
at (4) buod.
Unang bahagi, atityud ng mga mag-aaral sa
Filipino, ang atiyud ay siyang nagpapaliwanag o
naglalahad ng mga nakakaapekto o salik sa atityud ng
isang mag-aaral sa Filipino at ang pakinabang nito sa
larangan ng pagtuturo at pagkatuto.
Ikalawang bahagi, kakayahang pangkaisipan ng mga
mag-aaral sa Filipino, nakatuon naman ang bahaging ito
sa paglalahad ng kaalaman ng isang mag-aaral sa pag-
aaral ng Filipino.
Ikatlong bahagi, performans ng mga mag-aaral sa
Filipino, sa bahaging ito, pinag-uusapan ang mga
performans at natamong kabatiran at kakayahan ng mga
mag-aaral ayon sa kanilang guro na nagtuturo sa mag-
aaral sa pag-aaral ng Filipino.
Ikaapat na bahagi, buod, nakatuon naman ang
bahaging ito sa paglalagom ng tatlong naunang mga
bahagi ng kabanata.
Atityud ng mga Mag-aaral sa Filipino
Ayon kay Nunan (2004), ang mataas na motibasyon
sa mga mag-aaral ay nagkakaroon ng positibong atityud
at ito rin ang makatutulong upang magkaroon ng isang
matagumpay at mabisang pagkatuto sa pag-aaral ng
Filipino.
Ayon kay Tompkins (1990) ang pagsulong at pag-
unlad sa pagsulat ng mga bata ay maoobserbahan habang
unti-unti nilang naipapahayag ang kanilang mga
kompleks na ideya o kaisipan sa kanilang mga sulatin.
Ang paggabay sa mga mag-aaral kung ano ang mabuting
pagdedesisyon ay makakatulong sa kanila ng lubos
lalong lalo na ngayon na dapat ay maging wais at
praktikal ang isang indibidwal.
Lumalabas sa pag-aaral ni Geroche (2004), na ang
mga mag-aaral na kulang sa kakayahan sa wikang
Filipinos ay nawawalang interes sa pag-aaral kaya sa
kinalabasan ng pag-aaral, kailangan na magsisikap ang
mga mag-aaral na gumamit ng wikang Filipino sa loob ng
silid-aralan upang maituwid ang negatibong atityud sa
wika at palatandaan sa pagtanggap ng mga mag-aaral sa
asignaturang Filipino.
Ang pag-aaral sa atityud, kakayahang pangkaisipan
at performans ng mag-aaral sa Filipino ay magiging
gabay sa guro kung paano niya mapapalawak ang kaalaman
ng mga mag-aaral hinggil sa pag-aaral ng asignaturang
Filipino. Masasabi niya o matuturo niya ang
kahalagahan ng Filipino sa ating bansa ng sa ganoon ay
pahalagahan ito ng mga mag-aaral at ipaglaban ito na
gamitin ng maraming tao.
Iba-iba ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral.
Ipinapakita dito na hindi masusukat ang kanilang
kakayahan kung sila man ay nakatira sa lungsod o
probinsiya. Ayon kay Chan (2014), hindi rin batayan
ang grado sa galing at husay ng mga mag-aaral sa
wikang Filipino. Sinabi rin ni Blancaver (2014),
Maaaring ang mas madalas nilang paggamit nito sa
pakikipagtalastasan ay nakatutulong sa kanilang
kabihasan sa wikang ito.
Sa pag-aaral ng atityud at kakayahang
pangkaisipan ng isang mag-aaral ay malalaman ang
performans ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino.
Marami ring bagay ang dapat isaalang-alang sa
pagkatuto ng mga mag-aaral upang maiangat ang kanilang
performans tulad ng kanilang saloobin o atityud, mga
gurong nagtuturo sa Filipino at iba pa.
Ayon naman kina Eccles and Sameroff (2001), ang
atityud ng mga mag-aaral ay nakaayon sa ugali ng
kanilang mg magulang. Ang mga magulang na
nagpapahalaga sa tagumpay at umaasa na ang mga anak
nila ay mag-aaral nang mabuti ay isang paraan upang
maitulak ang kanilang anak na magkaroon na tiyak na
layunin sa buhay.
Ayon kay Robert, Henriksens and Foerch (2004),
ang mga mag-aaral ay lumaking naging hantad sa mundo.
Dagdag pa nila na ito ay nagdudulot ng positibo at
negatibong epekto na depende sa pagkakahayag nito sa
mga paksain sa mass media.
Gaya rin sa pag-aaral ni Guzman (2001), lumabas
sa pag-aaral niya na higit na maganda ang pagtingin ng
mga mag-aaral sa kanilang sarili at higit na mataas
ang kanilang natatamong antas ng kakayahan kapag
gumagamit ang guro ng mapaghikayat at magandang
pananalita.
Mahalaga na linangin ng guro ang kakayahan sa
paggamit ng wika para sa ikauunlad ng komunikasyon at
ikabubuti ng pagkatuto ng mga mag-aaral na makatulong
sa pagkakaroon ng positibong atityud at pagtaas ng
performans sa pag-aaral ng Filipino.
Sinabi ni Willing (2003), sa pagtuturo ng
Filipino malaki ang papel na ginagampanan ang guro sa
paghubog ng ugali o atityud ng mga mag-aaral lalo na
sa mga mag-aaral na walang interes sa pag-aaral ng
Filipino. Ang guro ang nagbibigay motibasyon,
naghahanap at maghanda ng iba’t ibang estratehiya para
maging kasiya-siya sa mga mag-aaral ang kanilang pag-
aaral sa wika.
Ayon kay Dizon (2005), kailangan maging sensitibo
ang bawat guro sa gawi at asal na ipapakita ng mga
mag-aaral sa loob ng klase sapagkat ang mga ito ay
maaari nilang magamit bilang indikeytor upang malaman
ang atityud ng mga mag-aaral hinggil sa asignaturang
kanilang itinuturo. Ito ay maaaring magsilbing gabay
ng bawat isa upang higit na mapabuti ang pagplano ng
mga tiyak na gawain at pagpili ng mga angkop na
istratehiyang makatutulong sa paghubog ng mabuting
gawi at atityud ng mga mag-aaral sa kanilang pag-
aaral.
Sinabi nina Blaire et al.(2000), ang mga uri ng
saloobin ng bata ay nakaaapekto sa mga gawaing
pampaaralan at pagkatuto sa maraming paraan. Kung ang
saloobin niya sa isang guro ay positibo at nagustuhan
niya nag gawaing pampaaralan, halos tiyak na matatamo
niya ang tagumpay at sa pamaamgitan ng reinforcement
ay lalo pang magsisikap at gagawa sa abot ng kanyang
makakaya upang lalong magtagumpay. Kapag negatibo ang
saloobin ng bata sa paaralan at sa guro, ito ay
nagpapakita lamang na ang kanyang kawilihan ay nasa
ibang bagay.
Kakayahang Pangkaisipan ng mga mag-aaral sa
Filipino
Makikita na ang saloobin ay maaaring makasagabal
sa pagkatuto kapag isinasaalang-alang ang saloobing
naging bunga ng pagbagsak sa klase. Likas na sa tao
ang di-pagtanggap ng kabiguang sanhi ng sariling
