1. LIHIM SA KAHAPON
Part 1:
Mga Tauhan:
Lourijean Misa – Jean
Christopher Montecino - Chris
Beverly Onte – Bebang
Leiza Moreno – ang matanda
Julie Ann Suarez, Emelyn L. Moreno, Elvie Ramirez, Rosalie Orito - mga estudyante
EKSENA 1: EXT. Canteen.Ang mga estudyante ay nag-uusap sa kantena.
Rosalie: HOY! Mga bhesttt,,. Gusto n’yo bang sumama sa akin mamayang hating-gabi?
Julie Ann: Ha!! ‘asan naman?
Rosalie: Doon sa gubat. Nakita ko kasi si Sir Principal na parating pumapasok sa may
matandang bahay na nandoon.
Elvie: Ha! Di ba nakatatakot doon?
Emelyn: Sige na mga bhest! Exciting ito.
Rosalie: Sige ‘kita nalang tayo mamayang gabi. Mamayang gabi magdala kayo ng
kandila.
EKSENA 2: EXT. Sa matandang bahay.
Rosalie: Nadala n’yo ba ang mga sinabi ko sa inyo kanina?
Elvie: Oo! Nadala ko ‘yung kandila.
Emelyn: Ang sa akin nadala ko naman ‘yung posporo. Ikaw anong dinala mo bhest?
Julie Ann: Uhh! Ako, munchers’para pampawala ng kaba.
Leiza: O! mga Ineng, anong ginagawa n’yo dito? Gabi na.
Rosalie: O! Lola. Magandang gabi ho sa inyo. Kilala n’yo po ba si Sir Principal?
Leiza: Sir Principal? Ahhhhh…. Si Chris.
Rosalie: Uhh! Bakit ho parati siyang pumupunta rito, dito ba siya nakatira?
Leiza: Oo, dito siya nakatira dati.
Lahat: Dati?
Leiza: Halika kayo, ikukukwento ko sa inyo ang buong pangyayari.
EKSENA 3: EXT. Ang nakaraan.
Bebang: ‘wag dyan mahal. Ano ka ba?Nagluluto pa ako. Hintayin mo nalang ako sa
mesa.
Chris: Ang tagal naman mahal, gutom na ako.
Bebang: Sandali na talaga ito mahal.
Jean: Tao po.
Bebang: Ay may tao Chris. Sandali at pupuntahan ko muna.
Chris: Huwag na ako na lang mahal.
(lalabas ng kusina si Chris para pagbukasan ang kung sino)
Chris: Sino po sila? Jean!
Jean: Chris, bakit hindi ka na nagpakita sa akin pagkatapos ng gabing ating
pinagsamahan.
2. Chris: Halika dito. Huwag kang gumawa ng eksena rito. Nandito ang asawa ko Jean.
Jean: Ano may asawa ka? Walanghiya ka, niloko mo ko sinira mo ang buhay ko.
Chris: Umalis ka na Jean at huwag ka ng magpakita sa akin.
Jean: Huwag magpakita? Buntis ako Chris at ikaw ang ama.
Chris: Ano buntis ka! Ipalaglag mo iyan. Hindi ko pananagutan ang batang iyan. Wala sa
plano
ko ang magkaroon ng anak sa labas Jean.
Jean: Hindi ako papayag. Bubuhayin ko ang anak natin at malalaman ito ng sawa mo sa
ayaw at
gusto mo Christ.
Chris: Tumigil ka sa kahibangan mo Jean. Mamayang gabi pupunta tayo sa kilala kong
aborsyonista at ipakukuha natin ang batang iyan sa ayaw o gusto rin Jean.
EKSENA 4: EXT.Sa bahay ng aborsyonista.
Jean: Chris ayaw ko na umuwi na tayo.
Chris: Tumigil ka na Jean. Nandito na tayo. Wala nang urungan.
Jean: Ayoko Chris. Bubuhayin ko ang bata. Umuwi na tayo.
Chris: Sige na Manang simulan ninyo na po.
