Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Salamin
1. SALAMIN
Isinulat ni John Christopher Azcarraga
8:00 AM – 9:00 AM
Bumangon sa kama si Alejandro ngunit hindi niya inaayos ang kanyang pinag-higaan. Kumuha
ng kung anong damit sa kanyang kabinet at tinapon lamang sa kanyang higaan, at nagtungo na sa
shower. Hindi pa rin maalis sa isip ni Alejandro ang tungkol sa kasalukuyang kaso ng isang mamamatay
tao at hindi niya maisip kung bakit nagkakataong kung saan siya malapit nagaganap ang mga krimen.
10: 00 AM
Pagkalabas ni Alejandro sa banyo, agarang nagbihis ng puting damit, maong na pantalon at itim
na dyaket dahil sa lamig ng panahon. Paglabas ng pintuan ay nakita ang mahabang trapik sa kanto dulot
ng maatas ng tubig na umapaw dahil sa lakas ng ulan kaya nagpasya na lamang si Alejandro na
ipagpaliban ang trabaho ngayon at magpahinga na lamang sa bahay.
3:00 PM
“O Hepe, bakit ka napatawag?”
“Hindi mo ba nabalitaan? Meron na namang pinatay dyan malapit sa condo mo; isang babae,
estudyante. Hindi pa naming mahanap ang pangalan pero ginagawan na namin ng paraan.”
“Cge po Sir.”
Kinuha ni Alejandro sa kanyang mesa ang mga dokumentong nakatuon sa lahat ng mga pinatay
sa nakalipas na tatlong buwan. Tatlong buwan pa din lamang siya sa serbisyo sapagkat kakatapos pa
lamang niya sa akademya at naisip na magsimula agad magtrabaho. Napansin niyang basa ang kanyang
pantalon kaya inalis niya ito at pinalitan ng bago.
4:00 PM
Papaalis na sana si Alejandro ng bahay nang biglang dumating si Alex, bagong pulis na
kakadestino lamang at isa rin sa mga nagugustuhan ni Alejandro sa opisina nila. Galing sa pamilya ng
2. mga pulis si Alex, at bilang nag-iisang babae sa kanila, ay nagging mahirap sakanya na tanggapin ang
desisyon ng kanyang ama na maging isang pulis rin siya.
“O Alex, papunta na akong opisina pero hindi kaya ng sasakyan ko ang taas ng tubig. Tuloy ka.”
“Salamat sarhento. Nga pala, Celestine daw yung pangalan nung estyudyanteng pinatay kanina.
Mukhang may karanasan sa baril ang pumatay. Batay sa forensics, dalawang bala ang tumama sa babae
ngunit sa parehong lugar tumama kaya nagmumukhang isang bala lamang ang tumama.”
“Celestine? Kilala ko ata siya. Minsan ko na siyang nakasabay kumaen sa Jolibee sa kanto at
ininterview na rin niya ako dati para sa isang proyekto nila. Ano kaya ang dahilan kung bakit siya ang
pinatay?”
10:00 PM
Natutulog na si Alejandro nang biglang may tumawag sa telepono niya.
“Oh Hepe, bakit kayo napatawag. Gabing gabi na at natutulog ako.”
“Natagpuang sa may ilog si Alex. Mukhang ginamit ang malakas na ulan para matanggay ang
bangkay sa ilog at mawala ang finger print ng pumatay. Di ba galing siya diyan kanina?”
“Oo sir pero sandal lang siya rito. Sabi niya may kelangan pa raw siyang bilhin para sa nanay
niya. Sabi ko nga, magpalipas na lang muna ng ulan pero nagpumilit pa rin umalis.”
“Sige. Report ka na lang sa opisina bukas at sana tumila na ang ulan.”
3:00 AM
“Sino yan?”
Kinuha ni Alejandro ang kanyang baril at tinutok sa may bintana. Napakalakas ng ulan nang mga
panahong iyon at dahil sa liwanag na dala ng kidlat, kita ni Alejandro ang hugis ng isang lalake sa
nakaharap sa kanya.
“Magsalita ka!! Sino ka?”
“Ako? Ako ikaw!”