kakulangan ng kakayahan. Sa halip, ang mga kabiguang
ito ay sinisisi niya sa paaralan, sa mga guro, na
naging sagabal sa kanyang pagkatuto sa hinaharap. Sa
sunud-sunod na pagkabigo at ang mga sariling depensa
ay wala nang magawa. Isang matinding damdamin ng
kawalang pag-asa, walang katiyakan, at pagpapababa sa
sarili ang susunod (Jovero, et.al, 2000).
Ayon sa librong “facilitating learning: A
Metacognitive Process” nina Lucas at Corpus (2007),
may iba’t ibang proseso ang pagkatuto at ng mga salik
na nakaaapekto rito pati na rin ng pamamaraan sa
pagtuturo. Una rito ay ang likas na pagkatuto, rito
mas epektibo ang pagkatuto kung ito ay intensyunal na
proseso sa pagbuo ng kahulugan galing sa impormasyon
at karanasan. Pangalawa, ay hangad sa proseso ng
pagkatuto ang tagumpay sa pagkatuto ay nakasalalay sa
maayos na representasyon ng kaalaman. Pangatlo, pagbuo
ng kaalaman ang matagumpay na mag-aaral ay naipag-
uugnay ang bagong impormasyon sa dating alam na mas
makabuluhang paraan. Pang-apat pag-iisip na may
istratehiya, ang matagumpay na mag-aaral ay nakabubuo
at gumagamit ng makatwirang paraan ng pag-iisip upang
makamtan ang pagkatuto. Panglima, ang pag-iisip kung
ano ang iniisip mataas na ayos ng istratehiya sa
pagpili at pagmonitor ng mental na operasyon sa
malikhaing pag-iisip at kritikal na operasyon. Pang-
anim, mula sa mga konstekto, sinasabi na ang pagkatuto
ng isang mag-aaral ay naiimpluwensyahan ng
kapaligiran, kabilang na ang kultura, teknolohiya at
mga paniniwalang instruksyunal. Sumunod dito ay ang
motibasyon at ang emosyunal na impluwensya sa
pagkatuto, ito ay kung paano natututo ang isang mag-
aaral sa pamamagitan ng motibasyon. Sinasabing ang
motibasyon ng isang mag-aaral ay naiimpluwensyahan ng
indibidwal na emosyon, paniniwala at interes at
kaugalian sa pag-iisip. Hindi lamang ang emosyon ang
naiimpluwensyahan ng motibasyon kundi pati na rin ang
sarili. Ang pagiging malikhain ng isang mag-aaral ay
makikita sa paggawa ng mga gawain na bagaman mahirap
ay nagagawa dahil sa personal nna interes ng mag-aaral
at bukal sa kanyang kalooban na gawin ito.
Kakayahan ng utak na ginagamit natin sa
pagtitipon ng impormasyon, pangangatuwiran, at pagbuo
ng mga konklusyon. Ang salitang pag-iisip ay salin ng
ilang magkakaugnay na salitang Griyego na
nagpapahiwatig ng mga katangian ng isip, gaya ng
kakayahan sa pag-iisip, talino o katalinuhan, mental
na pang-unawa, pangangatwiran, kaisipan, intensyon,
alaala, kalagayan ng isip o pangmalas, opinion o
palagay, hilig ng kaisipan, pangkaisipang saloobin, at
kakayahang pangkaisipan. Bagaman kung minsa’y
ginagamit ng ilang salin ang salitang pag-iisip, ang
ginagamit naman ng ibang mga salin ay ang deskriptibo
at espesipikong mga termino na kababanggit lamang. sa
ilang dako sa tekstong Hebreo, ang mga salita para sa
alalahanin at isaalang-alang ay maaaring isalin bilang
ingatan sa isipan at nasa isip o isipin. Sa Hebreong
kasulatan, ang pag-iisip ay lumilitaw sa ilang
bersiyon bilang salin ng mga salitang Hebreo na ang
literal at angkop na kahulugan ay puso, kaluluwa, at
espiritu.-ihambing ang Deu 4:39.
Ayon sa ulat ng SCANS (Secretary Commision on
achieving Necessary Skills), may dalawang elementong
kinakailangan sa pag-aaral at sa hanapbuhay: mga
kakayahan at pundasyong katangian. Ang mga kakayahan
na tinukoy na mahalaga ay ang mga kakayahang tumukoy,
mag-ayos, magplano, at magbahagi ng oras, salapi, mga
gamit at pasilidad at yamang tao, kakayahang gumawa
kasama ang iba, kakayahang kumuha, mag-ayos,
magpakahulugan at gumamit ng impormasyon, kakayahang
umunawa at mag-ayos ng sistema, kakayahang gumamit at
mag-ayos ng teknolohiya. Ang mga pundasyong katangian
ay ang pangunahing kakayahan gaya ng pagbabasa,
pagsusulat, pakikinig at pagsasalita, kakayahang
pangkaisipan gaya ng malikhaing pag-iisip,
pagdedesisyon, biswalisasyon, at ang personal na
katagian gaya ng responsibilidad, pagpapahalaga sa
sarili, pakikitungo sa iba, integridad at katapatan.
Ayon kay Guamen na binanggit ni Tosoc (2014),
iminungkahi ng mga linggwista na sa paggamit ng wika,
ito ay nangangailangan ng iba’t ibang kakayahan. Hindi
raw ang kakayahang bumuo lamang ng mga pangungusap ang
mga kailangan kung hindi maging ang pagsama-sama ng
mga pangungusap na ito para sa mabisang
pakikipagtalastasan sa iba’t ibang uri ng tao sa iba’t
ibang sitwasyon.
Performans ng mga Mag-aaral sa Filipino
Ayon kay Alejandro (2010), lubhang nakaaalarma o
kung hindi man malaking hamon para sa mga gurong
nagtuturo sa Filipino ang patuloy na pagbaba ng antas
ng performans ng mga mag-aaral sa asignaturang
Filipino gayundin ang paglaganap ng iba’t ibang
miskonsepsyon hinggil sa halaga at kabuluhan ng pag-
aaral ng Filipino. Nakalulungkot isipin na mas marami
pang mag-aaral ang lubos na nakauunawa at nakakukuha
ng mataas na marka sa ibang asignatura kaysa sa
Filipino na itinuturo gamit ang wikang pambansa.
Ayon sa pag-aaral ni Paet (2010), kung patukoy
pang lilinangin ang pag-oobserba o pag-aaral patungkol
sa epekto ng kaantasan ng wika sa performans ng mga
mag-aaral sa asignaturang Filipino ay mas mapapansin
pa ang mga kakulangan at dapat linanging paraan upang
ang performans ng mga mag-aaral sa asignaturang
Filipino ay maidebelop pa ng husto. Ang kaantasan ng
kagalingan sa wika ang kadalasang magpapaunlad sa
isang mag-aaral upang matuto, kaya kung ito ay
malilinang pa ng husto, ang performans ng mga mag-
aaral sa asignaturang ito ay lalo pang magiging
makinis.(http://www.slashdocs.com/pmuuvm/ang-epekto-
ng-kaantasan-ng-wika-sa-performans-ng-mga-mag-aaral-
sa-asignaturang-filipino-sa-unang-taon.html).
Ang antas ng sekundarya ay maituturing na
kritikal na panahon sa buhay ng isang mag-aaral. Sa
pagpasok ng mga guro, pangunahing nasusukat dito ang