Leiza: Tumigil ka na Ineng sa pag-iyak. Magsisimula na ako.Huhubarin ko na muna ang
panty
mo.
(pagkatapos ng paglaglag sa bata)
Leiza: O, Ineng inumin mo ito talong beses sa isang araw para maghilum na ang
pagdurugo mo.
Jean: Mga hayop kayo. Mamamatay tao.Mga hayop. Pagbabayaran ninyo ang ginawang
pambababoy ninyo sa akin. Sinusumpa ko magsasama-sama kayo sa impyerno.
Leiza: Hoy Ineng ginagawa ko lang ang trabaho ko.
Jean: Ang trabaho mong pumatay ng bata. Hahaha, napakahayop talaga.
Leiza: Chris, umalis na kayo baka nababaliw na ang babaeng iyan.
Chris: Tiya sa atin lang poi to. Huwag na lang po sanang makarating ito kay Bebang.
Leiza: Makakaasa ka.
EKSENA 5: EXT. Sa bahay ni Jean.
Chris: Jean, sana dito na matapos ang ugnayan natin.
Jean: Umalis ka na Chris. Hinding-hindi kita mapapatawad.Hayop ka, hayop.
Chris: Tama na sabi.
Chris: Jean?Jean?Jeannnn!
EKSENA 6:EXT. Sa matandang bahay.
Rosalie: Grabe sobrang sawi talaga ang buhay ni Sir Principal.
Leiaza: Oo at sising-sisi nga ako dahil sa nangyari dahil mula kasi nang mamatay si
Jean, isang
linggo ang nakalipas ay nagparamdam ito at doon nangyari ang malagim na pangyaari sa
buhay ni Chris.
EKSENA 7: EXT.Sa bahay ni Chris.
(habang natutulog si Bebang)
Jean: (kakanta ng oyayi)
Bebang: Hmmm.
3. Jean: Dahil sa’yo hindi ako kayang mahalin ni Chris. Dahil sa’yo, ang pinangarap kong
pamilya
ay hindi nagkatotoo. Kaya dapat lang sa’yo ay mamatay.
Bebang: M. .ahal. T. .ulungan mo ako!
Jean: Mamatay ka na.
EKSENA 8:EXT. Sa matandang bahay
Emelyn: Kaya pala ang tahimik ni Sir Principal dahil namatay pala ang asawa niya.
Rosalie: Oo nga. Trahedya ngang matatawag ang buhay niya na sabi ng ilan sa kaklase
natin.
Chris: Sinong may sabi sa’yo?
Lahat: Sir Principal! (nagtakbuhan ang lahat)
PART II
Mga tauhan:
Rosalie: estudyanteng nagmumulto
Leiza Moreno, Julie Ann Suarez, Beverly Onte, Elvie Ramirez at Loury – mga kaklase
Emelyn Moreno – titser
Christopher Montecino – Principal
Hayskul isang yugto ng buhay estudyanteng hinding-hindi mo makalilmutan.
Dito nabubuo ang samahang hindi matatawaran. Saksi ito sa lahat na mga sandaling ng
ating buhay – masasaya, nakatutuwa, nakahihiya at minsan naman mga pangyayaring
nais nating ibaon sa limot. Subalit gaano man natin kalimutan ay magbabalik pa rin.
Magbabalik ito upang tayo’y gambalain.
Tunghayan ninyo ang kuwentong nababalot ng lagim at punung-puno ng
misteryo.
EKSENA1. EXT. Sa loob ng silid-aralan.
Mr. Chris: Good morning class!
Lahat: Good morning Sir.
Mr. Chris: Excited na ba kayong malaman kung sino ang ating Top 3 sa taong ito?
Lahat: Yes sir.
Lourijean: Bhest! Alam kong ikaw ‘yung Top 1. Ang galing mo kaya.
Beverly: Of course. Dapat lang bhest, dahil kung hindi ay dadanak ng dugo.
Elvie: I’m sure bhest, si Rosalie ang magiging Top 1. Di ba Julie Ann?
