1. UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA MOTHER TONGUE 3
SECOND QUARTER
Pangalan ______________________________Baitang at Pangkat: _____Petsa: ___________
I. Panuto: Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.
Ang Kahalagahan ng Tubig Sinulat ni: Helen A. Bustamante
Lubhang napakahalaga ng tubig sa buhay ng bawat isa. Kung wala ito, posibleng
walang mabubuhay sa mundo. Kaya naman, palaging pinapaalala sa atin ng ating
mga magulang at mga alagad ng kalusugan na kailangang uminom ng walong basong
tubig araw-araw.
Maraming mahahalagang maidudulot ang tubig sa ating katawan. Kabilang na rito
ang pagtunaw ng ating mga kinain, sirkulasyon ng ating dugo at maging
pagmementena ng temperatura ng ating katawan. Kaya, ugaliin nating uminon ng
walong basong tubig araw-araw para sa ating malinis at magandang
pangangatawan.
___1. Ugaliing uminom ng ________ basong tubig araw-araw.
a. 10 b. 5 c. 8 d. 2
___2. Nakatutulong sa pagtunaw ng ating mga kinain ang ________.
a. kanin b. saging c. tubig d. softdrinks
___3. Namementena ng tubig ang ___________ ng ating katawan.
a. lakas b. bigat c. temperatura d. laki
B. Ibigay ang maaring emosyon o damdamin ng tauhan. Pagkatapos ng sitwasyon o
kuwento.
___4. Buwan ng Mayo ang bakasyon ng pamilya De Jesus. Napagisipan nilang
magbakasyon sa Boracay ng isang linggo. Sabik na ang pamilya. Bumili sila
ng bagong swimsuit, damit, bag, at maraming pagkain.
a. Sila ay masaya. b. Sila ay malungkot. c. Nag-aaway sila.
___5. Maraming tao ang nawalan ng trabaho at maging ang mahal mo sa buhay
dahil sa Pandemic Crisis. Natatakot lumabas ng bahay ang mga tao dahil
baka mahawaan sila ng sakit. Ano kaya ang nararamdaman ng mga tao
ngayon sa pangyayaring nagaganap sa ating bansa?
a. Ang mga tao ay masaya. c. Ang mga tao ay nalulungkot at naghihirap.
b. Sila ay nagmumukmok.
2. II. Panuto: Pagtambalin ang mga pangyayaring naganap sa ating bansa na
nasa hanay A sa mga larawang nasa hanay B. Isulat ang letra ng iyong
sagot sa patlang.
A B
___6. Pagputok ng Bulkan
___7. Banggaan ng sasakyan sa daan
___8. Pag – aalaga ng mga frontliners
sa mga pasyente ng Covid 19
___9. Isang malaking sunog sa lungsod
___10. Paghahanda sa Bagyo
III.Panuto: Bilugan ang pandiwa sa bawat pangungusap at tukuyin ang
aspeto nito. Isulat ang naganap, nagaganap o magaganap sa patlang bago
ang bilang.
____________________ 1. Si Joyce ay tumakbo palabas ng bahay.
____________________ 2. Kumakain ang bata.
____________________ 3. Sinipa ni Ate Julie ang asong nasa pinto.
____________________ 4. Nadapa ang lola sa tapat ng paaralan.
____________________ 5. Tatanggap ang batang babae ng parangal.
____________________ 6. Babalik sila sa Baguio sa susunod na Linggo.
____________________ 7. Nagluto si nanay ng masarap na adobo kagabi.
____________________ 8. Sumasayaw ang mga bata sa entablado.
____________________ 9. Magpapakasal ang aking pinsan sa isang taon.
____________________ 10. Naglaro ang aming klase ng patintero.
Lagda ng Magulang : _________________________