performans ng bawat mag-aaral kaya mapapansin na sa
unang bahagi palang malaki ang ginagampanan ng guro sa
ikatuto at ikaunlad ng performans ng mga mag-aaral.
Lubhang nakaalarma o kung hindi man isang
malaking hamon para sa mga gurong nagtuturo sa
Filipino ang patuloy na pagbaba ng antas performans ng
mga mag-aaral sa asignaturang ito gayundin ang
paglaganap ng iba’t ibang miskonsepyon hinggil sa
halaga at kabuluhan ng pag-aaral ng Filipino.
Ayon sa mananaliksik para mas lalong mapaunlad
ang performans ng mga mag-aaral sa Filipino, kailangan
ang pagsasakatuparan sa klase ng mga patakarang
pangwika. Ang pagkakaroon ng mga dinamikong gawain
pasalita at pasulat sa klase upang malinang ang
kakayahan sa pakikipagtalastasan sa wikang Filipino ,
paghihikayat sa interest ng mga mag-aaral, pagsasalita
ng wikang Filipino, pagkakaroon ng mga lektyur at
talakayan tungkol sa mga napapanahong paksa gamit ang
wikang Filipino, at pagbibigay sa kinauukulan hinggil
sa kakulangan ng kagamitan at iba pang kailangan sa
pag-aaral ng Filipino.
Sa masining na pananaw at pamamaraan ng pagtuturo
ng isang guro nakasalalay ang mabilis na pagkatuto ng
mga mag-aaral at maganyak sa pag-aaral na naging
dahilan sa lalong pagtaas ng kanilang performans. Sa
kabuuan, sa pamamagitan ng pag-aaral na ito malalaman
ng mananaliksik ang kahalagahan ng atityud at
kakayahang pangkaisipan sa pagtuturo at ang epekto
nito sa performans ng mga mag-aaral sa Filipino. Ang
pag-aaral na ito ay napakahalaga sa mag-aaral, guro,
magulang, at marami pa. sa pamamagitan nito ay
mabibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral sa pag-
unawa ng mga teorya, konsepto, wika at iba pa sa
asignaturang Filipino. At sa mga magulang magsisilbi
itong gabay kung ano ang dapat nilang gawin para
makatulong sa pagpapaunlad sa buong pagkato ng
kanilang mga anak at para malaman din nila ang
performans ng kanilang mga anak sa isang paaralan. Sa
mga guro naman magsisilbi itong susi para makapagbuo
ng mga kaukulang paraan para makuha nila nag atensiyon
ng mga mag-aaral sa kanilang pagtuturo at mapaangat
ang performans ng mga mag-aaral sa Filipino.
Ayon kay Chomsky na binanggit ni Aguilar (2007),
ang pagbibigay liwanag sa kahulugan ng kompetens at
performans. Sinabi niya na ang kompetens daw ay
tumutukoy sa kaalaman ng tao tungkol sa kanyang wika
at ang performans naman ay nauukol sa kakayahan sa
aktwal na paggamit ng wika sa mga tiyak na
pagkakataon.
Buod
Napakahalaga ang pag-aaral na ito sa lahat ng tao
dahil ang atityud ang nagbibigay sa atin ng direksyon
kung paano dalhin ang isang bagay sa mabuting paraan o
saloobin. Tumutulong ito na palaguin ang pasensya at
kawilihan ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng Filipino.
Dahil sa atityud maaaring pahabain ang kaalaman
kalakip ang mabuting pakay nito sa buong pagkatao at
sa pakikipagkapwa tao.
Malinaw na malinaw sa pag-aaral na ito na
nabanggit na kapag ang isang mag-aaral ay may mastery
sa kanyang wika at umabot na ito sa punto kung saan
sanay na ang kanyang kritikal na pag-iisip, maaari
niya itong gamitin sa iba’t ibang pamamaraan o
paligsahan na may koneksiyon sa Filipino.
Ang kakayahang pangkaisipan ay napakahalaga din
sa pag-aaral at dapat na taglay ito kahit tumanda na
sila. Sa pamamagitan ng kakayahang pangkaisipan
nakakagawa tayo ng mga bagay bagay na kakaiba sa
lahat. Dahil dito nagkakaroon ang tao ng pag-unawa sa
mga bagay na nagyayari o nagaganap sa paligid.
Nakakapaghinuha ang lahat ng tao kung ano ang dapat
gawin at hindi dapat gawin sa ating pamumuhay sa
mundong ito. Nakakagawa sila ng mga bagay na imposible
sa paningin ng ibang tao. Nagiging iba iba na sila sa
pamamaraang ginagamit dahil sa malawak na pag-iisip.
Hindi maaaring mawala ang performans ng mag-aaral
o isang indibidwal sa kanyang buhay. Ito ang
sumasalamin sa mag-aaral kung anong maaari niyang
magawa ngayon, bukas at sa hinaharap na magpapaunlad
sa kanyang kakayahan at pagkatao. Dito mababasi kung
nagbabago ba ang kanyang kayang abutin sa buhay, kung
bumababa ito o tumataas. Ito ang nagsisilbing gabay at
basehan sa lahat ng bagay, sa trabaho man o pag-aaral.
Mahalaga ang pag-aaral sa nga atityud, kakayahang
pangkaisipan at performans ng mag-aaral sa Filipino
dahil nagsisilbi itong gabay sa mga mag-aaral para mas
lalong malinang ang edukasyon niya at ng isang guro sa
iba’t ibang sitwasyon o kondisyon ng pag-aaral sa
Filipino ng mga mag-aaral. Mahalagang pag-aralan natin
ang wika sa Filipino na kung saan nagtataglay ang mga
mag-aaral ng kakayahang pangkaisipan upang mapabatid
ang gusto nilang ipahayag sa ating kapwa sa mabuting
pamamaraan. Naging daan ito para mabigyang panahon
kung paano mabibigyang daan o paraan ang
pakikisalamuha sa iba’t ibang atityud ng isang mag-
aaral nang sa ganoon maiiwasan ang mga pangyayaring
maaaring makasama sa pagkatao at lalo na sa trabaho.
Bawat baryabols ay may koneksiyon sa isat isa kung
saan makikita ang performans ng isang mag-aaral sa
pag-aaral sa Filipino sa pamamagitan ng atityud nito
malalaman kung paano makuha ang kanyang atensiyon, ang
kakayahang pangkaisipan ay nagsisilbing gabay kung
paano niya gawin ang isang bagay na kung saan ay
maaaring makaapekto sa kanyang performans.
Maraming nagsasabing ang asignaturang Filipino
daw ay dapat mawala, pero matitiis ba ng mga tao na
hindi ito gamitin o tangkilikin kung ito mismo ang
nagsisilbing paraan para tayo ay magkaintindihana?
Marami din namang nagsusulong na dapat ang Filipino ay
bigyang atensiyon dahil sariling wika ng mga Pilipino,
dito nasasalamin ang pagkaFilipino. Para sa mga
mananaliksik hindi dapat mawala ang Filipino dahil
mahalaga ito mga mamamayang Pilipino. Ito lamang ang
nagsisilbingb patunay na mahal nila ang kanilang bayan
at ang kanilang lahi.