Julie Ann: Aba syempre nman, ito kaya ang source sa lahat ng mga assignments natin at
exams
kya nga palaging mataas ang marka natin.
Rosalie: Tumahimik nga kayo, makinig nalang tayo kay sir.
Mr. Chris: Ok! Listen class, ang Top 1 natin ay si Rosalie, Top 2 si Beverly at Top 3 si
Leiza.
Beverly: Ano? Imposible!
Lourijean: Bakit s’ya?
Julie Ann: Bakit nga ba hindi siya? Ehh ang tali-talino niya kumpara sa inyo.
Lourijean: Shut up cheater!
Elvie: Naaalala ko, ikaw nga pala ang first honor last year, di ba?
4. Beverly: Yes, kaya nga hindi ko to matatanggap.
Julie Ann: Hindi mo matanggap? Tanggapin mo na lang, kung last year nasuhulan mo si
Ms.
Dela Cruz upang maging first honor ka, ngayon hindi na.
Beverly: Tara na nga bhest, di ako, pumapatol sa mga sira ulo.
EKSENA 2. EXT. Gabi sa paaralan. Naglalakad sa hallway ang mga magkakaibigang
Elvie,
Rosalie at Julie Ann.
Rosalie: Hala, naiwan ko pala ang ‘yung libro ko sa klasrum, babalikan ko muna. Mauna
na
kayo, susunduin din naman ako ni kuya.
Julie Ann: O! sige mag-ingat ka may nagmumulto pa naman doon.
EKSENA 3. EXT. Sa klasrum. (lalabas na sana si Rosalie ng makasalubong niya si
Beverly).
Beverly: Oh! What a coincidence? By the way Rosalie, hindi naman karapat-dapat
maging Top
1. Ako ang karapat- dapat maging Top 1.
Rosalie: Ano bang mga pinagsasabi mo Beverly? Nagsikap ako sa pag-aaral kaya deserve
ko
‘yun. Excuse me, uuwi na ako.
Beverly: Sandali lang, di pa tayo tapos. Tandaan mo, gagawin ko ang lahat makuha ko
lang ang
para sa akin.
(biglang darating si Mr. Chris)
Mr. Chris: O! Beverly, Rosalie, bakit nandito pa kayo? Gabi na ah.
Beverly: Ahm! Sir pauwi na rin ako. Sige Rosalie mag-ingat ‘wag mong kalimutan ang
sinabi ko
sayo.
Mr. Chris: Rosalie, okay ka lang? Anong sinabi ni Beverly sa’y?
Rosalie: Kasi po sir, feeling ni Beverly ay inagaw ko sa kanya ang pagiging Top 1.
Mr. Chris: Huwag ka maniwala sa kanya Rosalie. You deserve to be the Top 1.
EKSENA 4. EXT. Sa klasrum.
Mr. Chris: May dalawa akong masamang balita saa inyo. Una, may bago tayong set ng
Top 3. So
Beverly Top 1, Leiza Top 2 at Top 3 naman si Lourijean.
Julie Ann: Sir, paano si Rosalie?
Mr. Chris: She just passed away.
Elvie: (nabigla) Huwag ka ngang magbiro Sir.
Mr. Chris: Ikinalulungkot ko man pero totoo ‘yun Elvie. Nakita naming ang kanyang
bangkay
dito sa klasrum kaninang umaga.
5. EKSENA 5.EXT. Sa labas ng klasrum.
Julie: Beverly, paano mo nagawa ‘yon?
Beverly: Ang alin?
Elvie: Huwag ka ngang magmaang-maangan. Alam naming na may kinalaman ka sa
pagkamatay
ni Rosalie.
Beverly: You don’t have a proof kaya tumahimik ka.
Makalipas ang isang taon.
EKSENA 6. EXT. Sa loob ng klasrum
Ms. Moreno: Maghanda kayo pagsusulit bukas. Goodbye, class!
