2. ALAMIN
Anong unang salita ang maiisip mo tungkol sa mga
sumusunod na gawain?
Gawain Gawain
1. Pag-aaral 6. Pagtatrabaho
2. Paglalaro ng games 7. Pagtatanim o paghahalaman
3. Panonood 8. Pagkukumpuni ng sirang gamit
4. Gawaing-bahay 9. Pag-aalaga ng nakababatang
kapatid
5. Paglilibang 10. Pamamahinga
3. TANDAAN
Maraming ibig ipakahulugan ang tao sa paggawa. May positibo at
negatibong pananaw sa paggawa ang tingin ng iba. Ang paggawa ay
isang negatibong pananaw kung ito ay nagsisilbing parusa sa taong
nais itong ipagawa. Ito ay may positibong pananaw kung ito ay isang
obligasyong moral na pangalagaan ang kaniyang sarili upang hindi
maging pabigat sa iba.
Sa katotohanan, ang paggawa ay ang paggamit ng mga
kakayahan, isip, talent, at lakas ng isang tao upang matupad niya ang
kanyang layunin o mithiin. Ang tamang pagtingin sa paggawa ay
nagdudulot ng kasiyahan nsa tao.
4. Ang paghahahanap-buhay ay isang pamamaraan upang
paunlarin ang sarili at tugunan at tugunan ang personal na
pangangailangan. Ang paggawa ay isang moral na obligasyon ng tao
sa sarili para siya mabuhay sa mundo. Ang pagggawa ay nagbibigay
tugon sa mga pangangailangan ng tao upang magbigay kaganapan
din sa pagkatao ng bawat isa.
5. Dulot ng Paggawa o Paghahanap-buhay
1. Pagmumulan ng kaligayahan at kayamanan sa buhay
2. Kaalaman
3. Nagpapaunlad ng buhay
4. Napapabuti ang kanyang pagkatao
Dahil dito, ang tao ay magiging masaya sa kanyang gawain at
makdarama ng satisfaction o kasiyahan sa sarili.
6. Katangiang Dapat Taglayin sa Paggawa
1. Positibong pagtingin sa paggawa
2. Pagbabalanse sa paggawa, pamamahinga, at paglilibang
3. Pagtugon sa layunin at paghahanap ng mga magagandang
bagay na maidududlot ng gawain sa sarili at sa kapwa
7. Batayan sa moral na Paggawa
1. Dedikasyon at pagtatalaga sa sarili (dedication or commitment)
Buong galing na gawin ang mga tungkulin.
2. Disiplina sa sarili – May tiwala sa sarili na makakayanang
gawin ang tungkulin ng di umaasa sa iba.
3. Tiyaga – Sinisikap na tapusin ang ang gawain sa takdang oras
at panahon.
8. 4. Pagkukusa – Gagawin ang trabaho kahit nang hindi kailangang
sabihan at bantayan.
5. Magalang sa sarili at sa kapwa – Paging maagalang sa
pananalita at pagkilos.
6. Matapat –Tapat at mapagkakaliwalaan sa maliliit at malalaking
bagay. Hindi humihing ng dagdag bayad sa paggawa at hindi dapat
pasilaw sa mamahaling bagay at salapi.
7. Pagpupunyagi at determinasyon – Anumang hirap na
mararanasan sa trabaho ay hindi sumusuko. Pinagsikapang gawin
nang maayos ang trabaho.