More Related Content

Similar to Kabanata 2.docx

Damdamin at saloobin ng mga guro at mag aaral sa filipino 10
Damdamin at saloobin ng mga guro at mag aaral sa filipino 10Damdamin at saloobin ng mga guro at mag aaral sa filipino 10
Damdamin at saloobin ng mga guro at mag aaral sa filipino 10DepEd
 
PAGTATAYA SA KOMUNIKATIBONG KASANAYANG PANGWIKA NG MGA GURO SA FILIPINO
PAGTATAYA SA KOMUNIKATIBONG KASANAYANG PANGWIKA NG MGA GURO SA FILIPINOPAGTATAYA SA KOMUNIKATIBONG KASANAYANG PANGWIKA NG MGA GURO SA FILIPINO
PAGTATAYA SA KOMUNIKATIBONG KASANAYANG PANGWIKA NG MGA GURO SA FILIPINOAJHSSR Journal
 
2P-MSE06.pptx
2P-MSE06.pptx2P-MSE06.pptx
2P-MSE06.pptxgemma121
 
Pagkabalisa sa Pagsasalita Gamit ang Wikang Filipino ng mga mag-aaral sa Pili...
Pagkabalisa sa Pagsasalita Gamit ang Wikang Filipino ng mga mag-aaral sa Pili...Pagkabalisa sa Pagsasalita Gamit ang Wikang Filipino ng mga mag-aaral sa Pili...
Pagkabalisa sa Pagsasalita Gamit ang Wikang Filipino ng mga mag-aaral sa Pili...AJHSSR Journal
 
Mga Estratehiyang Pinakaginagamit sa Pagsulat sa Filipino ng mga Mag-aaral ng...
Mga Estratehiyang Pinakaginagamit sa Pagsulat sa Filipino ng mga Mag-aaral ng...Mga Estratehiyang Pinakaginagamit sa Pagsulat sa Filipino ng mga Mag-aaral ng...
Mga Estratehiyang Pinakaginagamit sa Pagsulat sa Filipino ng mga Mag-aaral ng...AJHSSR Journal
 
MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA ANTAS NG PAGUNAWA SA PAGBASA NG MGA MAG-AARAL SA ...
MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA ANTAS NG PAGUNAWA SA PAGBASA NG MGA MAG-AARAL SA ...MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA ANTAS NG PAGUNAWA SA PAGBASA NG MGA MAG-AARAL SA ...
MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA ANTAS NG PAGUNAWA SA PAGBASA NG MGA MAG-AARAL SA ...AJHSSR Journal
 
Thesis ni liz tsu format orig &edited
Thesis ni liz tsu format orig &editedThesis ni liz tsu format orig &edited
Thesis ni liz tsu format orig &editedAna Salas
 
Mga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipino
Mga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipinoMga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipino
Mga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipinoTEACHER JHAJHA
 
Kaalaman at Kasanayang Komunikatibo sa Pagtuturo at Pagkatuto ng Filipino 1.pptx
Kaalaman at Kasanayang Komunikatibo sa Pagtuturo at Pagkatuto ng Filipino 1.pptxKaalaman at Kasanayang Komunikatibo sa Pagtuturo at Pagkatuto ng Filipino 1.pptx
Kaalaman at Kasanayang Komunikatibo sa Pagtuturo at Pagkatuto ng Filipino 1.pptxMariaCecilia93
 
Abegail E. Ancheta
Abegail E. AnchetaAbegail E. Ancheta
Abegail E. Anchetamekurukito
 
Pamamaraan_sa_pagtuturo_ng_wika.pptx
Pamamaraan_sa_pagtuturo_ng_wika.pptxPamamaraan_sa_pagtuturo_ng_wika.pptx
Pamamaraan_sa_pagtuturo_ng_wika.pptxJennilynUnguiDesabil
 
Kakayahan ng mga Pre-Service Teachers sa Pagtuturo ng Asignaturang Filipino
Kakayahan ng mga Pre-Service Teachers sa Pagtuturo ng Asignaturang FilipinoKakayahan ng mga Pre-Service Teachers sa Pagtuturo ng Asignaturang Filipino
Kakayahan ng mga Pre-Service Teachers sa Pagtuturo ng Asignaturang FilipinoAJHSSR Journal
 
Sikolohiya hinggil sa pagkatuto ng wika, mga teorya
Sikolohiya hinggil sa pagkatuto ng wika, mga teoryaSikolohiya hinggil sa pagkatuto ng wika, mga teorya
Sikolohiya hinggil sa pagkatuto ng wika, mga teoryamyrepearl
 
Tunguhin, Nilalaman, Batayang Balangkas ng Filipino Curriculum K-12
Tunguhin, Nilalaman, Batayang Balangkas ng Filipino Curriculum K-12Tunguhin, Nilalaman, Batayang Balangkas ng Filipino Curriculum K-12
Tunguhin, Nilalaman, Batayang Balangkas ng Filipino Curriculum K-12Camille Panghulan
 

Similar to Kabanata 2.docx (20)

Damdamin at saloobin ng mga guro at mag aaral sa filipino 10
Damdamin at saloobin ng mga guro at mag aaral sa filipino 10Damdamin at saloobin ng mga guro at mag aaral sa filipino 10
Damdamin at saloobin ng mga guro at mag aaral sa filipino 10
 