(Kinabukasan…)
Ms. Moreno: Please get one and pass. No cheating. Ang makita kong tumingin sa papel
ng kanyang kaklase ay minus fifty points.
Julie: Psst! Elvie, alam mob a ang sagot dito sa number 10.
Elvie: “c”
Ms. Moreno: Julie Ann, Elvie, ano bang pinag-uusapan ninyo?
Julie Ann: Ah, ma’am tinanong ko lang po si Elvie kung anong petsa ngayon.
Ms. Moreno: September 27 ngayon, baka gusto mo ring tanungin ‘yong year?
Julie Ann: Ah, hindi na po, Ma’am.
Ms. Moreno: May isang minute na lang kayong natitira. Iyong tapos na ay maari n’yo ng
ipasa
ang inyong test paper.
(Lalabas ang mga estudyante ngunit maiiwan sina Julie Ann, Elvie at Leiza)
Julie: Ang hirap ng exam.
Elvie: Sinabi mo pa!
Julie: Teka lang diba September 27 ngayon?
Elvie: Oo, Bakit anong mayroon?
Julie Ann: Nakalimutan mo na ba, ngayon ang death anniversary ni Rosalie!
Elvie: Oo nga, noh! Naniniwala ka bang nadulas si Rosalie kaya nabagok ang kanyang
ulo?
Julie: Eh, iyon ang sabi ni Sir.
Leiza: Hindi ‘yan totoo. Ang totoo n’yan ay-
(May kakatok sa pinto.)
Elvie: Sino ‘yan?
Julie Ann: Baka si Rosalie na ‘yan. Ikaw na ang magbukas, Elvie.
Elvie: Ayoko! Ikaw na lang, Leiza.
Leiza: Bakit ako, kayo yung close.
(Biglang bubukas ang pinto.)
Mr. Chris: O, girls anong ginagawa n’yo dito? Umuwi na kayo.
Julie Ann: Ah, sir ikaw lang pala. Akala naming kung ano na.
Mr. Chris: Ano bang ginagawa n’yo dito?
Elvie: Nagkwentuhan lang po kami tungkol kay Rosalie.
Mr. Chris: Umuwi na kayo walang kabuluhan ang pinag-uusapan ninyo.
Leiza: Pero sir-
Mr. Chris: Umuwi na kayo sabi.
EKSENA 7. EXT. Sa Klasrum
6. Ms. Moreno: I-aanounce ko na ang scores ninyo sa exam. Out of 100 items, Beverly- 95,
Lourijean- 90, Leiza-98, Elvie- 75, Julie Ann- 77…
Julie Ann: Uy, highest ka, Leiza!
Ms. Moreno: and lastly is 100/100 si Rosalie.
Lahat: huh!
Beverly: Eh, Ma’am hindi pwede ‘yon.
Ms. Moreno: Bakit hindi pwede, eh ako ang nag-check ng test papers n’yo.
Elvie: Pero Ma’am patay na po si Rosalie!
(Malalaglag ang test papers.Mamatay ang ilaw at magsisira-bukas ang pinto.
Magyayakapan ang lahat at matatakot)
Mr. Chris: Anong nangyari rito? Bakit ang dilim?
Lourijean: Bigla pong namatay ang ilaw.
(Pipindutin ni Mr. Chris ang switch)
Julie Ann: Nagpaparamdam po si Rosalie, sir!
Mr. Chris: Pwede ba, tumahimik nga kayo. Wala ‘yang katotohanan!
Ms. Moreno: Kung walang katotohanan, eh, bakit mayroong test paper si Rosalie Orito
rito.
Nagtake rin siya ng exam.Tingnan mo.
Mr. Chris: paano nangyari ‘yon? Eh, patay na siya!
(Kasunod na araw)
Julie Ann: May plano ako. Mamayang gabi babalik tayo rito sa klasrum at mag-spirit of
the glass tayo.
Leiza: Di ba delikado ‘yon?
Elvie: Oo, delikado ‘yon pero kung iyon ang paraan upang matahimik ang kaluluwa ni
Rosalie
ay kailangan natin ‘yong gawin.
