2. Ako po si Aling Iska, tatlumpu’t limang taong gulang, ina,
may limang anak, at naninirahan sa Lungsod Quezon at
kasalukuyang nagtatrabaho bilang tindera sa isang palengke.
Labing siyam na taong gulang ako noon nang makapag-
asawa. Makalipas ang isang taon, naranasan ko na ang
maghanap-buhay mabuhay lang ang aking panganay na anak at
aking asawa. Ang aking asawa ay tamad at may bisyo tulad ng
paglalasing, pagsusugal, at iba pa. Kapag siya ay dumarating ng
bahay at walang pagkain sa hapag kainan, ako ay kaniyang
binubugbog.
3. Hindi ako makaalis sa kaniyang poder dahil sa kaniyang
pananakot. Dahil sa aking hirap sa pagtatarabaho at
pambubugbog ng aking asawa, ako ay nagkaroon ng sakit na
tuberculosis. Wlala akong pantustos dahil inuuna ko po ang
pagkain ng aking pamilya.
Ako po si Aling Iska. Nais ko pong gumaling at higit sa lahat
ay makahiwalay nang maayos sa aking asawa na nambubugbog.
Sana huwag kayong matulad sa akin.
4. Sagutin
1. Sino ang nananawagan? Ano ang kanyang panawagan?
2. Paano niya nakuha ang sakit na kanyang dinaranas?
3. Bakit niya naisipang lumantad kahit ito ay nakaaapekto sa
kaniyang dignidad?
5. 4. Ano ang isyung nalaman mo na nagpamalas ng kawalan
ng dignidad at seksuwalidad?
5. Nakatulong ba sa iyo ang kaniyang panawagan?
6. Bakit mahalaga na masuri mo ang isyung natutungkol sa
dignidad at sekswalidad.
6. Tandaan
Narito ang mga batas na lumalaban sa karapatan ng mga
kababaihan at mga anak.
1. (R.A 7877 (An Act Declaring Sexual Harassment Unlawful in the
Employment, Education, or Training Environment, and for Other
Purposes).
- Tinatawag ding Anti – Sexual Harassment Act of 1995
2. R. A. 9262 (An Act Defining Violence Against Women and Their
Children, Providing for Protective Measures for victims, Prescribing
Penalties Therefore, and for Other Purpose)