PAGTATAYA SA KOMUNIKATIBONG KASANAYANG PANGWIKA NG MGA GURO SA FILIPINO
PAGTATAYA SA KOMUNIKATIBONG KASANAYANG PANGWIKA NG MGA GURO SA FILIPINOPAGTATAYA SA KOMUNIKATIBONG KASANAYANG PANGWIKA NG MGA GURO SA FILIPINO
PAGTATAYA SA KOMUNIKATIBONG KASANAYANG PANGWIKA NG MGA GURO SA FILIPINO
 
chapter 1-2.docx
chapter 1-2.docxchapter 1-2.docx
chapter 1-2.docx
 
2P-MSE06.pptx
2P-MSE06.pptx2P-MSE06.pptx
2P-MSE06.pptx
 
Pagkabalisa sa Pagsasalita Gamit ang Wikang Filipino ng mga mag-aaral sa Pili...
Pagkabalisa sa Pagsasalita Gamit ang Wikang Filipino ng mga mag-aaral sa Pili...Pagkabalisa sa Pagsasalita Gamit ang Wikang Filipino ng mga mag-aaral sa Pili...
Pagkabalisa sa Pagsasalita Gamit ang Wikang Filipino ng mga mag-aaral sa Pili...
 
Pangkat-2-Presenthesis.pdf
Pangkat-2-Presenthesis.pdfPangkat-2-Presenthesis.pdf
Pangkat-2-Presenthesis.pdf
 
Mga Estratehiyang Pinakaginagamit sa Pagsulat sa Filipino ng mga Mag-aaral ng...
Mga Estratehiyang Pinakaginagamit sa Pagsulat sa Filipino ng mga Mag-aaral ng...Mga Estratehiyang Pinakaginagamit sa Pagsulat sa Filipino ng mga Mag-aaral ng...
Mga Estratehiyang Pinakaginagamit sa Pagsulat sa Filipino ng mga Mag-aaral ng...
 
MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA ANTAS NG PAGUNAWA SA PAGBASA NG MGA MAG-AARAL SA ...
MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA ANTAS NG PAGUNAWA SA PAGBASA NG MGA MAG-AARAL SA ...MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA ANTAS NG PAGUNAWA SA PAGBASA NG MGA MAG-AARAL SA ...
MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA ANTAS NG PAGUNAWA SA PAGBASA NG MGA MAG-AARAL SA ...
 
Thesis ni liz tsu format orig &edited
Thesis ni liz tsu format orig &editedThesis ni liz tsu format orig &edited
Thesis ni liz tsu format orig &edited
 
Mga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipino
Mga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipinoMga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipino
Mga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipino
 
Kakayahang pragmatiko
Kakayahang pragmatikoKakayahang pragmatiko
Kakayahang pragmatiko
 
Kaalaman at Kasanayang Komunikatibo sa Pagtuturo at Pagkatuto ng Filipino 1.pptx
Kaalaman at Kasanayang Komunikatibo sa Pagtuturo at Pagkatuto ng Filipino 1.pptxKaalaman at Kasanayang Komunikatibo sa Pagtuturo at Pagkatuto ng Filipino 1.pptx
Kaalaman at Kasanayang Komunikatibo sa Pagtuturo at Pagkatuto ng Filipino 1.pptx
 
Abegail E. Ancheta
Abegail E. AnchetaAbegail E. Ancheta
Abegail E. Ancheta
 
Learning plan
Learning planLearning plan
Learning plan
 
Pamamaraan_sa_pagtuturo_ng_wika.pptx
Pamamaraan_sa_pagtuturo_ng_wika.pptxPamamaraan_sa_pagtuturo_ng_wika.pptx
Pamamaraan_sa_pagtuturo_ng_wika.pptx
 
Kakayahan ng mga Pre-Service Teachers sa Pagtuturo ng Asignaturang Filipino
Kakayahan ng mga Pre-Service Teachers sa Pagtuturo ng Asignaturang FilipinoKakayahan ng mga Pre-Service Teachers sa Pagtuturo ng Asignaturang Filipino
Kakayahan ng mga Pre-Service Teachers sa Pagtuturo ng Asignaturang Filipino
 
Sikolohiya hinggil sa pagkatuto ng wika, mga teorya
Sikolohiya hinggil sa pagkatuto ng wika, mga teoryaSikolohiya hinggil sa pagkatuto ng wika, mga teorya
Sikolohiya hinggil sa pagkatuto ng wika, mga teorya
 
2010 03-22-14.17.05
2010 03-22-14.17.052010 03-22-14.17.05
2010 03-22-14.17.05
 
Tunguhin, Nilalaman, Batayang Balangkas ng Filipino Curriculum K-12
Tunguhin, Nilalaman, Batayang Balangkas ng Filipino Curriculum K-12Tunguhin, Nilalaman, Batayang Balangkas ng Filipino Curriculum K-12
Tunguhin, Nilalaman, Batayang Balangkas ng Filipino Curriculum K-12
 
e-161111091218.pdf
e-161111091218.pdfe-161111091218.pdf
e-161111091218.pdf
 

Recently uploaded

Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxLucy Datuin
 
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............AljayGanda
 
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxBANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxtambanillodaniel3
 
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxAP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxRanjellAllainBayonaT
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxjobellejulianosalang
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxCristyJoySalarda
 
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptxSalik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptxmaricrismarquez003
 
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikanPagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikanJohairaAcot
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxChristineJaneWaquizM
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...mtmedel20in0037
 
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)RonalynGatelaCajudo
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxElmaPBasilio
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationkimdavidmerana03
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...erickacalugcugan001
 
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...mtmedel20in0037
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYARonalynGatelaCajudo
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxfedelgado4
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxAJAdvin1
 
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptxAP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptxComisoMhico
 
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxModule 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxsmileydainty
 

Recently uploaded (20)

Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
 
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
 
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxBANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
 
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxAP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
 
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptxSalik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
 
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikanPagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
 
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
 
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
 
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptxAP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
 
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxModule 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
 