Beverly: Hindi ako sasali.
Lourijean: Ako rin.
Julie Ann: Bakit? Natatakot kang malaman ang totoo, na may kinalaman ka sa
pagkamatay niya?
Beverly: Wala nga sabi akong kinalaman!
Elvie: Edi pwes, sumama ka. Patunayan mo sa amin na wala kang kinalaman.
EKSENA 8. EXT. Gabi sa klasrum.
Elvie: Sigurado ka ba rito, Julie Ann?
Julie Ann: Dapat nating alamin ang katotohanan because only the truth can set us free.
Elvie: Gaga! may pa-english (2x) ka pa. O sya, simulan na natin.
Leiza: Ito ‘yung gagamitin natin. Ayon sa website na nabasa ko dapat kahit anong
mangyari ay huwag kayong bibitiw sa baso.
Elvie: Dapat ding nakapikit ang inyong mga mata upang hindi tayo matakot kapag
nandiyan na siya.
(Tinawag na nila ang kaluluwa ni Rosalie at sinimulan na nila itong kausapin.)
Lahat: Ispiritu (2x) magparamdam ka! Nais ka naming makausap!
(Lilitaw ang kaluluwa ni Rosalie sa gitna ng bilog)
Elvie: Bakit ang lamig ng kamay mo, bhest!
Julie Ann: Ikaw nga rin eh, ang lamig din ng kamay mo.
Leiza: Walang bibitiw dahil mapapahamak ang sinumang bumitiw.
Elvie: Totoo bang nadulas ka kaya nabagok ang ulo mo?
7. Rosalie: Hindi!
Julie Ann: Kung ganoon, ano ikinamatay mo?
Rosalie: may pumatay sa akin!
(Biglang tatakbo si Beverly)
Beverly: Uuwi na talaga ako.
(Hahawakan ni Rosalie ang braso ni Beverly)
Rosalie: Sandali lang masyado kang nagmamadali. Sige, Beverly, sabihin mo sa kanila
kung sino
ang pumatay sa akin. (sasakalin si Beverly). Isa sa inyo ang pumatay sa akin at dapat
lamang siyang maparusahan!
Beverly: Rosalie, patawarin mo ako. Alam ang katotohanan sa pagkamatay mo pero hindi
ko magawang sabihin dahil natakot ako.
Rosalie: Sabihin mo na!
Beverly: Ang totoo ay nandoon ako ng patayin si Rosalie ni Mr. Chris.
Pinagsamantalahan siya kaya nanlaban si Rosalie kaya siya napatay. Galit man noon ako
sa kanya pero hindi ko magagawang pumatay. Hindi ko masabi-sabi sa inyo dahil
pinagbantaan ako ni sir na papatayin sa oras na mabunyag ang katotohanan.
(Biglang bubukas ang pinto at papasok sina Ms. Moreno at Mr. Chris)
Mr. Chris: Ro-rosalie, buhay ka?
(lalapit si Rosalie kay Mr. Chris)
Rosalie: Oo ako nga! At nandito ako para singilin ka sa mga kasalanang ginawa mo.
Mr. Chris: Anong ibig mong sabihin? Kung ano man ‘yun ay patawarin mo ako.
Rosalie: Patawarin? Bakit noon bang nagmakaawa ako sa iyo pinakinggan mo ba ako?
Mr. Chris: Pinagsisihan ko na ang ginawa ko noon. Pinapangakong magbabago na ako.
Rosalie: Huli na ang lahat dahil ito na ang katapusan mo. Pagbabayaran mo ang lahat ng
kasalanang nagawa mo kay Jean at sa akin.
(sasaksakin ni Rosalie si Mr. Chris at tuluyan ng naglaho si Rosalie)
Tuluyan ng natahimik ang mga kaluluwa nina Rosalie at Jean habang si Mr.
Chris ay inihatid na sa huling hantungan.
Abangan ang Part 3!
Ang paghihiganti ng nakaraan