1. Lagumang Pagsusulit sa Filipino 8
Pangalan: Baitang/Seksiyon:
Guro: Petsa:
Mahabang Pagsusulit #: Iskor:
I. Panuto: Isulat kung salawikain, sawikain o kasabihan ayon sa pahayag sa bawat bilang.
1. Puri sa harap, sa likod palibak
2. Kaibigan kung meron, kung wala’y sitsaron
3. Ang tunay na kaibigan, nasusubok sa gipitan
4. Matabang man ang paninda, matamis naman ang anyaya
5. Pag may hirap, may ginhawa
6. Sa tingin palang, tila di makabasag-pinggan ang kapatid niya
7. Nasa Diyos ang ayaw, nasa tao ang gawa
8. Ilaw ng tahanan
9. Kahit saang gubat mayroong ahas
10.Butas ang bulsa ni Maria
II. Panuto: Tukuyin kung ang salitang nakasalungguhit ay tama o mali.
11. Salawikain, sawikain at kasabihan ay mga karunungang-bayan.
12. Alamat ay isang uri ng kwentong-bayan.
13.Salawikain ay ang pinagmulan ng panulaang Pilipino.
14.Kasabihan ay di-tahasan ang pagpapakahulugan.
15.Sawikain ay isang idyoma.
III. Sawikain : Alamin ang kahulugan ng salitang may salungguhit na nasa sawikain. Isulat ang titik
ng angkop na kasagutan.
16. Lantang gulay si inay nang umuwi galing sa paglalabada.
a. sobrang kisig b. sobrang liksi c. sobrang pagod d. sobrang galaw
17. Nasaktan ng lubusan ang aking kaibigan sa pag-iisang dibdib ng kanyang dating mahal.
a. pagmamahal b. pagpapakasal c. pagtataksil d. pag-iwan
18. Nakakainis kapag may kasapi ng pangkat na kilos pagong.
a. mabilis kumilos b. umiikot-ikot lang c. mabagal kumilos d. gumagapang sa
lupa
19. Gusto kong maging asawa ay makapal ang palad.
a. masipag b. mayaman c. makisig d. matulungin
20. Palaging amoy pinipig ang batang dumaraan sa kanilang bakuran.
a. mabaho b. mabango c. matamis d. masangsang
IV. Paghahambing na Palamang o Pasahol
Isulat ang titik L sa patlang kung ang paghahambing sa pangungusap ay palamang. Isulat ang
titik S kung ito ay pasahol.
____ 21. Ang panahon ng Mayo ay higit na mainit kaysa sa panahon ng Disyembre.
____ 22. Di-gaanong mahal ang bawang ngayon na tulad ng presyo nito noong isang buwan.
____ 23. Ang biyahe sa eroplano ay di-hamak na maikli kaysa biyahe sa barko.
____ 24. Ang pelikulang napanood ko ay mas nakatatakot sa pelikulang Insidious.
____ 25. Ang pagdiriwang ay di-masyadong masaya na gaya ng pagdiriwang kung saan ay buo
ang pamilya.
____ 26. Di-gasinong mapagbigay si Lilia na tulad ni Rose.
____ 27. Ang pook na ito ay lubhang mapanganib kaysa bayan ng Sto. Tomas.
____ 28. Para kay Perry, di-gaanong mahirap ang asignaturang Filipino kung ihahambing ito sa
Matematika.
____ 29. Mas marami ang kinakain ko sa ahagan kaysa hapunan.
____ 30. Ang dagat ay di-lubhang maalon ngayong umaga na tulad kagabi.