Kabanata 2.docx

  • 1. Kabanata 2 Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral Ang bahaging ito ay nakatuon sa mga kaugnay na babasahin at pag-aaral na ito. Ito ay binubuo ng apat na bahagi: (1) atityud ng mga mag-aaral sa Filipino, (2) kakayahang pangkaisipan ng mga mag-aaral sa Filipino, (3) performans ng mga mag-aaral sa Filipino, at (4) buod. Unang bahagi, atityud ng mga mag-aaral sa Filipino, ang atiyud ay siyang nagpapaliwanag o naglalahad ng mga nakakaapekto o salik sa atityud ng isang mag-aaral sa Filipino at ang pakinabang nito sa larangan ng pagtuturo at pagkatuto. Ikalawang bahagi, kakayahang pangkaisipan ng mga mag-aaral sa Filipino, nakatuon naman ang bahaging ito sa paglalahad ng kaalaman ng isang mag-aaral sa pag- aaral ng Filipino. Ikatlong bahagi, performans ng mga mag-aaral sa Filipino, sa bahaging ito, pinag-uusapan ang mga
  • 2. performans at natamong kabatiran at kakayahan ng mga mag-aaral ayon sa kanilang guro na nagtuturo sa mag- aaral sa pag-aaral ng Filipino. Ikaapat na bahagi, buod, nakatuon naman ang bahaging ito sa paglalagom ng tatlong naunang mga bahagi ng kabanata. Atityud ng mga Mag-aaral sa Filipino Ayon kay Nunan (2004), ang mataas na motibasyon sa mga mag-aaral ay nagkakaroon ng positibong atityud at ito rin ang makatutulong upang magkaroon ng isang matagumpay at mabisang pagkatuto sa pag-aaral ng Filipino. Ayon kay Tompkins (1990) ang pagsulong at pag- unlad sa pagsulat ng mga bata ay maoobserbahan habang unti-unti nilang naipapahayag ang kanilang mga kompleks na ideya o kaisipan sa kanilang mga sulatin. Ang paggabay sa mga mag-aaral kung ano ang mabuting pagdedesisyon ay makakatulong sa kanila ng lubos lalong lalo na ngayon na dapat ay maging wais at praktikal ang isang indibidwal.
  • 3. Lumalabas sa pag-aaral ni Geroche (2004), na ang mga mag-aaral na kulang sa kakayahan sa wikang Filipinos ay nawawalang interes sa pag-aaral kaya sa kinalabasan ng pag-aaral, kailangan na magsisikap ang mga mag-aaral na gumamit ng wikang Filipino sa loob ng silid-aralan upang maituwid ang negatibong atityud sa wika at palatandaan sa pagtanggap ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Ang pag-aaral sa atityud, kakayahang pangkaisipan at performans ng mag-aaral sa Filipino ay magiging gabay sa guro kung paano niya mapapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral hinggil sa pag-aaral ng asignaturang Filipino. Masasabi niya o matuturo niya ang kahalagahan ng Filipino sa ating bansa ng sa ganoon ay pahalagahan ito ng mga mag-aaral at ipaglaban ito na gamitin ng maraming tao. Iba-iba ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral. Ipinapakita dito na hindi masusukat ang kanilang kakayahan kung sila man ay nakatira sa lungsod o probinsiya. Ayon kay Chan (2014), hindi rin batayan ang grado sa galing at husay ng mga mag-aaral sa wikang Filipino. Sinabi rin ni Blancaver (2014),
  • 4. Maaaring ang mas madalas nilang paggamit nito sa pakikipagtalastasan ay nakatutulong sa kanilang kabihasan sa wikang ito. Sa pag-aaral ng atityud at kakayahang pangkaisipan ng isang mag-aaral ay malalaman ang performans ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Marami ring bagay ang dapat isaalang-alang sa pagkatuto ng mga mag-aaral upang maiangat ang kanilang performans tulad ng kanilang saloobin o atityud, mga gurong nagtuturo sa Filipino at iba pa. Ayon naman kina Eccles and Sameroff (2001), ang atityud ng mga mag-aaral ay nakaayon sa ugali ng kanilang mg magulang. Ang mga magulang na nagpapahalaga sa tagumpay at umaasa na ang mga anak nila ay mag-aaral nang mabuti ay isang paraan upang maitulak ang kanilang anak na magkaroon na tiyak na layunin sa buhay. Ayon kay Robert, Henriksens and Foerch (2004), ang mga mag-aaral ay lumaking naging hantad sa mundo. Dagdag pa nila na ito ay nagdudulot ng positibo at negatibong epekto na depende sa pagkakahayag nito sa mga paksain sa mass media.
  • 5. Gaya rin sa pag-aaral ni Guzman (2001), lumabas sa pag-aaral niya na higit na maganda ang pagtingin ng mga mag-aaral sa kanilang sarili at higit na mataas ang kanilang natatamong antas ng kakayahan kapag gumagamit ang guro ng mapaghikayat at magandang pananalita. Mahalaga na linangin ng guro ang kakayahan sa paggamit ng wika para sa ikauunlad ng komunikasyon at ikabubuti ng pagkatuto ng mga mag-aaral na makatulong sa pagkakaroon ng positibong atityud at pagtaas ng performans sa pag-aaral ng Filipino. Sinabi ni Willing (2003), sa pagtuturo ng Filipino malaki ang papel na ginagampanan ang guro sa paghubog ng ugali o atityud ng mga mag-aaral lalo na sa mga mag-aaral na walang interes sa pag-aaral ng Filipino. Ang guro ang nagbibigay motibasyon, naghahanap at maghanda ng iba’t ibang estratehiya para maging kasiya-siya sa mga mag-aaral ang kanilang pag- aaral sa wika. Ayon kay Dizon (2005), kailangan maging sensitibo ang bawat guro sa gawi at asal na ipapakita ng mga mag-aaral sa loob ng klase sapagkat ang mga ito ay maaari nilang magamit bilang indikeytor upang malaman
  • 6. ang atityud ng mga mag-aaral hinggil sa asignaturang kanilang itinuturo. Ito ay maaaring magsilbing gabay ng bawat isa upang higit na mapabuti ang pagplano ng mga tiyak na gawain at pagpili ng mga angkop na istratehiyang makatutulong sa paghubog ng mabuting gawi at atityud ng mga mag-aaral sa kanilang pag- aaral. Sinabi nina Blaire et al.(2000), ang mga uri ng saloobin ng bata ay nakaaapekto sa mga gawaing pampaaralan at pagkatuto sa maraming paraan. Kung ang saloobin niya sa isang guro ay positibo at nagustuhan niya nag gawaing pampaaralan, halos tiyak na matatamo niya ang tagumpay at sa pamaamgitan ng reinforcement ay lalo pang magsisikap at gagawa sa abot ng kanyang makakaya upang lalong magtagumpay. Kapag negatibo ang saloobin ng bata sa paaralan at sa guro, ito ay nagpapakita lamang na ang kanyang kawilihan ay nasa ibang bagay. Kakayahang Pangkaisipan ng mga mag-aaral sa Filipino
  • 7. Makikita na ang saloobin ay maaaring makasagabal sa pagkatuto kapag isinasaalang-alang ang saloobing naging bunga ng pagbagsak sa klase. Likas na sa tao ang di-pagtanggap ng kabiguang sanhi ng sariling kakulangan ng kakayahan. Sa halip, ang mga kabiguang ito ay sinisisi niya sa paaralan, sa mga guro, na naging sagabal sa kanyang pagkatuto sa hinaharap. Sa sunud-sunod na pagkabigo at ang mga sariling depensa ay wala nang magawa. Isang matinding damdamin ng kawalang pag-asa, walang katiyakan, at pagpapababa sa sarili ang susunod (Jovero, et.al, 2000). Ayon sa librong “facilitating learning: A Metacognitive Process” nina Lucas at Corpus (2007), may iba’t ibang proseso ang pagkatuto at ng mga salik na nakaaapekto rito pati na rin ng pamamaraan sa pagtuturo. Una rito ay ang likas na pagkatuto, rito mas epektibo ang pagkatuto kung ito ay intensyunal na proseso sa pagbuo ng kahulugan galing sa impormasyon at karanasan. Pangalawa, ay hangad sa proseso ng pagkatuto ang tagumpay sa pagkatuto ay nakasalalay sa maayos na representasyon ng kaalaman. Pangatlo, pagbuo ng kaalaman ang matagumpay na mag-aaral ay naipag- uugnay ang bagong impormasyon sa dating alam na mas
  • 8. makabuluhang paraan. Pang-apat pag-iisip na may istratehiya, ang matagumpay na mag-aaral ay nakabubuo at gumagamit ng makatwirang paraan ng pag-iisip upang makamtan ang pagkatuto. Panglima, ang pag-iisip kung ano ang iniisip mataas na ayos ng istratehiya sa pagpili at pagmonitor ng mental na operasyon sa malikhaing pag-iisip at kritikal na operasyon. Pang- anim, mula sa mga konstekto, sinasabi na ang pagkatuto ng isang mag-aaral ay naiimpluwensyahan ng kapaligiran, kabilang na ang kultura, teknolohiya at mga paniniwalang instruksyunal. Sumunod dito ay ang motibasyon at ang emosyunal na impluwensya sa pagkatuto, ito ay kung paano natututo ang isang mag- aaral sa pamamagitan ng motibasyon. Sinasabing ang motibasyon ng isang mag-aaral ay naiimpluwensyahan ng indibidwal na emosyon, paniniwala at interes at kaugalian sa pag-iisip. Hindi lamang ang emosyon ang naiimpluwensyahan ng motibasyon kundi pati na rin ang sarili. Ang pagiging malikhain ng isang mag-aaral ay makikita sa paggawa ng mga gawain na bagaman mahirap ay nagagawa dahil sa personal nna interes ng mag-aaral at bukal sa kanyang kalooban na gawin ito.
  • 9. Kakayahan ng utak na ginagamit natin sa pagtitipon ng impormasyon, pangangatuwiran, at pagbuo ng mga konklusyon. Ang salitang pag-iisip ay salin ng ilang magkakaugnay na salitang Griyego na nagpapahiwatig ng mga katangian ng isip, gaya ng kakayahan sa pag-iisip, talino o katalinuhan, mental na pang-unawa, pangangatwiran, kaisipan, intensyon, alaala, kalagayan ng isip o pangmalas, opinion o palagay, hilig ng kaisipan, pangkaisipang saloobin, at kakayahang pangkaisipan. Bagaman kung minsa’y ginagamit ng ilang salin ang salitang pag-iisip, ang ginagamit naman ng ibang mga salin ay ang deskriptibo at espesipikong mga termino na kababanggit lamang. sa ilang dako sa tekstong Hebreo, ang mga salita para sa alalahanin at isaalang-alang ay maaaring isalin bilang ingatan sa isipan at nasa isip o isipin. Sa Hebreong kasulatan, ang pag-iisip ay lumilitaw sa ilang bersiyon bilang salin ng mga salitang Hebreo na ang literal at angkop na kahulugan ay puso, kaluluwa, at espiritu.-ihambing ang Deu 4:39. Ayon sa ulat ng SCANS (Secretary Commision on achieving Necessary Skills), may dalawang elementong kinakailangan sa pag-aaral at sa hanapbuhay: mga
  • 10. kakayahan at pundasyong katangian. Ang mga kakayahan na tinukoy na mahalaga ay ang mga kakayahang tumukoy, mag-ayos, magplano, at magbahagi ng oras, salapi, mga gamit at pasilidad at yamang tao, kakayahang gumawa kasama ang iba, kakayahang kumuha, mag-ayos, magpakahulugan at gumamit ng impormasyon, kakayahang umunawa at mag-ayos ng sistema, kakayahang gumamit at mag-ayos ng teknolohiya. Ang mga pundasyong katangian ay ang pangunahing kakayahan gaya ng pagbabasa, pagsusulat, pakikinig at pagsasalita, kakayahang pangkaisipan gaya ng malikhaing pag-iisip, pagdedesisyon, biswalisasyon, at ang personal na katagian gaya ng responsibilidad, pagpapahalaga sa sarili, pakikitungo sa iba, integridad at katapatan. Ayon kay Guamen na binanggit ni Tosoc (2014), iminungkahi ng mga linggwista na sa paggamit ng wika, ito ay nangangailangan ng iba’t ibang kakayahan. Hindi raw ang kakayahang bumuo lamang ng mga pangungusap ang mga kailangan kung hindi maging ang pagsama-sama ng mga pangungusap na ito para sa mabisang pakikipagtalastasan sa iba’t ibang uri ng tao sa iba’t ibang sitwasyon.
  • 11. Performans ng mga Mag-aaral sa Filipino Ayon kay Alejandro (2010), lubhang nakaaalarma o kung hindi man malaking hamon para sa mga gurong nagtuturo sa Filipino ang patuloy na pagbaba ng antas ng performans ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino gayundin ang paglaganap ng iba’t ibang miskonsepsyon hinggil sa halaga at kabuluhan ng pag- aaral ng Filipino. Nakalulungkot isipin na mas marami pang mag-aaral ang lubos na nakauunawa at nakakukuha ng mataas na marka sa ibang asignatura kaysa sa Filipino na itinuturo gamit ang wikang pambansa. Ayon sa pag-aaral ni Paet (2010), kung patukoy pang lilinangin ang pag-oobserba o pag-aaral patungkol sa epekto ng kaantasan ng wika sa performans ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino ay mas mapapansin pa ang mga kakulangan at dapat linanging paraan upang ang performans ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino ay maidebelop pa ng husto. Ang kaantasan ng kagalingan sa wika ang kadalasang magpapaunlad sa isang mag-aaral upang matuto, kaya kung ito ay malilinang pa ng husto, ang performans ng mga mag- aaral sa asignaturang ito ay lalo pang magiging
  • 12. makinis.(http://www.slashdocs.com/pmuuvm/ang-epekto- ng-kaantasan-ng-wika-sa-performans-ng-mga-mag-aaral- sa-asignaturang-filipino-sa-unang-taon.html). Ang antas ng sekundarya ay maituturing na kritikal na panahon sa buhay ng isang mag-aaral. Sa pagpasok ng mga guro, pangunahing nasusukat dito ang performans ng bawat mag-aaral kaya mapapansin na sa unang bahagi palang malaki ang ginagampanan ng guro sa ikatuto at ikaunlad ng performans ng mga mag-aaral. Lubhang nakaalarma o kung hindi man isang malaking hamon para sa mga gurong nagtuturo sa Filipino ang patuloy na pagbaba ng antas performans ng mga mag-aaral sa asignaturang ito gayundin ang paglaganap ng iba’t ibang miskonsepyon hinggil sa halaga at kabuluhan ng pag-aaral ng Filipino. Ayon sa mananaliksik para mas lalong mapaunlad ang performans ng mga mag-aaral sa Filipino, kailangan ang pagsasakatuparan sa klase ng mga patakarang pangwika. Ang pagkakaroon ng mga dinamikong gawain pasalita at pasulat sa klase upang malinang ang kakayahan sa pakikipagtalastasan sa wikang Filipino , paghihikayat sa interest ng mga mag-aaral, pagsasalita ng wikang Filipino, pagkakaroon ng mga lektyur at
  • 13. talakayan tungkol sa mga napapanahong paksa gamit ang wikang Filipino, at pagbibigay sa kinauukulan hinggil sa kakulangan ng kagamitan at iba pang kailangan sa pag-aaral ng Filipino. Sa masining na pananaw at pamamaraan ng pagtuturo ng isang guro nakasalalay ang mabilis na pagkatuto ng mga mag-aaral at maganyak sa pag-aaral na naging dahilan sa lalong pagtaas ng kanilang performans. Sa kabuuan, sa pamamagitan ng pag-aaral na ito malalaman ng mananaliksik ang kahalagahan ng atityud at kakayahang pangkaisipan sa pagtuturo at ang epekto nito sa performans ng mga mag-aaral sa Filipino. Ang pag-aaral na ito ay napakahalaga sa mag-aaral, guro, magulang, at marami pa. sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral sa pag- unawa ng mga teorya, konsepto, wika at iba pa sa asignaturang Filipino. At sa mga magulang magsisilbi itong gabay kung ano ang dapat nilang gawin para makatulong sa pagpapaunlad sa buong pagkato ng kanilang mga anak at para malaman din nila ang performans ng kanilang mga anak sa isang paaralan. Sa mga guro naman magsisilbi itong susi para makapagbuo ng mga kaukulang paraan para makuha nila nag atensiyon
  • 14. ng mga mag-aaral sa kanilang pagtuturo at mapaangat ang performans ng mga mag-aaral sa Filipino. Ayon kay Chomsky na binanggit ni Aguilar (2007), ang pagbibigay liwanag sa kahulugan ng kompetens at performans. Sinabi niya na ang kompetens daw ay tumutukoy sa kaalaman ng tao tungkol sa kanyang wika at ang performans naman ay nauukol sa kakayahan sa aktwal na paggamit ng wika sa mga tiyak na pagkakataon. Buod Napakahalaga ang pag-aaral na ito sa lahat ng tao dahil ang atityud ang nagbibigay sa atin ng direksyon kung paano dalhin ang isang bagay sa mabuting paraan o saloobin. Tumutulong ito na palaguin ang pasensya at kawilihan ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng Filipino. Dahil sa atityud maaaring pahabain ang kaalaman kalakip ang mabuting pakay nito sa buong pagkatao at sa pakikipagkapwa tao. Malinaw na malinaw sa pag-aaral na ito na nabanggit na kapag ang isang mag-aaral ay may mastery
  • 15. sa kanyang wika at umabot na ito sa punto kung saan sanay na ang kanyang kritikal na pag-iisip, maaari niya itong gamitin sa iba’t ibang pamamaraan o paligsahan na may koneksiyon sa Filipino. Ang kakayahang pangkaisipan ay napakahalaga din sa pag-aaral at dapat na taglay ito kahit tumanda na sila. Sa pamamagitan ng kakayahang pangkaisipan nakakagawa tayo ng mga bagay bagay na kakaiba sa lahat. Dahil dito nagkakaroon ang tao ng pag-unawa sa mga bagay na nagyayari o nagaganap sa paligid. Nakakapaghinuha ang lahat ng tao kung ano ang dapat gawin at hindi dapat gawin sa ating pamumuhay sa mundong ito. Nakakagawa sila ng mga bagay na imposible sa paningin ng ibang tao. Nagiging iba iba na sila sa pamamaraang ginagamit dahil sa malawak na pag-iisip. Hindi maaaring mawala ang performans ng mag-aaral o isang indibidwal sa kanyang buhay. Ito ang sumasalamin sa mag-aaral kung anong maaari niyang magawa ngayon, bukas at sa hinaharap na magpapaunlad sa kanyang kakayahan at pagkatao. Dito mababasi kung nagbabago ba ang kanyang kayang abutin sa buhay, kung bumababa ito o tumataas. Ito ang nagsisilbing gabay at basehan sa lahat ng bagay, sa trabaho man o pag-aaral.
  • 16. Mahalaga ang pag-aaral sa nga atityud, kakayahang pangkaisipan at performans ng mag-aaral sa Filipino dahil nagsisilbi itong gabay sa mga mag-aaral para mas lalong malinang ang edukasyon niya at ng isang guro sa iba’t ibang sitwasyon o kondisyon ng pag-aaral sa Filipino ng mga mag-aaral. Mahalagang pag-aralan natin ang wika sa Filipino na kung saan nagtataglay ang mga mag-aaral ng kakayahang pangkaisipan upang mapabatid ang gusto nilang ipahayag sa ating kapwa sa mabuting pamamaraan. Naging daan ito para mabigyang panahon kung paano mabibigyang daan o paraan ang pakikisalamuha sa iba’t ibang atityud ng isang mag- aaral nang sa ganoon maiiwasan ang mga pangyayaring maaaring makasama sa pagkatao at lalo na sa trabaho. Bawat baryabols ay may koneksiyon sa isat isa kung saan makikita ang performans ng isang mag-aaral sa pag-aaral sa Filipino sa pamamagitan ng atityud nito malalaman kung paano makuha ang kanyang atensiyon, ang kakayahang pangkaisipan ay nagsisilbing gabay kung paano niya gawin ang isang bagay na kung saan ay maaaring makaapekto sa kanyang performans. Maraming nagsasabing ang asignaturang Filipino daw ay dapat mawala, pero matitiis ba ng mga tao na
  • 17. hindi ito gamitin o tangkilikin kung ito mismo ang nagsisilbing paraan para tayo ay magkaintindihana? Marami din namang nagsusulong na dapat ang Filipino ay bigyang atensiyon dahil sariling wika ng mga Pilipino, dito nasasalamin ang pagkaFilipino. Para sa mga mananaliksik hindi dapat mawala ang Filipino dahil mahalaga ito mga mamamayang Pilipino. Ito lamang ang nagsisilbingb patunay na mahal nila ang kanilang bayan at ang kanilang lahi.